Dreamaica's Notebook

By dahliayttrium

1.1K 82 10

Kaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to t... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
FINAL CHAPTER
DN

32

9 0 0
By dahliayttrium

"Hi."

Napatigil ako sa pagbaba sa hagdan nang marinig 'yon. Nasa may mesa lang naman ang plastik, nagbi-breakfast.

Sandali akong napapikit nang mariin. Bakit pa ba siya nandito?

Isang linggo na ang nakakalipas simula no'ng pinagkatuwaan ako ng mga pusa niya at pagkatapos no'n, hindi ko na siya naaabutan pag umaga kasi sinasadya kong bumangon ng late. Ewan ko lang kung saan siya pumupunta pero ngayon ko lang siya naabutan. Bwisit naman. Naging advantage ko na nga 'yong nagdaang mga araw para makaiwas ako pero hindi naman pala pang-forever 'yon, hays.

May pa-hi-hi pa siyang nalalaman, hindi naman kami friends.

Nagpatuloy ako sa pagbaba at hindi siya pinansin.

Lumapit sa kanya si Klerian na bihis na bihis. "Kuya, do'n lang po ako kayna Jelein, ha? Boring dito, e."

Tumango naman si Erel saka sinabing, "Uwi ka agad, Klerian, ha? Lagot ako kay tita niyan pag nalamang lumabas ka."

"Yes naman po, kuya, apir muna." Tapos nag-apir nga sila. Close talaga sila, e.

Iniwas ko lang 'yong tingin ko at dumiretso sa may kusina para gumawa ng sandwich.

"Hi, ate Mel!" masaya niyang bati sa 'kin

"Hello, cutie!" Saka kinuha ko 'yong slice bread.

"Oy, ate, kuya, 'wag niyo akong isumbong kay Mama, ha?" paalala niya. Natawa naman ako saka nag-thumbs up. May ibinulong muna siya kay Erel sabay hagikgik tapos ayon, umalis na.

"Pag sa 'kin ang sungit-sungit," rinig kong bulong ni plastik kaya napasulyap ako sa kanya.

Ayoko sana siyang pansinin buong araw kaso napansin kung wala ata si Papa at Tita. Nakalimutan kong tanungin si Klerian. Nasa taas din naman 'yong mga kasambahay kaya no choice ako at siya nalang ang tatanungin ko.

Huminga muna ako nang malalim.

"Hoy, plastik, nasaan si Papa at Tita?" Nakatingin pa ako sa kanya dahil hinihintay ko siyang sagutin 'yong tanong ko pero wow! Deadma ang lola niyo. As in hindi talaga ako pinansin.

Parang gusto kong manuntok ngayon.

"Hoy, plastik!" asar na tawag ko sa kanya pero still, no response.

Taray, gumaganti na siya ngayon, ah.

Pumunta ako sa may mesa at pinaghila ko 'yong sarili ko ng upuan. Nilapag ko sa mesa 'yong ginawa kong mga sandwich saka umupo.

Magkaharap lang kami kaya kitang-kita ko 'yong napakapangit niyang pagmumukha.

Anong karapatan niya para deadmahin ako? Ang bait ko na nga para magtanong tapos 'yon lang 'yong matatanggap ko?

Hindi ko muna kinain 'yong mga sandwich ko dahil tinitigan ko siya. Ewan ko kung bakit ang lakas ng loob ko ngayon pero tinitigan ko talaga siya. Naasar talaga ako dahil hindi niya pinansin 'yong tanong ko.

Napatigil naman siya sa pagkain at napatingin sa 'kin. Success mga bes!

Nagsalubong 'yong mga kilay niya.

"What?"

"Tinatanong kita," sabi ko saka napa-roll eyes.

"Ay, ako pala 'yon?"

Nagmamaang-maangan pa siya. So gumaganti talaga siya sa pang-i-snob ko kanina. E, ano namang gusto niyang isagot ko sa Hi niya? Hi rin? Neknek niya lang!

"Ano nga ulit 'yon?" tanong niya saka binilisan 'yong kain niya para matapos siya agad.

"Si Papa at si Tita, nasaan?" Then finally nakakagat na ako sa sandwich ko.

Tumayo siya at niligpit 'yong pinagkainan niya. 'Wag niyang sabihing pinaulit lang niya ko pero hindi siya sasagot?

