My Husband is Gay

Autorstwa Jejelobsss

98.5K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... Więcej

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 9

1.8K 92 6
Autorstwa Jejelobsss

Chapter 9: Possessive

"Bumisita ka ulit sa'min ha?" nakangiting sabi ko kay Dwayne.

Nasa harap ng bahay na nila kami ngayon. Inuwi ko na siya dahil may pasok pa daw siya ngayon. E ako nga lang ang kasama niya pag punta dito sa bahay nila dahil ang magaling niyang Kuya ay hindi namin naabutan sa bahay ng magising kami kanina. Hindi man lang ako sinamahan na ihatid ang kapatid niya.

"Opo, tapos bumisita din po kayo dito ni Kuya. Matutuwa po si mama." nakangiting sabi nito.

Mas lalo akong napangiti at kinurot ang pisngi niya. Hinalikan ko na siya sa pisngi at tumayo ng maayos.

"Pasok ka na sa'inyo. Bye bye." kumaway pa ako.

"Bye po."

Tumango at ngumiti na lang ako bago tumalikod pero hahakbang na sana ako ng mapatigil ako dahil may humawak sa'kin. Napatingin naman ako kay Dwayne na siyang pumigil sa'kin. Nag squat ako para magpantay kami.

"Ba-" napatigil nalang ako sa pagsasalita ng bigla niya akong halikan sa pisngi at biglang tumakbo kasama ang yaya niya.

Napabungisngis nalang ako at hinawakan ang kaliwang pisngi ko. Ang sweet naman ng batang yun, hindi katulad ni Ay-Ay na mukhang pinaglihi sa sama ng loob.

Pumasok na ako sa kotse at pinaandar naman iyun ng driver ko. Wala kasing Ay-Ay akong nakikita kapag nagigising ako, tanging ang luto lang niya ang parating bumubungad sa'kin kaya kumuha na ako ng driver ko para naman may mag hatid sa'kin. Wala akong aasahan kay Ay-Ay.

"Bakit nakasimangot ka?" natatawang tanong ni Danreb ng makapasok na siya.

Naupo siya sa tabi ko, "E kasi naman hindi kami parating nagsasabay na pumasok ni Ay-Ay, palagi siyang nauuna kaya palagi akong nahuhuli."

Napatingin ako sa'kanya. Kita mo 'to, nagbubukas na naman ng sweets. Hindi ba nasisira ang ngipin nito? Puro sweets yung kinakain niya pero imbis na sawayin ko ay hindi ko naman magawa dahil mahilig din ako sa sweets. Kaya pag parating may dala siyang mga sweets ay parati kaming dalawa ang umuubos.

"Ok lang yan, at least nakakapasok ka." sabay subo ng pagkain niya.

Kumuha naman ako at hindi na nagsalita. Nag ayos naman kami ng upo ng dumating ang prof namin. Nakalimutan ko palang sabihin na Bachelor of Science in nursing ang kinuha kong course. Gusto ko kasi yun 'e, matagal ko ng pangarap. Pinaghirapan ko pa ang pag exam para lang makapasok dito sa university kahit noon ay hindi ko naman alam kung saang university ako ipinasok nila mama.

Pagkatapos ng break at ng klase ay lunch time na. Nag order ako ng lunch ko at umupo sa bakanteng puwesto dito. Wala ngayon si Danreb dahil may gagawin pa daw siya kaya mag-isa lang ako.

Napaigta naman ako ng biglang may lumapag ng tray sa mesa ko. Napa-angat naman ako ng tingin at halos masamid na ako dahil si Ay-Ay pala ito. Isa itong himala! Mabuti't naisipan niyang maupo sa mesa ko.

"Mag picture daw tayong dalawa, utos ni mama." at umupo siya.

Napasimangot naman ako. Akala ko pa naman kaya siya pumunta dito para samahan akong mag lunch. Pero ok na yun, at least mag pi-picture kami.

"Sige!" napangiti ako.

Lumapit ako sa'kanya. Nakataas ang braso niya habang hawak ang phone at nakatutok sa'min ang camera ng phone. Napangiti naman ako sabay wacky.

Tiningnan ko ang picture namin pero nadismaya naman ako dahil hindi nakangiti si Ay-Ay.

"Ngumiti ka naman." sabi ko.

"Ayoko nga."

