My Phenomenal Bodyguard

By Brittledollyrose

19.1K 2.8K 284

PHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging... More

My Phenomenal Bodyguard
CHAPTER 1 First Meet
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 5O

CHAPTER 39

232 26 0
By Brittledollyrose

Zaitel's POV


And the birthday party started with Darren and his dad welcome address. At super saya ko na kahit si Acerdel ay nakalimotan ko na sa kahit maikling oras.

Para lang kaming isang pamilya na nag-uusap at nagtatawanan ng magulang ni Darren. I feel complete all of a sudden. Na miss ko tuloy si daddy kahit na nakausap ko siya kahapon sa telepono pero iba pa rin kapag magkasama at nakakapag-usap kami ng harapan.

Natuon ang atensyon namin sa harapan ng man-made stage na kung saan naroon si Darren. We requested him to sing kahit ayaw niya pero syempre sadyang makulit kami ni mommy kaya napapayag rin namin siya.

"Mic test." Sabi nito na itinapat ang mikropono sa kaniyang bibig tine-test iyon kung naka-on ba or okay pa. May inabot namang guitara ang emcee sa kaniya.

Nakangiti ito sa gawi namin.

Napatingin naman ako sa katapat na upoan na kung saan doon nakaupo si Acerdel. Titig na titig ito sa akin. He intently looking at me pero kahit na matatalim ang mga titig na ipinupokol niya sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang humanga sa tanyag niyang karisma at kagwapohan ngayong gabi simula sa suot nitong black tuxedo at sa maayos nitong buhok na medyo mamasa-masa dahil sa kung anong inilagay roon. Nanatili pa rin itong nakatitig sa akin kaya ako na ang pumutol non dahil parang nahihipnotismo ako habang patagal ng patayal akong nakatitig sa kaniyang mga mata.

Inabala ko na lang ang aking tingin sa unahan.

"Good evening! Everyone, thank you for coming to my 24th birthday and please enjoy the party but before that my two special and beautiful women in my life request me to sing a song. And this song I dedicate this to the one of them." Pagsasalita ni Darren sa unahan.

Mahina namang tumili si mommy at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko. Tinutudyo niya ako sa paraan nang pagsundot sa asking tagiliran.

"Ayieeh! I'm sure whatever he sing it was dedicated to you." She tease.

"Mommy naman, e." Sabi ko na ikinatawa niya lang at saka muli akong sinundot.

Kahit na gusto ko mang lingonin si Acerdel sa harapan ko ay hindi ko pa rin ginawa nararamdaman ko kasi ang mga titig niya na halos tumagos na sa likod ko. Itinoon ko na lang ang tingin ko sa harapan ng stage at hindi na lang siya pinansin.

Darren, started play the strings of the guitar. Nakangiti at pumalakpak ang lahat ng taong embitado sa birthday niya ng magsimula na itong kumanta.

🎶"Do you remember when I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby
When we were out on the playground playing pretend
I didn't know it back then

Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together
Have feelings we had before
Back when we were so innocent"🎶


Di ko alam kung matatawa o ngingiti lang ba ako sa kinanta niya. That song is the last song he sang for me. Nakatitig lang ako sa maamo nitong mukha. God perfectly made him, from head to toe. Handsome and a manly manner, and gentle guy, that's Darren. A pleasing and impressive appearance.


🎶"I pray for all your love
Girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you
Somebody pinch me (I must be dreamin')
This is something like a movie
And I don't know how it ends girl
But I fell in love with my best friend

Through all the dudes that came by
And all the nights that you cried
Girl, I was there right by your side"🎶

He still got his sweet voice and it's became manly also. Napakasarap pakinggan ng kaniyang boses malumanay at masarap sa pakiramdam. Para siyang naghahatid ng mensahe na siguradong mapapaibig ka sa boses niya. He has a terrific voice. Lahat ng tao ay makikita mong nag-e-enjoy sa kantang kinakanta niya.

🎶"How could I tell you I loved you
When you were so happy
With some other guy?

Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together
Have feelings we had before
When we were so innocent

I pray for all your love
Girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you
Somebody pinch me (I must be dreamin')
This is something like a movie
And I don't know how it ends girl
But I fell in love with my best friend"🎶


Talagang passion at talent niya na ang pagkanta. At proud ako kung ano man ang naabot niya ngayon. He is now a famous. I have this urge feeling right now that want to shout to the world that I am his best friend, his childhood best friend.



