Chess Pieces Aftermath: Gray...

By HiroYuu101

3.7M 192K 78K

Shielder The two-faced man. SPG | R-18 More

Shielder
Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
About the Epilogue

Chapter 24

51.9K 2.7K 1K
By HiroYuu101

It was almost ten in the evening when Gray finally pulled the car over the parking space in front of the apartment building. Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko, trying to fight the sleep in my system. Pero dahil na rin sa pagod kaya kahit maaga pa ay inaantok na ako. Buti na lang din at kumain na kami para sa hapunan bago namin napagdesisyunang umuwi na.

I looked at Gray. He, too, looked tired but there was something else in his eyes. He seemed... happy and raw. Like it was the first time I saw him without those dark and strange emotions hiding beneath his eyes. And thinking that it was because of what happened today made me feel delighted.

Kinuha kaagad ni Gray ang isang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin pagbaba namin ng sasakyan n'ya. Napatingin ako sa kanya but he wasn't looking at me. Sa isang kamay n'ya ay ang maliit na travel bag. He was looking straight ahead with a wide grin on his face. Lumakad s'ya kaya sumabay na ako sa kanya.

Tumingin na ako sa harap at nakita si Mang Gener na kuryosong nakatingin sa amin. Nakita kong bumaba ang tingin n'ya sa mga kamay namin ni Gray na magkasiklop bago n'ya binalik ang tingin kay Gray. There was an understanding glance on his face.

"Mang Gener, kami na," sabi ni Gray, hindi pa man kami nakakalapit at itinaas pa ang dalawang kamay naming magkahawak na parang hindi pa iyon nakikita ng gwardya.

Hinampas ko s'ya sa braso dahil bigla ang hiyang naramdaman ko. Tumigil kami sa harapan ni Mang Gener at hindi ako makatingin sa gwardya lalo na nang marinig kong maikli s'yang natawa.

"Sinunod mo 'yung advice ko, Sir James?"

Doon lang ako napatingin kay Mang Gener.

"Advice?" I asked.

Malaki ang ngiti ni Mang Gener nang tumingin sa 'kin. Si Gray naman ay mukhang gustong patigilin sa pagsasalita ang gwardya pero nang makitang nakatingin ako sa kanya ay napakamot na lang sa gilid ng kilay n'ya.

"Nagtanong kasi si Sir James sa 'kin kung paano manligaw sa babae," natatawang sagot ni Mang Gener.

Hindi ko inalis ang tingin kay Gray. He looked embarrassed that I've found out about it. Ramdam ko rin ang paghigpit ng hawak n'ya sa kamay ko na parang pinapatigil na akong magtanong pa tungkol doon.

Napangisi ako. Ayoko sana s'yang asarin pero hindi ko talaga mapigilan. I just really like it whenever I discover new things about him.

"Hindi ka marunong manligaw?" tanong kong ikinalaki ng mga mata n'ya.

"Hindi, ah!" Mariin ang naging pagtanggi n'ya. I raised an eyebrow at him and his shoulders slumped. "I just... I don't want to mess this up."

I bit the insides of my cheeks. When I felt like I couldn't stop my smile, I pursed my lips. Ayokong isipin ni Gray na tinatawanan ko s'ya. Ang totoo pa nga ay sobra ko s'yang pinaniniwalaan. I trust him so much that what he said just strucked straight to my heart that it hurts. S'ya lang ang nagparamdam sa akin na dahil sa sobrang kasiyahan ay gusto ko nang maiyak.

Hearing him say that made me feel special. S'ya pa lang ang nag-e-effort sa akin ng ganito.

I squeezed his hand that was holding me. He looked at me and I stared back at him, telling what I was feeling through my eyes. And it seemed like he understood it as he smiled and squeezed my hand back.

"Si Lilac nga po pala, Mang Gener?" tanong ni Gray na tumingin ulit sa gwardya.

Napatingin si Mang Gener sa likuran n'ya na parang kanina lang ay nandoon si Lilac pero ngayon ay wala na. He scratched the back of his head as he looked at us again.

