DARK SECTION

By MsDzayr

1.4M 54.4K 20.6K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
69: Trespassed
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

7: Threat

20.5K 987 253
By MsDzayr

| Threat |

DETH'S P. O. V

NASA labas kami ni Chaos dahil gusto niya raw ako makausap.

"Bakit mo naman pinagawa 'yon kay Luna? Naiintindihan ko pa no'ng mga nakaraang araw na inuutusan siya ng mga kaklase na'tin na sinusunod niya naman dahil sa utos mo. But now, can't you spare Luna from your plans? Wala ka namang ginagawa kina Eunice at Stella para mapaalis kaya bakit mo ginagawa ito kay Luna? Why making her suffer?" sunod-sunod na tanong ni Chaos na mukhang naaawa kay Luna na kanina pa ang panay sulat ng report namin sa notebook niya.

"She has to leave. She's a threat, Chaos. You know what I mean, right?"

I find her difficult to control because of her strong personality. She can be a threat. But what the hell is the problem with me? Everyone in dark section is difficult to handle too but I managed to handle and control them. Everyone caused me pain, made damage, and inflicted pain to others. I see everyone in our section as threat but I never gave up on them, so why am I giving up on this girl? What makes her different to others?

I don't know anymore.

Hindi naman parusa ang ginawa ko sa kaniya. Nainis lang ako ng marinig na makikipag-date ito sa boyfriend niya kaya ayaw pumayag sa group study. Kung ayaw niya, eh 'di sarilinin niya. Gumawa silang magkasama ng boyfriend niya para naman may katuturan ang pagsasama nila.

"No, she's not and no, I don't know what you mean by that. We're friends for a long time but sometimes I am still confused about how you think and act. We both know that she really belongs to our section as I continuously report to you what she's doing when you're not here. She's a girl but she's not ordinary. Who we need to dispose of is Eunice and her friend, Stella. We both know na hindi nila makakayanan ang mga gawain natin."

Looks like this man really fell in love with that girl, huh?

"Do you like her?" diretsong tanong ko, hindi inintindi ang mga sinabi niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang mga mata kapag nakikipagpatayan siya.

"What if I said yes? You will spare her from your dirty shitty things?" matapang niyang tanong.

"Still no," may diin kong sabi saka naglakad bumalik na ng room. Nahinto ako sa pagpasok nang makita si Luna na lumabas sa bintana.

LUNA'S P. O. V

Katatapos ko lang mareview ang mga pinagta-type ko sa phone kagabi hanggang madaling araw. In short, wala ulit akong tulog.

Walang pumasok sa first at second sub namin kaya nagtuloy-tuloy ako sa paggawa hanggang sa makita kong ten percent nalang ang phone ko.

Iniligpit ko muna ang gamit ko saka kinuha ang baunan ng tubig. Nag-iisa lang ako sa room at lahat sila ay nasa labas kaya naisipan kong lumabas sa bintana na patungo sa gubat.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa marating ko ang pababa ng gubat. Hinawi ko ang mga halaman na nakasabit at nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng isang batis. Humawak ako sa sanga na matibay naman at sa puno na nasa kabila saka dahan-dahang bumaba pero kahit ganun, nadulas pa rin ako.

Napahawak ako sa puwitan ko dahil sa sakit. Kinuha ko ang tubigan ko saka dahan-dahang naglakad. Naupo ako sa tabi saka hinubad ang sapatos ko saka ko inilubog ang paa ko sa tubig.

I can't believe that this school has this kind of place.

Inalis ko ang paa ko sa tubig at nahiga nang patagilid. Ipinikit ko ang mga mata ko. Susubukan kong matulog. Sana huwag akong managinip ng masama.

"We made a promise to Lola na babalik tayo, Mommy. I should do my schoolwork in advance," sabi ni Ate Rhaine habang nakikipaglaro kay Ced.

"Yes, you should," sabi ni Kuya Jasper.

