Feeler Much?! [BTS Fanfic]

由 yanredania

130K 7.1K 2.2K

[Completed] Crush ako ni Jin. Boyfriend ko si Yoongi. Nililigawan ako ni Hoseok. May affair kami ni Namjoon... 更多

Prologue
Chapter 1: Meet the Feelingera
Chapter 2: Happy Birthday, Minnie!
Chapter 3: OMG! Stalker?!
Chapter 4: Cannot be?!
Chapter 5: Shy shy shy boy! oh oh oh my boy!
Chapter 6: Turuan mo ko!
Chapter 7: So not me
Chapter 8: Heartbreaking Moment-Pinky Promise
Chapter 9: Hidden Concerns
Chapter 10: Back Again
Chapter 11: Completely Healed
Chapter 12: Not Productive
Chapter 13: Snow White
Chapter 14: Feeler no more
Chapter 15: Avoiding Snow White
Chapter 16: Jealous much?!
Chapter 17: Randomly Sweet
Chapter 18: Satur-Date
Chapter 19: Aspiring Composers
Chapter 20: Wedding
Chapter 21: Clearance
Chapter 22: Surprise Comeback
Chapter 23: Drunken Conversation
Chapter 24: Trouble
Chapter 25 : Past
Chapter 26: Observations and Doubts
Chapter 27: CherryProtectionSquad
Chapter 28: MEAN Yoongi
Chapter 29: Weak
Chapter 30: Annoying kid
Chapter 31: Hope and Hearts
Chapter 32: Alpha
Chapter 33: Hide Me! (Under Revision)
Chapter 34: Other Side
Chapter 35: Practice
Chapter 36: Missing you
Chapter 37: Serious Talk
Chapter 38: Yoongi's Hell
Chapter 39: Playing Spy
Chapter 40: Gala
Chapter 41: Unlikely Visitor
Chapter 42: Paulo's Request
Chapter 43: Meeting Paulene
Chapter 44: 13 Years Ago
Chapter 45: Something Lucky
Chapter 46: Dad
Chapter 47: A Brother's Phone call
Chapter 48: She's Back, They're Back
Chapter 48 pt. 2: Secretly Painful
Chapter 49: Nevermind
Special Chapter
Chapter 50: Ever After
Epilogue
FM?!
Next?
Posted

Chapter 18 pt. 2: Satur-Date

2.5K 128 62
由 yanredania

#INEEDU

So muntik na kong himatayin sa Love is not over ni Jungkook! Lalo naman sa hold me tight ni V! Hindi ko na kaya! Tapos ang hot pa ng boses ni Jimin at Rapmon! Hobi! Please, stop being so cute! You're killing me! At ikaw naman Suga, ang hot me bh3!

And to my Kim Seokjin... I love you... AY! CHAROT! Ang gwapo ng boses mo! Pati ikaw mismo!

And remember the goals ARMYS! 4 million views in one day! Sa ibighit kayo manood! Tapos comment na rin kayo at like! Lovelots!

#BTS1stWin - make this happen! Jebal!

And here goes the second part of SATUR-DATE! Enjoy!
***

Chapter Eighteen pt. 2

Ow--kay? So nasa harap kami ng arcade ngayon.

"Uhm...Realtalk, Yoongi, hindi ako magpapanggap na fan ako ng arcades kahit pa crush kita." Baling ko sa kanya nang dalhin niya ko sa Quantzone. I mean, really?! Ang first date namin?! Sa arcade?! How romantic is that?!

Pagkasabi ko nun ay ngumisi lang ito at saka kinurot ang pisngi ko bago ako tuluyang hinila papasok sa arcade.

Pagtingin ko sa loob, ang daming tao. Kala ko puro bata lang ang nandito, may matatatanda din pala. Well, mostly, teens naman ang tambay dito at mga naglalaro ng basketball, shooting games, at may mga nagsasayaw din. Ang light lang ng ambiance dito. Maliban na lang dun sa may race ek ek na mga nagmumurahan na. Isama mo na rin yung mga lalaking naglalaro nung cranes at sinusumpa na ang lahat ng pwedeng isumpa dahil hindi nila maikuha ng stuff toy ang girlfriends nilang tinotoyo na din.