"Ang pangit mo kapag hindi ngumingiti. Paano nalang kapag nakita yan ng mga boys mo?" nananakot na ba ako?

Natawa naman ako ng lumaki ang mga mata niya at inirapan nalang ako.

"Fine."

Nag picture ulit kaming dalawa at nakangiti na siya. Tiningnan ko ulit yung picture. Ang ganda ko talaga at ang gwapo talaga niya 'a. Napatingin naman ako sa'kanya ng hablutin niya ang phone niya at tumayo.

"Aalis ka na?" may lungkot ang boses ko.

"Yeah. Bye." at tinalikuran na niya ako.

Tiningnan ko lang siya na papalayo sa'kin at bumuntong hininga. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng lunch ko.

Pumunta muna ako sa may garden dito. May vacant pa naman kami kaya ayos lang na hindi muna ako pumunta sa building namin, mababagot lang ako dun kaya mabuti pang dito muna ako tumambay. Naupo ako sa may bench na malapit sa malaking puno kaya hindi ako natatamaan ng araw.

"Pwedeng maki-upo?"

Napatingin naman ako sa lalakeng nakaupo sa tabi ko habang nakangiti siya sa'kin. Bakit lahat nalang yata ng lalakeng nakikila ko 'e gwapo? Pero mas gwapo pa rin talaga si Ay-Ay.

"Nakaupo ka na nga 'e."

Napangiti pa siya lalo, kitang kita ko ang nakakasilaw sa puti niyang ngipin. Ang gwapo niya kapag ngumingiti.

"So, ikaw ang asawa ni Aywayne?" tanong nito bigla.

Napatango naman ako. Siguro isa din siya sa mga batch ni Aywayne. Lahat yata ng batch niya ay nandun sa kasal namin. Samantalang ako, ay si Danreb lang. Siya lang naman kasi ang kakilala ko dito 'e.

"Hmm, bakit?" takang tanong ko.

Tumango tango naman siya at biglang ginulo ang buhok ko.

"Ang ganda mo pala. Bakit kaya hindi pa nagiging lalake yang si Ay-Ay gayung ganito kaganda ang asawa niya." hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano?

Natawa naman ako kahit nahihiya, "Hindi na talaga yun magbabago kahit may maganda siyang asawa pero ayos lang, tanggap na tanggap ko naman siya." napangiti bigla ako.

Natigilan naman siya at tiningnan ako ng mabuti na ikinataka ko. Bigla nalang siyang ngumiti.

"You like him?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

"Paano ko naman siya magugustuhan? E napaka sungit niya, napaka arte niya atsaka malabong magustuhan ko ang katulad niya kahit pa tanggap na tanggap ko kung ano siya. At isa pa ay hindi niya rin naman ako magugustuhan kaya parehas lang kaming ayaw sa isa't isa." mahabang lintaya ko.

"Woah. Woah." napataas pa siya ng kamay niya at tumawa, "Oo at hindi lang naman ang tanong ko pero napaka haba naman ng sinabi mo."

Napakamot naman ako ng batok siya hiya at napayuko. Oo nga naman, Miracle. Oo at hindi lang dapat ang sabihin ko pero sumubra na yata yung sinabi ko.

"Ehem." tumikhim siya, "Ako nga pala si Lance Darion, kaibigan ako ni Vero at ka fling ni Aywayne."

"Fling? Anong fling?" takang tanong ko.

Napakamot siya ng ulo, "Paano ko ba sasabihin ito?" tanong niya sa sarili niya na ikanakunot ng noo ko.

Ngumiti siya sa'kin, "Kalandian ni Aywayne, yun na lang. Hirap i-explain 'e."

Kahit yun lang ang sinabi niya ay naintindihan ko naman. Pero ang ipinagtataka ko kung bakit bumigat ang nararamdaman ko? Tiningnan ko siya ng mabuti at dun lang nag sink in sa'kin na nakita ko na siya!

Napaisip ako bigla. Saan ko kaya siya nakita? Napaka pamilyar kasi niya sa'kin 'e. Napatingin ako sa garden at nalaglag ang panga ko.

Sa park.

Napatingin ako kay Lance na nakatingin sa mga ibon. Siya yun! Siya yung lalakeng nakita ko na kasama ni Ay-Ay sa park! At siya din ang lalakeng kahalikan niya! Hindi ko inakalang makikilala ko talaga yung kahalikan ni Ay-Ay noon 'a.

