DARK SECTION

By MsDzayr

1.4M 54.4K 20.6K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
69: Trespassed
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

20: Breathe Out

18.9K 871 429
By MsDzayr

| BREATHE OUT |

LUNA'S P. O. V

KAHAHATID ko lang kay Ced kina Ate Jo. Ngayon lang nangulit si Ced sa akin nang grabe dahil panay ang tanong nito kung sino ang naghatid sa akin kagabi. Pumayag ako sa gusto ni Xenor na ihatid ako dahil nagalit nalang siya bigla kagabi at nasabihan pa ako ng 'shut up' na linyahan ni Kamatayan.

Hindi man lang siya nagpasalamat sa ibinigay ko. Nakakainis naman!

Nagpicture rin kaming dalawa kahit ang mukha niya ay nakapoker face lang habang ako naka peace hehe.

NAGLALAKAD lang ako papunta sa school habang nakasalpak sa tenga ko ang earphone ko. Liliko na sana ako papunta sa Dahlia street nang biglang may tumapat sa akin na kotse at bumaba ang bintana sa backseat.

It's Knoxx.

"Sabay na tayo," sabi niya. Nilakasan ko ang volume ng music sa phone ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod siya hanggang makarating kami sa school.

Pagpasok ko ng room, sumalubong agad sa akin si Tev na nakasaklay pa rin. "Totoo ba na magkasama kayo kagabi ni Xenor?"

"Huh? Saan mo naman nakuha 'yang balita na 'yan?" Kunot-nuong tanong ko saka naupo sa upuan ko sa likod. Sumunod naman siya sa akin at naupo sa katabing upuan ko. "May nagpost ng picture niyo ni Xenor. Nasa kotse kayo. Hawak mo 'yung palapulsuhan niyang may bracelet."

Shit! Bakit niya pinost?!

Pero imposible naman na i-post niya 'yon, e pilit pa nga 'yung picture na 'yon. Ayaw niya kasi. Tsaka kahapon niya nga lang nalaman na may Facebook, eh kaya malamang imposibleng siya 'yung nagpost ng pic namin sa Facebook.

"She is really a flirt. She is trying to hit on Chaos, Deth, Knoxx, and Xenor." Si Eunice.

"Half of the girls in the campus have a huge crush on Xenor. I won't be shocked at all if makita ko ang mga 'yon na kinakaladkad ang babaeng 'yan." Si Stella.

Sarap talagang busangalan ng bibig nitong sina Stella at Eunice, e!

"Bakit ba kasi magkasama kayong dalawa ni Xenor, ate?" Usisa ni Tev kaya nag-iwas ako ng tingin.

"May nangyari lang," tanging sagot ko lang. Hindi ko naman p'wedeng ikuwento na nakipag-away kami ni Xenor at may nasaksak pa siya.

"Anong meaning nang bracelet niya na hawak mo? Sa pagkakakilala ko sa kaniya, ayaw no'n ng accessories kaya nga kung mapapansin mo wala siyang kahit anong accessories o kahit relo man lang."

Napanguso ako. Eh 'di baka hindi niya rin 'yon isuot. "Regalo ko. Birthday kasi niya, e."

Napanguso din siya nang mahaba kaya tinapik ko siya. "Oh, bakit parang pinagbasakan ka ng langit at lupa riyan?"

Marahas siyang bumuntong-hininga. "Ang tagal pa kasi ng birthday ko kaya hindi pa ako makakatanggap ng regalo mula sa'yo."

Napailing nalang ako sa sinabi niya saka ko inilabas ang notebook ko at nagsimulang mag-aral. Wala na kasi sa aming nagtuturo at hindi na ako nag-eexpect. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang biglang may maupo sa upuan na nasa gilid ko.

It's Knoxx.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa notebook ko at nagbasa muli pero naiilang talaga ako dahil pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin at tama naman ako dahil nang lingunin ko siya ay nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo? May kailangan ka?" naiirita kong tanong.

