My Husband is Gay

By Jejelobsss

98.4K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 23

1.9K 83 7
By Jejelobsss

Chapter 23: Truth or Dare

Masigabong palakpakan ang maririnig sa dalampasigan ng isang Isla dito sa Palawan ng inanunsiyo na ang ganap na mag-asawa. Tapos na ang kasal nila Ate Jenel at Kuya Rowel. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko at lumapit sa unahan kong saan ay kukuhanan kaming lahat na mag-anak ng larawan. Pagkatapos kunan ng larawan sila Ate Jenel ay lumapit kami sa'kanila. Ngumiti naman ako ng tumabi sa'kin si Ay-Ay na nakatingin lang sa harapan.

Ang gwapo niya sa suot niyang puting suit. Naalala ko tuloy ang kasal namin noon. Matagal na din nung ikasal kami 'a. At akala ko noon ay walang mabubuong pagmamahal sa'min noon pero ngayon ay nagkaaminan na kaming dalawa. Halos hindi ako makatulog ng gabing yun dahil sa sobrang saya. Ewan ko ba, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.

"Tingin sa camera, 'wag sa maganda kong mukha." masungit niyang sabi ng mapansin na nakatingin ako sa'kanya.

Napanguso naman ako at napabungisngis. Minsan ang sungit niya pero minsan din ay sweet sa'kin.

Pagkatapos ng pagkuha ng larawan ay pumunta kami sa wedding reception dito.

"Kumain ka na."

Mula sa panonood ng nagsasayaw na mag-asawa ay napabaling ako kay Ay-Ay at inusog niya ang isang plate sa'kin na my lamang pagkain.

Napanguso ako, "Papatayin mo ba ako?" kumunot ang noo niya.

"What? Why would I do that?" naiinis niyang tanong.

Napakamot naman ako ng pisngi ko, "May allergy ako sa mga seafoods."

Seafoods ba naman kasi ang ipakain sa'kin 'e. Sabagay hindi naman niya alam na may allergy ako sa pagkain na ito dahil kunti palang naman ang nalalaman namin sa isa't isa.

"Oh, s-sorry." inilayo niya sa'kin ang plato na may seafoods.

Napangiti naman ako at inaangat ko ang isang kutsara na may chocolate cake.

"Say ah." napatingin naman siya sa'kin at sa kutsara.

Kumunot ang noo ko, "Anong ginagawa mo?"

Ngumuso ako, "Sinusubuan ka. Dali na, nangangalay na yung kamay ko."

Inirapan nalang niya ako pero kinain din niya iyun. Napangiti naman ako ng matamis.

Maya maya ay tumayo ako para pumunta sa comfort room dito. Nag paalam muna ako kay Ay-Ay na aalis muna at pinayagan naman niya ako basta daw ay hindi ako magtagal. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lumabas ako.

Hindi muna ako pumunta sa reception dahil gusto kong magpahangin muna. Nakatingin lang ako sa madilim na dagat habang nakayakap sa sarili ko. Gabi na kasi ngayon kaya medyo malamig ang simoy ng hangin. Naramdaman ko nalang bigla na may yumakap sa bewang ko mula sa likod kaya napangiti ako ng malanghap ko ang pamilyar niyang pabango.

"Sabi ko sayo huwag kang magtagal tapos nagawa mo pang magpahangin dito."

Natawa naman ako, "Gusto ko lang magpahangin 'e."

"Tss, siguro may kikitain ka dito noe?" nangunot naman ang noo ko at tiningala siya.

"Wala naman akong trabaho para may kitain ako."

Inirapan naman niya ako pero natawa siya, "Hindi ko alam kung bakit sayo pa ako nagbago. Napaka slow at tangeks mo 'e."

Pinalo ko naman ng mahina ang braso niya, "Hindi ko din alam kung bakit ako nagkagusto sayong bakla ka."

"Ang ganda ko naman kasing bakla. Kaya sinong tao ang hindi magkakagusto sa'kin?"

Napanguso naman ako sa kayabangan niya.

"Ako."

Nagsalubong ang tenga niya, "Sabi mo-"

"Kasi hindi kita magugustuhan kundi mamahalin kita."

Nalaglag naman ang panga niya pero napakagat labi din at nagpipigil ng ngiti. Kahit medyo madilim ay nakita ko ang pamumula ng pisngi niya at ng tenga niya. Ang cute!

