A Silence In The Chaos

By AnastasiaCaly

2.2K 225 81

Ysabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She... More

Author's Note
Simula
Silence 1: Parcel
Silence 2: Apartment Owner
Silence 3: Cat
Silence 4: His Services
Silence 5: Thank You
Silence 6: Nothing More
Silence 7: We're Not Friends
Silence 8: Reflect
Silence 9: Binibini
Silence 10: Mayor
Silence 11: Alleged
Silence 12: Nowhere
Silence 13: Label
Silence 14: Beautiful On You
Silence 15: Victim
Silence 17: Get over
Silence 18: Aasa
Silence 19: Run To Him
Silence 20: Peace
Silence 21: Patawad
Silence 22: Justice
Silence 23:Your Partner
Wakas

Silence 16: Goodbye Forever

70 10 1
By AnastasiaCaly

Silence Sixteen

My mama's body tensed. Dudugo na siguro ang kanyang palad sa sobrang diin ng kanyang mga kuko roon. She trembled as if she was restraining herself for so long, she has finally said it.

"Aida!" lumagabog ang pinto nang buksan ni papa dahil sa pagmamadaling makapasok at puntahan kami.

I gripped the sink tightly. I was still staring wide eyed at both of my parents.

"Anong pinagsasasabi mo sa anak mo?" tumaas ang boses ni papa.

Habang pinakikinggan ko ang sinasabi niya, humahanap ako ng senyales sa boses ni papa na maging siya'y nag iisip na kalokohan lamang ang pinaririnig sa akin ni mama. Ngunit walang bakas ng ganoon. Mas nangibabaw sa tono niya ang pagkabisto.

My lips quivered as I tried uttering a reply.

Kidnap?

"Oo, Philip! At kung tatanggapin mo yang pagppupulitika na yan, mangyayari na naman! Masyado kang nagpapadala sa pambobola ng iba, at ikaw naman bigay na bigay! Isipin mo ang anak mo!" turo sa akin ni mama. Halos hingalin siya sa tindi ng damdamin.

Kidnap?

I feel like I've strained my head, trying to remember whether that certain event happened in my life. Para sa akin wala naman gaanong naganap sa pagkabata ko. Kaya ang marinig mula sa kanila ang mga ito ay hindi ko maunawaan.

Nanlabo ang aking paningin dahil sa luhang nagbabadya.

Noah...

is my kidnapper?

How could he have done that? He's still young.

But then he's four years older than me. He definitely could've had the upper hand if it indeed happened.

"S-si Noah..." I swallowed and looked up at my parents. "...a-ang gumawa noon?"

The words tasted bitter in my mouth. At doon ko lang napagtanto that I trust Noah so much. Unfortunately more than anyone, even my family. I trust him so much that it hurts. I trust him so much that the thought of this being true is killing me.

Mama's lips set in a thin line.

"Siya ang... nagbalik sa'yo... rito..."

Pinunasan ko ang aking pisngi. Nablangko na ang utak ko at hindi ko na alam ang isasagot o sunod na tatanungin.

"Matapos ang tatlong linggo," dugtong ni mama ng may diin. "Doon ka lamang niyang napagdesisyunang ibalik."

I felt a glint of hope.

"Kung siya ang nagbalik sa akin edi... hindi niya kasalanan," I was saying this to them, but it was more like I'm saying it to myself.

"Hindi niya kasalanan?!" pumiyok si mama dahil sa galit.

"Aida!" pigil sa kanya ni papa. Yakap niya pa si mama para lang hindi siya matumba sa kanyang pwesto.

"Hindi niya kasalanan, Ysabelle?" si mama. Napasapo siya sa kanyang mukha at pumikit ng mariin. "Lintik na pag ibig yan! Handa kang magpakabulag?"

It all became a blur. Dapat ko bang sisihin si Noah? Dapat ko ba siyang kamuhian?

