My Husband is Gay

By Jejelobsss

98.3K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 16

2K 96 8
By Jejelobsss

Chapter 16: When she cry

“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko bigla habang kumakain kami.

Kasi naman ay kanina pa niya ako tiningnan sa hindi ko malamang dahilan. Wala na nga pala akong sakit kaya makakasabay na ako sa’kanyang pumasok sa campus.

“Wala.” nag-iwas siya ng tingin na ikinanguso ko.

“Wala? Kagabi pa yang wala na yan ‘a.” sa tuwing tatanungin ko kasi ay parating wala ang sagot, nakakainis na ‘to ‘a.

Hindi naman siya sumagot kaya hindi na rin ako nagsalita. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na kami ng bahay ay pumasok sa kotse niya na siya na yung nag-dadrive.

“Bakit ang seryoso mo?” takang tanong ko sa’kanya habang tinitingnan siyang seryosong nagdadrive.

Kanina pa talaga ‘to seryoso ‘e kaya hindi ko maasar. Napatingin siya sa’kin sabay tingin ulit sa daan.

“Wala.” napapoker face ako.

Puro wala! Bahala nga siya. Tumingin nalang ako sa labas. Hanggang sa makarating kami sa university ay wala kaming imikan. Lumabas ako ng kotse at hindi na siya inintay.

“Wait..” tumigil naman ako at tumingin sa’kanya pero ang walang hiya, hindi pala ako ang kausap niya kundi si Lance na kakarating lang.

Napairap nalang ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa building namin ay nakita ko si Danreb na nilalaro ang ballpen niya habang malayo ang tingin.

“Saang bansa ka na nakarating?” naupo ako sa tabi niya kaya napabaling siya sa’kin.

“Ha?”

“Sa sobrang layo ng iniisip mo ay sure akong nakarating ka na sa New York.” natawa naman siya sa sinabi ko pero sumeryoso din at tiningnan ako ng mabuti.

“Wala ka ng lagnat.” hinawakan niya ang noo ko kaya tumango naman ako.

“Magaling mag-alaga yung architect ko ‘e.” natatawang sabi ko.

Ngumiti naman siya, “Mukhang magaling pang mag-alaga ang architect kesa sa doctor na kagaya ko.” nakangusong sabi niya na ikinatawa ko nalang.

May bigla siyang kinuha sa bag niya at napangiti ako lalo ng makita ko ang matamis na namang pagkain.

“Sayo na yung isa.” kinuha ko naman ang ibinigay niya sa’kin pero hindi ko na nagawang kainin ng dumating ang prof namin.

Nakinig nalang ako sa prof namin. Magiging busy na talaga ako ngayong susunod na araw dahil malapit na ang  first semester exam namin. Nang matapos ang discussion namin ay break time na kaya sabay kaming pumunta ni Danreb sa cafeteria. Umorder kami ng makakain at umupo sa bakanteng upuan dito.

“Grabi, nilagnat kalang mas pumangit ka lalo.”

Napatigil ako sa pagsubo at tiningnan ng masama si Danreb. Grabi talaga ‘to makalait sa’kin, akala mo naman kung sinong gwapo.

“Grabi, isang araw lang tayong hindi nagkita ay pumangit na yang mukha mo.” sabay subo ko ng pagkain.

Sinamaan naman niya ako ng tingin na ikinatawa ko.

“Gwapo kaya ako.” napanguso naman ako sa sinabi niya.

“Para sabihin ko sayo, wala sa lahi niyo ang pagiging gwapo.”

Nalaglag ang panga niya at napanguso siya, “Gusto mong lahian kita para malaman mo?”

“Ha?” takang tanong ko.

“Wala!”

Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy nalang sa pagkain namin ng snack. Pagkatapos naming kumain ay iniwan na naman niya ako kasi may pupuntahan daw siya. Pansin ko lang na kapag tanghali ay palaging wala itong si Danreb, saan kaya siya palaging pumupunta? Pumunta nalang din ako sa building namin pero mamaya pa naman ang discussion namin kaya sigurado akong makakahabol si Danreb dito.

Nang dumating na ang prof namin ay dumating naman din si Danreb na mukhang masama ang mukha. Seryosong seryoso niya.

“Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ko ng makaupo siya sa tabi ko.

