The Devirginizer's Lady (COMP...

By pinkriverx

22.5M 329K 32K

Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si E... More

The Devirginizer's Lady
SIMULA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
TDL Series Books
Keep Updated
SOLD OUT/WARNING
NOTE
NOTE II

Chapter 27

333K 5K 503
By pinkriverx


Chapter Twenty Seven

"Information"


"Narinig mo na ba ang balita? Si Eleven daw nanliligaw kay Athalia Rectazo!"

"Paano niyo nalaman? Ilang linggo na ngang hindi pumapasok si Fafa Eleven. Miss ko na siya!"

"Nakita sila kahapon ng isa sa kaklase ko. Magkasama sila sa labas ng campus at may dalang mga rosas na pula si Eleven para sa kanya! Noong isang araw din magkasama din silang nanood ng sine!"

Nakaupo ako kasama ang aking tatlong kaibigan na sina Rickzyn, Rui at Zara nang narinig na naman namin muli ang mga tsimsosa't tsismoso sa aming paligid.

"Hoy! Mga ewan talaga kayo! Imbes na ubusin niyo ang oras niyo sa katsitsismis, subukan niyo naman makialam sa sarili niyong mga buhay! Suggestion lang naman! Tsupe!" Tumayo si Zara at agad na natahimik ang mga tao at nagbulung-bulungan na lamang. 

"Oh kita niyo ang bait-bait ko pa. Binigyan ko pa sila ng life advice." Umupo muli si Zara at inayos niya ang buhok niya at scarf. "Oh Athalia? Bakit mukha kang namomroblema dyan? Ano ba ang problema ngayon na alam na ng marami na nanliligaw pala si Fafa Eleven sa iyo? Ikaw ah, ang tagal-tagal niyo na palang nagloloving-loving. Mabuti at inamin mo muna sa amin ang magandang balita bago namin nabalitaan sa ibang bibig."

Ilang araw ang lumipas at kahit limitado lamang sa mga kaibigan namin ang sinabihan namin tungkol sa panliligaw ni Eleven ay kumakalat na ang balita sa eskwelahan. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi lang sana matigas ang ulo ni Eleven na lumabas kami para kumpletuhin pa ang aming 10 dates. Kahapon ay nakumpleto na namin ang 8th date kaya dalawang dates na lamang ang natitira.

Dishon, Moses and Zarethan knew about it when my brother Jahleel was drunk one night and they were together. Si Kuya Jahziel ay lalong nakasubsob sa pag-aaral kaya nabalitaan ko sa kanila na hindi raw siya sumasama-sama sa kanila lately. Ang mga kaibigan ko naman, sinabi ko sa kanila ang lahat kinabukasan kaagad noong gabing unang sinabi namin kay Kuya Jahziel ang totoo tungkol sa amin ni Eleven. 

Everybody had no intentions of spreading the news about me and Eleven in every place possible. Pero huli na ang lahat dahil sa ikalawang date pa lamang namin recently ay may nakasalubong na kaming isang grupo ng babae na pinagpipicture-an kaming dalawa sa malayo. Sinubukan na naming magpunta sa malayo, pero kahit saan kami pumupunta ay mala-artista talaga si Eleven. 

At iyan ang dahilan kung bakit ako namomroblema. Dahil kung lalong dumami ang balita tungkol kay Eleven, mas lalo ring mabilis na mahanap siya ng tauhan ng kanyang dad. Hindi ko na sigurado kung saang panig ako kakampi. I'm well aware that it's his obligation as his father's son to come home, but I'm also aware that Eleven can make his own decisions and he also has his reaons for staying here.

Hindi namin pinaalam pa sa aming mga kaibigan ang tungkol sa paghahanap ng ama ni Eleven sa kanya. It's not that we decided not to tell them. Hindi lang namin napag-usapan pa ang tungkol doon dahil ayaw muna pag-usapan ni Eleven.

Sa aking isang klase kung saan kaklase ko si Mishael ay ilang araw na siyang hindi pumapasok. Gusto ko siyang bisitahin, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kapag nagkita kami muli. Lalong lalo na dahil sa sinabi sa akin ng pinsan niyang si Kalyx.

Mishael has Lupus...

