Loving You Is A Losing Game

By Bloomemkeybi

37.1K 2.1K 383

Cameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating c... More

•PROLOGUE•
•CHAPTER ONE•
•CHAPTER TWO•
•CHAPTER THREE•
•CHAPTER FOUR•
•CHAPTER FIVE•
•CHAPTER SIX•
•CHAPTER SEVEN•
•CHAPTER EIGHT•
•CHAPTER NINE•
•CHAPTER TEN•
•CHAPTER ELEVEN•
•CHAPTER TWELVE•
•CHAPTER THIRTEEN•
•CHAPTER FOURTEEN•
•CHAPTER FIFTEEN•
•CHAPTER SIXTEEN•
•CHAPTER SEVENTEEN•
•CHAPTER EIGHTEEN•
•CHAPTER NINETEEN•
•CHAPTER TWENTY•
•CHAPTER TWENTY ONE•
•CHAPTER TWENTY TWO•
•CHAPTER TWENTY THREE•
•CHAPTER TWENTY FOUR•
•CHAPTER TWENTY FIVE•
•CHAPTER TWENTY SIX•
•CHAPTER TWENTY SEVEN•
•CHAPTER TWENTY EIGHT•
•CHAPTER TWENTY NINE•
•CHAPTER THIRTY•
31: INTRAMURALS
32: AMUSEMENT PARK
33: INTRAMURALS
34: INTRAMURALS
35: INTRAMURALS
36: INTRAMURALS
37. INTRAMURALS
38: INTRAMURALS
39: INTRAMURALS
40: INTRAMURALS
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
CHAPTER FORTY SIX
CHAPTER FORTY SEVEN
CHAPTER FORTY EIGHT
CHAPTER FORTY NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY ONE
CHAPTER FIFTY TWO
CHAPTER FIFTY THREE
CHAPTER FIFTY FOUR
CHAPTER FIFTY FIVE
CHAPTER FIFTY SEVEN
CHAPTER FIFTY EIGHT
CHAPTER FIFTY NINE
CHAPTER SIXTY
CHAPTER SIXTY ONE
CHAPTER SIXTY TWO
CHAPTER SIXTY THREE
CHAPTER SIXTY FOUR
CHAPTER SIXTY FIVE
CHAPTER SIXTY SIX
CHAPTER SIXTY SEVEN
CHAPTER SIXTY EIGHT
CHAPTER SIXTY NINE
CHAPTER SEVENTY
CHAPTER SEVENTY ONE
CHAPTER SEVENTY TWO
CHAPTER SEVENTY THREE
CHAPTER SEVENTY FOUR
CHAPTER SEVENTY FIVE
CHAPTER SEVENTY SIX
CHAPTER SEVENTY SEVEN
CHAPTER SEVENTY EIGHT
CHAPTER SEVENTY NINE
CHAPTER EIGHTY
CHAPTER EIGHTY ONE
CHAPTER EIGHTY TWO
FINALE
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT
LYIALG OST

CHAPTER FIFTY SIX

249 16 2
By Bloomemkeybi

Tumigil ang kotse ni Calvin sa harapan ng apartment ni Quincy. Nagkatinginan ang dalawa at dahan-dahang ngumiti ang binata sa dalaga.

"Salamat sa paghahatid, Cal. Nakaabala pa ako sa'yo." nahihiyang sabi ni Quincy bago tanggalin ang kanyang seatbelt.

"Hmm, girlfriend ka ng kaibigan ko at ayaw ko na pabayaan ka lalo na't wala siya." seryosong sagot ni Calvin.

Bumuntong-hininga si Quincy saka muling ngumiti sa kanya.

"Papasok na ako."

"Yeah. Bukas nalang ulit." nakangiting ginulo ni Calvin ang buhok ng dalaga bago ito tuluyang makalabas ng kanyang kotse.

Kumaway-kaway si Quincy at tumalikod rito. Pumasok narin siya sa loob ng kanilang apartment dahil gusto narin niyang magpahinga.

Seryoso ang tingin ni Cameron habang nakatingin sa papalayong kotse ni Calvin. Umangat ang kanyang tingin sa bintana ni Quincy nang mapansing niyang magbukas iyon. Nakatayo lamang siya sa likod ng poste at nagmamasid sa kilos ng dalaga.