"Tara, Cherry. Laro tayo non!"

Tiningnan ko naman ang tinuturo ni Yoongi... umaasang tinubuan naman sya ng sweet bones sa katawan at ikukuha rin ako ng cute na bear tulad ng ginagawa ng isang normal na suitor... pero nadismaya lang ako ng bongga dahil gusto niyang laruin namin yung Tekken. TAKE NOTE! TEKKEN?!

Seriously? I was expecting for sweeter moments here! I mean, this is our first date ever kaya! What the fudge?!

But here we are, in the middle of the crowd na nagchi-cheer samin, (Na mukhang pinagpupustahan na kung sinong mananalo saming dalawa ni Yoongi, sa pula sa puti. Ako yung pula tapos puti si Yoongi. Leche! Bakit walang pumupusta sakin?! Maganda naman ako ah!) totally engrossed with the game we're playing. But to hell with the moments! I'm actually enjoying this! Lalo na't lamang ako kay Yoongi at malapit ko na siyang ma-K.O. BOOYAH! --- Happiness! Lalalalalalalalalala!

"Grabe wala ka palang laban sa JIN ko eh! Wala na! Umuwi ka na! Talo ka na sakin, Yoongi bebe!" Sigaw ko habang walang tigil sa pagpindot nung control buttons. Mema na lang ang labanan! Memapindot na lang! Hahaha!

"F*ck that JIN! Ang panget naman nyan! Bakit ba 'yan ang pinili mong player?" Iritang sambit/hugot line ni Yoongi na nahihirapan ng ilagan ang mga attack ni JIN my labs so sweet ko! Mehehe! Yung Jin sa Tekken, ha! Hindi si original my labs so sweet Seokjin Kim. Iba yon! Pogi yon eh! Kelergsh nemern aqu Bh3!

Nagpalakpakan na lang yung mga tao na nanonood samin nang manalo ang nag-iisang dyosa! Sino pa ba yon kung hindi ako lang din naman, diba?! Natalo ko si Yoongi! Wahahahaha! Huh! Who you saken yung mga pumusta kay Yoongi!

Ngiting-ngiti ko namang binalingan ang nakasimangot nang si Yoongi. Nakakailang rounds na kami pero ni isa, wala siyang naipanalo. Ang yabang-yabang niya kanina, kesyo siya daw ang arcade king, tapos wala pa daw nakakatalo sa kanya. Kahit nga daw si Jungkook, natalo niya eh! Tengeneng!

Eh kaso wala eh! Dyosa ang kalaban niya ngayon . Ano namang laban ng isang mortal na nilalang sa isang purong dyosa? Wala naman, diba?! Hay, ano ba yan! Medyo hindi ko pa nga ginalingan yun eh. First time ko lang kaya, eh kaso wala talaga! Perfect ako eh! Fast learner pa!

Lalong nabadtrip si Yoongi nang halos laruin na namin lahat ng games dito sa arcade pero sa lahat ng 'yon... sad to say pero... TALO SIYA! Wahahaha!

"Tinatawa-tawa mo dyan? Kanina ka pa." Walang emosyong sambit ni Yoongi habang nilalantakan yung fries sa harap niya.

Matapos libutin ang bawat sulok ng Quantzone eh pumunta naman kami sa McDewlibee dahil nagutom na si bebe ko at para na rin siguro pakalmahin ang nagwawalang ego niya dahil siya, na arcade king at undefeated player, ay natalo ng isang Cherry Fortaleza. PFT! Take note, first timer Cherry Fortaleza! Maganda na Winner pa! Talaga naman!

"Meheh! Let's take a recap, shall we?!" Nakangising saad ko saka nagpangalumbaba sa harap ni Yoongi.

Tumaas lang ang kilay nito. "Stop."

Lalong lumawak ang ngisi ko.

"Naka-pitong round tayo ng tekken..." Simula ko at hindi pinansin ang pagtutol ni bebe. Nagdilim naman ang mukha ni Yoongi.