Nakasunod tuloy 'yong paningin ko sa kanya.

Nilagay niya sa may sink 'yong pinagkainan niya tapos nagsimulang hugasan 'yon. Nakatingin lang ako sa likod niya at kulang nalang mamula ako sa sobrang inis sa plastik na 'yon.

"Dapat talaga hindi nalang kita kinausap," inis kong bulong.

"Wedding anniversary nina Tita ngayon kaya may date daw sila. I thought you already know that."

Sasagot din pala, ang tagal pa.

Hindi na ako nagsalita pa kasi baka ano pang masabi ko dahil sa asar. Napangiwi nalang ako at napatingin sa kanya na paakyat sa stairs.

Hindi naman ako palatanong kay Papa, e. Malay ko ba ro'n.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na rin ako sa kuwarto ko para mag-shower.

Ngayong summer lang ako super bored. E, kasi naman, 'di ba, dati no'ng summer, no'ng magfi-first year college palang ako, notebook na ni Dreami 'yong pinagkakaabalahan ko at pagkatapos no'ng aksidente kasama ko naman si Waden kaya hindi boring 'yong life ko.

And speaking of Waden, I miss him already. Nakakainis. Summer palang naman pero pinamigay na ako ni Mama. Puwede namang pag-start nalang ng school year, 'di ba? Nami-miss ko na rin tuloy si Mama.

Sinuot ko nalang 'yong maong shorts na bili ni Mama sa 'kin dati saka 'yong oversized maroon tshirt na hiniram ko kay Waden tapos hindi ko na binalik, hehe, 'wag niyo akong isusumbong, ah.

Pagkalabas ko sa kuwarto ko saktong kakalabas lang din ni plastik na kakaligo lang at super pormadong may kausap sa phone niya. Hawak-hawak niya pa 'yong black denim jacket niya sa kaliwang kamay niya.

Taray, may lakad ata si plastik.

Hindi niya ako napansin at dire-diretso lang siyang bumaba sa hagdan.

Saan kaya siya pupunta?

Pagkalabas niya ng bahay ay napasilip-silip ako sa bintana. May kausap parin siya sa phone niya. Sino kayang kausap niya at may pangiti-ngiti pa siya? Pero siyempre wala pala akong pakialam.

Humiga nalang ako sa couch at nag-cell phone nalang. Ang boring talaa ng walang friends.

Narinig ko 'yong pag-andar ng kotse sa labas. May date ata 'yong lalaking 'yon. Pormadong pormado, e. Sana all, 'di ba?

Kung may friends nga lang ako rito sigurado naman akong naglalakuwatsa na ako ngayon.

"Ma'am, ito na pala 'yong juice mo." Napatingin naman ako kay manang habang inilalapag 'yong isang basong juice sa center table.

Nagsalubong 'yong mga kilay ko.

"Manang, naman, sabi ko naman po sa inyo na Mel nalang," sabi ko at napatango-tango siya. "Thank you po sa juice pero nag-abala pa po kayo, e, hindi ko naman po sinabi." Naiilang na napangiti nalang ako.

Napatigil naman siya.

"Ay, sabi kasi ni sir Erel gawan ko kita ng juice."

At do'n na napakunot 'yong noo ko.

What?

"Sige, hija, pag may kailangan ka, nasa kusina lang ako," sabi niya. Napatango nalang ako tapos umalis na siya.

Napabuntong-hininga ako.

"Sabi ko na nga ba, e. Plastik talaga 'yong Erel na 'yon," bulong ko.

Ininom ko nalang 'yong juice kasi sayang naman 'yong effort ni manang.

"Ma'am, ang sabi po ni sir Demryl at ma'am Clara na bukas pa raw sila makakauwi."

Napatingin naman ako kay ate Kiva, isa sa mga kasambahay dito pero siya 'yong pinakabata. Three years lang ata tanda niya sa 'kin. Kaya medyo magaan 'yong loob ko sa kanya.

Napatango-tango naman ako at napatigil nang ma-realize kung anong itinawag niya sa 'kin.

"Ate Kiva naman, e, sabi kong Mel nalang, 'di ba?"

"Ay sorry po—"

"Tanggalin mo rin 'yong po."

Naiilang na napangiti nalang siya. Friends naman na kami ni ate Kiva so puwede ko na siyang makachismis.

