DARK SECTION

By MsDzayr

1.4M 55.7K 21.3K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
69: Trespassed
70: Denied
71: In between
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

15: Cared for Luna

20.5K 908 317
By MsDzayr

| CARED FOR LUNA |

LUNA'S P. O. V

NAGISING ako nang may nakakabit na naman sa kamay ko at may kirot sa tagiliran ko. Great!

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Alexus na nakaupo sa sofa. Agad naman siyang tumayo nang magtama ang mga mata namin at lumapit sa akin.

"Ano'ng nangyari?" tanong ko saka hinawakan ang tagiliran ko. Napakagat ako ng labi ko nang kumirot ito.

"Nawalan ka ng malay matapos bumukas ang sugat mo."

Marahas akong bumuntong-hininga at napahilot sa sintido ko. "Nasaan si Cedric?"

"Nasa kwarto na. Nagpapahinga dahil napagod sa kakaiyak."

Napatigil ako sa sinabi niya saka pumikit. "Umiyak na naman siya?"

"Luna naman. Sa bawat gagawin mo, isipin mo naman ang mararamdaman ni Cedric," sabi niya na parang nanenermon kaya iminulat ko ang mga mata ko at hindi ko na napigilan ang pagtakas ng mga luha ko. "Naging makasarili na naman ba ako, Alexus?"

Bahagya siyang yumuko at niyakap ang ulo ko. "Shhhh.... No, you're not. Hindi ka lang talaga nag-iisip nang tama."

"Sorry, Alexus." bulong ko. Umayos siya ng tayo at hinawakan ang ulo ko. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Ayos lang. Next time, magsabi ka naman para matulungan kita. Bakit ka pa ba kasi bumalik doon?"

"Kasi hindi ako p'wedeng umabsent. 'Yun ang nasa kasunduan na pinirmahan ko para mabawasan ng tatlong oras ang pasok ko at makapagtrabaho ako."

"Lumipat ka nalang kaya ng paaralan, Luna? Ako na ang bahala." Suhestyon niya kaya mabilis akong umiling.

"No. Nakakahiya na sa'yo at saka may form akong pinirmahan nung tinanggap ako ng West Star na hindi ako p'wedeng umalis hanggang hindi ako nakaka-graduate. Itong rule na ito ay para lang sa mga estudyante ng dark section na kinabibilangan ko."

"P'wede ko naman kausa-"

"No, Alexus. Tama na ang mga naitulong mo sa amin. Sobra sobra na." Putol ko sa iba niya pang sasabihin.

Pagkasabi ko no'n, umalis na siya. Ramdam kong hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

ALEXUS' P. O. V

Naiinis ako sa katigasan ng ulong meron si Luna. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang katigasan ng ulo niya.

Nag-ingay ang phone ko kaya agad ko itong sinagot na hindi tinitingan ang caller ID.

[Ano'ng nangyari kay Luna, Alexus?! Sinasabi ko sa'yo! Pag may nangyari sa kaniyang masama, ibabaon kita sa lupa!] Marahas siyang bumuntong-hininga. [Sana hindi ko nalang inalala ang sinabi ni Daddy! Putangina, kaya ko naman, eh!]

Mukhang alam ko na kung saan niya nakuha ang katigasan ng ulo niya.

"Manahimik ka! Sa'yo nagmana ng katigasan ng ulo si Luna!"

Mahina siyang natawa. Saglit na nawalan ng imik sa kabilang linya bago siya ulit nagsalita. [Huwag mo akong sigawan, Alexus! Baka nakakalimutan mo!]

"Nakakalimutan ang alin? Baka gusto mong ipaalala sa'yo na nagpaubaya ako sa pwesto mo ngayon," natatawa kong sabi.

[How is she? Ialis mo na siya sa school na 'yon hangga't hindi pa nagtatagal.] Pag-iiba niya ng usapan.

Mabilis magbago ang isip ng tao na 'to at paniguradong magbabago na naman mamaya.

Pabagsak akong naupo sa couch at hinilot ang sintido. "Sa tingin mo hindi ko naisip 'yan? Kung nung sinabi ko pa lang sa'yo ang tungkol sa pagpasok niya roon, pinayagan mo na akong gumawa ng paraan para pigilan siya, hindi na sana hahantong sa ganito. Kakausap ko lang sa kaniya kanina at ayaw niya raw dahil sa lintik na kasunduang pinirmahan niya."

