DARK SECTION

By MsDzayr

1.4M 55.7K 21.3K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
69: Trespassed
70: Denied
71: In between
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

31: Sorry

16.3K 774 130
By MsDzayr

| SORRY |

LUNA'S P. O. V

Kakalubog lang ng araw at nanatili kaming nandito sa gitna ng kagubatan. May pinahahanap kasi sa amin sina Miss Ortega at Sir Oliver. Hinati kami sa apat na grupo.

Iba't ibang kulay na papel 'yong po pinapahanap nila at mahahanap lang 'yon sa tabi ng mga puno dahil dito raw nila ibinaon ito. Wala silang sinabi kung ano ang laman ng mga papel basta hanapin lang daw namin.

Ako, si Tev, Leo, Deth, at Chaos ang magkakagrupo. Naalala ko tuloy na kami rin 'yung magkakagrupo sa report namin no'n.

Ang pangalawang grupo naman ay sina Stella, Storm, Rance, Xenor, at Warren. Nagkagulo pa dahil kina Stella at Eunice na ayaw maghiwalay pero napagalitan lang sila ng dalawa naming teachers. Buti nga!

Sa pangatlong grupo naman ay sina Wolf, Zairus, River, Gavin, at Knoxx. At dahil magkasama sina Zai at Wolf, hindi mawawala ang giyera sa pagitan ng dalawang bagyo na mapagmahal sa mga mukha nila.

"Bakit ba kasama ko 'tong pangit na 'to?!" Sigaw ni Zairus habang nakaturo sa mukha ni Wolf na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin kay Zai. "Oo nga! Ayokong kasama ang wala ng ipapangit pa sa nuno!"

"Sabi niyo ayun ang sinabi ni Sir Oliver, hindi ba? Kaya kahit anong gawin niyo, the decision was already finalized. We all need to follow and stay in our respective groups," sabi ni Deth na nakatingin kay Storm. Tumango naman si Storm. Nakasalisi kasi niya sina Ma'am and Sir. Halos kararating lang kasi niya. Pinatawag siya ni Panot sa office nito.

Kahit na nagsalita si Deth ay hindi pa rin talaga tumigil ang dalawa sa bangayan.

"Suntukan nalang, oh!" Aya ni Zairus na tinutupi pa ang manggas ng t-shirt niya. Nakasuot kami ng PE Uniform namin.

Akmang susuntukin ni Zai si Wolf nang bigla siyang mapasubsob dahil sa pagsipa ni Gavin sa pwet nito. Mabuti na lang at nailapat niya ang mga kamay niya sa puno bago siya tuluyang masubsob dito.

"I hate loud people so shut the fuck up, Guerrero and Vergara!" Saway ni Gavin sa dalawa.

Naiinis na umayos ng tayo si Zairus at hinawi ang buhok niya. "Muntikan na ang maganda kong mukha roon, ah."

"Mukhang ang malaki nating problema ay sina Gavin na maiinitin ang ulo at parang laging kulang sa tulog na si Denver at si transferee na hindi pa natin lubusang kilala." Bulong ni Wolf kay Zai pero rinig na rinig naman naming lahat.

"Sige ceasefire muna. Baka manganib ang mga gwapo na'ting mukha kapag nainis sa atin 'tong dalawa." Naglahad ng kamay si Zai.

Tinanggap naman ito ni Wolf. "Sige..."

For the first time, nagkasundo rin sila!

For the last group, sina Eunice, Vincent, Sander, Lucifer, Gabriel, at may isa pa!

"Nasaan si Denver?" Tanong ko kaya napatingin silang lahat sa akin. Napakunot naman ako ng noo at lumingon-lingon na lang sa paligid.

"Huwag kayong maghanap sa baba," sabi ni Lucifer kaya sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin sa mga puno. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang flashlight.

"Kung hindi niyo mahanap, sumigaw kayo." Suhestiyon pa ni Lucifer at kahit naguguluhan ay sumigaw na sina Rance at Tev.

