DARK SECTION

By MsDzayr

1.4M 53.9K 20.2K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

9: Leo Zennor Trinidad

20.7K 933 201
By MsDzayr

| Leo Zennor Trinidad |

LUNA'S P. O. V

Dahil sa laptop ni Tev, madali kong nagawa ang presentation namin. Ipinasa sa akin nina Deth, Leo, at Chaos ang mga keypoints na dapat ilagay sa PPT sa utos ni Deth kaya hindi ko na kinailangang basahin pati ang part nila.

Nagbago rin ang isip ni Sir sa schedule ng pagpasa. Imbis na bukas pa ipapasa ang presentation, ngayon niya na ito ipinapasa. Nag-alala ako hindi para sa presentation namin dahil tapos na kami kung hindi sa iba kong kaklase na mukhang walang pake. Mabuti na lang at natapos ko agad ang presentation namin. Thanks to Steven's laptop.

"You surpassed my expectation, Ms. Velasquez. Are you the leader?" tanong ni Sir saka niya inabot sa akin ang laptop na tinanggap ko naman. "Mayroon bang gano'n, Sir?"

Mahina siyang natawa at kinuha ang record book niya. "I'll give your group twenty-five. Twenty-five is a perfect score for the PPT. Ang seventy five naman ay manggagaling sa report niyo kung magugustuhan ko."

"Thank you, Sir!" nakangiting sabi ko saka pinatay ang laptop at umalis.

"Luna! How was it?!" sigaw ni Steven na papalapit sa akin. "Anong grade na'tin?"

"Twenty-five over one hundred. Twenty-five is a perfect score pagdating sa PPT. Ang seventy-five ay manggagaling sa performance na'tin." Paliwanag ko.

"That's good then." Ngumiti siya. "Kain na tayo?"

"Anong pagkain? Hindi na. Magtutubig na lang ako."

Kumunot ang noo niya kasabay ng paghaba ng nguso nito. "Napapansin ko sayo na panay tubig ka lang tuwing recess. Wala ka bang pera?"

"Meron naman pero nagtitipid ako," mabilis kong sagot.

"Then, I'll order something to eat," sabi niya saka hinugot ang phone sa bulsa at may tinawagan. "Yes-No, just two boxes of pizza and three milktea," sabi niya sa kausap saka pinatay ang tawag.

Iba talaga pag mayaman. Curious tuloy ako kung bakit napadpad dito si Tev. Mababa kaya ang grades niya? Imposible naman kasing may bad records ito dahil ang utak niya ay pambata.

Sa ilang araw naming laging magkasama ni Tev, gumaan ang loob ko sa kaniya. Nakikita ko sa kaniya si Ced kahit magkalayo sila ng edad dahil parehas silang malambing.

"Sa rooftop tayo kain." Suhestyon niya.

"Bawal tayo ro'n," may diin kong sabi.

"Madadaanan lang naman natin 'yon. Hindi naman tayo papasok o sa ibang room. Dadaan lang tayo," sabi niya na may punto naman kaya pumayag na ako. First time ko rin makaakyat doon kung sakali.

WALA pang sampung minuto, dumating na ang order ni Tev. Kinuha ko ang hawak ni Kuya na dalawa box na pizza at tatlong milktea.

Napakamot ng ulo si Tev nang makita ang pinagpapawisan na delivery rider.

"I forgot na hindi mo pala p'wedeng gamitin ang elevator dahil dark student ako. Ito na lang one thousand para sa tip. Thank you," nahihiyang sabi niya saka inabot ang one thousand kay Kuya.

Iniilingan ito ni kuya hanggang sa ipilit na ito ni Tev na ipahawak sa kaniya. "Take it."

Ngumiti si Kuya na puno ng pasasalamat ang mga mata. "Thank you rin, Sir. Pang kain din ng mga anak ko ito."

Ngumiti si Tev at muling binuksan ang wallet niya. Kumuha siya ng limang libo sa wallet saka inabot kay Kuya dahilan para manlaki ang mga mata namin ni Kuya.

"S-Sir, sobra na ho iyan."

"Hindi po para sa inyo ito," sabi ni Tev. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Kuya.

Malakas kong binatukan si Tev. Napakamot siya sa ulo niya at matalim akong tiningnan. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti siya. "Joke lang, Luna."

