Suarez Empire Series 1: My He...

Per Warranj

2.7M 100K 15.4K

She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will thei... Més

Disclaimer
My Heaven in Hell
Characters
Prologue
MHIH 1
MHIH 2
MHIH 3
MHIH 4
MHIH 5
MHIH 6
MHIH 7
MHIH 8
MHIH 9
MHIH 10
MHIH 11
MHIH 12
MHIH 13
MHIH 14
MHIH 15
MHIH 16
MHIH 17
MHIH 18
MHIH 19
MHIH 20
MHIH 21
MHIH 22
MHIH 23
MHIH 24
MHIH 25
MHIH 26
MHIH 27
MHIH 28
MHIH 29
MHIH 30
MHIH 31
MHIH 32
MHIH 33
MHIH 34
MHIH 35
MHIH 36
MHIH 37
MHIH 38
MHIH 39
MHIH 40
MHIH 41
MHIH 42
MHIH 43
MHIH 44
MHIH 45
MHIH 46
MHIH 47
MHIH 48
MHIH 49
MHIH 50
MHIH 51
MHIH 52
MHIH 53
MHIH 54
MHIH 55
MHIH 56
MHIH 57
MHIH 58
MHIH 59
MHIH 60
MHIH 61
MHIH 63
MHIH 64
MHIH 65
Epilogue Access
SOON 👀
My Heaven In Hell (book version)

MHIH 62

31K 1.1K 77
Per Warranj

Chapter 62

Hindi sinabi ni Gabriel kung saan kami pupunta at kung sino ang gustong kumausap sa akin... sa amin. I have no idea at all but then the way he asked me to come with him was like he’s asking for a huge favor.

Isang malaking traveling bag ang dala ko, kasya ang ilang araw na damit. Plano kong pagbigyan na si Mama sa hiling niya dumalo ako sa anniversary ng restaurant namin. At siguro, kung maaari ay sabay na rin kaming uuwi ni Embry pabalik dito sa Palawan.

Inilibot ko ang tingin sa bahay at sinigurong wala akong naiwan na gamit na nakabukas. Tumalikod na ako at lumabas. I double locked the door and walked towards the gate.

Natanaw ko si Gabriel at Angelique hindi kalayuan sa bahay. Magkaharap sila. Hindi ko nakikita ang reaksyon ni Gabriel dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Nakatungo si Angelique, sa lupa nakapako ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit tila ang bigat nila pagmasdan. Maybe because I know that they had a past.

Pero hindi ba at tapos na? Posible bang may nararamdaman pa rin sila sa isa’t isa? Naalala ko pang sinabi ni Angelique noon na kung nakapaghintay lang sana si Gabriel, maaaring masaya pa rin sila.

Tahimik akong humakbang palapit sa kanila. Napahinto rin ako kaagad nang marinig ang boses ni Angelique.

“It’s fine. Ayos lang ako dito at isa pa ay gusto ko rin magpahinga. I was stressed for the past weeks,” she chuckled. “You know, work.”

“Until when are you going to stay here?” Gabriel asked.

“Until next week.”

Bumuntonghininga si Gabriel saka tumungo. Nag angat rin siya ng tingin hindi kalaunan.

“Wait for me here. Babalikan kita.”

My heart ached when I saw emotions in Angelique’s eyes. They were too sad. Definitely the saddest eyes I have ever seen.

Matipid siyang ngumiti bago isang beses na tumango.

“Take care on your way back to Manila.”

Pakiramdam ko ay may nararamdaman pa sila sa isa’t isa. It was pretty obvious with the way they talk.

Napaayos ako ng tayo nang pumihit si Gabriel paharap sa gawi ko. I smiled a little. Nagkatinginan kami ni Angelique at matipid rin siyang ngumiti sa akin.

“I’m sorry, Angelique. Sana ay hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Babawi ako sa’yo sa susunod, pangako.”

Ikinumpas niya ang kamay. “Don’t worry, Chloe. I’m all good. I am sure I’ll be enjoying my stay here. You have my number. We can call each other.”