"How about you, Luna? Ano'ng plano mo?" tanong ni Mommy na nakaupo sa passenger seat.

"We'll be having a meeting-"

Nakita ko ang pag ngiti ni Dad sa rear view mirror. "Good. Attend your class mee-"

"With Alexus and the gang."

"Luna!"

"Dad, pumapasok na ako araw-araw sa school. Ginawa ko naman ang sinabi niyo at binalak ko ng tumiwalag. I just can't find the right time but don't ask me to leave those people. I will leave the gang but my friends? There's no hell I would forget and leave them."

"Looks like I'm right about naming you 'Luna', you're lunatic and confusing as hell," natatawang sabi ni Dad. "Ayusin mo lang ang pag-aaral mo and don't go home if you have bruises all over your body."

"I know," tamad kong sagot saka nagbaba ng tingin kay Ced na malungkot na nakatingin sa akin kaya idinikit ko ang noo ko sa noo niya.

"Dad, napapansin mo ba 'yang dalawang motor na nakasunod sa atin kanina pa?" sabi ni Kuya habang nilalaro rin si Ced.

"Yes, Jasper."

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ang likod ng kotse at tama nga sila.

Kanina pagkaalis namin sa bahay ni Lola, may napansin akong nakaparadang dalawang motor sa hindi kalayuan. Akala ko may bisita lang ang kapitbahay.

Are these men from Blackwing Gang?

"Dad, stop the car," utos ko.

"Huwag ngayon, Luna."

"Dad, I think those men are from the gang we encountered. I'll call Alexus for the back up."

"Akala ko ba kapag aalis na roon, wala ka ng maasahang backup sa kanila?" kunot-nuong tanong ni Ate.

"I'm still on the gang, Ate," mataray kong sabi saka tumingin kay Dad na binibilisan na ang pagmamaneho. "Dad, stop the car. I can face them."

"No, you can't!"

"Kaya ko, Dad!"

"No, you're not! Just hold tight!" sigaw naman ni Mommy kaya nagulat ako. Hindi palasigaw si Mommy at kung sisigaw man siya, meaning nun galit na galit siya.

"Just listen, Luna. Don't be stubborn," sabi ni Kuya Jasper na hinawakan pa ang ulo ko kaya hinampas ko ang kamay niya na natatawa namang inalis.

"Yeah, Luna. Stop." Gatong pa ni Ate Rhaine.

"Shit," mura ni Daddy. Sunod-sunod ang mura niya habang panay ang apak sa break. "Hindi gumagana ang break!"

"W-what?!" Napatingin ko sa gilid ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tumatapat na sa amin ang isang motor at naglabas na ng baril ang angkas kaya niyakap ko na nang mahigpit si Ced at isinandal ang likod sa upuan. Ito nalang ang tanging pumasok sa isip kong gawin.

Bang!

Bang!

Bang!

Bang!

Loud bangs echoed. Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Para akong nabingi pagtapos ng lahat ng narinig at naramdaman ko. Unti-unti lang bumalik ang pandinig ko nang marinig ko na ang pag-iyak ni Ced.

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakayakap sa akin sina Kuya Jasper at Ate Rhaine. Hindi pa rin nagbabago ang takbo ng kotse. Wala nang mga humahabol sa amin.

"A-Are you o-okay, Luna? C-Ced?"

"Daddy!" sigaw ko nang una kong makita si Daddy na umuubo na siya ng dugo. Nakatingin kami parehas sa rear view mirror.

"Hold tight," he mouthed.

"I w-will make this shit s-stop," rinig kong sabi niya. Tumingin ako sa harap namin. It was a fucking cliff!

"I said hold tight and close your eyes, Luna!" sigaw ni Daddy dahilan para mapatango ako. Nakapikit ang mga matang niyakap ko nang mahigpit si Ced at itinulak ang katawan ko sa likod ng upuan sa pamamagitan ng paglalagay ng pwersa sa mga paa ko para hindi kami masubsob. Nang maramdaman kong huminto ang kotse, nagmulat ako ng mga mata. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang poste na binunggo ng kotse namin.

