My Phenomenal Bodyguard

By Brittledollyrose

19.1K 2.8K 284

PHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging... More

My Phenomenal Bodyguard
CHAPTER 1 First Meet
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 5O

CHAPTER 34

237 39 0
By Brittledollyrose

This chapter is dedicated to Chasehell_Damon enjoy reading po.



Zaitel's POV

"Pwedeng kalagan mo muna ako bago mo ako titigan." Sabi ko ikinakurap niya ng paulit-ulit at saka sinimulan na niya ang pagkalag sa kamay at paa kong nakatali.

"Thank you." Hinging pasasalamat ko ng matapos niya na akong kalagan.

Tinulongan niya akong makatayo sa pagkakaupo ko at sinuri ang buo kong katawan.

"I'm fine. They didn't hurt me they just want money." I said na ikinatingin niya sa akin at muli na naman akong tinitigan sa mata

Nagulat ako ng bigla na lang niya akong yakapin ng mahigpit.
"I'm sorry." He said.

Sasagot na sana ako ng may biglang sumigaw na parang susugod sa amin at inatake kami ng kotyilyo kitangkita ko ito. Mabilis ang naging pangyayari at nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa dugoang braso ni Acerdel. Pero kahit na ganoon ay napatumba pa rin niya 'yong lalaki gamit ang isang kamay na kaagad naman itong nahimatay sa lakas ng pagkakasuntok ni Acerdel.

Ako naman ay hindi mapakali at hindi alam kung ano ang gagawin. Sa brasong may sugat niya lang ako nakatingin madami at wala pa ring tigil sa pag-agos ang dugo niyon, medyo may kalakihan at may kalaliman din ang sugat na nakuha niya.

"Acerdel" nabanggit ko na lang at mabilis na lumapit sa kaniya na may pag-alalang mukha.

Kaagad kong pinunit ang manipis kong t-shirt at sinimulang talian at takpan ang kaniyang sugat. Napatingin ako rito ng hindi man ito nag-reklamo at dumaing sa sakit.......and there I saw him staring at nonstop kaya umiwas na lang ako.

"Bakit hindi ka umilag?" Galit kong turan ng matapos ko na ng itali ang kaniyang sugat gamit ang telang pinunit ko sa t-shirt ko upang mapahinto lang ang patuloy na pagdudugo ng kaniyang sugat.


He take a deep breath and look at me.


"We're hugging. How could I notice when I am floating in a cloud of happiness." Inosenteng sabi nito na ikinainis ko sa kaniya.


"Paano kung baril 'yong pinulot niya at binaril tayo ng deretso edi tigok tayo ngayon." Sigaw ko sa kaniya. Hindi na naman gumagana 'yong utak niya.

"I know. I just miss you and all I want is to hug you, I'm worried. You can't blame me." Talagang ako pa ang sinisisi ng hinayopak na 'to.

Napatingin ako sa braso niyang may sugat tumagos na ang dugo niyon sa tela. Bumuga ako ng hangin at napatitig sa kaniyang magandang mata.

"Tignan mo nasaksak ka tuloy." Mahina kong sabi bago siya niyakap.

Nakakaloko mang isipin pero naaawa ako sa nangyari sa kaniya. Kasalanan ko naman ito e.

I felt he froze for a while at ng makabawi rin ay naramdaman ko na lang ang pagyakap nito pabalik gamit ang dalawa niyang mga braso di alintana na may sugat 'yong isa. I smiled for the unknown feeling inside me.

Ilang sandali pa ay kumalas na rin kami sa pagyayakapan na hindi ko man lang namalayan kung gaano na kami katagal na nakatayo habang magkayakap sa isa't isa at sakto rin na may narinig kaming siren, hudyat na may mga pulis na sa labas.

Iginiya na niya ako palabas. Makakalabas na sa sana kami ng tuloyan ng bigla na lang sumulpot at salubongin kami bigla ni Acerdel ng kaniyang mga kaibigan, kompleto silang lahat na may magkakaiba pa ring ekspresyon sa mga mukha nila, si Fergal na nakangiti, si Rrender nakabungisngis, si Reividan na nakangisi at si Kerr na seryoso lamang. Naka military uniform sila na mas lalong sumisigaw sa taglay nilang kagwapohan talagang bumagay ang suot nilang lahat. Ang astig nilang tignan. Hapit na hapit sa mga katawan nila. Napatingin naman ako kay Acerdel na simple lang ang damit nito t-shirt black at jeans at pinaresan niya iyon ng black leather na sapatos.

"Bakit hindi mo kami hinintay?" Unang tanong ni Fergal.