"Ang ganda mo," sabi niya na ikinainit ng mukha ko at palagay ko ay namumula na rin ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

Naiinis ako sa kaniya dahil sa sinasabi niya tungkol sa parents ko pero ang gwapo niya kasi! Wala namang masamang kiligin, 'di ba?

"Ate!" sigaw ni Tev kaya naagaw niya ang atensyon ng lahat. Mukhang galing sa cr dahil nasa likod niya si Leo.

"Tama naman ako, hindi ba? Maganda si Luna," sabi ni Knoxx. Nanlaki ang mga mata ko. Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat lalo na ni Eunice na napalingon sa amin. "You need to be hospitalized, Knoxx."

"Eunice's right, Knoxx. Samahan ka namin gusto mo?" Pagsang-ayon naman ni Stella.

"Siyempre ate ko siya. Pogi ako kaya maganda siya!" sigaw naman ni Tev na ikinahilot ko sa sintido ko.

"Maganda talaga si Luna!" sigaw naman ni Chaos na ikinagulat nina Eunice at Stella.

"Magandang maganda," natatawang sabi ni Rance na halatang nang-aasar lang. Teka! Bakit nasa room namin ang baliw na 'to?

"Maganda..." Napailing-iling si Leo.

"Medyo lang," sabad naman ni Xenor na kapapasok lang. Inihagis niya ang bag niya papunta sa upuan na nasa tapat ko.

Natigil ang lahat sa pagre-react nang biglang pumasok si Kamatayan na sobrang dilim at wala ng ididilim pa ang mukha niya.

"Sinong maganda?" tanong naman ni Kamatayan na ikinangiwi ko. Walang taste amp!

Panira ang aura niya! Nag-eenjoy pa naman ako sa papuri ng mga hinayupak na gunggong.

ALEXUS' P. O. V

NASA loob kami ng Black Panthers Camp. Nasa lapag nakaupo ang may sapi na si Kaiser. Nakakainis dahil hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga siya sa kalagayan ni Luna o hindi, e.

"Nakapasok na siya sa loob. Anong palagay mo ang dapat nating gawin?" kalmado niyang tanong habang pinupunasan ang kutsilyo na hawak niya.

"Trust your Dad and the twelfth knight," mahinahong sabi ko.

Itinapon niya ang kutsilyo niya na tumama sa mannequin na nasa likod ko lang. It's a headshot. "But I'm still worried."

"I'm just curious... how can we make sure that Luna will be safe in that section? Do you have something on your mind?" Kunot-noong tanong ko saka sumimsim ng kape. Isang maliit na gang na naman ang pinatumba niya at may balak pang sundan mamaya. Parang walang kaplano-plano sa kapatid niyang nasa panganib.

Ngumuso siya at tumayo saka nag-unat ng mga braso. "Sa akin na 'yon, Alexus. Mamaya gawin mo pa, e 'di inagawan mo pa ako ng spotlight para maprotektahan ang kapatid ko."

Napahilot ako sa sintido ko nang pilitin kong alalahanin kung bakit ko nga ba ito naging kaibigan? Ginayuma lang yata ako ng may sapi na ito, ha!

"Paano kung-" Naputol ang sasabihin ko nang matalim ang mga mata niyang binalingan ng tingin. "Subukan nilang galawin kahit hibla ng buhok ni Luna at Ced, tatanggalan ko sila ng ulo."

"Galit 'yan, Kuya?" Natatawang sabi naman ni Cif kaya tumayo si Kaiser at nakipag fistbump kay Cif. "Hindi, Cif. Gusto kasi akong agawan ng spotlight ni Alexus e, kaya nainis ako. Alam mo naman na kung galit ako, malamang nakabulagta na 'yan si Alexus at kailangan na nating maghagis ng black roses sa kabaong niya."

"Black roses?" Takang tanong ni Cif.

Napailing na lang ako sa sinabi ni Kaiser. "Huwag mong pagpapansin-pansinin 'yang kapatid mo na 'yan. Alam mo naman na utak niyan paurong, e."

"Oo nga, Kuya Kaiser. You're twenty already but you're still childish." Pagsang-ayon naman sa akin ni Cif.