Nagbaba ako ng tingin kay Ced na panay ang iyak.

"Don't cry, Ced. You'll be fine. Ate will not leave you," nanginginig ang kamay kong pinupunasan ang pisngi niya. Sunod kong ginawa ay niyakap siya.

"Y-you m-must, L-Luna," pahina nang pahina na sabi ni Daddy hanggang sa tuluyan itong nawala.

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pagkawala ng ingay sa bibig ko nang makita ang lagay ni Kuya Jasper. Kita ko ang pag-agos ng dugo sa balikat niya na mukhang nagmumula sa leeg niya. Ayokong makisabay kay Ced. Ayokong makita niya akong nanghihina. Ayoko.

"Can you please close your eyes, baby? At hangga't hindi sinasabi ni ate na mag-open ka ng eyes, huwag kang mag-oopen ng eyes." Pagkausap ko kay Ced. Hindi siya sumagot.

"You heard ate? Can you do it? For me.... please, Ced..." nabasag ang boses ko, nagpipigil ng hikbi. Naramdaman ko naman ang pagtango niya sa balikat ko.

"You closed your eyes na?"

Naramdaman ko ulit ang pagtango niya. Huminga ako nang malalim para kumuha ng lakas bago ko ayusin si Kuya Jasper sa pagkakaupo niya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa leeg niya. Isinandal ko siya sa bintana.

HInawakan ko ang ulo ni Ced para masiguradong hindi niya iaangat ang ulo niya. When I turned my gaze to my left, I didn't see anything wrong with Ate pero nang alugin ko ang braso niya at masubsob siya sa likod ni Ced, that was when I started to cry. Ate got shot on the back of her head.

"Luna, s-stop. Come h-here." Utos ni Daddy.

"Nakapikit ka pa rin ba, Ced?" tanong ko.

Naramdaman ko ulit ang pagtango niya.

"Pikit ka lang, ibababa kita."

Nang maramdaman ko ulit ang pagtango niya ay saka ko lang siya ibinaba para patayuin.

"Huwag kang mag-oopen ng eyes." Paalala ko ulit sa kaniya. Tumango siya ulit. Lumuluha pa rin siya. Nauna akong lumabas ng kotse. Hinawakan ko ang kamay ni Ced saka binuhat. Nakita ko ang nakasalpok naming kotse sa poste. Umikot kami papunta sa driver seat saka binuksan ang pinto.

Nasa dibdib ang tama ni Daddy. Ganun din ang tama ni Mommy na nasa dibdib. Hindi ko nakita ang nangyaring pagbaril kaya hindi ko alam kung tulad ba ng pagbaril kina ate at kuya ang nangyari.

Biglang may ilaw akong natanaw sa hindi kalayuan at mukhang ito ang dalawang motor na humabol sa amin at pinagbabaril ang pamilya ko.

"You and Ced are not hurt anywhere, right?" mahinang tanong niya habang ang mga mata ay tila sinusuri ang katawan namin ni Ced. Naiiyak na umiling-iling ako.

Napunta ang tingin niya sa harap ng basag na windshield kung saan kita ang langit. "T-that's good. At least... at my l-last minute in this w-world, I became a g-good father." Umubo ulit siya ng dugo.

"You're really a good father, Dad. You r-really are..." unti-unting nanghina ang boses ko dahil sa pagbigat ng dibdib ko. Ibinalik niya ulit ang tingin sa akin. "They're here... I know y-your mom told you that you c-can't fight." He smiled painfully. "We both know that's a lie. We're just afraid of what might h-happen to you if you continue being p-part of a gang, but now, w-we entrust everything t-to you, Luna."

Muling bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na ingay mula rito. Ngumiti lang siya at tuluyan ng ipinikit ang mga mata. Kahit na gano'n, naintindihan ko ang gusto niyang sabihin.

