My Husband is Gay

Jejelobsss

98.3K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... Еще

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 20

2.1K 121 3
Jejelobsss

Chapter 20: Plano

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Hindi ko pa rin iminulat ang mga mata ko, pinakikiramdaman ko lang siya.

"I know that your awake." paos niyang bulong sa tenga ko, parang ang sexy niya tuloy mag salita.

Nasaan na ba yung bakla kong asawa? Bakit hindi pa bumabalik? Kahit kinikilig ako sa Ay-Ay ngayon ay gusto ko pa rin yung maarte at mataray na bakla.

"Wife, hindi ko na kaya 'tong nangyayari sa'ting dalawa. Ilang araw ka ng galit sa'kin, at ngayon dignagdagan ko pa pero... please. Talk to me." nagmamakaawa ang boses niya kaya hindi ko na natiis.

Dumilat ako at napabuntong hininga, "Pagod ako ngayon, Ay-Ay. Gusto ko ng matulog."

Actually, kanina pa talaga pagod na pagod ang katawan ko pero hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok dahil sa pag-iisip sa nangyari kanina.

"Tss. Hindi ka pa nga nagdo-doctor pero parang gusto ko ng ipahinto ka sa pagdo-doctor mo dahil alam kong mawawalan ka na ng oras sa'kin." nahimigan ko ang pagmamaktol at inis niya na ikinangiti ko pero hindi ko ipinakita sa'kanya.

"Ikaw nga kahit hindi pa architect ay wala kang oras sa'kin." mahinang sabi ko at pumikit.

Matagal na katahimikan ang namayani sa'kin. Sa oras na 'to ay parang naramdaman ko na talaga ang antok ko dahil sa pagkakayakap sa'kin ni Ay-Ay. Kumportableng kumportable ako at para akong nakalutang.

"Just... just give me time, wife. Babawi ako, kapag nakumpirma ko na itong nararamdaman ko sayo." rinig kong bulong niya pero hindi ko na nagawang sagutin dahil hinila na ako ng antok.

"Yung pinsan natin dalaga na."

"Shit, ang sweet nila."

"Kunan niyo ng picture!"

"Tangina, puno na ang storage ng phone ko."

"Putangina mo, Cliff!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay ng paligid ko. Nanlaki naman ang mga mata ko. Nandito yung apat na pinsan ko!

"Paano kayo nakapasok dito?" takang tanong ko.

"Ginamit namin yung pinto. Alangan naman sa bintana kami dumaan." nakasimangot na sabi ni Kuya Jared.

"Kahit kailan talaga ang tanga at slow mo pa rin, baby girl." napanguso naman ako sa sinabi ni Kuya Cliff.

Napatingin ako kay Ay-Ay na gumalaw at biglang napatingin sa mga pinsan ko ng nakakunot ang noo.

"Anong ginagawa niyo dito?"

Nakatingin lang yung mga pinsan ko kay Ay-Ay at may mga ibinubulong na hindi ko marinig. Magkakilala na pala silang lahat dahil nung kasal namin ay nag-usap ang asawa ko at ang mga mag-anak namin.

Napakamot naman ako ng pisngi at bumangon sa kama. Tumingin naman sa'kin si Ay-Ay na binalewala ko lang.

"Ano palang ginagawa niyo dito, Kuya? Ang aga pa 'e."

Alas sais palang naman ng umaga 'e. Atsaka bakit nandito sila sa'min ng ganito kaaga?

"Sasama ka sa'min papunta sa Palawan." gulat akong napatingin kay Kuya Greg.

"Ha?"

"What?!"

Sabay naming sigaw ni Ay-Ay at nagkatinginan pa kami. Kumislap ang mga mata niya at umiling iling.

"Mag-ayos muna kayong dalawa, sa baba na tayo mag-usap." sabay alis nilang apat.

Bakit nila ako isasama sa Palawan? Pero ayos lang naman sa'kin kung pumunta dun dahil namimiss ko na din kasi ang dagat 'e. At ang alam ko ay maganda daw dun sa Palawan.

"Huwag kang sasama."

Napatingin ako kay Ay-Ay na nakakunot ang noo habang nakatingin sa'kin. Napanguso naman ako sa sinabi niya.

"E gusto kong sumama, miss ko na ang dagat 'e."

Tiningnan niya lang ako ng mabuti, "Dahil nag po-pout na yang lips mo ay hindi ka na galit sa'kin?"