"Nandito lang kanina 'yon, eh. Hinihintay kayo. Baka umakyat na," he said. "Pinakain na 'yon ni Mrs. Aguilar ng isda."

Gray grinned at him. "Salamat ho, Mang Gener. Aakyat na kami ni Rey."

Nagpaalam na rin ako kay Mang Gener bago kami pumasok sa apartment building at sumakay na sa elevator. Hindi pa rin binibitiwan ni Gray ang kamay ko. Kinakabahan tuloy ako na baka nagpapawis na pala ang palad ko.

"Bakit parang hindi yata nagpapahinga si Mang Gener?" tanong ko na lang kay Gray para mawala sa isip ko ang nagpapawis kong kamay.

He glanced at me. Hinigpitan n'ya ang hawak sa kamay ko na parang alam n'ya ang iniisip ko.

"Pauwi na 'yon. Naaabutan ko 'yung kapalitan n'ya kapag aalis ako para pumasok sa Cold Spot."

Napatango-tango na lang ako. Tumunog ang elevator nang makarating na kami sa third floor at magkahawak-kamay pa rin kaming lumabas ni Gray. Nakita pa namin si Lilac na nakatayo sa harap ng apartment ni Gray at nakatingala, parang nag-aabang. Pero nang marinig siguro ang pagbukas ng pinto ng elevator ay napatingin s'ya sa amin. He meowed and walked towards us.

"Lilac!"

Tsaka lang binitiwan ni Gray ang kamay ko. Sinalubong n'ya si Lilac at binuhat na may malaking ngiti sa mga labi. Lilac meowed again. Mukhang nagrereklamo na binuhat s'ya ni Gray.

"May good news kami sa 'yo," Gray said in a singsong voice.

Natawa na lang ako at dumiretso sa pinto ng apartment ko. I took out my keys and opened the door while Gray was behind me. Pinapahula n'ya kay Lilac kung ano raw ang good news namin para sa kanya.

Inilapag ni Gray sa sahig ang maliit na travel bag nang makapasok na kami para mabuhat si Lilac gamit ang dalawang kamay n'ya. He carried the cat with his stretched arms, like that scene in The Lion King, pero nakaharap ang pusa sa kanya. Kinuha ko ang travelling bag at inilabas ang mga food container para mahugasan na.

"Kami na ng Mommy mo!" I heard Gray said as I made my way to the kitchen. "Girlfriend ko na s'ya!"

I couldn't stop my smile kahit nakatalikod na ako sa kanila at sinisimulan nang hugasan ang mga food container. Gray was so cute. Nai-imagine ko rin si Lilac na mukhang wala namang pakialam sa sinasabi ni Gray at ang gusto lang ay makawala sa pagkakahawak n'ya. But Gray was too happy to notice that.

"Legal ka na naming baby!" sabi pa ni Gray na ikinatawa ko na.

I am happy too. Pero mas nadagdagan pa ang saya ko sa kaalaman na masaya rin si Gray sa naging pagbabago ng relasyon namin. Nag-aalala pa nga ako na baka hindi ko s'ya mapasaya dahil wala akong ideya sa kung anong ginagawa ng isang girlfriend. It never occurred to me that I'll be in this situation soon.

Ang nasa isip ko lang noon ay ang pamilya ko. They're my inspiration. Pero ngayon, nadagdagan na. And Gray was someone that could bring a smile to my face even after everything. He's the only one who made me feel this calm kahit na alam kong may mga problemang dapat kong harapin. Pakiramdam ko, magiging maayos ang lahat kapag nakikita ko ang mga ngiti n'ya sa akin. And I don't want to let this go.

Gray came into my life like a whirlwind. Fast and approaching that I had no time to hide, pulling me towards him while pushing everything away around us. And when I'm finally being swallowed, there was that calm feeling in him. Like his presence was telling me to rest. That I need to rest too, even for a while. And he will be there for me when I decided to get back up again.

