Loved Behind the Sun

By PecheaL

625 24 1

A girl with a simple dream. Who has been living with a chronic illness. Her life was changed when she entered... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 09

23 1 0
By PecheaL



Inaayusan na ko ngayon ng hair and make up stylist na pinapunta ni Mom dito sa bahay para ayusan kaming dalawa. Tonight is Skylar's Dad 50th Birthday Party, sabi ko nga kay Mom huwag na mag papunta ng mag aayos dahil kaya ko naman ayusan ang sarili ko but she insist, hindi talaga nakikinig 'yon kahit kanino.

Inimbitahin din pala sa party si Alexie kaya susunduin daw niya ko dito mamaya para sabay na kami.

Light make up lang ang pinalagay ko dahil ayoko nga ng makapal, inayusan naman ng isa ang buhok ko. She just put it up in a messy bun at kinulot ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng aking tenga. She secured some strands with a hairclip at inispray-an ng hairspray para hindi ito magulo.

"Ang ganda ganda niyo po ngayon Maam Zole! Sigurado po ako tutulo laway sa inyo ng boyfriend niyo pag nakita niya kayo," Pagpuri sakin ng stylist kaya natawa ako
at napailing.

"Thanks for the compliment, magbibihis na ko ah," Sagot ko nalang at tumayo na para maisuot ang gown na susuotin ko. Tinulungan narin ako ng mga stylist na magsuot. Sinuot ko narin ang silver stilettos heels ko na katamtaman lang ang taas. Ayoko rin nagsusuot ng matataas dahil mabilis nga mangalay ang mga paa ko. Sakto namang pumasok na si Mom sa loob ng kwarto, nakaayos narin siya ngayon. She's wearing a black off shoulder long fitted gown na may kaunting slit din just below her knees. Her hair is also styled in a bun pero neat look ang kanya.

"The stylist did a great job on you my Zole! Mas lalo kang gumanda sa itsura mo ngayon. Alexie will drool over you for sure," Pagpuri sakin ni Mom at hindi ko na lamang 'yon pinansin at sinuot ang hikaw na isusuot ko to match my look.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at hinawakan naman ni Mom ang balikat ko habang nakatingin din siya sakin mula sa repleksiyon namin sa salamin.

"I'm happy for you anak, sana si Alexie na talaga ang lalaking para sayo," She said and I smiled at her.

"I hope so too, Mom." I answered.

May kumatok mula sa pintuan at bumungad samin si Yaya.

"Naghihintay na po si Mr. Avondal at Sir Alexie sa baba mga Maam," Pagtawag niya samin, kinuha ko na ang clutch at nilagay 'don ang phone ko.

"Oh okay, lets go anak?" Anyaya sakin ni Mom at tumango naman ako.

Habang pababa kami ni Mom ng hagdan ay naririnig nanamin ang tawanan ni Dad at Alexie sa baba. Naagaw namin ang atensiyon nila ng malapit na kami makababa ng hagdan. Dad is wearing the suit na pinili ni Mom para sakanya, his wearing a black blazer that matches his black slacks and brown leather shoes. Naka polo siya na puti sa loob with a matching neck tie. His hair is neatly styled as well.

Nagawi naman ang tingin ko kay Alexie. He's also wearing a suit tonight pero wala siyang neck tie, nakabukas ang ilang butones ng panloob niyang polo revealing his bare chest which suits him so well. His hair is styled a bit messy na talagang staple look na niya simula ng una kaming nagkita.

I smiled to him at nagtaka naman ako ng nanatili lamang siya nakatitig sakin kaya pumitik ako sa harap niya para matauhan siya.

"Sabi ko naman sayo anak, Alexie will drool over you pag nakita ka niya. Pagtapos ng party iuwi mo 'to agad Alexie ah, baka ideretso mo siya sa condo mo," Puna ni Mom sakanya at medyo natawa naman si Alexie at napakamot sa kanyang batok.

"O..Opo Tita don't worry. Shall we, Zole?" Alexie offered me his hand at tinanggap ko naman 'yon. Sabay sabay na kami lumabas ng bahay pasakay sa mga kotse na sasakyan namin. Si Dad at Mom ang magkasabay together with their driver at ako naman ay sa kotse na ni Alexie sasabay. Pinagbuksan niya muli ako ng pinto at kaagad naman siya umikot para makasakay narin sa drivers seat. Isinukbit ko narin ang seatbelt sa sarili ko bago pa man niya ko sabihan na isuot 'yon. Hindi pa niya pinapaandar ang kotse kaya nagtaka na ko at napalingon na sakanya, nakatitig parin pala siya sakin hanggang ngayon kaya tinaasan ko na siya ng kilay.

"Would you stop staring at me like that? Kanina ka pa ah," Sabi ko at nanatili parin siyang nakatitig na walang reaksiyon ang mukha. Nakita ko mula sa side mirror niya na nakaalis na ang kotse nila Mom at Dad.

