A Day at a Time

By Dreamerearth

28K 329 64

Mahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan a... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 11

413 3 0
By Dreamerearth

NGUMUNGUYA SIYANG nakatingin sa camera ng kaniyang phone nang lingunin ko. Isa-isa ko namang inilagay muna sa refrigerator ang mga pinamili kong hindi ko gagamitin sa mga iluluto ko mamaya.

Bumilog ang labi niyang pumalakpak nang mahina dahil sa naunang sinabi ko at parang sa mga sandali lang ito naging malinaw iyon sa kaniya.

"Aba, napaka-loyal naman ng batang iyan. Tatlong taon na ang lumipas, ikaw pa rin ang gusto niyang maging tutor," manghang-mangha niyang sabi sabay tawa sa dulo.

But it wasn't easy. Five months din kaming hindi nagsama dahil sinabi kong aalis na ako, pero hindi rin nangyari. Napagdesisyunan kong susundin ko kung ano ang gusto ko this time, kaya sinaway ko si Aziel. Sinabi ko sa kaniyang itutuloy ko ang pagiging tutor sa Kumon, kaya noong malaman iyon ni Caleb ay nag-request siya kung puwedeng ako na lang ulit.

Walang samaan ng loob dahil may naibigay din akong bagong magiging estudyante kay Ma'am Karen noong napunta sa akin si Caleb.

"Ako lang daw kasi ang mas nakapalagayan niya ng loob. Mas madaldal pala ang batang iyon sa personal," sabi ko.

Naalala kong binigyan niya ako ng card tuwing teacher's day. Kahit hindi naman ako licensed teacher, binibigyan pa rin niya ako dahil super thankful siya sa pagtuturo ko sa kaniya. Itinago ko sa tinatawag kong safe box iyong tatlong card na ibinigay niya sa akin at paniguradong madadagdagan pa sa taong ito.

Higit pa sa teacher kung ituring daw niya ako. Sabi niya ay para raw may mama siya kapag kinakausap ako. Lahat ng nangyayari sa kaniya sa school nila ay hindi niya nakakaligtaang ikuwento rin sa akin.

"Ganiyan talaga kapag tahimik. Dumadaldal sa tamang tao," sagot niyang tinanguan ko. "Kumusta nga pala kayo ni Azi?" maagap niyang tanong sabay shoot ng kinakain niyang kettle korn junk food sa bibig.

"As usual, we're good."

Not totally good, anyway. Ginagawa niyang big deal palagi ang papa ni Caleb kapag madadatnan niya kaming nag-uusap kapag nagbabalikbayan ito. Ilang beses ko nang nilinaw sa kaniya pero mas lalo lang niyang pinapalabo hanggang sa nagsawa akong idepensa ang katotohanan. Inilalabas ko na lang sa kabilang tainga ang mga hindi magagandang salita sa bibig niya at iintindihin siya dahil paniguradong dala lang iyon ng pagod.

"Sigurado ka?"

Tumango akong hindi ipinakita sa kaniya ang pilit kong ngiti. Hindi lang si Kalen na papa ni Caleb ang pinag-aawayan namin dahil madalas, hindi iimik kapag umuuwi. Yayakap lang sa akin at didiretso agad sa pagtulog pagkatapos niyang makipagkuwentuhan kay Rosette para kumustahin ang anak namin.

"Last time, sinabi mong hindi kayo okay ni Azi. Nag-away kayo 'ka mo," sabi niyang ikinatigil ko sa paglalagay ng itlog sa egg tray dawer ng refrigerator.

"Sinabi sa iyo ni ate?" kunot-noong tanong ko, ibinaba nang maayos ang itlog para hindi mabasag.

"Nabanggit lang niya noong kinumusta ko siya kahapon. I've asked you yesterday, but you didn't told me about that." Kinusot niya ang balot ng kettle korn at itinupi ito nang apat.

Binilisan ko ang paglalagay ng mga itlog na hindi ko kakailanganin at isinara ang pinto ng fridge. "Pasensya na Sally, hindi ko na kasi nabanggit dahil nagmamadali ka rin niyon," sagot kong tumalikod sandali para ilagay sa drawer ang mga plastic na nagamit.

"At ayaw ko kasing ipagsabi ang problema naming mag-asawa. Nagkamali si ate sa sinabi kasi hindi naman kami nag-away," pagdadahilan ko pagkabalik ng harap sa kung nasaan ang laptop.

Ayaw ko lang silang pag-alalahin sa nangyayari sa buhay mag-asawa namin dahil labas na rin sila roon.

"Pagod lang siya niyon kaya hindi kami nagkausap. That's it. I hope you'll stop worrying about us, Sally," pakiusap ko. Hindi naman malala iyong tampulan at away namin. Kaya naming ayusin agad kinabukasan.