I like him so much that I would probably won't able to let him go.

Naamoy ko muna ang panlalaking pabango ni Gray bago ko naramdaman ang mga braso n'yang pumulupot sa bewang ko. He hugged me back and I stiffened for a second before I finally leaned my body against him. Ang likod ko ay nakalapat sa dibdib n'ya. Ramdam ko ang init ng katawan n'ya kahit na may mga damit na nakaharang sa aming dalawa. And it was enough to make my heart beat like crazy.

He buried his face on the hollow part between my neck and my shoulder. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi n'ya doon, giving a soft kiss on that part of my neck. I shivered and felt goosebumps all over me. Muntik ko pang mabitiwan ang hinuhugasan ko.

"S-si Lilac?" I tried to draw my attention away from him. Pero kung ganitong ang pabango n'yang humahalo sa natural n'yang amoy ang naamoy ko at ang pakiramdam n'ya sa likod ko, nahihirapan lang akong ignorahin ang presensya n'ya.

"Natutulog na," he said as he tightened his hug on me.

Natahimik kaming dalawa. The silence was comforting. Parang gusto ko na lang manatiling ganito kami palagi. It was so comfortable. Para bang nahanap ko na ang lugar na ginawa para sa akin.

It was here. With him. Me, inside his arms.

"Gray..." I called his name.

"Hmm?" Hindi man lang s'ya gumalaw. Parang ayaw na ring bumitiw sa pagkakayakap sa 'kin.

"You're my first boyfriend."

"I know..."

"Ibig sabihin, wala akong alam sa pakikipagrelasyon," sinabi ko na ang kanina pang bumabagabag sa 'kin.

'Cause it's important, right? Communication. Especially with the people you love.

"Wala akong ideya sa kung anong dapat gawin ng isang girlfriend," I said. "Wala rin akong masyadong alam sa kung anong hindi ko dapat gawin bilang girlfriend mo. But of course, I know I shouldn't cheat. Wala akong planong gawin 'yon. I like you too much to even cheat."

I heard Gray chuckled. Naramdaman siguro ang pagkataranta ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Bakit ba nabanggit ko pa ang tungkol sa cheating? Nataranta lang kasi talaga ako!

Nag-angat ng ulo si Gray at ipinatong n'ya ang baba n'ya sa kaliwang balikat ko. He was looking at me so his breath was fanning my cheeks. Mas dumodoble lang tuloy ang pamumula ng mukha ko.

"Just be yourself, Rey..." he said. Dumampi ang tungki ng ilong n'ya sa pisngi ko. "Being my girlfriend is not some kind of job. You shouldn't need to worry about anything else. I like you being you."

Napalabi ako at tinapos na ang paghuhugas. "Pero syempre... may mga dapat pa rin akong gawin, 'di ba?"

I felt his shoulders shook. Tumatawa s'ya nang walang tunog. He was enjoying this.

"In that case... I'll just teach you some things that a girlfriend should do."

Napangiti ako. "Talaga?"

"Yep..." he said, popping the 'p'. "Gaya na lang ng... A girlfriend should give her boyfriend different kinds of kisses."

Napakunot ang noo ko. May iba't ibang klase ng halik?

"Like a good morning kiss and a good night kiss," he said."

"Ah... okay," sabi kong tumatango-tango pa.

"Hindi lang 'yon. Meron ding before-eating-a-meal kiss, after-eating-a-meal kiss, before-washing-the-dishes kiss, after-washing-the-dishes kiss, before-taking-a-bath kiss, after-taking-a-bath kiss, before-going-to-work kiss, and going-home-after-work kiss."

Natigilan ako. Umikot ako paharap kay Gray para makita ang mukha n'ya. I have this feeling that he's not telling me the truth. Nakumpirma ko nga iyon nang makita ang mukha n'ya at halatang pinipilit n'yang itago ang ngisi n'ya. He was trying to look serious. Alam n'ya kasing binabasa ko s'ya ngayon.

Pinaningkitan ko s'ya ng mga mata.