Napatingin siya kay Gabriel na nasa kaniya rin ang mga mata. Muling huminga nang malalim si Gabriel bago walang salitang nilapitan si Angelique. Marahan niyang kinabig ang likod ng ulo nito palapit sa kaniya at pinatakan ito ng halik sa noo.

“Please take care of yourself here. Babalik ako kaagad.”

Nag iwas ako ng tingin at tumalikod. I felt like I had to give them privacy. Hindi ko rin magawang tingnan silang dalawa dahil tila ako parang kinukurot sa puso.

“Let’s go, Chloe.” Si Gabriel.

Hinarap ko siya at tipid lang na nginitian. Isang sulyap pa ang ginawa ko kay Angelique. Kumaway siya sa akin na sinagot ko rin ng ganoon. Alanganin kong tiningnan si Gabriel at bahagyang salubong ang makakapal niyang kilay.

His eyes, just like Hellios, were dark and intense. Naalala ko na sa tuwing tititigan ko siya sa mga mata noon ay para ko rin nakikita ang pinsan niya. Only that Hellios has a darker aura.

“Sino ang taong gustong kumausap sa atin, Gabriel? At bakit?” tanong ko.

Nasa biyahe na kami patungong San Vicente airport. Ngayon ko lang naisipan magtanong sa kaniya dahil kanina pa siya tahimik at tila malalim ang iniisip.

“How long has she been staying there?” he asked instead of answering me and I know he was referring to Angelique.

Itinuon ko ang atensyon sa medyo lubak-lubak na kalsada ng San Vicente. Nakasakay kami sa isang pampasaherong van at kaming dalawa lang ang pasahero.

“Kagabi ko lang siya nakita sa shop. Ang sabi niya ay nung isang araw lang siya dumating mula sa States at dito na dumiretso para... magpahinga.” Sandali ko siyang nilingon.

Walang reaksiyon ang mukha niya. Hindi na ako nagsalita pang muli dahil ayaw kong makadagdag pa lalo na’t mukhang si Angelique ang laman ng isip niya.

Nababalot man ng kuryosidad ang isip ay minabuti ko na mamaya na lang itanong sa kaniya kung sino ang gustong kumausap sa aming dalawa. I really don’t have any idea in my head. Imposibleng isa sa mga kamag anak niya.

Ibang tao? Pero sino?

Mabilis ang naging biyahe. Gabriel bought me a ticket and in just a matter of time, we are already back in Manila. How the smell of polluted air suddenly made me remember those times that I was here.

“Here, Chloe.” sabi ni Gabriel nang ituro sa akin ang itim na Sedan.

Sumunod ako nang walang imik. Inilagay niya ang travelling bag sa back seat at pinagbuksan ako ng pintuan. I went inside and watched him jogto the other side with furrowed brows.

Hinintay ko siyang makasakay sa driver’s seat at nang naroon na ay huminga ako nang malalim.

“May I ask you now who we are going to talk to? Kanina ko pa gustong malaman pero mukhang malalim ang iniisip mo.”

He was already maneuvering the steering wheel when he gave me a quick glance. Nagbuntonghininga siya.

“I’m sorry. I just didn’t expect to see Angelique back there...” he answered. “Doctor Larey Clemente, a Medical Geneticist, wants to talk to us. His wife called me yesterday. She was asking for the wife of Samael... that her husband needs to talk to you. Maging ako ay gusto rin kausapin. I asked her what the reason is all about but she didn’t tell me anything.”

A Medical Geneticist? Anong kailangan niya sa amin ni Gabriel? At bakit gusto niya kaming makausap?

“He’s a family friend. Kaibigan sila ni Lola Carmina. May katandaan na rin at hindi ko naman na gaanong nakikita.”

Hindi ako nakapagsalita. Pilit kong hinahanap sa isipan ko ang sagot sa mga katanungan ko.

“He’s the one who performed the DNA test between Hannah and Samael, Chloe.”

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang huling sinabi na ‘yon ni Gabriel. Biglang nanuyo ang lalamunan ko saka salubong ang kilay nan nilingon siya. His jaw was clenching while staring darkly at the road.

“W-What does he n-need from us?” I asked, my voice almost drowned from the ocean of curiosity.

