The Merciless Stud (Hot Trans...

By itsmoodymind

1.3M 54.8K 36K

WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55

Chapter 21

21.2K 953 440
By itsmoodymind

Nakaawang ang bibig at tulala akong naka-tingin sakaniya. Ang mabibigat kong hininga ay sanhi nang malakas na pag-kabog ng puso ko. I can't believe what I just heard from him. I can't seem to take in what he just called me. Ang namumulang mukha sanhi sa posibleng pagkaka-inis at pag-titimpi ang nakikita ko sakaniya ngayon. Naka-tayo pa rin siya sa may lamesa habang ako nama'y malapit na sa entrada.

"Thank you." ngiti ko sabay kagat ng labi. Kinakain na naman ako ng karupukan. Ngunit imbes na mabahala roon ay bumalik na naman sa isip ko ang sinabi ni Tyson kanina.

He just called me Buttercup! The fuck! And he actually praised my cooking! At lahat ng iyon ay dahil sa pag-tatampo-tampo ko! A dark thought suddenly crossed my mind. Napa-ngisi ako ngunit agad ko rin iyong isinantabi.

"Mag-bayad ka na." Sabi ko habang malamyos na nag-lalakad pabalik sakaniya. Nang nasa tapat na ako ng lamesa ay mariin siyang naka-tingin sa'kin— dinudungaw ako. Naka-tingala naman akong ngumiti sakaniya.

"Sit down." Utos niya. Tumango ako at umupo pabalik sa upuan ko. His jaw clenched as he kept his intense glare at me. Naputol lamang ang nag-babanta at namamatyag niyang titig sa akin nang tinawag niya na ang staff.

"Bill, please." He uttered. Mabilis na kumilos ang staff. Pinanood ko ang kalkulado niyang galaw habang dinudukot ang black card niya mula sa black leather wallet niya. Namilog ang mga mata ko nang nakita ang brand niyon. Tom Ford.

Napa-lunok ako nang mapansin na bumalik na sa akin ang buong atensyon niya. I smiled awkwardly.

"You can't just walk away and roam around all by yourself. You have to wait and be wherever I'll be today. Do you understand?" He sternly said. I felt my throat tightened and I almost choked on my own saliva. I bit my lower lip. His eyes caught it and it made me feel more uncomfortable. Shit ka talaga, Tyson!

"Hihintayin lang naman sana kita sa entrance. Uh, while you pay." Dahilan ko. I saw how his jaw clenched in pure annoyance. Tang ina, parang mali pa atang nag-dahilan pa ako!

"Even so. Try pulling that stunt again while we're here and I'll make sure you're never coming with me again." Banta niya. Kumunot ang noo ko. Teka, ang angas netong lalaking 'tong pag-bantaan ako, ah! Eh kani-kanina lang eh natataranta siya! At sino ba ang nag-aya sa akin rito? I have just discovered a power I never thought I have upon him. At kahit gusto ko mang gamitin iyon ay sa tingin ko'y napaka-aga pa para roon. Hmm, wait until you taste your own medicine, Tyson Matheus. Maghintay ka!

"I won't." Sabi ko. He sighed as if he just let go of something heavy in him. Sakto namang bumalik na ang staff dala ang black card niya.

"Let's go." Aniya at tumayo na. Naalala ko na naman ang tinawag niya sa akin kanina. Bakit naman Buttercup? Dahil ba sa buhok ko? Naalala kong tinitigan niya kanina ang buhok ko sa sasakyan. Gosh! I can't believe na may ganun syang maiisip o kahit man lang ganung side niya! Napaka-unrealistic!

At bakit hindi niya na ako tinatawag ng ganun ngayon? Torpe ka rin palang damuho ka, eh! Aminin mo na kaseng may crush ka rin sa akin! For the assume na naman si bakla! Go!

"Let's go... what?" Ngisi ko habang naka-sunod sakaniya. Nakalabas na kami sa restaurant at para akong tangang naka-tingala at sumusunod sakaniya.