"Denver! Yuhuuuu!"

"Labas ka na sa lungga mo!"

Kahit naguguluhan si Gab ay nakisigaw na rin at tulad nga ng inaasahan namin, may kung ano kaming narinig na nahulog sa kung saan at nang itutok ko ang flashlight dito, si Denver na nakaupo na sa lupa at nag-uunat ng mga braso.

"Mga istorbo talaga." Reklamo niya na nagkakamot ng ulo na tumayo. "Nasaan ba ako?"

"Hindi ka kasi nakikinig, e," naiinis na sabi ni Rance.

"May nakikinig bang tulog?" Pilosopong sagot ni Denver na nagkakamot naman ng batok.

Marahas akong bumunyong-hininga. "Ang Group 2 ay sa north. Hahanapin niyo ang red paper. Ang group 3 naman ay sa south at ang hahanapin niyo naman na kulay ng papel ay blue. Ang group 4 naman ay sa west at hahapin ang kulay yellow na papel. At kaming Group 1 ay sa east, kulay green na papel."

"Okay! Let's split up. Dito na lang tayo magkita-kita after getting those damn papers," sabi ni Wolf saka inalis ang kamay sa balikat ni Eunice at nauna nang maglakad. Lahat kami ay nasipaglakad na rin sa kani-kaniyang mga direksyon.

NASA kalagitnaan kami ng paghahanap nang marinig naming sumigaw si Tev kaya kumaripas ako ng takbo papunta sa kaniya.

"Ano'ng nangyari?!" Nag-aalalang tanong namin ni Leo. Parehas na kaming nakaluhod at nakatingin sa kanang binti ni Tev.

"Nakagat ako nung ahas!" Sigaw niya na humahagulgol na. "Masakit!"

"Kailangan niya ng madala sa clinic at maturukan kaagad. Hindi p'wedeng magtagal at baka kumalat pa ang lason," nag-aalalang sabi ni Deth habang tinatalian ang binti ni Tev para kahit papaano mapigilan ang pagkalat ng lason.

"Makakatayo ka ba?" Tanong ni Chaos. Napailing naman si Tev na panay na ang singhot dahil sa pag-iyak niya.

Tumalikod si Leo at iniluhod ang isang tuhod. "Bubuhatin na kita para mabilis tayong makarating doon," sabi niya na ikinatango ni Tev. Inalalayan namin siya na makasakay sa likod ni Leo.

Habang pabalik sa dorm, may bigla akong naalala!

'Hindi kayo p'wedeng bumalik sa dorm niyo nang walang papel na hawak. Kung mangyayari man ito, may kaukulang parusa ang naghihintay sa inyo mula sa ating principal.'

Napailing-iling ako nang maalala ang anunsyo na iyon ni Sir Oliver.

"Chaos, pahawak naman nitong flashlight. Kayo na muna ang mauna," pabulong na sabi ko sa kaniya nang makalapit ako sa kaniya.

"May problema ba?" Kunot-nuong tanong niya.

"Girl stuff."

"Huh?"

Tumingkayad ako para makabulong sa kaniya. "Natanggal ang hook ng bra ko. Ikakabit ko lang kaya p'wede bang ikaw na muna bahala kay Deth? Cover me, please?"

Nag-iwas siya ng tingin na may namumulang tainga. "S-sige."

Ang awkward hindi ba? Para sa grupo naman ang gagawin ko kaya ayos lang. Malay ba namin kung anong punishment ang ibibigay sa amin nung Panot na 'yon.

Nakapamulsang lumapit sa amin si Deth na nakakunot ang noo. "Ano 'yan?"

"Ibubulong ko sa'yo ang sinabi niya sa akin," nakangiting sabi ni Chaos saka inakbayan si Deth at nauna na silang naglakad pero nananatili sa akin ang tingin ni Deth habang nakaakbay sa kaniya si Chaos pero tanging ngiti lang at pag wave ng kamay ang ginawa ko.

