My Husband is Gay

Jejelobsss tarafından

98.4K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... Daha Fazla

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 21

1.9K 109 0
Jejelobsss tarafından

Chapter 21: Walang makakalapit sayo

Dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin pagkababa ko ng kotse. Ibinaba naman ng mga bodyguards ang gamit namin.

“Sweetie, you ok? Kanina ka pa walang imik simula nung bumyahe tayo.” lumapit sa’kin si Mama at hinawakan ang balikat ko.

Ngumiti naman ako sa’kanya ng matamis para hindi na siya mag-alala.

“Ok lang ako, ma. Namimiss ko lang po si Ay-Ay.” totoo naman talaga na namimiss ko na si Ay-Ay kahit ilang oras pa lang kaming magkahiwalay pero hindi yun ang dahilan kung bakit wala akong imik sa buong byahe papunta dito sa Palawan.

Ang totoo niyan, nag-ooverthink na naman kasi ako na baka hindi siya sumunod sa’kin dito. Hindi ko naman kasi natanong kagabi kung susunod ba siya sa’kin dito dahil magdamag kaming nagkulitan kagabi ‘e. At sa byahe ko din napagtanto na baka nung kagabi ay sinulit niya lang na kasama ako kagabi dahil bukas ay hindi na niya ako makikita.

Naiiyak ako kapag naaalala ko yun na baka nga sinulit niya lang na magkasama kami. Baka wala talaga siyang nararamdaman sa’kin ng katulad na nararamdaman ko sa’kanya.

“Oh bakit ka umiiyak? Ganyan mo ba talaga ka-miss ang asawa mo, baby?” natatawang sabi ni Mama.

Pinahiran ko naman ang pisngi ko. Umiiyak na naman ako ng hindi ko namamalayan.

“Opo. Tara na, Ma.” niyaya ko na siya para hindi na siya magtanong.

Pumunta muna kami sa room nila mama na katabi lang namin bago ako pumunta sa nagiging room ko. Mamaya ay darating na ang mga pinsan ko kasama ang ikakasal kaya dapat ay maging maayos ako sa harap nila. Hindi ko muna iisipin ang bumabagabag sa’kin.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay natulog na ako dahil sa pagod na nararamdaman ko.

Nagising ako sa ingay ng phone ko kaya kahit nakapikit ay kinuha ko iyun at sinagot ng hindi tinitingnan ang caller.

“Hello?” inaantok na sabi ko.

“Hmm, kagigising mo lang?”

Napabalikwas naman ako sa higa ng marinig ko ang boses ni Ay-Ay sa kabilang linya. Tiningnan ko ang caller para makasigurado at si Ay-Ay nga!

“A-Ah... oo.” napakamot ako ng batok ko at napatingin sa sliding window.

Ang dilim na sa labas. Napatingin ako sa relo ko, 6:31 na ng gabi. Hindi man lang ako ginising nila Mama pero hindi talaga nila ako ginising ‘e kapag himbing na himbing ang tulog ko. Pinapabayaan nila lang ako magpahinga.

“Hmm, I miss you.” napangiti ako at napakagat ng labi.

“I miss you, too.”

Napabuntong hininga siya, “Kailangan ko ng ibaba, tumawag lang ako para kamustahin ka. At kumain ka na, ok?”

Napasimangot naman ako ng sasagot na sana ako ay ibinaba na niya ang tawag. Napatulala nalang ako sa phone. Hindi pa nga nag-iisang menuto ang pag-uusap namin ‘e.

Naligo muna ako at nagsuot ng floral dress. Pagkatapos kung mag-ayos ay hinanap ko sila Mama. Pumunta ako sa restaurant dito at napatingin ako sa may maingay na pwesto.

“Sweetie!” pagtawag sa’kin ni mama kaya napalapit ako sa’kanila.

Napangiti naman ako ng makita ko ang mga pinsan at tito’t tita ko. Kumpleto ang kapatid ni papa at ang mga pinsan ko.

“Hi, baby.” bati sa’kin ng kambal, si Kuya Enzo at Kuya Hanz.

“Hello, mga Kuya Insan.” bati ko din at naupo sa tabi ni papa.

Binigyan naman ako ng pagkain nila Kuya maliban nga lang sa mga seafoods na nakahain. May allergy kasi ako sa seafoods.