Kunot noo niya akong sinulyapan. Halos matawa ako sa reaksyon niya. Ang cute ng supladong ito! Ang sarap niya palang inisin at kulitin!

"Let's go, Buttercup, dapat iyon." Sabi ko at humalakhak. I saw how his brows furrowed. Nilingon niya ako dahilan upang masaksihan ko kung paano naging purong itim ang mga mata niya. His eyes turned pitch black in just one second and the next thing I knew, it was all gone. Kinapos ako ng hininga.

"Tss. Don't feel so special." Sabi niya habang patuloy na naglalakad. Ang ngisi sa mukha ko'y patuloy pa rin ngunit sa loob loob ko'y para na naman niya akong tinatapakan. Walang humpay talaga 'tong lalaking 'to, oh!

Hindi ko na siya kinulit pa at sumunod na lang sakaniya. Tumingin-tingin ako sa paligid at napansing nasa isang field na kami. May mga matataas na bakod kung saan saan at napag-tanto kong iyon ang tinatalon ng mga kabayo. Medyo maraming tao at halos lahat ay naka-puti. Sa unahan ay may matangkad na lalaking kumakaway kay Tyson. The man pointed to a wooden door and I saw Tyson nodded at him.

Halos mapaatras ako nang biglang tumigil si Tyson sa paglalakad. Nilingon niya ako at dinungaw. Tiningala ko naman siya ngunit agad rin akong nag-iwas. I heard his heavy sigh.

"Come on, I'll lead you to your seat. Mag-bibihis na ako." Aniya. Kahit may tampo na naman ako sa huling sinabi niya ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin! Tang ina naman kasi bakit ang rupok ko! Masisisi niyo ba ako kung nararamdaman kong para niya akong girlfriend ngayon? Mababaliw na ako!

Tumango ako at hindi na tumugon. Hinintay ko siyang mag-lakad ulit ngunit matigas lamang siyang naka-tayo sa harap ko. And when I looked up to him, ang nananantyang mga mata niya ang una kong nakita. Nanliliit iyon at tila sinusuri ako. Ano na naman ba! Mababaliw na talaga ako sa'yo, Tyson! Tinalo mo pa ang roller coaster sa dami mong pakulo!

"I said I'll lead you to your seat." Aniya. Kumunot ang noo ko. Ano bang kailangan ng lalaking ito?

"Oo, narinig ko. Tara na." Sabi ko at akmang lalagpasan siya ngunit mabilis ang pag-harang ng malaking kanang braso niya. Umigting ang panga niya.

"Ba't 'di ka sumasagot?" Aniya. Napa-buga ako ng malalim na hininga. Jusko!

"Ano bang isasagot ko? Eh susunod lang naman dapat ako sa'yo, diba?" Sabi ko. Nahagip ko ang namumula niyang teynga ngayon. Kumakabog na naman ulit ng malakas ang dibdib ko.

"Sinusupladahan mo ba ako?" Mariing naka-tikom ang bibig niya nang itinuon ko ng mabuti ang titig ko sakaniya. Nag-titigan kami na tila hinahamon ang isa't isa kahit na ba alam ko sa sarili kong wala akong laban at hinding hindi ako lalaban. I can feel my heart beats so fast that the only thing I can do is to sigh.

"Hindi." Tipid kong sagot. His intense glare intensified more and a silent fear surged through me. His commanding presence and dominant stance could really break my bones and send shivers to my body, effortlessly. Napa-kagat labi ako.

"Come on now." Tanging nasabi niya. Nabigla ako nang mariin niyang hinawakan ang pala-pulsuhan ko at ma-ingat na hinila patungo sa mga upuan. May iilang babae akong nakitang nanonood sa amin at lahat sila'y nakataas ang kilay. Pinag-taasan ko rin sila ng kilay kaya nag-uunahang nag-iwas ng tingin ang mga lokaret. Ma-inggit kayo, please!