"Don't push it, Cherry." Psh. Pikon si bebe ko.

"Lahat... ako nanalo. Wahahahahah!" Tuloy ko pa. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

Natawa na lang ako dahil ang sama talaga ng loob niya kanina pa. Dapat daw hindi na lang niya 'ko dinala sa arcade. Hahahaha! Bitter ang lolo mo!

"Akala ko ba ayaw mo ng arcades. You seemed to be enjoying this." Nakasimangot pa ring sabi ni Yoongi dahil kanina ko pa siya inaasar kung gaano ako kagaling na player at kung gaano naman siya kabulok.

"Sinong may sabing ayaw ko sa arcades?!" Tangging tanong ko pa. "I so love arcades kaya! Lalo pa't best player ako at laging high score! Wahaha! I'm so great right?! Hahaha! Balik tayo don ulit, ha?!"

***

"Balik tayo don ulit, ha?!" Tumatawa pa ring sambit ni Cherry bago muling bumalik sa pagkain ng in-order niyang spaghetti.

Napapangiti na lang ako habang pinapanood siyang kumakain. Hindi mawala ang ngisi sa labi nito. "Grabe yon, no, Yoongi! Biruin mo, sa lahat ng nilaro natin, ni isa, wala ka man lang naipanalo?! Hanggaling ko nga naman talaga! Natalo ko ang Arcade King! Kailangan ng remembrance nito!" Masiglang nilabas ni Cherry ang phone niya at itinapat sakin ang camera nito. Napasimangot naman ako. Ano na namang balak nitong babaeng 'to?

"Lights, camera, action!" Mukhang in-on niya yung video settings at umilaw ang flash ng phone niya. "Today, October 15, 20xx, ang first ever date namin ni Yoongi! Yippiee! Magdiwang tayo! Eeep! Kinikilig ako!" Irit pa nito saka itinapat niya ang camera sa mukha niya bago muling i-focus sakin. Tawa pa rin siya ng tawa. I can't help but laugh at her silliness! She's f*ckin, cute! D*mn it! "Uy! Tumatawa ang bebe ko!" Hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatutok ng phone camera niya sa mukha ko. "Dinala nga pala ko ni Yoongi sa arcade ngayon!" Excited niyang kwento sa ngayo'y nakatutok na sa kanyang camera. "Super enjoy ako! Lalo na't ang weak pala ni Yoongi sa Tekken! Wahahaha! Ipapakita ko sa inyo ang poging-pogi na si Yoongi Min na wala man lang naipanalong round laban sakin. Eto po siya, mga kababayan!" Nakangising saad pa niya saka dahan-dahang itinatapat sakin ang camera habang ginagaya niya ang tunog drum roll. "Dugudugudugudugu! Aww! Bakit nakasimangot si Yoongi bebe!?" Nakangusong tanong nito, hindi pa rin inaalis ang focus ng camera sakin, pero halata mong tuwang-tuwa siya na nakasimangot ako. "PFT! Okay lang yan Yoongi, kahit loser ka, crush pa rin kita! Wahaha!" Asar niya pa sakin.

"Ang daya."

Nakita kong kumunot ang noo ni Cherry. "Anong madaya?"

"Crush mo pa lang ako... pero mahal na kita."

Napangisi na lang ako ng mapansing nanlaki ang mata niya at saka namula ang buong mukha.

"Oh? Bakit ka namumula?" Pang-aasar ko pa. Nakita kong papatayin na sana niya yung phone niya pero naagaw ko yon sa kanya.

Ngayon naman, itinutok ko ito sa mukha niya. Ginaya ko yung mga ginawa niya kanina. "October 15, 20xx." Simula ko pa saka inilapit ang camera sa mukha niya. Pilit naman niyang tinatakpan ng buhok ang namumula niyang mukha. "First date namin ni Cherry. At nagba-blush siya ngayon. Hahahaha!" Nakasimangot namang tumingin sa akin si Cherry. "I am not blushing!" Depensa pa nito saka pilit inaagaw sakin ang cellphone niya. Pilit ko naman itong iniiwas sa kanya. "Hahahaha! Hindi daw! Namumula na kaya yung buong mukha mo, oh!" Tumatawang dagdag ko pa saka pilit itinututok ang camera sa mukha niya. Iwas naman siya ng iwas habang tinatakpan ng kamay yung lens.