He's telling me again that...

'Everything will be alright, my Luna.'

Tinakpan ko ang bibig ko ng kamay ko at nanghihinang napaupo sa harap ni Daddy habang yakap-yakap si Ced.

"Shhhh... Ate." pagpapatahan sa akin ni Ced kaya niyakap ko siya nang mahigpit. Nang tumigil ako sa pag-iyak, kumalas na ako sa pagkakayakap kay Ced pero para akong sinagasaan ng ten wheeler truck nang makitang nakapikit ito. Nagpanic ako. Chineck ko ang katawan niya kung may tama ng baril at wala naman kaya ko itinapat ang tenga ko sa dibdib niya. Nakahinga ako nang maluwag nang tumitibok pa ang puso niya.

Not him... I'm begging... tama na. Iiwan na sa akin si Ced.

Agad kong binuhat si Ced. Inalis ko ang seatbelt sa katawan ni Daddy para sakupin ng seatbelt ang natutulog na si Ced. Tinuyo ko ang luha ko bago sila iwan at puntahan ang dalawang motor na nasa likod ng kotse namin na mukhang naghihintay lang sa paglabas ko.

I can't be weak at this point. Ced is counting on me.

"So, you are really alive?" natatawang tanong ng lalaki.

"Ay hindi! Baka multo ako tapos binabalikan ko kayo" Pamimilosopo ko. "Sino kayo? Kalaban ba kayo nina Wave?"

Ito lang ang naiisip kong dahilan at wala ng iba pa at kung dahil nga ito sa laban sa pagitan ng mga gang, sarili ko lang ang dapat kong sisihin sa muntik na pagkaubos ng pamilya ko.

"Sinong Wave?" tanong ng isa na tumingin sa tatlo niyang kasama.

Natigilan ako sa naging reaksyon nila nang tingnan sila no'ng lalaking nagtanong. Hindi nila kilala si Alexus so hindi ito connected sa Blackwing Gang?

"Don't tell me pinadala kayo ni Blaze?!" galit na sigaw ko kahit imposibleng mangyari dahil may kasunduan sa pagitan nina Alexus at Blaze saka masyadong tahimik gumalaw ang Fallen Angel Gang para harapin ako nang ganito ng mga tauhan niya.

"Who the fuck are you talking about?!" galit na tanong ng isa kaya kumunot ang noo ko. So, hindi ito konektado sa gang wars?

Bumalik ang tingin ko sa kotse namin. Bigla na lang akong nakaramdam ng pagkirot ng ulo ko. Napapikit ako ng mga mata ko. Nang magmulat ako ng mga mata, nagflash sa isip ko ang sitwasyon ng pamilya ko sa loob kaya bigla nalang nandilim ang paningin ko nang ibinalik ko ang tingin ko sa apat na lalaki.

What I only want in this moment is their blood. Let them shower in their own blood. They need to die. Die.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago matalim ang mga matang tiningnan ko sila. Tinutukan nila ako ng baril. Kung bilang lang naman ang pag-uusapan, kaya ko sila kahit ako lang ang lumaban pero iba ang sitwasyon ko ngayon dahil may mga hawak silang baril.

Ngumisi ako para inisin sila.

"Anong nginingiti-ngiti mo, bata?" naguguluhang tanong ng lalaki na lalong humihigpit ang hawak sa baril.

"You are all holding a gun while facing me, a 15-year-old girl. Why? Too scared that I can beat you into pulp?"

Nagkatinginan sila, ngumisi ang dalawa bago nila hinagis ang mga baril. Tama 'yan, mga gago!