Biglang umihip ang malamyos na hangin nang nasa may kataasang bleachers na kami. At dahil hila-hila ako ni Tyson at mula sa silangan ang hangin kung saan siya naka-pwesto ay sumabog sa mukha ko ang amoy niya. He really smells so good. Musky and minty. Iyong low key lang na mabango. Iyong hindi umaagaw ng atensyon pero kapag napalapit ka ay talagang maa-adik ka. May ikababaliw pa ba ako sa lalaking ito? Nagpre-pre cum na ata ako, e. Eme!

"Here. Settle down. I can easily find you here. Huwag kang aalis-alis." Aniya. Tumingala ako sakaniya at tumango. Inabot niya sa akin ang mga gamit niya. Mabilis ko namang hinablot ang tumbler ko mula sa bag ko at ibinigay sakaniya.

"Good luck!" Ngiti ko. Kinuha niya ang tumbler at hindi na ako muling tiningnan pa nang umalis siya. Napa-pikit na lamang ako sa pinag-halong tuwa, kilig at kirot. How can a man make you feel so much is beyond my capability to fathom. It's like if you get to spend a whole day with Tyson, you'll be emotionally exhausted at the end of the day. Ganun siya ka intense kahit ang titipid ng mga kilos niya! Or is it just because I am this infatuated with him? Kaya kahit maliliit na mga bagay ay sobrang naaapektuhan ako.

Napa-isip ako roon bigla. Yes, maybe that's it. Just my infatuation. At kaya nga ako nandito ay para gawing immune ang sarili ko rito. Dahil pagka nangyari iyon, itong mga maliliit na mga bagay na napapadama niya sa akin ay magiging parang wala nalang. There's no way I'll let myself be like this forever! This irrationally infatuated with him! I can't and don't want to be a fool forever! I am here for a reason! This has a purpose.

A small voice inside my head mocked my thoughts. Pilit ko iyong iwinaksi at ngumiti na lamang sa hangin upang mas paniwalain ang sarili kong mangyayari iyon at magagawa ko ito. Even if it's wishful thinking. Kahit na...

Ilang minuto pa ay lumabas na si Tyson. Hindi ko nakita kung saan siya lumabas dahil natatakpan ng iilang tao sa first row ng bleachers ang ibabang field. My jaw dropped when I saw how hot Tyson is in his polo game outfit.

He's wearing a fit white polo shirt and a fit white jeans with brown belt. He's on a pair of brown leather boots and his attractive tattoos is stealing the show without even trying!

Wala akong pinagka-iba sa mga babaeng nasa unahan dahil maging sila ay tulala sa nasaksihan. I mean, he's the hottest in the field! Kahit na ba'y nakita ko na rin si Jerro na pawisan at kanina pa yata naglalaro ay hindi pa rin iyon nakaapekto sa pagiging lutang na lutang ni Tyson sa mga kasamahan niya! This man is out of this world!

Kumunot ang noo ko nang naghagikhikan ang mga babae sa may unahan ko. They were taking pictures of Tyson! Zoom na zoom talaga ang camera ng mga bruha! Kahit gusto ko mang makipag-bardagulan ay pumirmi ako. Not worth of my precious time!

Ibinalik ko ang tingin ko kay Tyson na nakapameywang na nakikipag-usap kay Jerro. Na-ubo ako nang biglang lumingon at tumingala sa akin si Jerro. Nanliliit ang mga mata at malaki ang ngiti itong kumaway sa akin. Kumaway naman ako kahit nauubo pa rin.

Tinampal ni Tyson ang tiyan ni Jerro at may sinabi rito kaya na-tuon naman doon ang atensyon ng huli. Sabay silang nag-lakad patungo sa isa pang lalaking nakaka-tanda. My heart fluttered at Tyson's gestures. Wala na, for the assume na talaga si akes! Ano pang silbi nito diba edi hala sulitin! Go!