Tatango-tango siyang itinaas nang kaunti ang kamay, ini-level niya ang taas sa kaniyang balikat. "I get it, Ru. Hindi naman ako nangingialam. Basta magsabi ka lang kapag kailangan mo ng resbak o kung anoman ang kailangan mo."

Ngumiti akong nagpapahiwatig ng salamat. Bumaba ang kamay niya sa pagtayo at napunta sa kisame ang harap ng phone niya. Gumalaw-galaw din, parang naglalakad ito.

"Puputulin ko na pag-uusap natin nang makapag-prepare ka diyan sa plano mong birthday surprise kay Azi," paalam niyang iniharap ang mukha kaya nakita ko pa bago niya patayin habang kumakaway-kaway siyang nakaipit pa sa mga daliri ang balot ng kettle korn.

Hinayaan kong nakabukas lang ang laptop ko sa ibabaw ng mesa. Nagsimula akong maglabas ng baking tools para sa gagawin kong two-layer cake niya.

***
Nakasandal ang ulo ni Rosette sa dibdib ko habang nakakandong sa akin. Tumatama ang paa niya sa binti ko dahil sa paglalaro ng kaniyang mga paa nang hindi sumasayad sa sahig.

"Mommy, nagme-melt iyong candle," tawag niya sa atensyon kong itinuro ang kanilang natutunaw na nga. "Masisira chocolate cake ni Dad. What are we going to do, mommy?" nag-aalala niyang sabi na niyugyog pa ang dalawang kamay kong nakapatong sa mga hita niya.

"Blow mo muna tapos sindihan natin mamaya kapag dumating na si Dad."

Inilalayan ko sa pagtayo si Rosette na hindi umaalis sa kandungan ko. Hinihipan niya ang kandila sabay palakpak niyang bumalik sa pag-upo.

Tanging ang cake na lang ang natitirang buo, hindi pa nababawasan. Dapat hihintayin pa namin siya sa dinner pero hindi puwedeng hintayin pa namin siya habang nagugutom kami.

Mabuti na lang ay wala akong inimbitahan. I was supossed to invite our family members only, but mama and papa couldn't make it. Nasa Boracay sila ngayon for vacation. Inimbitahan ko rin si Tita Vivian, pero hindi nagpakita. Maybe she had prepared a grand party for Aziel at their mansion, inviting their business partners and important persons.

Nabanggit din kasi ni Manang Ester sa akin na may inihahanda si tita. Gusto ngang papuntahin si Rosette doon kasama si manang at para minsanan ang pag-alis din nila, kaso nag-stay si Rosette sa akin. Sinamahan akong iluto ang lasagna at roasted chicken na pinalamanan ko pa naman ng sweet potatoes sa loob at ngayo'y hindi na maabutan ni Aziel nang buo.

Hinawakan ko ang phone kong nakapatong sa mesa at binasa ang huling message niya: "I'm still at work."

Pinindot ko ang microphone icon sa gilid para mag-send ng voice message nang unahan ako ni Rosette nang mapansin niya ang gagawin ko.

"Dad, come home! May surprise kami ni Mommy." Pilit ibinababa ang kamay ko para ilapit ang bibig sa phone.

Nang bitiwan ko at mag-sent ay muli niyang niyugyog ang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya. "Mommy, ah, one more."

Nailapag ko ang phone sa mesa at agad siyang inalalayan nang humarap ito sa akin habang nakaupo pa rin sa kandungan ko. Isinandal niya ang likod sa mesa, inayos ko naman ang buhok niya at inipon iyon sa harap para hindi sumayad sa mga pagkaing nakahanda.

"Baka nasa work pa si Dad. Mamaya na lang ulit tayo mag-send ng voice message." Iniipit ko ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng kaniyang tainga.

Tumango-tango siyang hinawakan ang butones ng damit ko. "Mommy, punta ako kanila Grandma bukas?" tanong niyang tinatanggal ang pangalawang butones noong matanggal niya ang pinakauna.

Hinuli ko ang kamay niyang inalis iyon sa damit ko. Hinuhubaran na niya ako nang wala sa oras. "Kasama mo si Manang Ester. Papasyal daw kayo sa Disneyland," sagot kong ibinalik niya ulit ang mga kamay sa butones ng blouse ko.

Kinuha ko ang kamay niya at kunwaring kakagatin kaya tumatawa niyang ibinalik sa pagkakabutones ang mga inalis niya.

"Malayo iyon, mommy?" Tumingala siyang niyakap ng palad ang magkabila nitong pisngi.

