DARK SECTION

By MsDzayr

1.4M 55.6K 21.3K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
69: Trespassed
70: Denied
71: In between
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

17: Bloody Battle

19.4K 924 169
By MsDzayr

| Bloody Battle |

LUNA'S P. O. V

BIGLA na lang akong hinila ni Deth pabalik sa room at hindi raw ako p'wedeng tumayo hangga't wala siyang sinasabi.

"Remember the deal between us for every action you will do, Luna. Dahil kapag napuno ako-"

Naiinis na tumayo ako at dinuro siya. "Peste ka! Bakit ka mapupuno?! Ano ba'ng ginawa ko sayo ha?!" sigaw ko saka ako mahinang tumawa. "Kating-kati ka ba talaga mapaalis ako rito? Pwes, hindi ako aalis! Kung makatatlo akong counts ng offense, saka lang-"

"This section is not for the weak people, Luna. Hindi lahat ng nakasulat sa agreement na pinirmahan mo ay matutupad. Hindi lahat ng sinasabi ko sa'yo ay nando'n. Marami ang hindi nakasulat doon kaya kung ako sa'yo hindi ako magre-rely ng information doon kung ayaw mong mapahamak. If I were you, I'll leave and will never be back in this section. Kapag ikaw nanatili pa rito, wala ng madaling paraan para makaalis ka," sabi niya saka umayos ng tayo at lumabas ng room.

Umiling-iling ako. No, tinatakot niya lang ako para paalisin dito. I will never give him the satisfaction he needs.

Hindi dapat ito ang iniintindi ko. Sa Sunday na ang birthday ni Kuya Jasper. Dadalawin ko silang lahat dahil magkakatabi naman sila ng puntod.

UWIAN na at pinaalala ni Deth ang mangyayari bukas.

"Bloody Battle will start at 3 pm to 6 pm at the school gymnasium kaya dapat 2 pm pa lang nandito na kayo. Tomorrow is the day when you three need to decide whether you want to be an official dark student or leave this section or school."

"Sino'ng kalaban, Deth? Ang SSHS ba?" tanong ni Tev.

"Tayo ang magkakalaban," sabi ni Deth na ikinabuntong-hininga ng iba.

"Again, that was the principal's decision, not mine," walang emosyong sabi ni Deth saka kami tinalikuran.

"That old stinky man!"

"I will kill him!"

"Not that easy to do."

"We need to kill him para makaalis na tayo sa impyernong 'to!"

Gusto na pala nila umalis pero hindi sila makaalis? So, tama pala talaga ang sinabi sa akin ni Deth na walang madaling paraan para makaalis dito kung mananatili pa ako?

"Ate Luna, sabay na tayong umuwi!" sigaw ni Tev nang masukbit ko na ang bag sa likod ko.

Tumango lang ako. Inangkla niya na ang kamay niya sa braso ko. Sabay kaming lumabas ng room at tiningnan siya. Ang lapad ng ngiti ng ngiti niya pero ako, nag-aalala sa kaniya. "Hindi ka ba kinakabahan bukas? Marunong ka bang lumaban? Kaya mo ba?"

"Don't worry, Ate. I'll be fine. Basta ba susuportahan mo ako. Ichi-cheer mo ako, ha," sabi niya saka kaya tumango ako.

"I'll be there cheering your name," nakangiting sabi ko kaya lumiwanag lalo ang mukha niya. Nagulat ako nang may kotseng bigla na lang tumapat sa amin at hinila ako ni Tev. "Ate, sakay na!"

"Huh?"

"Ihahatid na kita." Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Beeeep!

Napalingon kami sa pinanggalingan ng ingay ng kotse at nakita ko ang audi na kotse ni Lucas. Kapag hindi kotse ni Alexus, ibigsabihin wala siya.

Nasaan si Alexus?

Lumabas si Lucas na nakasuot ng black na hoodie at ripped pants.

"Wala si Alexus, Lu. Ako muna raw ang susundo sayo." Bungad na sabi niya nang makalapit siya sa amin.

"Nasaan siya?"

"Pinatawag ni tito sa kumpanya nila," sagot niya pero ang mga mata niya ay nasa gilid ko.

"Ate, sino itong pangit na 'to?" Tanong ni Tev na nakaangkla na naman ang kamay sa braso ko.

"Pangit?!" sigaw ni Lucas saka itinuro si Tev. "Sino itong supot na 'to, Lu?! Bakit tinatawag ka niyang ate samantalang ako, hindi kita p'wedeng tawagin na ate!"

Napahilot ako sa sintido ko. "Kasi you're nineteen na at mag-si-sixteen pa lang ako, Lucas. Halos magkasing tangkad lang tayo pero malayo ang agwat ng edad natin. Naiintindihan mo ba 'yon?"