"Stop!" Parang batang ungot pa nito.

"Why? It's fun."

"It's not!"

"It is."

"Argh! Yoongi!" Sigaw pa nito na halata mong napipikon na.

I stopped filming. "Okay, okay. Calm down."

"Psh! I hate you!" Nakahalukipkip at naiiritang sabi nito bago ako inirapan.

"It's fine that you hate me." Nakangising sabi ko. Nakita ko naman siyang nalilitong tumingin sakin. "As long as I love you, it's fine. You do the hating, I do the loving. Fair enough."

Natawa na lang ako ng batuhin niya ko ng kinrumple na tissue. "Yuck! Eew! Ang corny mo! Kainis ka! Panget mo!" Sunud-sunod na saad nito at patuloy pa rin ang pagbato sakin ng tissue.

"Hahaha! Delikado palang kiligin ang mga babae! Nambabato ng tissue." Natatawang sambit ko habang sinusubukang iwasan ang mga tissue na ibinabato sakin ni Cherry.

"Eew ka! Hindi kaya ako kinikilig!" Pulang-pula na ang mukha niya habang sinasabi yon.

Natawa na lang ako. "Halata nga."

Natigil kami, ako sa katatawa at si Cherry naman sa kababato sakin ng tissue, nang---

"Cherry! Long time no see! Na-miss kita."

Sumama naman ang timpla ko nang bigla na lang may lumapit na lalaki sa table namin ni Cherry.

Napansin ko namang nag-iba rin ang mood ni Cherry pagkakita sa lalaking 'to. Tumahimik lang ito at simpleng tinanguan yung bumati sa kanya. Nagtaka naman ako sa inasta niya... so not Cherry.

"Sige, Cherry! Una na 'ko! Bye-bye! Sana magkita tayo ulit!" Masiglang paalam pa nito bago umalis.

Tumaas naman ang kilay ko nang tingnan ko si Cherry at hindi pa rin ito gumagalaw.

"What?" Tanong niya sakin nang mapansing masama ang titig ko sa kanya.

"Who is he?" Tukoy ko sa lalaking lumapit sa kanya kani-kanina lang.

Napansin ko ang pagkabalisa ni Cherry nang itanong ko 'yon. F*ck! Why do I feel something's wrong?! No, something's going on and I'm sensing it's going to be so f*cking bothering once I find it out.

"Who's that guy?" I asked through gritted teeth.

D*mn! Why do I keep asking when I freakin' know who he might be to Cherry?!

Nakita ko naman ang bahagyang pagtungo ni Cherry bago nagsalita.

"Henry. Siya si Henry. Henry Sy. Ex boyfriend-"

F*ck! Sinasabi ko na nga ba eh! Sa kilos pa lang ni Cherry nang makita niya yung lalaking yon, may mali na eh! Ex niya pala yung g*gong yun?! I should have killed that assh*le and wring his nec-

"-ng ate ko."

Natigil naman ako sa pagmu-murder nung lalaki sa isip ko.

"Wait, what?!" Naguguluhang tanong ko.

"Sabi ko, yung lalaki kanina, si Henry Sy yon. Ex-boyfriend ng ate ko." Ulit pa nito.

Sh*t! False alarm!

***

Nang makauwi kami ni Yoongi ay dumiretso kami sa bahay nila. Aba! Namiss ko na ng bonggang-bongga ang bespren poreber ko no!

Nang makapasok kami ay naabutan namin ang bangtan na naglalaro na naman ng video games sa sala ng mga Min. Nakita ko naman si Kyle na nakikilaro din dun sa anim. Magkalaban sila ni Taehyung ngayon.

"Kyle bespren poreber and eber neber ending prensyip! Na-miss kita!" Lumapit ako sa kanya at ginulo siya ng ginulo hanggang sa matalo siya.

