DARK SECTION

By MsDzayr

1.3M 53K 20K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

11: Worn Out

18.3K 893 170
By MsDzayr

| Worn out |

LUNA'S P. O. V

Tapos na ang trabaho ko at isa-isa na akong nagpaalam sa kanila. Maaga ang out ko ngayon dahil adjustment palang ngayon. Bukas pa naman talaga ang pinakasimula ko sa trabaho. Mababait ang lahat sa akin maliban sa isa na panay ang parinig na kesyo hindi naman ako magaling at nakapasok lang ako dahil kay Raiven.

May ganun? May magaling sa pagkuha at paghatid ng order at paglilinis ng mesa? Sana all magaling!

"Huwag mo na lang intindihin si Shaina, kaka-break lang kasi nila ng jowa niya," mahinang sabi ni Ate Mika.

Ay may ganun? Ibubuntong niya sa iba ang galit niya?

Tumango nalang ako saka nginitian si Ate Mika at kumaway sa iba pang nagliligpit. Paglabas ko ng restaurant, binuksan ko na ang phone ko na iniwan ko kanina sa locker.

Tumingin ako sa phone ko at nakita ang mga missed calls ng mga hinayupak.

35 missed calls from Raiven.

52 missed calls from Alexus.

106 missed calls from Lucas.

May sa-sapak talaga itong Lucas na 'to. Shit. Hindi ako nakapagtext sa kanila. Malamang tumawag sila nang tumawag bago sumakay sa eroplano. Ganito naman sila lagi pag naiiwan ako.

Hinilot ko ang sintido ko at binuksan ang messenger. Nailing nalang ako nang makita ang group chat.

Ang daming chat mula sa tatlo at ang pangalan ng gc? Watsmiwip Watsmineyney.

Hindi na ako nagbackread at ang mga last chat nalang ang binasa ko.

Raiven: We arrived.

Alexus: Call or text us if you want us to bring you something specific.

Raiven: Lucas is crying until now!

Mahina akong natawa dahil alam kong ako ang dahilan ng pag-iyak ni Lucas. Ganito siya tuwing hindi ako nakakasama sa kanila kapag malayo. Mas excited pa nga siya sa akin na mag-eighteen na ako pero ngayon, kahit tumungtong ako sa edad na 'yon, marami akong mahalagang kailangang gawin at i-consider kaysa sa pagsama sa kanila.

Sa lahat ng kilos ko, kinakailangan kong isaalang-alang si Cedric.

Sinukbit ko ang bag ko saka sumakay ng jeep papunta sa Fallen Angel Club. Malayo ito at hindi kakayanin kung lalakarin ko lang. Nang makarating ako, inilugay ko ang buhok ko saka inilabas ko sa bag ko ang maskara at isinuot.

Nakapasok na ako sa Fallen Angel Club nang makipagkita sina Alexus, Raiven, at Lucas kay Blaze, ang President ng Fallen Angel. Isinara ito nang araw na 'yon para sa exclusive meeting. Tulad ng ibang leader, nakamaskara rin siya pero kung pagbabasehan ang boses niya, paniguradong ang mukha nito ay maamo dahil sa mahina at kalmadong boses nito. Sa kabila nito, nakakatakot itong magalit. Hindi siya ang president ng gang nila, kung hindi siya marunong magalit.

Hindi palaging nandito ang FAG. Kapag may mga meeting lang sila nagpupunta rito.

Naglakad ako pagpasok habang tinatanggal ang isang butones ng polo ko. Tiningnan ako ng bouncer pero hindi ko siya inintindi at inangat ko ang long sleeve ko. Kahit maliit ako kumpara sa mga napasok, may maskara akong suot, tanda na nakapunta na ako rito at pinagkakatiwalaan ni Blaze para makapasok dito.