Naiinis na nagpapadyak siya at nagmartsa papaalis. "Heh! Pinagtutulungan niyo ako!"

"Saan ka na naman pupunta?" tanong ko nang biglang lingunin ako ni Cif. "Sisilipin niyan si Ced bago maglaro, Kuya."

Naupo ako sa swivel chair at tiningnan ang pintuan na pinaglabasan ni Kaiser. "Kailan kaya magpapakilala 'yang may sapi na 'yan?"

"Hindi siya magpapakilala pero nararamdaman kong magkikita na sila ni Luna at malapit na 'yon," saad ni Cif saka umalis. Ito talagang batang 'to, nahahawa na sa pagiging moody ng kapatid niya. Hindi na ako magtataka kung magkakaroon na rin 'to ng sapi.

"Sana mahanap niya na ang dalawa niyang kapatid."

Marahas akong napabuntong-hininga sa mga problema namin.

LUNA'S P. O. V

NAKAKAINIS dahil patuloy akong ginugulo ni Knoxx at panay ang sunod sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at galit na nilingon siya. "Ano ba'ng problema mo, Knoxx, ha?!"

Ngumisi naman siya saka namulsa. "Alam mo, ayos na tinawag mo ako sa pangalan ko pero bakit pasigaw?"

"Nakakainis ka kasi! Sunod ka nang sunod. Ngayong pupunta ako ng cr, susunod ka pa rin?"

Umiling naman siya kaagad. "Hindi."

"Oh, eh 'di diyan ka na lang or better yet, go back to our room," sabi ko na ikinanguso niya. Umatras lang siya at sumandal sa pader. "Okay, I'll wait you here."

Naiinis na tumakbo na ako papuntang cr.

What's wrong with him? Is this still about what he told me? As if makukumbinsi niya akong paniwalaan siya sa pasunod-sunod niya sa akin.

Pagkatapos kong magcr, lumabas na agad ako. Wala akong Knoxx na nakita pero meron namang Deth. Nakapamulssng nakasandal siya sa railing at nakapikit.

"Follow me."

Napalingon-lingon ako sa paligid pero wala akong nakitang tao bukod sa aming dalawa. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya, nasa akin ang titig niya.

Nagtatakang napaturo ako sa sarili ko. "A-ako?"

"May nakikita ka pa bang ibang tao rito bukod sa atin?" tanong niya.

Napairap na lang ako. "At bakit naman?"

"Remember the deal?"

Mahina akong napamura. "Kailan ba matatapos 'yang deal na 'yan?"

Hindi siya sumagot at tinalikuran ako. Naglakad na siya kaya kahit ayaw ko, sumunod ako sa kaniya. Napahinto ako nang biglang makasalubong namin si Knoxx. Nilagpasan ko siya pero napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya galit ko siyang nilingon. "May kailangan ka?"

"Samahan mo ako sa cr. Hindi ko alam kung saan ang cr dito."

Inagaw ko sa kaniya ang kamay ko. "Diretsuhin mo lang 'yan tapos-"

"Gusto kong samahan mo ako," maotoridad niyang sabi at muling kinuha ang kamay ko.

Marahas akong buntong-hininga. "Kapag ba sinamahan kita, titigilan mo na ako?"

"Depende," sabi niya kaya napahilot nalang ako sa sintido ko at tumango.

Papatulan ko na lang.

"Luna!" Napatalon ako sa lakas ng sigaw. Napalingon ako kay Kamatayan na madilim na naman ang mukha habang ang tingin ay nasa kamay ni Knoxx na nakahawak sa kamay ko. Mariin akong napapikit ng mga mata at winisik ang kamay ni Knoxx.

Mahirap na baka magkalat siya ng tsismis! Hindi pa nga ako nakaka-move on sa issue namin ni Xenor, e tapos makikidagdag pa si Knoxx.

"Bilisan mo," mahinahong sabi niya nang tingnan niya ako sa mga mata saka tumalikod at muling naglakad. Mabilis akong tumakbo para maabutan siya at nang maabutan ko na siya, nagtaka ako na ang tinutungo namin ay papuntang library.