"Wow ha, ang galing ng banat mo. Tinalo mo ako." napasubsob naman siya sa balikat ko kaya medyo nakiliti ako dahil tumatama ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

Humigpit ang pagyakap niya sa'kin kaya napangiti ako. Parang ayaw niya akong pakawalan sa higpit ng yakap niya 'e. Napatingala ako sa kalangitan na maraming mga bituin. Ang ganda at ang dami din nila.

"Nilalamig ka na ba?" napatingin ako sa'kanya kaya nagtama ang ilong ko sa pisngi niya.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. Napalunok ako bago sumagot.

"N-Nilalamig na." ngumisi siya at bahagyang lumayo sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na sa loob. Baka hinahanap na tayo."

Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad habang nakahawak ang kamay namin. Hindi maalis ang ngiti ko habang naglalakad kami. Hanggang ngayon ay naninibago at hindi pa rin ako makapaniwala na ang bakla kong asawa ay ganito ka sweet kahit minsan lang at may nararamdaman din siya sa'kin na katulad ng nararamdaman ko sa'kanya.

Parang kahapon lang na palagi kaming nagbabangayan na dalawa at hindi gusto ang isa't isa pero ngayon, ibang iba na. At masaya ako dahil nagbabago na ngayon si Ay-Ay ng paunti-unti.

Pagkarating namin sa reception ay sumasayaw na ang ilan sa nga dumalo habang nanonood naman ang bride at groom. Akala ko ay uupo na kaming dalawa ni Ay-Ay ng makarating kami sa table namin pero hindi. Hinila niya ako sa gitna at hinawakan ang kamay ko. Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at hinawakan naman niya bewang ko at bahagyang hinila papalapit sa'kanya.

Namula naman ang pisngi ko at nag iwas ng tingin.

"H-Hindi ako marunong sumayaw." nauutal kong sabi.

"Sabayan mo lang ako." ngumiti siya sa'kin dahilan para mapanguso ako.

"Kailangan pa bang ngumiti?" masungit kong turan.

Ang bilis bilis na naman kasi ng tibok ng puso ko nung ngumiti siya at ramdam na ramdam ko din ang pamumula ng pisngi ko. Basta kapag kasama ko siga ay lagi nalang mapula ang pisngi ko 'e.

Natawa naman siya, "Kinilig ka?" taas baba ang kilay niya kaya napanguso ako.

"Bakit ako kikiligin? Nakakakilig ka ba?" natawa na naman siya at bigla akong hinalikan ng mabilis na ikinatigil ko sa pagsabay sa pagsayaw niya.

Pulang pula ang pisngi ko sa ginawa niya at pinalo ko ang dibdib niya pero mas lalo akong nahiya dahil sa ginawa ko. Ang tigas 'e. Sigurado bang bakla itong asawa ko? Bakit lalakeng lalake ang katawan nito? Imagine matigas ang dibdib tapos may abs pa.

"Chansing yan bhe 'a." napabungisngis siya, kaya natawa din ako dahil sa kabaklaan ng boses niya. Ang cute!

"Aww!" daing niya bigla ng matapakan ko ang paa niya.

"Naku, sorry bakla." natataranta kong sabi, "Sabi na kasing hindi ako marunong 'e." napasimangot naman ako.

Ginulo niya ang buhok ko, "Keribells ko naman basta ang mahalaga ay matuto ka."

Ngumuso naman ako, "Baka masaktan ka 'e."

"It's ok. Sabayan mo si me." tumango naman ako at sinabayan nalang siyang sumayaw.

Minsan ay natatapakan ko ang paa niya pero ayos lang daw kahit daing ng daing. Mabuti na nga lang ay natuto din ako, yun nga lang ay nagyaya na akong maupo dahil masakit na ang paa ko.

Nang matapos ang pagdiriwang ay hindi na mahagilap sila Ate Jenel pero hindi naman nila hinanap dahil baka daw magha-honeymoon na daw ang dalawang yun na hindi ko naman maintindihan pero sila ay tumatawa lang. Umalis na rin ang ilang bisita at ang mga staff nalang ang nandito pati na rin kami. Nasa dalampasigan nga lang kaming lahat na magpipinsan kasama si Ay-Ay, Noel at ang tatlong babae na girlfriend nila Kuya Greg, Tark, at Kuya Gael.