Iilan lang ang mga pinapapasok nila rito at ang lahat ay may maskara na espesyal na ginawa para sa lahat ng miyembro o nakikipagkasundo sa kanila. Black Panthers and Fallen Angel Gang are bound of agreements at isa rito ay ang walang alitan sa pagitan ng dalawang gang at walang pasikretong papasok sa lugar. Well, bawat gang kasi ay eksperto sa pagpapadala ng spy kaya gano'n.

Well, hindi naman na ako parte ng Blood Gang kaya labas na ako sa agreement nilang 'yon. 

Pagpasok ko, napakaingay at panay nagsasayawang babae at lalaki sa dancefloor. Lahat ay nakasuot ng maskara. Tumingin ako sa phone ko at nakita 9:10 PM na kaya ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng club. Nanliit ang mga mata ko nang makilala ang likod ng apat na lalaki.

Sina Chaos, Wolf, Storm, at Deth.

May mga kalalakihang sumunod sa kanila na nakamaskara din at kung hindi ako nagkakamali ay mga kaklase namin.

Sa likod ng club ang punta nila. Lumabas ako para umikot papuntang likod ng club dahil ang tutunguhin nila ay kailangang tanggalin ang mask para makilala. Ayokong magkaroon ng issue sa mukha ko kaya pinili kong umiwas. Lumabas ako at sa likod ako ng Club ako dumiretso.

Nang makarating ako sa likod, pumwesto ako sa likod ng dalawang dumpsters at sumilip sa butas sa pagitan nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kaklase ko. Nakatanggal na ang mga maskara nila at may kani-kaniyang hawak ng kutsilyo na nakikipaglaban sa mga miyembro ng FAG. Mukha silang nasisiyahan sa mga ginagawa nila!

What the fuck is happening?! What the hell they're doing? But... they're cool.

Nasa fifteen ang bilang nila habang ang mga kalaban nila ay hindi ko na mabilang pero kahit ganuo'n, walang nababawas sa mga kaklase ko. Para silang halimaw sa bawat suntok, sipa, ikot, at pagsaksak pero kapansin-pansin na hindi naman masama ang mga pinupuntirya nila at paniguradong mabubuhay pa ang mga kalaban nila.

Naalala ko 'yung pinirmahan kontrata dati ni Alexus sa pagitan niya at ni Blaze dahil naghamon si Alexus ng laban, kapalit nito ay wala kaming pupuruhan sa miyembro ng gang ni Blaze at ganun din sa side nila. Wala nga ro'ng kutsilyo o baril, eh. Malamang may nangyari ding kasunduan sa pagitan nina Deth at Blaze kaya ganito.

Maraming dugo ang nagkalat hanggang sa tumuon ang mga mata ko kay Deth na may talamsik na ng dugo sa mukha at ngumingisi pa.

Hindi ako nakaramdam ng takot, tanging pagtataka at admiration lang ang nararamdaman ko. Ang hot niya kasi! Pero teka! Bakit nakipagkasundo siya kay Blaze? Magkakilala ba sila? Part ba ng gang si Deth o ang section namin? At anong gang 'yon?

Tinanggal ko ang mask ko saka inilagay sa bag at kinuha ang kutsilyo.  Tumingin ako kina Deth pero napailing nalang ako nang maalala si Ced.

Hindi dapat ako makisali.

Aalis na sana ako dahil ayaw kong madamay at kailangan na ako ni Ced nang biglang makita ko si Tev na kararating lang at nagtago sa kabilang dumpster. Para siyang may hinahanap dahil sa likot ng mga mata niya. Kumunot ang noo ko nang makita sa 'di kaluyuan ang dalawang lalaki na nakasakay sa motor at ang mga mata nila ay na kay Tev.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang mga mata ng dalawa. Shit. Sina X at Y! Ano ba talagang kailangan nila kay Tev?!

Tumayo nalang bigla si Tev.

"Leo!" sigaw nito. Natigilan ang lahat at napalingon sa kaniya.

"Steven!" sigaw ni Leo.

