My Husband is Gay

By Jejelobsss

110K 4.6K 417

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 8

2.1K 96 3
By Jejelobsss

Chapter 8: Kapatid

“Kuya!”

Napatigil naman ako sa pag akyat ng marinig ko ang malakas na sigaw at iyak ng isang bata sa may pool. Kumunot ang noo ko at imbis na dumiretso sa taas ay pumunta ako sa may pool.

Napanganga naman ako ng may nakita akong batang lalake na umiiyak. Namumula ang pisngi at mata niya. Naka pout din siya. Ang cute naman ng batang ito.

“Hoy bata, anong ginagawa mo dito ha? Sino ka?” tanong ko dito at lumapit sa’kanya.

Sa pag kakaalam ko ay wala namang bata kaming inaalagaan ni Ay-Ay ‘e. Saan ba galing ang batang ito? At paano ito dito nakapasok? Pero hindi naman imposibleng hindi siya makapasok dito dahil may pinto naman kami. Ang laki pa nga ng pinto kaya kasyang kasya ang maliit na batang ito.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak ng malakas.

“Huwag mo kasing takutin.”

Napatingin naman ako kay Ay-Ay na may bitbit na baso ng gatas. Napatayo naman ako.

“Kuya!” sigaw ng bata na ikinagulat ko.

Lumapit ito kay Ay-Ay at yinakap ang binti niya. Ang cute nilang tingnan.

“I told you to call me Ate or Sistah not Kuya.” masungit na sabi niya dito.

“But you’re boy!” nakangusong sabi ng bata.

“Kapatid mo yan?” gulat ko pa ring sabi at itinuro ang bata.

“Hindi ba obvious?” umirap naman siya.

Naglakad siya kahit nakayakap ang kapatid niya sa binti niya. Hindi ko naman mapigilang matawa habang nakatingin sa’kanila. Naupo si Ay-Ay at inaabot sa kapatid niya ang gatas na dala niya kanina.

“Ubusin mo yan ha?” utos niya sa kapatid niya at may kinuha siya na kung anong bagay at ikiniskis niya sa kuko niya.

Napatingin naman ako sa kapatid niyang naubos na pala ang gatas at nakatingin sa’kin. Napangiti naman ako at lumapit sa’kanya. Lumuhod ako para magpantay kaming dalawa.

“Hi, what’s your name? Ayaw kasing sabihin ng kuya mo ‘e.” napanguso naman ako

He giggled, “My name is Dwayne Del Vecho.”

Ang ganda naman ng pangalan nila noe? Lalo na kay Ay-Ay. Samantalang ako isang himala, kasalanan bang– este Miracle pala.

“How old are you na?” ngiting ngiting sabi ko.

Again, napabungisngis naman siya. Ang sarap kurutin ng pisngi niya ‘e, ang tambok at chubby din ang braso at hita niya.

“I’m...” natigil naman siya habang binibilang ang maliliit niyang kamay, natawa naman ako.

“I’m 10 years old!” masayang sigaw niya habang pumapalakpak pa.

Hindi ko na naman mapigilan ang matawa at pisilin ang pisngi niya.

“4 years old ka pa lang, duhh edad mo lang ay hirap na hirap ka ng magbilang.” biglang singit ni Ay-Ay.

Nanlaki naman ang mga mata ko lalo na ng makita ko ang pamumula ng mata at ilong ni Dwayne habang nakatingin sa kuya niya.

“You’re bad! Kapatid mo siya!” sigaw ko sa’kanya at malakas kong tinampal ang braso niya.

“Ouchi, that’s hurts!” sigaw din niya sa’kin.

Inirapan ko na lang siya at binuhat si Dwayne. Pumasok na lang kami sa loob at naglakad papunta sa taas.

“Ang galing!” nagpapalakpak na sabi ni Dwayne ng ilapag ko siya sa kama.

Napangiti naman ako at kinurot ulit ang pisngi niya.

“Stay here, ok? Magbibihis lang ako.” hinalikan ko siya sa pisngi bago pumunta sa walk-in closet ko.

Mabilis naman akong nakapag palit ng damit at binalikan si Dwayne sa kama. Napangiti naman akong natutulog siya habang yakap yakap si baby Ay-Ay ko na natutulog din.

Hindi ko na muna ginising si Dwayne. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Naabutan ko naman dun si Ay-Ay na nagluluto habang rumarampa siya na hawak ang sandok. Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. Kahit ganyan siya ay hindi pa rin maaalis ang kagwapuhan at kakisigan niya noe.

