Everything Has Changed

By _DOKyungSooBias

255K 12.3K 3.7K

Bangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince" More

Everything Has Changed
First Changed
Second Changed
Third Changed
Fourth Changed
Fifth Changed
Sixth Changed
Seventh Changed
Eight Changed
Ninth Changed
~RANT~
Tenth Changed
Twelfth Changed
Thirteenth Changed
Fourteenth Changed
Fifthteenth Changed
Sixteenth Changed
Seventeenth Changed
Eighteenth Changed
Nineteenth Changed
Twentieth Changed
Twenty-first Changed
Twenty-Second Changed
Twenty-Third Changed
Twenty-Fourth Changed
Twenty-Fifth Changed
Twenty- Sixth Changed
Twenty-Seventh Changed
Twenty-Eight Changed
Twenty-Ninth Changed
Thirtieth Changed
Thirty-First Changed
Thirty-Second Changed
Thirty-Third Changed
Thirty-Fourth Changed
Thirty-Fifth Changed
Thirty-Sixth Changed
Thirty-Seventh Changed
Thirty-Eight Changed
Thirty-Ninth Changed
Forthieth Changed
Forty-First Changed
Forty-First Changed
Forty-Second Changed
Forty-Third Changed
Forty-Fourth Changed
Forty-Fifth Changed
Last Changed
Epilouge
Note ♥♥♥
At Min's Residence
T^T
Daphne Samantha Min
Deniel Stephan Min
Tae Joon Min

Eleventh Changed

5.3K 277 124
By _DOKyungSooBias

Eleventh Changed

Matapos kaming sigawan ni Minah ay narinig ko na naman yung pang-aasar ng ma kaklase namin sa amin ni Stephen. Hindi ko lang pala guni-guni yung pagtawa nya, nakita rin nila ay ayun todo sila kung mang-alaska.

Hindi ko alam kung paano namin natapos ni Stephen yung natira kasi sumeryoso sya ulit, ako naman nakaramdam ng akwardness kaya tumahimik na lang din ako.

Para pala sa play ng ng First Year students yung ginawa naming background. Ewan ko bakit kami nadamay sa paggawa ng nga props nila, di ba dapat sila nagawa nun? Anyways ok lang kasi may extracurricular activities naman kami dahil dun. Libre din kaming nakapanood, well yung section lang namin. Halos hindi ko nga rin naintindihan dahil daldal ng daldal si Cherry. Kesyo nabasa na daw nya yun sa libro at napanood sa DVD. Kesyo ang pangit daw ng make-up nung isang gumaganap pati pagpapawis ng kili-kili nung isang performer napansin. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya noon.

"Dana wag mong papabayaan si Stephen ha?" eto namang si Mam Saira kung makapagbilin kala mo di na babalik. Sabado ngayon at 4 pa lang ng umaga. Paalis sila Mam Saira dahil naospital yung Nanay nya na nasa probinsya at kailangan sya nito, isasama nya si Nanay para may kasama raw sya papaunta doon at may tutulong sa kanyang mag-alaga sa Nanay nya. Wala si Sir Ethan, out of the Country samantalang may Medical Mission naman si Kuya Steven. Wala rin yung ibang katulong dahil Day Off nila kapag Weekends kaya kaming dalawa lang ni Stephen ang ang maiiwan dito sa bahay. Kagabi pa nga bilin ng bilin tong si Nanay. Sabi kasi ni Mam Saira baka raw mga isang linggo silang mananatili doon.

"Opo" sagot ko naman sa kanya habang pipikit-pikit ng mata. Aba pasensya, sobrang aga pa kaya at hindi ito ang oras ng gising ko bastat sabado.

"Dana yung mga sinabi ko sayo wag mong kalimutan ha?" si Nanay naman ngayon. Sunod-sunod ang tango na ginawa ko.

"Yung perang panggastos nyo binigay ko na kay Stephen kagabi. Tapos kapag maagang naka-uwi si Steven sabihin mo na lang na nasa Lola nya kami ha?" paalala ulit ni Mam Saira. Ngumiti ako sa kanya kahit na hinihila pa rin ako ng antok. Pagkatapos malagay ni Mang Oscar yung mga dala nila sa likod ng kotse at umalis na sila.

Hinintay ko munang mawala sa paningin ko yung sasakyan nila bago ako tuluyan pumasok.

Pagkasarado ko ng gate aya agad akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin na dumaan. Naka pantulog kasi ako kaya manipis at madaling makapasok ang hangin. Tinakbo ko papasok ng bahay at muling ikinandado yung front door dahil maaga. Makakabalik pa ako sa tulog.

Napahawak ako sa dibdib ko ng pagharap ko ag nasa harapan ko na si Stephen at nagkukusot ng mata. Itinaas nya yung sketchpad nya

They already left?

Tumango ako bilang sagot. Tumalikod sya at nagsimulang maglakad paakyat sa taas kaya naglakad na din ako papunta sa kwarto namin ni Nanay. Agad akong humiga at chineck kung

naka set yung alarm clock sa gilid ng kama ko baka mamaya hindi ako magising mamayang 6. Nung masiguro ko na Ok na ay pumikit na ako.

Makukuha ko na yung tulog ko ng mapabalikwas ako ng bangon at malaglag sa kama. Naranig lang naman ako ng malakas na busina mula sa labas ng gate. Napakamot na lang ako ng ulo ko, baka may nakalimutan sila Mam Saira.

Kinuha ko muna yung jacket ko bago lumabas. Pagkabukas ko ng gate ay isang Van ang nakita ko imbis na isang itim na kotse.

Kumunot ang noo ko ng ilabas ni Jin yung ulo nya mula sa Driver seat at nalaki yung mata nya ng makita ako.

 

"Dana?" takang tanong nya. May nagbukas nung isang bintana at iniluwa noon ang ulo ng Jimin at Raven.

"Hala Dana! Anong ginagawa mo dito sa bahay nila Stephen? Live in na kayo?" sunod sunod na tanong ni Jimin sa akin. Ibinuka ko na yung bibig ko para sumagot ng dumaan si Stephen sa gilid ko at ipinakita sa kanila yung sketchpad nya.

"Stephen naman! Napag-usapan na natin to di ba? Sasama ka!" maktol ni Jin. Dahil nakatalikod sa akin si Stephen ay hindi ko alam kung anong nakasulat doon. Nakita kong umiling si Stephen kaya lalong naging Biyernes Santo ang mukha nila. Binuksan ni Jimin yung pinto ng Van at lumabas, sumunod naman si Raven at Jin.

"Minsan na nga lang tayo pumunta doon eh!" pangungumbinsi ni Raven pero muling umiling si Stephen. Mukhang may lakad sila pero dahil iniwan kami nila Mam Saira ay hindi sya makakasama.

Tinanggal ni Stephen yung takip ng marker nya at inilipat yung sketchpad nya bago magsulat.

"Si Dana lang ba? Isama natin! Di ba Dana? Sama ka sa amin!" sabi ni Jimin sa akin. Hindi ko naman sila maintindihan. Napatingin ako kay Stephen na nakatalikod pa rin sa akin ngayon. Hindi ko pwedeng iwan yung bahay, isa yun sa pinagbilin ni Mam Saira. Kung aalis daw kami at magtext muna sa kanya.

Tumingin ako kay Jimin at nakita kong nakangiti sya. Madilim pa ang kalangitan pero sapat na yung ilaw sa mga poste para makita kong nakangiti sya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Stephen at nakatingin sya na sya sa akin.

"Dali na!" sabi ni Raven habang niyuyugyog yung balikat ni Stephen. Inalis nya yung pagkakahawak sa kanya ni Raven at nagsulat sa sketchpad nya.

They will not stop until we agree. Can we come?

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Nagpapa-alam ba syang sumama kami?

"Saan ba?" tanong ko. Nakita kong nabuhayan ng dugo yung tatlo. Nagsulat ulit si Stephen.

 

Tagaytay

"Hala! Tagaytay? Ang layo! Tsaka baka magalit si Mam Saira kapag nalaman nya umalis tayo. Isa pa lakad nyo ata yan eh, ikaw na lang ang sumama" sagot ko. Ayoko namang makagulo sa kanila no?

"Hala hindi ok lang. The more the merrier" sabi Jimin na sinang-ayunan nung dalawa pero umiling ako.

"Kayo na lang, Ok lang ako dito." sagot ko tsaka ngumiti sa kanila. Nagsulat ulit si Stephen at biglang nagpapadyak sila sa lupa.

"Dana sumama ka na kasi!" pamimilit sa akin ni Jin.

"Oo nga di sasama si Stephen kapag di ka sumama" dagdag ni Raven. Tumgin ako ulit kay Stephen.

"Sige na sumama ka na" sabi ko sa kanya. Humarap sya sa akin at nagsulat.

I won't come unless you come.

Mukhang ako ang hadlang sa pagsama nya, nahiya tuloy ako.

"Pero kasi yung bahay, sabi ni --" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng hilahin ako ni Jimin at Raven papasok ng Van. Pumasok na rin si Jin sa loob pero ako nakipagtalo pa.

"Uuwi din tayo bukas, promise" pangungumbinsi sa akin ni Jimin. Paglingon ko sa likod ay naglalakad na papasok si Stephen ng bahay.

Nagpumiglas ako pero nagtagumpay pa rin sila. Pagpasok namin sa loob ay tulog si Jungkook at Vincent. Tapos nasa likod si Jimuel at tulog din.

Maya-maya konti ay tumatakbo na palabas si Stephen dala ang isang bag. Isinasarado nya yung gate ng bahay nila ng maalala kong nakapangtulog ako.

"Teka magpapalit ako! Pupunta akong Tagaytay ng nakaganito?" sabi ko habang papalabas na ng Van ng hilahin ako pabalik ni Raven.

"Bibili na lang tayo doon!" sabi nya. Papalag pa sana ako ng pumasok na si Stephen at umupo sa tabi ko.

Agad namang pinaandar ni Jin yung Van at sumigaw sila. Parang mga bata.

Nagtaka ako ng ilabas ni Stephen ang isang T-shirt at pantalon mula sa loob ng bag nya. Nasa biyahe na kami at lumipat si Raven at Jimin dun sa tabi ni Jimuel at nangulit doon. Sinigawan naman sila ni Jimuel.

Kinuha ko yung damit na inabot sa akin ni Stephen at nilagay sa hita ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at sumandal. Madilim pa rin sa labas at konti pa lang yung mga tao.

Pumikit ako at hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari.

"Wag kang malikot" nagising akong makarinig ng mga bulong at shutter ng camera. Dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko at nakita ko si Vincent at Jimin na nakatingin sa akin. May hawak na camera si Vincent at kinukunan ako samantalang si Jimin ay parang kinikilig na ewan.

"Ayan gising na tuloy yung isang model ko" nanghihinayang na sabi ni Vincent tapos sinamaan pa ng tingin si Jimin at inamba yung siko nya. Itinaas naman ni Jimin yung kamao nya. Umayos ako ng upo tapos naramdaman kong may kung anong mabigat na nakapatong sa balikat ko. Tinignan ko kung ano yun at nakita ko si Jimuel na nakasandal sa kaliwang balikat ko. Akala ko si Stephen yung katabi ko kanina?

"Hoy Jimuel gising na si Dana para-paraan mo rin eh no!" sabi ni Jimin tapos hinampas si Jimuel sa may hita nito. Nandito pala kami sa likod na parte ng Van at nakaharap sa amin si Jimin kaya yun lang ang naabot nya.

Unti-unting gumalaw yung ulo ni Jimuel at inalis nya sa pagkakasandal sa balikat ko. Naramdaman ko yung sakit ng alisin na nya yung ulo nya, medyo nangalay siguro.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong masama ang tingin nya kay Jimin, ibinalik ko yung tingin ko kay Jimin at nakangiti sya. Ngiting pang-asar.

"Nandito na ba tayo?" tanong ko. Nakatigil na kasi yung sasakyan at kami na lang yung nasa loob.

"Oo kanina pa, hindi ka na pinagising ni Stephen tulog mantika ka daw kasi." sagot nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Ako tulog mantika? What the!

Binuksan ni Jimuel yung pinto ng Van at lumabas sumunod si Jimin kaya sumunod na rin ako. Bago ako lumabas ay kinuha ko muna yung mga damit na inabot sa sa akin ni Stephen kanina.

Pagkalabas ko ay napanganga ako, literal. Ang ganda ng view. Kitang-kita yung Taal Volcano. Para ngang isang malaking painting lang eh.

Napayakap ulit ako sa sarili ko ng maramdaman muli yung hangin, nakapangtulo pa nga pala ako. Buti na lang at may jacket ako pero malamig pa rin. Naramdaman kong may tumabi sa akin pero hindi ko pinansin. Masyado akong naoverwhelm sa ganda ng lugay na to.

"You should change your clothes, you might catch a cold. It freezing here" nakita ko si Jimuel na nakatayo sa gilid ko at nakatanaw din sa mga tanawin. Tumango ako pero nanatiling nakatayo pa rin.

Maya-maya ay naramdaman kong kinuha nya yung kamay ko at inipit sa dalawa nyang kamay para mainitan. Hindi ko alam kung anong gagawin, nakatingin lang ako sa kanya.

Ilang minuto rin nyang ginawa yun at nawala yung lamig ng kamay ko, ang init kasi ng mga palad nya.

Inalis nya yung isang kamay nya at hinila ako papasok sa isang malaki bahay.

Napapadalas ata ang paghawak at panghila sa akin ni Jimuel ha?

----------------------------------

Yes naman!!

Sabi ko sa inyo eh, I'll try to update regularly ngayon pa na tapos ko na sa isip ko tong story na to? Nabuo ko na yung pagkakasunod-sunod ng events even the ending Yiee!! Naamoy nya na ba ang ending? Jokes marami pang mangyayari XXD

Dapat kahapon pa to napost kaso maaga ako nakatulog XXXDD

 

Anyways isa pang kinaeexcite ko is yung story ni JungKook. Chapter 5 na kasi ako dun at puro kalokohan yung pinaglalalagay ko XXD Knowing Bangtan, mga takas sa mental yun eh.

 

So ayun nga yung unang nakahula, Yiee galing mo! Ikaw si Yoora. Naiingit ako TT^TT Gusto ko rin kasing maging si Yoora eh. Lalo pa ngayon Jungkook Bias na ata ako ~~ V mahar na mahar kita!!

 

Yun lang-- Wag nyo ng pansinin yung RANT ko medyo nababaliw lang talaga ako noong isang araw..

 

Call Me Baby ~~

 

Jimuel or Stephen FTW?

 Dedicated to HER ^_^ Salamat sa pagbabasa at pagVovote XXD Yun nga palang One Shot mo di ko pa natatapos eh, hintayin mo na lang..

Continue Reading

You'll Also Like

Your fan By EMCEE

Teen Fiction

1K 333 7
A fan who is content in watching her idol from afar. An idol who treasures his fans but can't recognize them one by one. Their paths are different fr...
75.6K 3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
1.7M 72.3K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...