"Oh, natulala ka ba sa kagwapuhan ko?" napakurap kurap naman ako sa'kanya at nag iwas ng tingin.

"Hindi 'a. Mas gwapo naman si Ay-Ay kesa sayo noe." hindi ko alam kung bakit nasambit ko na naman si Ay-Ay.

Namula ako bigla kaya napayuko ako, baka makita niya.

"Mas gwapo kaya ako sa baklang yun."

Napatingin ako sa'kanya, "Saang parte ka gwapo?" ang totoo, gwapo talaga siya pero aasarin ko muna.

Nawala ang ngiti niya at napasimangot, "Grabi ka naman. Ganyan ba talaga kapag may asawa na? Yung asawa lang nila ang nakikitang maganda o gwapo?"

Natawa naman ako at hindi sumagot. Napatingin ako sa mga ibon na lumilipad at ang ilan ay umaawit dahil sa huni nila. Napakapayapa naman dito.

"Buti natatagalan mo ang kasungitan ni Aywayne." bigla siyang nagsalita.

"Kaya nga 'e pero minsan nakakainis na." pero hindi ko maitatangging nagiging masaya ako kapag nag aasaran kaming dalawa.

"Masasanay ka din yan. Ako nga 'e sinusungitan niyan kapag mag kasama kami."

"Tinatanong?" bigla akong na badtrip.

Palagi kaya silang mag kasama? Kaya ba parating late umuwi si Ay-Ay dahil kasama niya itong si Lance? Ano kayang ginagawa nila kapag magkasama sila? At bakit palaging si Ay-Ay nalang ang nasa isip ko? Kainis.

Natawa naman siya, "Jealous?"

"Jealous? Juice ba yun?" kunot noong tanong ko.

Napakagat naman siya ng labi, mukhang nagpipigil ng tawa na ikinakunot ng noo ko lalo.

"I think Aywayne is right. You're so slow, stupid and pilosopo girl." natawa siya.

Sumama ang mukha ko. Ganun pala ako i-describe ni Ay-Ay sa mga kaibigan niya. Oo, totoo ang lahat ng mga sinabi niya pero nakakainsulto lang.

"Bakla, maarte at masungit naman siya." umirap ako bigla.

Bigla naman niya akong inakbayan na ikinagulat ko. Napatingin ako sa mukha niya, ngiting ngiti siya habang nakatingin sa garden.

"Lumayo ka nga sa'kanya." napatayo naman kami sa gulat ng biglang sumulpot si Ay-Ay at hinila niya si Lance kaya napalayo siya sa'kin.

Tiningnan ko naman si Ay-Ay na ang sama sama ng tingin sa'kin. Ano na namang nagawa ko?

"Huwag na huwag mo ng lalapitan itong lalakeng 'to ha? Akin lang 'to." nabigla ako sa sinabi niya.

Lahat nalang bang kilala kong lalake ay parating sa'kanya. Nainis ako bigla sa'kanya.

"E di sayo na! Isaksak mo pa sa baga mo yang si Lance!" napasigaw ako at tumakbo papaalis dun.

Pumasok ako sa girls restroom at napasandal sa pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit pakiramdam ko ay may mabigat na nakadagan sa'kin? Mabuti pa si Lance ay inaangkin ni Ay-Ay pero ako na asawa niya- nevermind.

Lumabas din ako ng umayos na ang pakiramdam ko. Bakit ko nga ba yun naramdaman? Pake ko naman sa'kanila noe. Kahit ilan pang lalake ang angkinin niya ay ayos lang sa'kin, bahala siya sa buhay niya.

Natapos ang discussion ng proof namin na hindi ko man lang nasilayan si Danreb. Siguro, marami ang inasikaso niya kaya hindi na nakapasok. Wala tuloy akong mapagsasabihan nitong nararamdaman ko.

Pumasok ako sa kotseng nag-aantay sa'kin. As usual, wala si Ay-Ay. Nauna na sigurong umalis. Pake ko ba sa'kanya, bahala nga siya. Bakit ko ba siya iniisip?

"Ano pong sabi niyo, Señorita?"

Napatingin ako sa driver ng magsalita. Kumunot ang noo ko.

"Nagsalita ba ako?" tumango naman siya sa'kin.

