My Husband is Gay

By Jejelobsss

98.4K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 11

1.9K 93 15
By Jejelobsss

Chapter 11: Suyuin

Napasimangot nalang ako ng madatnan ko na walang inahandang pagkain sa'kin si Ay-Ay at wala na din siya.

Galit pa siguro siya. Kagabi nga ay pinatulog niya talaga ako sa sofa sa kwarto namin at dahil natatakot ako sa'kanya ay sumunod nalang ako. At ito ako ngayon, iniinda ang sakit ng leeg ko pagkagising ko.

Akmang bubuksan ko ang reef ng makita ko ang padlock. Naka lock ang reef! Grabi naman magalit talagang Ay-Ay na yun. E masisisi niya ba ako kung bakit ako sumunod sa'kanya dun sa Reb Bar.

Napaupo ako sa stool, "Suyuin ko kaya ang baklang yun?" tanong ko sa sarili ko.

May napanood kasi ako noon na isang love story sa tv. Kapag galit si babae ay sinusuyo ni lalake. Pero dahil magkabaliktad kami ngayon ay ako na ang susuyo sa'kanya para naman mawala ang galit niyun sa'kin.

Naghanap ako ng flour dito at buti nalang ay hindi niya nilock ang kabinet sa taas. Marunong akong mag bake kaya gagawan ko siya ng chocolate cupcake.

Napatingin ako sa orasan at kung sinuswerte ka nga naman. Marami pang oras ang natitira sa'kin bago magsimula ang klase namin.

Sinimulan ko na ang pagbake ko. Nahihirapan pa nga ako dahil nag-iingat akong hindi matalsikan ng mga ingredients ang suot kong puting pang nurse ba. Med student nga ako diba?

Pagkatapos kong ilagay sa oven ay nilinis ko ang mga kalat ko at sakto namang kakatapos kong maglinis ay ang pagtunog din ng oven na tanda na tapos na.

Nilagyan ko ng icing ang ginawa kong chocolate cupcake at puro 'sorry' ang inilagay ko sa cupcake gamit ang icing. Inilagay ko iyun sa isang box na kulay pink. Bale tatlong box ang dala ko ngayon dahil ang isa ay para kay Danreb, baka kasi galit din sa'kin yun. At ang isa naman ay kila Vero, trip ko lang silang bigyan. At syempre ang isa ay sa asawa kong galit na galit sa'kin ngayon.

Lumabas naman ako ng bahay at tinulungan ako ni Manong driver sa pagbuhat ng tatlong box. Ngiting ngiti ako habang nakatingin sa tatlong box na dala dala ko, hindi ko maialis ang tingin ko dito.

Pagkarating ko sa university ay mabilis akong bumaba at naglakad papunta sa building nila Ay-Ay. Maraming mga estudyante din ang napapatingin sa'kin kaya nginingitian ko nalang.

"Nandyan po ba si Ay-Ay?" tanong ko sa lalakeng nasa pinto ng room nila Ay-Ay.

Tiningnan naman niya ako at ngumiti.

"Tatawagin ko lang." bigla nalang siyang pumasok sa loob.

"Aywayne, hinahanap ka ng asawa mo!" rinig kong tawag ng lalake.

Napangiti naman ako sa narinig ko. Asawa mo? Parang kinikilig ako 'a.

Napatayo naman ako ng maayos ng lumabas na si Ay-Ay ng nakakunot ang noo habang tinitingnan ako.

"What are you doing here?" bumalik naman siya sa pagiging maarte niya.

"Ah... para sayo." inabot ko sa'kanya ang isang box.

Nakataas ang isang kilay niya habang tinitingnan niya ito at tiningnan ulit ako.

"Para saan yan?"

Napayuko naman ako, "Ginawa ko yan para mag sorry sa g-ginawa ko kagabi p-pero ok lang kung ayaw mong tanggapin." pero sana tanggapin mo.

Nagulat naman ako ng bigla niyang abutin iyun at tiningnan. Napangiti naman ako, mabuti tinanggap niya.

"Ok, apology accepted." sabay talikod niya sa'kin pero bago pa siya makapasok sa room nila ay hinawakan ko ang laylayan ng long sleeves niya na hindi naka tuck in.