[Do something.]

"Sa tigas ng ulo ni Luna, kahit gumawa pa ako ng paraan, gagawa rin siya ng paraan. Saka bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan? Tutal ginusto mo rin naman 'to."

[Ginusto? Hindi ko ginustong mangyari 'yan. If only Dad didn't tell me to follow the 12th knight, hindi ko naman siya hahayaang pumasok diyan.]

"Sorry..."

[Hindi niya alam na nag-eexist ako saka akala ko kung makakapasok siya roon, lalakas siya lalo at may mga poprotekta sa kaniya bukod sa atin pero mukhang nagkamali na naman ako,] malungkot niyang sabi.

Nagdadrama na naman ang sinto-sinto.

"Tangina ka! Eh 'di magpakilala ka! Nagagawa mo namang magpakita sa kaniya dati! Saka kaya naman na'tin silang protektahan ni Ced!" Galit na sigaw ko.

He tsked. [Mas marami tayo, mas maganda. Masyadong malakas ang kalaban na'tin saka baka nakakalimutan mo ang dahilan ng pagtatago ko, Alexus. Magpakita?! Nagpapatawa ka ba? Patay na si-]

"Fine. Pasalamat ka-"

[May gusto ka sa kapatid ko kaya inaalagaan mo siya?] Natatawa niyang tanong.

"Shut up!"

[Sabi ko bantayan, huwag kang maging bantay-salakay at baka matuluyan ang gawa-gawang alitan na'tin,] may pagbabanta niyang sabi.

Naiinis na pinatay ko ang tawag. Lintik talagang lalaki na 'yon! Pinagbintangan pa akong bantay-salakay. Luna is just a little sister to me. Nothing less, nothing more. He's the one who asked me to watch over and take care of her little sister dahil hindi niya pa ito magawa ngayon, tapos gaganito siya?

"Kuya?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita si Ced na nakahawak sa pinto at gulo-gulo ang buhok. "Cedric."

Ako, si Lucas, at Raiven ang nagsisilbing kuya nila sa pwesto ng sintong-sinto na 'yun.

"Gising na po ba si Ate?"

Tumango ako at ngumiti. "Yes, gising na siya pero huwag mo munang puntahan para makapagpahinga."

"Okay po."

Akma itong papasok ulit sa kwarto nang tawagin ko siya dahilan para harapin niya ulit ako.

"Ced, p'wede ba tayo mag-usap?" tanong ko kaya tumango naman siya at naglakad papalapit sa akin saka naupo sa tabi ko.

"You heard?"

"Yes po."

Hindi talaga siya marunong magsinungaling. Alam kong narinig niya base sa mukha niya. Hindi na ako nagulat nang magsabi siya ng totoo.

"You can ask questions. Susubukan kong sagutin."

"Sino po 'yung kausap niyo? Sino po 'yung pinagmanahan ni Ate Luna?" mabilis niyang tanong.

Shit! Napaka direct naman nitong bata na 'to. Tama ba ako sa naging desisyon ko?

"Someone related to the both of you," tipid at pinaka-safe kong sagot. Sana nalang hindi ako ang gumawa ng hukay ko. Matalino nga pala ang bata na 'to. Mukhang manganganib pa ako.

Damn you, Kaiser! Pinagpasinungaling mo pa ako sa bata.

Tumango naman siya at ngumuso. Hindi na siya magtatanong kung sino?

"Bakit po kayo nagpaubaya? Sa pwesto niyo po ba 'yun?"

Marahas akong bumuntong-hininga saka ko isinandal ang likod ko sa couch. "Kasi mahina pa ako noon at siya malakas. Mas mayaman siya kaysa sa akin at mas maganda kung siya ang nasa pwesto para maprotektahan niya ang mga taong mahalaga sa kaniya na mahalaga rin sa akin."

Natigilan siya sa mga sinabi ko na para bang pinoproseso ang mga sinabi ko.

May nasabi ba akong mali?

Tumango-tango siya. "Nagpapakita po siya kay Ate dati?"

Fuck!

"Sige, kuya. Kung hindi niyo naman po gustong sabihin, ayos lang naman po," sabi niya nang mapansin siguro ang pagkatigil ko.

"Bakit? Ayaw mong malaman?" Nagtatakang tanong ko. Pansin ko lang na parang sa bawat sagot ko, hindi na siya nagfofollow-up ng tanong at iba ng tanong ang tinatanong niya.