🎶"I pray for all your love
Girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you
Somebody pinch me (I must be dreamin')
This is something like a movie
And I don't know how it ends girl
But I fell in love with my best friend

I fell in love with my best friend
I remember when I said I'd always be there
Ever since we were ten, baby"🎶


Kung datirati ay ako lang ang nakakarinig sa maganda niyang boses at ako naman ang tagahusga niya. Ang sarap sa pakiramdam na bago man siya naging sikat ay isa ako sa mga kaunaunahang tao na kinantahan at tinugtogan niya noon.

Lahat ng tao ay nagsipalakpakan ng matapos na siyang kumanta. Lahat ay nasiyahan, sino ba naman kasi ang hindi isang model at singer ang kumanta. All of them congratulate him. Nakangiti itong bumaba sa stage at bumalik sa kaniyang kinauupoan na kung saan ay sa katabi ko.

"It's for you. Do you like it?" Darren asked pertaining to his song he sang.

"Thanks. It was the song you sing for me before you left and you still good at singing and I miss you practicing your song infront of me." Sabi ko na mahina naming ikinatawa.

Panay lang ang usapan namin hanggang sa kumain na kami. Sa gitnan ng pagkain ko wala sa sarili akong napalingon sa pwesto nila Acerdel, hindi na ako nagulat pa nang makita kong nakatitig pa rin ito sa akin nang mataman, napatingin naman ako kay Windy na panay lang usap kay Acerdel na di naman siya pinapansin. She was smiling flirtatiously at him and it irritated me as hell. Napakuyom ako sa mga kubyertong hawak-hawak ko.

Napaigtad ako ng biglang may nagsalita sa kabilang gawi ko.
"Okay ka lang ba hija? Ang higpit kasi ng hawak mo sa mga utensils." It was Darren's mommy.

"Po?"

"Are you okay?" Malambing nitong tanong.

"Yeah. Naiihi lang po kasi ako?" Wala sa sarili kong palusot na ikinatawa naman nila. God, this is embarrassing. Sa dinami-dami ng pwedeng ipalusot bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. Nahihiya akong napatungo sa plato ko. Gusto ko na lang mawala na parang bula sa harapan nilang lahat.

"Dapat hindi mo 'yan pinipigilan." Puna sa akin ni Darren.

"Saan ba ang restroom rito?" Nahihiya kong tanong sa kaniya. Nakangiti siyang tumayo.

"Let's go. I'll accompany you to the restroom." He said then offered me his right hand.

"Sige na hija." It was mommy.

"Sasama rin ako." Kapagkuway suhestiyon ni Vien na kasalukoyan ng nakatayo sa tabi ni Darren.

"Ano 'yan imbalido? Hindi na 'yan bata para samahan niyo pa sa CR." Windy interrupted. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa akin. Parang kakatayin na ako sa mga tingin niya na hindi ko rin inurongan.

I stared at her like a tiger who's ready to devore her prey.

Napangiti ako ng nauna itong umiwas ng tingin. Ang lakas manghamon, tsk.


"She's right. Dito na lang kayo mga magagandang ginoo. Huwag niyo na akong samahan pa I can handle myself perfectly." Sabi ko ng nakangiti saka tumayo sa kinauupoan.

It was mommy who point the way to the restroom hindi kasi sumagot si Darren. Para kasing natulos sila ni Vien sa kinatatayoan na hindi na gumagalaw at nagsasalita.

I excuse myself and take the way to the restroom.

Kasalukoyan na akong naghuhugas ng kamay ng biglang may pumasok sa entrada ng pinto. And to not my surprise it was Windy who enter smiling like a professional slut. Don't get me wrong because she act like one. Lalo na 'yong mukha niya na parang ginahasa ng make-up sa kapal non.


Tumabi ito sa akin at may kung anong kinuha sa purse nito, it was a lipstick. Lihim akong napangiwi nang mag-lipstick ito ng paulit-ulit na mas lalong ikinapangit niya.

"So nililigawan ka pala nila Vien at Darren?" Kapagkuway tanong nito nang matapos ito sa kaniyang ginagawa.