"Hindi! Ayoko sa kaniya, Lu! Stay away from that supot!" sigaw niya saka hinila ang kaliwa kong kamay.

"No! I'm not supot! Sa akin sasabay si Ate Luna!" sigaw naman ni Tev at hinila na rin ang kanan kong kamay.

"Get off your dirty hands of Lu's hands!"

"No! Sa akin siya sasama!"

"Hindi! Sa akin sasama si Lu!"

"She's not Lu! She's Luna!"

"Wala akong pake! Bitaw na sup-"

Nainis na ako at marahas kong kinalas ang kamay ko sa kamay nila saka ko parehas ipinilipit.

"Lu, stop it, masakit!"

"Ate masakit na-araaaaaay!"

Binitawan ko silang dalawa at iniwan. Maglalakad ako. Bahala sila diyan!

"Lu, sabi ni Alexus ihatid kita! Sakay na!" sigaw ni Lucas.

"No, ate sumabay kana sa akin." Sigaw naman ni Tev.

Matalim ang mga matang tiningnan ko silang dalawa. "Napupuno na ako sa inyong dalawa! Isa pang salita at parehas kayong tatamaan sa akin."

"Ayos lang basta ligtas kang makauwi, Lu," nakangiting sabi ni Lucas.

Tumango naman si Tev. "Ayos lang din kung mabugbog ako, Ate basta sumabay kana sa akin."

"Sa akin!" sigaw ni Lucas kay Tev.

Nagsalita pa talaga! Jusko!

"Kapag nagsalita pa ulit kayo parehas ko kayong hindi papansinin!" sigaw ko na ikinatahimik nilang dalawa. Tumalikod sila parehas at sumakay na sa mga kotse nila.

Nakahinga ako nang maluwag.

NANG makarating ako sa bahay ni Ate Jo, nakita kong nag-aaral si Ced kasama si Vio. Napangiti ako dahil mukhang okay sila.

Nasa kusina kami habang nakaupo ako sa upuan at nakatitig sa kanilang dalawa. Samantalang si Ate Jo naman ay nagluluto ng hapunan nila.

"Magkasundo sila kapag nag-aaral," nakangiting sabi ni Ate Jo kaya napatingin ako sa kaniya at ngumiti. "Ate, salamat sa pag-aasikaso kay Ced, ha? Salamat po sa paghatid sundo sa kaniya sa school."

"Wala 'yon. Magkaklase sila ni Vio kaya sinasabay ko na siya at kung sakali mang hindi, ako pa rin ang maghahatid at magsusundo sa kaniya. Hindi na kayo iba sa akin dahil sa turing sa akin ng parents mo kaya parang pamangkin na ang turing ko sa inyo ni Ced," nakangiting sabi niya saka mahinang tumawa. "Sana ganito rin mag-isip ang Tita Rhoana niyo para hindi kana nahihirapan."

"Kapag tumahol ang manok, Ate Jo," puno ng sarkasmo kong sabi.

Ngumiti siya saka pinagpatuloy ang pagluluto. "Dito na kayo maghapunan dahil naparami ang luto ko."

Agad akong umiling. "Nako, huwag na ate. Magluluto na lang ako ng hapunan namin."

"No, I insist. Kung p'wede rito nalang din kayo kumain tuwing hapunan ni Ced dahil alam kong pagod ka sa eskuwelahan tapos kailangan mo pang asikasuhin si Ced pagdating kaya naisip ko na rito ka nalang dumiretso after class mo."

"Pero ate-"

"Alam kong ayaw mo sa utang na loob kaya ang ibabayad mo sa akin ay ang pagpayag mo sa sinasabi ko," seryoso niyang sabi.

Mahina akong natawa. "You're smart, Ate."

"She is, Luna." Napalingon ako sa nagsalita. It's Kuya Michael, ang asawa ni Ate Jo. Nilapitan siya nina Vio at Ced saka nagmano. Bumalik din agad ang dalawa sa ginagawa.

Tumayo ako at humarap sa kaniya saka nagmano. "Kuya, pasensya na kung naabutan niyo ka-"

"Don't be sorry. You're part of the family at ganun din si Ced. Your parents are very kind, they helped us in every way they can no'ng nangangailangan kami at ngayong wala na sila, we want to return their kindness to both of you. Tsaka naging magkaibigan kami ng Daddy mo."

Naging magkaibigan? Bakit hindi sa amin 'to naikwento ni Daddy?

"Thank you po," tanging nasabi ko na lang.

Natapos ang aming hapunan kina ate Jo nang sobrang saya dahil nagkwentuhan kami pero nakaramdam ako ng lungkot nang makapasok kami sa bahay. Ngayon na lang ulit ako nakakain ng may kasabay na pamilya.

Nasa loob kami ng cr ni Ced at katatapos lang namin mag toothbrush nang bigla siyang magtanong.