Nakangiting nilingon niya si Kuya. "Ang ibig ko pong sabihin ay para sa mga anak niyo ito," sabi niya saka inabot ang limang libo sa kamay ni Kuya.

"M-marami pong salamat," maluha-luhang sabi ni Kuya nang ipahawak na sa kaniya ni Tev ang pera.

"Maging mabuting ama ka sa kanila, Kuya."

"Opo."

Nang makaalis na si Kuya, naupo na kami sa bench at binuksan ang pizza. Napatingin ako sa tatlong milktea.

"Bakit tatlong milktea?" pagtatakang tanong ko. Nilagyan ng straw ni Tev ang tatlong milktea. Inabot niya sa akin ang isa.

"Leo, labas na."

"H-huh?" Nagtatakang lumingon ako sa paligid hanggang sa makita ko si Leo sa bubong at nag-uunat ng kamay. Magulo ang buhok niya, bagong gising.

"Ang ingay mo talaga kahit kailan, Steven," sabi niya. Nang bumaba ang tingin niya sa amin, nagtama agad ang mga mata namin dahilan para kumunot ang noo niya pero gaya ng dati, nag-iwas lang siya ng tingin saka tumalon mula sa-What?!

Ang taas no'n ha!

"Don't worry may sa pusa naman 'yang si Leo kaya ayos lang siya."

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Leo nang makalapit siya sa amin.

Umiling-iling naman si Tev. "Wala, sabi ko kumain kana at malamang hindi ka pa kumakain." Pagsisinungaling niya.

"Stop talking," sabi ni Leo saka kinuha ang isang box ng pizza at kinuha ang hawak na milktea na dapat sisipsipan na ni Tev. Pagtapos no'n, nilayasan niya na kami. Naiwan kaming dalawa ni Tev nang nakatanga.

"What the hell?" tanging nasabi ko nang sumara na ang pinto.

Marahas siyang bumuntong-hininga. "That's expected."

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi pa 'yan nakain ng isang linggo."

Napakurap ako nang makailang beses bago makapagsalita. "H-huh?"

"Her mom punished him. My Tita. My Mom's sister."

"Bakit?" Usisa ko.

"Mataas ang pride ni Leo. Tita told him not to eat, so he didn't. Pero mukhang hindi niya na rin kinaya. He's in conflict with his mom because of being unfilial son."

Nagbaba ako ng tingin sa pizza na hawak ko. That guy is now going through hell with his own.

"Leo and I are always compared to each other. My mom keeps saying that I should be like Leo-matapang at may paninindigan. While Tita Candy keeps saying to Leo that he should be like me, matalino at malayo sa away."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "So you're really a genius."

Mapait siyang ngumiti. "I came from the Section A, Luna. While Leo is in the worst section because of his bad records in his past school. Siya 'yung parang laging may sama ng loob."

"Oh, anong kinalaman ni Leo sa pagkakalipat mo sa section natin ngayon?" puno ng pagtataka kong tanong saka kumain na ng pizza. Gano'n din ang ginawa niya saka tumingin sa harap.

"Binubugbog siya lagi ng Mommy niya. She always mention my name rin daw sa tuwing nagkakaroon sila ng argument. Puring-puri raw ako ni tita. I hate seeing Leo as a weak man. He supposes to fight back but he didn't. He loves his mom despite the beatings he always gets. He always ignore every mean word coming out of her mom's mouth. I never saw his hand clenching because of anger. When it comes to her mom, he's as soft as a marshmallow. Pagdating sa mommy niya, ang haba ng pasensya niya."

Tumingin siya sa akin saka kumagat ng pizza at ngumiti. "To avoid being compared to me na nagiging dahilan ng pambubugbog sa kaniya, ibinagsak ko ang ilan sa mga subjects para mapunta sa section natin ngayon and Mom? She was disappointed. Very disappointed..."

Grabe. Hindi ako makapaniwala na grabe ang pagmamahal ni Tev sa pinsan niya para gawin ang bagay na 'to.