"P'wede ba ako rito?" tanong ko nang makapasok na kami sa library.

"You're aware of my position, right?"

Oo nga pala! SSG President nga pala siya!

Lumapit ako sa kaniya at tumingkayad saka bumulong sa tenga niya. "Eh paano ako? Ano'ng posisyon ko para p'wedeng pumunta rito?"

"Shut up," may diin niyang sabi kaya napanguso ako.

Ayan na naman siya sa linyahan niya na nakakaurat na.

"Posisyon sa puso mo?" Painosenteng tanong ko.

Panis sa banat ko! Smooooth! Magbubuhat na ako ng sariling bangko ko kasi minsan lang 'to.

Kumunot lang ang noo niya at naglakad na papunta sa bookshelves. Inilibot ko muna ang tingin ko sa library bago sumunod sa kaniya. Nadatnan ko siya na nag-aayos ng libro.

"Tulungan mo akong iayos ang iba pang libro." Utos niya kaya sinunod ko naman. Para akong pinapatay sa sobrang katahimikan kaya tumabi ako sa kaniya.

Napapantastikuhan niya akong tiningnan. "What do you need?"

Makatanong naman 'to parang lagi akong humingi ng tulong sa kani-Ay oo nga pala! Siya nga pala nagdala sa akin papunta sa clinic ni Blaze kahit na pakiusap lang ito ni Tev at gusto niya akong paalisin sa section niya.

"Ahh... Thank you."

Binitawan niya ang librong hawak niya at nakakrus ang mga brasong hinarap ako habang matiim na nakatingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at nag-ayos ulit ng libro. "Ah kasi.... Alam ko na ikaw ang nagdala sa akin sa loob ng club para magam-"

"Who told you that?" kalmado niyang tanong. Napatingin ako sa kaniya.

"Secret," sabi ko saka siya tinalikuran at lumipat sa kabilang side ng bookshelf.

"Kung gusto mong bumawi, let's go to the mall."

Napalingon ako sa kaniya na bumalik na rin pala sa ginagawa. "Ano'ng gagawin natin sa mall?"

No response.

Wow! Hindi na nga aya ang ginawa niya, wala pang response sa tanong ko. Tindi talaga nitong kamatayan na 'to.

Akmang tatalikod na ako nang bigla naman siyang lumapit sa akin. "You'll give me something."

"Ano'ng ibibigay ko sa'yo? Ano'ng something?" puno ng kuryosidad kong tanong.

"You think," sabi niya saka kumuha ng limang libro at umalis na.

Ano'ng trip nito sa buhay niya? Ano'ng ibibigay ko sa kaniya? Feeling ko balak niyang ubusin ang pera ko gamit ang deal na napag-usapan namin, ah!

Alam niya na nagtatrabaho ako. Balak kaya niyang ubusin ang sweldo ko sa loob ng isang linggo?

NANG matapos ako sa pagliligpit, hinanap ko na si Kamatayan pero hindi ko siya nahanap kaya lumabas na ako ng library. Naisipan ko munang magtambay sa garden kaharap ng library para lumanghap ng sariwang hangin.

"So she's really here."

"Looks like we're lucky."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses saka tumayo. Grupo ng mga babae. Tinaasan ko sila ng kilay. "Ako ba naman ang makita niyo, siyempre you will feel lucky."

"What a boastful woman." Kumento ng isa.

I smirked. "Not boastful, just honest." Marahas akong buntong-hininga. "So, sino kayo? And what do you need from me?"

"No need to know our names, Ms. Luna Amora Velasquez. We just came here to let you know that you can't steal Xenor away from me," sabi ng isa sa mga limang babae na maganda naman pero mas maganda ako siyempre.

Mga aso pala ito ni Xenor! Ang galing! May loyal dog fansclub!

"Wala akong inaagaw. Kung gusto mo, sa'yo na siya pero may problema kasi," nakanguso kong sabi.

Tumaas ang kilay nilang lahat at humakbang papalapit 'yung leader nila yata. "Ano?"