"Yes. May problema ka don?" Taas nuong tanong ko pabalik sa kaniya.

She chuckled and it makes me irritated.

"Good." Kapagkuway sabi nito na ikinasalubong ng dalawa kong kilay sa gitna.

"Hah?" Nagugulohan kong tanong.

"Buti kung ganon." Sabi nito at nakataas ang kilay na pinasadahan ako ng tingin. Naiinsulto ako sa ginagawa niyang pagpasada ng tingin sa akin para bang hinuhusgahan niya ang buo kong pagkatao gamit ang kaniyang isip. And then, she form a fake smiled to her lips.

"Sigurado naman akong hindi ka magugustohan niya." She said. I raised my eyebrows and smirked kahit hindi ko naman ma-gets 'yong tinutukoy niya.

"Talking to?" I frowned.

"Well gaya nga ng sabi ko maganda ka. Pero hindi sapat ang taglay mong kagandahan para mapantayan ako." She said confidently.

Walang buhay akong natawa sa kahanginan niya.

"Nice. What a confident slut." I said that makes her eyes pop and her mouth open wide in shock.

"What did you say?" Nanggagalaiti nitong tanong na ikinangiti ko. Maangmaangan ang talent ng peg.


"Nothing. Good if you didn't hear what I say." Sabi ko at nilampasan siya.

Pero nakakailang hakbang palang ako ng pigilan niya ako sa braso ko na ikinairita ko lalo. How dare she hold my arms using her dirty hand.

"Bitaw." I warned as I face her in a calm face.

"Bawiin mo 'yong sinabi mo. I'm not a slut you bitch." Galit nitong sigaw.

"Ayoko." Matigas kong sabi.

"Sabing bawi........" I cut her off.

"A.Yo.Ko." May galit at diin kong pagpuputol sa sasabihin sana niya.
"Actually were quits I call you slut and you just call me bitch in return, so put your hands away kung ayaw mong balian kita ng buto." May pagbabanta kong sabi at iwinaksi ang kaniyang kamay na nakahawak sa braso ko. Wala akong pake kung police man siya at hindi ako natatakot ng dahil lang don.

"Are you threatening to a police woman." She said.

I smirked.

"Kung ganon ang pagkakaintindi mo wala na akong magagawa." Walang buhay kong sabi at tuloyan ng lumapit sa pinto papalabas pero ng may maalala pa ako binalingan ko siya ng tingin sandali.


"By the way, I just want to ask, how do you spell your name?" Tanong ko na ikinataas na naman ng kilay niyang isang guhit lang.

"Why do you ask?" Balik na tanong nito pero kaagad din namang iniisa-isa ang letra sa pangalan niya. "W.I.N.D.Y. that's it." Dugtong niya.

I laughed na parang may kung anong napatunayan sa sarili.

"Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Mataray nitong tanong.

"Yes." Sagot ko sa tanong niya. "Kaya pala........." Pabitin kong sabi na ikinakunot ng malapad niyang nuo.

".........kaya pala ang hangin mong magsalita just like your name. And correction Ms. Mahangin hindi lang dalawa ang manliligaw ko tatlo sila.......... Including Acerdel. Nang-agaw ka lang naman nang ka date." Napaawang ang kaniyang bibig sa gulat at ang mga mata nito ay nanatiling nakabukas na ayaw na non pumikit kahit ilang sandali lang.

"Huwag mong ipagmalaki na mas maganda ka pa sa'kin nakakahiya sa makakarinig." Sabi ko habang may nang-uuyam na ngiti sa mga labi. Nanatili parin siyang tahimik.

"And one thing............ Mahangin ka lang bagyo ako, kaya anong laban mo sa akin?" Dagdag ko na di parin inaalis ang ngiti sa mga labi.

Bago ako tuloyang lumabas sa pinto kinindatan ko muna siya na ikinainis ng pagmumukha niya. Mukhang bumalik na siya sa dating wisyo niya. Lihim na lang akong natawa sa naging reaksyon niya. Suits her.

Bumuga ako ng hangin na pinipigilan ko lang kanina. Ang malanding 'yon, tsk. Mas mukhang bruha pa nga siya sa akin.

Napaigtad ako sa gulat ng makita ko si Acerdel na nakatayo sa may gilid. Matiim niya akong tinitigan.