"Sasakay kayo ng airplane tapos makikita mo si mickey mouse at minnie mouse. Iyong mga paborito disney characters mo, makikita mo rin doon."

Lumiwanag ang mukha niya. Pumapalakpak ang mga tainga niyang napapapalakpak. "Hindi mo ako sasamahan doon, mommy? I want you to come." Hinawakan niya ang collar ng blouse ko.

Sumimangot akong umiling. Hinaplos ko ang buhok niya at inilagay sa kaniyang likod ang dalawang kamay ko. "May gagawin si mommy, baby, e. Sa next trip ninyo, sasama na ako. Sorry, baby."

"Dad won't come too?"

Tumango ako. Kung hindi raw ako makakasama, hindi rin daw siya sasama para hindi makahalata si Rosette. Sabi ko namang paanong makakahalata si Rosette? Wala nga siyang kaalam-alam na hindi kami magkapalagayan ng loob ni tita. Napipilitan na lang akong makipag-plastikan kahit ayaw ko dahil iyon ang gusto niya.

"Sorry, baby. Babawi kami ni Dad sa next trip. Pupunta tayo sa may snow para gagawa tayo ng olaf," sabi kong may paniniguro para hindi siya malungkot.

Inabot niya ang labi ko sabay lipat sa tungki ng ilong ko at lumuhod siya. "It's okay, mommy. Enjoy ako roon tapos I'll tell you a lot of stories na lang sa inyo ni Dad kapag nauwi kami ni lola." Yumakap siya sa akin na hinahaplos-haplos ko ang likod niya.

Humiwalay siya sa yakap, humarap sa mesa at sinundan ko ng tingin ang pagturo niya. "Mommy, can I blow the candle again?"

Napapangiwi ako sa pagtusok ng tuhod niya sa mga hita ko dahil nakaluhod siyang nakakandong pa rin sa akin, at nakapulupot ang isa niyang braso sa bandang leeg ko.

"Hintayin natin si Dad para kantahan mo siya at sabay kayo mag-blow."

"Kailan dating si Dad?"

"Malapit na umuwi si Dad," sagot ko dahilan para humiwalay siya at tumayo. Hinawakan ko nang mabuti ang kamay niya, ngunit pilit niyang inaalis kaya inilipat ko ang mga kamay sa baywang nito.

"Tikim na lang ako, mommy," sabi niyang inaabot ng daliri niya ang cake, na agad ko siyang pinigilan.

Hawak-hawak ko ang kamay niyang pinaupo ulit sa hita ko. "Pauwiin muna natin si Dad, baby, ha? Kailangan nating kainin nang magkakasama tayo para maging happy si Dad."

Sumimangot lang siyang tiningnan ang cake sa tabi ko. Kanina pa niya gustong tikman pero hindi naman magandang bawasan namin agad. Nangako kaming kakantahan pa namin si Aziel ng happy birthday bago kainin ang cake.

It's almost eleven fifty-five. Wala pa rin akong natatanggap na bagong text niya magmula pa kanina. Paano ko kaya ito sasabihin kay Rosette? Hintayin na lang muna namin.

"Gusto mo bang maging sad si Dad kapag kinain natin agad cake niya?"

Umiling-iling siya. "Ayaw, mommy. Gusto happy si Dad."

"Sunduin natin si Dad gaya nang gawa n'yo sa akin pag-uwi ko sa house," suhestyon niya ulit, pero halata na sa boses niya ang kawalan ng sigla dahil unti-unting dumadapo ang antok.

"Dad will be happy if we do the same thing for him."

Sasagutin ko sana siya nang biglang umilaw ang phone ko kaya kinuha ko agad. Ramdam ko ang mga mata ni Rosette sa akin habang nakatingala ito.

"Ano sabi ni Dad, mommy? Uwi na ba siya?"

Itinago ko ang pagsimangot ko nang iguhit ko ang pekeng ngiti. Another twenty minutes. Binura ko na ang apat na ganitong laman ng kaniyang text dahil kanina pa rin tingin nang rin si Rosette sa phone ko. Ayaw kong mabasa niya at sabihang sinungaling si Aziel dahil hanggang ngayon wala pa rin siya.

"Sabi ni Dad, hintay muna raw tayo nang twenty minutes." Ibinalik ko ang phone sa mesa.

"Yehey! Uuwi na si Dad. Matagal ba twenty?"

Tikom ang bibig kong nangunot ang noo sabay iling agad. "Madali lang kasi tayong dalawa naghihintay sa pag-uwi ni Dad." Hinawakan ko ang kamay niya.

Humikab siyang isinandal ang ulo sa dibdib ko. "Sleepy already?"