"Sigurado kang may kiss lahat ng 'yon?" nagdududa kong tanong.

"Oo," Gray said, still trying his best to hide his grin.

Napasimangot ako. "Siguraduhin mo lang, Gray! 'Pag kahit isa lang sa nabanggit mo hindi talaga kailangan ng kiss, wala kang makukuha kahit isa sa 'kin."

He looked worried for a while. Pero nang ma-realize sigurong nakatitig pa rin ako sa kanya ay tinanggal n'ya ang emosyon sa mukha n'ya at tumikhim. He stared back at me. Nang makitang seryoso ako ay napangiwi na.

"Hindi ba pwedeng bonus na lang 'yung before-and-after-eating-a-meal kiss? Tsaka 'yung before-and-after-washing-the-dishes kiss?" nakangiwi n'yang tanong.

Sinimangutan ko lang s'ya at lumayo na sa kanya. Pinakawalan n'ya naman ako. He looked dejected when I left him in the kitchen.

Napatingin ako sa orasan at nakitang kailangan n'ya nang umalis para sa trabaho n'ya.

"Gray, may pasok ka pa. Baka ma-late ka," sabi kong tumabi kay Lilac na natutulog na sa sofa. I caressed his fur. Nag-inat ang pusa at bumalik din sa pagtulog.

"Wala man lang bang after-washing-the-dishes kiss?"

Tinignan ko lang si Gray. Wala akong sinabing kahit ano. He looked hopeful but when he saw the look on my face, his shoulders slumped. He was sulking when he turned around and walked towards the door.

"Now I know what kind of boyfriend I would be," rinig kong binubulong-bulong n'ya. "Under and deprived of my girlfriend's attention."

Naitakip ko ang dalawang mga palad ko sa mukha ko para mapigilan ang malakas na pagtawa. Tahimik akong tumawa at bago pa mabuksan ni Gray ang pinto ay tumayo ako at sinundan s'ya.

"Gray," I called him. Nang lumingon s'ya sa 'kin na nakasimangot at bahagyang nakanguso ay pinigilan ko na naman ulit ang tawa ko.

"Ano?" he asked without any enthusiasm.

"Alam kong 'yung iba sa mga sinabi mo, totoo. Dinagdagan mo lang talaga," I said. Lumapit ako sa kanya at sinilip ang mukha n'ya. "Let's have your before-going-to-work kiss."

Nakita ko ang unti-unting paglawak ng ngiti n'ya. He wrapped an arm around my waist and pulled me close to his body. Natawa ako pero natigil din nang makita ang intesidad sa mga mga n'ya. He put some strands of my hair behind my ears and stared at my lips.

"I'll have my before-going-to-work kiss now," he whispered and I nodded once.

I closed my eyes as his head dipped, closing the distance between us. I caught the scent of his fresh breath before his soft lips landed on mine. I let out a sigh, savoring the feeling of his soft lips.

His grip on my waist tightened. Mas hinila n'ya pa ako palapit sa kanya. Ang mga kamay ko ay lumapat sa dibdib n'ya. My right palm was feeling the fast beat of his heart. Sabay ang ritmo ng pagtibok ng mga puso namin.

His tongue caressed the softness of my lower lip and I let out a sound from my throat that made Gray groan. His other hand cupped on my cheek as he deepened the kiss.

It's no good. Naramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko at mukhang alam 'yon ni Gray dahil sinusuportahan n'ya ang katawan ko, pulling me closer to his body like our closeness wasn't enough for him. I was already melting from the way his holding and kissing me. Tumaas ang mga braso ko at pumulupot sa mga balikat n'ya para kumuha ng suporta.

His tongue stroked my lower lip again before he licked my upper lip. I was afraid I might go crazy with the sensation. I did the same with my tongue, caressing his lower lip and Gray let out a pained groan before he pulled away from the kiss.

We were both breathing hard. Napatitig ako sa mga labi n'yang mas namula pa pagkatapos ng halik. His lips glistened with moist and I have the urge to kiss him again, hard this time.

