You Are My Destiny (PUBLISHE...

By AiaRev3use

9.6K 670 1K

He is a totally hardheaded, A pain in the ass. What he wants, he get. Panglimang lipat niya na sa ibang paar... More

SYNOPSIS
You Are My Destiny
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER
YAMD BOOK

KABANATA 3

261 16 37
By AiaRev3use

[CHAPTER 3:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'


Nakaligo na ako at nakapagpalit ng damit na pangtulog. Nakapagluto narin ako ng sinaing at ulang para sa hapunan. Natapos ko narin ang assignment ko. Ngunit wala parin si Tiyu.

Nagugutom na ako. Hindi ko na siya mahihintay pa at mauuna na lang akong kumain.

Ng matapos akong kumain ay iniligpit ko na ito at hinugasan ang pinag-kainan ko. Lumabas ako ng bahay at umupo sa mahabang bangko na nasa tapat lang ng bahay.

Napabuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko sa pader. Hindi ko na halos maramdaman ang sakit ng katawan ko. Natuto na yatang maging manhid. Napatingin ako sa kalangitang maraming kumikinang na mga bituwin.

'Mama. Miss na kita, patawarin mo po ako. Kung hindi po siguro dahil sa akin ay nandito ka pa.'

Pinunasan ko ang luha ko na hindi ko namalayang umaagos na sa pisngi ko. Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari. Dapat lang naman talagang sisihin ko ang sarili ko.

Ako ang dahilan kung bakit wala na si Mama. Kaya marahil palaging galit si Tiyu sa akin.

Ang tatay ko naman ay hindi ko kilala kung sino. Namulat akong walang ama ni hindi ko nga alam ang kaniyang pangalan, o litrato man lang ay walang pinakita sa akin si Mama.

Napabuntong hininga nalang muli ako at pinahid ang luha ko na patuloy sa pag-agos.

"Rina- este Rj lasing na naman ang Tiyuhin mo, nandoon sa bahay nakikiinuman kila Tatay at Mang Berto." Anas ni Jake isa ito sa mga barkada ko dito sa lugar namin.

"Tumba na ba si Tiyu?" Tanong ko.

"Hindi pa, pero alam mo pinagkwekwentuhan ka nila." May pagkachismoso ito at tanggap ko naman ang ganoong ugali niya.

"Wala akong paki-alam." Walang gana kung tugon, napatawa ito at inakbayan ako siniko ko ito sa tiyan kung kaya napadaing ito.

"Distansiya, Jake. Baka makalimutan kung kaibigan kita at hindi kita matantiya."

"Sabi ko nga oo." tugon nito "Tara?"

"Saan?" Tanong ko.

"Sa tindahan, bili tayo ng softdrinks at chitchirya. Libre ko wag kang mag-alala." Paliwanag nito at nginisihan ako.

"Baka utang hindi bili." May sarkasmong sabi ko.

"Ikaw naman hindi no, meron akong pera, oh!" Anito sabay pakita ng sengkwenta, tumayo na ako at isinarado ang bahay bago kami umalis.

"Hoy! Hindi bat sinabi ko na magpatuloy ka ulit sa pag-aaral?" pangangaral ko habang naglalakad kami papuntang tindahan.

"Tinatamad akong mag-aral." tugon nito
at napakamot sa batok.

"Baka tamad ka." ismid ko "Sayang ka, dapat kang magpatuloy sa pag-aaral."

"Sa next year nalang, kung hindi ako tatamarin." natatawang saad nito, napailing na lamang ako.

"Pabili! Aling Esmeralda. Pabili!" anito at kinatok ang tindahan.

Si Aling Esmeralda ang umubos kanina ng paninda kung pandesal at ang may bagong dating na bisita, ang pamangkin raw nito.

"Elias, Iho maaari bang ikaw muna saglit ang magtinda nagluluto ako hindi ko maaaring iwan masusunog ito." rinig naming sigaw ni Aling Esmeralda, kausap nito marahil ang kaniyang bagong dating na pamangkin.

Elias, lihim akong napangiti sa hindi malamang dahilan dahi sa pangalan nito.

"I won't do that. Hindi ako pumunta rito para maging taga tinda ng tindahan mo, Auntie." baritonong boses ang tumugon, na marahil ay si Elias.

Ang sungit!

Ilang sandali pa ay may pumasok na sa tindahan habang nagpupunas ng kamay sa kaniyang damit. "Anong bibilhin niyo Jake at Rj?" tanong ni Aling Esmeralda.

"Ah coke po dalawa at dalawang nova." si Jake ang sumagot.

"Oh, baka utang na naman yan Jake?" Nakakarami ka na ng utang sa akin." anas ni Aling Esmeralda.

"Si Aling Esme naman oh! Syempre iba ngayon hindi ako uutang." mabilis na hirit nito at natawa.

Iniabot ni Aling Esmeralda ang softdrinks na nakalagay na sa plastik at nova, binayaran narin ito ni Jake.

Umupo kami aa mahabang bangko na nasa gilid, tapat lang ng tindahan.

