My Husband is Gay

By Jejelobsss

98.2K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 17

1.9K 96 5
By Jejelobsss

Chapter 17: Volleyball

Nagising ako sa matinding uhaw na nararamdaman ko kaya tumayo ako sa kama pero bago ako lumabas ay napatingin ako sa kama ko at napabuntong hininga. Alas dos na ng madaling araw pero wala pa rin siya.

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang reef at nainom ng malamig na tubig. Naglakad ako papunta sa hagdanan para matulog ulit pero napahinto nalang ako ng may naaninag akong tao na nakahiga sa sofa dito sa sala.

Dahil maliwanag ang buwan na tumatama sa sliding window ay naaaninag ko ang taong nakahiga sa sofa. Lumapit naman ako at kumunot ang noo ko ng mapagtanto ko na itong taong ito ay si Ay-Ay at mahimbing na natutulog.

Bahagya kong tinapik ang pisngi niya para magising siya. Parang hindi kasi siya kumportable mahiga sa sofa kaya ihahatid ko nalang siya sa kwarto namin.

“Hmm...” ungot niya at bahagyang gumalaw.

“Bakla, gumising ka dyan. Sa kwarto ka na matulog.”

Dumilat ng bahagya ang mapupungay niyang mga mata at kumunot ang noo. May napapansin ako sa’kanya, parang lasing siya. Hindi ko lang sure.

“W-Who are you? Ikaw ba ang asawa ko?” tanong niya.

Napangiti naman ako, “Halika na, dun ka na sa kwarto matulog.” hinawakan ko ang braso niya pero tinabig niya lang ito.

“H-Huwag mo akong hawakan. Nangako ako sa sarili ko at sa a-asawa ko na magbabago na ako.” pumipikit pikit pa ang mata niya.

Lasing na lasing na talaga siya, hindi niya man lang ako nakikilala ‘e. Pinagmasdan ko ang mukha niya.

“Bakit naman?” tanong ko.

Sabi ni papa ay pag lasing daw ang isang tao ay may mga nasasabi daw ito na totoo kaya kakausapin ko muna ngayon si Ay-Ay na lasing.

“A-Ayoko siyang saktan, ayoko ng makita siyang umiiyak nang dahil sa’kin.” napangiti pa lalo ako sa sinabi niya, “Ayokong iwasan niya ako. Tangina yan, hindi ko alam kung anong nangyayari sa’kin.”

Napasimangot naman ako sa pag mura niya pero malamang hindi niya alam ang nangyayari sa’kanya dahil lasing nga siya.

Napaigta naman ako ng hawakan niya ang pisngi ko at hinaplos iyun. Nakatingin lang kami sa isa’t isa at ito na naman yung puso ko, ang bilis ng tibok.

“Kamukha mo yung asawa ko.” tanga, ako kasi ‘to, “Pero mas maganda pa rin ang asawa ko kesa sayo.” natawa siya na ikinapula ng pisngi ko at napalunok.

“At mahal ako...” nagulat ako sa sinabi niya.

Alam na niya talaga ang nararamdaman ko sa’kanya pero hindi ko talaga alam kung bakit niya nalaman. Wala akong maalala na sinabi ko yun sa’kanya.

“Kahit bakla ako... m-minahal pa rin niya ako ng higit pa.” parang baliw siyang natatawa.

Hindi naman ako makapag salita, nakatingin lang ako sa mukha niya. Kahit saang anggulo tingnan ay ang gwapo pa rin niya.

Napasinghap naman ako ng bigla niyang isandal ang mukha niya sa balikat ko at ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Hindi ako makagalaw sa ginawa niya.

“Wife...” mahinang anas niya pero rinig na rinig ko naman.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na ganun ang tawag sa’kin ng bakla na ‘to. Hinaplos ko naman ang buhok niya at maingat kong pinahiga ang ulo niya sa unan. Sandali ko muna siyang tinitigan habang hinahaplos ang pisngi niya. Tulog na tulog na siya at mukhang hindi ko na siya mapapahiga dun sa kwarto namin, hindi ko siya kayang buhatin ‘e.

Tumayo na ako at kinumutan ko siya. Tiningnan ko muna siya bago umakyat sa taas.

Tumatakbo akong bumaba pagkatapos kung makapag bihis. Tiningnan ko ang kabuuan ng sala kaso hindi ko na makita si Ay-Ay.

Saan na kaya yun? Baka umalis na siya pero hindi ko naman naramdaman na pumasok siya sa kwarto namin kanina. Pumunta ako sa kusina at napangiti ako ng makita ko siyang nakaupo sa stool habang umiinom ng kape at minamasahe pa niya ang sentido niya. Masakit siguro ang ulo niya sa paglasing niya kagabi.

Dahan dahan akong lumapit sa’kanya. Plano ko siyang gulatin pero nung malapit na ako sa’kanya ay siya namang pagharap niya sa’kin na ikinagulat ko.

“Kung gugulatin mo ako, siguraduhin mong hindi kita makikita ‘a?” masungit niyang ani.

Napanguso naman ako at naupo sa stool kaharap siya.

“Timpla mo nga ako ng gatas.” nakangiting utos ko habang nakapangalumbaba.

Tinaasan niya lang ako ng kilay pero sumunod din naman sa utos ko at inilapag niya ang baso ng gatas na tinimpla niya.

“Masakit ba yung ulo mo?” tanong ko at uminom ng gatas.

Tumango naman siya, “Yeah.”

“Gaano ba kasakit? Gusto mo pokpokin ko ng bato para mawala yung sakit?”

Sinamaan niya ako ng tingin, “Kung ang ulo mo kaya ang pokpokin ko ng bato?”

Napabungisngis naman ako. Ki-aga aga ang sungit sungit na naman niya pero hindi naman ako naiinis lalo na nung naalala ko na naman ang mga pinag sasabi niya kagabi.

“Bakit ba kasi masakit yang ulo mo?” enosente kung tanong, mabuti na yung hindi niya alam na alam ko ang paglasing niya kagabi at yung mga sinabi niya sa’kin.

Alam ko naman na nakalimutan na niya yung mga pinagsasabi niya.

“Hang over lang.” sumimsim siya ng kape.

Tumango tango naman ako, “Bakit?”

“Bakit ang dami mong tanong?” naiinis niyang ani.

“Bakit ang dami mo ding sagot?” inirapan ko siya.

Hindi naman siya umimik kaya inubos ko nalang ang gatas ko at ang breakfast na inihanda ng mga maid namin. Tumayo na ako pero napahinto ako ng magsalita siya.

“Hindi muna ako iniiwasan?”

Napatingin ako sa’kanya, “Mukha bang iniiwasan kita ngayon?” napanguso naman ako.

“Just answer me.”

“Hindi na.”

Napakagat naman siya ng labi na parang nagpipigil ng ngiti na ikinataka ko at parang nakahinga din siya ng maluwag. Tumayo naman siya at inubos ang kape niya bago tumingin sa’kin.

“Hintayin mo ako, sabay tayong papasok.”

Napatango tango naman ako kahit tumatakbo na siya sa hagdan. Hinintay ko siya sa sala at maya maya pa ay napatayo ako ng makita ko siyang pababa na.

“Tara na.”

Sumunod naman ako sa’kanya at sumakay sa front seat. Napatingin ako  sa’kanya ng mag drive na siya.

“May volleyball kami ngayon, gusto mo manood?” tanong niya habang nasa daan ang tingin.

Napabuka naman ng kunti ang labi ko sa mangha, “Naglalaro ka ng volleyball?”

“Yeah.” nakangising sabi niya.

“Sige! Basta ipanalo mo ‘a.”

“Oo naman.”

Pagkarating namin sa university ay nauna na siya dahil may gagawin pa daw siya at ako naman ay pumunta na din sa building namin.

Excited na akong mapanood ko siya na mag volleyball. Siguro ang galing galing niya sa larong yun.

Napatingin ako kay Danreb na nakasubsob sa mesa niya. Tinapik ko naman ang pisngi niya para magising. Napamulat siya at kinusot kusot ang mata niya.

“Ikaw pala, Miracle.” napahikab pa siya at naupo.

Nagtataka naman akong nakatingin sa’kanya, “Bakit antok na antok ka?”

“Wala naman.”

Pinitik ko ang ilong niya ng pumikit na naman siya at muntik ng mapasubsob sa mesa. Sinaman naman niya ako ng tingin at ngumuso.

“May ginawa lang ako magdamag.”

Ano kayang ginawa niya? Sa pagkakaalam ko ay wala namang pinapagawa sa’min ang mga prof, tanging pag review lang naman dahil malapit na ang exam namin. Tumango tango nalang ako, hindi ko muna siya dadaldalin. Kailangan niya ng tulog ‘e.

Ginising ko din siya ng dumating na ang prof namin. Makakatulog din naman ‘tong si Danreb mamaya dahil vacant namin. Sabay na din kaming naglunch at na-ikwento ko sa’kanya ang laro ni Ay-Ay na alam din pala niya. Halos lahat ng college student dito ay alam na mamaya ang laro nila Ay-Ay kaya marami ang excited, isa na ako dun.

Pagkapasok sa gym ay malakas na hiyawan ang narinig namin.

“Ang daming tao.” sabi ko.

“Syempre, magandang laban ‘to.” ngiting ngiti na sambit ni Danreb at inakbayan ako.

Pumwesto kami sa harap at kitang kita ko dito si Ay-Ay na nakaupo sa kabila at malayo ang tingin niya. Nilapitan siya ng ka-team niya kaya tumayo siya. Ang gwapo ng asawa ko.

“Magaling ba si Ay-Ay?” tumingin ako kay Danreb na nakatingin din sa team nila Ay-Ay.

“Yeah. Actually, he is the Captain.”

“Oh?” manghang sabi ko at tumango naman siya.

Yung asawa ko pala yung captain.

Maya maya pa ay nagsimula na ang laro kaya mas lumakas pa ang hiyawan nilang lahat. Nakangiti lang ako habang nakatingin kay Ay-Ay na seryosong naglalaro ng volleyball. Infairness, hindi siya maarte kong mag spike ng bola.

Tiningnan ko ang score nila at mas lamang ang score ng team ng kalaban nila Ay-Ay kesa sa’kanila. Mukha kasing hindi maka focus si Ay-Ay ‘e.

Tumayo ako ng mag spike ulit siya, “Go, bakla! Go, asawa kong bakla!” napasigaw ako ng malakas at ang nakakahiya pa dun ay ako lang ang sumigaw.

Napahinto siya at tumingin sa’kin. Nagulat naman ako ng ngumisi siya sa’kin at ang sunod nalang na nangyari ay sunod sunod na ang score niya kaya malalakas ang hiyawan ng mga tao kasali na ako dun.

“Nanalo ang asawa ko!” malakas kung sigaw kay Danreb habang tumatalon talon ng manalo ang team nila Ay-Ay at mas lalo pang lumakas ang hiyawan dahil sa pagkapanalo nila.

“Alam ko. Kailangan pang isigaw, baks?”

Napabungisngis naman ako sa sinabi niya at hinila ko siya. Nakipag siksikan kami sa maraming tao para makapunta sa pwesto nila Ay-Ay. Masaya lahat ng team nila at nakikipag apir sila kay Ay-Ay.

“Nandyan na asawa mo, bakla.” tinapik ng ka team niyang lalake ang balikat niya at lumapit sa ibang kasama niya.

Napatingin naman sa’kin si Ay-Ay pero napa seryoso naman ng makita niya kaming dalawa ni Ay-Ay.

“Ang galing mo!” sa sobrang tuwa ko ay yinakap ko siya habang tumatalon.

“Nasasakal na ako ‘a.” natatawa naman akong bumitaw sa’kanya.

“Celebrate tayo, kasama si Danreb.” hinawakan ko ang braso ni Danreb na wala namang imik.

Tiningnan siya ni Ay-Ay, “Ayoko siyang kasama.”

Napasimangot ako sa sinabi niya, “Sama na natin siya. Pl–”

“Kayo nalang, may pupuntahan pa kasi ako.” napatingin naman ako kay Danreb na nakangiti sa’kin.

“Sigurado ka?”

Saan na naman kaya ang punta nito? Gusto ko siyang kasama na i-celebrate ang panalo ni Ay-Ay ‘e, para masaya.

“Oo, bukas nalang tayo magkita.” ginulo niya ang buhok ko at umalis na siya.

Nakatingin lang ako sa papalayong bulto niya. Kung hindi pa tumikhim si Ay-Ay ay hindi ko maiaalis ang tingin ko kay Danreb. Napatingin naman ako sa seryoso niyang mukha.

“Saan mo gustong pumunta?” nagtaka naman ako sa tanong niya pero oo nga pala, mag se-celebrate kami sa pagkapanalo nila.

“Street foods!” masayang sigaw ko na ikinatawa niya.

Nakatingin lang ako sa isaw habang si Ay-Ay ang bumibili. Nandito kami ngayon sa gilid ng kalsada na malapit lang sa university.

“Oh.” kinuha ko naman ang bigay sa’kin ni Ay-Ay at nakangiting kinain ko yun.

“Ang sarap!”

Tiningnan niya lang ako, “Huwag kang maadik dyan, bad for your health yan.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Concern siya sa’kin. May kung ano na namang kiliti sa loob ko kaya nag iwas nalang ako ng tingin. Baka mahalata niya.

Nakailang beses pa kami na bumili ng isaw bago napagpasyahan na umuwi na dahil madilim na din. Pagkarating sa bahay ay sumalubong sa’kin si baby ay-ay kaya napangiti ako.

“Mukhang mas paborito mo talaga yang aso na yan ‘a?”

Napatingin naman ako kay Ay-Ay. Masungit na naman siya. Minsan hindi ko maintindihan siya dahil pabago-bago siya ‘e. Bumabait siya pero maya maya ay masungit na naman. Hirap intindihin ng baklang ‘to.

“Oo naman noe kasi siya yung baby ko habang ako naman ang mommy niya at ikaw naman ang daddy niya.” napabungisngis naman ako ng matigilan siya pero naglakad na siya pataas.

Ibinaba ko si baby ay-ay at sumunod nalang ako sa’kanya papunta sa kwarto. Pagkapasok ko ay rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Naliligo ata.

Nagbihis naman ako ng pangbahay at lalabas na sana ako ng may makita ako na isang box ng phone na nasa side table.

Mukhang ito na yung binili sa’kin ni Ay-Ay na phone ‘a.

Binuksan ko naman ang phone na bagong bago at dumapa sa kama. Nagulat pa nga ako dahil nandun na ang phone number ni Ay-Ay. Pangalan niya lang ang nandun kaya pinalitan ko ng ‘asawa kong bakla’ with emoji kiss.

“Sayo na yan.”

Napatingin ako kay Ay-Ay na kakalabas lang niya ng banyo na naka towel lang sa pang-ibaba habang pinupunasan pa niya ang buhok niya ng isang towel.

Siya na yata ang pinaka gwapo at pinaka mainit na bakla sa balat ng saging.

Teka, mainit?

“Sa’kin naman talaga ‘to ‘e.”

“Huwag mo ibibigay sa iba ang number mo kahit kay Danreb, Lance at Vero.” seryoso niyang sabi na ikinataka ko.

Edi siya lang yung nakakaalam ng number ko kapag ganun. E gusto ko pa naman makakwentuhan si Danreb kapag hindi ko siga nakikita.

“B–”

“Understand?” pinutol niya ang sasabihin ko.

“Pe–”

“Naiintindihan mo ba?!”

Nagitla ako ng sumigaw siya kaya tumango tango nalang ako.

“Oo na! Naiintindihan ko, hindi naman alien language ang sinasabi mo para hindi kita maintindihan.”

“Good.” kumembot pa talaga siya habang pumapasok sa walk-in closet niya ba ikinatawa ko.

Pinatong ko ang bago kong phone sa side table at akmang lalabas na ako ng marinig ko ang kalabog sa walk in closet ni Ay-Ay kaya dali dali akong tumakbo dun at naabutan ko siyang nakaupa habang hawak niya ang balakang niya.

“Anong nangyari sayo?” natatawang tanong ko ng makita ko ang itsura niya.

Sinamaan niya ako ng tingin at bigla niya akong binato ng white shoes niya pero nailagan ko. Naiinis na naman siya dahil pinagtatawanan ko.

“Imbis na tulungan mo ako, pinagtatawanan mo pa akong impakteta ka.” singhal niya na ikinatawa ko nalang.

“Asa ka boy- este bakla.” tumakbo na ako papalabas ng akma niya akong babatuhin ng matigas na sapatos niya.

Natatawa naman akong lumabas ng kwarto. Parating highblood talaga ang baklang yun.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 119K 44
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
72.9K 1.6K 38
What if the virginity you are keeping has been taken away by a gay man and your life has turned upside down because of what happened that night, what...
1.3M 68.3K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...