Gray's lips broke out a smile. Saka lang ako napatingin sa mga mata n'ya. He leaned his forehead against mine, breathing through his mouth.

"Ang swerte ko sa 'yo..." he said.

Napangiti na rin ako. He grinned and gave me a peck on the lips before he let me go.

"'Pag hindi pa ko tumigil, malamang male-late nga ko," he said with that glint in his gray eyes.

Ramdam kong nag-init ang buong mukha ko. Sigurado akong pulang-pula 'yon pero sinubukan ko pa ring simangutan s'ya.

"Sige na. Baka ako pa sisihin ni Travis kapag na-late ka," I said. "Ingat ka sa pagmamaneho, Gray."

He grinned at me and gave me a two-finger salute. "Yes, Ma'am."

I smiled at him. He smiled back. Binuksan n'ya ang pinto at nang magsara iyon ay hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi ko.

Maswerte rin ako sa 'yo, Gray...

My days became different after that. Naging masigla ako. Mas masigla kung masigla man ako dati pa. Napansin rin iyon ng mga kasama ko sa hospital, lalo na ni Janina pero I didn't say nor deny anything. Hahayaan ko na lang na kusa nilang malaman ang tungkol sa relasyon namin ni Gray. Hindi ko rin naman tinatago.

I was always looking forward to spending time with Gray. Na halos wala pang isang oras dahil magkaiba ng oras ng pasok namin. Kapag umuuwi s'ya ay papasok pa lang ako. Kapag naman umuuwi ako galing trabaho ay papasok pa lang s'ya.

That's why I was glad na nagsabay ulit ang rest day namin. Nag-request daw ulit s'ya kay Travis na pinagbigyan naman s'ya.

"Matagal ko nang gustong palitan 'tong lock mo, nakakalimutan ko namang kunin ang permiso mo. You are too distracting to make me think clear," sabi ni Gray habang pinapalitan n'ya ang lock ng pinto ng apartment ko sa araw ng rest day naming dalawa.

It was already evening. Natulog ulit s'ya maghapon. Ayaw pa nga sana. He said he wanted to spend time with me. Pero nang makita na magagalit na ako, hindi na nagsalita at natulog na sa sofa.

May palagay pa rin kasi akong hindi s'ya nakakatulog nang maayos.

I blushed because of the last thing he said pero sinubukan ko na lang hindi pansinin iyon.

"Mas okay ba 'pag ganyan?" tanong kong pinapanood s'yang palitan ang lock ng pinto ko. He was replacing it with an electronic lock.

He nodded. "Mas secure. Robbers wouldn't be able to pick the lock. Mas mahirap malaman ang lock code kaysa sa mag-pick ng lock. They don't want a lock that would gave them more time to open a door."

Napatango-tango ako. Pinanood ko lang s'ya nang tahimik. Masyado akong nag-e-enjoy sa seryoso n'yang mukha habang pinapalitan ang lock ko. His eyebrows creasing with concentration. His moves were calculated. Parang alam na alam ang ginagawa n'ya.

Nagtaka tuloy ako. Bartender s'ya, 'di ba? Parang ang layo naman ng pagiging bartender sa marunong ng pagpapalit ng lock?

Ilang sandali lang ay tumayo na si Gray. Pinulot n'ya ang mga ginamit n'ya at tumingin sa 'kin.

"You need to set your passcode," he said.

Lumapit ako sa bagong lock ng pinto ko at tinitigan lang iyon. Kanina, sinabi na ni Gray sa akin na mag-isip ako ng mga numbers para sa lock code ko. Iyong madaling tandaan at hindi madaling mahulaan ng mga nakakakilala sa akin.

I punched in my lock code. Nag-iwas pa ng tingin si Gray para bigyan ako ng privacy. Sasabihin ko rin naman sa kanya.

"Zero-three-zero-five," I said. Mabilis na napatingin sa 'kin si Gray.

"Huh?"

"'Yung lock code ko. Zero-three-zero-five."