"Oo nga. Nasayang 'yong pinlano natin kanina susugod ka rin pala ng mag-isa." Parang batang sabi naman ni Rrender. Isip bata talaga, nagtataka tuloy ako kung paano ito naka-graduate at naging 2nd lieutenant.

"Huwag nga kayong epal nagpapakitang gilas si lover boy natin, why can't you support him." Sabi naman ni Reividan na may kakaibang ngiting tumingin kay Acerdel at sa akin. "Gumaya nga kayong tatlo kay Kerr na tahimik lang di mo alam kung nauutot na ba o natatae na. Hahaha!" Kaagad naman siyang nakatanggap ng malakas na batok kay Kerr na nanahimik lang. Nagtawanan sila sa inasta ni Kerr na sinabayan ko na rin.

Samantalang si Acerdel at Kerr ay pawang mga kill joy sa buhay at ayaw makisabay.

"Okay ka lang ba Zaitel? May ginawa ba silang masama sayo? Sinaktan ka ba nila?" Sunod sunod na tanong ni Fergal.

Napailing-iling naman ako "Hindi. Okay lang ako. Si Acerdel pa nga 'yong nasugatan." Sagot ko. Napatingin naman sila sa braso ni Acerdel na may konting gulat sa mukha.

"Anong nangyari at nasugatan ka?" Tanong ni Reividan na hindi man lang sinagot ni Acerdel kaya ako na lang ang sumagot.

"Amh...nasaksak kasi siya nong isa sa mga kidnappers kanina sa loob." Sagot na ikinakunot ng mga nuo nila.


"Kidnapper laban kay Acerdel? I'm sure hindi niya basta-basta masusugatan ang isang tulad nito." Sabi niya na tinuro pa si Acerdel gamit ang kaniyang hintuturo. Napatingin naman ako sa mukha ni Acerdel na kalmado lamang.

"Trust me hindi ang katulad ni Acerdel ang papayag na masugatan kahit nga siguro gasgas ay hindi ito tatanggap. Tell us the truth, what did really happens?" Napalunok ako sa sinabi nito. Alangan namang sasabihin kong 'nasugatan siya kasi magkayakap kami kanina kaya hindi namin napansin na sinugod pala kami ng kotselyo' ayoko nga. Tsk.

"Sir!" Agaw pansin ng kung sino. Thanks God, savior.
"Ito daw umano ang leader ng mga kidnappers." Dagdag pa nito na mas lalong nagpaagaw sa atensyon naming lahat. Don ko nakita ang isang lalaking na naka military uniform rin pero iba lang kulay sa uniform kaysa nila Fergal may hilahila itong lalaki na may ungas na pagmumukha.
"Nakita namin siyang nakatago lang sa may damohan don sa may gilid ng gusali." Imporma pa nong lalaking police, ata.

"Sino ang nag-utos sa inyo." Walang emosyong sabi ni Acerdel sa lalaki. Well it doesn't sound like asking it sounds like demanding one.

"Walang nag-utos sa amin. Parang awa niyo na sir may pamilya akong binubuhay nagawa lang namin 'yon dahil sa kawalan ng pera." Makaawa nito. Naawa na sana ako pero ng mapagsino ko ang boses ay nag-uusok ang ilong ko sa galit.

"I think his telling the truth." Seryosong sabi ni Fergal na nakatingin rin sa lalaki. "Alam mong mali ang ginawa niyo at dapat niyo iyong pagbayaran kasama ng mga kasamahan mo." Dagdag pa ni Fergal.

"Mga tangina kayo." Sigaw nong lalaki at parang baliw na tumawa.

"Dalhin niyo na 'yan sa presinto at ang iba pa." Utos ni Fergal don sa police na may hawak sa kidnapper.

"Sandali lang." Pigil ko don sa lalaking may hawak sa kidnapper.

"Zaitel." Saway ni Acerdel.

"Ms. Zaitel." Pigil pa ng iba sa akin.

Pero di pa rin ako nagpapigil at nilapitan ang lalaking kidnapper at walang sabi sabing sinuntok siya ng malakas, muntik pa siyang tumilapon kung hindi lang siya mahigpit na hawak nong police.

I heard them gasped in disbelief. Kahit 'yong kidnapper ay di niya rin inasahan ang ginawa ko.

