The Husband

By Love_miamore

7.5K 376 87

"Pagod na ako, pagod na akong magpanggap, pagod na akong magkunwari na okay lang ang lahat dahil ang totoo ay... More

Disclaimer
Kale Louis Alcantara
Prologue
Rankings!
Chapter 1
Chapter 2
Kierro Alani Esguerra
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 3

468 33 7
By Love_miamore


Kale Louis Alcantara

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay nadatnan ko ang seryosong tinginan ng dalawa na para bang may mga kuryente at apoy na namamagitan sa mga tingin nila. Hindi ko alam kung ilang minutong nagtagal ngunit natigil lamang ito ng makita ako ni Kierro na nakatayo sa may bungad ng pintuan. 

Agad nagbalik sa panonood si Kierro at nakangiting lumapit naman sa akin si Van na para bang walang nangyari kanina kanina nina lamang.

"Kierro." pagkuha ko sa kanyang atensyon. Napalingon naman ito sa amin. "Si Van nga pala kaibigan ko." Tumango lamang ito "Van this is Kierro Alani, my...ex fiance." napalunok dahil pakiramdam ko nahihirapan akong magsalita sa harap nilang dalawa. 

Nagkatinginan lang ang dalawa ngunit walang ibinigkas na kahit man lang isang salita.

Tumango lang ulit ito at agad ding ibinalik  ang kanyang atensyon sa panonood.

"Let's go"  Tumango lang ako kay Van at dumiretso na kami sa may kusina para maghanda.

"Baby do you need my help?" nagtaka man ako sa naging tawag nito sa akin ay tumango parin ako.

"Yes please. This vegetables, you need to wash to remove the dirt and chop for the sinigang." Tumango lamang ito saka kinuha ang gulay na isasahog sa siinigang. Paborito kasi iyon ng mag ama kaya yun ang lulutuin ko.

Habang abala si Van sa paghuhugas ng mga gulay ay inumpisahan ko na ring igisa ang karne para sa sinigang, pagkaTapos ay sinunod ko na din hugasan ang bigas at isalang sa may rice cooker. Tiningnan ko si Van na ngayon ay patapos na sa kanyang ginagawa kaya ibinigay ko na ang kamatis na susunod niyang hati hatiin para sa siarsiado na paborito niya. Wala naman siyang naging reklamo at dire diretso lang ang kanyang gianagawa

Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay kumulo na din ang sabaw, oras na rin para ilagay ang mga gulay. Siguro aabot nalang ng kinse minutos para tuluyan ng maluto. Chineck ko na rin ang kanin at mabuti nalang bumaba na ang tubig.

Nang matapos na ang una kong isinalang ay inumpisahan ko ng iprito ang tilapia. Habang ako ay abala dito ay nagulat ako ng makaramdam ako ng kamay na pumulupot sa aking bewang. Nilingon ko ito at nakita kong si Van na nakangiting parang tanga.

"Van Van, anong ginagawa mo baka may makakita sa atin. Makita ni Hayden. Tanggalin mo nga yang kamay mo." Umiiling lang ito at hindi pinakinggan ang aking sinabi. Hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin na parang mawawala ako. Sinubukan kong kumawala pero napakahigpit ng yakap niya kaya hinayaan ko nalang. Hindi naman sa hindi ako komportable dahil matalik na kaibigan ko siya pero baka kasi makita kami ng anak ko at natatakot ako kung anong iisipin nito.

"Baby, I miss you so much." natawa nalang ako sa kanyang sinabi na akala mo naman hindi niya ko kayakap. "I miss you too" Namiss ko rin naman ang lalaking ito dahil ilang taon din siyang wala sa pilipinas isa? Dalawa? Tatlo? Kaya siguro ganito nalang niya ako namiss. Clingy na siya noon pero bakit parang naging sobra na ngayon.

" Hmmm.." huminga ito ng malalim sa likod ko pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglaang pagharap nito sa akin at pinagdikit ang mga labi namin. Ngunit ganun nalang ang paglaki ng mga mata ko at paglukob ng kaba sa dibdib ko nang makita kong nakatayo si Kierro sa may bungad ng pintuan na walang emosyong nakatingin sa amin.

Agad akong napaatras na naging dahilan ng pagtataka ni Van ngunit hindi nakalagpas sa aking paningin ang ngising nakaukit sa kanyang labi ng mapalingon ito sa may pintuan.

"Gutom na daw si Hayden." tanging nasabi nito habang walang emosyong nakatingin sa akin bago siya bumalik sa may sala.

Hinarap ko si Van na ngayon ay nakangiti ngunit mababakas parin ang pag alala sa kanyang mukha.

"Why did you do that Van? Okay lang na niyakap mo ako kanina pero yung halikan mo ako mukhang napasobra kana." mahinahon kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako or mafrufrustrate dahil sa nangyari.

"I'm so sorry, namiss lang talaga kita at hindi ko naman alam na pupunta siya dito. Alam mo namang gusto kita diba?" hinging paumanhin niya saka niya ako niyakap. Tumango nalang ako bilang pagtugon dahil hindi ko alam kung anong sasabihin at magiging reaksyon ko.

Malungkot? Frustrated? Siguro dahil sa gusto kong makita na magseselos si Kierro dahil sa nakita niya because I'm still hoping that he still loves me, he still cares for me.