Mukha s'yang nagulat. Napakurap-kurap pa s'ya. He opened his mouth and closed it again. Ilang sandali pa n'ya akong tinitigan bago bumuntong-hininga.

"May meaning ba kung para saan 'yon?" he asked. Narinig ko ang pagtunog ng lock ng pumasok kami sa loob ng apartment ko at isinara n'ya ang pinto.

"'Yun 'yung date na first time naming makakain sa Jollibee ni Larissa," I said. Umupo ako sa sofa at tumabi naman s'ya sa 'kin. Si Lilac ay nakahiga sa upuan na sinapinan ko ng malambot na kumot. "March fifth. Nu'ng elementary ako, in-announce kasi ng teacher ko 'yung honor roll no'n at top one ako. Dinala kami nina Papa at Mama sa Jollibee para mag-celebrate."

Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. It was one of my happiest moments pero ngayong malaki na ako at naaalala ko iyon ay nasasaktan rin ako. Hindi kasi kumain sina Mama at Papa noon. Nakatingin lang sila sa amin ni Larissa, pinapanood habang masaya kaming kumakain ng kapatid ko.

"Ikaw?" tanong ko kay Gray bago pa ako maluha. "May meaning ba 'yung lock mo? Zero-eight-zero-seven?"

He nodded. "Birthday ni Kuya."

Napatitig ako sa kanya. Maya-maya ay napangiti rin.

"Mahal na mahal mo talaga ang kuya mo, 'no?"

Gray gave me a sad smile.

"He's the only family I have left."

Tinitigan ko lang s'ya. Hindi s'ya nakatingin sa akin. He was looking down at his hands, playing with his fingers. Pero kahit na ang side profile n'ya lang ang nakikita ko, kitang-kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata n'ya.

"Then... what are you still doing here?"

Napatingin sa akin si Gray. I tried to read his eyes. Tinantya ko ang mga susunod kong sasabihin sa kanya. He only started opening up to me. Ayokong masira 'yon.

"Don't you think it's better to be with your family?" dahan-dahan kong tanong na para bang mababawasan noon ang epekto kay Gray. "Lalo na s'ya na lang ang natitira mong pamilya."

I saw the hurt in his eyes. Parang doon pa lang ay gusto ko na agad bawiin ang mga sinabi ko.

"I hurt him, Rey..." Kahit ang boses n'ya ay punong-puno ng sakit.

"I know..." I said softly. "Pero ikaw na rin ang nagsabi, 'di ba? Na parehas kami ng kuya mo. Kung si Larissa ang nakagawa sa 'kin ng kasalanan, kung nasaktan man n'ya ako... I would still want her beside me. 'Yung mababantayan ko s'ya. 'Yung nakikita at kasama ko s'ya. I don't want her to run away from me and live in guilt."

Nag-iwas ng tingin sa akin si Gray. Tinitigan n'ya ulit ang mga kamay n'ya pero hindi na nilalaro ang mga daliri ngayon. I sighed. Lumapit pa ako sa kanya at idinantay ang mga kamay ko sa sa mga kamay n'ya.

"Of course... I'm saying this from a point of view of an older sibling. Gusto kitang kampihan, Gray. Gusto kong malaman mong kakampi mo ako. But I still don't know your side of the story."

Kaya ingat na ingat akong magbitiw ng mga salita sa kanya. I know he has problems and I want to help him. Pero hindi ko alam kung paano. I want him to be happy too. I want to give him the support that he's giving me. To let him know that he has me.

"I want to tell you everything, Rey..." he said softly, almost like a whisper. "Pero ayokong matakot ka sa 'kin. Ayokong mag-iba ang tingin mo sa 'kin. I don't want you to stay away from me or to fear me."

Mariin akong umiling. "Syempre hindi, Gray. Kahit ano pa 'yan. Hindi kita lalayuan. Hindi ako matatakot sa 'yo."

I thought that would assure him, that would take his pain away. Pero mukhang mas lalo ko lang s'yang nasaktan. He smiled at me like he's in deep pain.