“Kamusta naman kayo ng asawa niyo, Miracle?” tanong ni Ate Jenel, na mapapangasawa ni Kuya Rowen.

“O-Ok naman po, Ate.” nahihiyang sabi ko.

Naalala ko naman yung pagpatay ng tawag ni Ay-Ay ng hindi man lang ako pinagsasalita.

“Hmm, balita ko bakla yung asawa mo? I hope na nakakasundo mo siya.” napanguso naman ako at tumango.

“Opo, minsan.”

Natawa nalang si Ate Jenel. Marami pa kaming pinag-usapan ng mga pinsan ko. Lahat sila ay excited na sa gaganaping kasal lalo na si Ate Jenel at sinabi pa niya na mag-kakababy na daw sila ni Kuya Rowen kaya naman tuwang tuwa kaming lahat. Madadagdagan na naman ang buong pamilya namin.

Ako kaya, kailangan mag-kakababy?

Pagkatapos naming kumain at binigyan din kami ng desserts. Kaya nag-stay pa rin kami dito sa restaurant maliban lang kila Ate Jenel dahil kailangan niyang magpahinga at sila Mama din. Kaya kaming magpipinsan nalang ang nandito.

“Sini ba yung hinihintay mo, Kuya Santi?” sabi kasi niya ay may hinihintay pa daw siya kaya hindi muna siya makakaalis.

“Malalaman– oh bru!”

Napatingin kami sa entrance at napasinghap naman ako sa gulat. Ngumiti siya sa’min at kumaway. Napatigil naman siya ng mapatingin sa’kin pero ngumiti din. Lumapit siya sa’min at tumabi sa’kin.

“Sorry. May pasyente lang akong inasikaso.” nakangiting sabi ni Noel.

Anong ginagawa niya dito? Napatulala lang ako sa’kanya. Para talaga siyang hindi isang doctor kapag pumuporma ‘e.

“It’s ok. Btw Noel, she’s Miracle. My cousin.” nakangiting pakilala sa’kin ni Kuya Santi.

Tumingin naman sa’kin si Noel at ngumiti, “Nag tagpo naman tayo, baka itinadhana talaga tayong dalawa?”

“Tadhana? Fan ka ni Marian noe? Yung host sa Tadhana.” nakangiting sabi ko sa'kanya.

Nawala naman yung ngiti niya pero natawa at tumawa din ng malakas yung mga pinsan ko. Tiningnan ko yung mga pinsan ko.

“Ano na namang nakakatawa?” nagsalubong ang kilay ko.

“Ewan ko sayo, Insan.” natatawang sabi ni Kuya Greg.

Umirap nalang ako, “Kilala niyo ang isa’t isa?” tanong ni Kuya Santi.

“Kung hindi namin kilala ang isa’t isa edi sana–”

“Stop. Huwag ka ng mamilosopo diyan, kumain ka nalang.”

Nagkibit balikat nalang ako at sinunod nalang ang sinabi niya. Nakinig nalang ako sa pagkwentuhan nila. Hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi nila dahil hindi ko alam kung anong pinag kwekwentuhan nila.

“Btw, nasaan ang asawa mo?” napatingin ako kay Noel na nakatingin sa’kin.

“Ako?” tumango naman siya, “Ah, nasa Manila siya. Hindi siya sumama.” ngumiti naman ako ng tipid.

“Kaya pala ang lungkot mo ‘a.” kinurot niya ang pisngi ko kaya pinalo ko ang braso niya dahil masakit.

“Hindi ‘a. Namimiss ko lang siya pero hindi ako malungkot?” natawa naman siya sa sinabi ko.

“Doctor ka diba, Noel?” tanong bigla ni Kuya Jared at tumango naman si Noel, “Bagay kayo.”

Napaubo naman si Kuya Santi at mas lalong napangiti si Noel sabay akbay sa’kin.

“Really?” tumango naman si Kuya Jared.

“Kuya Jared, hindi kami bagay. Tao kami, never kaming magiging bagay.” nakasimangot na sabi ko.

“Oo nga naman, Red. Hindi sila bagay.” seryosong sabi ni Kuya T, “Mas  bagay pa si Miracle kay Aywayne kesa kay Noel.”

Napangiti naman ako. Mukhang gusto nga ni Kuya T si Ay-Ay para sa’kin, walang problema sa’kanya kahit bakla si Ay-Ay.

“Bakla ka din kasing hinayupak ka!” sigaw ni Kuya Greg na ikinagulat ko.