"Where's Luna?!" Galit na galit na sigaw ni Tev na nagmartsa papalapit sa mga kaibigan niya. 

H-huh? Ako? Bakit niya ako hinahanap?! Anong mer-

Nahinto si Tev sa paglakad nang makarinig kaming lahat ng tunog ng motor. Nanlaki ang mga mata ko nang paharurutin na ito ni X.

Mabilis na tumayo at patakbong lumapit kay Tev na nagulat din sa biglaang paglitaw ko. Bago pa man siya masagasaan, nayakap ko na siya at sabay kaming natumba. Nagpagulong-gulong pa kami.

"Steven!" Sigaw ni Leo. Madali akong umalis sa pangungubabaw kay Tev sa takot na baka bitbitin ako nito at itapon. Pagkatayo ko, nakahinto na ang motor nina X na mukhang nagulat sa biglaan kong pagsulpot kaya nandidilim ang mukha kong nilapitan sila at hinila siya pababa ng motor. Walang nagawa ang kapatid niya para mapigilan ako. Kinwelyuhan ko siya saka isinandal sa pader.

"Ano ba'ng problem niyo kay Tev?!"

Umiling siya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangisi siya. "None of your business, Light."

Naiinis na binitawan ko siya saka malakas siyang sinuntok dahilan para mapaigik siya sa sakit at iduro ako. "You!"

Umatras ako nang magsimula siyang umatake at mukhang hindi gaya nung huli naming laban, mabilis na ulit ng bawat galaw ko. Kumunot ang noo ko nang maalala ang pasa sa mukha ko kaya ako naman ang umatake. Pinulot ko ang bote sa tabi at binasag sa poste.

Malakas ko siyang sinipa sa tiyan at sinuntok sa mukha. Akma siyang tutumba pero hinawakan ko ang braso niya saka ako lumipat sa likod niya at itinutok ang basag na bote sa leeg niya. "Last warning from me, X."

Bumaba sa motor si Y saka lumapit sa akin. "You keep saying you're no longer part of them but you still act like you are stil-"

"Shut up, Y!" sigaw ko saka itinulak si X papunta sa kaniya na nasalo niya naman. "Umalis na kayo at baka mapatay ko pa 'yang kapatid mo."

HIndi ko inaasahang sumunod siya. Isinakay niya si X bago siya sumakay at pinaandar ang motor papalayo.

Marahas akong bumuntong-hininga nang tuluyan na silang naglaho sa paningin ko. Kumunot ang noo ko nang makaramdam na para bang may nakatingin sa akin. Tumingin ako sa paligid ko. Nakita ko ang mga kaklase at mga miyembro ng FAG. Napasapo ako sa mukha ko at tinalikuran sila sa sobrang kahihiyan.

Shuta! Bakit ko ba sila nakalimutan?!

Nagpakawala ako ng marahas na buntong-hininga bago umarap sa kanila at nakangiting kumaway. "H-hi?"

"Light, you're here!" natatawang sigaw ng kung sino.

"Sino ka?"

"Ouch! Hindi mo na ako kilala? Nawala ka lang sa-"

"Okay, shut up," walang buhay kong sabi. Isa siya sa mga miyembro ng FAG na paniguradong nakalaban ko na o nakita na akong lumaban.

"You want to meet President that's why you're here?"

Paano naman napasok si Blaze rito? 

Bumagsak ang balikat ko. "H-huh?"

"Don't pretend as if you don't like him."

Ano'ng pinagsasabi ng isang 'to?

Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Paano ba nman kasi habang nagmemeeting kami dati, sa kaniya lang nakatuon ang tingin ko. May iba lang talaga akong nararamdaman sa kaniya sa tuwing tinititigan ko siya.

"Luna!" sigaw ni Tev. Akma kong itataas ang kanang kamay ko nang bigla ako nitong sugurin at yakapin. "Thank you, Luna!"

