My Husband is Gay

By Jejelobsss

98.3K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 10

2K 95 7
By Jejelobsss

Chapter 10: Away

Tahimik lang kaming kumakain na dalawa. Tanging kutsara't tinidor lang ang maingay sa dining room. Napatingin ako sa'kanya, pinagmasdan kong mabuti ang paggalaw niya.

Parang babaeng babae kong kumain at ngumuya. Hiniwa niya ang beef steak niya at tinusok ng tinidor sabay subo. Wow, napakahinhin naman kung kumain.

"Kapag hindi ka pa nag iwas ng tingin, tutusukin ko kayang dalawang mata mo."

Nakain ako bigla ng kinakain ko sa sinabi niya at nag iwas ng tingin. Tinitingnan ko lang naman siya 'e, basta talaga kapag tumitingin ako sa'kanya ay ayaw na ayaw niya. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin ng matapos kaming kumain habang siya ay umakyat na.

Pinunasan ko ng towel ang kamay ko at aalis na sana ng biglang tumunog ang phone ni Ay-Ay na naiwan pala niya dito. Napatingin muna ako sa may sala, baka bigla kasing sumulpot si Ay-Ay.

Tiningnan ko ang phone ni Ay-Ay, isang text ang nabasa ko.

Mamayang 10 sa Red Bar. Kasama ang barkada!

Kumunot ang noo ko ng mabasa ko iyun. Napatayo nalang ako bigla ng sumulpot si Ay-Ay at ngitian ko nalang siya. Tiningnan niya ako bago kinuha ang phone niya at umalis.

Red Bar? Ano kaya yun? At saan yun? Napatingin ako sa hagdanan at nag-isip isip. Kung sundan ko kaya siya mamaya? Parati nalang kasi siyang madaling araw kong umuuwi 'e. Wala naman masama kong sundan ko siya ng hindi niya nalalaman and besides, asawa naman niya ako. Dapat malaman ng babae ang mga ginagawa ng kanilang asawa, naalala ko ang sinabi sa'kin ni mama noon.

Umakyat naman ako at pumanta nasa kwarto namin. Tanging lamp shade lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid. Napatingin ako sa may veranda at nakita ko ang anino niya dun.

Pumasok muna ako sa banyo para mag toothbrush at maghilamos.

Kinuha ko ang ternong pink pajama at pang itaas na pangtulog ko. Sinuot ko na din ang pink rabbit shoes ko. Sinilip ko muna siya sa veranda at nakatalikod siya sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko ng humarap siya sa'kin pero bago pa man niya ako makita ay tumakbo na ako papunta sa kama at dumapa sabay taklob ng comforter. Kailangan kung mag kunwaring tulog at kapag naramdaman ko ng umalis na siya dito sa kwarto namin ay dun na ako susunod sa'kanya.

Naramdaman ko ang pag higa niya sa tabi ko. Kaya naman ay tumalikod ako sa'kanya at nag kunwaring natutulog.

"Good night, asawa kong bakla." sambit ko habang nakapikit.

Maya maya pa ay hindi ko namalayang sa pagkukunwari ko ay natuluyan na akong nakatulog pero dahil malakas ang pakiramdam ko ay naramdaman kung umalis siya sa kama. Tinalasan ko ang pandinig ko kahit nakapikit ang mga mata ko.

Narinig ko ang pagbukas ng sliding door ng walk in closet niya at maya maya pa ay sumara ito. Nasinghot ko pa talaga ang pabango niya. Talagang pupunta siya sa bar na tinutukoy ng kung sino man yung nag text sa'kanya 'a.

Bumukas ang pinto at sumara din ito. Narinig ko ang papalayong yabag niya kaya naman ay iminulat ko na ang mga mata ko at napatingin sa pinto. Bumangon naman ako sa kama at dali daling pumasok sa closer ko.

Anong susuutin mo? Hindi pwedeng utong pantulog ko ang susuutin ko noe.

Natigil naman ako ng may nahagip ang mata ko na isang dress na kulay red. Hindi ako nagdalawang na kinuha ko iyun kasama ang stiletto.