"Cheers, guys!" sigaw ni Kuya Jared, pinaka maingay sa'amin.

Napanguso naman ako sa'kanila. Wala kasi akong basong alak 'e, ayaw akong painomin ng alak ni Ay-Ay.

"Oh, wawa naman yung baby insan natin! Hindi pinapayagang uminom." natatawang sabi ni Kuya Gael na ikinatawa naman nila.

"Oo nga, Kuya 'e. Tubig lang naman yang alak na yan, hindi naman ako malalasing." napanguso ako, "Aww." napadaing nalang ako ng batukan ako ni Ay-Ay na nasa tabi ko lang.

"Anong tubig lang 'to? Isang inom mo pa nga lang ay bagsak ka na." napairap naman siya na ikinasimangot ko.

"Ang cute niyo!" natatawang sabi ni Daisy, girlfriend ni Kuya Gael na kaharap namin.

"Ang ganda kamo." napa flip hair naman siya kahit hindi mahaba ang buhok na ikinatawa ko.

Napatingin naman ako sa bonfire at kumuha ako ng stick na may marshmallow. Malamig ngayon pero naiinitan naman kami dahil sa apoy na nasa gitna naming lahat. Nakapa bilog kami habang nasa gitna ang bonfire.

"Kayong dalawa," nakangiting sabi ni Cass sa'min ni Ay-Ay, girlfriend ni Kuya Tark, "Diba kasal na kayo? So, naghoneymoon na ba kayo? Katulad ng ginagawa nila Jenel ngayon."

Nangunot ang noo ko habang si Ay-Ay ay biglang napa-ubo at natawa naman yung mga pinsan ko.

"Yung honeymoon ba ay bubuyog na nakatira sa buwan?" tanong ko at bahagyang tumabingi ang ulo ko.

Nagulat nalang ako ng humagalpak sila ng tawa tapos yung pinsan ko na kambal ay may pahampas hampas pa sa buhangin habang tumatawa.

"Sabi ni mama ay wala tayong lahing baliw pero mukha yatang nagkamali si mama. Mga baliw." naiinis na sabi ko na ikinatawa nalang nila.

"Ikaw lang naman ang baliw sa'kanila, Miracle." sinamaan ko ng tingin si Ay-Ay at pinalo sa braso.

"Kainis ka." inirapan ko siya at natawa nalang ulit siya.

"Palagi niyong inaapi si Miracle 'a." inakbayan ako ni Noel na nasa kabila ko lang, pinagigitnaan ako ng dalawa.

"Oo nga, doc." napanguso ako at ginulo niya naman ang buhok ko.

"Dude..." napasinghap naman ako ng marinig ko ang lalakeng lalakeng boses ni Ay-Ay kaya napatingin ako sa'kanya na matalim ang tingin kay Noel.

"Dude..." sabi naman ni Noel at itinaas ang braso niyang nakaakbay sa'kin habang natatawa.

Narinig ko naman ang pagtawa ng mga pinsan ko. Nagulat nalang ako ng hapitin ako ni Ay-Ay kaya napadikit ako sa'kanya.

"Nalingat lang ako ng tingin, duma-moves ka na." nakangising sabi ni Ay-Ay pero naiinis ang tono.

Natawa si Noel, "Jealous gay huh?"

Nagpalipat lipat naman ang tingin ko sa'kanilang dalawa na matalim lang ang tingin sa isa't isa.

"Hoy, tama na yan. Maglaro nalang tayo." natatawang sabi ni Kuya Hanz kaya napabaling ang atensiyon namin sa'kanya.

"Ano na namang laro yan, bal?" tanong ni Kuya Enzo sa kakambal niya.

Kambal for short bal, yun ang palaging tawagan nilang dalawa.

"Truth or Dare!"

"Game!" sigaw namin, palagi naming nilalaro yun 'e.

Kinuha naman ni Kuya Hanz ang bote na wala ng laman at inilapag sa buhangin. Nakangiti niya kaming tiningnan.

"Alam niyo naman kung paano ito laruin diba?" tumango-tango kami, "Pero sasabihin ko pa rin. Ang magpapaikot ng bote ay siyang magtatanong o uutos sa taong natapatan ng bunganga ng bote na ito. At kung hindi niyo susundin at sasagutin ay may inihanda si bal!" ngiting ngiting sigaw niya at may ibinigay sa'kanya si Kuya Enzo na bote na may laman.