Natuwa ako sa higpit ng yakap niya pero nawala ito nang may maalala ako kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Ano ba'ng ginawa mo sa dalawang 'yon at pangalawang beses ka ng pinagtangkaan?" kunot-nuong tanong ko pero mas mukhang nagtataka pa siya kaysa sa akin. "Pangalawa? Hindi ito ang una? Tsaka kilala mo sila? Paano?"

"Nevermind."

Mukha namang wala siyang idea. Malamang ay trip lang siya ni Blue. Kakaiba pa naman ang trip nito dahil pagpatay ang trip niya sa buhay. Pero siguro naman may dahilan kung bakit niya pinagtri-tripan si Tev, hindi ba?

'Yan ang dahilan kung bakit ang Blackwing Gang ang pinakamalakas na gang dahil sila itong pinakamaraming napapatay. Gano'n na ang batayan ng pagiging malakas na isang gang.

Niyakap niya ulit ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nababasa ko sa mga mata at kinikilos niya na nag-aalala siya sa akin.

Bakit niya ako hinahanap kanina? Eh hindi nga kami p'wedeng mga babae rito. Sadyang matigas lang ang ulo ko.

Nilipad lahat ng iniisip ko nang makita ang lalaking nasa harap ko ay itinulak ng isa pang lalaki na may hawak na kutsilyo at akmang sasaksakin si Tev. Agad kong kinalas ang pagkakayakap sa akin ni Tev at mabilis siyang hinila papunta sa likod ko dahilan para mapahinto ang lalaki.

"Sa likod lang kita. Huwag kang aalis," sabi ko sa kaniya na mukhang nagulat. Inalog ko ang kamay niya para kunin ang atensyon niya. Tumango-tango naman siya.

Nagsimula na ulit maglaban ang iba pero tumuon ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ko na muntik ng sumaksak kay Tev.

"Ryan?" Banggit ko sa pangalan niya nang namukhaan ko siya.

"Huwag kang magulat kung uuwi kang bangkay," galit niyang sabi. Malaki ang atraso ko sa kaniya dahil ako ang may gawa ng sugat sa kanang pisngi niya. Malalim iyon at naging peklat na.

"Tanga! Paano ako uuwi ng bangkay e, patay na nga? Maglakad nang patay?" Natatawa kong sabi. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Tev sa likod ko.

Napansin kong madilim ang mukha ni Deth na nakatingin sa akin habang nagpapabalik-balik ang tingin sa akin at kay Ryan.

Problema nito?

Kumuha ng pahabang kahoy si Ryan at nagsimula ng umatake. Puro atras ang ginawa ko habang hawak-hawak ang kamay ni Tev na umaatras din. Nang makalayo ako ay agad kong itinaas ang paa ko at malakas na sinipa ang palapulsuhan niya kaya tumilapon ang kahoy.

Sumugod ulit si Ryan. Siya ulit ang umaatake.

Hindi ako makagalaw nang maayos pero ayoko namang iwan si Tev dahil baka may mangyaring masama sa kaniya pag nalingat ako.

"Luna, ayos lang ako," sabi ni Tev sa likod ko nang tumakbo si Ryan papunta sa kahoy niyang tumilapon.

Nilingon ko siya. "Hindi."

"L-Luna, ako na."

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita sI Leo na nakikipaglaban din. Napatumba niya ang lalaki at kinuha ang kabilang kamay ni Tev. Bibitawan ko ang kamay ni Tev. Leo will protect him.

Nakahinga ako nang maluwag nang harapin si Ryan na punong-puno ng galit ang mga mata na pinulot ang kahoy. Nagsimula ulit ito sa pag atake at ganun din ako. Magkapantay na ang bilis namin. Malakas din talaga ito at mabilis kaya lang medyo tanga.

Nasuntok niya ako sa tiyan. Hindi ako nagpaapekto, itinaas ko ang kaliwa kong paa. Huli na nang makaiwas siya dahil bago pa man din siya makaatras, nasipa ko na ang baba niya. At nang maitapak ko sa lupa ang mga paa ko, sinuntok ko ang tiyan niya. Pinilit niyang umayos ng tayo pero hindi na ako lumalaban sa mga dehado na kaya naiinis na sinipa ko ang tuhod niya na dahilan ng pagkatumba niya.