"Let's kill this-" bago niya pa matuloy ang sasabihin niya, mabilis akong tumakbo at sinipa ang tiyan niya kaya napayuko siya. Inilapat ko ang kamay ko sa likod niya and did tumbling. Kasabay ng paglapat ng mga paa ko sa lupa ang paghugot ko ng mallit na kutsilyo sa bulsa ng pants ko. Mabilis kong tinanggal ang takip at binitawan saka pinaikot-ikot sa kamay ko ang kutsilyo. Saktong pagharap sa akin ng lalaki ay ang pagsaksak ko sa kaniya sa tiyan at malakas na pagsipa kung saan ko siya pinatamaan dahilan para matumba siya.

Napatingin ako sa tatlo. Walang gumagalaw sa kanila at nakatulala lang sa kasamahan nilang nakabulagta na at iniinda ang sakit na ibinigay ko sa kaniya.

"You!" sigaw ng isa na akmang lalapitan ang baril na itinapon nila kaya mabilis akong tumakbo papunta rito saka sinipa ang baril papalayo at hinarangan siya.

Itinali ko ang buhok ko saka umiling. "One down!" sigaw ko saka siya sinugod. Suntok, ilag, suntok, ilag, sipa, suntok, sipa ang ginawa ko sa kaniya hanggang sa mapatumba ko rin ito.

"Ang babagal." Pang-aasar ko sa kanila but this is true, they can't keep up with my speed.

Sinugod ako ng dalawa at nakakailag ako sa bawat suntok na ginagawa nila. Sinipa ko ang private part ng isa saka sinaksak sa tiyan at ang isa naman ay papasugod din nang sikuhin ko nang malakas ang mukha saka kinuha ang kamay niya na akmang susuntok sa mukha ko. Ipinilipit ko ang kamay niya patalikod saka ko siya sinaksak mula sa likod. Nang mapabagsak ko ang lahat, yumuko ako at ginawang pamunas ng dugo sa kutsilyo ang damit ng isa sa mga pinatumba ko. Nang malinis ko na ito ay hinagilap ko na ang binitawan kong takip nito. Nang mahanap ko ito, ipinasok ko na agad ang kutsilyo ko rito saka inilagay sa likod ko.

Mukhang mas lalong naging mabilis ang galaw ko kahit na ilang buwan na akong hindi active sa gang. Magaan lang kasi ang katawan ko kaya ang dali lang sa akin para gumalaw nang mabilis at 'yun ang nakita sa akin ni Alexus noon. Ang iniisip kong dahilan nitong mabilis at maingat kong galaw ay ang pagtakas sa mga guards, kina ate at kuya, sa parents ko, makailang beses na paghabol sa akin ng mga aso, at pagiging isang dating baseball player.

Mahihina naman pala ang mga ito at matapang lang dahil sa baril. Mabuti nalang madali ko silang nauto, kung hindi patay na rin ako ngayon.

Nakaramdam ako ng pagod at akmang lalapit na ako sa kotse para icheck si Ced nang biglang may kumirot sa tagiliran ko.

Hindi kaya.....

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng dugo sa tagiliran ko. Nang lingunin ko ang apat na nakabulagta, saka ko lang nakita ang pangalawa kong napatumba na may hawak na kutsilyo.

Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi ko naramdaman agad? Shit!

Bago ko pa man din maramdaman ang pagbigay ng katawan ko, nakabalik na ako kung saan ko iniwan ang pamilya ko.

"Wake up, woman! Wake up!" sigaw ng isang lalaki na niyuyogyog ako. Am I dead? Nasa langit na ba ako? Kaninong boses ang naririnig ko? Lalong tumindi ang pagyugyog sa akin kaya unti-unti akong napamulat ng mga mata ko. Napagtanto kong buhay pa ako nang makita ang buhay pa pero kamatayan ang tawag ko.

"Kamatayan?"

"Bakit ang hirap mo gisingin?! At bakit ka umiiyak?!"

"Nothing change. Bakit ka ba nandito? Kanina ka pa ba nandito?" walang buhay kong tanong saka naupo na para bang walang nangyari. Nanaginip ulit ako tungkol sa nangyari.