"May halo halong alak ito at may toyo, suka at oil din!" natatawang sabi ni Kuya Hanz.

"Omyghad! Ayoko na!"

"Yuck, insan! Kadiri naman niyan."

"Gago, bro!"

Sabay sabay na reklamo nila habang ako ay nakabusangot lang habang nakatingin sa bote. Ano kayang lasa nun?

"Bawal mag quit. Sumali-sali kayo tapos aayaw kayo? Bawal yun."

"Game na nga!" napabuntung hininga pa sila.

Sinimulan niyang ipaikot ang bote at ang unang natapatan ng bunganga ng bote ay si Kuya Santi! Napakamot naman siya ng ulo.

"Truth." sabi niya kahit hindi pa naman nagtatanong si Kuya Hanz ng truth or dare ba.

Nakapangalumbaba lang ako habang nag-aabang ng itatanong ni Kuya Hanz.

"May girlfriend ka ba ngayon?" nakangising sabi ni Kuya Hanz.

Na-excite naman ako sa tanong niya dahil ang alam naming magpipinsan ay hindi pa nagkakaroon si Kuya Santi pero may balibalita na ngayon na may dine-date daw si Kuya Santi na hindi naman namin matanong kong totoo ba o hindi dahil titingnan lang naman kami niya ng matagal kaya wala kaming makuha kuhang sagot.

"Meron." napasigaw naman kami at pumapalakpak ako sa tuwa.

"Sino yun, Santi?" ngiting ngiti na tanong ni Kuya T.

"Ako pa ba yung natapatan ng bote?" masungit na sabi ni Kuya Santi na ikinareklamo na naman namin.

"Gago ka kasi bal, kung tinanong mo sana na kung sino ang dinedate ng pinsan natin 'e. Hindi yung kung meron ba siyang dinedate dahil alam naman natin na meron nga." naiinis na sabi ni Kuya Enzo na ikinatawa nalang namin.

Si Kuya Santi na naman ang nagpaikot ng bote at tinapatan ng bunganga ng bote si Noel na ikinangiti ko.

"Truth, bro." natatawang sabi ni Noel, pareho din sila ni Kuya Santi 'e. Hindi makapag hintay.

Ngumisi si Kuya Santi at nagtaka naman ako ng biglang humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Ay-Ay sa kamay ko na nakahawak sa'kin kanina pa.

"Do you like, Miracle?" napatingin ang seryosong mukha ni Kuya Santi sa'kin.

Napalunok naman ako at napatingin ako kay Noel na nakatingin pala sa'kin. Kuliglig lang ang maririnig sa katahimikan na namamayani sa'min hanggang sa natawa si Noel na ikinataka ko.

"No." nakahinga naman ako ng maluwag at tumingin kay Ay-Ay pero kunot noo lang ito, "Because I already love her."

Napatigil at napasinghap ako sa idinugtong ni Noel. Napakagat ako ng labi. Napatingin ako kay Ay-Ay dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakita ko ang pinipigilan niyang galit sa mga mata niya kaya hinaplos ko ang braso niya dahilan para mapatingin siya sa'kin at bahagyang kumalma siya.

"Ok, guys! Ako naman ang magpapa-ikot!" pagputol ni Kuya Enzo sa katahimikan na namamayani sa'min.

Kinuha naman ni Kuya Enzo ang bote kay Kuya Santi na dapat sana ay si Noel ang magpapaikot.

Pagkatapos niyang paikutin iyun ay nagulat nalang ako ng biglang tumapat ulit iyun kay Noel.

"Dare." natatawang sabi ni Noel.

"Ako mag-uutos!" nakataas ang isang kamay ni Hazel, girlfriend ni Kuya Greg at ngumiti siya ng tumango si Noel.

"Halikan mo si Miracle ng limang segundo! Pag hindi mo iyun ginawa, iinom ka ng nasa bote!" napasinghap ako at napatingin kay Noel na nakatingin sa'kin.

"I'm sorry pero ayaw kong uminom niyun." at bigla niya akong hinila papalapit sa'kanya sabay halik sa labi ko na ikinalaki ng mga mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

94.8K 3.1K 56
"I want to see you happy being my friend but how? When the time I saw you happy to the another man make me man too!" -Eric...
40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
1.7M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...