Sa tuwing naaalala ko ang nakita ko noong araw na bumisita ako sa kanya sa ospital ay hindi ko maiwasang kumirot ang aking dibdib. Nasasaktan ako para sa kanya at para sa kanyang pamilya.

All this time... I coudln't imagine how he must have felt while he was all alone.

"So tungkol sa ano itong party nina Fafa Dishon mamaya sa kanilang hotel? Natanggap niyo din ba ang text niya kaninang umaga?" Tanong ni Rui.

"Natanggap ko nga din. Pero walang sinabi kung tungkol sa ano ang party." Tango ni Rickzyn habang may binabasa sa kanyang cellphone.

"Sabi raw magsuot pa tayo ng formal. Anong kaartehan ito? Naman oh wala akong naprepare na outfit of the night! May gown ba kayo para sa'kin besh?" 

From: Dishon 

Hey, babe ;) this is Dishon Teves. You are cordially invited to tonight's special and exclusive dinner party held at the grand Le Teves Hotel! Formal attire. Any color. 8 PM. FH 312. If you come late, there won't be kisses from me.

Yun ang laman ng text niya sa amin isa-isa. 

"Ang landi niyang magtext! Kinilig ako!" Ani Zara at binatukan siya kaagad ni Rui.

Totoo. Ni ako ay wala akong alam tungkol sa party na magaganap. I texted my brothers. Invited rin raw sila pati narin sina Moses at Zarethan. Nagtext ako kay Eleven, ngunit ang sabi niya ay hindi raw siya pwedeng lumabas dahil nga sa nangyaring pagkalat ng balita tungkol sa mga lokasyon niya. Suhestyon din naman niya iyon na manatili muna siyang hindi lumalabas hanggang sa tumahimik na ang mga tsismis tungkol sa amin. 

Nang natapos na ang mga klase ko ay tinawagan ko si Eleven habang papauwi na ako. 

"May party mamaya si Dishon at inimbita niya ang buong barkada. Hindi ka talaga sasama?"

"It would be dangerous, wouldn't it?" Malambing niyang sagot.

"Paano kaya kung hindi lang din ako sasama? Ang sama namang tingnan kung nagpaparty kami pero ikaw naiwan lang mag-isa. Nakakailang."

"You worry too much."He chuckled. "And you know this is for the better."

We talked for a while hanggang sa nakauwi na ako at kailangan na akong mag prepara. I wore a short off-shoulder lace party dress in sage green. Wore with it black pumps and silver jewelry. Nakulangan na ako ng oras kaya tinali ko na lang ang aking buhok sa isang malinis na high pony tail. Hindi nagtagal ay dumating sina Zara dahil napagplanuhan namin na sa bahay lamang kaming apat magkasabay na magmemakeup. Zara was the expert, of course.

"Ang mga kuya mo? Bakit ikaw lang nandito? Hindi ba't imbitado din sila?"

"Sinabi ko na kasi sa kanila na sasakay lang ako sa kotse ni Zara. Dederetso na rin siguro si Kuya Jahziel sa party dahil OJT pa siya tapos ang isa kong kuya naman ay kakarating lang niya kaninang hapon mula sa Aurora."

"Si Fafa Eleven? Your one and only prince charming? Hindi ba't sana ay siya ang kasama mo papunta doon at hindi kami? Naku ikaw Athalia ah marami ka nang sikreto sa amin. Sabihin mo sa amin ang totoo. Nabuntis mo ba si Eleven kaya hindi na namin siya nakikita ng ilang linggo?-- Aray!!"

"Gaga!" Batok ni Rui sa aming kaibigan. 

"Nagbibigay lang naman ako ng hypothesis. hanuba naman!"

"Alam mo sa kakaaway ninyong dalawa, malelate na tayo." ani Rickzyn.

"Oo nga! Ayokong mawalan ng kiss mula kay Fafa Dishon!"

After we got in Zara's car, nagsimulang magtugtog ng mga musika sina Zara at Rui sa front. Nakikijamming din kami kaagad ni Rickzyn sa backseat. Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa malaking hotel ni Dishon. 