Nag-simula ang laro. Akala ko typical na paligsahan na pabilisan ng kabayo. Ang sosyal pala ng game na ito dahil isa-isa silang tila magpe-perform sa field. Parang may level bawat bakod na tinatalunan ng kabayo. Kaya napapa-sigaw ang mga tao kapag tumatalon na sa mataas na bakod.

Equestrian Jumping. Iyon ang nakita ko sa malaking white board na kinatatayuan ng tila mga judges. Puro mga matatanda at halatang mayayaman. Well, this is Manila Polo Club, you all.

"Go, Ty! Whoo!" I cheered when Tyson effortlessly jumped over the highest fence. Ang naunang player kasi kanina ay tumama ang isang paa ng kabayo sa bakod kaya laking dismaya ng mga tao. Parang bawas points yata iyon.

Ang sosyal talaga ng game na ito. I've seen these in movies but never have I thought it would be this posh. Mas nakaka-sexy tuloy tingnan si Tyson dahil tila balanse ang sports life niya. Hindi lamang sa brutal at agresibong mga sports ngunit may ganito ring siyang hilig. Laid back and classy. Parang gusto ko na talagang magpa-wasak sakaniya. Huhu.

Tyson ended his performance majestically. May nag standing ovation pa na lalaking matanda, tuwang tuwa sakaniya. Proud na proud naman ako habang pinapanood siyang nakikipag-kamay sa ibang players.

"That's my Tyty!" Sigaw ko ngunit agad napa-takip ng bibig dahil nag-tinginan ang mga katabi kong nanonood. Shit! Ang bastos ng bibig ko! Bakit ba kasi ganun ko iyon e pronounce! Kakahiya ka talaga, Apple!

I fixed my hair awkwardly while avoiding the people's scrutiny. When two strong and tall silhouette blocked my vision, I immediately threw my fuck away. Belat niyo! Nandito na ang Tyty ko!

"Hey, Apple! What were you shouting?" Natatawa at tila nawi-weirduhan si Jerro sa akin. Uminit ang pisngi ko at mabilis na umiling.

"Wala." Sabi ko sabay tawa ng pa-cute. Bumaling ako kay Tyson na pawisan at bitbit ang tumbler kong kalahati na lamang ang laman. His dead serious eyes is all directed at me.

"Towel, please." Aniya. Mabilis kong kinuha ang face towel mula sa bag niya at ibinigay sakaniya. Nahagip ko ang pag-ngisi ni Jerro at ang pag-sipol nito.

"Damn, bro. Apple is all here without anything to eat! May dalawang ikot ka pa." Ani Jerro. Agad akong umiling kay Jerro. Nakatayo pa rin ako sa harap ni Tyson habang pinupunasan niya naman ang mukha niya. I can feel his stare even if my attention is with Jerro. Sinikap kong hindi ma-distract dahil tumatama sa mukha ko ang hininga niya at nawiwindang ako sa bango! Ang bango rin ng pawis niya!

"No, no. I'm fine. Kaka-lunch lang namin." Sabi ko. Umiling si Jerro at nag-taas ng kamay. Uminit lalo ang pisngi ko at napa-baling sa kanina pang naka-titig sa akin na si Tyson. He's still wiping off the sweat on his face. Nang nakitang namumula at nahihiya ako ay agad nag-salubong ang mga kilay.

"Shut it, Jerro." Matigas na saway ni Tyson. Umiwas ako ng tingin sakaniya at ibinalik ang atensyon kay Jerro. May katabi na itong staff at inaabot niya ang isang black card na katulad ng kay Tyson rito. Is that a membership card?

"Bro, seriously, huwag mo namang pa-gutumin shawty mo." Anito.

Oh... My... Gosh...

Gusto kong mag-wala sa kahihiyan at kilig! Punyeta ka, Jerro! Kakaiba iyang tabas ng dila mo! Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. Gusto kong mangisay sa kilig ngunit gusto ko ring umiyak dahil sa hiya! Shuta ka, Jerro!

Parang tuta akong napa-tingala na lang kay Tyson tila nang-hihingi ng tulong. Ang dilim dilim ng mukha niya habang naka-tingin kay Jerro. Jusko!