Tiningnan naman siya ni Kuya T, “Sirain ko kaya yang mukha mo, tingnan natin kung sinong bakla.”

Natawa naman ako. Hindi naman talaga bakla si Kuya T, sa lahat ng pinsan kong lalake ay walang bakla sa’kanila. Atsaka mahilig daw sila sa babae ‘e, ni hindi ko man lang maintindihan.

“Pwede bang ako na ang maghatid kay Miracle sa kwarto niya, Santi?” biglang nagsalita si Noel ng matapos kaming kumain at magkwentuhan.

Umalis na din ang ilang mga pinsan ko kaya kunti nalang kami ngayon. Napatingin naman sa’kin si Kuya Santi kaya ngumiti ako.

“Sige, huwag kang gumawa ng ikakagalit ko Noel.” matalim ang mga mata ni Kuya Santi kay Noel na ikinataka ko.

“Oh c’mon, Santi. Hindi na ako katulad noon.” natatawang sabi niya at inakbayan ako.

Tiningnan muna kami nila bago sila umalis. Napatingala naman ako kay Noel na nakatingin sa mga pinsan ko na lumalabas na. Tiningnan niya ako at ngumiti.

“Let’s go. Hatid na kita.” tumango naman ako at lumabas na kami sa restaurant.

May beach party kaming nakita habang naglalakad papunta sa hotel. Napatingin naman ako sa mga sumasayaw na tao at may isang lalake pa na pinapaikot ikot ang apoy. Namangha naman ako habang pinapanood iyun. Ang ganda.

“Gusto mo manood muna tayo?” napatingala ako kay Noel at ngumiti.

“Sige! Hindi pa naman ako inaantok ‘e.”

Kakagising ko palang naman kasi kanina kaya hindi pa ako inaantok. Gusto ko muna mag-enjoy ngayon dito. Hindi ko muna iisipin ang nagpapalungkot sa’kin. Hindi lang naman kasi ako nandito para sa kasal dahil nandito din ako para mag-enjoy.

Lumapit kami sa mga taong nanonood sa lalakeng naglalaro ng apoy at may mga tao ding nagsasayaw habang may hawak na inumin.

“Ang ganda!” pumapalakpak na sambit ko sa mangha.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Noel pero hindi ko nalang pinansin dahil hindi maalis ang mga mata ko sa mga apoy na nilalaro ng lalake habang sumasayaw.

“Cute.” aniya.

Ilang oras din kaming nanood bago ko napagpasyahan na maupo muna sa buhangin na medyo malayo sa mga tao. Hindi naman madilim dito kaya ayos lang at kasama ko naman si Noel pero umalis muna siya sandali para kumuha daw ng inumin.

Napatingin naman ako sa dagat, ang sarap sa pandinig ang tunog ng dagat habang umaalon.

“Here.”

Napatingala naman ako kay Noel na may hawak na wine glass Nahihiya naman akong abutin ang iyun dahil wine yun ‘e pero kinuha ko nalang at uminom ng kunti. Kunti lang muna ang iinumin ko, mahina ako sa alak baka bumagsak ako kapag sumubra.

“So tell me, bakit hindi sumama sayo ang asawa mo? He is invited after all.” nilagok niya ang wine na hawak niya at nilagyan ulit.

May dala din pala siya ng isang boteng wine. Uminom naman ako at tumingin sa dagat.

“Ewan, tanong mo sa’kanya.” tumawa siya ng mahina.

“Mukhang magka-away kayong dalawa?”

Umiling naman ako, “Hindi, ano namang pag-aawayin namin? Itanong mo din yun sa’kanya.” napangalumbaba ako at nilaro laro ang buhangin.

“Hindi naman kami mag-kaibigan para itanong yun sa’kanya.” napatingin naman ako sa’kanya.

Hinahangin ang buhok niya kaya magulo na ito. Ang gwapo naman ng doctor na ‘to. Napapikit ako ng maging dalawa siya sa paningin ko at medyo nahihilo na din ako. Mukhang umipekto na ang alak. Ang dali dali ko naman malasing.

“Hey, lasing ka na?”

Napadilat ako at ngumiti sabay inom ulit ng alak.

“Hindi pa naman. Mukha ba akong lasing?” pero nahihilo na talaga ako.

