EKSORSISMO: Annalyn ng Sirang...

By robcontigo

58.2K 2.7K 103

[COMPLETED] The story follows the series of exorcisms performed by a Catholic priest on a possessed young wom... More

KAPITULO I: ISANG HIBLA NG BUHOK
KAPITULO II: ANINO SA SAKRISTIYA
KAPITULO III: ITIM NA TAO NA MAY SUNGAY
KAPITULO IV: TAWAG NG NASA TAAS
KAPITULO V: DUMAYO SA SIRANG LUPA
KAPITULO VI: MATANDANG KUBO
KAPITULO VII: ANG MGA NARCISO
KAPITULO VIII: UNANG BASBAS
KAPITULO IX: PUSANG LIGAW
KAPITULO X: NAPAGLALARUAN
KAPITULO XI: ANG KASO NI ANNALYN
KAPITULO XII: SENSITIBO
KAPITULO XIII: SINDAKIN SI ANDREA
KAPITULO XIV: TUMIRIK ANG BUS
KAPITULO XV: JON RONALD
KAPITULO XVI: KAMANDAG NG AHAS
KAPITULO XVII: INAY LOURDES
KAPITULO XVIII: GUMAGALA SA MAGDAMAG
KAPITULO XIX: KANINA PA KITA HINIHINTAY
KAPITULO XX: DOS EKIS
KAPITULO XXI: PAGHUHUGAS AT PAGLILINIS
KAPITULO XXII: ANAK KA NG UWAK
KAPITULO XXIII: TAKAS SA IMPYERNO (1/4)
KAPITULO XXIII: TAKAS SA IMPYERNO (2/4)
KAPITULO XXIII: TAKAS SA IMPYERNO (3/4)
KAPITULO XXIII: TAKAS SA IMPYERNO (4/4)
KAPITULO XXIV: ANG PABORITONG PINSAN
KAPITULO XXV: MGA KASALANANG ISINIWALAT
KAPITULO XXVI: PADRE LUCERO
KAPITULO XXVII: ESTRANGHERO
KAPITULO XXVIII: SALAYSAY NG NAKARAAN (1/2)
KAPITULO XXVIII: SALAYSAY NG NAKARAAN (2/2)
KAPITULO XXIX: PARATANG
KAPITULO XXX: HAIL MARY NG DIYABLO
KAPITULO XXXI: SANGGALANG
KAPITULO XXXII: PAGSUSURI NG PARI
KAPITULO XXXIII: BIRO AT LARO
KAPITULO XXXIV: LABAS NG SIMBAHAN
KAPITULO XXXV: SIR V (1/2)
KAPITULO XXXV: SIR V (2/2)
KAPITULO XXXVI: INUTIL
KAPITULO XXXVII: TATAK NG DIYABLO
KAPITULO XXXVIII: SAKLOLO
KAPITULO XXXIX: MISTERYO NG KRUS
KAPITULO XL: DALAW SA DIYABLO
KAPITULO XLI: KINULAM
KAPITULO XLII: ARMAS
KAPITULO XLIII: PAGPUPUNYAGI
KAPITULO XLIV: VIRGEN DOLOROSA
KAPITULO XLV: ANG NGALAN NG DIYABLO
KAPITULO XLVI: SA BUNGANGA NI ANN
KAPITULO XLVII: SIYETE
KAPITULO XLIX: NAUDLOT
KAPITULO L: USOK
KAPITULO LI: PUNTERYA
KAPITULO LII: SAULI
KAPITULO LIII: LUGAR NA LIGTAS
KAPITULO LIV: NAKAPULUPOT NA AHAS
KAPITULO LV: NABUDOL NG MANGGAGAMOT
KAPITULO LVI: ANG PINAKASUMINDAK
KAPITULO LVII: SA ILALIM NG BUWAN
KAPITULO LVIII: LANGO PERO HINDI LULONG
KAPITULO LIX: ANG PAGKAKAMALI NI PADRE FELIX
KAPITULO LX: DAGOK NG DIYABLO
KAPITULO LXI: UMUWI SA BAHAY
KAPITULO LXII: ILUSYON
KAPITULO LXIII: PAMAMANTAL
KAPITULO LXIV: UNDAS
KAPITULO LXV: YUMAO
KAPITULO LXVI: ANG PAYO NG DOKTOR
KAPITULO LXVII: DALAWANG PAGDIRIWANG
KAPITULO LXVIII: TINANGGIHAN ANG IKAWALO
KAPITULO LXIX: PAUBAYA
KAPITULO LXX: TILI
KAPITULO LXXI: UMUNGOS
KAPITULO LXXII: DINUROG ANG PALALONG ULO
KAPITULO LXXIII: ANG PAGTATAPOS SA MATANDANG KUBO
KAPITULO LXXIV: APOY NG IMPYERNO
KAPITULO LXXV: SINO ANG NAGSUGO?
Mensahe ng may-akda
Ang Paghihiganti
Unang Sumpong
Sundo ni Sir V

KAPITULO XLVIII: HUDAS AT BUKAMBIBIG

558 28 0
By robcontigo

Ayaw magpatalo ng diyablo.

Hindi tumikom ang bibig nito, tumangging tumahimik, tahasang sumuway sa utos ni Felix, pumapalag kahit lubhang pinarurusahan ng mga panalangin.

Dumadaldal nang dumadaldal ang diyablo, pero ito'y nagpapanggap lamang na may kakayahan pang lumaban.

Sa katunayan, nanghihina na ito, at sobrang nahihirapan.