“We need to find out...”

Tila bumilis ang tibok ng puso ko. Nanglamig ang aking mga kamay lalo na dahil sa kaalaman na ito ang doktor na nagsagawa ng DNA test ni Hannah at Samael.

May dapat ba akong malaman? Kung mayroon... may kinalaman ba ‘yon kay Hellios at Hannah?

Sa isang village sa Makati kami dumiretso ni Gabriel. Halos maghabulan ang pintig ng puso ko kahit na wala pa mang nakakausap. I don’t know but I have a strong feeling that something isn’t going on right.

Huminto ang sasakyan ni Gabriel sa tapat ng isang modernong bahay. Hindi na nakapaghintay pa, sinabayan ko siya ng baba at tiningala ang mataas na bahay.

“Kayo po si Sir Gabriel? Iyong bisita nina Madame Louisa?” Isang kasambahay ang nakita sa gate na tila ba naghihintay talaga sa amin.

Nilingon ko si Gabriel. Tumango ito. “Yes.”

“Tuloy po kayo. Nasa living room po si Madame Louisa.”

Nagkatinginan kami ni Gabriel. I nodded my head and we both followed the housemaid. She opened the main door for us. I didn’t had the chance to look around for an old woman whose age was probably playing around sixties was standing beside the window.

Tumingin siya sa gawi namin. Her wrinkled almond eyes first bore on me. Tipid siyang ngumiti bago tiningnan si Gabriel.

“Welcome to our home, Gabriel...” she greeted and walked towards us and glanced at me. “And Samael’s wife.”

Gusto ko sanang sabihin na hiwalay na kami pero sa tingin ko ay hindi ‘yon maganda sabihin sa mga ganitong pagkakataon lalo na at tila siya seryoso.

“Yes, Ma’am. I’m Chloe po.”

“I saw you once on Carmina’s birthday. You became even more pretty.”

Tumungo ako. “Thank y-you.”

“What is it that Tito Larey want to talk about, Tita Louisa?” Gabriel asked impatiently.

Nawala ang ngiti sa labi ng ginang. Tumungo siya at nagpakawala nang marahang buntonghininga.

“Plese follow me. Larey is already waiting for the both of you.”

Tumalikod ako. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita siyang papaakyat na sa hagdan. Gabriel and I looked at each other again before we decided to follow the old lady.

Binuksan niya ang isang pintuan sa gitna nang malawak na hallway. Bumuka ang labi niya na tila ba may kausap doon. Tiningnan niya kami at sinenyasan na pumasok na.

Gabriel let me enter the door first. Kaagad na dumapo ang mga mata ko sa isang matandang lalaki na nakahiga sa kama. There were different machines around him. May ilang aparato rin ang nakakunekta at tila ba hinang hina na.

Mula sa kisame ay marahang bumaling sa akin ang mga mata niya. Ilang metro pa ang layo ko sa kama nang kusa akong huminto.

Naghari ang awa sa puso ko nang makita ang sitwasyon niya. I don’t know him personally. Maaaring kilala niya ako, o baka naipakilala na kami sa isa’t isa noon pero wala akong natatandaan.

Gano’n pa man, hindi ko maialis sa puso ko ang maawa sa nakikitang kalagayan niya. He looked helpless and weak. Naisip ko ang sariling mga magulang. Kapag dumating ang panahon at uugod ugod na rin sila, hinihiling ko na sana ay huwag sila humantong sa ganitong sitwasyon.

“G-Gabriel, s-salamat at... n-nakapunta kayo.” wika ng matanda sa hirap na boses.

“Tito Larey, I didn’t expect to s-see you like that.” sagot ni Gabriel, halatang nabigla sa nakita.

The old man chuckled. His voice was hoarse. Even coughed a few times before breathing a sigh.

“Nobody k-knows. Situation like this doesn’t n-need to b-broadcast.”

“I’m sorry. The last time I saw you, you still looked fine and healthy.”

He smiled, sadness was rolling on his wrinkled eyes.