“Yeah, lasing ka na. Let’s go, kailangan mo ng pumasok sa hotel room mo.” hinawakan niya ang braso ko kaya napatayo nalang ako pero bigla akong na-out balance kaya natumba ako pero nahawakan niya ang bewang ko kaya hindi ako natumba.

“S-Sorry, doc.” ngumiti naman ako at inalalayan niya akong tumayo ng maayos.

Pumunta kami sa hotel room ko at nagpasalamat naman ako sa’kanya sa paghatid niya sa’kin. Tiningnan ko muna ang bulto niyang papalayo bago pumasok sa room ko.

Hinubad ko ang flat sandals ko habang nagpapagiwang giwang ng lakad papunta sa kama ko. Ang sakit ng ulo ko at nahihilo din ako. Bakit ba kasi ako uminom inom ng wine na yun?

Pumasok ako sa banyo at naligo para naman mabawas bawasan ang pagkahilo ko. Pagkatapos kong maligo ay nagpalit na ako ng pangtulog na damit. Nahiga ako sa malambot na kama pero bago pa man ako makatulog ay tumunog ang phone ko. Sinagot ko naman iyun ng hindi tinitingnan ang caller.

“Hello?” paos na sabi ko habang nakapikit ang mga mata.

“Bakit ganyan ang boses mo?”

Napadilat naman ako ng marinig ko si Ay-Ay sa kabilang linya. Yung asawa ko pala itong tumatawag.

“Bakit? Anong mali sa boses ko?” napanguso ako.

“Anong ginagawa mo?” napabuntung hininga naman siya.

“Nagshashalita ng natutulog.” napabungisngis naman ako at pumikit.

“Lasing ka ba?”

Kumunot naman ang noo ko, “Bakit mo alam? Nandito ka noe?” pero imposible naman na nandito siya dahil hindi niya ako susundan.

“Bakit ka uminom?” napakagat naman ako ng labi dahil sa seryoso niya.

Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakakatakot na naman siya.

“Nag-e-enjoy lang naman ako.” kasi malungkot ako ngayon.

Napatingin ako sa phone ko ng biglang nawala ang linya. Pinatay na naman niya! Napabuga nalang ako ng hangin at natulog nalang ako. Bahala nga siya sa buhay niya.

Napahawak ako sa ulo ko ng makabangon ako. Ang sakit ng ulo ko! Parang binibiyak ang ulo ko!

Hinilot ko ang sentido ko habang papasok sa banyo. Naka robe akong lumabas sa banyo habang may tuwalya sa ulo ko. Binuksan ko ang makapal na kurtina ng sliding door at bumungad sa’kin ang sikat ng araw. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang araw. Ang sarap din ng hangin kahit balat ko lang ang tumitikim sa hangin.

Nagitla naman ako ng biglang may yumakap sa’kin mula sa likod. Sisigaw na sana ako ng masinghot ko ang pamilyar ng pabango.

“Sinong nag-aya sayong uminom ng alak kagabi?” seryoso niyang tanong.

Napalunok ako at hindi makapag salita. Nandito si Ay-Ay! Nakayakap sa’kin! Pero kung nandito siya, ibig sabihin... ayaw niya akong mawala sa’kanya? Mahalaga ako sa'kanya?

“I’m asking you, Wife.”

'Yan na naman siya sa tawag niyang wife sa’kin pero masaya sa pakiramdam na tinatawag niya akong ganun.

“S-Si Noel.” napatakip ako sa bibig ko, wala sa plano kong sabihin sa'kanya!

“What?!” binitawan niya ako kaya napatingin ako galit niyang mukha.

“H-Ha? May sinabi ba ako?” lumikot ang mga mata ko at nag iwas ng tingin.

“Nandito yung gagong doctor na yun?”

“Uminom nga kami diba? Kaya–” napatakip na naman ako ng bibig.

Bakit ba ang daldal ko?

Nagsalubong ang kilay niya at humakbang papalapit sa’kin pero umatras ako. Nagulat nalang ako ng bigla niyang hapitin ang bewang ko kaya nagkalapat ang katawan namin. Napatingala ako sa’kanya. Hinaplos niya ang labi ko kaya ilang beses akong napalunok. Para na naman akong hihimatayin sa kaba.

“Ngayong nandito na ako, walang lalakeng makakalapit sayo. Kundi ako lang. Ang baklang asawa mo lang.”

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.3M 69.5K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
2M 113K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1.7M 126K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...