Nakahinga na ako nang maluwag nang ibinalik niya na sa daan ang tingin niya. Mukhang nasabi na sa kaniya ni Chaos ang dahilan ng paghiwalay ko. Nang hindi na sila nakatinging lahat, mabilis akong tumakbo pabalik sa pwesto namin kanina.

KAIRHYS' P. O. V

KANINA pa ako kinakabahan dahil hanggang ngayon ay wala pa ring Luna'ng dumarating. Nasa loob kami ng clinic at tapos na maturukan si Tev pero patuloy pa rin sa pag-iyak. Takot pala siya sa karayom kaya halos magwala siya.

Kinailangan pa namin siyang hawakan para lang maturukan siya.

Nandito na kaming lahat maliban na lang kay Denver na malamang ay kung saan na naman natutulog. Tinext namin ang ilan sa kanila ang tungkol sa nangyari kay Tev kaya nang mahanap nila ang papel na pinahahanap sa kanila ay dito na sila dumiretso.

"L-Luna." Tawag ni Tev kay Luna habang pinalilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.

Fuck!

"Nasaan si Luna?" Tanong ni Deth kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Tang'na! Mamamatay na yata ako!

"Oo nga! Teka! Bakit kayo bumalik dito na walang dalang papel?" Pagtatakang tanong ni Vincent.

"That woman... Really?" natatawang tanong ni Leo saka tiningnan si Deth. "Deth, I think she's in the middle of the forest looking for that damn paper."

"Huh?" naguguluhang tanong ni Deth. Fuck. He wasn't informed! Hindi kumpleto ang nasabi sa kaniya ni Storm kanina! I even forgot about that, too! Fuck it.

"Hindi tayo p'wedeng bumalik dito nang hindi dala ang papel dahil may parusa tayong makukuha galing mismo sa principal." Paliwanag ni Rance. "Storm forgot to tell you. Kahit ako..."

"Fuck!" Sigaw ni Deth saka ako pinukol nang masamang tingin. "You won't get away with this if anything happen to her, Chaos," may pagbabanta niyang sabi saka kumaripas ng takbo papalabas.

Natatawang lumapit sa akin si Zairus at inakbayan ako. "Ano'ng gusto mong handa sa burol mo, Chaos?"

Tinapik ko ang kamay niya saka kami sumunod sa mga lumabas. Tanging sina Leo at Tev lang ang naiwan sa clinic.

Nasa kalagitnaan na kami ng paghahanap pero wala pa ring Luna kaming nakikita. Panay ang sigaw namin pero wala! Wala kaming makita! Pakiramdam ko ako ang may kasalanan nito! Ako naman talaga!

"Let's split up!" Sigaw ni Xenor kaya lahat kami ay naghiwa-hiwalay habang may kani-kaniyang hawak na flashlight dahil sa sobrang dilim.

LUNA'S P. O. V

I-welcome niyo naman ang tangang katulad ko!

Nasa baba ako at nakahiga dahil nadulas at nahulog ako sa mababang bangin nang pabalik na ako sa dorm dahil mahanap ko na ang papel.

Hindi naman tumama ang ulo ko. Masakit nga lang ang balakang at tagiliran ko dahil nagpagulong-gulong ako hanggang sa bumagsak dito. May mga sugat din ako sa braso dahil sumabit ako sa ilang mga putol na sanga at mga matitinik na halaman.

Pinilit kong makatayo at isinandal ang likod ko sa puno. Marahas akong bumuntong-hininga pero ang sakit at pagod ay napawi nang pagkamangha nang makita ko sa hindi kalayuan ang isang puno na napapalibutan ng mga alitaptap na nagpapailaw sa kabuuan nito.