"Hindi naman po sa ganun pero ayaw ko pong mamilit. Pasalamat pa nga po ako at pinagkakatiwalaan niyo ako," nakangiting sabi niya kaya napangiti ako.

"You're a smart and good boy, Ced."

Malayong malayo ka sa kuya mong hinayupak.

"I should be. For ate."

"Rest assured that you're not the only one who protecting her." Hinawakan ko ang ulo niya saka ginulo ang buhok. "We will protect her."

"I know po."

LUNA'S P. O. V

DALAWANG araw na mula nang humimlay-este mamihanga ako sa bahay nina Alexus dahil hindi niya ako pinayagang pumasok at bantay-sarado pa rin ako. Pilit nga ang pagpasok ko ngayon e kung hindi lang ako nakipagsabwatan sa doktor. Magiging ayos naman na raw ako basta hindi muna raw ako gaanong magkikilos kaya eto ako ngayon, nagpahatid na lang kay Alexus matapos naming maihatid si Cedric sa school niya.

Nakausap na rin ni Alexus ang OIC ng paaralan tungkol sa kalagayan ko at pumayag ang mga ito na pumasok pa rin ako sa trabaho kahit na umabsent ako at ang dahilan? Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung ano'ng ginawa ni Alexus. Nakailang tanong na ako sa kaniya pero wala talaga siyang balak sagutin kaya hindi ko na ipinilit pa. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya.

"Mag-iingat ka. Hangga't maaari huwag magkikikilos. Hindi ka pa tuluyang magaling. Susunduin kita mamayang uwian niyo. Aagahan ko. Huwag matigas ang ulo." Bilin niya saka ako sumilip sa bintana.

"Yes po," nakangiting sagot ko saka siya tinalikuran at pumasok na sa school.

Eto na naman tayo.

Pagkapasok ko sa room, natahimik ang lahat. Lahat kasi ay nakaupo nang maayos dahil nakatayo sa harapan si Deth at seryosong nakatingin sa kanilang lahat. Dire-diretso akong naglakad papunta sa upuan ko saka naupo.

"Just like what I said, we will be having a battle tomorrow. There's no exemption."

Battle? What kind of battle? Is that battle a bloody?

"Battle? What kind of battle?" Napatakip ng bibig si Eunice. "Oh, God! Is it a real fight 'cause you're all boys here... but hey, we're here oh! We're girls! We're not good at laban unlike you guys! Bunch of-" Natutop ang iba niyang sasabihin nang siguro ay maramdaman niya ang seryosong titig sa kaniya ng mga gunggong.

Tumayo naman si Stella. "She's right! Paano na lang kung mamatay kami?"

"That's not my problem. You have choices. Go or not. If you go, then you'll be an official dark student. If not, you may go back to where you belong." Paliwanag ni Deth.

Nyeyeyeyyeyeye! Peste!

Nagtaas ako ng kamay. "I signed an agreement. As someone belongs to dark section, hindi ako p'wede umalis hangga't hindi pa ako graduate."

"Hindi mo binasa nang buo ang agreement. It was clearly stated that you're still not an official dark student if you don't participate or attend sa first battle." Paliwanag niya. "Kung hindi ka aattend bukas, you have nothing to deal with this school. You may transfer and live your life at the fullest."

"Why not use your brain and don't go?" natatawang suhestyon ni Warren kaya naiinis na binato siya ni Eunice ng sapatos na nasalo niya naman at itinapon sa labas ng bintana.

"Warren!" sigaw ni Eunice.

"What?!"

Natigilan si Eunice at napaupo nang makita ang galit sa mukha ni Warren-na nakita ko nung nasa likod sila ng Fallen Angel Club. He can kill.

"This is insane!" sigaw ni Stella at napasabunot pa sa buhok bago maupo.

Matalim akong binalingan ng tingin ni Deth. "You? You want to complain as well?"

"Ano'ng premyo?" walang emosyon kong tanong na kinagulat ng lahat.

"H-huh?"

"Prize para sa mananalo," iritadong sabi ko saka siya inirapan. "Gwapo nga, bingi naman."

"Date me," sagot niya habang nakatingin sa akin. Sobrang lalim ng paraan ng pagtitig niya na para bang may nakikita siyang kung ano sa akin.

"Papabugbog na lang ako," mabilis na sabi ko saka nag-iwas ng tingin. Ano siya hilo? Kailan pa naging parusa ang premyo?