"We all have secrets we don't want anyone to know, right?" he said.

Hindi ako nakapagsalita. Tinitigan ko lang s'ya. Wala sa sariling natanggal ko ang mga kamay kong nakahawak sa kanya.

Those mysterious emotions I always saw in him... Iyon ba ang tinutukoy n'ya?

Gray was just looking straight at me. Mukhang tinitimbang ang reksyon ko. Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin na kahit ano pang sikreto n'ya, tatanggapin ko. Hinding-hindi ko s'ya lalayuan. Pero ayaw namang bumuka ng bibig ko.

Naputol titigan namin nang tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Tumayo ako at kinuha iyon na nakapatong sa dining table. Hindi ko alam na hindi na pala ako humihinga habang nakatingin kay Gray kanina. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makalayo ako sa kanya.

Nang makita na si Larissa ang tumatawag ay mabilis ko iyong sinagot.

"Ate!" bungad n'ya bago pa ako makapagsalita. Kinabahan tuloy ako. There was something urgent in her tone.

"Larissa?" Pilit kong itinago ang kaba ko.

May nangyari ba? Kay Mama?

"Ate, may good news ako!"

Saka lang nabawasan ang kaba ko.

"Ano?"

"Nakilala na ko ni Mama!" masayang sabi ng kapatid ko. Mabilis ang pananalita n'ya. "Tinawag n'ya akong Larissa tapos hinanap ka n'ya, Ate! 'Nasaan daw si Reyziel!'"

Ilang sandali pa bago rumehistro sa akin ang sinabi ng kapatid ko. Napasinghap ako at naitakip ang isang kamay sa bibig ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

"Ta-talaga?" my voice croaked. Mukhang nahalata iyon ni Gray dahil ilang sandali lang ay nasa tabi ko na s'ya.

I looked at him. He looked worried when he saw my eyes tearing up. Umiling ako sa kanya at nakinig pa sa mga sinabi ng kapatid ko.

"Hindi na kita natawagan kanina. Wala kasi akong load. Pero, Ate, may improvement na si Mama!"

Napatango-tango ako. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Gray still looked worried pero nang makita n'ya siguro na hindi lungkot ang dahilan ng pag-iyak ko ay nabawasan ang pag-aalala n'ya.

May mga sinabi pa si Larissa sa akin. Naalala kong sinabi n'yang sa susunod na dadalawin n'ya si Mama ay tatawagan n'ya ako para makausap s'ya. Masyado akong masaya sa balita at iniisip ko pa ngang umuwi na ng Manila pero hindi pwede. Namalayan ko na lang na tapos na pala ang tawag.

"Rey?" bungad ni Gray nang ibinaba ko na ang phone ko sa dining table.

I sniffed. I looked at him, crying and with a smile on my face. I probably looked crazy in his eyes but I don't care. I am so happy I couldn't stop my tears.

"Si Mama..." sabi ko at suminghot ulit. "May improvement na si Mama. Nakilala n'ya na kami ng kapatid ko, Gray!"

Saka lang tuluyang nawala ang pag-aalala sa mukha ni Gray. He smiled at me and wrapped me inside his arms. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko nang maramdaman ang init ng katawan n'ya.

"That's good to hear, Rey... I'm happy for you," he said as he caressed my hair.

Tumango ako at yumakap pabalik sa kanya, uttering a silent promise.

You too, Gray. You'll be okay, too. I'm here. Magkasama tayong magiging masaya.

Continue Reading

You'll Also Like

54.3K 1.6K 26
Career Series #1 The Gonzal family are doctors, but for Aira, she found her path to pursue Architecture. Although her parents are not happy with her...
1.9M 55.2K 34
It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted the typical heart fluttering love story...
21.4M 412K 68
[The Walkers Trilogy #1] Simple at tahimik ang pamumuhay ni Kisha Louise Madrigal hanggang sa makilala niya ang ubod ng manyak na bampira na nangngan...
131K 8.4K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...