"Pero siya po ang nag-"

"Narinig mo ba ang sinasabi ko, Ysabelle?! Tatlong linggo! Sa tatlong linggo na yon hindi kita nakita. Habang siya sa tatlong linggo nakikita niya kung anong ginagawa sa'yo ng kanyang ama! Dyesisiyete anyos na na siya at siguradong nakakapag isip na! Hindi manlang ba niya naisip na may nanay ka rito na alalang alala para sa'yo? Bakit ang tagal bago ka nakabalik sa akin? Kung kinaya ka niyang ibalik sa amin ibig sabihin kaya niyang gawin kahit mas maaga!"

Umawang at nagsara ang aking bibig ngunit walang boses na lumabas mula rito.

"Kaya wag na wag mong sasabihin sa akin na wala siyang kasalanan o na dapat akong magpasalamat sa kanya. Dahil walang pinagkaiba ang taong gumagawa ng masama at ang taong nakakasaksi sa paggawa ng masama at hinahayaan ito."

He brought me back, right when I was already damaged. He could've prevented it, but chose not to.

"Magpasa ka ng resignation letter at layuan mo na si Noah Vasquez. Pasensya anak pero hindi siya tulad ng taong iniisip mo," nanghihinang umiling si mama.

Kumurap kurap ako dahil hindi ko na maaninag nang malinaw si mama. Humawak ako sa aking ulo.

"M-ma..." my voice faded along with my consciousness.

Humagulgol ako nang sampalin ako sa pisngi ng isang hindi kilalang lalaki. Hindi ako kailanman pinagbuhatan ng kamay ng kahit sino.

"Masama ang nananam- aah!!" umatras ako nang umamba siyang sasampal ng isa pa. Sa pag atras at pagtama ng aking likod sa poste ay habol habol ako ng lalaki. Mahigpit ang hawak niya sa aking pisngi. Sa bigat ng kanyang kamay ay tila masisira niya ang mukha ko kung kailan man niya gustuhin.

"Wala kang gagawin dito kundi ang manahimik. H'wag mong hintaying makita ang mangyayari sa'yo kapag ipinagpatuloy mo ang hindi pagsunod sa akin," ngumisi ang lalaki.

I let out sobs but compared to earlier, they are now less loud.

"Papatayin ko ang mga magulang mo naiintindihan mo ba yon?"

Naginginig ako sa aking pwesto dahil bukod sa hindi pamilyar ang kaanyang mukha ay hindi komportable ang pakiramdam ko sa lugar. I'm always thrilled with new places, but not this.

"W-wag niyo p-po akong saktan," humikbi kong pagmamakaawa.

"Hindi naman talaga kita sasaktan," his voice went softer, na parang nang-aalu. Then his eyes went darker. "I just need your father to stop getting in my way. Ngayong wala ka sa kanila. Maybe he'll learn how to sort out his priorities."

Sa halip na makampanteng wala siyang ganoong plano ay mas lalo lamang akong nakaramdam ng takot.

"But..." dugtong niya.

My anxiety reached its peak when I heard the warning in his voice.

"I will hurt you if I need to. So always obey me."

That became a rule that made me survive. Stay silent or get hurt. Make a noise then something bad will happen to me.

"You cold?" someone whispered to me.

I nodded because I seem to have lost my voice.

"Just hang in there, you're almost home," he muttered softly on my hair. Inayos niya ang paghawak sa aking hita at pagsuporta sa aking likod.

Mas hinigpitan ko ng yakap ko sa kanyang leeg.

"Goodbye and I'm... sorry," those were his last words before sleep swallowed me.

The first thing I saw was a ceiling. But those were not the one from our house or my room. It was white.

"Diyos ko, salamat po," a relieved voice says.

Mama, papa and Clarence came beside me habang sinusubukan kong bumangon at umupo mula sa pagkakahiga.

"May masakit ba sa'yo, anak?" lumingon siya sa likod "Clarence, ikuha mo ng tubig ang ate mo."