Ng bumalik ako sa bahay ay wala parin si Tiyu, napabuntong hininga na lamang ako at pumunta sa sarili kung kwarto para matulog na. Maaga pa ako bukas para magtinda ng pandesal pagkatapos ay pasok na sa eskwela.

Kinaumagahan ay mas maaga akong nagising naabutan ko si Tiyu na gumagawa pa lamang ng pandesal na dapat ay ititinda ko.

Kaya ang ginawa ko ay nag-ayos muna ng uniform ko para sa pagpasok ko mamaya. Saktong pagkatapos ko ay tyaka ako tinawag na ako ni Tiyu.

"Isang daang piraso ang lahat ng pandesal na yan Rj." paalala ni Tiyu bago ako tuluyang umalis.

Nagpidal na ako at nag-umpisang mantinda ng pandesal, halos lahat ng mga suki ko ay nagsilabasan na sa kanilang sariling bahay para bumili ng pandesal.

Naging mabilis at naubos ang mga paninda ko. Kung kaya't maaga akong nakabalik ng bahay.

Ibinigay ko kay Tiyu lahat ng napagbintahan ko. Pagkatapos ay dumeritso na ako ng kusina para mag-almusal.

Mabilis kung tinapos ang pag-aalmusal ko at naligo na. Ng makapagbihis na amo ng uniform ko ay pinasadahan ko lang ng suklay buhok ko at kinuha na ang bag kong nasa upuan.

Gaya ng nakagawian sumakay ako sa nakaparadang tricycle. Mabuti nalang at iisa nalang ang kulang at lalarga na.

Sampong minuto bago namin narating ang eskwelahan. Nagbayad ako ng sampong piso bago umalis.

Rinig ko ang bulong bulongan ng ilang kapwa ko estudyante. Tungkol sa mayroon raw bagong lipat na transfere, sino naman kaya yon at naisipang magtransfer dito?.

Napailing nalang ako at hindi binigyan pansin ang anumang pinaguusapan nila. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang classroom namin.

Wala pa si Rose sa kaniyang upuan na katabi lamang ng akin. Inilapag ko ang bag ko sa upuan at tyaka ako umupo. Kinuha ko ang librong nasa bag ko at nagbasa.

Dumating na ang lahat lahat ng kaklase ko maging ang guro namin ngunit wala parin si Rose. Malamang ay absent yon.

Nag-umpisa na ang guro na magturo ng marahas na bumukas ang pinto. Nabaling lahat ang paningin namin sa pinto at tumambad sa amin ang lalaking nakakunot ang noo.

"Third Person's P.O.V"

He woke up 6:30 am, and he need to go to school at 7:10 am. Kinakalampang na ng tiyahin niya ang pinto ng kaniyang kwarto.

"Elias! Gumising kana. Unang araw mo ngayon sa eskwela at baka malate ka." bumangon na ito sa pagkakahiga at tamad na tinungo ang pinto upang buksan ito.

"I'm already awake. No need to shout." walang gana niyang turan sa kaniyang tiyahin.

Naligo na ito at kinuha ang bag at ang pinakamamahal niyang susi ng kaniyang kotse bago lumabas ng kaniyang silid.

Napatingin siya sa kaniyang suot na uniform. "Not bad." mahina niyang kumento sa suot na uniform.

Nilagay niya ang bag sa katabing upuan ng kaniyang kinauupuan bago kumain.

"Pandesal?" bakas sa tono ng boses nito ang pagkainis ng makita kung ano ang nakahanda. Pandesal na may cheese at itlog.

He hates it, he really hates pandesal.

"Yan ang nakahanda sa hapag Elias. Huwag mong pairalin ang pagiging mayaman at brat mo hindi yan uubra dito sa probinsiya." pangaral sa kaniya ng kaniyang tiyahin.

Walang siyang nagawa kundi ang tignan ng masama ang pandesal pagkatapos ay isinubo ito.

"Pwedi na." sabi ng bahagi ng kaniyang utak ng matikman ang pandesal.


Ng papunta siya dito sa probinsiya ay nadaanan na niya ang pampublikong paaralan na kaniyang papasukan, malapit lang ito sa barangay.

Sumakay na siya sa kanyang sasakyan na nakaparada sa gilig ng bahay.


Walang limang minuto ang lumipas ay nasa paaralan na siya. Lahat ng estudyanteng nakakakita sa sasakyan niya ay na napapatigil at napapatingin dito. Dahil nga sa pampublikong paaralan ay kadalasan bisikleta o motor ang gamit ang iba naman ay sumasakay ng tricycle papasok. Ang ilang teacher at principal lang ang nagdadala ng kotse, ngunit hindi kagaya ng kanya.


Ipinarada niya anv kaniyang sasakyan sa maliit na parking lot na hindi niya alam kung parking lot ba ang tawag doon, may mga motor at ang ilan ay bisekleta ang nakaparada at may iilang kotse rin ang nakaparada.


Napailing na lang ito at nagmamayabang na lumabas ng kaniyang sasakyan. Isinukbit niya sa kaliwang balikat ang bag at ibinulsa ang susi ng kaniyang kotse.

