A Silence In The Chaos

Oleh AnastasiaCaly

2.2K 225 81

Ysabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She... Lebih Banyak

Author's Note
Simula
Silence 1: Parcel
Silence 2: Apartment Owner
Silence 3: Cat
Silence 4: His Services
Silence 5: Thank You
Silence 6: Nothing More
Silence 7: We're Not Friends
Silence 8: Reflect
Silence 9: Binibini
Silence 10: Mayor
Silence 11: Alleged
Silence 12: Nowhere
Silence 13: Label
Silence 14: Beautiful On You
Silence 15: Victim
Silence 16: Goodbye Forever
Silence 17: Get over
Silence 18: Aasa
Silence 20: Peace
Silence 21: Patawad
Silence 22: Justice
Silence 23:Your Partner
Wakas

Silence 19: Run To Him

82 8 0
Oleh AnastasiaCaly

Silence Nineteen

"Tulong! Tulungan niyo po ako!" namamaos na ang aking boses kakasigaw. "Gusto ko nang umuwi kila mama!"

Namimiss ko na ang matulog sa kama ko. Gusto ko nang pumasok muli sa eskwela at mag aral.

Hindi ko na nagawang manatiling tahimik dahil mababaliw na ako kung magtatagal pa ako ng ilang araw rito na nakaupo, nakagapos, kulang sa kain at tulog.

Kahit na naririnig ko na ang pagmamadali ng mga tao na bumaba rito sa kanilang basement ay patuloy pa rin ako sa paghingi ng saklolo.

"Palabasin niyo ako rito!"

Mayroong humawak nang mahigpit sa aking palapulsuhan.

"Tumahimik ka! Putanginang bata 'to! Mawawalan pa kami ng trabaho dahil sa'yo," isinubsob niya ako sa sahig at nakadapa.

I shrieked in panic. Ano na ngayon nag gagawin nila sa akin?

"Guillermo, ang kahoy, kuhanin mo!" bulyaw ng lalaking nagpadapa sa akin na para akong isang kriminal na hinuli.

Humagulgol ako.

"Wag po, manong! Wag niyo po akong saktan," hindi ako makailing dahil idiniin ng kanyang kamay ang aking ulo sa sahig habang ang tuhod niya ang nakapatong sa katawan ko upang hindi ako makatayo.

Mama. Papa. Ayoko na rito. Nasaan na po ba kayo?

"Parang awa niyo na po. Wag po!" umagos nang tuloy tuloy ang luha ko habang kumakabog ang puso sa aking dibdib.

Kailanman ay hindi ako nakaranas ng pamamalo mula sa magulang. Dahil hindi naman ako lumalabas sa kanilang mga sinasabi.

"Spencer!" I screamed at the top of my lungs, desperate for an ally.

"Magtanda ka. Sinabing wag kang mag iingay. Pasaway ka," sarap na sarap ang boses ng lalaki habang hawak hawak ang kahoy.

Ihinampas niya sa iyon sa likod ng aking hita.

"Aaah!!!!" naghahabol na ako nang paghinga dahil sa hagulgol at pagsigaw.

"Sa susunod, sinturon na ang makakatapat mo," humampas pa uli siya ng isa pa.

Umimpit ako at sinubukang lumuha nang tahimik. I pressed my lips to suppress the deafening screams I wanted to let out.

Nanginginig na ako sa takot at panghihina. Pumikit ako nang mariin habang iniinda ang bigat at kirot dulot ng kahoy.

"Miguel! Naaksidente ang sasakyan nila sir,lumabas ka rito!"

Nabitawan ni Miguel ang kahoy na hawak niya.

"Ano?! Eh ano pang ginagawa niyo riyan?Puntahan niyo na sila sir!" tarantang utos niya sabay nagmamadaling umakyat ng hagdan.

"Teka ang bata!" pigil sa kanya nung kausap niya.

"Hayaan mo na yan! Mas mahalaga sila sir!"

Nagsimula akong umubo. Dinig ko man ang usapan nila ay hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. I can't focus on anything but the sting.

Umubo ako habang sinusubukang tumayo ngunit bumagsak din kaagad.

"M-mama..." bulong ko nang nanlabo na ang paningin. I blinked, trying to keep myself awake.

Nang imulat ko ang aking mata ay hindi na ang basement ang nakikita ko. May hangin nang humihipan sa aking mukha at buhok. Dinig ko na rin ang ingay mula sa dahon ng puno at ang sunod sunod na busina.