"Gusto ko maka-date si Deth!" Umaktong kinikilig si Vincent dahilan para matawa ang iba.

Nagtaas ng kamay si Gab. Namumutla siyang umiling-iling kasabay ng paggalaw niya ng mga kamay niya. "Hala, ayoko. Straight ako. Hindi ko gusto si Deth."

Napatanga sa kaniya si Vincent.

"Gab, hindi naman tayo ang tinutukoy niya," mahinang sabi ni Xenor.

Hinampas ni Chaos ang braso ni Vincent. "Maupo ka na nga kasi."

"Gagalingan ko!" sigaw ni Eunice.

"Ako rin!" sigaw naman ni Stella.

"W-what?!" Kasabay ng pagsigaw ang tunog ng paghampas. Napalingon ako sa kung sinong gumawa ng ingay. It's Zai. Nakatayo na siya at nakalapat ang mga kamay sa mesa niya. Tumingin siya kay Stella bago kay Deth na naghihilot ng sintido at parang nai-stress sa nangyari na sinimulan niya naman. Mukhang nagsisi sa sinabing niyang "date me".

Dahil ba sa gusto ni Stella ng date kaya ganito ang reaksyon ni Zai? Sa bagay, valid naman kasi girlfriend niya si Stella tapos nakikipagsabayan pa siya kay Eunice na single at gustong-gusto maka-date si Deth. Pero baka wala na silang dalawa o wala naman talagang sila kaya ganito si Stella? Ay ewan.

"Ayokong maka-date ka, Deth," sabi nito dahilan para mapahilot ako sa sintido ko. May mga lumipad na gamit papunta sa kaniya dahilan para bumaba siya at mapaupo siya sa sahig. "Ouch! Masakit na!"

Parang kanina lang nangangatog mga tuhod nina Eunice at Stella at nagrereklamo, ha. Ang lakas talaga ng tama nila kay Deth. Hindi nila alam na kaya nitong pumatay. Biruin mo ba naman. Nasikmura niyang iwanan ako na nakabulagta!

Napabalik ako ng tingin kay Deth.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Pupunta ba ako? O hindi?

"Something bothering you?" boses ni Deth.

Shutangina! Katabi ko nga pala siya! Peste naman! Ang kapal ng mukha niya para kausapin pa ako!

Wala bang papasok na teacher? Sure na 'yan? Wala ng atrasan? Buong buhay ko ngayon ko lang hiniling na sana may magturo naman para mailayo ang isipan ko sa demonyong nasa tabi ko.

Nang tumayo siya at lumabas, nakahinga na ako nang maluwag. Pinalibot ko ang tingin ko sa room at napansing wala si Steven pero si Leo nandito. Nakaupo siya sa likod ng upuan ni Deth dahil nang lumipat ng upuan si Steven sa likod ko, tumabi rin siya rito.

Matiim akong tiningnan ni Leo saka tumayo at naglakad papalabas. Habang sinusundan ko ng tingin ang likod niya, may kung ano sa akin na nagsabi na sundan ko siya.

Tumayo ako at nang makalabas ako, nawala na siya agad. Babalik pa sana ako sa room nang maalala ang tambayan niya. Umakyat ako sa rooftop at tama nga ako dahil nakaupo siya sa-

"Leo! Bumaba ka riyan!" sigaw ko saka dahan-dahang lumapit sa kaniya. Nakaupo siya sa may sulok habang nakatingin sa baba ng building.

Is he not afraid to fall and die?!

"Hindi na siya kumakain."

"H-huh?" Hindi ko malinaw na narinig ang sinabi niya dahil sa hina ng boses niya at malakas na hanging.

"Steven doesn't want to eat. Dalawang araw na. Si Steven na sobrang takaw at hindi matiis na hindi kumain, ngayon parang lantang gulay na sa kwarto niya," sabi niya saka bumaba sa kinauupuan niya kaya nakahinga ako nang maluwag pero napawi rin agad ito nang unti-unti siyang lumapit sa akin kaya napapaatras ako.

Mamaya bigla na lang ako nitong sakmalin. Wala pa naman si Te-Steven para umawat. Ayokong manakit ng isa sa kanila dahil baka ito pa ang isumbat nila sa akin sakaling isumbat ko sa kanila ang pag-iwan sa akin.