"Paano na ang mommy mo? Sa ginawa mo-"

"Mahal ko si Mommy. Since I was a child, palagi ko siyang sinusunod kahit na minsan lang kami magkita. Hindi ako nagreklamo. I never questioned her love to me. Gusto niyang maging magaling ako sa lahat, nagsumikap ako na maging magaling sa mga bagay na mahina ako dati. Tapos ang gusto niya naman, matagal na, na hirap na hirap ako gawin ay ang magkaroon ako ng paninindigan at lakas ng loob dahil kung gaano ako kalakas sa academics, gano'n naman ako kahina sa lakas ng loob at paninindigan. Pero guess what? Nagawa ko siya last year in a ridiculous desisyon at 'yon ay ang piliin kong maging dark student at panindigan itong choice ko kaya hanggang ngayon, nandito pa rin ako. For the first time, nagawa kong manindigan at lakasan ang loob ko gaya ng gusto niyang gawin ko. Tapos disappointed siya?" Natawa siya.

Napailing-iling nalang ako. "Ano'ng sabi ni Leo?"

Malakas siyang tumawa. "Because of what I did, sinuntok niya ako and for the first time, I fought back. Nagsuntukan kami hanggang mapagod kami. I'm not mad at him but I was mad at myself dahil lalo lang lumala ang galit sa kaniya ni tita. Siya kasi ang sinisisi sa desisyon ko. Kesyo bad influence raw kasi sa akin si Leo."

Nagbaba ako ng tingin sa milktea kong hawak habang inaalog. "Sorry to say this, Tev pero mama niya ba talaga ni Leo 'yung tita mo?"

"What do you mean by that?" pagtatakang tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Wala lang."

"Sigurado akong anak ni Tita si Leo, Luna," natatawang sabi niya.

Kumagat ako ng pizza saka uminom. "Sa bagay, parehas kayo ng mga mata e."

"Yes, nakuha namin sa mga mama namin," nakangiting sabi niya saka sumubo na ulit ng pizza.

"Are you two done feasting my life?"

Sabay kaming napalingon ni Tev sa pintuan at nakita si Leo na hawak pa rin ang pizza at milktea na wala pang bawas.

So, hindi siya umalis at nakikinig lang siya sa usapan namin ni Tev?

Binitawan namin ni Tev ang mga hawak naming pagkain saka tumayo.

"Leo, let me ex-" Hindi na natuloy ni Tev ang iba niya pang sasabihin nang bitawan ni Leo ang mga hawak niya at mabilis na nakarating sa harap. Mahigpit niyang hinawakan ang kwelyo ng uniform ko.

"Leo!" sigaw ni Tev pero hindi nagpapigil si Leo at itinulak ako hanggang sa madikit ang likod ko sa pader.

"Huwag mong pakialaman ang buhay ko!" sigaw niya, ramdam na ramdam ko ang galit niya.

"Bitawan mo siya, Leo!" Lumapit si Tev at pilit na hinihila ang kamay nito pero masyadongng malakas at mahigpit ang pagkakahawak ni Leo sa kwelyo ko.

Bakit ganito? Wala pang nakahawak sa akin ng ganito kaagresibo. Sapat na itong dahilan para lumaban sa kaniya pero bakit hindi nagrereact ang katawan ko?

Siguro dahil nakikita ko sa mga mata niya na hindi para sa akin ang galit na 'to. Yes, hindi siya gumaganti sa mama niya pero naniniwala ako na naiipon ang sama ng loob niya at kinikimkim niya lang 'yon at ngayon gusto nitong kumawala. Ang mahirap lang, ay mukhang sa akin niya ibubuhos ang lahat.

"She's not, Leo! I'm the one who talked first!"

"Bullshit!" sigaw niya saka umamba ng suntok kaya napapikit na lang ako. Handa ko nang indahin ang sakit pero wala akong sakit na naramdaman hanggang sa maramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko. Dahan-dahan akong magmulat ng mga mata ko. Nasa harap ko pa rin siya.

"Your hand..."

Sinundan ko ang tingin ni Tev. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dugo sa kamay ni Leo. He punched the wall, not me. Thank, God, nothing happens to my face.

"Leave," sabi ni Leo. Napatingin ako kay Tev. Tumango naman ako. He also mouthed 'Sorry' kaya ngumiti lang ako at umalis na.

Nang makababa ako, ramdam ko ang tingin ng ibang section sa akin na puno ang pagtataka at inis ang mga mata.

Hindi ko na inintindi dahil sa pag-iisip ko kay Leo.

Nang makapasok ako sa room, nakatanga pa rin ako. Kahit anong gawin ko, si Leo ang iniisip ko at ang sitwasyon niya.