"Moment of truth na ito. Ano ba talaga ang okasyon at dinala tayo sa party na ito?" Pareho kaming napatanong habang paakyat sa hotel. Syempre may mga guide pa kami. Pagdating namin sa tapat ng pintuan ng function hall ay naririnig na namin ang musika mula sa loob. I heard one of my brother's voices. Lalo na ang boses nina Dishon at Moses.

Excited na excited na unang pumasok si Zara at kaming tatlo ay sumunod.

"Fafa Dishon!" Bungad ni Zara kay Dishon. Agad namang napailing iling si Dishon at nagbuntong hininga.

He was wearing a slender all black tux paired with slacks as dark as his leather shoes. But everytime he smiles he would brightened up the whole room.  

"Hey girls. I'm glad you all showed up!" Ani Dishon sa aming apat at kinilig si Zara nang narinig niyang tinawag din siyang girl.  

"Sup ladies?" Nag wink lamang si Moses nang nilapitan niya kami at nakasunod sa kanya si Zarethan.  They all looked so dashing ang charming. 

"Yo baby sis!" Sa isang iglap biglang mayroong umakbay sa akin na matangkad na lalakeng mahaba ang buhok. Nakaamoy na ako ng alak mula sa bibig niya. Hindi pa nga nagsimula ang party, lasing na siya? 

I found it weird. Jahleel never drinks before a party starts. Ginagawa niya lamang iyon kapag mayroon siyang problema.

"OMG si Fafa Jahleel!" Pumalakpak si Zara sa saya. "Rui, 'pag mahihimatay ako ngayon siguraduhin mong isa sa mga fafa natin ang gagawa ng CPR ah?"

"Hey, Jahziel's girl? Right? Your boyfriend is coming a little late, there's no need to worry though." Ngumiti si Kuya Jahleel. He wasn't so drunk yet. Alam kong nangungulit lamang siya kapag ganyan siya magsalita. Kapag totoong lasing na lasing na siya, hindi siya masayahing tao gaya ng pinapakita niya ngayon. 

"H-Hindi ko siya boyfriend." Namumula ng husto si Rickzyn. Kaya pinapyestahan siya ni Zara at Rui ng panunukso.

"Tayo pa lang ba?" Tanong ko kay kuya Jahleel. Kumunot ang noo ko nang napansin kong kami lang talaga ang mga taong narito maliban sa mga staff ng hotel na nagseserve sa buffet table. Napaaga siguro kami?

"The rest are just late maybe." Kibit-balikat ni Dishon habang nakangisi. "Kumain na ba kayo ng dinner? Go ahead, you can dig in already."

"Eh ano ba ang okasyon? Bakit kailangang mayroon pang pa-party-party?" Tanong ni Rickzyn na nakatayo sa tabi ko.

Biglang bumukas ang pinto at pareho kaming lahat na napatingin kay Kuya Jahziel na kapapasok pa lamang. Nagtama ang aming mga mata at ngitian ko siya ngunit hindi ko naintindihan kung bakit nag-iwas siya ng tingin sa akin. 

"Yo Jahz!" Binati siya kaagad ng kanyang barkada. We were all gathering up until all of a sudden the lights went out.

"Oh my god!" Napasinghap ako. Sa isang iglap ay sobrang dilim na ng paligid at pati ang music sa loob ng hall ay tumigil.

Narinig ko ang mga boses ng mga kasama ko pero unti-unti silang lumalayo. 

"Guys?" tanong ko ngunit wala nang tao na sumagot. Ni walang tao akong nahahawakan. 

Agad kong hinanap ang aking cellphone upang magkaroon ako ng liwanag, ngunit ang nakakatakot ay nang binuksan ko ang ilaw ng cellphone ko ay wala na ngang tao sa loob ng malawak na kwarto. 

"Hoy hindi ito magandang biro." Sabi ko. At ilang segundo akong nag-iisip ng kung anong gagawin nang biglang tumunog ang music. Tumugtog ito ng instrumental na piano at kasabay sa pagtunog nito ay ang pagbukas ng mga dim at colored na ilaw. Kulay violet, pink, blue, yellow. Napakunot ang aking noo at umatras ako mula sa aking kinatatayuan hanggang sa naramdaman ko ang isang matigas na dibdib sa aking likuran. 