"Ikaw ang TANGINA." Sigaw ko rito at muli siyang sinuntok this time ay nilapin na nila ako Acerdel para pigilan na muling suntokin 'yong lalaking kidnapper. "Bwesit ka. Kung inaalala mo 'yong pamilya mo sana hindi ka gumawa ng masama. Wala kang utak. Kawalan ng pera? Oh, e ngayon, anong napala mo diba wala ano na ang kakainin ng pamilya mo ngayon sino na ang bubuhay sa kanila? Tanga mo. Dapat inisip mo muna bago ka gumawa ng desisyon mo." Nakayuko lamang ito at nasisiguro kong sisingsisi na ito sa kaniyang maling ginawa. Magmamarcha na sana ako palabas pero bumalik akong muli ng may maalala na naman akong iba.

Humarap ako sa lalaking kidnapper at pinigilan ko ang sariling huwag siyang sapaking muli.

"May naalala pa pala. Oh ano ka ngayon, like what I said makakauwi akong ligtas at walang galos. Bwesit!" I said then smirked at saka nanlilisik ang matang tumingin kay Acerdel na ikinagulat niya naman.

"Ikaw naman." Wala sa sarili kong sabi na nakaturo pa ang hintuturo kay Acerdel. Tahimik lamang ang lahat kaya feel na feel kong magsalita. Hinila ko ito palapit sa akin na hinawakan siya sa isang braso niyang walang sugat. "Halika ka nga rito. Isa ka pang bwesit lagi niyong pinapainit ang ulo ko." Sabi ko pa at nagsimula ng maglakad habang hilahila siya. Narinig ko namang naghiyawan ang mga naiwang kaibigan ni Acerdel sa tuwa na hindi ko naman na pinansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Nakalabas na rin kami sa wakas sa gusali na iyon pero akala ko tapos na ang lahat pero may tao pang di ko inaasahan na sasalubong sa akin.

"Zaitel." Banggit niya sa pangalan ko na ikinadilim ng mukha ko sa galit. Pagod na ako. Nagtataka akong napatitig sa mukha niyang may putok sa labi at sugat sa may gilid ng kilay mukhang bago pa lang ang mga 'yon.

Napatingin siya kamay kong nakahawak sa braso ni Acerdel, ngumiti siya ng pagkatamis tamis na ikinadilim lalo ng mukha ko. 'Mapagpanggap' 'yan lang masasabi ko.

Humakbang ako palayo sa kaniya at tinanong na lang si Acerdel "Nasaan ang kotse........." Naputol ang pagtatanong ko ng hinabol ako ni........

"Zaitel, please talk to me." Sabi nito at naramdaman ko ang pagmamakaawa doon pero pinanatili kong madilim ang mukha ko at walang emosyon siyang hinarap, binitiwan ko na sa braso si Acerdel.

"Pasensya na Mr. Somerhalder but I don't have time to talk to you." Pormal kong sabi kahit na ang totoo ay gusto ko na siyang sigawan sa galit pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Ang daming kong tanong na gusto ko siya ang makasagot non. Tinalikuran ko siyang muli.

"Lead the way." Sabi ko kay Acerdel na sinunod niya naman.

"Zaitel sorry. Please let me explain first." Rinig kong sabi ni Darren na ikinatigil ko sandali. "I didn't mean to hide to you. I-i j-just........."

"I don't need your goddamn explanation Lunokin mo na lang kung gusto mo." Sabi ko na hindi man lang siya nililingon at nagpatuloy na sa paglalakad at ng makita ko na ang kotse ni Acerdel ay kaagad na akong pumasok sa driver's seat dahil alam kong may sugat naman si Acerdel, kahit na mukhang wala lang naman ito sa kaniya.

Pinigilan kong bumuhos ang mga luha kong nagbabadya ng pumatak. He's not worth it to cry for.

I let out a deep breath and sighed before maneuver the car.

"I can drive, Zaitel." Biglang salita ni Acerdel.

"No you can't. May sugat ka lang naman sa braso kaya hayaan mo na akong ipagmaneho ka." Sabi ko na lang na ikinatahimik niya.

"Where are we going?" Kapagkuway tanong nito ng mapansin niya atang hindi ang daan na papuntang mansyon ang dinadaanan namin.

"To the hospital." Wala kong emosyong sabi na hindi niya naman ikinaimik. Kailangan malinisan 'yong sugat niya baka magka infection pa at lumala.











Continue Reading

You'll Also Like

176K 13.7K 35
Her marriage was fixed which was an arranged marriage but she moved to London to pursue her career and dreams and after that, she would marry. But in...
685K 35.9K 30
π“π‘πž π”π§πžπ±π©πžπœπ­πžπ 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 ~ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝟐 Sara Zafar, once a vibrant, effervescent spirit, embarks on a new chapter of her life in New Y...
3M 91K 27
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
564K 19.5K 93
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...