"Nakita kitang dumaan sa bintana at naglakad papunta rito. Hindi kita sinundan kanina but now, we have our next and last class for today and you're still not-"

"In short, sinusundo mo ako?" natatawang tanong ko. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Imagine, sinusundo ako ni kamatayan pero hindi pa naman ako multo o patay.

"Ano'ng sa palagay mo?"

"Oo!" sigaw ko saka ko isinuot ang sapatos. "Ilang oras akong nakatulog?"

"Three hours."

"What the fuck?!"

Tumayo siya nang matuwid at tinalikuran ako. "Yeah, kaya bumangon kana at may klase pa tayo. I don't like incomplete attendance in my section."

Ay wow! Batas si Kamatayan, oh!

Tumayo na rin ako at naiinis na inambahan siya ng suntok pero nilingon niya ako kaya kinagat ko nalang ang kamao ko. Kaasar!

"Ang tapang mo ngayon pero 'yung mga mata mo basang-basa. What happened to your dream?" tanong niya na tunog worried na ewan. Hindi naman yata marunong mag-alala si Kamatayan kaya baka namali lang ako ng dinig.

"Wala ka na ro'n!" sigaw ko saka pinunasan ang mga mata ko at nilagpasan siya.

Pagtalon ko sa bintana, papasok ng room, nanlaki ang mga mata ng lahat pati na si Ms. Jean Valdellon, our adviser and Science teacher. Mukhang nasa kalagitnaan na siya ng pagdi-discuss dahil sa mga sulat sa blackboard.

"Where did you go, Ms. Velasquez?"

"Sinundan ko po 'yung alitaptap sa labas," puno ng sarkasmo kong sabi saka naupo. Narinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Tev na nasa likod ko na. Mukhang nakipagpalit na nga ng upuan at ang nasa gilid niya naman ay si Leo.

Napagtanto ko lang na mali ang paraan ko ng pagsagot nang makita ang gulat sa mga mata ni Ms. Jean. Nagbaba ako ng tingin. "I'm sorry po. Nagpahangin lang."

"Saan ka galing, Luna?" Bulong ni Chaos na akala mo ang hina ng pandinig pero kabaliktaran naman.

Nagpatuloy sa pagdi-discuss si Miss pero muli siya napahinto at napatingin sa bintana. Napatingin kaming lahat dito.

"Mr. Gutierrez, where did you go?"

"Humuli ng alitaptap," sagot niya saka inayos ang uniform at naglakad papunta sa upuan niya saka naupo.

T-teka, hindi niya naman narinig ang sagot ko kanina kaya bakit ganito rin ang sinagot niya sa tanong ni Miss?

Kahit hindi ko lingunin ang mga nasa likod ko, malamang nagtataka ang lahat at mukhang nagpipigil ng sumabog si Eunice.

Nanatili ang atensyon ko kay Miss Jean na ngayon lang sa amin pumasok pero ayos lang. Hindi siya nagpapasulat at nagdidiscuss lang. Ayos na rin.

Tumunog na ang bell tanda ng uwian kaya dali-dali kong kinuha ang bag ko. Gusto kong makauwi nang maaga dahil matagal kong napaghintay si Ced kagabi.

"Luna! Tulungan na kita sa paggawa ng PPT!" Presinta ni Steven pero nginitian ko lang siya. "Ayos lang, Tev. Basta aralin niyo na lang 'yung topic niyo. Ayos na 'yon."

"Who's Tev?"

"From your name. Masyadong mahaba ang Steven mo."

"That's okay, Lu," nakangiting sabi niya saka ko siya tinalikuran at lumabas.

Lu...? Pati ba naman siya? Hinayaan ko nalang dahil hinayaan niya rin naman ako na paikliin ang name niya. Kung tutuusin sa akin nga galing ang idea ng pagpapaikli ng name.

I think he's a good guy, much better than Chaos.

Wala sa tabi ni Tev si Leo at walang masama kung makatingin sa akin dahil lumabas ito kasama sina Deth at Chaos.