Humawak ako sa puno para kumuha ng lakas at makatayo. Naglakad ako hanggang makarating sa isa pang puno pero hindi ko talaga nakayanan ang sakit ng balakang ko kaya napagpasiyahan ko munang maupo sa tabi ng puno. Isinandal ko ang likod ko rito saka ipinikit ang mga mata ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako at nagising na lang nang may marinig akong tumatawag ng pangalan ko.

"Luna?"

Namumungay ang mata Kong nagmulat ko. Why am I seeing Gavin? Makailang beses akong kumurap-kurap pero hindi pa rin naaalis sa paningin ko ang lalaking nanigaw sa akin. May hawak siyang flashlight.

"Are you really awake?" tanong niya.

Am I dreaming?

Ipinikit ko ang mga mata ko at napasapo sa noo ko. "Jesus, why am I seeing Gavin? Am I really cursed?"

"I know you're a lunatic, but this is too much, Luna," malalim ang boses niya.

Unti-unting nanlaki ang ang mga mata ko nang may kamay na nagtanggal ng kamay ko sa noo ko at nang magtama ang mga mata namin, bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito, Ga-" Hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin nang bigla na lang niyang hinila ang kamay ko dahilan para sumama ang katawan ko at mayakap niya ako. "Pinag-alala mo 'ko. Where have you been?"

Ano'ng nangyayari? Si Gavin ba talaga itong nasa harap ko at ngayo'y nakayakap sa akin? Tumama ba ang ulo nito sa kung saan para umakto nang ganito?

Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin saka hinawakan ang magkabilaang balikat ko. "I'm talking to you, Luna. Saan ka ba nagsusu-suot at bigla ka nalang nawawala? Everyone's worried. Bakit ganiyan ang itsura mo? Ang dumi mo." Itinaas niya ang mga kamay ko at sinuri ang mga braso ko na puro sugat. "Ang dami mo pang sugat."

Buti naman at bumalik na ang Gavin na kilala ko. The magagalitin at kung makasermon, wagas.

Napangiwi ako sa panenermon niya. "Hindi ako si Rance, Gavin. Baka nakakalimutan mo lang." Pagpapaalala ko sa kaniya. Pinakatitigan ko lang siya dahil sa nag-aalala niyang mga mata.

Napakurap siya nang makailang beses bago bumaba ang tingin niya sa mga kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. Tumingin muna siya sa akin bago bumaba ang isang kamay niya sa kamay ko. "Let's go back."

Tumango na lang ako.

MALAPIT na kami at tanaw ko na ang dorm namin pero bigla na lang akong bumagsak. Ang sakit ng buong katawan ko. Bakit ngayon pa? P'wede namang sa kama na lang bumagsak mamaya. Haysss.

Habang nakasalampak sa sahig, pinagmamasdan ko ang unti-unting lumalayong bulto ni Gavin. Wala kasing gentleness sa katawan niya kaya naiintindihan ko naman kung hindi siya gentleman.

Sino ba naman ako para alalayan? Kahit hindi nalang alalay, kahit nasa likod ko na lang siya. Hindi 'yung nauuna pa siyang maglakad sa injured. Alam na ngang may mga sugat 'yung tao, e tapos gaganyan-ganyan pa siya!

Napailing-iling na lang ako at nang akma akong tatayo bigla na lang may humawak sa kamay ko dahilan para mabilis akong mapatayo at masuntok ko ito sa mukha na ikinatumba nito.

"Gago ka!"

Pinunasan ng lalaki ang dugo sa labi niya saka nag-angat ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang ang nasuntok ko pala ay si Gavin!

"P-Paanong nakarating ka agad dito e, malayo ka na?" Puno ng pagtatakang tanong ko. Napatingin pa ako sa likod niya para ikumpirma na hindi lang guni-guni ang nasa harap ko pero to my disappointment, wala akong nakita sa kung saan ko siya nakita kanina kaya ibinalik ko ang tingin ko sa taong nasa harap ko.

"Wala ba sa bokabularyo mo ang salitang takbo?" naiinis niyang tanong.