"Ano ba Alexie malelate tayo sa ginagawa mo-" He immediately cut my words and suddenly kissed me, it was not just a smack... His lips is moving slowly and I would admit na nadadala ako sa paghalik niya sakin ngayon. I slowly responded to his kiss and he made our kiss deeper, he caressed my cheeks while continuing what his doing. When were both out of breath, we broke the kiss. Our lips are still inches apart and his hazel eyes are locked on mine.

"I'm sorry, hindi ko na na-control ang sarili ko. You look like a goddess tonight, Zole. I'm so damn lucky to have you as my date for this party" He complimented me kaya napangiti nalang ako at dahan dahan na siya tinulak palayo sakin.

"Binobola mo nanaman ako, mag drive ka na nga at malelate na talaga tayo." I said kaya ngumisi siya sakin at may kinuhang maliit na box sa side compartment ng kotse niya. Binuksan niya ito at nakita ko ang isang napakagandang necklace na may heart pendant.

"What's that?" Tanong ko.

"Kuwintas?" Pilosopo niyang sagot kaya mahina ko siyang binatukan sa ulo.

"Aray! Kuwintas nga tawag dito hindi mo ba alam?" Sagot nanaman niya kaya sinamaan ko na siya ng tingin.

"Alam kong kuwintas yan! Ang ibig kong sabihin, bakit ka may dala na ganyan? Isusuot mo ba?" Tanong ko ulit.

"Mukha bang kuwintas pang lalaki 'to, Zole? I'm giving this to you of course..." Sagot niya habang tinatanggal na ang kuwintas mula sa velvet box.

"What for?"

"Gusto ko lang, come on Zole let me put it on you at nagmamadali na tayo diba?" Aniya kaya napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siyang isuot ang kuwintas sa leeg ko. Kaagad naman siya lumayo sakin at pinagmasdan akong muli.

"It suits you perfectly as expected," He said at sa wakas ay pinaandar na niya ang kotse.

Tinignan ko naman ang kuwintas at hinawakan ang heart shape na pendant nito, it looks simple but elegant. Bumagay siya sa suot kong gown ngayon.

"Thank you for this, I like it..." Pasasalamat ko at nakita ko naman ang pag ngisi niya habang abala sa pagmamaneho.

"May bayad yan Zole kaya huwag ka magpasalamat," Sagot niya kaya napaawang ang bibig ko at tatanggalin na sana ang kuwintas pero pinigilan niya ko kaagad habang tumatawa.

"Biro lang, sa tingin mo talaga pagbabayarin kita niyan?" He said at masama nanaman ang tingin ko sakanya ngayon, kikiligin na sana ako pero umurong dahil sa sinabi niyang may bayad ang kuwintas.

"Ha.Ha.Ha. Funny Alexie, nakakatuwa ka talaga noh? Nakakatuwa kang kutusan," I sarcastically said at inirapan pa siya.

Narinig ko naman ang nakakaloko niyang pagtawa at hindi ko nalang ito pinansin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayong gabi, bakit nga ba ko kakabahan? Pressured lang siguro ako sa dami ng taong makakasalamuha namin doon mamaya, kilalang kilala din sa business industry ang pamilya nila Skylar at hindi na ko magtataka kung mga bigating business owners ang mga inimbita nito sa party.

After a few minutes ay nakarating na kami sa bahay nila Skylar. Sa bahay nalang nila ginanap ang party dahil malaki rin naman ang bahay nila. Malaki ang bakuran nila at may infinity pool pa sila sa loob kaya kasyang kasya ang mga bisita. Pinarada na ni Alexie ang kanyang kotse sa gilid at pinatay na ang makina nito. He got out the car and went to my side to open the door for me. He even offered me his hand para alalayan ako makababa dahil mahaba ang gown na suot ko at naka heels pa ko.

Pagkasara niya sa pintuan ng kanyang kotse ay kaagad pumulupot ang kamay niya sa bewang ko.

"Damn, my girlfriend is sexy," He said at tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Tease me again at iiwasan talaga kita sa loob," Banta ko sakanya. Mas hinigpitan naman niya ang pagkapit sa bewang ko at mas dinikit ang sarili sa akin.

"I wouldn't let you out of my sight Zole, nakadikit ka sakin buong gabi. I mean it," Seryoso niyang sagot pero napaltan 'yon kaagad ng nakakaloko niyang ngiti. Wala bang araw na hindi ako maaasar sa lalaking 'to?

"Halika na nga pumasok na tayo, baka hinahanap na tayo nila Mom at Dad," Anyaya ko sakanya at sinunod naman niya ang sinabi ko. We walk our way inside at may isang babae na hinanapan kami ng invitation kaya binigay namin sakanya ang invitation na natanggap namin saka niya lang kami pinapasok.

As I expected maraming tao ang dumalo sa party na ito. Mostly all of them are from the different business industries, malamang pumunta sila dito to also promote their own business for other business owners. Ganoon naman talaga sa negosyo, you will always try to advertise your own name to boost its publicity.