"Tsk." Nasabi ko nalang. I just rolled my eyes upward and left him.



.......

"Mommy and daddy, huh? So manliligaw na rin ang lalaking iyon sayo?" May pangsasarkasmong sabi ni Acerdel ng makauwi kami rito sa bahay.

Tapos na ang birthday party ni Darren na hindi ko naman gaanong ma-enjoy kahit na gusto kong sumayaw sana kaso pinigilan ko na lang kasi alam kong may nanunuring tingin ang nakatitig sa akin dahilan ng hindi ako mapalagay sa kinauupoan.

"Huwag ngayon Acerdel pagod ako." Mahina kong sabi at pumasok na sa loob ng kabahayan.

"Let's talk Zaitel." Maawturidad nitong sabi na ikinalingon ko ko paharap sa kaniya. Tinaasan ko ng kilay bago nagsalita.

"Ano naman ang pag-uusapan natin? Kung gusto mo nang kausap doon ka sa Windy mo, punyeta ka. Bwesit! Fuck yourself! Go, alis!" Di mapigilang sigaw ko sa kaniya dahil sa nararamdaman ko pa rin ang iritasyong nararamdaman ko simula nong makita ko ang Windy na'yon hindi na natahimik utak ko.

"Minumura mo ba ako?" Pagalit na nitong sabi na ikinaikot lang ng mata ko sa ere.
"At bakit, siya ba si Zaitel?" Naiinis na pangsasarkasmo nito at tinaasan pa talaga ako ng kilay. Aba! Ma-attitude tayo pare.

"I don't want to talk to you. Talk to yourself instead." Sigaw ko at humakbang na papaakyat sa hagdan pero hinatak ba naman ako puti na lang hawak niya ako at namaayos akong naka-balance.

"Ano ba ang problema mo?" Tanong niya na ikinainis ko lalo.

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan. Ikaw? Ikaw anong problema mo, hindi na kasi kita maintindihan Acerdel. Actually gulonggulo na ako sayo mukhang sasabog na nga ang utak ko nang dahil sayo. Nag-iiba ang ugali mo, 'yong pakikitungo mo sa akin. Ang bilis, e, halos hindi ko na ma-figure out kung ano ang tumatakbo jan sa kukote mo. Kung galit ako gusto mo galit ka rin, ganon ba ang gusto mo? Pinalayas mo pa talaga ako nong isang gabi alam mo bang pagod ako non and I badly needed a rest, Acerdel. Pero hindi, pinairal mo pa rin 'yong kagustohan mo. Pagod na ako kaya tama na. Ano ba talaga ang plano mo sa akin? Bakit mo ba ginugulo ang buhay at isip ko, ha?" Grabe hiningal ako nang dahil sa pagsigaw kong 'yon, a. Bwesit naman kasi.


"I'm sorry. I'm just pissed." Mahinang sabi nito sapat na para marinig ko naman. Walang buhay akong tumawa.

"Walang kwenta. Hindi 'yon sapat, kahit mga titig mo nakikita ko ang galit at lamig doon." Sabi ko.


"I'm jealous." Sabi nito sa mahinang paraan sabay tungo nito pababa and this time hindi ko na talaga narinig ang mga sinabi niya.



"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"I said I'm...........jealous." sabi nito na hindi ko pa rin marinig ang huling sinabi niya.

"Bumabalik ka na naman sa pabulong-bulong mo. Bingi ako Acerdel kaya pakilakasan naman." Naiinis kong pangsasarkasmo na ikinaangat niya ng tingin sa akin. He look at me eye to eye. May pag-aalinlangan at kaba akong nakikita sa mga mata niya, and I don't know why.

He take one step forward enough na para ilang dangkal na lang ang pagitan namin sa isa't isa pasimple akong napalunok. Nagsisimula na namang humarintado ang puso ko. Naso-suffocate ako sa sobrang lapit niya. Gusto kong kunin sa loob ang puso ko para pagsabihan nang tumigil na sa kakatibok ng malakas. Ano ba kasing nangyayari sa akin. Bakit sa tuwing malapit sa akin si Acerdel nagkakaganito ako.