Natigilan naman ako pero muntik na akong napasigaw ng hilahin niya ang bewang ko kaya napunta na naman ako sa kama. Nagkatitigan kami at napalunok ako bago mag iwas ng tingin.

"Hindi naman ako galit sayo, nakakatampo ka lang."

Hindi naman talaga ako galit sa'kanya, nagtatampo at naiinis lang itong nararamdaman ko pero hindi ako talaga galit. At isa pa ay hindi ako marunong mag tanim ng galit sa dibdib ko. Masama daw yun sabi ni Mama.

"Talaga ba?" tumaas taas pa ang kilay niya na ikinatawa ko.

Pinisil ko naman ang pisngi niya, "Opo."

Ngumiti naman siya at nagulat naman ako ng dampian niya ng halik ang tungki ng ilong ko pero napangiti din ako. Mukhang ang ganda ng gising niya ngayon 'a. Nagiging sweet na siya sa'kin kahit hindi maganda ang nangyari kagabi.

"Ayokong sumama ka." niyakap niya ako ng mahigpit, "Pag sumama ka, mag-isa nalang ako dito."

Napangiti na naman ako. Ano ba yan, kagabi ay hindi ko kilala ang Ay-Ay na nasa harap ko tapos ngayon ay bumalik na siya sa dati. May pagkama-arte na naman ang boses niya pero ang sarap pakinggan.

"Edi sumama ka." tiningnan ko siya.

Napatakip siya ng bibig, "Oh, really? Shit, I am sure na maraming fafa dun!" tumili pa siya na nakikilig.

Kumunot ang noo ko, "Fafa?"

"Ano ka ba! Fafa yung mga gwapong lalake at may yummy na pangangatawan at syempre may malaking hotdog!"

Nagsalubong ang kilay ko. Kahit hindi ko maintindihan ang ilan sa mga sinasabi niya ay sapat na sa'king maintindihan na maghahanap naman siya ng lalake.

"Ayoko na! Huwag ka ng sumama!" sigaw ko at umalis sa kama pero bago pa man ako makaalis ay hinila naman niya ako kaya napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Bakit ang tigas? Nag-e-exercise ba itong baklang 'to?

Naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa may tenga ko kaya nanginig na naman ang sistema ko. Iba talaga ang epekto niya sa'kin.

"I'm just kidding. Diba sinabi ko na sayo kagabi na kaya kong magbago, at ngayon ko na sisimulan." hinalikan niya ang sentido ko, "...'wag mo lang tuluyang magustuhan ang gagong doktor na yun."

Napalo ko naman ang braso niya pero mahina lang, "Kung gusto mong magbago dapat maging mabait ka muna."

Napatingin naman siya sa labi ko na bahagyang napanguso at nagtaka ako dahil namumula na ang tenga niya. Ano nangyari sa tenga niya? Hindi ko naman yun piningot 'a?

"Y-Yeah... pero sayo lang."

Napasimangot ako sa sinabi niya at magsasalita na sana ulit ng may kumatok sa pintuan sabay sigaw ng pinsan ko.

"Putcha, ang tagal niyong dalawa! Baka nag-aano na kayo dyan 'a!" sigaw ni Kuya Greg.

Anong nag-aano?

Tiningnan ko naman si Ay-Ay at hinalikan ko ang pisngi niya bago tumakbo papunta sa banyo. Pagkatapos kong magbihis at maligo ay bumaba na ako. Bumungad sa'kin sila Kuya Insan habang kausap si Ay-Ay na bagong ligo din. Siguro sa kwarto namin siya naligo.

Nang makita nila ako ay pumunta kami sa dining area at nagsimula ng kumain ng breakfast.

"Shock, I can't believe na napapalibutan ako ng gwapong mga pinsan mo." kinikilig na bulong sa'kin ni Ay-Ay, magkatabi kasi kami kaya madali lang sa'kanyang bumulong ng kung ano ano sa'kin.

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil narinig ko naman ang sexy niyang tawa.

"Nagbibiro lang ako ulit, Wife. I just want to pissed you." bulong niya ulit kaya bahagya akong nagitla dahil nakikiliti ako.

"Nakakinis nga yang biro mo." naiinis na ani ko at tinusok tusok ang beef steak.

Kanina pa siya biro ng biro sa'kin 'a. Baka sa susunod na magbiro siya ulit ay plato na ang tatama sa gwapo niyang mukha.

"Miracle, can we talk?" tanong maya maya ni Kuya Santi.

