6

1.9K 56 5
                                    

"Anak, buti naman at dumating ka na, kanina ka pa namin hinihintay... Bakit ba ngayon ka lang?" Bungad sa akin ni Mom nang makarating ako sa bahay ng mga Madrigal, sasagot na sana ako kaya lang biglang nagsalita si Sandro sa likod ko.

"Sorry po tita, kumain pa po kasi kami" He said making my Mom's eyes widen.

Lumapit din sa amin si Agatha at si Dad, gulat na gulat pa sila.

"T-Talaga? K-Kumain kayo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mom, walang reaksyon naman akong tumango then maya maya pa, lumitaw na sila Simon kasama ang magulang nila.

Great, just great.

"Well, what a pleasant surprise... Welcome back hija" Nakangiting sabi sakin ni Tito Bernard at ewan ko kung anong nangyari sakin kasi biglang namasa ang mata ko.

Hindi na ako nagsalita pa, I just smiled at him then went to hug him.

"Wow, I never imagined I'd be this emotional seeing you again hija" mangiyak ngiyak na sabi ni Tito Bernard habang hinahagod ang ulo ko just like he used to do when I was a kid.

Ngumiti naman ako sa kanya saka yumuko, I suddenly felt ashamed of what I did, umalis ako ng walang paalam, ni hindi ko manlang sila sinabihan, kaya nahihiya ako, kasi naging mabait silang lahat sakin.

Halos siya rin ang nagpalaki sakin, pangalawang tatay ko na siya kaya alam kong nasaktan din siya nung umalis ako.

"I-I'm sorry po" I cried, then later on, Tita Liezel lifts my chin.

"No hija, don't be sorry, you didn't do anything wrong... We understand what you did and we accept it" She said wiping my tears off, tumango tango naman ako sa kanya saka niyakap rin siya.

"P-Pasensya na po talaga Tita" I said.

"A-Anne, welcome back... It's nice seeing you again" Hindi ko alam kung bakit parang naiilang sakin si Simon pero hindi ko na yun pinansin, basta ko nalang siyang niyakap.

I felt him stiffen but hugged me back in the meantime.

God, I miss this.

******

Kaunting oras nalang magsisimula na ang party, parami na rin ng parami ang mga bisitang pumupunta, karamihan sa kanila ay politiko, at ang iba ay family friend. Halos lahat din kilala ko, pero nahihiya pa rin akong lumabas.

Kahit tinatawag nako ni Mom sa labas, ayoko pa rin talaga. Di naman sa napapangitan ako sa suot ko kasi to be honest ang ganda ganda ko.

I'm wearing a black dress, backless rin ito saka may slit sa hita. Medyo revealing pero maganda naman. Mas grabe pa nga yung suot nung iba sa labas, kala mo kung saan pupunta e, for all I know, magpapapansin lang ang mga yon kay Sandro.

Eh paano ba naman kasi, yung lalaking yun hayun sa labas, kasama ang mga pinsan niya at may kausap na mga babae.

Kala mo wala ako rito e

Wow Anne, selos lang??

"Ma'am Anne? Pinapatawag na po kayo ni Ma'am Cara sa labas, mag sisimula na daw po ang party" Sabi sakin ng isa sa mga katulong nila Tito Bernard

Ngumiti naman ako sa kanya saka tumango

"Okay sige, susunod ako" Sabi ko, tumango naman siya sakin saka umalis na.

Paglabas ko ng kwarto naglakad nako patungong hagdan kaya lang may narinig akong nabasag kaya sinundan ko kung saan nanggaling ang tunog, and it leads me to Simon's room.

And I gasped in shock when I saw him. He was sitting on the floor, wala naman siyang sugat but he's crying. Umiiyak siya kaya naman dali dali ko siyang nilapitan.

The Runaway Groom (under editing)Where stories live. Discover now