Pagkalabas ko ng room, may naghagis ng paso sa akin at ang kanang paa ko ang tinamaan.

Putang'na!

"Tangina! Ano ba'ng problema niyo, ha?!" sigaw ko kina Eunice at Stella na nakangisi na naghagis sa akin ng paso.

"That's for you being malanding malandi at hinaharot mo sina Deth at Chaos. You slut," akusa ni ni Eunice na nakakrus pa ang mga braso sa harap ng dibdib. Nakataas ang isang kilay niya. She looks like someone na hindi makabasag pinggan, soft, at tahimik pero look what she did and how she talks.

"You even called Chaos, Kairhys. I heard you," natatawang sabi naman ni Stella.

Umatras ako nang kaunti dahil sa basag na paso. Masakit ang kanang paa ko kaya sa kaliwang paa ko inipon ang lakas para makaatras. "Pakihanap."

"Find what?" tanong ni Eunice.

"Ang pake ko," mataray kong sabi. Lumapit sa akin si Stella at tumaas ang kamay niya pero bago niya pa man din mailapat ang kamay niya sa pisngi ko, nagsalita na ako.

"Subukan mo," may diin kong sabi na ikinahinto niya. "Subukan mong idapo sa mukha ko 'yang kamay mo, basag sa akin 'yang mukha mong natatabunan ng makeup."

Napipika na ako sa kanila. Masyado silang pakialamera. Hindi ko na nga sila pinapatulan sa mga titig nilang nanghuhusga at sa mga pinagsasabi nila tapos sasaktan pa nila ako? May hangganan din ang pagpapasensya ko at natatapos ito kapag nasasaktan na ako o ang mahal ko sa buhay.

"What did you say?!" galit na sigaw ni Stella.

"Bingi ka ba?" natatawang tanong ko. "Oh sige, malanding malandi ako kasi dalawa nga silang nilalapitan ko, 'di ba? Eh ikaw, Eunice? Balita ko nakalimang boyfriend ka. So, malanding malanding malanding malanding malandi ka pala?" Balik ko sa kaniya.

Kita ko ang panginginig sa kamay niya kaya umatras ako.

"You!"

Dinuro ko siya dahilan para hindi niya ako tuluyang malapitan. "Kayo 'tong nanguna pero hindi sa inyo 'to matatapos. Tigil-tigilan niyo ako! Kung may gusto kayo sa kanila, isaksak niyo sila sa baga niyo!" sigaw ko saka sila tinalikuran pero napangiwi at napapikit ako nang maramdaman ang sakit sa kanan kong paa. Marahas akong bumuntong-hininga at naiiling na iminulat ko ang mga mata ko.

Patay na yata ako?

Nasa harap ko si Kamatayan at madilim ang mukha na nakatingin sa mga paa ko. Katabi niya si Leo na nakaiwas na naman ng tingin habang si Chaos naman ay nakakunot ang noo na nagpapabalik-balik ng tingin sa akin at sa dalawang nas alikod ko.

"Deth! Nagbasag siya ng paso! She's a war freak!" sumbong ni Eunice.

Napailing-iling ako at matapang na sinalubong ang mga mata ni Deth. "Tama si Eunice! Binasag ko 'yung paso kaya kapag hindi kayo umalis sa daraanan ko, hahagisan ko rin kayo ng paso!"

Gumilid naman silang tatlo kaya nakahinga ako nang maluwag. Pigil ko ang mura ko nang magsimula na akong maglakad. Humawak ako sa railing para makakuha ng suporta. Mukha akong zombie na injured ang kanang paa. Nasa kaliwa ang lahat ng lakas ko at ito ang hinahakbang ko habang kumukuha rin ng lakas sa railing.

"Nakakainis nam-" Nahinto ako nang humarang si Deth sa daraanan ko.