Hinanap ng mga mata ko si Tev but to my disappointment, nagtama ang mga mata namin ni Kamatayan na hawak-hawak ang kwelyo ng lalaki. Nag-iwas siya ng tingin saka malakas na sinipa ang lalaki.

Hinanap ko si Tev at agad ko siyang nakita na nasa gilid ng dumpster at parang may malalim na iniisip habang nakatingin kay Leo na nasa harap niya at nakikipaglaban sa tatlo.

"Ayos ka lang?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita si Chaos na nababalot ng dugo ang kanang kamay. May hawak itong kutsilyo na may tumutulong dugo.

"Ayos lang. Ikaw?"

Tumango siya at mapait na ngumiti pero naputol ito nang biglang may lumapit sa aming dalawang lalaki kaya sabay kaming umatake at napatumba naman agad namin ito.

Lumingon ako kung nasaan si Tev na mukhang mas ayos na kaysa kanina. Siguro ay dahil isa na lang ang kalaban ni Leo at may limang nakahandusay sa sahig na malamang siya ang may gawa.

Lilingunin ko na sana si Chaos nang bigla na lang akong may nakitang isang motor na nakaparada na hindi kalayuan sa pwesto ni Tev. May nakasakay na isang lalaki rito habang ang isa ay tinutungo ang direksyon kung nasaan si Tev habang ang kanang kamay ay may hawak na kutsilyo.

Hindi ito isa sa magkapatid na sina X at Y base sa hubog ng mga katawan nila! But I'm sure na kasama nila ito sa gang!

Sinipa ko nang malakas ang lalaki na papasugod sa akin bago ako naiiling na tumakbo papunta kay Tev.

"Takbo!" Sigaw ko sa kaniya kasabay ng pagtatams ng mga mata namin ng lalaki. Naguguluhang tumingin si Tev sa paligid niya hanggang malingon niya ang lalaking patakbo sa kaniya.

Nilagpasan ko si Tev at sinipa ang kamay ng lalaki na may hawak na kutsilyo pero hindi ko ito natamaan. Sa pangalawang pag-atake ko, nagawa kong mabitawan niya ito pero kasabay nito ang pagtama ng isa pang kutsilyo sa tagiliran ko na mukhang galing mula sa likod niya.

Pagkabunot niya nito, napahawak ako sa tagiliran ko kung saan umaagos na ang dugo.

"Luna!" Rinig kong sigaw ni Tev na siyang sumalo sa akin nang natumba na ako.

I'm tired. Today is just... too much.

"Tangina! Bakit si Light ang dinale mo!" sigaw ng isang lalaki saka hinila ang sumaksak sa akin papalayo.

"S-si Light? Ibigsabihin..." rinig kong sabi ng lalaking sumasaksak sa akin at naguguluhang napatingin sa akin. Hindi ako sigurado sa nakita ko dahil sa nanlalabo kong paningin pero kita ko sa mga mata niya ang matinding takot. Mukhang hindi ako nagkamali dahil nang bumaba ang tingin ko sa kamay niya, nanginginig ito hanggang sa nabitawan niya na ang kutsilyong pinangsaksak niya sa akin.

First time ko masaksak at ang nakakatawa, nangyari ito kung alin wala na ako sa gang. Great. Just great, Luna.

"C-Cedric." Ito na lang ang nasabi ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 428 28
Everything seems perfect in Shinnel's life, but no one knows how her life is. She planned out everything she should do. She sets rules for herself: n...
206K 13.3K 66
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
22.3K 654 87
Everything feels so unreal. The past want her back. The present want her too. Is it too late for the past to be her future? Is it too late for her t...
5.3K 180 16
Solace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabul...