The Runaway Groom (under edit...

By charleazexanne

66.6K 1.9K 406

In which she fell in love again with the same man who ditched her on their wedding six years ago. More

1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30.1
30.2
A/N
31
32
33
34
35

3

2.3K 77 16
By charleazexanne

"Kuya Sandro! Oh my god! I missed you!" Rinig kong sigaw ni Agatha sa labas, para naman akong na-estatwa sa pwesto ko.

Para kong sinabuyan ng malamig na tubig. Ni hindi mag sink in sa akin.

Si Sandro?

He's here?

"Kasama mo si Sandro?" Tanong ulit ni Mom, nakita ko namang tumango si Matthew

"Oo e kaso ayaw naman pumasok"

"Ha? Anong ayaw? Walang ayaw ayaw sa akin" Pagksabi non ni Mom ay umakto na siyang lalabas na siya namang kinagulat ko.

She must've forgot na nandito na ako.

"Mom" I said at hayun mukhang natauhan siya, pagharap niya kasi sakin kita ko ang embarrassment sa mukha niya, pero para hindi siya mailang, ngumiti nalang ako.

"Okay lang Mom, aakyat nalang ho ako—" Tumikod na ako para sana umakyat na kaya lang agad akong napatigil ng...

"No! Actually dumaan lang talaga kami, paalis na nga rin kami—"

"Kuya Sandro bakit nandon ka lang sa labas ha? Pwedeng pwede ka namang pumasok e" Lahat kami ay mapatingin sa pinto nang biglang lumitaw roon si Agatha kasama siya.

Nakahawak siya sa braso ni Sandro habang magiliw siyang kinakausap.

Shit

Sandro...

Mabilis akong tumalikod sa sobrang taranta, I was frozen at my place, I couldn't move nor talk. Nakatalikod ako sa kanila pero sobra ang kaba ko.

"Sandro ikaw pala" rinig kong sabi ni Mom dahilan para mapapikit ako.

"Uhm, Hi Tita" He said making my heart pound.

His voice... it's still the same

Kung noon halos tumili ang puso ko every time na naririnig ko ang boses niya, ngayon pakiramdam ko sinasaksak ang puso ko.

Boses niya palang nasasaktan na ako, paano pa kapag nagkita kaming dalawa???

Akma sanang aalis na ako kaya lang nagsalita naman si Agatha.

"Uhm kuya, nabalitaan mo na ba? Ate is back" Biglang sabi nito dahilan para makuyom ko ang kamao ko, I can feel it. He is now staring at me but I'm so scared enough to even face them—him to be exact.

"Oo nga Sandro, nakabalik na si Anne" dagdag naman ni Kuya Matthew, nainis tuloy ako e. Alam niya naman ang nangyari sa amin ni Sandro tapos gagatungan niya pa si Agatha??

He's unbelievable!

"Y-Yeah, I heard it, nakabalik na nga siya" Saad naman ni Sandro, at ewan ko pero parang may na- detect akong lungkot sa boses niya. Yung lungkot na parang hinintay niya ako? Pero syempre ayoko naman mag assume, ganon na kasi ang ginawa ko dati at saan naman ako dinala diba??

Sa Altar, mag isa... Kasi si Sandro na dapat sana ay groom ko, ay mas piniling sumama sa iba.

"Ate Anne? Hindi mo ba iwe- welcome si Kuya Sandro?" Biglang sabi ni Agatha, hindi ko alam kung sinasadya niya to pero hindi talaga ako natutuwa.

Pero kahit na labag sa loob ko, hinarap ko pa rin sila. But I never dared to meet his gaze, I was just looking down the whole time.

"Hi, long time no see" Sabi ko ng nakayuko, alam kong nakatingin sila lahat sa akin kaya di na ako nag aksaya pa ng panahon.

"Uhm Mom, aakyat na ho ako sa taas, marami pa akong aayusin e"

"H-Ha? O-Oo sige anak" Mom said, tumango naman na ako saka di na nagpaalam pa kila Matthew, pumunta nalang agad ako sa taas.

And the moment na makapasok ako, doon lahat bumuhos ang emosyon ko.

Akala ko okay nako, akala ko pag nagkita kami di na ako magre- react ng ganito. Pero putcha, boses palang niya nasasaktan na ako. Hindi ko pa pala kaya, kung alam ko lang hindi na sana ako bumalik pa.

Sandro

Bakit?

Bakit Sandro??

BAKIT!!!!

*****

SIX YEARS AGO

"Happy birthday anak" mangiyak ngiyak na bati sa akin ni Dad nang pumasok siya dito sa kwarto ko.

Today is my eighteenth birthday, at mamayang gabi, merong celebration na magaganap. Gusto ko sana simple nalang pero knowing my parents? Alam kong hindi sila papayag.

Paraan rin kasi nila ito para makapag engage pa ng mga tao na pwede nilang makasama sa business. Tsaka alam ko ring hindi lang basta basta ang mga magiging bisita kaya hindi na ako umangal pa.