Tumango itong bumitiw sa kamay ko at humarap siya sa akin para yumakap. "Sleep ka muna. I'll wake you up when Dad is here," pagpapatulog ko.

"Mommy, wake up mo ako para sabay kami ni Dad blow."

Tumango akong pinanood ang pagpikit niya nang tumagilid ito at isandal ang ulo sa braso ko.

"Yes, baby. I'll wake you up. Take a nap now," sagot kong mahinang tinapik-tapik ang braso niya para tuluyang patulugin.

"Thank you, mommy. . ." mahina niyang bulong sabay ngiti.

Lumipas ang twenty minutes at hindi pa ako nawalan nang gana sa paghihintay ng panibagong twenty minutes. Baka hindi pa siya tapos sa ginagawa niya o kung nasaan siya-kung nasa party man siya ng mama niya.

"Nakatulog na sa kahihintay," tinig ni manang na nakangiting nakatungo kay Rosette sa tabi ko. Hindi ko alam na nagising pala siya.

"Oo nga ho, manang. Kanina pang hapon naghihintay, hindi na natuloy. Eh, ang sabi ko gabi umuuwi si Aziel."

Nagsalin siya ng tubig sa baso at pinakarimdaman kong mabuti kung nakatulog na si Rosette sa bisig ko.

"Ano na nga ulit oras alis ninyo ni Tita Vivian bukas?" tanong kong bumuwelo sa pagtayo.

"Mamayang alas-tres y medya nang madaling araw mamaya, hija. Susunduin kami ng family driver nila madame," sagot ni manang at inabot ko ang doorknob para buksan ang pinto, pero agad na lumapit sa akin si manang para tulungan ako sa pagbukas.

"Hindi ka talaga sasama, hija? Kinausap naman na yata ni Sir Aziel si madame."

Mapait akong ngumiti habang nakatalikod kay manang. "Wala ho akong natanggap na kumpirmasyon kay Tita Vivian," sagot ko. "Ayos lang din ho sa akin kung ayaw akong isama ni tita. Basta manang, pakibantayan na lang nang maigi si Rosette."

Sumuko na ako sa pangarap kong magkakaroon pa kami ng mabuting relasyon ni Tita Vivian. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa taong ayaw na talaga sa akin.

"Pakitawagan ho ako agad kapag dumating kayo roon at kapag may nangyaring hindi maganda, manang, ha?" pakiusap ko. Gustuhin ko mang sumama, ayaw ko namang sirain ang araw noong isa dahil gusto niyang masaka ang apo nito nang hindi ako nakikita.

"Oo, hija. Ikaw agad ang tatawagan ko."

Gumalaw si Rosette, mas isiniksik ang mukha sa dibdib ko habang nakapikit pa rin. Umakyat ako nang apat na baitang sa hagdan.

"Hindi n'yo na hihintayin si Sir Aziel?"

"Ihihiga ko lang si Rosette sa kuwarto niya para hindi mangalay at maiunat niya nang maayos ang likod," sagot kong hindi malingon si manang sa likuran. "Naihanda ko na rin ho pala iyong mga gamit na dadalhin niya. Ibaba ko na lang ho sa sofa para makita ninyo agad mamaya," dagdag ko.

Hindi na ako umalis sa kuwarto ni Rosette nang ubusin ko ang twenty minutes. Twelve thirty na ng madaling araw at wala pa ring umuwing Aziel. Naging bato ang sinabi niya. Panibagong araw na at kahit tapos na ang kaniyang birthday, hihintayin ko pa rin ang pag-uwi niya. Tamang-tama ring aalis sila Rosette mamayang alas tres.

Hinaplos ko ang buhok ni Rosette at itinaas ang kumot para takpan ang mga kamay niya. "I'm sorry, baby, kung hindi ka na kita magigising, ha? Sorry kung magsisinungaling ulit ako sa iyo kapag nagising ka," nakangiting sabi ko at inalis ang kamay bago ko pa siya magising sa patuloy na paghaplos ko.

"Your Dad didn't make it, but I'll wait for him. So now, rest and be ready for your trip later. I love you, baby," bulong kong tumayo at lumapit sa pinto, dala-dala ang bag na inihanda ko para kay Rosette.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 94 58
Armed Forces Series 1: Black Eagle Commando Pietro Naeim Xodriga, Captain of the Military Special Force- Black Eagle Commando has constantly crossed...
Still Mine By .

General Fiction

116K 3K 58
The second installment of You Are Mine.
16.2K 961 49
"Lahat ng taong nagmamahal ay lumalaban. Kahit madalas mali na. Minsan panalo, minsan talo. Pero matalo man, at least may ginawa ka. Lumaban ka." Si...
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...