"Luna!" nakangiting sigaw ni Chaos na biglang naglaho ang ngiti sa labi.

Ilang minuto ang lumipas bago ko nakita si Tev. Nilingon ko ang likod niya at hindi nakita si Leo. Dumaan siya sa likod. Inantay ko siyang makaupo bago siya tinanong.

"Nasaan siya?"

Marahas siyang bumuntong-hininga at tumingin sa labas ng bintana. "Nasa taas pa rin. Humingi na ako ng sorry at palagay ko napatawad niya naman na ako. Alam niyang ako ang nagbukas ng topic pero sa'yo siya nagalit."

"I saw his eyes, Tev. He's in deep pain. Not physically but emotionally and mentally. Nagtitiis siya sa pambubugbog ng mama niya pero tao lang din siya, Tev. Nasasaktan siya pero ang problema ay kinikimkim niya lang dahil masyado niyang mahal ang mama niya para saktan 'to. Kaya ko siyang itulak kanina o suntukin pero hindi ko nagawa dahil baka makatulong ako sa kaniya para mailabas ang lahat ng gusto niyang ilabas."

Galit na nilingon niya ako. "At sa papaanong paraan? Sa pagsuntok sa mukha mo?"

"I don't know, Tev. What I only know is that he's suffering and we need to help him."

There's something in me that really wants to help him despite his actions towards me.

"Tutulungan mo siya kahit laging masama ang pakikitungo niya sa'yo? Kahit muntikan ka na niyang saktan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tev na mapait kong ikinangiti.

"I'm physically strong, Tev. Kahit ilang suntok ang matanggap ko, aaray ako pero walang kung sino ang makakadurog ng puso ko." Kasi nadurog na 'to.

"But him? Wasak na wasak na siya." Dugtong ko pa na ikinangiti niya. "Thank you, Luna. May makakatulong na rin sa akin sa wakas."

ALAS-SAIS na at uwian na. Nagpaalam sa akin si Chaos na uuwi na at si Tev naman ngayon ay nakikipag-away sa family driver nila.

"Kuya! Bakit naman hindi mo ako masusundo ngayon?!" Parang bata na nagmamaktol dahil walang susundo sa kaniya.

"Ayoko! Hihinayin kita rito. Wala akong pake kung nasa Baguio kayo ni Ate!" sigaw niya saka pinatay ang tawag at sinukbit ang bag. Nakakrus ang mga braso niyang naupo sa upuan niya.

"Hey, calm down, Tev," natatawang sabi ko na ikinapadyak niya. "Pinasundo ni mommy si ate sa Baguio. Sino na susundo sa akin dito?"

"Saan ba ang bahay mo? Ihahatid na kita." Presinta ko habang inaayos ang bag ko.

"No!"

Sinukbit ko ang bag ko at tinaasan siya ng kilay. "At bakit naman?"

"Ikaw ang babae at ikaw dapat ang hinahatid. Ayoko magpahatid. Kaya ko namang maglakad papuntang sakayan. Sasakay na lang ako ng jeep."

Sabay gano'n? Akala ko ba hihintayin niya ang driver niya?

"Marunong ka?" natatawang tanong ko.

"O-oo! Oo naman!" sagot niya na may patango-tango pa pero halata namang tagilid.

Kumunot ang noo ko. "Ilang beses ka ng nakasakay?"

"Isa? Tatlo! Oo, tama apat!" sagot niya na kumikinang pa ang mga mata at pumapalakpak pa. "Tama, lima!"

Hindi talaga siya marunong magsinungaling. Pinipigilan ko ang tawa ko dahil mukhang ayaw niya talagang magpahatid.

NATAGPUAN ko ang sarili ko na sinusundan si Tev na nakanta pa. Walang Alexus, Raiven, o Lucas na sumundo sa akin dahil nagsinungaling ako sa kanila na nakauwi na ako nang maaga.

Para siyang bata na ngayon lang nakalabas at may pakanta-kanta pa na. Feel na feel ang moment sa ilalim ng buwan.

"May tatlong bibe akong nakita. Mataba, maliit, mga bibe. Ngunit ang may pakpak, iisa ang likod. Siya ang may sabi bubuka ang bulaklak sasayaw ang reyna-"

Huminto siya sa pagkanta nang makita si Ateng nagtitinda. "Ate saan po rito ang papuntang labasan para makasakay ng... jeep."