Papa sat on the right side of my bed. Ihinilig niya ang aking ulo sa kanyang dibdib. He sighed.

"Pasensya ka na sa... hirap na dinala ng mga ambisyon ko," humalik si papa sa aking ulo. I replied with a small smile.

Hindi ko pa rin natatandaan ng klaro ang tinutukoy nilang kidnapping. All were just random and blurred scenes to me. But I remember hearing male voices.

Nang makainom ako ng tubig ay inilagay ni Clarence sa mesa ang baso at umupo siya sa may paanan ng kama.

"Bakit ba naman kase hinimatay ka nanaman ate? Bumalik nanaman ba yung pag papanic mo? E si mama lang naman ang kaharap mo kanina ah!"

I looked to my left where my mama is and to my right where papa is. And we all shared a knowing look habang si Clarence ay nananatiling inosente sa lahat ng ito.

"Ihinabilin na kita kay pinsan," ani mama, inignora ang tanong ng aking kapatid. "May mga kaclose siya roon sa school na pinapasukan ng anak niya, baka mabigyan ka ng slot para maging teacher."

Gusto ko pa sanang ipilit ang pagbalik sa Southville ngunit alam ko kung saan lang mauuwi ang usapang ito kaya hindi ko na ipipilit. The faculty hates me anyway. Hindi rin healthy ang work environment ko roon.

Maybe Southville was just a phase of my life. Nakakapanghinayang lang yung nabubuo na sana naming samahan ng mga studyante ko. But being happy with people is not an assurance of them being your constant. Because things will always happen, such as this.

And as for Noah. There was nothing sure about us. Everything between us was quiet. None was straightforward, only subtle. But I know that I care for him.

The past few months with him wasn't eventful. We're colleagues and neighbors but we both spent our lives separately, faced our own issues, with just a little heart fluttering moments in between. But those little moments held the most meaning.

Because whenever I'm with myself, I feel like I'm just sent in this world to try to get through life. But with Noah, I feel like the world wanted me here to be alive, because I feel like I somehow deserve that.

But with mama revealing all of those things to me earlier, I feel like it bruised his name to me.

Hindi ko rin naman makumpirma kung dapat akong maniwala gayong wala naman akong naaalala. But seeing my mom breakdown like that earlier. I know that it is.

Nang bumalik ako sa Dasma para magsubmit ng resignation letter ay nanlalamig ang kamay ko. Wala namang rason dahil hindi naman talaga ako papasok.Hanggang doon lang ako sa office ng owner. Southville doesn't fully belong to Noah, kasosyo lang siya ng may ari.

I knocked on the office door. When I opened the door, I became more afraid because I'm about to close another.

I let out a breath shakily when I exited the office door.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang makitang papalapit si Noah. Pormal na pormal pa rin kung lumakad. Ngunit napatigil nang makita ako.

I bit my lip and held my chest. The moment I saw him, my heart beats for him. It's something I can't deny.

Then when he started walking faster, I panicked. Kahit na malaki ang espasyo para makatakbo ako papalayo ay hindi ko magawa.

"Noah!" tawag ng isang boses sa malayo. "Urgent, sa faculty daw!"

It was Sydney. Akala ko'y titigil sa paglapit sa akin si Noah ngunit mukhang mas ako pa ang urgent para sa kanya kaysa faculty.

Sa sobrang abala ko sa paninitig sa kanya, namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Where have you been?" he asked.

Napalunok ako. Wala na akong balak na sagutin siya. Dahil mas lalo lang akong makukumbinseng huwag na umalis.

Mukhang naramdaman niya ang determinasyon kong umalis dahil mas hinigpitan niya ang kapit sa akin.

"T-tawag ka ni Sydney..."

"And why are you not wearing your uniform?" sinuri niya ako. And he must've seen the sadness in my eyes. His eyes narrowed.

"You're leaving."

