St. Agustin Hospital | ON-GOI...

LeseMajesty tarafından

540 99 165

They were already five when they finally reached the hospital, meanwhile two members were already missing-in... Daha Fazla

ST. AGUSTIN HOSPITAL
Checkpoint 1
Checkpoint 2
Checkpoint 3
Checkpoint 4
Checkpoint 5
Checkpoint 6
Checkpoint 7
Checkpoint 8
Checkpoint 9
Checkpoint 10
Checkpoint 11
Checkpoint 12
Checkpoint 14
Checkpoint 15
Checkpoint 16
Checkpoint 17
Checkpoint 18
Checkpoint 19

Checkpoint 13

14 2 14
LeseMajesty tarafından

Soldier or Warrior?

FELIX COULDN'T sleep tight because of the coldness of the night. Aside from this, he was thinking about Aether's worried face since he helped treating Corporal Alegre.

Ano kaya ang iniisip niya?

Bumangon si Felix at napag-alamang wala ang babae sa tabi niya kaya naisipan niyang lumabas at hanapin si Aether. Hindi na niya kailangan pang maghanap sa buong kampo dahil pagkalabas niya pa lang sa tent ay nakita na niya ang babaeng naroroon sa gilid ng mga natutulog na sundalong nasa labas ng tent, ginagatungan ang apoy na halos matupok na.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Bungad ni Felix at lumakad palapit sa kan'ya.

"Hindi ako makatulog." Naglagay ng isa pang kahoy si Aether sa apoy. Nang lumakas nang kaunti ang apoy, ay inilapit ni Aether ang mga kamay para mainitan siya.

Bahagya namang ngumiti si Felix at tinabihan siya sa nakatumbang puno ng kahoy at itinapat rin ang mga kamay malapit sa apoy para mainitan rin siya.

Ang lamig lang kasi sa pakiramdam na wala kang katabing matulog.

"Ikaw." Nilingon siya ng babaeng sundalo. "Bakit hindi ka pa natutulog? Kayo itong mas pagod kaysa sa akin, hindi ba? Kailangan mong magpahinga."

Bahagyang natawa si Felix, "Wala 'yang pagod na 'yan kapag ikaw ang iniisip ko." Nilingon niya ang babaeng sundalo na siyang agad ring naglayo ng tingin sa kan'ya. "Nag-aalala ako sa 'yo, Aether, kung bakit hindi ka pa natutulog. Alam mo na, gabing-gabi na at baka anong mangyari sa 'yo rito sa labas. Ayaw ko namang matulog nang hindi ko nasisiguro ang kaligtasan mo."

"Salamat sa pag-aalala, Felix." Ngumiti si Aether sa kan'ya na siyang ikinatuwa ni Felix. "Matutulog rin ako mayamaya. Nagpapainit lang ako rito, ang lamig kasi sa loob ng tent."

"Yayakapin na lang kita," malapad ang mga ngiting binigay ni Felix kay Aether dahilan para mapatawa ang babaeng sundalo.

"Loko ka! Ayaw kong yumakap sa taong parang patay kung matulog, 'no."

"Fine! This fire is fine." Sumimangot si Felix pero mayamaya ay napalingon sa kan'yang paligid, isa-isang tinignan ang mga sundalong natutulog sa likuran nila ni Aether pati na rin sa kinaroroonan nina Shelton kung saan binubugbog siya nila Gilbert. "Ahm, hindi ko yata nakikita ang kaibigan mo rito?"

Nangunot ang nuo ni Aether, "Si Shun?"

Felix hummed as his reply and nodded before turning his head again, trying to find Shun in the place, but Shelton found Felix instead.

"Martines! Felix! Halika rito, tulungan mo ako!" Pasigaw na tawag ni Shelton kay Felix habang kinukulong ni Gilbert ang leeg nito.

"Naman, oh! Gusto kitang kasama rito, eh!" Laglag ang balikat na binagsak ni Felix ang mga kamay at walang buhay na yumuko. Nagbuntong hininga si Felix na para bang sasabak na naman siya sa bakbakan, pero ngayon, haharapin niya lang ang kadaldalan ni Shelton.

"Sige na. Kawawa si Shelton, oh," natatawang sabi ng babae sa kan'ya dahilan para lingunin niya si Aether. "Hahanapin ko lang si Shun." Tumayo si Aether.

"Sigurado ka?" nag-aalalang tanong ni Felix sa babae at umayos ng pagkakaupo. Tumango ang babae nang may ngiti pa sa labi kaya walang nang nagawa pa si Felix kun'di ang magbuntong hininga at tumayo na lang. "Mag-iingat ka. Sigurado akong nasa paligid lang ai Shun at gustong mapag-isa. Ibayong pag-iingat ang gawin mo, ah? If something happens, call me, or someone near to you so that we could provide some help."