Tumayo si Ate saka may itinurong daan sa kanan. "Likuan mo 'yan, hijo tapos kumanan ka saka ka makakarating sa kalye. Mas mabilis kung diyan ka dadaan."

"Okay, thank you po," sabi niya saka sinunod ang instruction ni ate. Maglalakad na sana ako para sumunod sa kaniya nang may pamilyar akong mga mukha na nakitang nakasunod sa kaniya.

It's Blackwing's men.

Hindi ako p'wedeng magkamali dahil si Tev lang naman ang nag-iisang naglalakad sa iskinita kaya malamang ito ang sinusundan nila.

Naglakad ako at hinintay na makaliko si Tev bago kinalabit ang lalaki pero bago pa man siya makalingon ay malakas ko ng sinipa ang puwitan niya dahilan para muntikang mapasubsob ito. Nahawakan kasi siya ng dalawa niyang kasama na sina X at Y, ang magkapatid.

"Hi, Chubby!" nakangiting bati ko kay Chubby, ang last na taong binigyan ko ng black eye no'ng nasa gang pa ako.

Galit na galit siyang bumangon at humarap sa akin. "Ikaw na namang bata ka?! Akala ko ba umalis kana sa Black Panthers?" puno ng pagtatakang tanong ni Chubby saka nagtinginan sina X at Y, ang dalawang magkapatid. Sina X, Y, at Chubby na miyembro ng RSG pero sila itong laging walang mask na suot. Ang magkapatid na X at Y ay ang nagiging mukha ng RSG dahil si Blue na President nila ay nakamaskara at maingat sa mga galaw nito. Bihira lang ito kung humarap sa mga miyembro niya at kung haharap man ito, nakasuot ito ng maskara niya.

"Good afternoon, X and Y," nang-aasar na bati ko sa kanila dahilan para kumunot ang noo nila. Ang pagbati kasi ng "good afternoon" ang pang-asar ko sa kanila. Mga lahing hapon, e saka ang cute nilang asarin, nagiging singkit ang mga mata lalo na si Y na napaka seryoso lagi ng mukha.

Ngumiti ako saka itinali ang buhok ko at nilingon si Chubby. "Umalis nga ako kaso nag reunion tayo ngayon, e. Paano ba 'yan?"

"Wala kaming oras sa'yong bata ka!" sigaw niya saka sinenyasan ang dalawa na habulin si Tev. Hindi pa nakakalayo ang dalawa nang maharangan ko sila. Hindi nila p'wedeng masundan si Tev. Walang laban 'to sa kanila.

"Ang bata ba na tinutukoy mo ang dahilan ng pagkakaroon mo ng black eye na kahit sino ay walang nakagawa sayo?" pang-iinsulto kong sabi kay Chubby.

Sinamaan ako nito ng tingin na parang gusto niya akong pisain at tirisin.

Nakangising itinuro ko si X. "Still no improvement?"

Dahil sa sinabi ko, sumugod siya. Hindi maiiwan ni Y ang kapatid niya. Takot niya lang na hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapuruhan ang kapatid niya. Si Chubby naman pala-utos kaya hindi niya tatangkaing sundan si Tev.

X and Y are too fast when it comes to feet and we're in the same speed, I guess? but their weakness is their hands which I am good at as well. Mabilis din yata ako! I am not called Light just for nothing.

Mabilis ang pag-atake nila pero naiiwasan at nasasalag ko naman hanggang sa makakuha ako ng tyempo at kinuha ang kutsilyo sa likod ng skirt ko. Mabilis kong binuksan ang takip saka pinaikot-ikot sa kamay ko habang patuloy ako sa pag-ilag sa mga suntok nila.

"Ikaw na muna, Y," sabi ni X na wala pa ring pinagbago. Bigla na lang sinusumpong ng katamaran. Ramdam ko na rin ang pagbigat at unti-unting pagkirot ng paa ko.

"Let's continue our last encounter, Y. Pero ngayon, ang kalaban mo ay isang babaeng estudyante na lang."

"Don't talk as if you really left your gang, Light," nakangising sabi niya saka ko inihagis ang kutsilyo ko at pumusisyon habang nasa harap ko ang dalawa kong kamao. "This time, I won't let you run away."