Unti-unting lumabas ang mga kaibigan ko at sina Dishon mula sa mga pinagtataguan nilang lamesa at lahat sila ay nakangiting aso na habang nakatingin sa aming dalawa na nakatayo sa gitna. 

"Alam na namiiiiiin kung para saan ang party na itooooo! Yiieeeee!" Sabi ni Zara sabay tili. 

Nang tumalikod ako ay bumungad sa akin ang isng lalakeng nakasuot ng dark gray and silver tux. Hawak-hawak niya ang isang rosas at napatakip ako ng aking bibig nang makita ko si Eleven na nakangiti sa akin. He got his hair all gelled neatly behind his ears. Napangiti ako nang nagtama na ang aming mga mata. Gosh! Why is he... 

"What the hell, Eleven? Akala ko ayaw mong pumunta?" Natawa ako habang nagtatanong. 

Nilahad lamang niya ang rosas sa akin. And it all just happened so fast and yet so slow. Tinanggap ko ang bulaklak at hinawakan niya ang aking kabilang kamay. Then we just started dancing with my hands resting on his shoulders and his hands hugging me by my waist.

"Hindi ibig sabihin doon hindi na ako pwedeng humabol."

Napailing-iling ako at naramdaman ko ang init ng aking mga pisngi. I can't let him see how dorky I am or that I turned myself into a tomato. Kaya sumandal ako sa kanyang dibdib. 

"Wooh! That's how you do it!" Pumalakpak sina Dishon at Moses habang nasulyapan kong napapangiti si Zarethan ng kaonti habang nakapamulsa. 

"Sasagot na yan! Sasagot na yan!" Makulit na sigaw ng tatlo kong kaibigan. 

I saw my eldest brother sitting on a chair clapping for us. Si Kuya Jahziel ay nakatayo lamang sa tabi ni Rickzyn. I thought I saw him smiling but when I looked again I wasn't sure anymore. Seryosong nakatingin siya sa aming dalawa ni Eleven. Pero dahil nag-iiba-iba kami ni Eleven ng direksyon habang nagsasayaw ay mas nagfofocus ako sa mga paa namin kaysa magtingin-tingin sa paligid. It was a slow dance, but I still could step on his foot if I'm not too careful.

Nang tumingin ako muli ay wala na si Kuya Jahziel. Naisipan kong siguro'y namalikmata lamang ako at umalis muna siya sandali upang mag-CR.

"Anong pakulo ito Eleven?" 

"I just wanted to dance with you on our 9th date. Yun lang naman." He smirked. 

Napailing-iling lamang ako habang nakangiti.

"At ikaw ang may ideya na gawin itong party na ito?"

Ngumiti lamang siya. Kumunot ang noo ko. 

"There's nothing wrong if we let our friends slowly get used to us being lovers, isn't there?"

Sa isang sandali ay naramdaman kong lumipat ang lahat ng dugo ko sa aking mga pisngi. Lovers?

And we just danced and felt each other's warmth as we held each other so close.

Nagsimula na ring sumayaw sina Zara at Rui, out of nowhere bigla na ring nagkaroon ng mga partners sina Dishon, Moses, Jahleel at Zarethan. It turns out isa sa mga kaibigan ni Dishon na babae ay naisipang mag trash ng party kasama din ang kanyang mga kaibigan. It was supposed to be an exclusive party, but if anyone has a party that's so easy to trash, yun ay mga party ni Dishon dahil kilala siyang life of the party at kahit hindi ka invited wala naman siyang pakialam. 

"Gusto mong lumabas?" Bulong ni Eleven. 

I didn't need to answer because we both knew we wanted to do the same thing. Lumabas kami ng function hall at huminto kami sa balcony ng hotel. Doon namin nakita ang maliwanag na skyline ng Manila.

"So how's school?" Tanong niya matapos niyang hubarin ang kanyang jacket para isuot sa akin. 

"Ayan na naman ang tanong mong iyan. Namimiss mo na ang eskwelahan ano?" Tanong ko pabalik. Magkaharap kami habang parehong nakasandal ang aming gilid sa low wall ng balcony. Eleven slowly pulled me towards him until he was hugging me by the waist again. Tiningnan niya ako sa mga mata.