Isa kasi sa mga dadating mamaya ay ang Madrigal Family. Noon pa man ay magkaibigan na ang mga pamilya namin, mag bestfriends kasi noon si Mama Meldy at ang Lola ko, hanggang sa malipat na kay Dad at Tito Bernard

Tito Bernard is actually my ninong, at kinakapatid ko si Vince, ang youngest son niya. Pero kahit na kinakapatid ko yon, never ko yong naka sundo, well may times naman na nagkakaintindihan kami, syempre kami ang magka edad pero sobrang pilyo niya kasi.

Tahimik lang akong tao, kaya nga siguro onti lang din ang kaibigan ko. Pero thankful naman ako kasi nandiyan si Simon. Sa kanila kasing tatlo, siya ang pinaka close ko, as in close!

We share each other's secrets, kapag malungkot din ako, gagawa siya ng way para tumawa ako at ganon din naman ako sa kanya. Kaya nga sa kanilang tatlo siya ang mas bet kong kasama.

Kaysa don sa kuya nila, si Sandro.

Sus Anne, kunwari ka pa... Eh halos lumundag nga yang puso mo kapag si Sandro na ang pinag uusapan e. Said my subconscious

Yes guys, I like Sandro... Kaya lang alam ko naman kasing malabo na mapansin niya ako. He's too focused on his girlfriend Julia, kaya never niya akong mapapansin.

Kahit pa since bata ako siya na ang sinisigaw ng sad heart ko (note the sarcasm)

Alam niyo hindi ko nga alam kung paano ko siya nagustuhan e, hindi ko naman kasi siya type. Masyado siyang mataas para sa akin, hindi naman sa dina- down ko sarili ko pero he's too high to reach.

At tsaka isa pa, ang laki ng age gap namin kaya alam kong malabo talagang magustuhan niya ako.

Hindi naman sa gusto kong sirain ang relasyon nila ni Julia ha? E wala e, siya talaga ang sinisigaw ng sad heart ko. Kulang na nga lang literal na isigaw ko na sa kanya na gusto ko siya.

"You're not a girl anymore my princess, you're now a woman" Sabi ni Dad na halatang nagpipigil lang ng luha.

At tama siya, hindi nalang ako basta dalaga ngayon, isa na akong ganap na babae ngayon.

"I don't care Dad, basta kahit anong mangyari ako lang dapat ang princess mo" inarte ko sa kanya, ngumuso pa ako dahilan para matawa si Dad.

"Oo naman anak, you'll always be my princess... Always" He said smiling, tumango naman ako saka yumakap na sa kanya.

*****

Nagsimula nang dumating ang mga bisita, narinig ko rin na dumating na sila Tito Bong kaya kahit hindi ako pinapalabas ni Mom sa kwarto ko, lumabas pa rin ako para batiin sila.

But as I was walking through the hallway, may bigla akong narinig na sumigaw and I'm pretty sure it was Sandro.

So out of curiosity, sinundan ko ang boses na yon leading me to Dad's room. Medyo malayo palang ako rinig na rinig ko na ang sigaw niya, at hindi lang siya mag isa, He was actually with Tito Bernard.

Narinig ko rin ang boses ni Dad kaya dahan dahan akong lumapit sa pinto, mabuti at medyo nakabukas ito kaya nasilip ko ang sila sa loob.

And there I found my Dad sitting on the corner of his bed, nakayuko lang siya at parang nakikinig lang sa kanila while Tito Bernard was standing beside him tapos si Sandro naman ay mukhang galit na nakaharap sa kanila.

"I said no Dad! I'm not marrying her!" Agad nanlaki ang mata ko sa narinig.

Marrying her?

"And why is that Sandro? Mabuti siyang tao at isa pa, you grew up together" katwiran naman ni Tito Bernard, na curious tuloy ako kung sino ang tinutukoy nila e.

Sa pagkakaalam ko kasi hindi naman sila sabay na lumaki ni Julia, ang alam ko nagkakilala sila sa London kaya sino ang tinutukoy nila?

"Dad, you know I have a girlfriend" sagot naman ni Sandro

"Then break up with her" Sagot naman ni Tito Bernard

So hindi nga si Julia ang tinutukoy nila? Kung ganon, sino?

"You're unbelievable Dad! You're telling me to break up with the girl I love just to marry that kid?!" Galit na sabi ni Sandro and this time nakita kong nag angat ng tingin si Dad.

"Watch your mouth Sandro" Dad said in a low tone

"I'm sorry Tito Arthur but you can't blame me, I have a girlfriend tapos sasabihin niyo sakin na pakasalan ko ang anak niy—"

"Huy Ate!" I jumped in shock nang biglang sumulpot si Agatha sa likod ko, napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Ano ba Agatha!" Pagalit ko sa kanya

"What are you doing here ha? Diba sabi ni Mommy wag ka daw lalabas?" Tanong niya, sasagot na sana ako kaya lang biglang bumukas ng malaki ang pinto showing my Dad.

"Mga anak, kanina pa kayo nandiyan?" Dad asked, mabilis naman akong umiling tsaka pilit na ngumiti

"No Dad, bababa sana kami e kaso baka makita kami ni Mom" pagdadahilan ko, tumango naman si Dad then maya maya pa, lumitaw sa likod niya si Tito Bernard.