Kunot noong tumingin siya sa'kin, "Why?"

Inilabas ko pa ang isang box sa plastic, "Pwede bang pakibigay din ito kila Vero at Lance?" ngumiti pa ako.

"Bakit narinig ko ang pangalan ko dyan ha?"

Napalingon naman ako sa pinto at lumabas dun si Vero kasama si Lance. Napangiti ako at lumapit sa'kanila.

"Para sa'inyo. Ginawa ko yan, kainin niyo 'a."

Napa 'oh' naman sila at tiningnan ang loob ng box.

"Oh shit, chocolate cupcake!" sigaw ni Vero.

Nawala ang ngiti ko, "B-Bakit ayaw mo ba niyan?" dismayado kong tanong.

"Of course not! Chocolate is my favorite!" ngiting ngiti na sabi niya.

Napangiti ako at tiningnan si Lance na nakangiti din sa'kin.

"Thanks. Mamaya titikman na namin ito." tumango lang ako sa'kanya at tumingin kay Ay-Ay.

Nagtaka naman ako dahil iba ang tingin niya kila Vero at parang may ibinubulong pa siya.

"Aalis na ako 'a?" paalam ko sa'kanya.

"E di umalis ka na." inirapan na naman niya ako.

Napangiti ako, "Sorry ulit. Bye bye." bumaling pa ako kila Vero at kumaway.

Naglakad na ako papaalis pero bago pa man ako makaalis ay tumakbo ako papalapit kay Ay-Ay na nasa labas pa sabay halik sa pisngi niya na ikinagulat niya ng husto.

"Sorry ulit, sana alisin mo na ang lock sa reef at sana tabi na tayo matulog." mabilis ang pagsalita ko sabay takbo na nakangiti.

Ang lambot ng pisngi niya.

Pagkarating ko sa room namin ay nakita ko si Danreb na nakikipag kwentuhan sa isang babae. Nang magtama ang tingin namin ay tiningnan di ako ng babae na at naupo na sa pwesto niya.

Lumapit naman ako kay Danreb at inilapag ko ang natitirang box na dala mo sa mesa niya. Naupo ako at tumingin sa harap.

"Ano to?" tanong niya.

Tiningnan ko siya, "Box, ano pa ba?"

Sinamaan niya ako ng tingin, "Anong laman?"

"Pwede mo naman buksan at tingnan diba?"

"Alam mo-" hindi ko na siya pinatapos magsalita ng inunahan ko na siya.

"Chocolate cupcake yan. Ginawa ko yan para mag sorry." napanguso ako at yumuko.

"Bakit ka naman magsosorry sa'kin?" tiningnan ko ulit siya.

"E kasi baka galit ka sa'kin dahil sa ginawa ko kagabi."

Tiningnan niya ako ng mabuti atsaka ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko na ikinasimangot ko. Nagulo na tuloy ang buhok ko na inayos ko talaga ng mabuti kanina.

"Hindi 'a. Si Aywayne lang ang galit sayo pero hindi ako." tapos tumingin siya sa box, "Akin na ito 'a? Huwag mo ng bawiin." yinakap pa talaga niya ang box.

Natawa nalang ako at hindi na nagsalita ng pumasok na ang prof namin.

Napatigil naman ako sa paglalakad papunta sa cafeteria ng tumunog ang phone ko. Mag isa na naman ako ngayon dahil may iniutos ang isa naming prof kay Danreb kanina. Kinuha ko naman ang phone ko at nangunot ang noo ko ng mabasa ang isang text ng secret admirer ko.

Secret admirer talaga ang inilagay kong pangalan.

Ang ganda mo talaga lalo na nung kagabi. Tsk, hindi nga lang kita malapitan dahil dumating ang asawa mo.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang text niya. Sino ba itong secret admirer ko? Natatakot na ako sa'kanya 'a baka masama pala siyang tao.

Huwag mo akong katakutan. Hindi naman ako masamang tao.

Muntik ko ng mabitawan ang phone ko ng mabasa ko na naman ang isang text niya. Napatingin ako sa paligid. Nandito ba siya? Bakit niya nalaman ang iniisip ko ngayon?