"I sort of miss it. Mas gusto ko kasi doon sana sa eskwelahan para mas makikita kita ng madalas." aniya. "You look gorgeous tonight, lady."

"You don't look so bad yourself." 

He bit his lip as he smiled. 

"Ang weird ano? Naninibago pa rin ako na alam na ng mga kaibigan natin ang tungkol sa ating dalawa." Sabi ko, bumaling ako sa skyline at pinagmasdan ko ang mga lights na nagpapaliwanag ng syudad. "Hindi ko naintindihan kung bakit takot na takot ako noon na malaman ng iba ang tungkol sa atin dalawa. Everything turned out well, didn't it? Swerte tayo sa mga naging kaibigan natin."

Then everything became silent again. Deep inside we knew everything was far from turning out so well yet. 

"May balita ka na ba tungkol sa mom mo?" Tanong ko, mahina ang boses.

Matagal siyang nakasagot at hindi siya makatingin sa aking mga mata. "Wala pa."

"Hinahanap ka pa rin ng mga taong iyon?"

Naramdaman kong humina ang yakap niya sa akin sandali ngunit hinigpitan lamang pala niya lalo.

"Let's not talk about this right now, Athalia." umiling siya.

"Eleven.." nilalaro ng isang kamay ko ang stem ng rosas na binigay niya sa akin. "You know I'm just worried about you." Tiningnan ko siya sa mga mata. "Binabaliwala mo na ang pag-aaral mo and you don't have a job anymore--"

"I want to stay, Athalia." Pinutol niya ako. "I'm choosing this path because I don't want to go back to that place. I already told you about this, didn't I?"

Kinagat ko ang aking labi. "Yes. Pero Eleven, ang dad mo--"

"He'll be fine without me." Aniya. "Athalia, let's talk about this some other time, alright? I just want to be with you tonight. No problems or worries to think about. Just us."

Nagtama ang aming mga mata. Damn his eyes were so perfect. At nakita ko sa mga mata niya na ayaw niyang pag-usapan talaga ang bagay na iyon.

We were only inches apart from each other, but sometimes no matter how close we get to each other, at time likes these I always feel as if we're worlds apart.

"Eleven... give me one good reason for you to want to hide in this country and stay?"

Kahit alam kong marami siyang dahilan, gusto ko pa ring marinig mula sa kanyang sariling bibig kung ano ang magiging sagot niya. Napaawang ang kanyang bibig. Naghihintay ako sa sagot niya pero tiningnan niya lamang ako sa mga mata. He looked at me long and hard as if he was trying to reach my soul.

"You."

Tinikom ko ang bibig ko nang dahil sa kanyang sagot. Napalunok ako at wala akong ibang nagawa kundi tignan siya pabalik.

"Don't you want me to stay for you?"

Napaawang ang aking bibig. Puno ng sakit at pagod ang kanyang boses habang nakatingin sa akin ng seryoso.

All of a sudden it felt so ironic. I started to remember all those moments when I wished he would just leave this country and go back to New York and finally leave me alone, but now the tables have turned and all I could wish for is that he could stay with me for much longer. I can't believe Eleven has changed my heart so much. Have I changed his as well?

"Wala akong ibang gugustuhin kundi manatili ka sa tabi ko." Sabi ko. "But if being close with each other like this means taking away your freedom, if it means you'll go through so much just because you have to keep hiding, then... I'd rather choose to love you from a distance. You'll come back for me if that were the case, wouldn't you?"

Pumikit siya ng mariin at niyakap niya na lamang ako ng mahigpit.

Ilang minuto kaming nanatiling tahimik na nakaganun hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone at kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa. 

"Let me answer this for a minute." Kumalas siya mula sa akin at naglakad siya palayo upang sagutin ang tawag.

"Hello? Tito?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. His tito is calling?

"What?" gulat na gulat na tanong ni Eleven sa kabilang linya. Pero pabulong ang kanyang boses at mas lalo siyang naglakad palayo hanggang sa hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila. Ilang minutong nagtagal ang kanilang conversation hanggang sa bumalik na siya at nilagay na niya muli ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.