"Yes, sir!" Nakangiting sumaludo ang babaeng sundalo kay Felix.

Ngingiti na sana si Felix nang muli na naman niyang narinig ang pagtawag ni Shelton sa kan'ya dahilan para inis niya itong nilingon.

"Ano ba! Mga sampid talaga kayo sa tahimik at payapa kong pamumuhay! Wala ba kayong mapag-trip-an, ha?!" Tumawa ang grupo nina Shelton sa tinuran ni Felix nang magsimula itong lumapit sa kanila.

Nagulat na lang si Felix nang pinagkukuyog siya ng anim na sundalo. Tumawa na lang siya nang wala siyang magawa para ipagtanggol ang kan'yang sarili.

"Bitiwan niyo akong mga tangina kayo! Isusumbong ko kayo kay Commander Salvador! Mga buwisit kayo, maghanap kayo ng mapagti-trip-an!"

Muling tumawa ang mga sundalong kumukuyog sa kan'ya sa pabirong paraan. 'Di kalaunan ay nakitawa na rin si Felix.

Matapos ang mahaba nilang bakbakan, ngayon lang ulit sila nagkatuwaan. Ang huli nilang kantiyawan ay noong hindi pa nabubuo ang Alpha Team.

Ang gaan lang sa pakiramdam na kahit may hinaharap silang krisis, ay may oras pa rin silang magsaya kahit sandali lang. Pagkatapos ng maliit nilang kasiyahan ito, ay balik na naman sila sa pagiging alerto sa pagsabak sa giyera.

And one of them laughing right now might end up losing their lives on the next few hours.

At ayaw ni Felix na maging isa sa mga sundalong hindi papalaring makaligtas.

"Tahimik!" Saad ni Shelton at nagtapat ng daliri sa bibig. "May sigawan yata akong naririnig."

Tumahimik sina Felix at ang iba pa para subukan ring pakinggan ang sigaw na sinasabi ni Shelton. But none of them heard it except Shelton himself.

"Aahh! Nakakamiss maging single," sabi pa ng Lieutenant Colonel habang nakangiting inaalala pa yata ang mga panahong hindi pa niya nakilala ang kan'yang magiging asawa.

Pinagsasasabi nito?

"Sir, nababaliw ka na talaga. At p'wede ba, hindi tayo close para akbayan mo ako." Umirap si Felix at inalis ang braso ni Shelton sa balikat niya. Doon natawa sina James, Gilbert, Henry, Lester at Bryan. "Si Aether lang ang p'wedeng humawak sa akin," dagdag pa ni Felix at pinagpagan ang balikat nito na para bang isang malaking alikabok ang braso ng kapwa sundalong isang ranggo ang taas sa kan'ya.

"Speaking of, Martines. May itatanong ako sa iyo," wika ng Lieutenant Colonel kay Felix nang nakangisi pa, ang ngisi nitong hindi maganda sapagka't maraming binabalak ang laman ng utak nito.

"Ayan na naman siya," magkapanabay na sabi ng limang sundalo at sabay ring tinampal ang kanilang nuo. Sabay rin silang nagbuntong hininga.

Hindi pa rin ba tapos ang lieutenant Colonel na sinumulan niyang maliit na apoy? Akala nila ay natupok na ito, 'yon pala, bumabaga pa.

Nagtaka naman si Felix kung bakit nagkaganoon ang lima nang sabihin iyon ni Shelton sa kan'ya.

"Bakit? Ano ba 'yon?" kunot nuong tanong ni Felix, hindi maisip kung anong nilalaman ng utak ng Lieutenant Colonel.

Muli siya nitong inakbayan habang suot nito ang naloloko niyang pagngisi, "Alam mo kasi, isa-isa ko silang tinanong kanina kasi na-curious lang ako kung ano ang ginagawa nila kapag sinusumpong sila. At talaga namang kawili-wiling pakinggan ang kani-kanilang mga sagot."

Lalong kumunot ang nuo ni Felix dahil sa sinabing iyon ng Lieutenant Colonel. Na-curious saan? Kawili-wili ang alin? Sinusumpong ng ano?

"Oh, tapos?" Taas kilay na lang na turan ni Felix kahit naguguluhan pa rin sa pinupunto ni Shelton.

"Tatanungin kita, Martines," Hindi pa rin mawala sa labi ng kapwa sundalo ang pagngisi nito kaya napaisip na si Felix kung ano ang tinutukoy ni Shelton. "Are you a soldier or a warrior?"