Dahan dahan naman ang hakbang ko pababa ng hagdan at tumitingin tingin sa madilim na paligid. Napatalon pa ako at muntik ng sumigaw ng may humarorot na sasakyan papalayo mabuti nalang natakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko.

Pumara naman ako ng taxi at nakahinga naman ako ng maluwag ng may isang kotseng naligaw dito.

"Manong, alam niyo ba kung saan ang Red Bar?" tanong ko sa driver.

Sumulyap naman siya sa rear view mirror at tumango.

"Sigurado ba kayong dito kayo pupunta, ma'am?" tanong ng driver ng huminto na ang kotse sa Red Bar daw.

Ngumiti naman ako kay Manong, "Opo, salamat po." at inabot ko sa'kanya ang bayad sabay labas.

Napahinga naman ako ng malalim at ibinaba ng kunti ang dress ko. Hapit na hapit ang katawan mo sa dress na ito at maiksi din, kitang kita ang legs ko. Hindi ko inakalang may ganito akong dress 'e hindi naman ako mahilig sumuot ng mga ganitong dress. At isa pa itong stiletto ko, ang taas. Natatakot tuloy akong humakbang, baka matapilok ako bigla. Hinawakan ko naman ang red shoulder bag ko. Oha, lahat red color ang suot ko ngayong gabi.

Lumapit naman ako sa isang makisig na lalake at sinuri niya ako ng mabuti.

"Sino ka?" tanong niya.

Napakagat naman ako ng labi, "I'm Miracle Camino - Del Vecho."

Yeah, karugtong na ng apelyido ko ang apelyido ni Ay-Ay. Asawa ko na nga siya diba?

Biglang napayuko ang lalake na ikinataka ko.

"Pumasok na po kayo." wala naman akong nagawa kundi ang pumasok nalang.

Napalunok ako ng pagkapasok na pagkapasok ko palang ay bumungad sa'kin ay maingay, madilim pero may iba't ibang kulay ang umiilaw. Napakalakas ng hiyawan ng mga taong nagsasayawan kahit sobrang lakas na ng tugtog.

Ganito pala ang bar.

Dahan dahan naman akong naglakad at pumunta sa may bar counter. May mga taong umiinom at nag sisigarilyo.

Ugh, bawal akong makalanghap ng usok ng sigarilyo!

Naupo ako sa stool at ngumiti sa lalakeng naghahalo ng inumin ata. Tinanong niya ako kung gusto ko daw uminom pero umiling lang ako. Napatingin ako sa gilid at sa mga taong nagsasayawan sa gitna pero hindi ko mahanap si Ay-Ay.

Nasaan ba ang baklang iyun?

"Fuck, ang sarap ng lasa!" nangibabaw ang pamilyar na boses ang narinig ko kahit ang lakas ng tugtog at ng hiyawan ng mga tao.

Nanlaki ang mga mata ko ng napatingin ako sa lalakeng papalapit dito sa may bar counter habang may hawak na wine glass sa dalawang kamay at may nakahawak din na babae sa braso niya.

Shock, anong ginagawa niya dito?

"Hoy, bakit ka nandito?" napatayo ako ng makalapit siya sa pwesto ko.

Ngumiti siya sa'kin at pansin ko ang pamumungay ng kyut niyang mga mata.

"Hi. You're hot, baby " sabay inom niya ng hawak niya pero bigla niyang naibuga at napatingin ulit sa'kin ng nanlalaki ang mga mata.

"Shit! Miracle?!" gulat niyang sigaw.

Nameywang naman ako, "Opo, ako ito si Miracle. Hindi ka lang bumalik sa school kanina ay nakalimutan mo na ako, Danreb?" napanguso ako.

"What are you doing here?!" napaigta ako sa sigaw niya, kahit naman malakas ang hiyawan at tugtog ay nagulat pa rin ako sa pag sigaw niya sa'kin.

"Babe, sino siya?" napatingin ako sa babaeng nakahawak sa braso ni Ay-Ay.

Napangiwi ako sa suot niya. Sobrang napaka revealing ng suot niya, luwang luwa na ang dibdib niya noe.

"Bitawan mo nga ako!" nagulat nalang ako ng biglang itulak ni Danreb ang babae kaya bigla itong nawala sa paningin ko.