I flinched when I felt something cold on my thigh.

"It's alright. We're just applying ice on your bruises," a voice says. Hinapit niya ang binti ko at inayos kami ng pagkakaupo.

Minulat ko nang tuluyan ang aking mata.

"S-spencer..." mahina kong sambit ng pangalan niya.

"Mali pa rin ang ginawa mo, Noah! Paano kung namatay ang mga magulang niyo? Saan ka pupulutin?"

" I just needed to give them a distraction. Gumana naman hindi ba?" nagvibrate ang dibdib ni Spencer habang nagsasalita siya.

"At kung hindi gumana, Noah..." natigil ang babae. Ramdam ko ang titig niya sa akin. "...Spencer?"

Spencer paused.

"Atleast I saved her."

I jolted awake. Tumingin ako sa labas at nakitang madilim ang kalangitan. Hindi ko alam kung madilim na dahil gabi na o madilim pa dahil madaling araw pa lang. I'm guessing it's the former. Maaga rin akong umuwi mula sa binyag. Hindi na ako pumunta ng reception dahil bukod sa hindi ako komportable ay naubos na rin ang lakas ko sa naging usapan namin ni Noah. Pagkauwi ko ay kaagad akong hinila ng antok.

Dahan dahan akong lumakad papunta sa aming kusina. Nakatiptoe pa ang aking paa dahil nakapatay na ang lahat ng mga ilaw, hudyat na tulog na sila mama.

Binitbit ko ang thermos upang icheck kung may bigat pa ba at laman na mainit na tubig. I felt relieved na meron pa. Dahil tinatamad na akong maghintay kung magpapakulo pa ako ng tubig sa takuri.

Pinihit ko ang doorknob ng aming front door upang maupo sa labas sa may mga bangko. Binalutan ko ang sarili ko ng malong upang hindi ginawin.

Sumimsim ako sa aking kape habang pinagmamasdan ang kalangitan.

"Baby, I'm in love with you."

Noah is in love... with me. How? Was it our quiet moments in his or my apartment? Was it our peaceful strolls around Langkaan? Or was it our banters?

It's hard to call our relationship anything. I can't say that it was love. Was it?

Or maybe I'm just demanding for too much. Do I need to feel the butterflies in my stomach like in romance novels to call it love? Because I did not feel any of that. The only things I felt with him were safety, comfort, and peace.

I wish I have someone I could talk about this with. To be frank, I need a mother right now. Pero hindi ko siya ramdam.

Nariyan lang siya pag kailangan niya ako o kung nakagagawa ako ng mga bagay na hindi pabor sa kanya. She was never there for the little and important moments in my life.

My life has lost all its colors. My family could've filled me. But they became the white colors of my life. They say they try to be a part of me, but it doesn't show. I remain colorless.

For twenty two years, I've been waiting for a turning point in my life. But it just kept going straight and consistent in its path. Gusto pa rin niyang maging malungkot.

Baka ito na ang plano ng buhay sa akin.

"Akala ko naman pinasok na tayo ng masamang loob at bukas ang pinto," humikab si Clarence at nag inat.

Tipid akong ngumiti at dire diretsong uminom ng kape dahil hindi na rin ito ganoon kainit na mapapaso ako. Ilalapag ko na sana ang mug sa tabi ko ngunit paupo na si Clarence sa pwesto na iyon kaya ibinalik ko't ikinandong nalang sa aking hita.

He sighed and closed his eyes.

"Kamusta pag aaral?" tanong ko sa kanya upang hindi siya makatulog. Mahirap pa naman itong palipatin sa kanyang kwarto kapag nakakatulog sa ibang lugar.

Nagkibit balikat siya.

"Ayos lang. Di ko inaayawan pero di ko rin gusto," humalakhak siya sa inaantok na boses.

"Eh ikaw. Kamusta ka?" tanong ko ulit.

He looked at me, confused.

"Kakatanong mo lang niyan sa akin ah," aniya.

"Alam ko. Hindi naman kita tinanong kung kamusta ang eskwela. Ang sabi ko, kamusta ka? Bilang ikaw. Syempre may buhay ka rin sa labas ng school."

Ngumuso siya habang nag iisip ng isasagot.

"Ewan ko ba, ate! Hindi ko rin alam. Ayos naman? Basta kontento lang ako- ano ba yan ang drama naman niya ate? Pwede bang iba na lang itanong mo sa akin?"

Natahimik ako. Tumahimik kaming muli.