"May nangyari ba sa tito mo?" Tanong ko.

Umiling siya. "We were just talking about something important." Tumabi siya sa akin at nakasunod lamang ang tingin ko sa kanya.

"Oh, okay." Tumango ako at ngumiti. I just hope nothing bad happened. "In that case, sa tingin mo hindi kaya tayo hinahanap nila doon sa loob?"

"Wanna go back there?"

"Dito lang muna tayo sandali." 

"If you really wanna stay here instead, we should have a little party on our own, don't you think?" Sa isang iglap ay nagtransition muli ang kanyang mukha sa isang nakakalokong ngiti.

"Baliw!" Hinapak ko siya at natawa lamang siya.

And we just stayed like that for a few more moments. Nakatingin lamang kami sa view ng balcony. 

"How many people do you think are down there?" Napapaos niyang tanong. "All I want is to find my mom. She's out there, I just know it." Aniya. 

I wanted to say something to make him feel better, but I decided to stay silent. Sometimes you don't need to tell anyone anything to make them feel better if they don't ask for it. Sometimes all they need is to have you by their side. 

Unti-unting hinawakan ni Eleven ang isa kong kamay. 

"And when I finally get to meet her, I'll tell her everything about you."

Napangiti ako. When our eyes locked once again, his fell to my lips and he smirked. Kumalabog ang aking puso habang unti-unting lumapat ang kanyang mga labi sa akin. 

Eleven's lips were so soft and he was so gentle. His tongue teased me in its every touch and each breath we took, our hearts were beating as one. Hinawakan ko siya sa kanyang magkabilang pisngi at lalong dumiin ang aming halik. It felt like magic and I felt so free.

Nang bumitaw ang aming mga labi sa isa't isa ay pareho kaming napahingal hingal. 

"And I'll tell her about tonight." Dugtong niya. "About how I finally asked you to be my girl."

At sa isang sandali ay natigilan ako. Anong sabi niya?

"Eleven--"

"Will you be my girl, Athalia?"

Napaawang ang aking bibig. Oh my god.

Pero masyadong mabilis ang nangyari.

"Jahzi--"

Pero nang magsasalita pa sana si Eleven ay napasinghap ako nang tumama ang kamao ng kuya ko sa kanyang pisngi.

Holy shit!

"K-Kuya!!" Napasigaw ako. He just punched Eleven in the face! He punched his best friend in the face!

"Jahziel!" Tumatakbong lumapit si Kuya Jahleel sa amin. Nakasunod na din 'yong iba naming mga kaibigan at gulong-gulo sila sa mga nangyayari.

Tumayo si Eleven mula sa pagkakabagsak sa sahig at pinahiran niya ang konting dugo sa gilid ng kanyang labi na natamo niya sa suntok ni kuya.

"Athalia, what happened?" Tanong ni Rickzyn sa akin at hindi ko nagawang sumagot.

"Get up, Eleven." Ani Kuya Jahziel. Nanginig ako. I've never seen him like this before! Anong nangyayari?

Pero umigting lamang ang panga ni Eleven. Unti-unti siyang bumangon at lahat kami ay nagulat nang bigla niyang sinuntok si Kuya Jahziel sa mukha. Eleven was on top of my brother and he punch him twice more.

"Eleven!!"

"I love Athalia! I'm freakin in love with your sister, Jahz!" Sigaw ni Eleven at nanlaki ang mga mata ko. 

"You didn't--" Ani Eleven.

"I'm sorry Eleven." matigas na sinabi ni Kuya Jahziel sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Eleven at nanghina ang kanyang mga kamay. Bumagsak ang mga ito at umiwas ng tingin ang aking kapatid sa kanya.

Hindi ko... Hindi ko naiintindihan. Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?

Sa isang iglap ay biglang mayroong dumating na mga lalakeng pamilyar na nagmamadaling sumugod sa nangyayari. Oh my god.

"Eleven!!! Huwag!!" Agad akong lumapit kay Eleven ngunit masyadong mabilis ang nangyari at mabilis akong pinigilan ni Kuya Jahziel. Tumayo siya at niyakap ako.

"Kuya!!" Humihikbi na ako upang tigilan si Kuya Jahziel pero masyado siyang malakas.