Sa apat na pinsan ko na nandito ay siya palagi yung seryoso kaya natatakot ako minsan na makipag usap sa'kanya para kasing mangangain kung makatingin 'e.

Pumunta kami sa may side ng pool at naupo naman ako habang siya ay nakatayo na nakatingin sa'kin.

"Ano pong pag-uusapan natin, Kuya?" takang tanong ko.

"Kailangan mong sumama sa'min sa Palawan pero hindi sasama si Aywayne." seryoso niyang sabi.

Napasimangot naman ako, "Kung hindi siya sasama, hindi din ako sasama."

Napabuga siya ng hangin, "Insan, I have a plan."

Nagtataka ko siyang tiningnan, "Plan? Saan naman yung plan mo, Kuya? Nandito ba sa pool?"

Ginulo niya ang buhok ko kaya napakamot ako ng pisngi.

"No." naupo siya sa tabi ko at inakbayan niya ako, "I have a deal with him. Sasama ka sa'min at mag-s-stay ka ng isang linggo dun."

Napakamot ako ulit ng pisngi, "Hindi ko naiintindihan yung plano mo, Kuya."

Ngumiti siya kaya kitang kita ko ang dimple niya.

"Nakipagkasundo ako sa'kanya na kung hindi siya susunod sayo sa Palawan sa loob ng isang linggo ay mawawala ka sa'kanya." nanlaki ang mga mata ko sa gulat, "Dun mo malalaman kung talagang mahal ka niya. Tingnan natin kung mahal ka talaga ng baklang yun."

"Paano kung hindi siya sumunod?" napayuko ako.

"I'm sorry to say this pero kailangan namin ikaw na ilayo sa'kanya. Baby, sakit lang ang makukuha mo sa baklang yun kaya kami na ng mga pinsan mo ang gumawa ng paraan para hindi ka na masaktan ng sobra." sinserong sabi niya.

Akala ko ay wala silang pake sa'kin dahil palagi nalang nila akong nilalait kapag buo kaming mag-anak sa isang taon pero mali lang pala ang akala ko.

"Paano mo naman nalaman na gusto ko siya, Kuya? Wala naman akong sinasabihan ng ganun."

Natawa siya at ginulo ang buhok ko, "Your eyes can't lie."

Napanguso naman ako, "At paano ka naman nakakasiguro na papayag sila papa na ilayo niyo ako kay Ay-Ay kapag hindi siya sumunod?"

Mas napangiti pa siya, "Kahit pa batuhin kita ng bato ay sure na sure akong papayag sila sa plano ko."

Nakatulala lang ako sa tv namin dito sa sala habang naka upo sa sahig. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Kuya Santi. Paano nalang kung hindi sumunod sa'kin dun si Ay-Ay? At paano kung totohanin talaga nila Kuya yun? Ayokong malayo sa'kanya kahit pa masaktan lang ako sa tabi niya. Sana talaga sumunod siya papunta sa Palawan.

"Ang layo ng iniisip mo 'a."

"Bakit hinabol mo ba yung iniisip ko kaya nasabi mong malayo?" napatingin ako kay Ay-Ay.

Inirapan naman niya ako pero isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Sila Kuya Santi pala ay kanina pa umalis at kila Mama sila tumutuloy ngayon. Malayo kasi ang condo at bahay nila sa village namin kaya dun na daw sila magpapalipas ng gabi at bukas na bukas din ay susunduin na nila ako para bumyahe papunta sa Palawan.

"Sigurado ka ba talagang pupunta ka sa Palawan?" tanong niya habang nasa leeg ko ang mukha niya.

Namula naman bigla ang pisngi ko dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya.

"Oo, kasal kasi ng isa kong pinsan." bukod kasi sa plano nila Kuya ay kailangan ko din pumunta dun kasama sila mama para sa kasal ng pinsan ko.

"E bakit hindi ako kasama?"

Napakagat ako ng labi at sinubukan ko siyang itulak pero ayaw niya pa ring umalis sa pagkakasubsob sa pisngi ko. Napasimangot nalang ako.

"H-Hindi ka kasama kasi hindi ka kasama." nautal pa ako.

Napasinghap ako ng yakapin niya ako sa bewang ko at inusog ako papalapit sa katawan niya.

"Wife, mamimiss kita." bulong niya.