"Tumakbo ka? Paanong wala akong narinig na tunog ng mga paa mo?"

"Hindi na lang magsorry," naiirita niyang sabi habang kinakamot ang dulo ng kanang kilay niya.

"Sorry para saan?"

Kunot-nuong tumayo siya at itinuro ang labi niyang may dugo.

Napakamot ako sa ulo ko. "Hehe sorry naman."

"Sorry," sabi niya saka niya hinawakan ang kamay ko na nasa ulo ko pa rin.

Nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Rance tungkol sa pagiging mapride nitong kuya niya. Totoo ba talagang si Gavin 'tong kaharap ko? Ang Gavin na mataas ang pride nagso-sorry?

"S-Sorry para saan?" Tanong ko kahit alam ko na kung para saan ang paghingi niya ng tawad. Gusto ko lang maging detailed siya sa paghingi ng sorry.

Naalala ko ang sabi ni Kuya kanina na paano kung ako na lang ang inaasahan niyang iintindi sa kaniya? Tapos susukuan ko siya?

Matagal niya akong tinitigan bago ako tinalikuran at iniluhod ang isang tuhod niya sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" Wala sa sarili kong tanong.

"Sakay na."

"Huh?"

Walang emosyong nilingon niya ako. "Do I need to repeat myself, Luna?"

Inirapan ko siya bago tumalima. Hinawakan niya naman ang mga binti ko saka siya tumayo. "Napakagaan mo lang pala. Magkakakain ka rin kasi."

Naglakad na siya at naiirita ako sa katahimikang namamayani kaya hindi na ako nakatiis at ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Gav?"

"Hmm..."

"About your girl-"

"Stop."

Napanguso naman ako. Sungit masyado! "Okay. Sorry sa mga nasabi ko kanina."

Matagal muli ang namayaning katahimikan sa paligid bago niya ito basagin, na nakapagpagising sa akin. "Actually our relationship was a bit of shaky. Well, I understand that because I think I'm not the ideal boyfriend that every girl wants and I know you know that. Malamang nagtataka ka kung paano ako nag ka-girlfriend sa ugali ko. Kanina nung umalis sila para hanapin ka dahil wala ka sa kwarto mo, I called Aira through a phone call. Lately, I'm trying to stop myself from asking her why she's not answering my phone call and texting me just like what we like to do before. She said she's just busy. Again. As much as I want to doubt, I kept saying to myself that she can't fool me because she loves me. I remember how she pursued me before. But thinking what you said earlier, I confronted her through the phone call and played a little." Marahas siyang bumuntong-hininga at huminto sa paglakad. "Then, I caught her lying."

Inayos ko ang pagkakayakap ko sa kaniya at sinubukang tingnan siya. "H-Huh? Paano?"

"I have my own ways."

Malakas ko siyang binatukan dahilan para magulat siya. "Kapag ikaw nahulog-"

"Galit agad." Napanguso nalang ako saka ipinatong ang baba ko sa balikat niya at ipinikit ang mga mata ko. Bukod sa takot kong ibagsak niya na lang ako bigla ay ang bigat ng talukap ng mga mata ko at ang sakit pa ng katawan ko.

"Hindi ka lang dapat sa akin humingi ng tawad, Luna."

"Huh?" Mahinang tanong ko, nakapikit pa rin.

"You'll see. Matulog ka na muna."

"Kapag nakarating tayo roon at tulog pa rin ako o hindi na ako nakagising dahil sa pagod, pakisabi na lang na dala ko na ang papel at nasa bulsa ko." Bilin ko sa kaniya.

DENVER'S P. O. V

KANINA pa ako naririndi sa ingay ng mga hampaslupa na nagbubugbugan dahil hindi nahahanap si Luna. Kababalik lang nila dahil walang Luna silang nakita.

Gusto ko lang naman matulog pero hindi ko magawa dahil sa ingay nila!