"Get your fucking card, Bro. It's fucking on me." Ani Tyson. Gulat pa si Jerro ngunit tumawa rin ito kalaunan at binawi ang card niya.

Hindi ko nasundan ang kilos ni Tyson at nakita ko na lamang ang pag-abot niya ng card niya sa staff.

"Burger and fries." Aniya sa staff. The staff politely nodded and walked away. Ang kumakabog kong dibdib ay wala ng pag-asa. Jerro gave me a hearty chuckle.

"See? Kailangan pang e provoke, e." Anito. Umawang ang labi ko. I heard Tyson's low growl. Tinalikuran niya ako at hinarap si Jerro. Making me face his broad back— blocking my view of Jerro. Napa-titig ako sa itim na mga guhit ng tinta sa left tricep niya. Oh, gosh...

"Why don't you go back to your girl now, Jerro? You're annoying us." Ani Tyson. Pinilit kong sumilip kay Jerro ngunit hindi ko magawa dahil ang sikip ng space sa pagitan ng bleachers at ang lapad pa ng likod ni Tyson. At kahit hindi ko man kita si Jerro ay alam kong malapad ang ngisi nito. Jerro is actually kengkoy! Makulit!

"Oo na! Gusto ko lang makita si Apple, e!"

"Alis na." Tyson groaned impatiently. I heard Jerro's laugh one last time bago ko siya nakita sa unahan na bumababa na patungong field. I sighed.

Umatras ako ng isang dipa bago pa man maka-harap si Tyson sa akin. At nang tuluyang humarap, ang lalim na ng gitla sa noo. Jerro really annoyed the shit out of him. Parang gusto ko na rin tuloy matawa. I bit my lower lip.

Mariin niya akong tinitigan at ipinag-patuloy ang pagpupunas ng pawis. A sudden urge to smell the face towel when he leaves is so strong. Naku, hindi! Hindi, Apple! Todong todo ka na today! Awat na.

"I still have two more lapses. If you want anything, just use my black card." Aniya habang naka-iwas naman ng tingin ngayon. Ngumiti ako at napa-kagat sa hintuturo ko.

"I'm fine. Don't spoil me." Malanding sabi ko. Parang gusto ko biglang sampalin ang mukha ko.

"I'm not." Mabilis niyang sagot. Umigting ang panga niya habang naka-titig sa kawalan. This man is so passive aggressive I cannot! At ako nama'y hinuhukay ang sariling libingan! Kung ano anong pinag-sasabi!

"Edi wow." Bulong-bulong ko at umupo pabalik sa upuan ko. Napansin ko tuloy ang apat na babaeng naka-masid sa amin. Pinanlakihan ko sila ng mga mata. Mga mukha niyo! Ang lalande! Hoy! Ako lang pwedeng lumande rito! Hindi kayo!

"What?" Tyson's baritone snapped me away from my evil thoughts. Ang mga babae nama'y pa-iwas iwas na ng tingin. Bumaling ako kay Tyson na kunot ang noong naka-tingin sa akin. There was amusement in his eyes. Na para bang may nakakapag-aliw sakaniya.

"Huh?"

"What did you say?" Naka-pameywang siyang naka-tayo sa may kaliwang gilid ko. My face leveling his lower torso. I gulped.

"Wala." I said nonchalantly and tried to steal glances at the girls. Talagang tumitingin-tingin pa ang mga bruha! Panlalakihan ko na sana ng mata ulit nang humarang bigla ang malaking bulto ni Tyson. Napa-tikom ako ng bibig at tumingala sakaniya.

"Why are you glaring at those girls?" He asked. Uminit ang pisngi ko.

"At anong edi wow? You really are throwing a fit on me, huh?" Sabay tango-tango niya na tila may napag-tanto. Parang gusto kong matawa. Crazy, Tyson Matheus.

