SAAVEDRA QUADROPLETS #1: Scho...

By maylenfronda22

62.5K 2.2K 129

They say....... "The psycho's do not know how to love." But why is this King of Psycho named Sycho Saavedra a... More

P R O L O G U E
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 πŸ”žSLIGHT SPGπŸ”ž
CHAPTER 23
CHAPTER 24 πŸ”žSPGπŸ”ž
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29 πŸ”žSPGπŸ”ž
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48- Dessert
CHAPTER 49-⚠️
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
EPILOGUE (Part 1)
EPILOGUE (PART 2)
SYCHO POV
NEW STORY ALERT❗❗
NEW STORY ALERT❗❗
Sycho pov

CHAPTER 39

601 25 7
By maylenfronda22

NAPAMULAT ANG masingkit na mga mata ni Shantelle nang maramdaman niya ang paulit-ulit na paghalik ng isang tao sa tungki ng ilong niya at ang mahigpit na pagyakap nito sa kaniya.

Bumungad sa kaniya ang gwapong mukha ni Sycho. Nakangiti ito sa kaniya , mas lalong lumakas ang pag tibok ng kaniyang puso dahil ngiti nito  kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit.

She cried at his chest.

"Shhh.... I'm  here." pagpapatahan ni Sycho sa kaniya ng maramdaman nito ang pagkabasa ng dibdib nito.

Hinimas-himas pa nito ang buhok ni Shantelle. "Tired?" mahinang tanong nito sa kaniya.

Tumango si Shantelle at hinirap si Sycho. Pinunasan nito ang pisngi ni Shantelle bago siya nito hinalikan sa labi.

Hinawakan ni Sycho ang mukha ni Shantelle at tinitigan ng mabuti sa mga mata.

"K-kumusta nga pala si White , y-yung baby?" awkward niyang tanong , saka nag iwas ng tingin.

Bumuntong hininga ito. "I don't know."

Kumunot naman ang noo niya at taka itong tinitigan.

"Pero may n-nangyari sa inyo. Ikaw ang a-ama nong baby  kaya nararapat lang na alam mo kung ano ang sitwasyon ng mag-iina mo—"

"Walang nangyari sa amin ni White, nagising na lang ako na nasa tabi ko na si White  na dapat ikaw,  nakahubad siya at maging ako. She said we've fvck , pero alam kong wala dahil memoryadong-memoryado ko pa ang mga nangyari noong gabing 'yon."

Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo. Tinitigan niya mabuti ang mala kulay dagat nitong mata. Napaiwas siya ng tingin dahil sa iba't-ibang emosyon na nakita niya sa mga mata nito.

"At kung may balak man akong mambuntis , gusto ko ikaw lang." namamaos na bulong ni Sycho sa tainga niya kaya mariin siyang napapikit.

"I-I want s-space."

Bumitaw naman ito sa pagkakayakap sa kaniya at bahagya itong umusog kaya inismiran niya ito.

"Sy."

"What?" inosenting tanong nito.

Bumuntong hininga siya. "I want space— I mean a-ayaw muna k-kitang m-makita." pahina ng pahina niyang wika.

"What?! Why?" kunot ang noo nito.

"Masakit pa."

"You're hurt , my baby was hurt.." he whispered. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Then , let me heal your wounded heart." wika pa nito bago hinalikan ang kamay ni Shantelle.

Umiling siya. Nais niyang hilumin mag-isa ang kirot na nararamdaman niya. "G-gusto ko munang lumayo...." wika niya habang nakatitig sa kisame. "....s-sayo."  minsan kasi mas better pang mag-isa.

"Is that my baby want?" kalmadong tanong ni Sycho.

Unti-unti niyang itinango ang kaniyang ulo.

Napabuntong hininga naman ito. "Okay. I will let you , but."

Napabaling siya rito.

"I will let you , pero hayaan mo muna ako ngayon sa gusto ko. I want to be with you kahit ngayong gabi lang hanggang bukas ng umaga."

Kaagad naman siyang ngumiti at tinanguan ito.

Niyakap siya nito. "I love you." he suddenly whispered to her ears.

"I know." tanging sagot ni Shantelle na ikinabuntong hininga nito.

"Kumain kana ba?" tanong nito sa kaniya.

Umiling siya. "Hindi pa."

"Sa kusina tayo, ipagluluto kita." nakangiting wika nito bago bumangon.