Tahimik naman na umupo si Yoongi sa sofa katabi ni Jin at Namjoon.

"Argh! Ang kulit mo, yan tuloy, natalo ako." Bwisit na bwisit na reklamo sakin ni Kyle.

Natawa naman ako saka kami nag-apiran ni Taehyung! "Ice cream ko brad, ha!" Tumatawang sabi ko kay Taehyung dahil natalo niya si Kyle nang guluhin ko 'to. Aba! Malaki-laki rin ang pustahan ng mga 'to. Isang libo din 'yon!

"Basta ikaw!" Sigaw pa ni Taehyung bago nagsasayaw sa gitna ng sala. Na sinabayan naman ni Hoseok. Baliw talaga.

Nakasimangot namang bumaling sakin si Kyle bago pitikin ang noo ko.

"Aray! Ngayon na nga lang tayo nagkasama sasaktan mo pa 'ko! Wow ha! Hindi na ba ko love ng bespren poreber and eber neber ending prensyip ko?!"

"OA mo." Halukipkip pa nito.

Napairap na lang ako. "Palibhasa kasi mas gusto mo ng kasama si Nerry kesa sakin!"

Nakita ko namang bahagyang namula ang pisngi nito.

"Ohmygosh! May HD ka sa masungit kong pinsan?!" Gulat kong tanong.

"Hwag mo nga kong pakialaman! Ikaw nga busy ka kay Yoongi eh!"

Natahimik naman ako.

"Don't tell me you're jealous?!"

Natawa na lang ako saka yumakap sa leeg niya. Oo, niyakap ko ang leeg niya, yung mahigpit. Siguro maya-maya lang wala na siyang malay. Buti nga kung malay lang ang mawala, diba?! Huehue!

"Yiee! Nagseselos si bespren poreber kay Yoongi bebe!" Asar ko pa sa kanya bago naglambitin sa leeg nito.

"Aray! Masakit, Cherry, ha!" Reklamo ni Kyle habang pilit inaalis ang pagkakasabit ko sa kanya.

"Yoongi oh! Nagseselos sayo si Kyle Jason Min."

Nang paglingon ko naman kay Yoongi ay masama na rin ang tingin niya samin.

Narinig ko naman ang biglang pagtawa ni Namjoon at Jin sa tabi ni bebe ko.

"Hahahaha! Baliktad na Cherry. Si Yoongi naman ang nagseselos kay Kyle ngayon. Kaya bumitaw ka na sa kakalambitin mo sa leeg niyan bago pa magkaworld war sa bahay na 'to." Humahagalpak sa tawa na saad ni Namjoon. Nag-apiran naman sila ni Jin nang mapansing lalong kumunot ang noo ni Yoongi.

"Oh sinong gustong lumaban kay Jungkook? Ako ayoko! Hahaha!" Tumatawang sabat ni Jimin saka binitawan yung controller nang mapansing si Jungkook ang makakalaban niya.

"Ayoko." Sabi ni Jin.

"Ayaw ko din. Tapos na kami ni Kyle kanina pa." Tumatawang saad naman ni Taehyung bago itinuro si Hoseok. "Si Hobi na lang."

Bigla namang tumakbo sa kusina si Hoseok. "Ah, busy ako."

"Namjoon?" Nakangising tanong ni Jungkook kay Namjoon.

"Ayoko nga!" Tanggi naman ng huli.

"Bakit ayaw nilang labanan si Jungkook?" Pasimpleng tanong ko kay Kyle.

"Halimaw yan pagdating sa video games. Mauubos ang pera mo kapag nakipagpustahan ka dyan sa batang yan." Pabulong na sabi sakin ni bespren poreber. "Si Yoongi pa lang ang nakakatalo kay Jungkook." Dagdag niya pa.

"Ikaw Yoongi?" Rinig ko pang tanong ni baby bro sa bebe ko.

Humalukipkip lang ito ata walang ganang sumandal sa sofa. "I don't feel like playing."

"Wala akong kalaban?"

Napangisi naman ako.