"Huwag ka ngang humarang sa daan."

Napatalon ako sa gulat at nabitawan ko din ang phone ko na hawak ko. Napatingin ako sa likod ko at nakakunot ang noo ni Ay-Ay ang bumungad sa'kin. Kukunin ko na sa a ang phone ko na nalaglag pero napalunok ako ng biglang kunin iyun ni Ay-Ay at tiningnan.

Salubong ang kilay niya ng tumingin sa'kin ulit at iniharap sa'kin ang phone. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa text ng secret admirer ko. Binasa niya!

"Sino 'to?" tanong niya.

Napalunok ako sa sobrang lamig ng boses niya.

"Ah... hindi ko din alam 'e. Secret admirer nga diba." napanguso ako.

Tiningnan niya ulit ang phone at tumingin sa paligid. Hindi ko alam kung narinig ko ba siyang nagmura o ano?

"Simula ngayon hindi ka na gagamit ng selpon!" sigaw niya at umalis na.

Sinundan ko siya ng tingin ng nagtataka. Ano na naman yun? Galit pa rin ba siya sa'kin? Atsaka hindi pwede kailangan ko ng phone! Siguro kulang pa ang pagsusuyo ko sa'kanya kaya ganyan siya.

"Nandito ka pa pala? Tara na, kain na tayo." bigla akong inakbayan ni Danreb na kakarating lang pala.

Tumango nalang ako at pumunta nalang kami sa cafeteria. Mabilis ang oras ang lumipas, namalayan ko nalang na uwian na. Nagpaalam naman sa'kin si Danreb na uuwi na siya.

Nagmadali akong lumabas at hinanap ang kotse namin. Kailangan kong mauna sa bahay para maipagluto ko si Ay-Ay, susubukan kong magluto kahit hindi ako marunong. Gusto kong mawala na ang galit sa'kin ng asawa ko noe.

Pagkapasok ko sa kotse ay sinabihan ko si Manong na bilisan ang pag da-drive para makarating agad ako sa bahay.

Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako sa itaas. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala pa si Ay-Ay dito. Nagpalit ako ng damit at tumatakbo pa ako pababa ng hagdan buti nalang sanay na ako dahil kung hindi ay kanina pa sana ako nakabulagta sa sahig.

Nag prito ako ng apat na hita ng manok. Tinitiis ko nalang ang sakit sa balat ko dahil sa tumatalsik na mainit na oil. Namumula na din ang kamay at braso ko.

Nag prito din ako ng hotdog at bacon. Prito lang talaga muna ang kaya kong gawin sa ngayon dahil kung magluluto ako ng mga filipino dishes.

"What are you doing?"

Napangiti ako at tumingin kay Ay-Ay na kakauwi lang. Inilapag ko naman ang mga niluto ko sa mesa.

"Nagbabasa, siguro?"

Inirapan naman niya ako at naupo sa gitna. Kinuha ko naman ang glass pitcher at nilagyan ko ang baso niya ng juice.

"Yan. Masarap yan 'a. Ako nagluto niyan." nakangiting sabi ko habang nilaglagyan ang plato niya ng niluto kong ulam.

"Hindi nga lang kasing sarap ng niluluto mo. Alam mo na, hindi ako ganun kasarap magluto. Mabuti nga nakapag luto ako ng hindi sunog-" napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan niya ang kamay ko at tiningnan iyun.

"A-Anong ginagawa mo?" sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Mag papa-check up na talaga ako nito. Hindi na ito normal. May sakit na siguro ako sa puso.

"Anong nangyari dito?" tanong niya habang tinetrace ng daliri niya ang mga pulang marka na natalsikan ng mainit na oil ang balat ko.

"Nung nagluluto kasi ako ay natatalsikan ng mainit na oil itong balat ko pero tiniis ko nalang para sayo din naman itong niluto ko." napangiti ako.

Tiningnan niya ako, "Bakit?"

"E kasi naman galit ka pa rin sa'kin 'e kaya sinusuyo kita sa pamamagitan ng pagbe-bake ko at pagluluto ko ng mga yan." napabungisngis na ako.