Ha? 'Yon na ang tanong? Napakadali naman!

Tumawa si Felix. "Shempre, sundalo! Tinatanong pa ba 'yan?"

"Hindi, hindi, hindi, Martines. Ang ibig kong sabihin," humigpit at bumigat ang pagkakaakbay ni Shelton kay Felix at inilapit pa ng lieutenant colonel ang bibig sa tenga ni Felix. "Ano ang ginagawa mo kapag bigla kang sinusumpong ng pangangailangan mo? Kaya kita tinanong kung sundalo ka ba na susundin pa rin ang utos bago ang sarili, o mandirigmang walang utos na sinusunod at uunahin ang pansariling pangangailangan."

Nalukot ang mukha ni Felix nang mapagtanto niyang iyon pala ang tinutukoy ng Lieutenant Colonel na soldier or warrior.

Yumuko si Felix, tinatago ang mukha sa mga kasama niya at pilit na sinusupil ang tawang gusto niyang pakawalan.

"Hoy, Felix. What happened?" tanong ni Gilbert at sinubukan pang tignan ang mukha ni Felix, pero hindi niya maaninag dahil sa kadiliman ng gabi.

"Brad, inosente yata 'to. Maling tao ang dinala mo rito." Turo ni Major Lester Pantas kay Felix bago siniko si Captain Bryan Bandiola.

"Si Garido ang sisihin mo rito, Pantas. Pare-pareho lang tayong kinaladkad ng putanginang 'to!"

"Matutulog na ako," sambit naman si first Lieutenant Henry Blanco at akma pang lalakad palayo nang hawakan ni second lieutenant James Fraser ang kwelyo nito dahilan para sandaling masakal at bumalik sa kinaroroonan si Henry.

"Mag-sorry ka naman sa kan'ya bago ka umalis. Tinutukan mo ng baril ang kaibigan niya," said Fraser as-a-matter-of-factly.

"A-ano. . . Martines, p-pasensya n—" sabi pa ni Henry nang nakayuko pero napatigil rin sa pagsasalita nang marinig ang boses ni Felix.

"Alam n'yo. . ." mahinang sabi ni Felix nang nakayuko pa rin matapos ang ilang sandaling pananahimik, pinapakinggan lang ang komento ng kan'yang mga kasamahan.

Si Shelton na siyang dahilan nang lahat ng ito, ay dahan-dahang inalis ang braso nito sa balikat ni Felix. Napalunok pa si Shelton.

Humugot ng malalim na hininga si Felix at biglang nag-angat ng tingin suot ang pagtagis ng kan'yang bagang dahil sa inis.

"Sa gitna ba naman ng krisis na ito ay iniisip n'yo pa 'yang tawag ng laman?! Mga gago ba kayo? Sige nga, subukan n'yong tirahin ang babaeng infected na 'yan kung kaya n'yo!"

Mabilis na umiling-iling nang marahas ang mga sundalong kaharap ni Felix nang tinuro niya ang nurse na infected ng MH virus, maliban na lang kay Shelton na mukhang ayaw na yatang ulitin ang sinimulan niya.

"Hindi! Maliban dito sa pagsabak natin sa gubat. I mean, in the barracks and Head Quarters. Iilang mga babaeng sundalo lang ang naroroon, pero alam mo 'yon? Hindi tayo palaging nakakauwi, 'di ba?" pagpupunto pa ni Shelton, mga kamay ay nagsisimulang manginig dahil sa biglang uminit ang ulo ni Felix.

"Aba'y mga putanginang mga manyakis 'to?! Mga sundalo pa naman kayo, oo!" Felix scoffed in disbelief. Hindi nagtagal, nagbuntong hininga na lang ulit si Felix dahil sa rason ni Shelton at napatampal na lang sa nuo.

"Sorry, Martines, pero mas matalas ang dila mo kaysa sa akin," komento ni Henry Blanco na siyang nasabihan ni Felix kaninang 'matalas ang dila'.

Maliban kay Blanco, Garido at kay Felix, mahinang tumawa ang ilan sa kanila.

Naaawa ako sa mga babaeng sundalong nagiging biktima ng buwisit na mga tanginang 'to. Parusahan sana sila dahil sa marumi nilang pag-iisip.

"Masyado naman yatang mainit ang ulo mo, pare. Tinanong ka lang, eh. Are you guilty?" Ngumisi naman ngayon si Shelton.

Ngumisi rin pabalik si Felix at parang mababa pa ang tinging binibigay kay Shelton, "Tingin mo ba guilty lang ako, Sir?"