I sighed.

Inihanda ko na ang pagkain pagkatapos ay tinawag ko na silang mag ama. Mabuti nalang at wala masyadong nagsalita habang kumakain kami dahil pakiramdam ko magiging awkward lamang. Nang matapos kaming kumain ay agad na ring nagpaalam si Van dahil tumawag na ang kanyang pinsan na tutulong sa kanyang humanap ng kanyang bibilhing bahay.

Humingi ulit ito ng pasensya dahil sa nangyari at sinabing baka mapapadalas na ang pagdalaw nito sa amin ng anak ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo bago siya tuluyang umalis.

Nang makaalis ito ay agad ako bumalik sa kusina para ayusin at hugasan narin ang mga ginamit namin sa pagluluto. Habang abala ako ay nagulat nalang ako ng pumasok si Kierro at kumuha ng tubug sa may Refrigerator.

"Hindi ko alam na may kaibigan ka pala bukod kay Oliver." nagulat ako ng magsalita ito pero napangiti na rin dahil ngayon lang ulit siya nakipag usap sa akin na siya ang nauuna.

"Dalawa ang matalik kong kaibigan nung High school ako. Siguro hindi mo lang nakilala si Val dahil ilang taon din siyang nasa ibang bansa para mag aral ng kolehiyo. Nakangiting sagot ko pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin. 

"Kaibigan nga ba talaga?" tanong nito pero ang ipinagtaka ko kung bakit nakakita ako ng galit sa kanyang mga mata ng banggitin niya ang salitang 'kaibigan' o baka namamalikmata lang ako.

Is he jealous? Bigla nalang akong napangiti sa aking naisip pero hindi ko hinayaang ipakita iyon sa kanya. Kung biruin ko kaya?

"Bakit nagseselos ka kung sabihin kong nililigawan niya ako?. Alam mo bang napapaisip rin ako kung kailangan ko na nga bang tanggapin siya sa buhay ko. What do you think?" nakangiting biro ko pero agad din iyong nawala at napalitan ng hiya at pananakit ng puso ko sa binitawan niyang salita.

...

Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na rin siyang namalaam sa anak namin at sinabihang sususunduin nalang siya sa sabado dahil hindi siya makakadalaw ng ilang araw. Buti naintindihan naman ito ng anak namin. Nagpaalam din ito sa akin, tanging tango at ngiti lang ang aking naitugon.

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay agad rin nag ayang matulog ang aking anak dahil sobrang napagod daw siya kakalaro at panonood kasama ang Daddy at Tito. Nakisali rin naman kanina si Val sa kanila kahit saglit lang dahil iyon naman talaga ipinunta niya. Hindi kilala ng anak ko si Val pero agad ko din itong sinabihan na kaibigan ko kaya nakapagpalagayan din sila ng loob.

Natutulog na ngayon ang anak ko habang ako ay nakatulala, nakakatitig sa mukha ng anak ko inaalala ang naging sagot kanina ng kanyang ama.

Is he jealous? Bigla nalang akong napangiti sa aking naisip pero hindi ko hinayaang ipakita iyon sa kanya. Kung biruin ko kaya?

"Bakit nagseselos ka kung sabihin kong nililigawan niya ako?. Alam mo bang napapaisip rin ako kung kailangan ko na nga bang tanggapin siya sa buhay ko. What do you think?" nakangiting biro ko pero agad din iyong nawala at napalitan ng hiya at pananakit ng puso ko sa binitawan niyang salita.

"Why would I feel jealous if I have already someone I love? I have my wife so why why would I be? Do you still expecting that I still love you?" seryoso niyang tanong nakapagpatigil sa akin.

'Oo, I'm still expecting that you still love me dahil ako mahal na mahal pa rin kita at gusto kong ayusin ang pamilya natin.' Yan ang gusto kong isagot pero mababago ba nito ang lahat na nangyari? Maaayos parin ba nito ang pamilya namin? May asawa na siya at alam kong bubuo na din sila ng pamilya.

Pero paano naman ang anak ko?

Hindi man ako nakasagot agad ay napatawa nalang ako, maitago lang ang sakit at panghihinayang na nararamdaman ko.

"Hindi ah, alam ko namang mahal na mahal mo ang kapatid ko eh kaya nga pinakasalan mo." nakangiti kong sagot.

"That's good to hear." seryosong sambit niya bago siya lumabas at bumalik sa may sala.

Hinayaan ko lang na lumandas ang aking mga luha dahil hindi ko na kaya ang sakit at bigat na nararamdam ko ng ilang buwan. Mabuti nalang at tulog ang anak ko dahil ayokong makita niya ako sa ganitong estado.

"I'm sorry anak, I'm so sorry. Hindi kita mabibigyan ng buong pamilya. Mahal na mahal ko ang Daddy mo pero mahal niya rin ang kapatid ko. At kung yun ang magpapasaya sa kanya, magiging masaya na rin ako."

Sana maintindihan at matanggap mo balang araw anak na hindi na tayo mabubuong pamilya.

Patawad anak, patawad.


To be continued...


A/N:

Natapos din ang Chapter 3! Thank you for reading voting my story guys!  May bago rin akong story, you can check if you want. Happy reading.

Continue Reading

You'll Also Like

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...