"Tss." napailing iling pa siya habang tinitingnan ang mga paso ko.

"Kumain ka na, gagamutin ko yan mamaya."

Napatango naman ako at kumain kaming dalawa ng tahimik lang. Napapangiti naman ako habang sinusulyapan siyang kumakain. Magana siyang kumain ngayon 'a.

Naubos niya lahat ng ulam namin na ikinatawa ko nalang. Siya na din ang nag volunteer na naghuhugas ng plato dahil sasakit daw ito.

Nakaupo lang ako habang tinitingnan siyang mag hugas. Nang matapos siya at kinuha niya ang first aid kita at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay siyang cream sa balat ko.

Nakatingin lang ako sa mukha niya. Hindi niya naman napapangiti dahil busy siya sa ginagawa niya.

"Mabait ka naman pala." nasambit ko.

Napatigil siya at tiningnan ako. Nakatitig lang kami sa isa't isa habang mabilis ang pagtibok ng puso ko. Nag iwas siya ng tingin.

"Tss." pinagpatuloy nalang niya ang ginagawa niya.

Nang matapos siya sa paggamot sa balat ko ay nauna na akong umakyat para makapag palit ng pantulog na damit.

Napahiga ako sa malambot na kama at nawala ang ngiti ko tsaka ako napangiwi dahil sa sakit ng kamay at braso ko. Nakangiti lang ako kanina sa harap ni Ay-Ay para itago ang sakit na nararamdaman ko. Peste naman kasing oil yan. May pa uso uso pang tumalon talon habang inilalagay ang ipriprito ko.

Namalayan ko nalang na nakatulog na ako dahil sa pagod. Hindi ko na naintay ang pagpasok ni Ay-Ay.

Kahit natutulog ako ay may matigas na braso akong naramdaman na yumakap sa bewang ko at nalanghap ko ang pabango niya ramdam na ramdam ko din ang paghigpit ng yakap niya. Napasubsob ako sa matigas niyang dibdib.

Napaka kumportable ko sa pagkakayakap niya sa'kin at parang nawala ang sakit at pagod na nararamdaman ko kanina.

"Good night..." hindi ko na narinig ang idinugtong niya dahil hinila na ako ng matinding antok.

Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umaga na pala. Babangon na sana ako pero napatigil ako dahil sa paghigpit ng isang braso sa pagkakayakap sa bewang ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapatingin ako sa likod ko. Si Ay-Ay! Tulog na tulog siya at parang agaw akong pakawalan dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa'kin. Nakadantay ang hita siya sa hita ko.

Hindi naman ako makagalaw. Tinitingnan ko lang siya na mahimbing na natutulog. Napangiti ako at idinampi ko ang daliri ko sa pointed nose niya. Pati sa labi niyang nakapout. Napabungisngis ako, ang cute niya.

"Ilayo mo yang daliri mo sa labi ko. Kung hindi hahalikan kita."

Nanlaki naman ang mga mata ko ng magsalita siya. Gising na pala siya. Napabangon naman ako at hindi makatingin sa'kanya dahil nahihiya ako.

"Good morning asawa ko." sabay punta niya sa banyo.

Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Ano daw? Asawa ko?!

Omyghad! Gusto kong magpagulong gulong sa kama dahil sa kilig na nararamdaman ko pero tumili nalang ako sa isip ko dahil nahihiya naman kapag naabutan niya akong gumugulong sa kama.

Mukhang good mood ngayon ang asawa ko 'a. Epektibo talaga yung ginawa kung pag suyo sa'kanya.

A/N: Add niyo Jejelobss Wp ko gezz para malaman niyo kong kailan ud or kung may ask kayo hehe.

Wag din kayong mainip sa ud dahil kapag may load naman ako ay pinapaulanan ko naman kayo haha.

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
Finding Islam By ﷽

Teen Fiction

422K 35.5K 92
-- Life works in mysterious ways. King Patterson never really thought about life in depth. He did not care much for his future. He did not plan. Ther...
9.2K 183 43
Obsession series #1 Heather Florence and Hale Lorenzo Brave Obsession ...
2K 51 28
She's a happy girl and a lovable person. She always think of her family. He's such a rude man. His time is precious so don't waste it.