"Ayy...." tili niya ng bigla na lamang siya nitong binuhat at nag lakad patungo sa kusina.

Pinaupo lamang siya ni Sycho sa upuan , habang ito ay nagluluto ng makakain nilang dalawa.

"Ano ba iyang niluluto mo?" tanong ni Shantelle habang nakatitig sa likod ni Sycho. "Ang bango."

Napangiti naman si Sycho. "Its called calderita."

"Matagal ba pa iyan?"

"Malapit na."

"Nga pala,  nasan si tita Zamelle?" takang tanong ni Shantelle.

"Umalis , may pupuntahan raw."

"Gabi na eh."

Nagkibit balikat lamang si Sycho at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Ilang sandali ang lumipas  at natapos na rin ito sa pagluluto. Naglagay ito sa isang bowl at nakangiting nilagay iyon sa hapag kainan.

"Let's eat?" tanong ni Shantelle kay Sycho.

Tumango ito sa kaniya at kumuha ng dalawang pinggan at kutsara. Ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa pinggan ni Shantelle bago ito umupo sa tabi niya at sabay silang dalawa  nagsimulang kumain.

"Ang sarap!" hindi maisawang kumento ni Shantelle.

"Just like me."

Naibuga naman Shantelle ang kinakain dahil sa sinabi nito.

"The fvck?!" Kaagad na nagsalin ito ng tubig at pinainom iyon kay Shantelle. "You okay?" nakangising tanong nito sa kaniya.

Inirapan niya ito at bumulong-bulong. "Di ka naman masarap , tongono 'to!"

"Oh , really?" he playfully asked. "Sabihin mo lang kung gusto mo , I'm free." wika nito at idinipa pa nito ang dalawang kamay.

Ngumiwi naman siya. "Hindi ka naman talaga , period." mataray niyang wika at nagpatuloy sa pagkain.

"Gusto mo lang yata akong tikman , eh!" pang-aasar pa nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata ngunit ngumisi lamang ito sa kaniya. "Ako'y tigil-tigilan mo , Sycho , kumakain tayo baka masakal kita!"

"Kalma lang , baby Shan ko." taas kamay na wika nito na animoy sumusuko na at tumawa pa kaya inirapan niya na lamang ito.

"Ako na ang maghuhugas." presenta ni Shantelle , pagkatapos nilang kumain ni Sycho.

"Ako na , umupo ka na lamang diyan at panoorin mo ang gwapo mong boyfriend na maghugas." nakangiting wika nito.

Inismiran niya lamang ito at umupo na lamang saka pinanood itong maghugas ng mga kinainan nila.

"Akalain mo nga naman , oh! Isang Sycho Saavedra na naghuhugas ng mga plato." wika niya at tumayo saka ito nilapitan.

Niyakap niya si Siycho mula sa likuran nito. Inamoy-amoy niya pa ito kaya napabaling naman ang ulo nito sa kaniya.

"Wanna join?"

Umiling lamang siya. "Bilisan mo na iyan."

Ilang minuto ang lumipas at natapos rin ang paghuhugas nito sa mga pinagkainan nilang dalawa.

"Tara na." pag-aaya ni Shantelle at naunang umalis sa kusina.

Sumunod naman kaagad si Sycho sa kaniya. Napasipol pa ito ng mapansin ang suot ni Shantelle , nakacycling short at  maluwag na t-shirt.

Tinampal nito ang pang-upo niya. "Fat-ass." his voice was husky.

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ito saka kinurot sa tagiliran. "Umayos-ayos ka!" may pagbabanta sa boses niya.

Hinapit naman nito ang beywang niya at tinitigan nito ang mukha niya. "Bakit?" may mapaglarong ngiti sa labi nito. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya.  "Anong gagawin mo?"

"W-wala."

"Kiss me." utos nito sa kaniya.

"H-huh?"

Umikot ang asul nitong mga mata at ito na mismo ang humalik sa kaniya. Suwabe itong humalik kaya naman tinigunan niya ang mainit nitong halik at napahawak na rin sa batuk nito.

"Let's go?" habol hiningang tanong nito sa kaniya ng maghiwalay ang labi nilang dalawa.

Tumango na lamang siya at nagpatianod sa paghila nito sa kaniya.