“Tinatawanan mo ba ako?” singhal nito ng makita ako.

Napatigil naman ako at tumingin sa’kanya.

“Hindi. Yung sandok ang tinatawanan ko.”

Napa ‘aww’ na lang ako ng bigla niya akong batuhin ng orange. Hindi ko nailagan yun dahil sa bilis ng ginawa niya. Ang sakit ng mukha ko!

“Bwesit! Ang pilosopo mo talaga!” inis niyang sigaw.

Tiningnan ko naman siya ng masama, “Bwesit! Ang bakla mo talaga!” ginaya ko ang pag sigaw niya.

Namula siya bigla sa inis at bigla na naman akong binato ng prutas pero ngayon ay nailagan ko na. Natatawa naman akong napatingin sa’kanya pero nagulat nalang ako ng bigla niya ulit akong batuhin ng prutas mabuti na lang ay nailagan ko ulit.

Tumakbo ako sa kaliwa ng bigla siyang tumakbo papunta sa’kin. Ngayon ay nasa kanan siya habang nasa kaliwa ako.

“Ah yan gusto mo ha. Sige, magbatuhan tayo ng prutas!” sigaw ko sa’kanya at binato siya ng prutas pero nakailag din siya.

Imbis na magalit ay tumatawa na lang ako kapag nagpapalitan kami ng pagbato ng prutas. Madumi na din dito sa kusina dahil sa mga juice na nasa prutas na pinagbabato namin sa isa’t isa.

“Kuya! Ate!”

Napalingon ako kay Dwayne na nakatingin sa’min habang nanlalaki ang mga mata.

“Miracle.”

Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapatingin ako kay Ay-Ay dahil first time niya akong tawagin sa pangalan ko! Pero natumba ako ng sumapol sa’kin ang mansanas na binato niya! Sapol sa mukha ko!

“A-Aray! Ang sakit!” mangiyak ngiyak kong sigaw habang nakahawak sa mukha ko.

Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Ay-Ay sa buong kusina.

“You’re bad! You’re so bad, Kuya!” iyak na sigaw ni Dwayne at lumapit sa’kin.

“I told you yo call me Ate or Sistah!” malakas na sigaw ni Ay-Ay.

Nakahiga pa rin ako at hindi inaalis ang palad ko sa mukha ko.

“Ate, are you owkay po?” iyak na tanong ni Dwayne ang bumungad sa’kin ng tanggalin ko ang palad ko a mukha ko.

“Mukha bang ok ang Ate mo. Sarap mo ding batuhin ng prutas ‘e.” nakangusong sabi ko.

Naupo naman ako at tiningnan siya na umiiyak pa rin. Napangiti naman ako at pinahid ko ang luha niya sa matambok niyang pisngi gamit ang thumb ko.

“Don’t cry na, ok? Ok lang ako.” nakangiting sabi ko.

“That was fun!” natatawang sigaw ni Ay-Ay ang narinig ko.

Tiningnan ko naman siya na nakalapit na pala sa’min.

“Ang daya mo ‘e.” nakasimangot na sabi ko.

“Tss, ang sabihin mo tatanga tanga ka lang.” nakangising sabi niya.

Inalahad naman niya ang palad niya kaya napatingin ako dun. Hinawakan ko naman iyun at hindi ko alam kong bakit may kuryenteng dumaloy kaya ng nakatayo na ako ng maayos ay mabilis kung hinablot ang kamay ko. Nagtaka naman siya pero binalewala na lang niya.

“Ate, your nose is so red.” sabi ni Dwayne.

Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ko ang ilong ko. Nanginginig ko naman iyun na tiningnan.

Dugo!

Dumudugo ang ilong ko!

“Hey...” yinugyog ni Ay-Ay ang balikat ko pero bigla na lang nandilim ang paningin ko.

At bago pa ako mawalan ng malay at matumba ay nasalo na ako ni Ay-Ay habang narinig ko naman ang pagpalahaw ng iyak ni Dwayne.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ng may naramdaman akong may dumadampi ng kung ano sa ilong ko.

Nakangiting mukha ni Dwayne ang bumungad sa’kin.

“You’re awake!” pumapalakpak na sabi niya.

“Hindi ako gising, tulog na tulog pa ako ‘e.” sumimangot ako at naupo.

Nasa kama na pala ako ng kwarto namin. Ang natatandaan ko ay nawalan ako ng malay kanina ng makita ko ang dugo sa daliri ko galing sa ilong.

“You nevah told me that your afraid in blood.”

Napatingin ako kay Ay-Ay na kakapasok pa lang. Hindi ko minsan maintindihan ang sinasabi niya ‘e.

“Hindi ka naman nagtatanong kaya paano ko sasabihin?”

Tinaliman na lang niya ako ng tingin, “Mukhang ok ka na. Bumaba na kayo, kakain na.” at lumabas na siya.

Napatingin naman ako kay Dwayne ng bigla itong bumungisngis.

“Ang cute niyo pong mag-asawa.”

Napanguso naman ako, “Saan mo naman nalaman na mag-asawa kami? E hindi ko naman sinabi sayo.”

“Kuya Aywayne told me that... mag-asawa kayong dalawa.” nakangiting sabi nito.

Naisip ko bigla na bakit hindi ko ito nakita nung wedding namin ni Ay-Ay? Kaya akala ko talaga ay nag-iisang anak lang siya.

“Bakit pala hindi kita nakita nung wedding namin ng Kuya mong bakla?” tanong ko habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

“Nasa Disney Land po ako!” sigaw niya at ngumuso.

Natawa naman ako sa kakyutan niya. Kaya pala wala itong batang ito dun kasi nagbabakasyon.

“At ngayon ka lang bumalik?”

“Opo. And I have pasalubong to my Kuya.”

Napabusangot naman ako, “E ako? May pasalubong ba ako?”

Tumabingi naman ang ulo niya, “Si Kuya lang po ang binanggit ko, hindi po kasali ang pangalan niyo kaya dapat pa po bang tanungin iyun?”

Aba’t sarap ipagulong itong batang ito sa hagdan ‘a. Parehas sila ng Kuya nila.

Pinaupo ko siya sa upuan na nasa inihanda ni Ay-Ay para makakain ng maayos si Dwayne. Nakangiti lang ako habang nakatingin kay Ay-Ay na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Dwayne. Kahit hindi man niya sabihin ay nakikita ko naman ang pagmamahal at pagpapahalaga ni Ay-Ay sa kapatid niya.

“Mabuti pa si Dwayne, lalakeng lalake. Samantalang ikaw, inaheng manok.” napanguso ako.

Natigil naman si Ay-Ay sa ginagawa niya at binalingan ako. Napaayos naman ako ng upo dahil sa sama ng tingin niya.

“Isang salita mo pa, ipapasubo ko sayo itong tinidor.” pinakita niya pa ang tinidor na hawak niya.

“Si–” napatigil naman ako sa pagsasalita ng pinalakihan niya ako ng mata.

Napabusangot naman ako at kumain na lang. Narinig ko naman ang pagbungisngis ni Dwayne, inirapan ko na lang ang batang ito.

“Kuya–”

“Isa pang tawag saking Kuya, i-shoshoot kita dyan sa basketball.” pagputol ni Ay-Ay sa sabihin ni Dwayne.

“Napaka–” napatigil na lang ako bigla ng duruin niya ako ng tinidor, napalunok ako habang nakatingin sa tinidor na nakahinto malapit sa labi ko.

“Sinabi ko bang magsalita ka?” nakataas kilay na sabi nito.

Napasimangot na lang ako at kumain kahit medyo maiiyak na ako. Gusto ko lang naman magsalita ‘e. Napaka sungit niya. Batuhin ko siya dyan ng mansanas katulad ng ginawa niya sa’kin kanina.

“How can I call you Ate if you are not girl?!” nakasimangot na sigaw ni Dwayne.

“Porke lalake ay hindi na pwedeng tawaging Ate ha?” masungit naman na sabi ni Ay-Ay.

Grabi talaga ‘to, kahit kapatid niya ay walang takas sa kasungitan niya.

“Yes! Because you don’t have a petchay, you have a hotdog!”

Nasamid ako bigla dahil sa sinabi ni Dwayne. Dali dali naman akong uminom ng tubig at napahinga ng malalim. Saan nakuha ni Dwayne ang ganung words?! Bigla tuloy akong namula ng maalala ko yung hinimas ko. Tsk.

“What?!” hindi makapaniwalang sigaw ni Ay-Ay.

Wala naman akong ginawa kundi ang magpalipat lipat ng tingin sa’kanilang dalawa dahil hindi ako pwedeng mag salita.