Umatras ako ng konte pero humakbang naman ito papalapit sa akin. I step back again at nakalimotan ko na hagdan na pala ang kasunod non hindi naging sabat na pagbalanse ko kaya matutumba ko patalikod.......pero hindi 'yon nangyari kasi kaagad akong nasalo ng mga bisig ni Acerdel. Abot-abot ng kabang napayakap ako sa mga braso niya.

Domoble ang kabang nararamdaman ko ng ilang dangkal na lang ang mga mukha namin sa isa't isa. Pasimple akong napalunok ng paulit-ulit napansin ko ring panay galaw ng kaniyang Adams apple niya.

"Zaitel." Pukaw nito sa akin.

Saka ko lang na-realized na buhatbuhat niya parin pala ako kaya kaagad akong kumawala roon at humakbang papuntang gilid.

Peke akong tumikhim ganon din siya.



"Amh......wala kanang sasabihin aakyat na ako." Sabi ko pero kaagad din niya naman akong pinigilan.


"Zaitel, I said I'm jealous." Sabi niya na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata. Alam kong tama ang narinig napakalinaw non sa pandinig ko.

"Alam mo namang nililigawan kita tapos naglalapit ka sa lalaking 'yon. Hindi ko na nga alam ang gagawing panliligaw sayo tapos dadagdagan mo pa kami. Gusto kitang pagbawalan, gusto kitang pigilan pero ano ba naman ang karapatan ko. I like you Zaitel, I like you very much at ayokong may kaagaw ako sayo. Natatakot ako sa di ko malamang kadahilanan. Pero kahit na ayaw kong may kakompetensya sayo hindi ko mapipigilan 'yon kasi nasa sayo ang lahat ng desisyong iyon. May karapatan kang pumili nang lalaking babagay sayo, lalaking mamahalin mo."

Napapantastikohan ko siyang tinitigan. Mapakla itong tumawa,

"Ano ba ang tingin mo sa akin Zaitel? Oo nga naman, nagtanong pa ako." Pangsasarkasmo niya. "Ano ba naman ang laban ko sa ibang mong manliligaw na halos ay kilala ka na at malalapit sayo, best friend mo nga sila diba at nasisiguro kong malapit na sila sa puso mo, e pano naman ako Zaitel kung sa karera pa ako 'yong pinakahuli sa linya. Well, after all I'm just your bodyguard. 'Yan lang naman ang tingin mo sa akin diba. Bodyguard na pinipilit makisiksik sa buhay mo. I'm just a pest that keeps on pestering you. Pero kahit na ayaw mo sa akin lalaban ako pero hindi ko maipapangako na lalaban ako ng patas kagaya nila." Nakaawang ang bibig kong iniwan niya lang ako. Ngayon ko lang nakita si Acerdel na pino-problema ang isang bagay. Gusto ko itong pigilan at sabihin ditong hindi ganon ang iniisip ko tungkol sa kaniya.

Atyaka gusto ko ring sabihin nito na ang lakas nang trip niyang mag walk out, dapat ako 'yon e.

Gusto ko ring ipamukha rito na hindi siya peste sa buhay ko. Na hindi lang bodyguard ang turing ko sa kaniya at hindi rin totoo na wala siyang laban kina Vien at Darren. But still I want him to prove what he really feels towards me, to what he said and I want more than that. Nagugulohan rin ako. Tapos dumagdag pa ngayon si Darren lahat naman sila may puwang na sa puso ko pero............. haiyst hindi ko na alam. Ito ba ang kabayaran sa mga nagtangkang ligawan ako na tinarayan ko lang. Kung oo, dahandahan naman ako itong nahihirapan. Nakakabiyak ng ulo sana hindi mabibiyak itong puso ko sa pipiliin ko sa tatlong lalaking iyon.

Bakit iba na ang mga lalaki sa panahon ngayon ni hindi nga sila humingi ng permiso na ligawan ako. Well, si Vien humingi ng permiso pero hindi naman ako pumayag basta they all just claim that they are my fucking suitors. This is insanely crazy.









A/N: sa susunod ulit mga ka-brittle. Goodnight sa inyong lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

734K 38.9K 21
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐀𝐧𝐢𝐤𝐚 𝐑𝐚𝐢 𝐱 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐫 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ...
571K 46.9K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
4.5M 282K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
177K 13.8K 35
Her marriage was fixed which was an arranged marriage but she moved to London to pursue her career and dreams and after that, she would marry. But in...