"Grabi ka naman dun sa babae. Nawala tuloy."

Napaigta ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat. Tiningnan ko ang mga mata niya, parang nawala bigla ang lasing niya 'a at parang hindi ko kilala ngayon si Danreb dahil ibang iba siya ngayon. Akala ko ay isip bata siya 'e.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito? At bakit ka nandito?"

Napalunok ako, "Ah kasi..." hindi ko naman maituloy dahil kinakabahan ako sa'kanya pero huminga nalang ako ng malalim at nagsalita.

"Sinusundan ko kasi si Ay-Ay 'e. Hindi ko nga siya mahanap." napakamot ako ng ulo.

Ginulo niya ang buhok niya at nameywang habang nakatingin sa'kin. Ok, parang ano siya kung tingnan... ah basta. Hindi kasi naka butones ang itaas ng white polo niya at kitang kita ko ang maputi niyang dibdib. Tapos gulo gulo pa ang buhok niya at mapupungay ang mga mata. Sinong babae ang hindi maaakit sa'kanya? Syempre, ako. Naaakit lang ako sa asawa ko noe.

"Stop staring at me. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko." hindi ko narinig ang huling sinabi niya.

Nag iwas naman ako ng tingin at tumingin nalang sa paligid.

"Tulungan mo naman akong hanapin si Ay-Ay, please?" kumapit ako sa braso niya at nag puppy eyes.

"Huwag ka ngang ganyan." nag iwas siya ng tingin sa'kin na ikinasimangot ko at nagkunwaring maiiyak na.

"Ok. Ok. Fine." napangiti ako sa sinabi niya.

Hinila ko siya sa maraming tao habang tumitingin kami sa kaliwa't kanan. Nasaan ba ang baklang yun? Kahit sa dancefloor ay nakipagsiksikan kaming dalawa pero wala talaga siya.

Napahinto kami sa may tabi at kinuha ko ang alak na dala ng waiter sabay inom. Napangiwi ako at halos masuka na sa pait ng lasa na gumuhit sa lalamunan ko.

"What the fuck?! Isa yan sa matatapang na alak!" galit na sigaw sa'kin ni Ay-Ay at kinuha ang wine glass na hawak ko sabay abot dun sa waiter.

"Sorry naman, hindi ko alam 'e."

Hinawakan niya ang braso ko at hinila sa kung saan.

"Saan tayo pupunta?" linakasan ko ang boses ko baka hindi niya kasi marinig dahil sa ingay.

"Sa asawa mo."

Nanlaki ang mga mata ko at napahinto kaya napahinto din siya.

"Kanina pa tayo naghahanap tapos alam mo pala kung nasaan siya!" sigaw ko sa'kanya.

Ngumisi lang siya sa'kin at kinaladkad na ako. Nakipag siksikan kami sa dami ng tao. Muntik na nga akong matapilok 'e. Nang papalapit na kami sa parte na kukunti lang ang mga tao ay biglang nawala ang kamay ni Danreb na nakahawak sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at hinanap siya pero hindi ko na siya makita.

Nasaan na siya?

Napaigta naman ako ng may humawak sa bewang ko.

"Hi."

Napatingala ako sa lalakeng humapit ng bewang ko.

"S-Sino ka?" kinakabahan na ako.

Hindi naman siya sumagot imbis ay hinila niya ako sa gitna ng dancefloor kung saan maraming nagsasayawan habang humihiyaw. Grabi naman ang energy nila, kanina pa sila talon ng talon at sigaw ng sigaw.

"Sayaw tayo." napaatras naman ako ng maramdaman ko ang mainit na hininga ng lalakeng ito sa tenga ko at talagang sininghot pa niya ang leeg ko.

Napasubsob ako sa dibdib niya ng hapitin naman niya ang bewang ko.

"Don't worry, baby. Sayaw lang naman tayo, hindi naman kita kakainin." bulong na naman niya kaya itinulak ko siya na ikinatawa lang niya.

Sumayaw sayaw siya habang nakahawak sa bewang ko. At nanindig ang mga balahibo ko ng pumunta siya sa likod ko at dun sumayaw habang hawak ang bewang ko.