Paalis na siya no'ng magsalita ako.

"'Te, may tanong ako."

Napatigil naman siya at humarap ulit sa 'kin.

"Ano po 'yon?" Na-realize niya ata 'yong sinabi niya kaya napatawa siya, "Ano 'yon, Mel?"

Ayan, mas komportable pag ganyan.

"Saan pupunta si Erel?" Curious lang naman ako mga bes pero wala naman talaga ako pakialam sa kanya. Ano, Mel?

"'Wag mo akong isusumbong kay sir Erel, ha?" Kinakabahang sabi niya. Natawa naman ako.

"Of course, 'te. We're not close naman, e."

"Sa pagkakarinig ko may date ata sila ni Miss Lyn, e."

Lyn? Sinong Lyn?

Hindi ko alam pero parang na-disappoint ako. Like hello, Mel! Isang taon na, hoy! Imposible namang hindi 'yon makakahanap ng girlfriend. E, ang guwapo—pwe! Erase! Erase!

"Bet mo si sir, 'no?"nakangiting nang-aasar na tanong niya.

Gulat ko naman akong napatingin sa kanya.

"H-Hala, hindi, ah! Curious lang ako." Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Hindi ata 'yon uuwi rito kasi wala 'yong Papa mo at si Ma'am Clara."

"Ha? E, saan siya nagsi-stay pag hindi siya umuuwi? Sa girlfriend niya?"

Edi siya na may lovelife.

Napahagikgik si Ate Kiva. "Ayiii, interesado."

"Oy, nagtatanong lang naman, e."

"Biro lang," natatawa niyang sabi. "May sariling condo kasi 'yang si sir Erel at sa totoo lang minsan lang siya rito. Si ma'am Clara lang talaga 'yong namimilit sa kanyang dito nalang tumira. Okay lang naman daw sa Papa mo," kuwento niya.

Napakunot 'yong noo ko.

"May condo naman pala siya, ba't pa siya nakikitira rito? I mean, okay lang naman pero sa mukha ni Erel, e, sure naman ako na mas gugustuhin niyang bumukod kahit pa pilitin siya ni Papa at Tita Clara na mag-stay dito."

"'Yon na nga, Mel, ngayong buwan lang 'yan si sir Erel umuwi rito kasi sa condo niya na siya nakatira dati."

"E, bakit daw siya nandito?"

"Gusto ka raw niyang makita ulit. Magkakilala pala kayo?"

Halos mabilaukan pa ako kahit wala naman akong kinakain dahil sa sinabi niya.

Hindi ko nalang pinasin 'yong huli niyang sabi.

"Sinabi niya 'yon?"

Tumango siya. "Narinig ko talaga pero promise, hindi ako chismosa!" depensa niya. "Ah, sige,  may lilinisin pa ako, e." Napatango nalang ako.

Peste naman, kinilig ako bigla.

Gusto niya akong makita? Ulit? So dati palang pala alam na niyang ako 'yong anak ng asawa ng Tita niya? Tapos kala mo na-shock talaga no'ng makita ako. Duh, plastik talaga!

Hindi niya raw ako gusto tapos gusto niya raw ako ulit makita. Mga paasa nga naman.

***

Naalimpungatan ako dahil sa katok ng pinto sa kuwarto ko.

Binuksan ko 'yong lampshade sa side table ko at tiningnan 'yong wall clock. Jusko! At sino namang kakatok sa pinto ko ng ganitong oras?! Si Waden lang mahilig manggulo, e, pero napaka-imposible naman, wala naman siya rito,e. Alas dos palang ng madaling araw! Baka mumu! Tss. As if naman, Mel!

Bumangon ako saka pagewang-gewang na pumunta sa may pinto at binuksan 'to.

Nagulat ako nang may biglang nangyakap sa 'kin. Amoy alak pa!

Nanlaki agad 'yong mga mata ko.

"Sorry na," bulong niya. Napalunok nalang ako. Ang lapit ba naman ng bibig niya sa tenga ko. Halos makiliti na ako.

Heto nanaman 'yong puso ko, nagiging abnormal nanaman.

Itutulak ko na sana pero napatigil ako nang sabihin niyang...

"I'm sorry, meow, kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit ka naaksidente."

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
Riptide By V

Teen Fiction

322K 8.3K 117
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
3.3M 80.5K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...