"Wala nga. Stop assuming." Bigla kong nasabi. Hala! Gago ka, Apple! Shit. Mariin akong napa-pikit. I expected a growl or an aggressive statement from him but instead it was a laughter! Tumatawa siya!

Napa-dilat ako at napa-tingala. Tipid siyang humahalakhak at napapa-iling. Patayin niyo na ako. Tumatawa si Tyson. Tumatawa siya! First time! At dahil sa akin! Oh my gosh. Worth it talagang luhuran! Worth it iyakan! Eme!

"Ako pa ngayon ang assuming, ha." Baritono niyang sabi. Hindi ko alam kung tatawa rin ba ako o dapat akong matakot na. Bakit ko ba naisip na posible siyang natutuwa sa akin? Eh baka sarcasm na pala iyan.

But the genuine joy in his eyes could not be mistaken for a sarcasm! He really is laughing. Sige pa, Tyson, pag-tawanan mo pa ako! Kahit ano basta't may maramdaman ka sa akin! Go!

"Eh, wala nga iyon. S-sorry." Sabi ko at umiwas na ng tingin. Kinagat ko ang labi ko sa pag-pipigil ring tumawa. Ano ba! Ugh!

Biglang dumating iyong staff na bitbit ang mga pagkain ko. Itinabi niya iyon sa bleacher ko. I saw Tyson examining the food as if he's a bodyguard carefully inspecting any possible poison in it. My heart warmed.

"Card po." Sabi ng staff at inabot kay Tyson. Umiinom si Tyson ng tubig mula sa tumbler kaya't nabigla ako nang tinuro niya ako.

"Uh, here, Ma'am." Sabi ng staff at sa akin inabot. Tama nga pala. Order lang daw ako, eh. Pwede bang ikaw ang orderin ko, Tyson? I want you delivered to my doorstep at exactly dinner! Chuchupain kita wala ng paliguy liguy pa! Charez!

Umalis ang staff kalaunan. Si Tyson naman ay na freshen up na. Parang gusto kong lagyan ng pulbo ang likod niya. Hmmm.

"Ty, upo ka saglit." Sabi ko. Kumunot ang noo niya at tila wala pang balak sumunod. I sighed.

"Sige na, please. Para makabalik ka na roon." I pleaded. With a heavy frown, he abided. Umupo siya at itinukod ang dalawang siko sa magkabilang tuhod. Good boy.

Agad kong kinuha ang polbo ko mula sa bag ko. Hinila ko ang likuran ng kwelyo niya upang malagyan ko ng polbo ang likod niya. Sumabog sa ilong ko ang amoy ng pawis niya sa likod at sumilip rin ang makakapal na tinta ng tattoo niya sa likod. Visible rin mula rito ang bago niyang tattoo. Even without flexing, his back muscles are on full show. Jusko! Gusto ko lang naman mag-lambing pero kapag si Tyson talaga lahat ng bagay nagiging sekswal! Mahabagin!

Mabilis ko na lamang na nilagyan ng polbo ang likod niya at tinapik tapik para kumalat. I then faced him and gave him a warm smile.

"You're good to go! Amoy baby na." Sabi ko. He looked up to me. I was caught off guard when I saw a longing emotion displayed in his eyes. Pero agad din iyong nag-laho at napalitan ng kadiliman. He sighed.

Matapos siyang mariing tumitig sa kawalan ay walang kibo siyang umalis at bumalik sa field. Bitbit ang tumbler ko. May awa akong naramdaman kahit na hindi ko alam kung saan o ano man sakaniya ang dapat kaawaan. But that moment made me realize that there's so much more to Tyson. More that no one else in this world will probably ever get the chance to know. My heart crumbled.

Bandang alas tres na natapos ang lahat. Tyson got the highest score, as expected. Everybody congratulated him. And his usual stone cold aura keeps the people away from him. Even girls. Even possible hook ups.