"L-Lumayo ka sa'kin." naiiyak na ako.

"Paano kung ayaw ko?" bulong niya sa tenga ko at ramdam na ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga.

Napapikit nalang ako at nanalangin na sana ay makaalis ako dito. Maya maya pa ay nagtaka ako ng wala akong marinig na malakas na tugtog at hiyawan ng mga tao. Anong nangyayari?

Dahan dahan naman akong nagmulat ng mga mata at ang una kong nakita ay si Danreb na nakatingin sa'kin at tumingin siya sa likod ko. Napatingin naman ako sa likod ko at napasinghap ng makita ko ang lalakeng nakahiga sa sahig, dugo ang labi.

Hindi ko na siya nakita ng may humarang na malapad na likod sa'kin. Umangat naman ako ng tingin at kahit nakatalikod siya sa'kin ay kilalang kilala ko siya.

"Sinong nagbigay sayo ng karapatan na hawakan ang asawa ko?"

Napaatras ang ilan sa takot maski ako ay napaatras ng kunti dahil sa nakakatakot niyang boses. Hindi ko alam kung anong itsura niya ngayon pero ang alam ko lang ay nakakatakot siya at sa oras na ito ay hindi siya ang bakla kong asawa.

"Don't you dare touch my wife again, you bastard!." sinuntok niya pa ang lalake at bigla niya akong hinila.

Ang lalaki ng mga hakbang niya at rinig na rinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Nakalabas na kami sa bar at marahas niya akong ipinasok sa kotse niya. Muntik pa akong mauntog pero buti nalang nakayuko ako.

Pinaharurot niya ang kotse habang ako ay natatakot magsalita at pasulyap sulyap sa'kanya. Ganito pala siya kapag galit na galit na. Parang lalake talaga siya pero nakakatakot.

"A-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tingnan niya ako.

Napalunok ako sa klase ng titig niya kaya hindi ko na nagawang ibuka ang labi ko. Nakakatakot talaga siya 'e.

Nakarating kami sa bahay at nauna siyang lumabas. Inalis ko naman ang seatbelt ko at hinabol siya. Tinatanggal niya ang butones ng polo niya. Nakasunod lang ako sa'kanya.

Napatigil naman ako ng humarap siya sa'kin ng nakapamewang. Gulo gulo na ang polo niya at hindi narin naka tuck in ang kaliwang hati nito ang isa lang tapos nakabukas din ang butones kaya kitang kita ko ang maputing dibdib niya.

Mukhang mas naaakit talaga ako sa ayos niya ngayon mesa kay Danreb.

"Bakit mo ako sinundan dun?" walang emosyon niyang sabi pero alam ko naman na galit siy.

"H-Hindi kita sinundan 'a." unang beses kong mag sinungaling!

Tiningnan niya ako ng matalim na parang nagsasabi na kapag hindi ko sinabi ang totoo ay ibabalibag niya ako.

"Ok... s-sinundan nga kita kasi l-lagi ka nalang madaling araw kung umuwi." napayuko ako.

"Ano namang pake mo kung madaling araw na akong umuwi?"

Napatingin ako sa'kanya, "Asawa kita kaya may-"

"Asawa sa papel. Asawa lang kita sa papel." putol niya sa sasabihin ko.

Nangilid naman ang mga luha ko kaya napayuko ako. Ayokong makita niya akong umiiyak.

"Dahil diyan muntik ka ng mapahamak. Itaktak mo kasi sa utak mo na asawa mo lang ako sa papel at asawa lang din kita sa papel." matigas niyang sambit at umakyat na siya sa taas.

Napahawak naman ako sa may hagdan sa panghihina habang nakatingin sa'kanya. Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko.

Asawa sa papel? Ang sakit, bwesit.

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
24.1K 788 39
THIS STORY IS NOW PUBLISH ON Ebook/Wattpad Stories Addicts [EWSA 1 OG]. on going palang. Sana magustuhan niyo.
1.7M 120K 44
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
72.9K 1.6K 38
What if the virginity you are keeping has been taken away by a gay man and your life has turned upside down because of what happened that night, what...