Wala akong natandaan na nagsalita ako. Baka... multo yung nag salita? Biglang nanlaki ang mga mata ko. Posibleng yung multo talaga ang nagsalita?! Omyghad, takot ako sa multo.

"Anong nangyayari sayo?" tumingin ako kay Ay-Ay na umupo sa tabi ko bago pa man umandar ang kotse.

"May multo kasing- ANONG GINAGAWA MO DITO?!" napasigaw ako bigla ng marealize kung nandito talaga siya, sasabay sa'kin umuwi!

Napapikit siya sa lakas ng sigaw ko, "Pag-aari ko din ang kotseng ito kaya huwag mo akong tanungin ng ganyan." tumaas ang isang kilay niya.

"E kasi naman ay isang beses ka lang sumasabay sa'kin pag-uwi." napanguso ako.

"Huwag ka ngang parating ngumuso, nakakadiri." nanginig pa siya sa pandidiri niya daw, "Atsaka, ngayon lang ako sasabay sayo pag-uwi dahil kailangan."

Napatango naman ako at hindi na nagsalita. Nakatingin lang siya sa labas habang ako ay pinagmamasdan siya. Bakit kaya kapag nandito sa tabi ko ang baklang ito 'e ang bilis na ng tibok ng puso ko? At may kung anong kiliti din akong nararamdaman sa tiyan ko? Siguro, bulate lang yung kumikiliti sa tiyan ko noe?

"Mas maganda ako kesa sayo noe?" bigla siyang nagsalita ng mapansing titig na titig ako sa'kanya.

Inirapan ko naman siya. Mas maganda kaya ako.

"Suwerte mo dahil nakakita kana ngayon ng isang tunay na diyosa." dagdag pa niya.

Tiningnan ko naman siya ng natatawa. Diyosa daw? E hindi naman siya maganda dahil gwapo siya.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay namin.

"Wait..."

Napahinto naman ako sa pagpasok ng bahay at napatingin kay Ay-Ay na nakatayo.

"Bakit?" takang tanong ko.

Humakbang siya papalapit pero huminto siya.

"Lumayo ka kay Lance."

Napangiwi naman ako. Yun na naman ang ka fling niya. Gusto talaga niya na sa'kanya lang ang kanya. Napaka damot naman nito.

"Paano ako lalayo 'e hindi naman na siya lalapit?" napairap siya sa sinabi ko.

"Basta, huwag mo siyang lalapitan o kung lumapit man siya sayo ay lumayo layo ka sa'kanya." at bigla niya akong binangga sa balikat kaya napaatras ako ng kunti.

Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa'kanya. Kailangan pa bang banggain ang balikat ko? Napaka ano talaga nitong bakla na ito!

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ng makapag bihis ako ng pangbahay. Nasa baba si Ay-Ay, nagluluto naman siya. Napatingin ako sa bawat sulok ng kwarto namin. Peach pala ang kulay ng buong kwarto namin, babaeng babae 'a at sa bawat sulok ng kwarto namin ay si Ay-Ay lahat ang nag ayos. Napaka ganda at creative ng mga ginagawa niyang pag aayos sa mga bagay bagay, bakla talaga ang asawa ko.

Naisipan ko namang bumaba na pagkatapos kung tumitingin sa kwarto namin. Napasandal ako at tiningnan ang likod ni Aywayne na busy sa pagluluto. Naka pink apron lang siya at wala siyang suot na pang itaas. Naka boxer lang siya.

Napatingin ako sa baba ng likod niya. Ang tambok, ang tambok ng...

"Huwag mong pagpantasyahan ang pwet ko kung ayaw mong tumama sayo sa pangit mong mukha itong sandok."

Napatalon ako sa gulat ng humarap sa'kin si Ay-Ay. Napanguso naman ako.

"Hindi ko naman pinagpapantasyahan ang pwet mo 'e."

Tiningnan niya lang ako ng masama at bumaling ulit sa niluluto niya.

Tiningnan ko pa ng isang beses ng pwet niya. Pati pwet, gwapo. Tsk, baliw ka talaga Miracle.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

9.2K 183 43
Obsession series #1 Heather Florence and Hale Lorenzo Brave Obsession ...
94.8K 3.1K 56
"I want to see you happy being my friend but how? When the time I saw you happy to the another man make me man too!" -Eric...
1.3M 70.1K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...