Tumunog na ang bell at hudyat na nakailangan ng pumasok sa kaniya kaniyang classroom.

Ngunit siya ay nanatiling kalmadong naglalakad na parang siya ang nagmamay-ari ng daan.

"It's none of their business if I am late." mahinang bulong niya sa kaniyang sarili.

Ng marating niya ang tapat ng classroom, sarado na ang pinto. Humugot siya ng malalim na hininga at walang pasabing sinipa niya ang pinto pabukas, at dahil doon halos masira ng tuluyan ng bumukas.

Napangisi siya, "He really wants to ruin things."

Napakunot ang noo niya ng bumungad sa kaniya ang isang guro na nakatayo sa harapan at mga estudyanteng puro babae na nakaupo sa kaniya kaniyang upuan na lahat ay nakatingin na ngayon sa kaniya.

Nakuha ng kaniyang atensyon ang isang babaeng prenteng nakaupo habang nakahalukipkip na nakatingin sa kaniya.


Nginisihan niya ang babaeng yon at tumingin sa gurong nasa harapan. "I'm a transferre, I guess this is my room." anito at nilampasan ang tulalang guro.


Well he doesn't care kahit lahat ng kaklase niya ay puro babae. She use to play a fling to other girls when he was still in manila.

Naglakad ito papunta sa upuang bakante na katabi lang ng babaenh nakakuha ng kaniyang atensiyon.


Maangas niyang ibinaba ang bag sa upuan at tumingin sa babae, ngunit bahagya siyang nagulat ng nakatingin ito sa kaniya bang inis ito at sinusuri siya.

"What?" tanong nito sa babae.


"Tanggalin mo yang bag mo." walang emosyong wika ng babae sa kaniya na animong inuutusan siya.


"I would I do that?"

"Hindi bakante ang upuang iyan. May nakaupo diyan absent nga lang ngayon. Hindi ka diyan pwedi." wala na yatang mas seseryoso sa boses ng babae.

"Ito ang napili ko. So I will seat here, nor you like it or not. May nakaupo man o wala." maanghang nitong pahayag at umupo sa upuan.

Napatiim bagang ang babae at matalim siya nitong tinignan. "Hindi ba't sinabi kong hindi yan bakante? Kaya huwag ka diyang umupo kung ayaw mong maging memorable itong unang araw mo dito." tumigil ito sa pagsasalita at tinitigan siyang mabuti at lumapit sa kaniya para bumulong sa tainga nito, ramdam niya ang init ng hininga ng babae. "Naiintindihan mo?" bulong ng babae sa kaniya.

Ng dumistansiya na ang babae sa kaniya ay tyaka lang siya nakabawi sa pagkagulat, at mukhang nakalimutan niya ring huminga.

Sa kabila ng kaniyang nararamdaman sa babae ay ngumisi siya, nginisihan niya ang babae.

"I can do whatever I want to do and you can't do anything about it." nang-aasar niyang niyang sabi sa babae at ilang sandali silang nagsukatan ng tingin.


Tumikhim ang guro upang makuha ang atensiyon nilang dalawa. Sabay silang napatingin sa guro, matalim nila itong tinignan. Nasindak ang guro at napalunok.


"Valdez Let him sit there. Iho introduce your self." wika ng guro, Tumingin siya sa lahat bago magsalita.

"I'm Sebastian Elias Ramirez." pakilala nito, sabay tingin at kindat sa babaeng kaniyang katabi na masamang nakatingin sa kaniya.

Tumango ang guro, "You may take your seat, Mr. Ramirez."

Mas lalo itong ikinainis ni Rj dahil sa pumayag ang guro na maupo sa katabi niyang silya ang antipatikong lalaki na nagngangalang Sebastian Elias.

Naiinis siya dahil si Rose ang nakaupo doon aa upuang inupuan ng lalaki ngayon. "Ang bantot ng pangalan!" bulong niya sa kaniyang sarili.

Bumalik na sa pagtuturo ang guro. Lumipas ang ilang oras, nasa pangatlong subject na sila at ipinagpapasalamat niyang hindi nag-ingay ang lalaki kaniyang tabi. Dahil kung oo, baka lumabas ang lalaki na may bangas ang mukha.

Lumabas na ang guro para sa huling subject para sa umaga. Naghiyawan ang lahat ng mga kaklase niya maliban sa kaniya at sa katabi niya.

"Nakks! Lunch na doon tayo sa karinderya diyan sa tapat." masayang sigaw ni Quinee na sinang-ayunan naman ng lahat, tuwing lunch ay sabay sabay silang lahat maliban lang kay Rj.


Kahit anong pagpipilit na isama nila ito ay ayaw nitong makisabay sa kanila, iisang beses pa lamang yata nila itong nakasabay. Dahil sa mas gusto nitong mapag-isa.

Continue Reading

You'll Also Like

69.8K 2.3K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
378K 17.5K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
1.7K 51 12
Liberty Dimaano never had a boyfriend. For her, men are nothing but a distraction and heartbreak. Will Caesar Trinidad make her fall in love with him...