NASA KAMA na ang dalawa , nakahiga at mahigpit na magkayakap. Masyado nang malalim ang gabi ngunit hindi pa sila tinatamaan ng antok.

Tiningala ni Shantelle si Sycho. "Can you sing a song for me?" mahinang tanong ng dalaga sa binatang mahigpit na napayakap sa kaniya habang humihimas sa buhok niya.

"Sure." masayang sagot nito.

Tumikhim muna si Sycho bago nagsimulang kumanta. "I love you, baby
And if it's quite all right
I need you, baby
To warm these lonely nights
I love you, baby trust in me when I say." seryuso ang mukha niya maging ang boses, habang kinakanta ang mga katagang iyon.

"Oh , pretty baby
Don't bring me down I pray oh , pretty baby
Now that I found you, stay and let me love you
Baby , let me love you...." mahina  kanta ni Sycho.

Akmang dudugtungan niya pa iyon ng mapansin niyang tulog na ang dalagang kaya mahina siyang napatawa habang umiiling at hinalikan ang buhok ng nito.

Inayos niya muna ang puwesto nilang dalawa at nagpasiyang matulog na rin.

Kinaumagahan, tahimik lamang na nagiimpake ng mga damit si Shantelle. Naisipan niya kasing sa Isla Sandoval na muna siya. Maganda  kasi roon at tiyak na makakapag-isip isip siya ng maayos tungkol sa nangyari sa kaniyang mga magulang.

"You alright?" tanong ni Sycho habang nakatitig kay Shantelle na tahimik na nagiimpake. "Hey"

"Hmmm..?"

"I said you alright?" pag-uulit nito.

Bumaling siya sa binata at tumango. "Yup , I'm fine." sagot niya at muling tumahimik.

Ilang besis pang tinawag ni Sycho si Shantelle ngunit hindi na siya nito binalingan.

"Hey! Talk to me."

Tiningala niya ito. "Aalis nga pala ako mamaya." pagpapaalam niya. "Dadating na mamaya yung sasakyan ko."

Bumuntong hininga ito at tumango. "Have a safe trip." pilit ngiting wika nito.

Tumayo ito at lumapit sa kaniya. Tinulungan siya nitong mag-ayos sa  bagahing dadalhin niya roon  sa Isla Sandoval.

ISANG ORAS  ang lumipas at ngayon ay nasa rooftop sila ng bahay , tinatanaw ang helicopter na papalapit sa gawi nilang dalawa. Iyon ang sasakyan ni Shantelle patungo sa Isla Sandoval.

Mahigpit niyang niyakap si Shantelle. "Umuwi ka sakin pagpuwede na." bulong niya sa tainga ng dalaga.

Tumango si Shantelle sa kaniya at ngumiti. "Thank you for coming into my life , thank you for making me smile and laugh, thank you for constantly asking me if I'm okay when I'm not , thank you for making me comfortable when I'm with you. Thank you for everything you've done for me , Sycho." maluha-luhang wika ni Shantelle.

Humiwalay siya sa pagkakayakap rito at binigyan niya ito ng halik sa noo. "You're always welcome, my baby Shan remember that."

"Babalik ako , promise. Uuwi ako sayo."

Ngumiti siya. "Maghihintay ako."

"Tatawag ako." wika pa ni Shantelle. "Sunduin mo ako pagtinawagan kita , huh?"

Tumango siya. "Just call me and I'll be there." seryusong sagot niya at muli itong niyakap.

Ilang minuto ang lumipas at tuluyan na itong nagpaalam sa kaniya. Sumakay si Shantelle sa helicopter at nakangiting kumaway kay Sycho. Unti-unting pumaibabaw ang helicopter.

Nang mawala sa paningin ni Sycho ang helicopter na sinasakyan ni Shantelle ay  malungkot siyang napangiti. "Just call me at least once I'll come to you right away, I'll pick you up I'll take you home my love."

Tumalikod siya at naglakad paalis sa bahay ng mga Sandoval. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan at minaniho iyon pabalik  sa PU.

_____________
Salamat sa pagbabasa!

FB: Binibining May WP
GP: BINIBINING MAY WP GP

Continue Reading

You'll Also Like

62.6K 3.7K 36
He had to run away. They can't find him. They wont find him. Right?
55.3K 1.1K 43
"Kahit na there is no forever as long as we're together there is an happily ever after" "after happily ever after i know that, it's either me or you...
2.2M 128K 44
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...