Lulan na kami ng sasakyan pauwi. Tahimik at malamig sa loob ng sasakyan niya. He looks fresh in his button down white shirt and khaki shorts. Nakapag-palit na siya ng damit samantalang ako naman ay ganun pa rin. I immediately checked my face in my compact mirror. Hindi naman ako haggard. Ako pa ba? Eh, oras oras akong nagre-retouch kanina sa game niya. I cannot be haggard!

Nag-lalagay ako ng liptint sa labi ko nang biglang tumunog ang phone ko. I saw in the notifications tab that it's from Kobi. Agad agad ko iyong binuksan.

Kobi:

Where art thou? Nasa Ayala Malls kami. Pamper time!

And a photo of her with Jade and two boys. Namilog ang mga mata ko! I missed the girls! And what?! May mga lalaki sila!

Napa-baling ako kay Tyson na tamad na nagmamaneho. Well, may lalaki rin naman ako rito. Pero gusto kong sumama sakanila! I think I also need to pamper. At ang chikahan!

Mabilis kong kinunan ng picture ang daan sa labas. Gustuhin ko mang kunan si Tyson ay baka magalit at ayoko ring ipaalam muna sa mga bakla. Baka ma harang ang swerte at ma sumpa ako! Kaloka.

Me:

Otw home. Sama ako!

Kobi:

Go!

Naka-ngisi na ako at niligpit na ang liptint at mirror ko. Bumaling ako kay Tyson.

"Pwede bang pa drop na lang ako sa Ayala Malls, Ty? I have to go get something." Sabi ko. Madadaanan kasi namin iyon.

I saw him gulped and casually raised his brow. The act was so manly it also made me gulp.

"Why? What?" Aniya. Nabigla ako. Ay! For the interrogation naman pala si Tyson!

"My friends are there, pampering. I think I need one, too."

"Really? Is that why there were two males at the back of them? Which of them are your friends, then." He said nonchalantly. Parang mata ng bagyo na sobrang kalma ngunit alam mong mapanganib. Huwag kang ganito, Tyson, please! Maawa ka!

And damn he saw Kobi's picture! Sinadya niya ba o nahuli lang ng mga mata niya? Either way, hindi siya dapat nakikiusisa! Pero eme, nakaka-kilig gago.

"Those are their boyfriends, I guess? I just want to pamper. Maaga pa naman and I'll text Kuya." Sabi ko at inayos na ang buhok ko. Hindi naman na sumagot pa si Tyson kaya nakampante ako. Pero shit talaga! Naninilip ng conversation! Chismoso ka rin pala, Tyson Matheus! Hayop ka!

Nasa ganung estado kami nang bigla niyang niliko ang sasakyan patungo sa daang hindi ako pamilyar. Pero alam na alam kong hindi na ito patungong Ayala Malls!

"Tyson? Hindi ito papuntang Ayala. Ibalik mo." Naaalarma kong sabi. Tumingin ako sakaniya na tila pa chill chill lang. The fuck?

"Tyson!" I called. Suplado niya akong sinulyapan bago siya umayos ng upo. Pinitik niya pa ang leeg niya tila masakit iyon. At umigting ang panga. Jusko!

"No." Aniya. Umawang ang labi ko. I stared at him in disbelief habang nararamdaman ko ang vibrations ng phone ko sa messages ni Kobi.

"W-what? Tyson—"

"Fucking no, Buttercup. What?" He snapped. I was speechless. Ang madilim niya ng mukha ngayon ay nagsasabing huwag siyang susubukan. Napa-sapo na lamang ako sa dibdib ko.

"We're going home! Pamper next time. This is my day and I get to make you end this with me. Only with me." Gigil niyang sabi. Oh my...

"Is that clear, Apple?" Baling niya sa akin habang unti-unting lumalakas ang patakbo niya. Shit!

"Yes." Napa-tango na lamang ako at mariing napapikit kasabay ng pag-harurot ng sasakyan niya patungo sa kung saan niya man ako balak dalhin.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 376 7
He was my greatest chase. He keeps me in a pace where I found myself so lost in the momentum, in a strange velocity. Why can't I see the finish line...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...