“Time flies so fast. Malakas ka kahapon, hindi mo alam na bukas ay m-manghihina ka na pala. Only the Lord knows how long we will s-stay strong. Siya lang ang n-nakakaalam kung kailan rin tayo babawian ng lakas...” he coughed again. “We should t-treasure every moment that we can still m-move around and use our strength...”

Bawat salita niya ay pinuputol ng pag ubo. Lumapit ang asawa niya sa kaniya at marahang hinaplos ang dibdib nito.

“Are sure you can do this, Larey?” his wife asked, worry etched on her eyes.

The poor old man nodded his head. “I have to do t-this. I don’t have much... time.”

Tumungo ako nang sabihin niya ‘yon. Mas lalong bumigat ang puso ko dahil alam ko na kung saan patungo ang mga gano’ng klase ng salita.

Inalok kami ni Mrs. Louisa na maupo sa couch sa harap ng kama. Tiningnan kong muli ang matanda at nakitang nasa kisame ulit ang direksyon ng mga mata n’ya.

“I can feel that I have few more w-weeks or days left. Humiling ako sa Diyos na huwag muna akong k-kunin dahil kailangan ko pa ituwid ang mga p-pagkakamali ko. I don’t think I can d-die knowing that I ruined lives. Hindi ko man ginusto, pagkakamali pa rin ‘yon. It just that... I was left with no c-choice.”

“What are you trying to tell us, Tito Larey?” Gabriel asked.

Nakita ko ang paggalaw ng dibdib niya kung saan maraming aparato ang nakakabit. Nasisiguro kong may diperensya siya sa puso lalo na’t halatang hirap siya sa paghinga.

“Four years ago, Empress went to me and t-told me that her son needed to undergo a DNA p-paternity test...”

The very mention of Mama Empress’ name had me sit straight on the couch. Mas lalo akong naging alerto nang mula sa kisame ay magbaba siya ng tingin sa akin.

“I knew you as Samael’s wife. Ikaw kaagad ang inisip ko nang sabihin na kailangan sumailalim sa DNA test. I asked myself, ‘Is Samael doubting that the baby his wife’s carrying isn’t his?’” he chuckled as soon as that question left his mouth. “Nagtaka ako dahil kitang kita naman kung g-gaano ka niya kamahal nang mga sandaling m-makilala kita sa malayo. Kaya naman gano’n na lang ang g-gulat ko nang ibang buntis ang kasama niya noon...”

He was referring to Hannah for sure. Kung bakit niya sinasabi ang lahat ng ito sa akin ay hindi ko alam. Pakiramdam ko ay bumabalik lang lalo ang sakit na dulot noon sa puso ko.

“And then I r-realized that Samael made a sin which was a-adultery. I quickly judged him in my head and felt s-sorry for you. Faithful women don’t deserve to be cheated on by their husbands,”

“With all due respect, Sir, why are you telling those things to me? Alam ko na po ang tungkol sa mga bagay na ‘yan.” mahinahong sabi ko, hindi na nakatiis pa.

Tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

“As soon as I had the s-samples I needed from them and had the results in my hand, I immediately r-regretted judging Samael in my head...”

Kumunot ang noo ko. Regret? Bakit siya nagsisisi na hinusgahan niya si Hellios sa isip niya?

Awtomatiko kaming nagkatinginan ni Gabriel. Salubong ang kilay niya, halatang naguguluhan rin sa mga sinasabi ng matanda.

“What do you mean, Tito Larey?” Gabriel sounded alert.

“Hija...” he was looking at me, eyes serious and genuine. “Samael isn’t the father of that child.”

Continua llegint

You'll Also Like

2.5K 244 34
𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer...
7M 8.6K 2
November 16, 2013 to March 5, 2014. Rewritten on 12/28/2013 because the author was feeling whimsical and nostalgic... I am Irina Ysobel Samonte. My...
90K 4K 39
(Monteciara Series 2: Claudine Leighrah Monteciara) "Why is it so easy to fall in love and yet so hard to be loved back?" *** Claudine Leighrah Monte...
229K 809 5
The marriage of Timothy and Scarlett made them stonger. Or at least, that's what they thought. Sa kanilang pagsasama ay may mga bago pa silang madidi...