Napalunok ako at itinuon nalang sa tv ang atensyon ko pero hindi ako maka focus dahil ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

"Bawal kang lumapit sa mga lalake dun." tiningnan niya ako ng seryosong tingin.

"E lalake yung mga pinsan ko."

"Except lang sa'kanila."

Napatango naman ako. Ikaw kaya, Ay-Ay? May plano ka bang sumunod sa'kin dun?

"Hayst, masyado na ba akong clingy" nakangusong sabi niya.

Natawa naman ako, "Medyo pero mas gusto ko yun."

Kahit hindi ako tumingin sa salamin a alam kong pulang pula na ang mukha ko. Gusto ko nalang himatayin.

"Ikaw kasi 'e. Ano ba kasing ginawa mo sa'kin? Bakit ako nagkakaganito?" umakto pa siyang nadidiri sa sarili niya.

Pinalo ko naman ang braso niya pero medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na siya nakasubsob sa leeg ko.

"Bakit kasalanan ko pa? Wala naman akong ginagawa 'e." napasimangot ako at napangalumbaba habang nakaharap sa tv.

"Meron kang ginawa sa'kin." napatingin ako sa'kanya, "Simula ng halikan mo ako ay nagkaganito na ako."

Nanlaki ang mga mata ko at pinalo ko siya, "Ikaw kaya yung unang humalik! Ikaw yung kumuha ng first kiss ko noe!"

Natawa siya at biglang kinurot ang pisngi ko.

"Bakit ang pula pula na ng pisngi mo? Kinikilig ka sa baklang asawa mo ha?" nakangising sabi niya.

Napaiwas naman ako ng tingin. Oo na, kinikilig na ako! Sa sobrang kilig na nararamdaman ko ay gusto ko nalang magpagulong gulo kaya utang na loob Ay-Ay, tama na yung pagpapakilig!

"H-Hindi 'a. Asa ka." itinuon ko nalang ang pansin ko ulit sa tv.

Niyakap naman ng isang kamay niya ang bewang ko at isinandal niya ako sa dibdib niya.

"Ay-Ay, bakit may abs ka? At bakit ang ganda ng katawan mo para sa isang baklang kagaya mo?" wala sa sariling na sambit ko at bigla nalang namula dahil nasabi ko ang nasa isip ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya napapikit ako.

"Tumubo lang yan." napatingala ako sa kanya kaya kitang kita ko ang adams apple niya.

"Tumubo? Bakit halaman ba yan?" takang tanong ko.

Natawa naman siya at tiningnan ako kaya nagkatitigan kami. Ang lapit lapit din ng mukha namin.

"Parang ganun, halaman na may ugat." bigla siyang napahalakhak na ikinataka ko.

Anong nakakatawa sa sinabi niya? Hindi ko talaga maintindihan mga pinagsasabi nito 'e.

Habang nanonood kami ay naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko habang hinahaplos. Ganito ba talaga ang mga bakla na maging sweet? Kung ganito siya ka sweet siguro mas sobrang wild niya- ayy ano ba yung pinag sasabi ko? Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng sobrang wild.

Epekto na talaga 'to ng pagbabasa ko ng love story.

Tumingala ako sa'kanya at napasinghap ako dahil titig na titig siya sa'kin. Bumaba ang mata niya sa labi ko at dahan dahang lumapit sa mukha ko. Napalunok ako at napapikit.

Naramdaman ko ang malambot niyang labi na dumampi sa labi ko. Napasandal ako sa sofa at gumalaw ang labi niya sa'kin. Napayakap ako sa batok niya habang niyakap naman niya ang bewang ko.

Kahit hindi niya sabihin sa'kin kung bakit niya ito ginagawa ay mag-iintay ako. Mag-iintay ako sa paliwanag niya at aasa pa rin ako na mamahalin niya din ako. Masakit mang umasa pero iyun ang gagawin ko kahit masakit kasi hindi ko na kaya itong nararamdaman ko.

Hulog na hulog na ako sa asawa ko.

A/N: Merry Christmas! Regalohan niyo ako ng votes and comments :^

Продолжить чтение

Вам также понравится

94.8K 3.1K 56
"I want to see you happy being my friend but how? When the time I saw you happy to the another man make me man too!" -Eric...
51.7K 1.4K 48
Isn't it weird that just on one night stand all things changed i get married because of one mistake. Mistake that turned into 5 stages of griefs. Ins...
72.9K 1.6K 38
What if the virginity you are keeping has been taken away by a gay man and your life has turned upside down because of what happened that night, what...