"Ako! Ako! Tekken yan diba?!" Excited kong sigaw saka tumabi sa pwesto ni Jungkook at kinuha ang isa pang controller. "Magaling kaya ako dito! Natalo ko pa nga si Yoongi eh."

"EEEEHHH?!" Di makapaniwalang sigaw nilang lahat maliban na lang kay Yoongi.

"Uhmm... Cherry, I think you shouldn't --" medyo nag-aalangang pigil sakin ni Yoongi.

Nginisian ko lang sila bago kami nagsimula ni Jungkook.

Si Jin pa rin ang pinili kong character.

Game start!

/five seconds later/

Game Over.

Napatanga naman ako sa TV screen. Huh? T-talo ako?

"Kala ko ba natalo mo si Yoongi?" Nagtatakang tanong ni Jungkook sakin.

"Oo nga. Naglaro kaya kami sa arcade kanina, tapos naka-ilang rounds pa kami! Talo lagi siya."

"Talaga?" Nakakunot-noong tanong ni Jimin, parang hindi makapaniwala.

"Uhmm..." mukhang hindi na komportable si Yoongi sa nagiging usapan namin.

"I-try mo ngang labanan si Jin." Pagsa-suggest pa ni Namjoon saka itinulak si Jin palapit sa TV.

Game Start!
.
.
.
.
.
Game Over.

"Pinaglololoko naman tayo ni Cherry eh!" Sigaw pa ni Taehyubg na napapakamot pa sa batok.

"Pinaka-weak na nga yang si Jin pero natalo ka pa rin." Dagdag pa ni Hoseok na kakabalik lang galing sa kusina.

"Pano mo natalo si Yoongi eh halimaw din yan sa Tekken?" Tanong pa ni Kyle.

"Uhmm..." Nag-aalangang panimula ni Yoongi saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. "Panik na ko." Dagdag pa nito saka nagmamadaling umakyat ng hagdan at pumunta sa kwarto nito.

"Ahhh... Alam na!" Tumatawa-tawang sigaw ni Jimin.

Huh? Anong alam na?

***

"Anong ginagawa niyong anim sa kwarto ko? Asan si Cherry?" Tanong ko nang biglang nagsipasukan sina Jimin sa kwarto ko.

"Umuwi na si Cherry sa bahay nila." Nakangisi namang sabi ni Jin.

"Ikaw ha?!" Mapang-asar pang sabi ni Jungkook sakin.

Hindi ko na lang sila pinansin. Hindi rin naman magpapaawat yang anim na yan sa pang-aasar eh.

"True love nga naman!" Sigaw pa ni Taehyung. Nabato ko naman siya ng binabasa kong libro.

"Ang ingay mo!" Napipikong sigaw ko na tinawanan lang nila.

What I did is a normal thing, right?! So why are they making it a big deal?! Normal lang naman na papanalunin ang babae kapag naglalaro kayo diba?! I mean, if that'll make Cherry happy, then why wouldn't I do it?! "It's just a game for pete's sake! Get over it!"

Natawa naman sila sa sinabi ko.

"But what Yoongi hates the most is losing, right?" Rinig kong tanong ni Namjoon dun sa lima.

"Oo nga!" Sagot naman ng lahat. Napasimangot na lang ako.

Psh! Who cares if I lose all the battles, Cherry's smile is a lot better than any other trophies, anyway.

---------
©Yanred

继续阅读

You'll Also Like

21.8K 3.8K 93
「 COMPLETED 」 chat my heart series 3 out of 7: ❝hi! ikaw diba 'yung umihi sa shorts nung grade 1 tayo?❞ epistolary + narration date started: date...
518K 11.8K 32
WARNING: THIS IS A TAGALOG FF WGM Directors will choose their new WGM couples And they choose one of the BTS members Which is JUNGKOOK Masaya ka dahi...
36.4K 2.6K 69
Their story's like a labyrinth, there are many twists and turns. Sometimes they think that this is the end but it will just turn out like any other t...
498K 19.3K 40
Book Cover By: -Euluxuria We Got Married BTS #2 ---------------- Here we go again. Who would have thought na sa Bangtan nanaman ang mapipili ng dire...