Isang tango lamang ang naisagot ko sa kanya.

He looked back at Sydney who kept on calling him, then paid more attention to me afterwards. He looked torn and frustrated.

"Why?"

Ang marinig ang nalulungkot niyang boses ay ang kahinaan ko. Dahil mas ineetertain ng utak ko ang pag iisip na, ayaw niya akong umalis. Na meron siyang nararamdaman.

Ngunit binantayan ko rin ang aking sarili. Hindi pwedeng ganito, Ysabelle. You should feel angry that they did this to you.Hindi ka dapat natutunaw.

Ayaw ko man itong gamitin laban sa kanya, ngunit alam kong ito lang ang makakapagpabitaw sa kanya.

"Totoo ba yung ginawa niyo sa akin noon?" I tried to sound tough.

When I felt his grip loosening, it was enough confirmation. Mula sa pagtitig sa kanyang dibdib ay tiningala ko siya. His eyes were full of guilt and torment. He went stiff.

"M-maraming salamat sa... pagbabalik sa akin... sir," saad ko.

Bakas ang gulat sa kanyang ekspresyon at hindi ko alam kung bakit. I just want to say these things.

"At maraming salamat din sa pagtanggap sa akin dito sa Southville. Without all of these, hindi ko makikilala ang mga studyante ko."

Ngumiti ako nang mapait.

"Hindi ko alam kung tinanggap mo ako dahil may kakayahan ako o.... peace offering mo lang sa lahat..." I chuckled to try to make it sound light.

"I accepted you because I believe in you," agap niya.

I nodded but I don't fully believe him.

"Regardless of your reasons, I'm still thankful for the experience," tumango ako sa aking sarili habang iniisip ang mga naging pagbabago sa buhay ko nang pumasok ako sa eskwelang ito.

Sa panghihina niya, I took advantage. I walked away because I know he can't catch immediately. Or if he can, he'd choose not to because he's guilty.

I fisted my hands to my side. Sinisisi ko ang kanyang pamilya. Hindi ko alam ang motibasyon nilang gawin ang lahat ng ito sa akin. Ang pagkaitan ako ng normal na buhay at normal na alaala sa pagkabata.

I did not become everything who I could've become just because of their selfish reasons.

Bumisita ako sa apartment upang kuhanin ang aking mga natitirang gamit. Nakita ko ang bahay ng mga pusa at doon ko lang naalala na nawala rin ako ng ilang araw. Baka namayat sila masyado.

Ngunit nang silipin ko sila ay malulusog pa nga sila tignan

Nagsitakbuhan sila papunta sa akin. And for the first time this week, I smiled.

"Miss niyo ba ako?" binuhat ko si Grey, sumunod naman ay sila Casteel at si Saturday.

Dadalahin ko rin sila pauwi sa amin. Magdadala na lang siguro ako ng karton upang doon sila ilagay.

"Aalis na tayo dito ha? Uuwi na tayo sa tunay nating bahay," sambit ko. Wala silang ibang reaksyon kundi ang pag ngiyaw

Nang tignan ko ang apartment building ay naalala ko kung sino ang nakalibing sa likod nito.

"Ming," bulong ko sa hangin. "Pasensya ka na at kailangan kong umalis. Aalagaan ko nang mabuti ang pamilya mo."

Hinihintay ko munang makuwi si Thelma para makapagpaalam bago umalis. Kahapon pa lamang ay nasabihan ko na siya na ayaw na ni mama na magtrabaho ako sa Dasma. Ngunit syempre hindi ko sinabi ang tunay na rason. I had to come up with excuses.

We ended up crying for two hours on the phone. I know my best friend. Kahit na sociable siya, she also feels alone here. Kung pwede nga lang na sa Batangas kami parehong magturo.

Dinig ko ang pagmamadali ni Thelma nang buksan niya ang pinto sa apartment.

Pula ang kanyang ilong. Siguradong sa tricycle pa lang ay umiiyak na ang best friend ko.