Tumunog ang kanyang cellphone kaya dali-dali niyang kinuha iyon at sinagot ang tawag ng kapatid.

"Hmm?" bungad niya rito.

"Nasaan ka?"

"Nagpapahangin lang." tipid na sagot pa nito.

"Umuwi ka na ngayon rin." utos ni Atticus.

"I'm coming."

Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kapatid dahil kaagad narin niyang pinatay ang tawag na iyon. Muli niyang sinulyapan ang kwarto ng dalaga mula sa taas bago sumakay ng kanyang motor.

Pinaharurot niya iyon papauwi ng kanilang mansion.

Wala pang kinse minutos ay nakarating na siya doon. Kumunot ang kanyang noo ng makita ang kotse ng mga kaibigan niya na nakaparada doon.

Nagtatakbo si Cameron papasok ng mansion at natigilan siya ng makita sina Dranreb na nakaupo sa sofa at pare-parehong nakatingin sa kanya.

Unti-unti niyang sinulyapan sina Atticus at Xavia na bahagyang nakangiti sa kanya habang nanatiling seryoso ang tingin ni Javion.

"Cameron." mahinang pagtawag sa kanya ni Matthew.

"Anong ginagawa niyo rito?" seryosong tanong ng binata.

Unang tumayo si Kyle na akala mo'y batang inigawan ng laruan sa sobrang pagkaka-nguso.

Nanlaki ang mata niya ng dahan-dahan itong tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya ng pagkahigpit-higpit.

"Sorry Cameron."

"H-indi ako maka-hinga!" iritang sigaw niya ngunit mas humigpit pa ang yakap nito.

"Cameron!"

Mas lalo pang nanlaki ang mata niya ng tumakbo narin sina Dwight papalapit sa kanya at niyakap rin siya.

"They're so cute, Boo." masayang bulong ni Xavia sa kasintahan.

Ngumiti si Atticus at dahan-dahang nilingon si Javion na hindi manlang gumagalaw sa pwesto nito.

"Why don't you join them?"

"Tsk." tanging tugon lang ni Javion.

"Sorry kung hinusgahan namin ang pagkatao niyo. Sorry kung hindi agad namin naintindihan yung sitwasyon niyo. Sorry kung nasaktan namin damdamin niyo. Sorry." parang batang wika ni Kyle.

Kaunti na lamang ay iiyak na ito habang nakayakap sa kaibigan.

"Sorry Cameron sa nasabi ko." malungkot ring sambit naman ni Matthew.

"Sorry." sabay-sabay na wika pa ng mga ito sa kanya.

"Lumayo kayo at hindi nga ako makahinga!" malakas na sigaw niya at mabilis namang siyang binitawan ng mga ito.

"Bati na ba tayo?" tanong ni Jethro at masama naman niyang tiningnan ito.

Tiningnan niya si Calvin na nakatitig lamang sa kanya bago sulyapan ang pinsan.

"Hindi lang ako ang nasaktan niyo. May damdamin rin ang pinsan ko."

Lumingon sina Race kay Javion na tumaas ang kilay ng magtama-tama ang paningin nilang lahat.

"Wag niyong subukang lumapit sa'kin, pumapatay ako ng tao kahit na malapit sa loob ko." nakangising pagbibiro pa ng binata.

"Tsk." asik ni Cameron.

"Hindi pa ba sapat yung sorry namin?" malungkot na tanong ni Brix.

"Sinabi ko na sa inyong hindi na mababago ng salitang patawad ang sakit na naibigay niyo. Hindi ako galit dahil naiintindihan ko naman kayo pero hindi ibig sabihin no'n ay wala lang samin lahat ng sinabi niyo."

"Sorry ulit." si Dranreb.

"Tsk."

"Bati na tayo Fafa Cameron, JP. Hindi namin kayang hindi tayo kumpleto." nakangusong anas naman ni Kyle.

"You're so cute, Kyle." natatawang papuri ni Xavia at ngumiti naman pagkalaki-laki ang binata.

"Paano kung sabihin naming? Hindi kami tumatanggap ng sorry?" biglang tanong ni Javion matapos umupo sa arm rest ng single sofa.

"Ano ngang gagawin namin para maging maayos tayo?" si Dwight.

"Makapag-one night stand kayo samin."

"What the hell is that, Javion Pierce?" kunot-noong tanong ni Atticus at sabay namang tumawa sina Cameron at Javion.

"Yun lang pala eh, tara na." tugon ni Race at mabilis na lumapit sa binata.

"Bati na nga sila." natatawang bulong pa ni Xavia habang nakatingin sa magkakaibigan na magkakayakap.

"Bati na tayo. Wala ng away-away ah." ani Kyle.

"Pinky swear?" sabay-sabay na napatingin sina Cameron at Javion kay Calvin.

Nakangiti ito habang nakataas ang hinliliit na daliri sa kanilang dalawa.

Mabilis na inabot ni Cameron ang kanyang hinliliit na daliri saka ngumiti.

"Pinky swear." wika ni Cameron.

Magsasalita pa sana si Calvin ngunit natigilan siya ng yakapin siya ng pagkahigpit-higpit ni Cameron.

"Thank you sa pag-aalaga sa mahal ko habang wala ako."

Ngumiti ang binata at tinugunan ang mahigpit na yakap ng kaibigan.

"You know that Quincy is important to me, I won't leave her because I know you can't bear to see her sad."

"Thank you Cal."

"Group hug!" masayang sigaw ni Xavia at pinagyayakap ang mga binata.

Tumawa naman si Atticus at niyakap narin ang mga ito.

"Thank you sa pag-intindi niyo samin. Sorry din sa mga nasabi namin." may pagka-sinseridad na pagpapasalamat at pahingi ng tawad ni Cameron sa mga ito.

"Wala na yun samin. Mahalaga ayos na tayo." tugon ni Dwight.

"How about you and Quincy? Kailan niyo balak mag-usap?" biglang tanong ni Atticus at natigilan naman si Cameron.

"Hindi ko pa kayang humarap sa kanya Kuya. Natatakot ako na baka kung anong masasakit na salita na naman ang matanggap ko."

"Hindi naman gano'n si Baby Quincy hindi ba? Alam kung naiintindihan ka na niya ngayon Dekdek." biglang nalungkot namang wika ni Xavia.

"Bibigyan ko muna siya siguro ng oras para makapag-isip-isip. Ayaw ko na mapipilitan lang siya."

"Wala ito, hindi mo malalaman kung anong nararamdaman niya kung hindi mo kakausapin." singit ni Dranreb.

Hindi nagsalita si Cameron at bumuntong-hininga na lamang.

Lumabas si Quincy sa loob ng banyo. Kakatapos lang niyang maghalfbath at tumutunog rin ang kanyang cellphone.

Naglakad siya papunta sa kama kung nasaan nakapatong iyon. Umupo siya sa kanyang study table bago sinagot ang tawag ng kaibigan niyang si Princess.

"Hello?"

"Bestie!"

"Bakit naman kailangan mong sumigaw? Hindi naman ako bingi." nakangiwing tugon ng dalaga at narinig naman niyang tumawa ang kaibigan sa kabilang linya.

"May sasabihin ako sa'yo pero magtatanong muna ako."

"Ano namang itatanong mo?"

"Nagkausap na ba ulit kayo ni Fafa Cameron?"

Bahagyang natigilan ang dalaga at unti-unti niyang nararamdaman ang lungkot.

"Hin-di pa. Wala parin akong balita sa kanya."

"So ito na nga ang kwento ko sa'yo."

"Ano ba yun?"

"Nabalitaan ko na nagka-usap-usap na sila nina Kyle kanina." masayang sagot nito at muli siyang natigilan.

"Talaga? Kamusta daw si Cameron?" may kung anong emosyon ang namuo sa dibdib ng dalaga ng marinig niya ang sinabi ng kaibigan.

"Okay na daw na sila. Hindi naman daw galit sina Cameron pero ang sabi nasaktan lang daw sila sa mga sinabi nina Matthew ng gabing iyon. Ang sabi pa sa'kin ni Babe kanina ay papasok na daw bukas sina Cameron at JP."

Natuwa si Quincy dahil makikita na niya kinabukasan ang binata.

"Talaga? Gusto ko na siyang makita, Princess." emosyonal na sagot ni Quincy sa kaibigan.

"Sana magbati na kayo."

"Miss na miss ko na siya."

Unti-unting namasa ang mata ng dalaga habang nakatingin sa salamin kung saan pinagmamasdan niya ang kwintas na bigay ng binata sa kanya.

"Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Princess ng marinig niya ang paghikbi ng kaibigan.

"Masaya lang ako, Princess dahil makikita ko na siya. Ilang araw kaming walang komunikasyon sa isa't-isa at masayang-masaya ako dahil makikita ko na siya bukas."

"Wag ka na umiyak, Bestie. Makikita mo na si Cameron bukas, siguro naman akong magkakausap kayo. Alam mo naman ang lalaking yun, hindi ka kayang tiisin."

Ngumiti si Quincy at mabilis niyang pinunasan ang kanyang luha.

"Salamat sa pag-update."

"Syempre naman, matutulog na sana ako kaso tumawag si Kyle tapos sinabi nga sa'kin yun."

"Sige na matulog ka na. May tatapusin lang ako tapos tutulog narin ako."

"Oh sige sige, Goodnight bestie, see yah tomorrow."

"Goodnight."

Pinatay niya ang tawag na iyon at masayang tiningnan muli ang sarili sa salamin.

"Mayayakap mo na siya ulit, Quincy." anas niya sa sarili.

Tinapos ni Quincy ang pagre-review at mabilis na natulog.

Kinabukasan, mas nauna pa siyang magising sa kanyang alarm clock. Ganadong-ganado ang dalaga na bumangon sa kama at nagluto ng kanyang almusal. Wala man siyang natanggap na message galing sa binata ay hindi iyon naging dahilan para siya'y malungkot.

Nang matapos siya sa pagluluto, dumiretso na siya sa banyo para maligo. Pagkatapos niyang maligo ay kumain narin siya at hindi narin nagtagal sa kanyang apartment.

Natanggap niya ang message galing sa kaibigan na nandoon na si Cameron kaya halos takbuhin niya ang school. Mabilis niyang pinakita ang ID sa scanner at mabilis na tumakbo papunta papunta sa waiting shed.

Nakaramdam siya ng kaba dahil sa pinaghalong saya at pagka-miss sa binata. Nakita niya sa hindi kalayuan ang binata na diretso ang tingin sa kanya.

Bumagsak ang kanyang luha ng tuluyan na siyang malapit kay Cameron.

"Cameron."

Niyakap niya ng pagkahigpit-higpit ang binata at umiyak ng umiyak sa dibdib nito. Nagkatinginan naman ang magkakaibigan saka muling tumingin kay Cameron na walang karea-reaksyon.

"Bakit ngayon ka lang?" umiiyak na tanong niya ngunit wala siyang nakuhang sagot rito.

Unti-unting siyang humiwalay sa pagkakayakap sa binata at nag-angat ng tingin. Nakatingin lamang sa kanya ang binata dahilan para makaramdam siya ng sakit na may halong pagtataka.

"Galit ka parin ba?"

"Tapos ka na ba?" walang emosyong tanong ng binata.

Umawang ang kanyang labi sa tanong nito sa kanya.

"Anong tapos na?"

"Papasok na ako."

Bumagsak ang balikat ni Quincy ng dahan-dahan siyang talikuran ni Cameron. Nagsimula itong maglakad ng hindi manlang lumilingon sa kanya.

"Anong nangyayari?" takang tanong ni Princess at mabilis na lumapit sa kaibigan.

Bumuntong-hininga sina Javion at nagkibit-balikat na lamang.

"Cameron." muling bumagsak ang luha sa pisngi ng dalaga dahil sa sakit.

"Don't cry Quincy." mabilis na pinunasan ni Calvin ang luha ng dalaga at mabilis itong niyakap.

"Sundan ko lang." paalam ni Javion at mabilis na nagtatakabo papalapit sa pinsan.

"Bakit mo naman ginawa yun? Nasaktan mo girlfriend mo." nakangising aniya.

Hindi sumagot si Cameron at nanatili lamang itong tahimik habang naglalakad.

"Galit parin siguro siya sakin." mabilis na yumuko si Quincy at bahagya niya pang kinagat ang kanyang labi para lamang pigilan ang luhang gusto na ulit pumatak.

"Wag mo na munang isipin Harley Quinn. Mahalaga buo na tayo." pilit na ngumiti si Kyle bago akbayan ang kasintahan.

"Kita-kits nalang tayo mamaya." pamamaalam nina Dranreb sa apat bago tumalikod at nagtatakbo para sundan sina Cameron at Javion.

Kahit nanlulumo ang dalaga habol tingin na lamang ang tanging nagawa niya sa papalayong rebulto ni Cameron. Pinunasan niya ang kanyang luha at pilit na ngumiti sa kaibigan.

"Tara na, baka wala lang siya sa mood."

"Hmm. Let's go."

Hinawakan ni Calvin ang kamay ng dalaga at sabay-sabay na silang naglakad papunta sa building ni Princess para lamang ihatid ang dalaga.

"See you later guys, Babe." nakangiti paalam nito bago yakapin ang kaibigan pati narin si Kyle.

"Aral kang mabuti, sabihin mo sa Mikey na yun wag padikit-dikit sayo baka hindi ko siya matansya." nagbabanta pang anas nito sa kanya.

"Tsk, tumahimik ka nga. Nanahimik yung tao, inaaway mo na naman." masungit na tugon nito at muling tiningnan si Quincy.

"That's okay, Bestie. Wag na munang masyadong isipin. Baka pagod lang si Fafa Cameron."

"Hmm. Sige na pumasok ka na, male-late narin kami."

"Okay okay. Bye guys."

"I love you Babe." pahabol pa ni Kyle at hinalikan pa ang pisngi ni Princess.

"Tsk I love you too."

Sabay-sabay na pumasok sina Cameron sa loob ng kanilang classroom at pinagtinginan agad sila ng kanilang mga kaklase.

Walang ganang umupo ang binata sa kanyang bangko at hinagis sa katabing upuan ang kanyang bag.

"Bakit parang problemado si Cameron?"

"Nag-away kaya sila ni Quincy?"

"Maybe? Absent siya kahapon diba?"

"Tapos nakita ko kanina sa waiting shed hindi pinansin ni Cameron si Quincy."

Unti-unting uminit ang ulo ni Cameron ng marinig niya ang bulungan ng kaklase niyang mga babae.

"Hindi ba kayo tatahimik? Ngayon na nga lang ako pumasok, yan pa ang ibubungad niyo sakin?" iritang tanong niya dahilan para matigilan ang mga ito.

"So-rry Cameron."

"Tsk. Umalis nga kayo sa harapan ko. Ang aga-aga nagiging chismosa na agad kayo."

Mabilis na tumayo ang mga kaklase niya at lumipat ng upuan.

"Akala ko'y hindi mo totoohin ang sinabi mo kagabi Cameron." wika ni Dranreb.

"May sinabi na ba akong hindi ko ginawa?" nakangising tanong ni Cameron.

"Sabi ko nga tatahimik na."

Ngumisi na lamang ang binata at hindi na nagsalita pa.

Lumipad ang ilang oras at P.E nina Quincy ngayon. Mabilis na pumunta ang mga ito sa gym dahil mag vo-volleyball sila ngayon.

Kinuha ni Calvin ang bag ng dalaga at siya na mismo ang nagdala nito hanggang sa makarating doon.

"Magbihis ka na." utos niya at mabilis namang tumango ang dalaga.

"Quin!" napatingin siya sa likuran ni Calvin ng marinig ang boses ni Mariyah.

"Sabay na tayong magpalit." nakangiting wika pa nito at tumango naman siya.

"Magbibihis muna kami."

Tumango na lamang si Calvin sa kanya bago pumasok sa boy's restroom para magpalit narin ng P.E uniform.

"Hindi kayo okay ni Cameron?" tanong sa kanya ni Mariyah matapos niyang suot ang kanyang volleyball short.

"Okay naman, bakit?" pilit ngiting tugon niya rito.

"Akala ko hindi eh."

Ngiti na lamang ang sinagot ni Quincy sa dalaga.

Isinuot niya ang kanyang knee pads pati narin ang kanyang headband. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin bago lumabas ng restroom.

Nandodoon na ang kanilang professor at tanging sila na lamang mga babae ang hinihintay para makapagsimula ng game.

Dahil Constantino ang dalaga, kasama siya sa set A pati narin ang magkapatid. Bumuntong-hininga siya bago puwesto sa tabi ng net. Nagtama pa ang paningin nilang dalawa ni Calvin at ngiti naman ang sinukli ng binata sa kanya.

"Go girls team." sigawan nina Mariyah kina Quincy.

"Saan ka pupunta Insan?" tanong ni Javion ng makitang sa ibang diretso dadaan si Cameron.

"Babalik ako, kapag na-late ako sabihin mo tinawag ako ni Dean."  walang reaksyon tugon niya at hindi na nagbalak pang lingunin ang mga kaibigan.

"Saan kaya ang punta non? Science lab tayo diba?" nagtatakang tanong ni Jethro.

"Baka pasimpleng pupunta si Quincy." nakangising tugon ni Javion rito.

"Yan rin ang nakikita kung dahilan." si Dwight.

Mabilis na nagtungo ng cafeteria si Cameron para bumili ng tubig pati narin energy drink. Nag message sa kanya si Calvin na nasa court sila bago pa man magsimula ang laro ng mga ito.

Pagdating niya sa court, bahagyang ingay ang sumalubong sa kanya dahil sa mga babaeng panay ang sigawan dahil sa pag cheer ng mga ito sa mga babaeng naglalaro.

Nakita niya si Quincy na seryoso ang mukha at kasalukuyang dini-dribble ang bola.

"OMG! Si Cameron!"

"Nandidito ata siya para panuorin si Quin eh."

Nang marinig iyon ni Quincy mabilis siyang napatingin at mabilis na nagtama ang paningin ng dalawa ngunit mabilis naring inalis ni Cameron ang tingin niya rito.

"Sir, panuod lang saglit." pamamaalam ni Cameron bago maupo sa unang row ng bench.

Hindi naman alam ni Quincy kung anong magiging kilos niya. Para siyang naestatwa sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin parin kay Cameron. Panay ang kabog ng kanyang dibdib na hindi niya maintindihan.

"Ms. Constantino. Focus!"

"Yiiiiiiiieeeee kinikilig yan." pang-aasar pa nina Mariyah sa kanya.

"Y-es Sir."

Nahihiyang itinapon ng dalaga ang bola pataas at bahagyang tumalon para iyon ay paluin. Kaagad na nasalo ng kabilang team ang bola at muling umingay ang mga kababaihan.

"Akala ko'y hindi ka pupunta." nakangiting wika ni Calvin ng makaupo silang dalawa ni Kyle sa magkabilang gilid nito.

"Mabilis lang ako, may klase pa ako."

"Para sa kanya ba yan?" nginuso ni Kyle ang plastic na dala-dala nito at muling tiningnan ang kaibigan.

"Para sa inyo." pagtatama ni Cameron saka ibinigay sa kanya ang plastic na iyon.

"Nice, ang bait-bait mo namang kaibigan." natatawang tugon ni Kyle ngunit inismiran lamang siya ni Cameron.

Nagpatuloy ang paglalaro na hindi nagbago ang tingin ni Cameron kay Quincy. Pinag-aaralan niya ang bawat galaw ng dalaga na halatang ilang na ilang sa lahat ng kilos na ginagawa niya.

"Go Quincy!" cheer ni Kyle sa dalaga.

Hindi siya nagawang lingunin ng dalaga dahil seryoso ang kanyang paglalaro. Ayaw niyang mapahiya sa harapan ni Cameron.

Habang lumilipas ang oras, nagsasalitan ang magkabilang team sa pagpuntos. Nakakaramdam narin ng pagod si Quincy ngunit hindi na lamang niya ininda iyon. Pasimple niyang tinitingnan si Cameron na hindi parin nagbabago ang reaksyon ng mukha habang nakatingin sa kanilang paglalaro.

Naka-score ang kabilang team at hindi napigilan ni Quincy na mapayuko sa sobrang pagod. Hanggang sampung puntos lamang ngunit parang ang tagal-tagal na nilang makuha iyon.

"Go Quincy, kaya mo yan!" cheer pa ni Calvin at kahit papaano'y nagkaroon siya ng lakas ng loob.

Pilit siyang ngumiti at tiningnan si Cameron. Napabuntong-hininga na lamang siya ng hindi manlang ito ngumingiti sa tuwing magtatama ang paningin nilang dalawa.

Puwesto siya sa bandang likod at hinintay na lamang na pumunta sa kanila ang bola. Gustong-gusto niyang tumigil sa paglalaro at yakapin si Cameron ngunit wala siyang lahat ng loob para gawin iyon. Pagod na pagod na siya ngunit hindi pisikal na pagod ang nararamdaman niya.

"Kunting tiis nalang Quincy, makakapagpahinga ka na." bulong niya sa kanyang sarili.

Bumuntong-hininga si Cameron. Kitang-kita niya na pagod na ang dalaga pero pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili na puntahan ito.

"Nasaan ang bag niya?"

"Here." abot ni Kyle.

Binuksan niya iyon at hinahanap ang panyo nito. Nang tumunog ang malakas na horn bilang pagtatapos ng set a game ay tumayo narin siya sa kanyang pagkakaupo.

Lumakad naman si Quincy papalapit sa kanya at hindi alam ng dalaga kung paano siya kikilos.

Nagulat ang dalaga ng hawakan nito ang kanyang kamay at inilagay sa kanyang palad ang kanyang panyo.

"Nagpunas ka at magpahinga. Aalis na ako."

Akmang tatalikod ang binata ngunit dahan-dahan siyang natigilan ng bigla siyang yakapin muli ng dalaga ng sobrang higpit.

"Mahal na mahal kita Cameron at maiintindihan ko kung bakit ka ganyan ngayon." emosyonal na bulong ng dalaga.

Unting-unti naramdaman ni Cameron ang mga paru-paro sa loob ng kanyang tiyan ng marinig ang sinabi iyong ng dalaga. Dahan-dahan umangat ang kamay niya at akmang yayakapin rin si Quincy ngunit kaagad niyang pinigilan ang sarili niya.

Dahan-dahan namang ngumiti sina Kyle at Calvin habang nakatingin sa dalawa. Panay naman ang pang-aasar ng ibang kaklase ng mga ito ngunit walang pakialam ang dalaga.

"Hmm, mauuna na ako."

"Oww bakit ganon si Cameron?" nanglulumong tanong ni Mariyah ng makitang tanggalin ng binata ang kamay ni Quincy na nakayakap sa bewang niya.

"Hindi ba sila okay?" tanong ni Russel.

"Sabi niya kanina okay naman daw sila."

"Hmm. Sige." iyon na lamang ang sinagot ni Quincy at tuluyan ng umupo sa tabi ni Calvin.

Mabilis na naglakad ang binata palabas ng court iyon hanggang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Sobrang lakas ng kabog noon. Hindi niya alam kung dahil ba sa saya o kung dahil ba sa lungkot na nararamdaman niya mula sa dalaga.

"Fuck!" malakas na mura niya at mas binilisan pa ang paglalakad.

"Cameron." tawag ni Eliana ng makita niya ang binata.

Tumigil sa paglalakad si Cameron at dahan-dahang siyang nilingon. Ngumiti siya rito at tumigil sa harapan ng binata.

Natapos ang game nina Quincy at masaya narin naman ito dahil nanalo sina Calvin. Panay ang tawa niya habang pinagmamasdan si Kyle na parang batang nagtatalon habang lumalakad papunta sa kanya.

"Kamusta ang game namin Harley Quin? Pwede na bang pang international?" natatawang tanong nito.

"Ang galing mo nga eh, may pakpak ka ba? Sobrang taas mong tumalon." papuring tugon niya rito.

"Naman, ako pa ba? Ako ang pinakamagaling na volleyball at basketball player ng SEU no." taas nitong sambit pa nito.

Ngumisi-ngisi naman si Calvin sa kanya at mabilis na kinuha ang kanyang towel sa bag.

"Tara na? Nanghintay na sa atin sina Cameron sa cafeteria." pagyaya nito at tumango naman ang dalawa.

"Ako na ang magdadala niyan." kinuha ni Calvin ang kanyang bag bago magsimulang mag-lakad.

"Salamat Cal."

"Basta ikaw."

Bahagyang natawa si Quincy dahil sa sagot nito. Inakbayan naman siya ni Kyle at masayang nag-lakad.

Pagdating nila sa sa cafeteria, nandodoon na ang lahat maliban lamang sa kanilang tatlo. Tiningnan agad ni Quincy ang binata na nasa malayo naman ang tingin.

"Maupo ka na." utos ni Calvin.

"Hi, Babe. Nandidito na ang gwapo mo'ng boyfriend." maingay na wika ni Kyle at tumungo pa para lamang halikan ang pisngi ng dalaga.

"Tsk. Maupo ka na nga, ang ingay-ingay mo." masungit na sagot sa kanya ni Princess.

"Order na tayong pagkain." pagyaya ni Javion at mabilis namang tumayo si Matthew para samahan siya.

"Nabanggit sakin ni Eliana na may ibinigay daw siya para sa akin. Nasaan na?" biglang tanong ni Cameron at mabilis naman napatingin sa kanya ang dalaga.

"Ah o-o. Nasa lo-cker ko, kukunin ko nalang mamaya." mahinang sagot ni Quincy.

"Alright." tipid na sagot ng binata.

Bumuntong-hininga na lamang si Quincy at hindi narin siya nagsalita pa.

Ramdam na ramdam nina Dranreb ang hindi magandang atmosphere sa pagitan ng dalawa. Hindi nila alam kung paano magkakausap ang dalawa ng maayos kahit na alam nila kung bakit ganon ang kinikilos ni Cameron kay Quincy.

"Alam mo ba Babe? Ang galing-galing ko mag volleyball. Ako na nga nagbuhat ng team namin kanina." pagbabasag ni Kyle sa katahimikan nila.

"Kayabangan naman ng lalaking to. Kung si Calvin pa ang magsasabi niyan, maniniwala pa kami pero ikaw? Ikaw? Wala kang kwentang player, bangko." nang-aasar na tugon ni Dwight dahilan para unti-unti manlisik ang mata ng binata.

Tumawa naman ng tumawa si Princess at nakiapag-high five pa kay Dwight bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

"Tama ka diyan, Dwight. Mayabang talaga ang lalaking to kahit kaylan."

"Babe naman! Wala kang tiwala sakin? Hindi mo na ba ako mahal?" magmamaktol na tanong nito ngunit tawa lamang ni Princess ang nakuha niyang sagot.

"Kambal! Ipagtanggol mo naman ako, wag kang pangisi-ngisi diyan."

"Totoo naman ang sinasabi niya. Mayabang kang player. Bangko." pag-sangayon pa ni Calvin at mas lalong ngumuso si Kyle.

Hindi napigilan ni Quincy na matawa habang nakatingin sa binata. Sobrang laki ng kanyang pagpapasalamat dahil merong Kyle Gabriel Fernandez na handang gawin ang lahat, sumaya lamang ang pinakamalungkot na araw niya.

"Sa susunod namang magyayabang ka, yung naaayon naman sa skills mo para hindi ka napapahiya." nakangisi namang singit ni Javion.

"Sinasabi ko sa inyong mga hinayupak kayo, kakainin niyo rin lahat ng sinasabi niyo!" pinagtuturo pa ni Javion ang mga kaibigan bago maupo sa kanyang upuan.

Ngumusi naman si Cameron at pasimpleng tiningnan si Quincy. Gustong-gusto niyang hawakan ang kamay nito ngunit nananatili parin siyang pinipigilan ng kanyang utak. Bumuntong-hininga na lamang ang binata at hindi na inisip pa iyon.

Nang dumating ang kanilang pagkain, kinuha ni Cameron ang plato at ibinigay iyon sa dalaga. Bahagya pang nagulat si Quincy sa ginawa nito ngunit hindi na lamang niya pinagtuunan ng pansin iyon.

"Kumain ka na, alam kung pagod ka sa game niyo." mahinang utos ni Cameron.

"Gusto mo nito?" tanong niya habang nakatingin sa pagkaing nasa kanyang plato.

Umiling-iling si Cameron at kinain ang pagkain nasa kanyang plato.

"Ako, Quincy gusto ko yan. Hindi mo lang ba ako tatanungin?"

Umangat ang tingin ng dalaga kay Javion na nakatingin at nakangiti pa sa kanya.

"Kuha ka."

"Yown. Salamat." mabilis na tumayo ito at kumuha ng pagkain sa plato ng dalaga.

Tiningnan naman siya ng pinsan at dahan-dahang naman niya itong nginisian.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 45.8K 37
The rewritten version is on my account: Accidental Roommate (NEW). You can read this version but, just be warned, it is the 1st draft. Expect plothol...
8.8M 252K 41
"So this was all just a game to you . . .this whole time, you pretended to like me in order to humiliate me in front of the entire school?" An air of...
29.7K 799 38
It's he fell first but they both fell harder 𝐒𝐲𝐞𝐫𝐚 𝐁𝐚𝐤𝐬𝐡𝐢 She's silent, reserved and soulful girl. She's the popular girl everyone wants t...
Wattpad App - Unlock exclusive features