"Ate, you're thinking Mommy, Daddy, Ate, and Kuya, right?" tanong ni Ced habang pinupunasan ko ang buhok niya.

"Yes, baby. I missed them so much."

"Ako rin ate pero we need to move forward, e. Wala namang masamang alalahanin sila but we shouldn't feel sad because I know that they're in good place now."

Hinawakan ko ang ulo niya saka ginulo ang buhok niya. "Tama ka, Ced."

KINABUKASAN, maaga akong pumasok sa trabaho dahil alas tres pa naman ang pasok ko. Inasikaso ko muna si Ced bago inihatid kina Ate Jo at pumasok. Na-assign kasi ako sa dishwashing dahil umabsent ang naka-assign dito.

"Ate Shaina, pakidala naman nitong order sa customer," pakiusap ko kay Shaina na panay lang ang cellphone.

Nilingon niya ako kaya peke akong ngumiti.

"Baka gusto mong ikaw na magdala," sabi niya kaya kinuha ko ang phone ko at pinicture-an siya. May flash ang camera kaya galit na napatingin siya sa akin. "Burahin mo 'yan!"

"I will. If you get this order and move your fucking feet to the fucking ground," nakangiting sabi ko. Naiinis na sinunod niya naman ako kaya tinalikuran ko na siya. Nakasalubong ko naman si Mika na natatawa. "Fucking lang naintindihan ko, girl."

"Ako nga rin, e," sabi ko kaya sabay kaming natawa at bumalik na sa loob ng kusina.

"Luna, p'wede bang mahingi ang phone number mo?"

Tinapik ni Mika ang balikat ko saka umalis. Nilingon ko ang nagsalita. Napakamot ako sa batok ko nang malimutan ko ang pangalan niya. "Sino ka nga ulit?"

"Harris Fuentebella." Pakilala niya sabay hawak sa nametag niya. Moreno siya at matangkad. Medyo gwapo at mukhang mabait naman.

"Oh, Harris. Sorry ha kasi hindi sa akin 'yung phone na gamit ko kaya hindi raw ako p'wedeng mag-add ng number nang hindi niya kilala."

Napanguso ako nang maalala ang itinext sa akin ni Alexus nung nakaraan.

'Don't save any male species phone number sa contacts mo unless their name is Lucas and Raiven.'

"Oh sorry," malungkot niyang sabi.

"Don't be. Sige, mauna na ako." Ngumiti ako saka siya tinalikuran at sinimulan ng aasikasuhin ang mga hugasan.

ILANG oras na ang nakakalipas at ang dami pa ring customer. Marami pa sa labas ang nakatayo at naghihintay dahil sa promo ng restaurant ngayon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita nang may biglang maalala sa isang customer na natingin sa relo niya at parang naiinip na.

Napatingin ako sa relo ko. Fuck. Alas tres na.

"Shit!" Sigaw ko kaya dali-dali kong hinubad ang apron ko at nagpunta sa locker kung saan nakalagay ang bag ko.

"Sige na, Mika. Alas tres na pala. May pasok pa ako. Mauuna na ako." Paalam ko nang makita ko siya malapit sa pinto.

"Ay ganun ba? Sige! Ingat!" sigaw niya nang makalabas na ako ng resto.

Fuck! Late na ako!

Sumakay ako sa tricycle at nagpahatid sa school. Tinakbo ko hanggang makarating ako sa gymnasium.

Pagbukas ko ng pinto, nanghihinang napaupo ako sa sahig. May nakita akong sapatos sa gilid ko kaya nag-angat ako ng tingin.

Ang huwad na principal! Si Mr. PPP stands for Pekeng panot na principal. Well, if what Leo said was true.

"You're late, Ms. Velasquez."

Wow! Parang siya hindi ah!

Dahan-dahan naman akong tumayo at nginitian siya. "Looks like we're both late, Mr. Sarmiento."

Naglakad na siya kaya napatingin ako sa likod niya pero naagaw ang atensyon ko ng lalaking nasa gitna ng nakalatag na mat sa gitna ng gym. Nakadapa ito. Nang subukan nitong bumangon, tsaka ko lang nakita ang mukha nito.

"What the fuck?!" sigaw ko saka tumakbo papalapit sa kaniya. "Tev!"

"W-what? A-ate?" Nahihirapang sabi niya nang makalapit ako sa kaniya. Naghahabol siya ng hininga niyang pinilit bumangon. Tinulungan ko naman siya.

Galit na tiningnan ko ang kalaban niya na si Xenor na may hawak na kahoy. "Ikaw! Bakit mo pinuruhan?! Alam mong hindi kayang lumaban!"

"Huwag kang makialam dito babae!" sigaw niya. Dahan-dahan kong pinahiga si Tev saka naiinis na tumayo. Nilapitan ko siya at inagaw ang hawak niyang kahoy at itinutok sa kaniya. "Peste kang hinayupak ka! Nasaan ang konsensya mo?!"

"Sa loob ng section niyo, walang konsensyang dapat mabuo da-"

Mabilis akong humarap at inihagis ang hawak kong kahoy papunta sa stage kung nasaan na si pekeng principal.

"Sasabad ka pa talaga, ha! Ikaw na ponyetang gago ka! Manahimik ka kung hindi may paglalagyan ka! Tangina mo! Para sabihin ko sa'yo, ginawa ang paaralan para matuto kami, hindi gawing entertainer mo!"

Mukhang may katotohanan nga ang mga sinabi ni Deth sa akin kahapon.

Mahina siyang natawa saka siya tumayo at pinulot ang hinagis kong kahoy. "Ang mga katulad niyong estudyante na patapon na ay nararapat lang na pakinabangan, Ms. Velasquez."

"Para sabihin ko sa'yong ugok na panot ka, mas wala kang pakinabang sa mundo dahil isa kang pesteng hinayupak na nakikitapak lang sa lupa ng mga tao. Isa kang demonyo na dapat naninirahan sa impyerno!"

"Stop it, Ms. Velasquez!" Awat ni Miss Jean kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. "Ano ka ngayon dito? Design? Talaga ba? Hindi ka talaga umawat?! Ipagpalagay na nating meron ngang paganitong walang kwentang activity, pero talaga bang manonood lang kayong mamatay ang estudyante niyo, ha?! Akala ko iba ka sa ibang mga teachers pero mas masahol ka pa sa kanila!"

"Luna!" Sigaw naman ng pesteng hinayupak na gunggong kaya galit ko rin siyang nilingon. "At ikaw naman na hinayupak na gunggong ka! Naturingan ka pa namang SSG President pero hindi mo man lang inawat! Ano 'yang title mo? Natripan mo lang kasi magandang pakinggan?! Shame on you, SSG President!"

"Shut up!" Galit na galit na sigaw niya. Sa dami kong sinabi 'shut up' lang ang kaniya?!

Hindi ko na siya inintindi at dinaluhan ulit si Tev. "Medyo masakit pero tiisin mo, ha?" sabi ko saka tinulungan siyang mapaupo. Nang subukan na naming tumayo, napaupo ulit siya at napahawak sa binti niya.

"Ate, masakit talaga. Hindi ko kayang tumayo," naiiyak na sabi niya.

"Get that woman away from Mr. Cruz!" sigaw na naman ni pekeng principal.

Akmang lalapit sa akin ang mga kaklase namin nang hugutin ko ang kutsilyo ko sa bulsa ng bag ko at itinapon ito sa harap nila. "Subukan niyo akong harangin, itatarak ko sa dibdib niyo 'yang kutsilyo na 'yan. Huwag niyo akong subukan dahil alam kong alam niyo kung hanggang saan ang kaya kong gawin," puno ng pagbabanta kong sabi. Napahinto ang iba sa kanila, habang ang iba naman ay napaatras.

Imposibleng hindi nakarating sa iba ang ginawa ko no'ng gabing 'yon.

Inilibot ko ang paningin ko sa kanila sa pag-asang makita si Leo pero wala siya hanggang sa makita ko si Rance na tumatawa. "Rance!"

Nahinto siya sa pagtawa at napatingin sa akin. "W-what?"

"Tulungan mo 'ko."

Mahina siyang natawa pero lumapit naman siya sa akin. "At your service, my lady," sabi niya saka yumuko pa na parang tanga habang nakahawak sa tiyan.

"Iaangat mo ang ulo mo o tatanggalan kita ng ulo?!" Puno ng pagbabanta kong sabi pero imbis na matakot ay ngumisi pa ang baliw. "Aling ulo ba? Sa baba o taas?"

"Rance!" Sigaw ko na ikinatakip niya ng tenga. "Eto na! Paano ba kasing tulong?! Bubuhatin ko?! Aba, hindi ko kaya 'yan!" Sigaw niya saka tinanggal ang kamay sa magkabilaang tenga niya kaya nakalma ako. "Kumuha ka ng stretcher sa clinic."

Tumango naman siya at dali-daling umalis. Maaasahan din pala 'yung baliw na 'yon.

Continue Reading

You'll Also Like

26.5K 1.3K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
531K 14.3K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
3.3K 428 28
Everything seems perfect in Shinnel's life, but no one knows how her life is. She planned out everything she should do. She sets rules for herself: n...
1.7K 54 7
Life Struggle Series #2 LACK OF PARENTAL LOVE. "I have a complete family, but my heart feels incomplete." -Paisley Vivienne Arceta Financially stabl...