My Husband is Gay

By Jejelobsss

97.6K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 22

2K 97 4
By Jejelobsss

Chapter 22: Mahal kita

Napakurap kurap ako at bahagyang lumayo sa'kanya. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Y-Yan lang ba ang pinunta mo dito? Ang bantayan ako?" nasambit ko.

Para kasing yun lang ang pinunta niya dito 'e pero sabi ni Kuya Santi kapag sumunod daw sa'min dito si Ay-Ay ay ibig sabihin daw ay ayaw niya akong mawala sa'kanya at... mahal daw niya ako.

"No." bumagsak ang balikat ko at tumango nalang.

Bakit ba ako umaasa? I'm sure naman na hindi ako mahalaga sa'kanya at hindi niya ako mahal.

Nilagpasan ko nalang siya para makapag palit na ako at para din hindi niya makita ang malungkot kong mukha. Napatigil naman ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko kaya napatingin ako sa'kanya.

"At ang isa pang dahilan kaya ako pumunta dito ay dahil... ayaw kong ilayo ka nila sa'kin. Ayoko, hindi ko kakayanin kapag inilayo ka nila sa'kin." emosyonal niyang wika at hinawakan niya ang pisngi ko, "Gusto kita. Siguro nga mahal na nga. At kaya kong patunayan 'yun."

Napangiti siya at ako naman ay gulat na gulat na nakatingin lang sa'kanya kaya wala akong nagawa nang hinalikan niya ako sa labi. Napapikit naman ako ng gumalaw ang labi niya sa'kin. Madali ko lang natutunan ang galaw ng labi niya dahil ilang beses naman kaming nag kiss.

Bigla ko siyang naitulak kaya napahiwalay siya sa'kin at napaiwas naman ako ng tingin. Ang init na ng pisngi ko.

"K-Kailan mo pa ako nagustohan ha?" nanginginig na tanong ko at hiyang hiya na din ako.

Napatakip tuloy ako ng mukha sa hiya at ayaw kong makita niya ang pulang pulang pisngi ko. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Lumapit siya sa'kin at dahan dahang tinggal ang kamay ko sa mukha. Napaiwas naman ako ng tingin pero hinawakan niya ang chin ko kaya napaangat ako ng tingin sa'kanya. Nakita ko ang natutuwang mata niya habang tinitingnan ako.

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta ang alam ko lang ay may nararamdaman na ako sayo ng higit pa sa inaakala mo." napatulala naman ako sa mukha niya.

Dinampian niya ng halik ang labi ko kaya namula na naman ang pisngi ko. Ngayon lang ako nag kaganito ng dahil sa panghahalik niya sa'kin! Mas malala pa itong nararamdaman ko kesa nung nakaraang araw na naghalikan na naman kami. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nahihiya at kung gaano ako kasaya.

"Ehem! Ehem!"

Naitulak ko ng malakas si Ay-Ay kaya natumba siya. Napakagat naman ako ng labi ng dumaing siya sa sakit.

"Tapos na kayo sa sweet moments niyo?" nababagot na sabi ni Kuya Santi.

Paano siya nakapasok sa kwarto ko? Namula naman ako bigla at dali daling kong kinuha ang damit ko sabay pasok sa banyo. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng kwarto. Hinanap ko si Ay-Ay at Kuya Santi pero wala sila sa sala dito pati na sa kusina. VIP kasi itong room ko, sobrang lawak pero mas nakakapagod naman maglakad sa mansion namin sa sobrang lawak, maliligaw ka na.

Lumabas nalang ako sa room ko at pumasok sa elevator papunta sa baba. Nang makalabas ako ay nahagip ng mata ko si Ay-Ay at Kuya Santi na nag-uusap sa lobby. Lumapit ako sa'kanila kaya napatingin sila sa'kin. Napatingin ako kay Ay-Ay pero napalunok ako sa tingin niyang masama habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ko.

"Ang ganda naman ng suot mo. Pwedeng ako nalang ang mag-suot?" kumunot ang noo ko dahil hindi naman himig na gusto talaga niyang isuot ang damit ko kundi ay nahihimigan ko ang galit niyang boses.

"Tss. Sabihin mo nalang na mag-palit siya ng damit hindi yung ganyan pa ang sasabihin mo." natatawang sabi ni Kuya Santi sabay alis niya.