"-Sa ating lahat, you are the one who knows how cunning she is yet you're blinded with her words!" Sigaw ni Deth na hawak-hawak na ang kwelyo ni Chaos na nakasandal na sa pader at dumudugo na ang pisngi.

"Tama na 'yan, Deth." Awat nina Storm at Wolf dahilan para bitawan ni Deth si Chaos. Dinaluhan ni Storm si Chaos na halatang nagsisisi naman. "Sorry. I really don't know that she was fooling me."

"Tama na nga 'yan. Hanapin na natin siya ulit pa-" Naputol ang sasabihin ni Wolf nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gavin na buhat-buhat si Luna na tulog sa likod niya.

"Ate!" Sigaw ni Steven kaya parang nabuhayan ang lahat at napatayo sa kani-kaniyang upuan.

Kunot-nuong tumingin si Gavin kay Chaos saka umiling. "I knew this would happen," sabi niya.

"Ano'ng nangyari kay Luna? Bakit puro siya galos?" Tanong ni Rance.

"It's not my story to tell. Nga pala hawak na niya ang papel at nasa bulsa niya na."

Akma niyang ibababa si Luna sa kama nang biglang umalalay si Deth at pinangko si Luna. "This woman is really testing my patience."

Nagpunas pa ng laway si Luna at nagmulat ng mga mata dahilan para matigilan silang lahat. Tiningnan niya kaming mga nasa harap niya hanggang sa mahinto ang mga mata niya kay Deth na may buhat sa kaniya. Imbis na magreklamo at bumaba, bumalik lang siya ulit sa pagtulog at humigpit pa ang kapit kay Deth.

Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang paghigpit ng hawak ni Deth kay Luna. Inangat niya pa ito hanggang sa umabot ang mukha ni Luna sa leeg niya.

"Bakit parang lahat yata kayo ay nag-aalala kay Luna?" Natatawang tanong ni Zai.

Natahimik naman ang lahat.

Pero totoo, napansin ko rin ang biglang pagbabago nila kay Luna. Well, dati kasi halos isumpa nila ito pati na sina Eunice at Stella dahil ayaw nila sa babae at magiging pabigat lamang ito sa amin kung sakali. Kay Luna kami nagbuhos ng sobrang effort dahil sa hindi namin malamang dahilan ni Deth habang tanging pangungumbinsi lang ang ginawa nina Zai, Wolf, Storm, Chaos, at Deth kina Stella at Eunice dahil sa pag-asang makakaya nila itong paalisin. Wala namang problema sa mga magulang nila dahil wala namang mga pake ito sa kanila. Ang problema ay nagmumula lang din sa kanila-na baka hindi nila kayanin ang pagiging dark student.

Pero ngayong nandito na sila, wala na silang choice kung hindi harapin ang mga consequence ng mga desisyon na ginawa nila at panindigan ang mga 'to.

Tumayo ako saka kinuha ang unan sa sofa at nahiga sa kama. "Tutal nahanap niyo na si Luna, siguro naman wala ng away o sigawan? Matutulog na ako."

"Tang'na talaga nitong si sleepyhead, oh!" Sigaw ni Rance.

"Hayaan niyo na baka mamatay nang tuluyan, e," natatawang sabi naman ni Vincent. Mukhang bumalik na nga siya sa dating Vincent at hindi ko 'yun gusto!

Sa inis ko at itinapon ko ang unan at lumabas ng kwarto.

Nakakabadtrip talaga 'yung mga ayaw magpatulog na 'yon. Saan naman kaya ako nito matutulog?

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 99.1K 44
WHITE HEAT SERIES 1 | COMPLETED | R-18 Chiara Asunción did not believe life to be simple despite everything she had. She could not maintain relation...
5.4K 183 17
Solace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabul...
3.3K 428 28
Everything seems perfect in Shinnel's life, but no one knows how her life is. She planned out everything she should do. She sets rules for herself: n...
28.3K 956 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...