At kahit pa iniisip ko pa rin ang narinig ko kanina, isinantabi ko na muna yon.

"Ninong!" Masaya kong sabi saka mabilis siyang niyakap

"Oh oh, I assume na miss mo ko ha?" Natatawa niyang sabi, tumango naman ako saka ngumiti

"Obvious ba Ninong?" I laughed, natatawa namang tumango si Ninong saka hinagod ang ulo ko.

But we were interrupt when Sandro enters the scene.

"Uhm, sa baba lang ako" Sabi niya lang bago umalis, ni hindi manlang ako tinignan at binati.

Ang sama talaga ng ugali.

Pero teka... Tama ba ang mga narinig ko kanina?

Ikakasal na siya?

Pero kanino?

*****

"Happy Birthday anak" Masayang bati sa akin ni Dad, we are currently dancing, second to the last kasi siya sa eighteen roses at after nito, si Sandro ang next. Buti nga pumayag yun e, kasi knowing him? Hinding hindi yun sasayaw kasama ako.

Ewan ko ba kay Sandro, parang feeling ko virus ako kapag kaharap siya. Feeling ko nandidiri siya sa akin, ni ang lapitan siya ayaw na ayaw niya.

Kaya nga nagulat ako nung sinabi sakin ni Dad na si Sandro daw ang last dance ko instead of him.

"Thank you Dad" I said then as if on cue, tumigil na ang tugtog.

"And now, for the last dance, may we call on stage Mr. Sandro Madrigal" Sabi ng emcee then nakita ko na siya na naglalakad na palapit sa akin.

At heto nanaman ang aking puso, kumakabog ng malala. Sobrang gwapo niya kasi, at aaminin ko, kahit may girlfriend na siya, gusto ko pa rin siya.

Kaya lang kapag naalala ko ang mga narinig ko kanina parang sinasaksak ang puso ko.

Tanggap kona na may girlfriend siya pero mukhang hindi ko yata matatanggap na ikakasal na siya. Coz just by thinking of it, sobrang sakit.

"Happy Birthday" Walang kangiti ngiting sabi ni Sandro pagkaabot niya ng rose sa akin pero kahit na ganon, malugod ko pa rin yong tinanggap.

Di na ako aarte no, minsan lang to e, kaya susulitin ko na.

I genuinely smiled at him "Thank you" I replied, tumango naman siya saka hinawakan na ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nilagay niya sa likod ko.

Then with the music on, we started dancing

But as we dance to the music, biglang siyang nagsalita.

"You must be happy" He said

At kahit ang strange ng tanong niya, tumango pa rin ako

"I am" I said tapos ayun, tumawa siya. Pero hindi yung tawa na natutuwa ka, yung tawa niya kasi parang sarcastic.

"Well... Don't be" He said looking at me intently, sasagot sana ako kaya lang biglang lumapit sa amin si Dad at Tito Bernard.

Nagulat din ako kasi si Sandro hinapit ako sa bewang.

What is happening?

"Okay... May we have everyone's attention please" Panimula ni Daddy pero wala sa kanila ang atensyon ko, I was staring at Sandro.

Para kasing may kakaiba sa kanya.

At hindi ko nagugustuhan kung ano man yon

"You see my princess just reached legality and now I'm happy to announce that my daughter Anne is getting married"

What????

"Yes, My daughter is getting married"

WHAT!!!!

Hindi nagfa function sa akin lahat, I was shocked, parang feeling ko anytime magco collapse ako.

"And she is marrying my son Sandro" Sagot naman ni Tito Bernard dahilan para mas maguluhan ako.

Sinusubukan kong lapitan sila pero ang higpit ng hawak sakin ni Sandro, it's like he's stopping me from confronting our parents.

"Stop it Anne, don't make a scene" He warned making me frown

"What?"

"Ito naman ang gusto mo diba? Ang makasal sakin? And now I'm giving it to you"

"I-I don't understand"

"Oh come on, alam kong alam mo na ang tungkol dito"

"Ha?"

"Wag mokong gawing tanga Anne, alam kong ikaw ang may pakana ng lahat ng 'to kaya pagbabayarin kita" Galit na galit si Sandro, pahigpit rin ng pahigpit ang hawak niya sa bewang ko dahilan para mapangiwi nako sa sakit.

"G-Get off of me... I-It h-hurts" I said almost crying but instead of letting me go, mas hinapit niya pa ako saka ngumisi sa akin na parang demonyo.

"Really? Don't worry, from this day forward, mas sasaktan pa kita" I looked at him in shock after saying that.

Hindi ako makapaniwalang nasasabi niya yon. Parang hindi na siya yung Sandro na nakilala ko.

"I will make your life a living hell Anne" He added making my eyes water at nang tuluyang tumulo iyon, mabilis niyang pinansan ang mukha ko.

"Don't cry, yet... Mamaya mo na yan ituloy my dear Fiance"

"You're an asshole" I managed to say but he just laughed it off

"Well, ito ang gusto mo diba? Kaya magtiis ka"

"Welcome to my world Anne" He whispered in my ears sending shivers through my veins

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
174K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.4M 32.7K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...