"Sige nga. Ikaw te? Kamusta ka? Hulaan ko, malungkot ka nanaman?" tumuro pa siya sa akin.

Hindi niya na kailangan ng sagot diyan.

Umiling siya't hindi makapaniwala.

"Wala ka bang kaligayahan sa buhay? Maging positive ka lang kase. Wag mong isipin na palaging may problema. Naaapektuhan ka eh. Wag mo masyadong dibdibin yung mga nangyayari sa'yo. Move on kase marami pang darating. Ako nga eh. Kapag bumagsak sa quiz, move on agad kase alam kong may kasunod pa. Useless naman kase yung pagiging malungkot. Walang nagagawa yan sa'yo."

Heard that before.

"Ewan ko ba. Basta hindi na ako masaya. Kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin ako sa ganoon," sinusubukan kong ipaliwanag sa kanya kahit na alam kong hindi niya maiintindihan. He's present so better make the most of it. Atleast may napagsasabihan man lang. Nailalabas ko ito.

"Hindi naman sa bawal ka malungkot. Pero wag mong patagalin kase sa totoo lang, hindi naman titigil ang mundo para sa'yo."

Nilingon ko ang aking kapatid. Ngumiti ako nang mapait. Sobrang sakit sa puso.

"Hindi ako humihiling na tumigil ang mundo para sa akin. Pero sana hindi niya rin ako pigilan na magpahinga habang nagpapatuloy siya. Hindi ako obligadong magpatuloy kahit na hindi ko kaya para lang makipagsabayan."

Kumurap kurap ang aking kapatid at tumitig lang sa kawalan. Tumayo na ako mula sa bangko.

"Papasok na ako ah. I-lock mo na lang ang main door kapag babalik ka na sa pagtulog."

Kalabog ng pinto at sunod sunod na pagsasarado ng mga bintana ang narinig ko habang nakapikit. Sa paahan ng aking kama ay nagsasara si mama ng aking bintana.

"Ma? Anong meron?" itinukod ko ang aking kamay sa kamay upang makaupo ako mula sa pagkakahiga.

"May mga reporter sa labas, nanghihingi ng interview at ikaw ang hinahanap," mababa ang boses ni mama na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Interview? Kailan pa ako naging public figure?

Tumayo ako mula sa aking kama at lumabas ng kwarto. Naroon si papa sa tabi ng nakasarado naming main door. Nakapamewang siya, nakatingin sa sahig at nag iisip.

Si Clarence na nagmula sa kusina ay sumali sa amin.

"Naisarado ko na ang pinto sa kusina. Nahihibang na ba sila? Talagang papasukin nila ang bahay natin!" kumamot sa ulo si Clarence. "Ano bang kailangan nila kay ate?"

Mayroong kumatok sa aming pinto.

"Sandali lang po ito. May itatanong lang po kami tungkol kay Mayor Vasquez!"

"Tignan mo, mga bobo! Si mayor Vasquez pala ang sadya, dito pa pumunta sa bahay. Bakit hindi doon sa kanila?" iritadong sabi ni Clarence.

"Totoo po bang kinidnap ni mayor Vasquez si Ysabelle Castillo, rason kung bakit kayo umatras sa pagiging kandidato nine years ago?"

"Ms Ysabelle Castillo, maaaring niyo po bang kumpirmahin ang nagkalat na anonymous post tungkol sa kidnapping case?"

Kinagat ko ang pang ibabang labi. Nagkatinginan kami nila mama at papa dahil sa mga tanong. Hindi ko alam kung paano naisapubliko ang impormasyon na iyan.

"Ma," tawag ko sa kanya. "Hindi nila tayo titigilan hangga't hindi tayo nagbibigay ng statement"

"Anong gusto mong gawin natin? Haharap ka sa kanila at aamin? Ni hindi ka nga nakakaalala. At isa pa, baka kung ano ang gawin sa atin ng pamilyang yon. Tingin mo ba ay kaya nating lumaban sa kanila?"

"Para sa akin, hindi niyo po kayang gawin?" tanong ko. "Habangbuhay na lang tayong mananahimik. Ako ang magbibitbit ng lahat habang sila hayahay?"

I never felt so alive until now. My rage is alive. One attack from me wouldn't hurt, right? I deserve this!

"Ano ang aaminin?" ani Clarence na walang kaide ideya sa pinag uusapan namin ni mama.

"Wala tayong sasabihin," papa marked with finality.

I turned to papa.

"Po?"I begged his pardon.