"Babawiin ko ang sinabi kong inosente si Martines."

Sa sinabing iyon ni Major Lester Pantas, ay napuno ng tawanan ang kanilang dako habang si Felix nama'y pinupunterya ang nagsimula ng kaguluhang ito, si Shelton.

"Ikaw ba, Sir," panimula ni Felix nang nakangisi pa rin kay Shelton. "Isa ka bang sundalo o isang mandirigma?"

"S-sundalo, siyempre!"

"Sinungaling," said Felix and looked at him flatly. "Akala mo ba ay hindi ko alam na palihim mong tinitira tatlong beses sa isang linggo ang maganda, maputi, makinis at makurbang Lady guard sa barracks ng mga babaeng sundalo?"

"Lady Guard?!" bulalas nina Gilbert, James, Henry, Lester at Bryan. Mayabang na tumango-tango si Felix, kaya sabay nilang nilingon si Shelton na siyang tinaas sa ere ang dalawang kamay.

"Huwag n'yo nang halungkatin pa kung bakit."

"Tangina ka! Gusto mong malaman ang sekreto namin tapos ikaw itong may tinatago rin pa lang mas malaki pa!"

"Saka makinig kayo. May nalaman pa ako," kuha ni Felix sa atensiyon nilang lima at nagkumpulan pang hindi kasama si Shelton. Doon ibinulong ni Felix sa mga kasama niya ang nalaman patungkol sa Lady Guard ni Shelton at sa Lieutenant Colonel.

"Hoy! Seryoso ka? Hahahaha!"

"Hindi ko yata alam ito, ah!"

"Walang hiyang sinungaling!"

"Alam mo, Shelton, tayo ang mas close sa isa't isa, pero wala kang nabanggit tungkol sa magiging asawa mong putangina ka."

Tumayo nang matuwid si Felix habang nakalagay pa ang isang kamay sa beywang nito. Hindi pa rin mawala sa labi niya ang pagngisi.

"Ngayon, Sir, kumpirmahin mo nga ang sinabi ko."

They were all anticipating to Shelton's answer who's struggling to tell them about his affair with the Lady Guard on the women's barracks.

"Buwisit ka talaga, Martines!" inis pang saad ni Shelton bago laglag balikat na sinabi ang, "Oo na! Siya ang tinutukoy kong magiging asawa ko sa susunod na taon."

"HAHAHA! Congratulations, pare!"

"Matuwa naman sana kayo at hindi matawa! Hindi ko kayo iimbitahan, mga gago kayo!"

But little did this soldiers know, while they were laughing their hearts out because of a simple but complicated question, two members of the Alpha Team was having their hard time laughing at the moment.

Burning hearts with pangs of melancholic pain reigned over the side of the front line base.

Yumuko si Shun sa kan'yang mga paa at nakita ang repleksiyon ng buwan sa paanang may tubig. Doon niya rin ipinikit ang mga mata at ikinuyom ang mga kamay.

It hurts. . .

"Bakit ka dumidistansiya sa akin?" Aether asked gently and calmly to him. "Shun. . ." She called his name softly, and it touched his lonely heart.

His lonely heart was beating alive like it came back to life, and it really made Shun happy. But also that lively beating of his heart was the cause of his pain.

His heart beats for Aether but it seems that her heart wasn't beating for him.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?"

Tumango ang babae sa tanong niyang iyon.

Mali palang mahulog ang loob niya sa kaibigan dahil magdudulot lamang ito ng komplikasyon. Maaaring magkaibigan pa rin sila, pero mag-iiba na ang trato sa isa't isa hindi gaya nang dati. Maaari ring tuluyang magiba ang pagkakaibigang iyon kapag isa sa kanila ang aamin sa kanilang totoong nararamdaman.

Iyon ang ayaw ni Shun naangyari sa pagkakaibigan nila ni Aether.

Pero hindi na niya kaya ang sakit na dala ng kanilang pagkakaibigan sapagka't si Shun lamang ang tumutugon sa nararamdaman niya.

"Because I know I can't have you, Aether."

LeseMajesty | Ellie

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.3K 192 10
Paano kung makatagpo ka ng isang taong nakalimutan kung paano ipapakita o ipaparamdam ang emosyon nito sa kapwa, basically emotion is a instinctive s...
16.1K 447 40
Flawziya Arden hadn't discovered her power, so her mom sent her to a school where she witnesses different forms of magic and meets people who become...
337 85 34
Legend says that there was a fairy named Solana, a fairy who is love by the sun. She has twin a sister named Selene, a fairy who is love by the moon...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...