Huminto ako sa pag-atras at nag-iwas ng tingin. "Ano'ng nangyari?"

Mula sa gilid ng mga mata ko, kita kong huminto rin siya. "He's guilty from what happened to you."

Galit akong napatingin sa kaniya. "Dapat lang na makaramdam siya no'n! Akala ko maayos kami! Nagawa ko pa siyang iligtas dahil hindi ko alam kung bakit ako natatakot para sa kaniya! Pero ano'ng ginawa niya?! Gaya niyo, iniwan niyo rin ako! Tapos-"

"Shut up!" sigaw ni Leo na ikinatigil ko. "He begged! Steven begged and cried for you like he was asking for another chance of his life! He lowered himself na never niyang ginawa! Lagi niyang sinasabi na cute siya, matalino siya, magaling siya sa lahat at kahit kailan, hindi siya yuyuko o magmamakaawa except to his mom! Pero ano'ng nangyari sa Steven na kilala ko?! He begged for your life in front of us, Luna! Kung magagalit ka, huwag sa kaniya! Hindi niya deserve!"

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng bigat sa loob ko. Bigla na lang ako nakaramdam ng mainit na likido me la sa mga mata ko.

Napaupo ako at napasapo sa mukha ko habang humihikbi. "S-sorry, Tev. Hindi ko alam. H-hindi ko talaga alam."

"I will say to him na napatawad mo na siya para kumain na siya."

"Take me to him," mabilis kong sabi saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

"H-huh?"

"Now," sabi ko saka hinawakan ang kamay niya at hinila siya pababa hanggang makarating kami sa likod ng school. Sa kabilang side ito, kaya wala kami sa tapat ng room.

"How did you find out about this place?"

Kinindatan ko siya. "Secret. Baka itanong mo pa sa akin 'yung kinaroroonan ng Yamashita treasure rito."

Napailing-iling na lang siya. Binitawan ko ang kamay niya at inayo ang pagkakapatong ng mga sirang upuan.

"That's..."

Nagpapagpag ako ng kamay na napatingin sa kaniya. "Ano? Kulang?"

Tumango siya.

"Watch." Umakyat ako sa mga ito. Kulang talaga para maabot ang taas ng pader. Napatingin ako sa puno na malapit lang. Tumalon ako at sumabit sa sanga nito. Itinapak ko ang isang paa ko sa katawan nito at unti-unting umakyat hanggang makaupo ako sa sanga nito.

Nagbaba ako ng tingin kay Leo. Nakaawang ang labi niya, gulat.

"Nakita mo naman 'di ba? Gano'n gawin mo," nakangiting sabi ko saka ako umakyat sa pader.

Pagkalabas naming dalawa, nag-abang agad kami ng jeep. Habang naghihintay, bigla kong naalala si Tev sa bilihan ng pizza.

Hinawakan ko ang dulo ng uniform ni Leo at hinila-hila para kunin ang atensyon niya. Kunot-nuong binalingan niya ako ng tingin. Napataas naman agad ako ng mga kamay ko. "Chill. Naalala ko lang na paborito ni Tev ang pizza. Bili kaya tayo."

"I'll buy but..." Bumaba ang tingin niya sa uniform niya. Napatingin din ako rito. Natatawang inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak dito at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Sorry, sorry."

Galit na naman kaagad.

Marahas siyang napabuntong-hininga. "Let's go."

Tumango ako at naglakad pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang magulat ang buong pagkatao ko dahil sa paghila sa kwelyo at kanang kamay ko dahilan para mapaatras ako.

"Are you blind or dumb?"

Napatingin ako sa kaniya. "H-huh?"

Tumingin siya sa harap namin. Sinundan ko ang tingin niya. Red light pala.

"When the signal turns red, you must stop, stupid."

Iritadong nilingon ko siya at umatras. "For your information, alam ko 'yan. Nawala lang sa isip ko na tumingin d'yan."

"Sabihin mo lang kung hindi ka marunong tumawid," pabulong niyang sabi.

Inirapan ko siya at ibinalik ang tingin sa daan. Nang mag-green light, nang-aasar na tiningnan ko siya. "Gusto mo mauna pa ako sa'yo."

Mariin siyang napapikit ng mga mata niya at napahilot sa sintido. Natatawang iniwan ko siya. Napawi ang ngiti sa labi ko nang may humawak sa kamay ko.