"Hindi tayo magsasalita laban sa mga Vasquez,Ysabelle," diin ni papa. "Hindi ka lang nila dinakip. Sinabotahe rin nila ang farm, ang kabuhayan natin. Rason kung bakit nagtitiis tayo sa hirap. Ang babuyan na lang at pagtatricycle ko ang meron tayo. Siguradong mawawala rin iyon sa atin sa oras na magsalita tayo."

"Teka anong kinidnap?-"

"PWEDE BANG H'WAG KANG MARAMING TANONG, CLARENCE?!" putol ni mama sa dapat na sasabihin ni Clarence.

I've never seen a family like this! Ano ngayon kung mawawala ang kabuhayan namin? Kaya kong magtrabaho para sa kanila!

"Eh ako, papa? Hindi ba kayo natatakot na mawala ako sa inyo?" my voice was barely audible in disbelief.

My papa looked puzzled.

"Anong sinasabi mo Ysabelle?" si papa.

"Mawawala ako sa inyo dahil sa ginagawa niyo. Nasasaktan ako kase wala kayong ginagawa para maging maayos ako," nanginig ang aking labi at nagsimulang umagos ang luha ko.

Mama peered at me as if I'm talking weird.

"D-dahil lang ligtas akong nakaalik sa inyo... akala niyo maayos din akong bumalik. Pagkatapos kong makatakas sa kanila... akala niyo ayos na...pwede nang magpatuloy sa buhay."

I used my arm to wipe my eyes. My sobs filled the house.

"Hanggang ngayon, kahit na putol putol pa rin ang lahat sa alaala ko, damdam pa rin nito," turo ko sa aking dibdib. "Ang lahat ng takot at lungkot, dulot ng nangyari. Sinira ako ng pangyayaring iyon, pero wala kayong ginagawa kundi sabihan akong mahina."

Tunog nanunumbat man ako sa kanila ay wala na akong pakialam.

"S-sinisisi niyo si... N-noah... dahil tatlong linggo bago niya ako ibinalik. Pwede ko rin ba kayong sisihin? Dahil siyam na taon na...p-pero hindi pa rin kayo nagsalita para sa akin."

Namilog ang mata ni mama.

"A-anong sabi mo, Ysabelle? Pinagtatanggol mo pa si Noah?"

"Hindi po sa-"

"Hindi! Wag mo nang ipagkaila! Kayang kaya mo kaming sumbatan habang siya kaya mong palagpasin."

Dahil sa mga alaala kong unti unting bumabalik, ito ang napagtanto ko.

Walang kasalanan si Noah sa lahat ng ito. Hindi ko alam kung ano ang mga rason niya, pero alam kong wala siyang parte rito.

"Tatalikuran mo kami para sa kanya? Ibubunton mo sa amin ang kasalanan ng ama niya para lang sa kanya?"

"Kasalanan iyon ng ama niya pero hindi niya kasalanan 'yon!" pangangatwiran ko.

"Hinding hindi ko ito kailanmang matatanggap!" sinabayan ni mama ang pagtaas ng aking boses. "Tandaan mo, Ysabelle. Sa oras na piliin mo siya, wala ka nang lugar dito sa pamamahay ko."

"Ma,"pigil ni Clarence. "Mabait naman si kuya Noah ah. Bakit ba ayaw niyo sa kanya? Ang hillig niyong mangialam sa buhay namin. Itatakwil niyo si ate dahil diyan?"

"Oh edi sumama ka na lang sa ate mo!" baling sa kanya ni mama. "Wala na kaming mga anak dito. Magsama kayo kung nasasakal kayo sa pangingialam ko."

Tinalikuran kami ni mama. Si papa naman ay sumunod sa kanya. Kami na lamang ni Clarence ang naiwan.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at kumuha ng bag sabay bukas sa aking aparador.

"Aalis ka, ate?" sumunod si Clarence sa akin.

Hindi ko na pinansin si Clarence at dinampot ang aking cellphone.

"Ysabelle, totoo ba yung mga spekulasyon? A-ano itong mga nababasa ko?" bungad sa akin ni Thelma nang tawagan ko siya. Umiiyak si baby Stuart mula sa kabilang linya.

"Pwede ba akong magstay sa inyo pansamantala?" patuloy akong kumuha ng damit at naglagay sa aking bag.

"Oo naman!" nag aalala ang kanyang boses. "M-may nangyari ba?"

Nag angat ako ng tingin kay Clarence.

"Clarence. Pwede mo ba akong ihatid kila Thelma?"

Tumango siya.