"Alis!" sigaw ko pero hindi siya nakinig at kabaliktaran ang ginawa. Lumapit siya sa akin kaya kumunot ang noo ko. "Umalis ka nga sa da-Ahhhhhh!" sigaw ko nang buhatin niya ako at isampay sa balikat niya na parang sako.

Nagsisipa ako dahilan para maramdaman ko ang pagkirot ng kanang paa ko. Great! Isisipa ko pa sana ang kaliwang paa ko pero huli na ang lahat dahil niyakap niya na ang mga binti ko.

Dahil masakit ang paa ko para magsisipa, pinaghahampas ko nalang ang likod niya. "Ibaba mo ako! Kamatayan, ano ba?! Ibaba mo 'ko!"

"Shut up, woman!"

May 'shut up' na may 'woman' pa! Peste talaga!

Nang makalabas kami ng gate, saka niya lang ako ibinaba. Sinikmuraan ko siya pero parang hindi masaktan dahil hindi manlang napayuko, napaatras or what. "Ano ka bato?! Bakit mo ako binuhat?!"

Bumaba ang tingin niya sa paa ko. "Does it hurt?"

"Pake mo?!" sigaw ko saka ako humawak sa poste para sa suporta.

Sasagot pa sana siya nang biglang may ilaw mula sa kotse na hindi kalayuan ang sumilaw sa aming dalawa na nagpapikit sa akin. Nang pakiramdam ko namatay na ang ilaw, unti-unti ko nang iminulat ang mga mata ko at nagulat ako nang nasa harap ko na sina Lucas, Raiven, at Alexus.

"A-ano'ng-"

"Inaano ka nito, Lu?!" matapang na tanong ni Lucas habang nakatutok na ang hintuturo kay Deth.

"Luna, bakit ganiyan ang tayo mo? Ano'ng nangyari sa paa mo?" nag-aalalang tanong ni Raiven.

Inirapan ko siya. "Nahagisan ng paso."

"Sino naghagis?"

"Baka anghel tapos sinalo ng paa ko?" Painosente kong tanong saka nilingon si Deth. "Ano ka d'yan?"

"We'll talk tomorrow. Don't be late," seryosong sabi niya na madilim ang mukhang tumingin kay Alexus na ganun din kadilim ang mukha.

Magkakilala ba sila? Bakit parang ang lalim ng galit nila sa isa't isa? Naano 'tong mga 'to?

Bumaba ang tingin ni Deth sa paa ko saka ako tiningnan. Kumunot ang noo ko. Tinalikuran niya kami at pumasok ulit sa loob ng school.

"Explain," may diing sabi ni Alexus bago naglakad pabalik sa kotse. Nang makapasok siya sa kotse, sumunod si Raiven.

"Lagot ka, Lu," bulong na sabi ni Lucas saka inalalayan ako. "Last time na na-injured ka ay ilang buwan na ang nakakalipas at ang huli nating laban 'yun na magkasama. Tapos ngayon, nasa school ka lang nagkaganiyan na ang paa mo?"

"Shut up," may diin kong sabi saka kami nagsimulang maglakad.

Nahawa na yata ako kay Kamatayan, ha!

Nang buksan ni Lucas ang pinto ng passenger's seat, dahan-dahan akong pumasok at naupo saka ikinabit ang seatbelt. Isinara ni Lucas ang pinto at pumasok sa backseat saka marahas na bumuntong-hininga.

"Katahimikan para sa sermon ng mga Kuya," anunsyo ni Lucas na masamang ikinatingin ng dalawa sa kaniya.

Bakit ba lagi nalang akong natatakot kina Raiven at Alexus kapag mga ganitong sitwasyon? Naaalala ko si Kuya Jasper sa kanila. Parang pinapantayan nila si Kuya.

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 180 16
Solace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabul...
419 32 1
In loneliness we meet and sadness was a defeat but our soul will forever be entwined tangled till death.
114K 8.6K 76
And so? An epistolary.
1.1M 48K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.