Niluwa niya ang bubblegum saka mabilis akong inatake. Mas mabilis ang paa niya kaysa kanina. Sa lagay ng paa ko, hindi ko siya kasing bilis kaya dehado ako pagdating sa bilis ng paa. Nasuntok niya ako sa tiyan at ako naman ay sa mukha niya.

Salitan ang suntok namin hanggang sa parehas na kaming naghabol ng hininga pero tuwid pa rin ang tayo ko samantalang siya, nakaupo na sa sahig. "X, ikaw na. Suko na ako sa stamina ng babae na 'yan."

Teka! Nauubos na nga ang energy ko e. Low battery na!

Ngumiti si X na parang alam niyang dehadong-dehado na ako ngayon. Alam kong napansin niyang mabagal ang kilos ko dahil sa kanang paa ko. That's what X good at. He's being observant kaya natalo niya ako no'ng minsan kaming magkaharap and I don't want that history repeats itself.

Mabilis siyang nakarating sa harap ko kaya wala akong magawa kung hindi salagin ang bawat suntok niya. Hindi rin ako makasuntok dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Kailangan kong piliting makawala sa ganitong pwesto para makaatake.

Shit! Napansin niyang panay ang atras ko! Hindi kasi ako ganito lumaban. Minsan mabilis akong nakakarating sa likod nila nang wala pang limang segundo at mukhang napansin ito ni X.

Nakakainis! Bakit ba kasi hindi pa tuluyang gumagaling ang lintik na paa na 'to e!

Malakas na nasuntok ni X ang pisngi ko pero dahil doon ay malaki ang hakbang na ikinaatras ko kaya naging open na ang braso ko dahilan para makakuha ako ng chance na masugod siya at maatake. Siya naman ngayon!

"Ponyeta ka! Ponyeta ka! Bakit mo pinuntirya ang mukha ko?! Gago! Gago!" sigaw ko habang patuloy sa pag-atake. Wala akong pake kung mapuruhan ko siya. Galit ako dahil sinuntok niya ang mukha ko! Bwesit!

Ang ilan ay nailagan niya pero mas maraming tumama sa mukha niya dahil hindi siya makapwesto nang maayos dahil sa patuloy kong pag-atake. Binuhos ko ang lahat ng lakas ko huling sipa ng kana-ay kaliwang paa pala dapat.

Tuluyan na siyang natumba kaya napaupo na rin ako sa sahig dahil sa pagod.

"Kunin mo na 'yang kapatid mo at gamutin."

Gaya ng inaasahan, ginawa niya naman ang sinabi ko saka inakay ang kapatid niya. Hindi lumalaban si Y sa taong dehado. Tumingin ako kay Chubby na may hawak ng chitchirya at lumalamon na.

"Pahingi!" sigaw ko. Kumunot ang noo niya pero hinagis niya naman sa akin 'yung Piattos. "Buhay mo ang kabayaran niyan."

"Take your time to make a plan when will you collect my debt," kalmado kong sabi saka binuksan ang piattos saka nahiga sa sahig at kumain.

Mahinang natawa si Chubby saka umalis kasabay ang dalawang magkapatid. Banta talaga ang sinabi niya pero imposibleng masingil niya ako kung buhay ko ang gusto niyang kabayaran.

Madumi ang uniform? Check! May pasa sa mukha? Check! Zombie kung maglakad? Check! Bugbog ang buong katawan? Check!

Bakit kaya nila hinahabol si Tev? Anong pakay nila rito? Anong koneksyon ni Tev sa Blackwing Gang? Shit! Bakit nga ba hindi ko tinanong si Chubby kung bakit nila sinusundan si Tev? Ang tanga ko naman! So, anong use ng pakikipaglaban ko? Reunion?! Practice?!

Continue Reading

You'll Also Like

41.9K 63 1
This was published April 1, 2022 with the story title "Unlit Candle". Afaik, kasabayan nito ang paglabas ko ng Dark Gang. Inilabas ko ito just to cel...
3.2K 428 28
Everything seems perfect in Shinnel's life, but no one knows how her life is. She planned out everything she should do. She sets rules for herself: n...
65K 2.2K 25
"It becomes chaos when the hunters are now the ones to be hunted." °°° In an Organization, there is a ruler. In a game, there are players. And when a...
22.3K 654 87
Everything feels so unreal. The past want her back. The present want her too. Is it too late for the past to be her future? Is it too late for her t...