"Oo ate, hihiramin ko muna yung motor nila Gelo," tukoy niya sa aming pinsan.

"Wag na, Clarence!" ani Thelma. "Kami na ni Bryce ang susundo sa iyo. Paniguradong maraming reporters sa inyo. Mas mabuting nakakotse."

Hindi naging maganda ang huling pagkikita namin ni mama bago ako sumakay sa sasakyan nila Thelma.

Gabi ako sinundo nila Thelma dahil mas ligtas daw akong makakalabas kapag ganoon.

"Kumain ka ba, Ysabelle?" tanong ni Thelma.

Umiling ako habang nakatulala pa rin sa bintana ng kotse. Pinanonood ang nagbibilisang mga sasakyan.

"Bryce, drive thru tayo. Diyan sa may Jollibee," utos ni Thelma sa kanyang asawa.

"Tss!" reaksyon ni Bryce.

"W-wag na, Thelma. Diretso na lang tayo." Baka hindi nagustuhan ni Bryce ang utos ni Thelma. Ayos lang naman sa akin dahil hindi naman ako ganoon kagutom.

"Hindi galit sa'yo yan. Ayaw niya lang na gumamit ako ng first name basis, diba mahal?"pang aasar ni Thelma kay Bryce.

"Stop that, love," saway ni Bryce kay Thelma. "Hindi ako galit."

"Kaya nga! Pero ayaw mo lang na di ko tinatawag yung endearment sa'yo," pilit pa rin ni Thelma.

"Gusto mo bang sundan natin si baby Stuart?"

Nagzip motion si Thelma sa kanyang bibig.

"Lips closed na po. Kakapanganak ko pa lang kay Stuart susundan na agad? Ikaw talaga. Hindi naman ikaw ang iire!"

Sumubo si Thelma ng fries habang tumutuloo ang kanyang luha. Kanina pa kami nakarating sa tinutuluyan nila ni Bryce. Si Bryce muna ang nagbantay sa kanilang anak. Hinayaan niya kami ni Thelma na magkwentuhan.

"Hindi ko alam!" hinila niya ako't niyakap. Humagulgol siya.

Mahina akong humalakhak. Ako dapat ang umiiyak sa aming dalawa pero ko pa ang nagcocomfort sa kanya.

"Di ko matatanggap yung ginawa nila sa'yo! Hinding hindi ko iboboto yan si mayor pag tumakbo uli! Kahit yung asawa niyang kapalitan lang ni mayor kada term. At sana wala na siyang pagkakataon na makatakbo."

Humigpit ang yakap niya sa akin. Sinulyapan ako ang nakabukas na laptop sa harap namin. The account has been giving vague hints about the kidnapping case. Parang siya mismo ang naroroon. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang napansin ito. At hindi ko alam kung sino ang sumulat ng mga ito.

"Nagagalit ako sa sarili ko kase wala ako kapag kailangang kailangan mo talaga ako," tunog bata niyang maktol.

Hinagod ko ang kanyang likod.

"Ayos lang, Thelma. Basta naiintindihan mo ako, maayos na ako," even my tears fell. Atleast I have her.

"Sayang naman kayo ni sir Noah,"she managed to include him in our conversation.

Hinampas ko ang kanyang braso at tumawa siya.

Nang kumalas siya sa pagkakayakap ay kumuha pa ako ng tissue sa mesa nila at iniabot ito sa kanya.

"Wag kang mag alala. Hahanapan na lang kita ng bago. Hindi kayo magwowork ni sir Noah," disappointment as evident in her voice.

"Wala nang iba para sa akin, Thelma," I said implyingly.

Noong una ay nakakunot pa ang kanyang noo. Ngunit maya maya ay nagliwanag angkanyang ekspresyon.

"Mahal mo si sir?"

I shrugged, giving her a vague confirmation.

"P-pero paano? Diba ama niya si mayor?"

Tumango ako.

"Alam ko. Pero hindi niya kasalanan ang nangyari sa akin. H-he saved me from it."

And it made me feel bad about all of the things I've said to him.

In the midst of all conflicting events and feelings. Siguro ay nahihibang na ako. My heart wanted me to do one thing.

I want to run to him right now. 

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

396K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
149K 3.1K 40
Serina Liamzon had two versions: the "good-girl" Serina who is desperate to earn her mother's affection, and the "temptress" Zenna whom everyone reve...
25.1K 228 7
Iba't-ibang maiikling kwento na para sa mature readers. GXG, BXB, Jousei, Seinen atbp.