Napakamot naman ako ng pisngi. Ano namang masama sa short na kulay puti na hanggang legs ko at damit na kulay puti na nakikita ang colar bone ko? Wala namang masama 'e.

"Magpalit ka ng bagong damit." napatingin ako kay Ay-Ay na nakatingin sa kung saan.

"Ako ba kausap mo?" takang tanong ko.

Naiinis naman na tumingin siya sa'kin, "Sino pa ba? Ikaw lang naman ang kausap ko 'a."

"E hindi ka naman nakatingin sa'kin habang nagtatanong ka. Kaya siguro hindi ako ang kausap mo, baka yung pader." napanguso naman ako.

"Ikaw at ang pader ay iisa."

"Ha?"

Ako at ang pader ay iisa? Ano namang ibig sabihin ng baklang 'to? Hindi ko gets ang sinasabi niya.

"Hakdog ka. Basta magpalit ka ulit ng susuutin mo."

"Ayoko. Nagugutom na din ako 'e, baka, magtagal pa ako kapag nagpalit ako."

Napabuga naman siya ng hangin at sinabunutan niya ng buhok niya na ikinataka ko. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang mga tao kung bakit sinasaktan nila ang sarili nila.

Hinawakan naman niya ang kamay ko na ikinalaglag na naman ng puso ko sa kaba at namula na naman ang pisngi ko.

"Hinawakan ko lang ang kamay mo, kinilig ka na agad?" ngumisi siya.

Kanina galit tapos ngayon ngumingisi na sa'kin?

Sinapak ko naman ang braso niya, "G-Ginulat mo kasi ako." napaiwas ako ng tingin.

"Iba pala ang epekto ko sayo." hindi maalis ang ngisi niya sa labi niya kaya namula na naman ako at napanguso.

Natawa siya at kinurot ang pisngi ko.

"Tara na. Para malagyan na ang baby tummy mo ng pagkain." ngumiti siya at hinila na ako.

Napangiti naman ako habang nakatingala sa'kanya. Papunta kami ngayon sa isang restaurant na malapit lang sa hotel kung saan nandun sila mama. Pagkapasok namin ay lumapit kami sa pwesto nila kaya napatigil sila sa pagkwekwetuhan at napatingin samin sabay tingin sa kamay naming magkahawak.

"Good morning, Aywayne." bati ni papa kay Ay-Ay.

Napanguso naman ako dahil una niyang napansin si Ay-Ay.

"Good morning, pa." ngumiti si Ay-Ay.

Nagulat naman sila mama. Hindi kasi noon tinatawag na mama at papa sila mama kundi tita at tito lang. Ang arte kasi niya noon at galit din sa'kin.

"Omyghad! Did you heard that, honey? And look, magkahawak sila ng kamay!" tuwang tuwang sabi ni Mama at itinuro pa niya ang magkahawak naming kamay.

Namula na naman tuloy ako dahil sa mga tingin ng pinsan ko samin ni Ay-Ay. Naupo na ako sa tabi ni Kuya Hanz.

"Hmm, mukhang may nangyaring maganda sa'inyo 'a." bulong niya.

Napanguso naman ako, "Maganda naman talaga ang araw."

"Walang connect sa sinabi ko."

Napatingin nalang ako sa tapat ko, kung saan naka-upo si Ay-Ay habang nasa magkabilaan niya sila mama at papa. Ngumiti siya sa'kin, yung ngiting nakakasilaw kaya napa-iwas ako ng tingin.

"Kakain na ba tayo, Tita?" tanong ni Kuya Enzo kay Tita Merideth na kapatid ni papa.

"May inaantay pa ang Kuya Santi mo." nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Sino kaya ang inaantay ni Kuya Santi? Pero nasagot ang tanong ko ng may naupo sa kabila ko.

"Good morning!" napatingin ako sa'kanya at nakatingin lang siya sa'kin.

Namula naman ako sa hiya at bigla akong hindi naging kumportable kaya pasimple kong tiningnan si Ay-Ay. Ang sama sama na naman ng tingin niya sa'kin!

"G-Good morning din, Doc." bumaling ako kay Doc. Noel at ngumiti.

"Don't call me that, kapag nasa labas tayo. Just call me, Noel. Ok?" ginulo niya ang buhok ko at tumango nalang.

"Ehem, Noel." tawag sa'kanga ni Kuya Santi at tiningnan niya ito.

Natawa naman siya sa hindi malamang ko kadahilanan at napaayos siya ng upo.

"Kumain na tayo! Gutom na ako 'e!" nakangiting sabi ni Kuya Enzo.

Nag-simula naman kaming kumain ng agahan habang nag-kwekwentuhan sila. Nakikinig lang din naman ako sa'kanila habang kumakain. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa gaganaping kasal, apat na araw nalang ay magsisimula na kasi. Lahat ay planado na nila kaya wala na silang poproblemahin. Hindi ko nga nakita dito si Ate Jenel kasi bawal daw magkita ang ikakasal.

"Umalis ka dyan, Hanz."

Napaangat ako ng tingin kay Ay-Ay na nakatayo sa may tabi ni Kuya Hanz. Kumunot ang noo ko.

"Wow ha?" nakangising sabi ni Kuya Hanz pero tumayo din at tumabi sa kakambal niya.

Napanguso naman ako ng makaupo siya at tiningnan ako.

"Bakit mo pinaalis si Kuya Hanz? Nakaupo yung tao 'e."

Tumaas naman ang kilay niya, "Kung hindi ko siya pinaalis ay lalandian ka ng doctor na yan. Oo, gwapo siya pero sarap basagin ang mukha niya kapag dumidikit sayo." umikot ang mga mata niya.

Pinalo ko ang braso niya na sinamaan ako ng tingin.

"Ang sama mo talaga kay Noel."

"E inaagaw niya ang akin."

"Ano namang inaagaw sayo?" takang tanong ko.

Sa pagkakatanda ko ay wala namang inaagaw sa'kanya si Noel 'e. Napaka abnormal talaga nitong baklang 'to 'e.

"Really, wife?" hind makapaniwalang tanong niya kaya nagtaka ako.

"You're so slow and innocent, Miracle. But I like that." biglang singit ni Noel sa'min.

Magsasalita na sana ako ng hapitin ni Ay-Ay ang bewang ko kaya napalapit ako sa'kanya lalo habang nakaupo.

"Nag-uusap kaming dalawa tapos e-exsina ka? Attitude ka, boy?" singhal sa'kanya ni Ay-Ay na ikinatawa ni Noel.

Napatingin ako sa mga pinsan ko at kila mama pero parang wala silang pakialaman sa nangyayari sa sa'min dito. Busy sila sa pag-uusap 'e.

"You're so gay." napanguso naman ako sa sinabi ni Noel.

Yeah, he is gay. At tanggap ko na ganun siya.

"Yes, I am really a gay. And I'm proud of it. So, back off. Kung ayaw mong lumabas ang pagiging lalake ko." seryosong sabi ni Ay-Ay na ikinalunok ko.

Ayaw na ayaw ko talaga siyang makikitang galit dahil nakakatakot siya kapag ganun. Napailing iling nalang si Noel habang nakangiti, mukhang hindi natakot sa sinabi ni Ay-Ay.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ako ni Ay-Ay na mamasyal sa dalampasigan. Humiwalay naman ako sa'kanilang lahat ng matapos naming makapag pa-alam kila mama na mamasyal kami ni Ay-Ay.

"Dito ka nga sa tabi ko." napatingin ako kay Ay-Ay at kumunot ang noo ko.

Hindi kasi ako malapit sa'kanya pero nagkakasabay kaming maglakad. Kanina pa siya lapit ng lapit sa'kin pero lumalayo naman ako.

"Bakit ba kasi? Kanina ka pa lumalapit sa'kin 'a." inirapan ko siya.

"E gusto ko hawakan yung pag mamay-ari ko. Tss, maraming mga lalake tumitingin sa ganda mo oh? Di ba pwede ako nalang tingnan nila?" sinamaan niya pa ng tingin ang mga lalakeng tumitingin daw sa'kin.

Napabungisngis naman ako pero napatigil din ng bigla siyang lumapit at hinawakan ng isang bisig niya ang bewang ko. Ramdam ko na naman ang pamumula ng pisngi ko.

"Ipapakita ko sa'kanila na may nag mamay-ari na sayo." naiinis na sabi niya na ikinatawa ko nalang.