"Hold this." Ipinahawak niya sa akin ang dulo ng polo niya. "Baka magalit pa sa akin ang isa kapag nasagasaan ka."

Huli na para makapagprotesta ako na marunong naman talaga ako tumawid dahil tinalikuran niya na ako at naglakad. Hindi naman ako bumitaw sa polo niya hanggang sa makatawid kami.

Ilang minuto ang inantay namin bago makuha ang pizzas at makaalis.

MAKALIPAS ang sampung minuto ay nakarating na kami sa condo nila ni Tev.

Pagkabukas ng pinto ni Leo, halos malaglag ang panga ko sa laki at ganda ng kwarto. Black and white ang walls at halos puti naman lahat ng kagamitan na paniguradong mahal. Very minimalistic.

"Steven." Tawag ni Leo saka inilapag ang pizza sa island counter. Tinawag niya ulit ito pero kumatok na siya sa pinto ng isang kwarto.

"Hindi ako gutom, Leo," mahinang sagot nito.

Napakuyom ng kamao si Leo. "Ilang araw mo ng sinasabi 'yan. Hindi ikaw ako. You can't starve yourself like that."

"Just leave. I'm okay."

"No, you're not," sabad ko saka kumatok. "Open this door. Let's talk."

Nawala ang imik sa loob kaya tiningnan ko si Leo. "You have a key?"

Tumango siya at umalis sa harap ko. Akma akong tatalikod para sundan siya nang biglang may humila sa kamay ko papasok ng kwarto saka isinara ang pinto.

Bakit ba ang hilig manggulat at manghila ng magpinsan na 'to?

"Luna!" sigaw niya saka humagulgol ng iyak at niyakap ako nang mahigpit. "Sorrry, Luna. S-sorry, I a-abandoned you. S-sorry talaga."

Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya. "Shhh... Hindi na ako galit sayo," sabi ko. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tinuyo ang luha niya gamit ang likod ng kamay niya. "Why? Bakit hindi ka galit? I aban-"

Sinapo ko ang mukha niya at tinuyo ang luha niya gamit ang mga hinlalaki ko. "No, you're not. Leo told me everything. Ang totoo, sa inyong lahat, sa'yo ako pinaka nagalit dahil akala ko iba ka sakanila. Mabait ka sa akin e, tapos 'yung mukha mo maloko lang pero alam kong mapagkakatiwalaan. Kaya no'ng nalaman kong iniwan niyo ako, iniwan mo ako, nagalit ako sa'yo nang sobra. Pero nang sabihin sa akin ni Leo kanina ang lahat, parang ako na ang nagduda sa sarili ko. You treat me as your friend but I doubted you."

Umiling-iling siya. "No, you're not."

"Yes, I doubted you and I am really really sorry for that." I smiled. "Let's move on? You said sorry. I said sorry, too."

"But-"

"Hindi ka pa kumakain. May pizza kaming binili roon." Putol ko sa iba niyang sasabihin.

"Pizza?!" sigaw niya na lumiwanag na ang mukha.

Mahina akong natawa. "Sabi ko na, e. Bakit ba kasi hindi ka kumakain, ha?"

Nagbaba siya ng tingin. "Eh kasi..."

"Nagi-guilty ka?"

Tumango siya.

"Don't be. Kung 'yung mga umiwan nga sa akin na kaklase na'tin ay walang konsensya, nagagawa pang kumain ng apat na beses sa isang araw, ikaw pa kaya na gumawa ng paraan para matulungan ako?"

"They helped-"

"Shhh.. Don't talk. Kumain na lang muna tayo, okay?" putol ko sa iba niyang pang sasabihin saka ko inangkla ang kamay ko sa braso niya. Wala na akong pake sa iba naming kaklase. Bahala na sila sa buhay nila. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa kanila.

"Okay."

Bago pa man din niya mabuksan ang pinto, bigla na lang akong may naalala kaya marahan kong Hinila ang braso niya para kunin ang atensyon niya.

"Yes?"

"Bakit mo pala ako hinahanap sa kanila no'n? Eh alam mo namang bawal kaming mga babae ro'n."

Natahimik siya. Nakatulala lang siya kaya binitawan ko ang braso niya. "Tell me the truth, Tev."

"Gusto kang paalisin ni Deth sa section namin. Nahulaan niya na pupunta ka sa club na 'yon. Naisip niya na kung makikita mo kaming gano'n... ikaw na mismo ang aalis. Hindi na niya kailangang umisip ng iba pang paraan bukod sa pagpapahirap sa'yo para mapaalis ka." Paliwanag niya.