"Anak nandito na pala kayo, lets approach the Demesca's. Nandoon daw sila sa may pool side," Sabi ni Mom kaya we headed to the pool side at natanaw nga namin sila Skylar together with her parents, mukhang may kausap din silang isang pamilya pero nakatalikod sila samin kaya hindi ko sila mamukhaan.

"Zole your here! Nakakainis ka ang ganda ganda mo talaga! Umalis ka na nga ako dapat pinakamaganda dito ngayon eh," Pagbati sakin ni Skylar kaya tinawanan ko siya. Binitawan naman na ko ni Alexie at hinayaan ako na yakapin at ibeso si Skylar.

Skylar is wearing a tube long gown fitted dress na kulay beige. May slit din ito na mas mataas pa ng kaunti sa slit ng gown na suot ko. Nakalugay ang straight at mahaba niyang buhok which make her look so beautiful. Light make up lang din ang nilagay sa mukha niya, kahit maarte si Skylar ay ayaw niya rin ng makapal na make up katulad ko.

"Salamat naman at nakadalo ka sa birthday party ko pare, akala ko masyado ng busy ang schedule mo at hindi mo na maisisingit ang pagdalo sa kaarawan ko," Pasasalamat ng Dad ni Skylar sa Dad ko. Tumawa naman si Dad at tinapik ang balikat ni Mr. Demesca.

"Ano ka ba Graze palalagpasin ko ba ang birthday mo? Syempre hindi noh! Happy Birthday pare shot tayo mamaya ah, kaya mo pa ba uminom? Gurang ka na eh," Biro sakanya ni Dad kaya nagtawanan kaming lahat.

"Nako Gabe huwag mo ko hinahamon, baka mamaya ikaw ang tumba sa 'ting dalawa," Hamon naman ni Mr. Demesca.

"Tumigil kayong dalawa, anong shot pinagsasabi niyo? Love, napag usapan nanatin 'to diba? Light drinks ka nalang simula ngayon, you need to take care of your health, hindi ka na bumabata," Pag alma sakanila ni Mrs. Demesca, Skylar's mother.

"Oo nga Hon ikaw rin, kapag kayo nalasing ngayong gabi mag aaway talaga tayo pag uwi," Banta naman ni Mom kay Dad at napakamot naman pareho si Dad at Mr. Demesca sa kanilang ulo sa sermon sakanila ng kanilang mga asawa.

"Ako ba hindi mo pagbabawalan uminom?" Bulong bigla sakin ni Alexie at naramdaman ko nanamang pumulupot ang kamay niya sa bewang ko. Paninindigan niya talagang nakadikit siya sakin buong gabi?

"Tsk, bakit gurang ka narin ba? Wala akong pakialam kahit magpakalunod ka pa sa alak. Sasabay nalang ako kela Dad pauwi at hindi ka makaka pag drive ng maayos kung lasing na lasing ka," Pabalang kong sagot at ngumuso naman siya sa sinabi ko.

"Zole, who is he?" Tanong ni Skylar kaya nagawi ang tingin ko sakanya. Hindi ko pa nga pala napapakilala sakanya si Alexie. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ko ni Alexie.

"I'm her boyfriend, your her bestfriend right? My name is Alexie Demanuca, CEO of Demanuca Corporation. It's nice to meet you," Alexie introduced himself towards Skylar at inalok pa nito ang kanyang kamay. Nakita ko na agad ang pagkagulat sa reaksiyon ni Skylar at pabalik balik ang tingin niya sa amin ni Alexie.

She awkwardly smiled at tinanggap naman ang kamay ni Alexie.

"I..Its a pleasure to meet you as well, Mr. Demanuca. Can I talk to my bestfriend privately please?" Paalam ni Skylar.

"Sure, kukuha lang ako ng pagkain namin," Pagpayag naman ni Alexie at kaagad na ko hinila ni Skylar palayo sakanya.

Pinagkrus niya ang dalawang braso at tinaasan ako ng kilay.

"Now, care to explain?" She asked and I took a deep breath before answering.

"He's one of our recent investors, he confessed to me yesterday that he likes me so... I gave him a chance. Gaya ng sabi mo, I shouldn't stop myself to like someone, hindi ko dapat pinipigilan ang mga taong gusto ako pasayahin at mahalin. He's a nice guy Skylar. Don't worry, I feel like I made the right choice this time," I assured her. Kumalma naman na ang facial expression niya at bumuntong hininga na lamang. She held both of my hands and look at me.

"What about Nolan? Are you really completely over him? Paano kung ginagawa mo lang rebound sa puso mo si Alexie? Magiging unfair ka sakanya non pag nagkataon," She said.

"Ayoko na siyang intindihin Sky, tapos na talaga ang sa aming dalawa ni Nolan. I'm with Alexie now, at hindi ko hahayaan na masaktan ko rin siya," I said, kahit parang puwang sa puso ko ang mga salitang binitiwan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.7K 108 100
Epistolaryo: Pana-Panahon (Unang Serye) Ren loves to sketch special subjects isa na roon ang; mga kaibigan niyang walang ginawa kundi pestehin siya...
413K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
242K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...