Ano ba! Masyado ng masaya ang puso ko sa ginagawa ni Ay-Ay, kulang nalang maging kulay kamatis ang mukha ko sa nararamdaman ko. Ganito pala yung bakla na mag mahal?

"Gusto mo yan bilhin?" napansin yata niya na kanina pa ako nakatingin sa couple bracelet daw.

Nandito kami ngayon sa may bilihan ng kung ano anong pasalubong o kaya gaya nitong bracelet at kwintas.

"Oo. Tig-isa tayo." nakangiting sabi ko.

Binili naman niya iyun sa tindera at nagpasalamat sa'min sa pagbili ng produkto niya.

"Iyan ang simbolo ng inyong tibay na pagmamahalan. Habang suot niyo iyan ay walang makakasira at lahat ng pagsubok ay inyong malalampasan." nakangiting sabi ng tindera.

Napangiti naman ako sa sinabi niya, "Thank you po."

Hinawakan ni Ay-Ay ang isa kong kamay habang naglalakad kami pero hindi ko nalang pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa bracelet ko. Ang ganda nito kahit gawa sa kahoy.

"Naniwala ka naman sa sinabi ng gurang na yun?" napanguso ako sa sinabi niya.

"Gurang?" ano na namang salita yun?

Napairap siya ay pinisil ang kamay ko, "Ako, naniniwala din naman ako sa sinabi ng matandang yun na walang makakasira sa'tin at lahat ng pagsubok ay malalampasan natin basta magkasama tayong dalawa. Pero..." natawa siya at tumingin sa malawak na dagat, "... hindi ko alam kung mahal mo din ba ako katulad ng pagmamahal ko sayo." lumingon siya sa'kin at ngumiti ng tipid.

Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin. Ano bang sasabihin ko? Sasabihin ko din bang mahal ko din siya? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nawalan ako ng sasabihin dahil sa kaba. Pero diba alam naman niya na mahal ko siya? Dahil sabi niya ay umamin daw ako na mahal ko siya nung nilalagnat ako diba?

"Hindi ko talaga alam kung gusto mo talaga ako? O mas gusto mo yung gagong doctor na yun." kumunot ang noo niya.

"Noel ang pangalan niya. Hindi gagong doctor." napasimangot ako.

"Mas gusto mo talaga siya dahil ipinagtatanggol mo pa siya sa'kin." binitawan niya ang kamay ko at naglakad papalayo sa'kin.

Ano nang gagawin ko? Nagtatampo na yung asawa ko. Huminga muna ako ng malalim at sumigaw.

"Cameron Aywayne!" natigil siya sa paglalakad at napatingin sa'kin ng nagtatakang tingin.

Napakagat ako ng labi bago nagsalita, "M-Mali yung iniisip mo tungkol sa nararamdaman ko para kay Doc Noel. I like him as a friend, at hanggang dun lang naman yun."

Nagsalubong lang ang kilay niya kaya nagpatuloy nalang ako sa pagsasalita.

"I-Ikaw... Ikaw yung gusto ko- este ikaw yung mahal ko." hindi ko siya gusto kundi mahal ko siya.

Napaiwas siya ng tingin pero nahagip ng mata ko ang pagngiti niya kaya napangiti din ako. Naglakad siya papalapit sa'kin at huminto sa tapat ko.

Nagkatitigan lang kaming dalawa at rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Bahagyang hinangin ang buhok namin at humaplos ang malamig na simoy ng hangin sa balat ko.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hilahin kaya napasubsob ako sa dibdib niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Gusto sana kitang halikan kaso maraming nakatingin sa'tin."

Namula na naman ulit ako at mas isinubsob ko pa ang mukha ko sa dibdib niya dahil nakakahiya! Marami palang nakatingin sa'min!

Continue Reading

You'll Also Like

829K 69.3K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
457K 6.4K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
11K 607 87
Naranasan mo na bang mainlove sa Isang LALAKI at worst sa Isang BAKLA? Yong Hindi mo sinasadyang makita Siya ng magaganda mong mga mata ay Hindi mo n...
700 80 17
She's Aera sweet and humble. Inadopt siya mula sa ampunan nang mayamang mag-asawa. They have son, Christ, 5 year older than Aera. Ayaw niya ng kapati...