Ang mga satsat ng masamang nilalang ay isa na lamang malamyang patalastas para magpamalas ng lakas, sapagkat ito'y unti-unti nang nalulupig.

Naoobserbahan ito ni Felix.

Walang tigil pa rin ang pari sa pagbigkas ng mga panalangin, binabasbasan ng agua bendita ang dalaga, at inuutusang tumahimik ang diyablo.

Sa kabila nito, ang mga sinasabi ng exorcist ay natatabunan ng ingay mula sa sinasapiang putak nang putak.

"Si Ann ay manloloko," dugtong ng diyablo. "At isa siyang malaking kalokohan!"

Itinuloy nitong ibunyag ang 'pitong lagusan'.

"Huwag kayong maniwala rito kay Ann! Hindi ito nagsasabi ng totoo!"

"Lahat ng lalaki, niloloko ni Ann. Lalong-lalo na 'yung Danilong uto-uto!"

"Kahit si Vic na tanga — tatay na inutil at asawang walang silbi," lait ng diyablo. "Araw-araw siyang pinagsisinungalingan nitong Annnnn na puta!"

"Mahinang nilalang si Vic! Mababang kalidad! Pareho sila ni Annnnn!"

"Magkatulad ang mag-ama! Kunyari matapang, pero duwag! Kunyari may malasakit! Kunyari maawain! Kunyari matulungin! Kunyari matino! Nakipagmabutihan pa nga si Ann sa madreng prinsipal na si Javi para magmukhang mabuti! Bait-baitan lang ang putang inang Ann na 'to!"

"Banal-banalan si Ann!! Nakakadiri ang ugali! Nakakasukaaaaahhh!"

"Tunay na si Annnnn ay kasuklam-suklam!!!"

Walang patumanggang nagbibitaw ng paratang ang diyablo.

"Sa ngalan ni Hesus, tumigil ka Beelzebub!" utos ng kura.

"Uuuuuhhhrrmmmm!!!" ungol ng katunggaling espiritu.

Lumiyab ang galit ng diyablo. Lalong nag-amok.

"Ikaapat sa pito," ganti nito. "HUDAS si Annnnn!!!"

"Traydor! Taksil! Kahit sino, ipagkakanulo nito sa halagang tatlumpung pirasong pilak. Hudas si Ann! Hudas Iskaryoteng nagkanulo sa Amo mo!"

"Tatalikuran ka ng putang inang ito nang walang pasabi sa isang iglap! Kayang-kaya ka ni Ann ilaglag sa bangin nang walang alinlangan! Itutulak ka niya sa hukay kapag hindi ka nakatingin!"

"Du'n siya sa marami at malaki ang pakinabang! Hunyango! Balimbing! Kung saan may alak at lalaki, lalo kung may kalokohang ginaganap, du'n didikit at mangungunyapit."

"Pero ang gusto talaga niyang lalaki ay yung mapera — galante, mayaman, limpak-limpak ang salapi!!"

Masaganang binasbasan ni Felix ng agua bendita si Annalyn para patahimikin ito, at ang dalaga nama'y bumalikwas na parang sinampiga ang pagmumukha.

"Aaaaahhhhhhh!!" humiyaw ang maysapi, sapagkat sobrang nasaktan. Nagpupumiglas sa pagkahawak ng mga kamag-anak, ngunit ang bunganga nito'y ayaw pa rin magpapigil.

"Ikalima sa pito," bulalas ng diyablo. "Ako ang BUKAMBIBIG ni Annnnn!!!"

"Demonyo! Dimunyu! Yawa! Pisting yawa! Laman ako madalas ng litanya ni Ann! Lagi niya akong tinatawag!!"

"Malugod akong tumutugon sa mga dumudulog sa akin!" dugtong ng diyablo. "Magiliw ko silang pinauunlakan!"

Kinilabutan ang pari sa sinabing 'bukambibig', sapagkat sa Bibliya nasusulat — 'Kung anong bukambibig, siyang laman ng dibdib'.

"Sa ngalan ni Hesus, magtigil ka Beelzebub! Lisanin mo si Annalyn!" utos ng exorcist.

"Uuuuuwakkkkk!!" sumukang bigla ang maysapi. Tumapon sa sahig ang likidong maasim mula sa sikmura.

Umalingasaw ang nakakasulasok na amoy sa buong pamamahay.

Tumusok ito sa ilong ng bawat isa, maliban kay Annalyn.

Pagkatapos nito'y tumirik ang mata ng maysapi, humandusay at nagkikisay.

Sa sandaling iyon, parang kinukuryente ang panginginig ng kanyang katawan. Mas malala kaysa naunang mga sandali ng eksorsismong iyon.

Wari ito'y kanyang ikamamatay.

Nag-alala nang husto si Jennalisa.

"Tama na, Padre! Tigilan mo na!" umawat ang ina, awang-awa sa kanyang sinasapiang anak.

ITUTULOY

Susundan ang kapitulong ito sa Lunes, 06 Disyembre 2021.

Continue Reading

You'll Also Like

Mi Amore By Binibining Jam

Historical Fiction

47.2K 10.5K 55
"Huwag mong hahayaang paglaruan ka ng tadhana, paglaruan mo ang tadhana." -Graciano "Hindi na mahalaga ang kinabukasan, kung ngayon pa lang ika'y maw...
249K 6.7K 48
Si Assunta ay ang nakababatang kapatid sa ina ni Kasandra. At sya ang sumunod na nakaalam ng lihim ng kanilang pamilya. At kaniyang ginamit ang kamb...
44.4K 1.2K 33
hope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?
910K 16.8K 97
WELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In...