“Hotdog po ang sayo, katulad sa’kin. Hindi petchay. Kaya Kuya ang tawag ko sayo. Kahit anong sabihin mong tawagin kitang Ate ay Kuya pa rin ang itatawag ko sayo!” mahabang sigaw ni Dwayne.

Nalaglag ang panga ko habang nakatingin ka Dwayne. Grabi yun ‘a, ang haba ng sinabi ng batang ito ng hindi nabubulol. Hindi ko mapagilang pumalakpak at tumayo.

“Tama yan, Dwayne. Wala siyang petchay, hotdog lang ang meron siya!” tuwang tuwang sabi ko kahit hindi ko alam kung anong ibig sabihin nila sa petchay at hotdog.

Nakatingin lang sila sa’kin ng hindi ngumingiti kaya napatigil ako at tumikhim. Naupo ulit ako ng hindi gumagawa ng ingay at dahang dahang sumubo. Kanina lang ang ingay nila tapos nung ako na ang nag-ingay ay ang tahimik na nila.

Tahimik lang kaming kumakain ng tatlo. Sa sobrang tahimik ay kulang na lang ay ilaglag ko ang mga plato dito.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa sala at nanood kami ng cartoons. Yun ang gusto naming dalawa ni Dwayne kaya sala ng nagawa pa si Ay-Ay na ilipat sa ibang channel at umiiyak din si Dwayne kapag nililipat sa ibang channel kaya ngayon, nakabusangot si Ay-Ay habang nanonood.

“Dapat pala palaging nandito si Dwayne.” nakangiting sabi ko at iniripan lang ako ni Ay-Ay.

“Hanggang bukas lang po ako dito, Ate.” nakasimangot ang mapupulang labi ni Dwayne.

Ang pula ng labi niya gaya ni Ay-Ay. Siguro paglaki nito ay gwapo din ito.

“Bakit?” kinurot ko ang pisngi niya.

“Kila mommy na pow ako kashi pupunta po kayo sa school. Atsaka may school din po ako.” napanguso siya.

Natawa na lang ako sa kakyutan niya at niyakap ng mahigpit. Binitawan ko din siya bago ko pa siya masakal dahil nangigigil ako.

“Ayos lang yan, baby. Bibisita ka naman dito ulit diba? O kaya kami ang pupunta sa’inyo kasama ang kuya mo.”

Nagpapalakpak naman siya sa tuwa, “Really? Tapos pasyal tayo ‘a?”

“Yes naman.”

Nakangiti ako habang nanonood. Hindi ko mapigilan ang saya ko habang nakayakap sa’kin si Dwayne. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, parang gusto ko na din magka-baby at si Ay-Ay ang daddy pero paano ako magkaka-baby ‘e hindi ko naman alam kung paano gawin yun noe. Ayaw naman kasing sabihin nila mama at Ay-Ay ‘e di sana ngayon pa lang ay may inaalagaan na ako at may kalaro na sana si Dwayne.

Tiningnan ko si Dwayne na nakatulog na pala, naka pout pa ang mapulang labi niya. Ang cute cute niya talaga. At ngayon ko lang napansin na may pagkakahawig silang dalawa ni Ay-Ay. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka ganito din kakyut si Ay-Ay nung bata pa siya.

“Kailan kaya kami magkakaroon ni Ay-Ay ng baby?” wala sa sariling tanong ko.

“Pag puti ng uwak.”

Nagulat naman ako ng magsalita si Ay-Ay. Narinig niya pala ang sinabi ko. Napangiti ako.

“Talaga? Kailan yun?”

Inirapan niya ako at binuhat na si Dwayne. Pumunta na sila sa taas habang ako ay hindi na naman mapigilan ang inis na nararamdaman.

Malalim akong napaisip.

Pagputi ng uwak? Kailan kaya yun?

Continue Reading

You'll Also Like

8K 386 10
♰ 𝐑𝐄𝐕𝐎𝐋𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 city's on fire but it's         beautiful, revolution! ✧ ˚  ·    .   ❪ in which i randomly make graphics! ❫   lotto's current...
7.4K 166 5
The 2 princes of the Wind and Mist kingdom are paired up for an arranged marriage to stop the war between the kingdoms. Find what happened next!
10.2M 640K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.2K 59 15
President Nouvelle Eloise Valeria have upholded several images inside their school community, one is that she's the most intimidating yet most succes...