"Ysabelle," yumakap siya sa akin at humagulgol.

Sa hindi malamang rason ay parang magkarugtong kaming dalawa ni Thelma. Dahil sa oras na umiyak siya ay nagiging ganoon din ako.

Ibinalik ko ang kanyang yakap at lumuha ng tahimik habang hinahagod ang kanyang likod.

"Bakit naman ganon? Mag isa nanaman ako. Ang daya mo naman kase e! Sabi mo diba sasamahan mo ako, tapos di ka pa nakakatapos ng isang school year magreresign ka na," pagmamaktol pa rin niya kahit na ilang beses ko na itong naipaliwanag sa kanya kahapon.

"At oo na, gets ko na!" Itinaas niya ang index finger niya upang pigilan ako sa pagsasalita. "Kaya ka nga aalis dahil ayaw na ni tita at kailangan ka niya sa Batangas."

She sniffed.

"Tanggap ko naman e p-pero..." napapikit siya at yumakap muli sa akin upang umiyak.

"Magkikita pa naman tayo. Umuwi uwi ka rin kase sa Batangas. Oh, bonding tayo diba?" pag aalu ko sa kanya.

Nanatili ako sa apartment hanggang hapon para lang magkaroon kami ng kaunting oras pa ni Thelma na magkasama. Dahil hindi ko naman alam kung kailan uli bibisita si Thelma sa Batangas at kung kailan kami magkikita ulit sa personal.

Nang paalis na ako ng six thirty ay gusto niya pa akong ihatid papuntang kanto. Ngunit nakumbinsi ko naman siya na manatili na lang sa loob ng apartment.

Isang malaking bag ang sakbit ko sa isang balikat habang sa kamay ko nama'y bitbit ko ang karton kung nasaan ang mga pusa.

Wala pang dumadaan na tricycle para magdala sa akin sa kanto kaya lalakarin ko na lang at kung may makasalubong man na tricycle sa gitna ng paglalakad ay doon na lang ako sasakay.

Hindi pa ako nakakalayo sa pinanggalingan ay nakarinig ako ng mga yapak sa aking likod. Nagsitayuan ang buhok sa aking batok dahil ramdam ko kung sino iyon.

Nang lingunin ko ay siya nga.

I was teary eyed but did not speak. Tinignan ko lamang siya sa kanyang kinatatayuan.

"I'm..." lumunok siya. "Sorry. A thousand or even a million sorry couldn't even make up for the past, but I won't be tired of saying this."

At naging tanga nanaman ako. Because my heart wanted to do something. Bitbit ang karton ay mabilis akong tumakbo pabalik sa kanya.

Ibinaba ko ang karton nang makatapat siya. I cuppd his cheeks and tiptoed to reach his lips.

I kissed him.

My lips quivered. He did not move his mouth but he held my waist.

My tears fell as I memorized him for the last time.

Siya ang unang humiwalay. Umiling siya habang pinupunasan ang aking pisngi.

"We shouldn't. It would complicate things between you and your parents," he said but not harshly. But rather with a tone of understanding, and the never ending guilt.

Nagulantang ako sa sariling ginawa. Namilog ang aking mata at napaatras ako. I picked up the box where the kittens are then I turned around to leave.

Leave him forever, with the taste of his lips on mine... forever. 

Continue Reading

You'll Also Like

913 177 31
First Shade of Freedom: Blind Ashes As the most jolly, honest, caring and loyal friend to everyone that is Vera Joyce. But suddenly, everything has c...
138K 3.7K 40
Ano ang gagawin mo kung ikaw ang napiling tagapagligtas? Ipinanganak para magligtas. Ang cool diba? Pero paano kung hindi mo alam kung sino ka talaga...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
690K 28.3K 47
[FILIPINO] Published date: February 07, 2020 Mars and Nike are best friends since diapers, they are inseparable and treated each other like sister's...