Tiningnan niya ako at lumiwanag naman ang mukha niya. Napabuntong hininga siya at ngumiti.

“Wala naman.” tumango nalang ako at tumingin nalang sa harap.

Tanghali na ng matapos ang klase namin kaya pumunta ako sa cafeteria ng mag-isa. Kasi naman yung si Danreb ay biglang nawala ng hindi nagpapaalam sa’kin. Nakakatampo ang lalakeng yun pero siguro may importante lang siyang pupuntahan ulit.

Nang matapos ang lunch time ko ay pumunta ako sa garden ulit. Mamaya pa kasi ang dating ng prof namin kaya  may oras ako para namnamin ang gandang tanawin dito sa garden.

“Sabi ko na nga ba, nandito ka.”

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Lance na papalapit sa’kin. Naupo siya sa tabi ko kaya napangiti naman ako.

“Kanina pa kita hinahanap.” nagtaka naman ako.

“Bakit?”

Tiningnan niya ako, “Wala naman.”

Napasimangot naman ako. Hinahanap niya ako tapos ‘wala naman’ ang sagot. Pareho silang tatlo ni Ay-Ay.

“Ah siya nga pala...” tumingin siya sa’ki, “Anong ginawa mo kay Aywayne? Bakit hindi na niya ako pinapansin?”

Kumunot naman ang noo ko, “Wala akong ginawa sa’kanya noe.”

Napatango tango naman siya at napaisip.

“I wonder kung bakit sa mga nagdaang araw ay parang iba na si Aywayne. Parang nag-iba na siya.” napangiti naman siya.

“Tao siya kaya hindi siya mag-iiba.” natawa naman siya sa’kin.

“I know now.”

Nagtaka naman ako sa sinabi niya pero hindi ko na maitanong kung bakit dahil tumayo na siya at pinagpagan ang uniform niya.

“Aalis na ako, bye.” bigla nalang siyang tumakbo papalayo.

Napakamot naman ako ng pisngi ko sa pagtataka. Tiningnan ko muna ang paligid bago tumayo at hahakbang na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa taong humawak sa’kin pero napasinghap ako ng makita ko si Ay-Ay na seryosong nakatingin sa’kin.

“Bakit?” takang tanong ko.

“I told you to stay away from him.” galit niyang sambit na ikinakunot ng noo ko.

“Kanino naman ako lalayo?”

Napangiwi ako ng humigpit ang pagkakahawak niya sa’kin. Bakit ba ganito ‘tong baklang ‘to? Ano bang nangyari?

“Huwag mo nga akong pilosopohin! Layuan mo si Lance!” sigaw niya na ikinagulat ko.

Lance? Nagagalit naman siya dahil magkasama kami? Ano bang problema niya kung gusto kong makipag kaibigan sa ka fling niga? Natatakot lang ba siya na agawin ko yung si Lance sa’kanya?

“Yan na naman?! Bakit ba gustong gusto mo na layuan ko siya? Hindi ko naman siya aagawin sayo!” sigaw ko din at kumawala ako sa kamay niya pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa’kin.

“At bakit ba gustong gusto mo ding lumapit sa’kanya? Lalandiin mo din ba siya ha?!” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napayuko ako dahil maiiyak na ako.

“Ano, hindi ka makasagot kasi totoo?” hindi ko alam kung bingi ba ako o ano pero parang ang lungkot ng boses niya ng sabihin niya yun.

Tiningnan ko siya at nagulat siya ng makita niya akong umiiyak.

“Hindi! Hindi ako ganun, Ay-Ay! Gusto ko lang siyang maging kaibigan! Ano bang mahirap intindihin dun?!” naiiyak na sigaw ko.

Hindi siya makasagot, nakatingin lang siya sa’kin.

“Bakit ba lahat ng mga lalakeng lumalapit sa’kin ay sinasabi mong lumayo ako?! Gusto ko lang naman silang maging kaibigan ‘e.” napaupo na ako sa pag-iyak ko.

Nasasaktan ako, hindi dahil sa sinabi niya kundi nasasaktan ako dahil parang mas mahalaga pa sila sa’kanya kesa sa’kin na asawa niya.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Nakasquat siya kaya pantay na kaming dalawa ngayon.

“I-I’m sorry, ayaw ko lang na agawin ka nila sa’kin.” mahinang bigkas niya pero rinig ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi ako makagalaw sa sa sinabi niya. Ano daw?

“B-Bakit naman nila ako aagawin sayo? Hindi naman ako bagay.” suminghot singhot pa ako.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at tiningnan ako. Pinunasan niya ang pisngi ko ng tumb niya.

“Don’t cry, hindi ko kaya... hindi ko kayang makita kang umiiyak.” parang hirap na hirap na sabi niya.

Hindi naman ako makasagot, nakatulala lang ako sa’kanya.

“You said that you love me. Then prove it. Huwag mo akong pag-selosin. Pagkatapos mong sabihin sa’kin yun kung kanino kanino ka na namang lalake lumalapit. Kaya ako nagalit kanina.” nag-iwas siya ng tingin.

What? Napatulala ako sa’kanya. Alam niya yung nararamdaman ko sa’kanya? Pero paano? Wala naman akong naalalang sinabi ko sa’kanya yun. Kaming dalawa lang ni Danreb ang nakaka alam ng nararamdaman ko ‘e. At ano daw? Huwag ko siyang pagselosin? Nagseselos siya? Bakit?

“N-Nagseselos?” takang tanong ko.

Napatingin siya sa’kin, “Oo dahil pag naging malapit kayo ay baka mapunta na ang atensyon mo sa’kanya. Pag nangyari yun ay wala na akong kaasaran, wala na akong kakulitan kahit pa sabihing mag asawa tayo.”

Bigla ay parang gusto ko siyang sapakin pero hindi ko naman inaakala na sinapak ko talaga siya na ikinagulat niya, nagtataka naman siyang napatingin sa’kin pero tumakbo nalang ako papalayo.

Akala ko pa naman.... akala ko.

Pinahiran ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko. Ang sakit lang kasi umasa ako na gusto niya din ako kaya siya nag seselos pero yun lang pala ang dahilan. Umasa ako ‘e. Kainis talaga ng baklang yun.

Buong hapon ay wala ako sa sarili kaya nagtataka si Danreb sa inaasta ko dahil kanina pa siya salita ng salita pero hindi ko naman sinasagot. Hindi ko nga alam kung paano ako nakalabas sa building namin ‘e, basta ang alam ko lang ay naglalakad na ako papunta sa parking lot.

“Miracle.” bumalik lang ako sa katinuan ng biglang sumulpot si Danreb na nag-aalala.

“Ano bang nangyayari sayo? Hindi ko magawang maka-uwi hanggang hindi ko malalaman kung anong nangyayari sayo.”

Napayuko naman ako sa hiya. Bakit ba ako nagkakaganito kasi? Nag-aalala tuloy sa’kin si Danreb ‘e.

“Ayos lang ako noe.” ngumiti ako sa’kanya.

“Are you sure?”

“No, I’m human.”

Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko, “Mukhang ayos ka na nga, alis na ako ‘a?” kumaway siya sa’kin bago umalis.

Napabuntong hininga naman ako at pumunta nalang sa parking lot. Nakita ko si Ay-Ay na nakasandal sa kotse habang tinitingnan ang sarili niya sa maliit niyang salamin pero napatigil naman siya sa ginagawa niya at napatingin sa’kin.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at pumasok sa back seat. Nagtataka naman siyang napatingin sa’kin ng makapasok siya sa driver seat pero bumuntong hininga nalang.

Tumingin ako sa labas habang kinakain ang sweets na binigay sa’kin ni Danreb kanina. Nang makarating kami sa bahay ay nauna ana akong bumaba at dumiretso sa taas.

Nagbihis ako ng pangbahay at paglabas ko ng banyo ay siya ring pagbukas ng pinto. Tiningnan ako ni Ay-Ay pero nag iwas nalang ako ng tingin.

“Anong problema?” mahinang tanong niya na nagpatigil sa’kin paglabas.

Napatingin ako sa’kanya, “Bakit may problema ba?”

Tiningnan niya ako ng maigi, “Bakit mo ako iniiwasan?”

“Iniiwasan ba kita?”

“Damn it! Huwag mo akong tanungin ng tanong, impakteta ka!” napa-igta nalang ako ng bigla siyang sumigaw.

“Bakit ka sumisigaw?! Inaano ba kita?!” napasigaw na din ako.

“Kasi nakaka inis ka!”

“Naiinis ka na niyan?” tumaas ang kilay ko at tinalikuran nalang siya pero biglang nanlaki ang mga mata ko ng mabilis niyang nahila ang bewang ko at namalayan ko nalang na nakahiga ako sa kama habang nasa ibabaw ko siya.

Omy! Kunting galaw ko nalang ay makikiss ko na ang baklang ‘to!

“Tell me your problem to me. Kung gusto mong makawala dito.” napalunok ako.

“L-Lumayo ka nga sa’kin, bakla!” sinubukan ko siyang itulak pero ang lakas niya at bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko.

“Bakit mo ba kasi ako iniiwasan? At bakit mo din ako sinampal kanina? Alam mo bang masakit ang sampal mo.”

“Oo, alangan na hindi masakit yung sampal ko diba? Sinong tao ang hindi masasaktan kapag sinampal ng malakas?”

Kumunot ang noo niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko. Naka taas kasi ang kamay ko habang hawak ng isang kamay niya kaya hindi ako makatakas.

“Seryosohin mo ako.”

“Seryoso kaya ako, hindi naman ako tumatawa at nagbibiro. Duh!” umirap ako.

“Umayos ka nga, nakaka sira ka ng beauty!”

“Maganda ka ba?”

Napapikit siya sa inis at sinamaan ako ng tingin nang magmulat siya, “Tell me, bakit mo ako iniiwasan?” seryoso niyang tanong.

“Hindi nga kita iniiwasan!” sigaw ko.

“Then, ano yung inaasta mo kanina? Sa back seat ka pa talaga sumakay at hindi mo pa ako kinausap! Iwas ka din ng iwas ng tingin sa’kin!”

Napapikit naman ako sa sigaw niya. Ang bango ng hininga niya ‘a, tsk.

“Ano naman sayo kung iniiwasan kita? Diba nga dapat maging masaya ka dahil hindi na kita kinukulit?” nabigla naman siya sa sinabi ko pero napapoker face din.

“So, iniiwasan mo talaga ako?” binitawan niya ang pulsuhan ko at tumayo, “Mas gusto kong kinukulit ako ng asawa ko, hindi yung iniiwasan.”

Napapikit ako bigla ng pabalibag niyang isinara ang pinto. Mabuti nga hindi nasira ang pintuan sa lakas ng ginawa niya.

Napabuntong hininga naman ako at naupo. Hindi ko naman siya talaga gustong iwasan pero kasi nasasaktan pa rin ako sa sinabi niya kanina. Umasa kasi ako na gusto niya din ako dahil nag seselos nga siya diba? Pero yun lang pala ang dahilan.

Lumabas ako ng kwarto pero nilibot ko na ang buong bahay ay wala siya. Napabuga nalang ako ng hangin. Mukhang galit siya.

Suyuin ko ulit siya tulad ng ginawa ko? Pero parang hindi ko na kayang gawin yun sa’kanya kasi nahihiya na ako. Lalo na ngayon na parang lumalala ang nararamdaman ko sa’kanya.

Nilaro laro ko nalang ang baby ay-ay ko. Nakakaawa nga itong baby ko kasi hindi ko na napag tutuunan ng pansin ‘e pero mukhang alagang alaga naman siya ng mga maid dito.

Pagabi na pero hindi pa rin dumadating si Ay-Ay. Nakatingin lang ako sa pagkain na nasa mesa. Nagugutom na din ako dahil mag-a-alas nwebe na ng gabi. Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang kailangan kong kumain ng mag-isa. Inintay ko pa naman siya pero hindi dumating.

Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay nahiga ako sa kama katabi si baby ay-ay. Napatingin ulit ako sa orasan, alas dyes na ng gabi. Ang bilis naman ng oras.

At mukhang hindi ko na siya maiintay dahil antok na antok na talaga ako kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Continue Reading

You'll Also Like

94.8K 3.1K 56
"I want to see you happy being my friend but how? When the time I saw you happy to the another man make me man too!" -Eric...
2M 113K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
48.9K 1.2K 8
Jungkook Killed his family for unknown reason no one ever knew, Even the polices. He is a bad boy everyone is afraid of at the Jail and In the world...
16.7K 1.2K 50
this is my first story ☺️ date 24march22