Nakangusong nag-iwas ako ng tingin. "Mukhang wala siyang gusto sa'yo. Mahirap pa naman maging aso na hahabul-habulin mo 'yung tao. Mahal pa naman ang pagpapaturok ng anti-rabies. Kawawang Xenor."

Naramdaman ko ang papalapit niyang palad kaya napaatras ako. Ayoko gumawa ng gulo rito saka babae sila 'no, hindi nila ako kaya kung sakaling papatulan ko sila. For now, magtitiis muna ako dahil baka malagot ako kay Deth at maging alalay ako no'n for the rest of his life.

"Gusto niyo 'kong masampal?" Natatawang tanong ko. Kabaliwan na naman talaga itong gagawin ko.

"You're really getting into my nerves."

Mahina akong natawa at napataas ng dalawang kamay. "Chill! Pero sige, papayagan kita pero isa lang, ha. Siguraduhin mong ibubuhos mo ang lahat ng lakas mo sa sampal na 'yon." Humakbang ako palalapit sa kaniya. "Mabait ako ngayon kaya hahayaan ko ang makalyo mong kamay na madikit sa maganda kong mukha kaya sige."

Haysss parang siya yata ang pang-apat na makakadapong kadiring kamay sa mukha ko, ah.

Inilagay ko sa likod ko ang dalawa kong kamay saka pumikit at inilapit sa kaniya ang mukha ko and as expected, naramdaman ko ang matinding init ng pisngi ko. Mabilis kong iminulat ang mga mata ko nang maramdamang iisa pa siya. Mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan niya at hinigpitan ang pagkakahawak dito. "Isa lang ang sinabi ko. Kung lumapat ulit 'yang kamay mo sa maganda kong mukha, gaganti ako at hindi mo gugustuhing dumugo 'yang mukha mo at manghiram ng mukha sa aso."

Akmang susugod ang apat nang matalim ang mga mata kong tiningnan sila, "Isa pang hakbang at lalapat ang maganda kong kamay sa mukhang aso niyong muk-"

"What's happening here?"

Lumingon ako sa likod ng lima at nakita si Deth na nakakunot ang noo kaya marahas kong binitawan ang kamay ng bruha. Napahawak siya rito dahil sa higpit ng pagkakahawak na ginawa ko.

"Deth! She started this!"

"True! She started the fight!"

"Deth, believe my girls. They are telling the truth," sabi naman nung sumampal sa akin. Tumango naman ang iba at kulang nalang magpuppy eyes.

Nagtaas ako ng kamay at winave ito habang nakangiti. "Hey! Ako ang nagsimula ng away."

Galit na nilapitan niya ako saka pinitik ang noo ko kaya napanguso ako at sinuntok ang braso niya. "Para saan 'yon?"

"Dapat talaga talian na kita," sabi niya saka hinawakan ang ulo ko at pinalakad.

"Deth!" Sabay-sabay na sigaw ng limang babae nang makalayo kami sa kanila.

Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay ko dahil nakahawak pa rin siya sa ulo ko habang naglalakad kami. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at peke siyang nginitian. "P'wede mo na ba tanggalin 'yang kamay mo sa ulo ko?"

"Hindi p'wede. Wala pa akong nabibiling tali para sa leeg mo. Baka makawala ka na naman."

Naiinis na umiling ako at tinapik ang kamay niya. "Ano ako, aso mo?!"

"Parang ganun na nga," natatawang sabi niya saka ako itinulak paharap. "Mauna ka na ngang maglakad. Subukan mong lumayo ulit, bibili talaga ako ng leash para sa'yo."

Continue Reading

You'll Also Like

114K 8.6K 76
And so? An epistolary.
65K 2.2K 25
"It becomes chaos when the hunters are now the ones to be hunted." °°° In an Organization, there is a ruler. In a game, there are players. And when a...
49.1K 6.2K 27
HIGHEST RANK ACHIEVE #09 ACTION-THRILLER. Department One: Home of Detective Ace's. Considered the most successful department throughout the city of t...
22.3K 654 87
Everything feels so unreal. The past want her back. The present want her too. Is it too late for the past to be her future? Is it too late for her t...