Napakuyom ang mga kamay ko. "That ass-"

"But to be honest, what he did was only to save you and-"

Tinakpan ko ang bibig niya. Ayaw kong pag-awayan namin ang tungkol do'n.

Paglabas namin, saktong nakasalubong namin si Leo. Nag-iwas ito ng tingin. "I'll wait you two in the car. Papasok pa tayo."

Tiningnan ko si Tev na hindi rin nakatingin kay Leo. Mukhang may alitan yata. Naiiritang kinuha ko ang kamay ni Leo at inangkla ang braso ko.

"Bitawan mo 'ko!" sigaw niya na ikinagulat namin ni Tev.

"Huwag kang maarte."

Nang makarating na kami sa kusina, bigla na lang akong tiningnan ni Leo nang masama kaya bumitaw na ako sa kanila ni Tev. Magkahiwalay sila ng upuan at ang bakanteng upuan sa gitna nila ang inupuan ko. Nagsimula na silang dalawang kumain habang ako, pinagmamasdan lang sa sila.

"Bakit ang tahimik niyo naman yata?"

Binaba ni Tev ang pizza niya sa box at tumingin sa akin. "Luna, hindi ka ba galit kay Leo?"

Napatingin ako kay Leo at ganun din naman siya sa akin pero nag-iwas siya ng tingin kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Galit ako pero nabawasan naman kasi siya ang nagbigay linaw sa akin ng lahat dahilan para hindi ka mawala sa akin. Nanghihinayang kasi talaga ako sa'yo. You act like him."

Napatingin sa akin si Leo. "H-huh?"

"Ah kasi nakikita ko si Ced kay Tev. Parehas kayo matakaw tapos napaka inosente ng mukha niyo. Makulit din siya."

"C-Ced? Short for Cedric ba? 'Yan din ang huling pangalan na sinabi mo nang mawalan ka ng malay," sabi ni Tev.

Ngumiti ako. "My younger brother."

Tumango naman sila.

"Are you mad to us?" tanong ni Tev kaya nag-init ang ulo ko. "Sinong hindi magagalit sa kanila? Iniwan nila ako roon. Nagmakaawa kana lahat-lahat, wala pa rin silang gina-"

Umiling si Leo. "Sinabi ko lang sa'yo na si Steven ang nagmakaawa para tulungan ka pero hindi mo naisip kung sino ang nagbuhat sa'yo at tumulong sayo para mabigyan ng lunas."

H-huh? 'Di ba natagpuan ako nina Blaze sa likod na nakahiga sa sahig kaya-

"Chaos carried you while Steven was begging to Deth to help you. We can't fight him but I know Chaos was ready to take you to the hospital even if it means that he would be against Deth but surprisingly, Deth ran towards you. He carried you and brought you to the clinic in the club despite the danger he may face."

Nanatiling nakatanga ako kay Leo habang nakatitig siya sa pizza na hawak niya.

Did Blaze lie to my face?

"Alam niyang delikadong pumasok doon dahil sa mga napuruhan naming mga kasamahan nila sa labas pero wala siyang pakialam. Hindi namin alam na may clinic doon, siya lang ang tanging may alam. I'm sure that Deth asked Blaze to keep this a secret kaya huwag mo ng sabihin sa kaniya na sinabi namin." Dagdag pa niya.

Marahas namang bumuntong-hininga si Tev. "Ako, si Deth, Steven, Leo, Wolf, Storm, Gabriel, at River ang pumasok sa club. We saved you, Luna." May diin niyang sabi sa 'we' kaya natulala na lang ako sa mukha niya.

Niligtas ako ni Chaos? Si kamatayan naging superhero? Ang ganda naman ng version ng kamatayan na meron sa kwento ko. Maging sina Storm, Leo, Gab, Wolf, at River may puso?

"We all cared for you."

Natahimik ako sa sinabi ni Tev.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 109 52
Having a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo n...
22.4K 482 21
Gaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's...
66.3K 2.3K 25
"It becomes chaos when the hunters are now the ones to be hunted." °°° In an Organization, there is a ruler. In a game, there are players. And when a...
3.3K 428 28
Everything seems perfect in Shinnel's life, but no one knows how her life is. She planned out everything she should do. She sets rules for herself: n...