"Jahz, anong ginagawa mo?!" Nag-aalalang tanong ni Rickzyn. "Bitawan mo si Athalia!"

Nakita ko kung paano nanghina si Eleven habang nakatingin sa likuran ni Kuya Jahziel. He still had some strength to reach his hand to me, pero nahuli na nila siya. Nahanap na ng mga tauhan ng mga Adanza si Eleven!

"You know you can't keep lying to yourself, El! Tigilan mo na ang kaduwagan mo!" Sigaw ni Kuya Jahziel. 

"Jahziel that's enough!" Sigaw ni Kuya Jahleel in frustration.

"What the hell is happening here?!" dugtong niya. Ganoon din ang reaksyon nina Dishon. Lahat ay naguguluhan. At lalo silang naguluhan nang makitang dinadakip ng mga lalakeng nakasuot ng itim na suits si Eleven.

"Who the hell--?!" Nanlalaki ang mga mata ni Kuya Jahleel at hinawakan niya ang isa sa mga lalakeng iyon upang tigilan sila ngunit dalawang lalake ang tumulak sa kanya palayo. Napamura ang kapatid ko nang muntik siyang madapa. 

"Oh my god!" Napaatras sina Zara.

"Sino ba kayo--"

"Back off! Let me go!! Fuck! Bitawan niyo 'ko!!" Sigaw ni Eleven pero hinahawakan na siya nila ng mahgpit.

"It's time for you to go home, young man." biglang napatingin ang lahat sa biglang nagsalita.

Si Miss Mirna Velasco.

"I'm very sorry for this short intrusion, but we have to take this young man away." ani Miss Mirna at napalunok ako nang ngumiti siya sa akin.

"Anong ibig niyong sabihin? This is my hotel and that is my friend your men are trying to abduct! Gusto niyo bang tumawag ako ng pulis?" Seryosong tanong ni Dishon.

"Your father owns this hotel, not you. And the Le Teves have cooperated very well in order for us to get this business over with." Aniya.

"Uuwi na ang kaibigan niyo sa States. Eleven is going home. Excuse us." Kalmadong sinabi ni Miss Velasco at bumaling siya sa mga lalakeng nakablack-suit na nakahawak kay Eleven ng mahigpit. "Take him away, boys."

At sa isang galaw ay halos binuhat na nila si Eleven paalis. Ilang beses nagmura si Eleven at kahit sobrang malakas siya, he's no match for his body guards. "Fuck!"

Si Dishon, Jahleel, Moses, Zarethan at pati na rin si Zara at Rui ay binigay ang kanilang lahat upang maibalik si Eleven ngunit masyadong marami at malalakas ang kanilang kalaban. They chased after the men, at tanging naiwan ay ako lamang, si Kuya Jahziel, si Rickzyn at ang sekretarya ng ama ni Eleven.

Ang mga bisita ni Dishon ay nagtakbuhan na at umalis.

"Kuya!! Ano ba?!! Anong nangyari? Anong ginawa mo?!" Nanggigilid ang mga luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Tinutulungan ako ni Rickzyn na huminahon kahit na pati siya ay hindi rin alam kung ano ang nararamdaman. Hawak ni Kuya Jahziel ang dalawa kong kamay habang sinusuntok-suntok ko na siya sa kanyang dibdib. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!"

"Mr. Rectazo.." biglang nagsalita si Miss Velasco at nakangiti siya sa aking kapatid. Napahinto ako.

Napalunok na lamang ako. Tumingin ako kay Kuya Jahziel at hindi niya kayang tumingin sa akin.

"Thanks for the information." tumango siya at sumunod na rin siya sa mga body guards na nakahawak kay Eleven.

And I couldn't believe what I just heard.


Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
238K 5.8K 22
Nang makabalik si Victoria bilang si Clarisse ay wala siyang naging problema sa pagsasama nila ni Aaron. Tanggap siya ng ina nito, namumuhay sa karan...
96.3K 5.5K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.1M 77.8K 59
Story of Ran Martinez Romualdez (daugther of Jett and Clem of Blame Me Once) Para sa babaeng lagpas hanggang Mt. Everest ang kasungitan at madalang...