My Husband is Gay

By Jejelobsss

97.6K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 7

1.9K 92 9
By Jejelobsss

Chapter 7: Care

"Hoy, kanina pa kita diyan tinatanong pero di mo sinasagot." nakasimangot na sabi ko kay Danreb.

Naglalakad kami ngayon papunta sa gate, wala pa kasi ang sundo kaya sasabay muna ako sa'kanya kaso nga lang ay hindi niya ako pinapansin, kanina pa. Salita ako ng salita pero wala akong narinig na boses niya.

"Huwag mo nga akong kausapin." sabi niya.

Inis ko namang tinampal ang balikat niya. Ano bang nangyayari dito? Simula ng pumasok ako sa building namin pagkatapos mag break time ay hindi na niya ako pinansin.

"Nakakatampo ka na 'a. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko.

Ngumuya lang siya, kanina pa siya nguya ng nguya 'e. Siguro kumakain na naman ng bubble gum.

"Hayst, sa sobrang pagka-inosente nagmumukha ng manyak." sabi niya pero hindi ako ang kausap.

Nangunot ang noo ko at hindi ko na natiis ay binatukan ko na siya.

"Aray!" sinamaan niya ako ng tingin.

Tumigil ako sa paglalakad ganun dim siya. Nameywang ako at tumaas ang dalawa kong kilay.

"Ano bang pinag sasabi mo dyan? Hindi ako magaling mangbalibag pero pag hindi ako nakatiis ay baka ibalibag kita!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige, ano? Ano?" lumapit pa siya sa'kin na parang nanghahamon ng suntukan.

"Ano?" linapit ko din ang mukha ko sa'kanya.

Nagtitinginan lang kami at ang lapit lapit namin sa isa't isa. Nagtaka naman ako ng biglang natulala si Danreb at napansin ko ang pamumula ng pisngi at tenga niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may humila sa damit ko dahilan para mapaatras ako kay Danreb.

"Talagang sa kalsada pa kayo naglalandian?"

Natigilan naman ako ng marinig ang boses ni Ay-Ay sa tabi ko. Napatingala ako sa'kanya, nakatingin lang siya kay Danreb. Siya din pala humigit sa uniform ko na halos masakal na ako.

"H-Hoy bakla, hindi ako makahinga." nahihirapan ko pang sambit.

Nabigla naman siya kaya binitawan niya ako. Nakanguso ko siyang tiningnan.

"Bakit ba bigla bigla kang manghihila dyan? Paano kung mapugutan ako ng ulo ha?" sabi ko sa'kanya.

Umirap naman siya, "Huwag ka ngang oa."

Napatingin naman ako kay Danreb ng tumikhim. Nakangisi siyang nakatingin kay Ay-Ay. Bakit ba siya ganyan makangisi kay Ay-Ay? Naku, baka matipuhan din siya ni Ay-Ay kung hindi sya titigil sa kakangisi niyang yan.

"Ano naman sayo kong ganun kami kanina? Nagseselos ka?" nakangising sabi ni Danreb.

"Oo." natigilan ako at napatingin kay Ay-Ay.

"Nagseselos ako dahil mas pinapansin mo pa siya kesa sa'kin." napasimangot si Ay-Ay at naglakad na papalayo samin.

Nanlulumo akong napatingin kay Danreb na kahit siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Ay-Ay. Akala ko talaga nagseselos siya e. Akala ko lang pala talaga.

"Gago yun 'a. Basagin ko kaya mukha nun." bulong ni Danreb pero narinig ko.

Tinampal ko ng mahina ang braso niya, "Aalis na ako 'a? Bye!" hindi ko na siya pinagpasalita pa dahil tumakbo na ako papunta kay Ay-Ay.

Pumasok siya sa kotse at binuksan ko naman ang pinto sa backset. Nagulat naman siyang napatingin sa'kin pero nagkibit balikat na lang. Pinatakbo na ng driver niya ang kotse.

"Grabi ka naman pati si Dabreb nilalandi mo na." napanguso naman ako.

Inis naman niya akong tiningnan, "Pake mo ba. E gwapo yun."

"Kahit na noe, friend ko yun e."

Tinalikuran na lang niya ako kaya hindi ko na siya nakausap. Nakakainis talaga 'to, kinakausap tapos tatalikuran lang ako.

"Hoy, nagugutom na ako." maya mayang tawag ko ng mapatingin ako sa labas, may mga pagkain kasing tinitinda sa nadadaanan namin.

"E di kumain ka. Problema ba yun?" masungit nitong sabi.

Napanguso naman ako, "Wala akong pera."

"E anong tawag sa allowance mo?" bakit ba sobrang mainisin ito pag dating sa'kin?

"Ipon." ngumiti naman ako.

"Iniipon mo yun?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo, kaya nga ipon diba?" nagsungit na din ako sa'kanya.

"Ilan na ang naipon mo?"

Tiningnan ko siya. Kailangan pa bang tanungin iyun?

"50 million lang."

Nanlaki ang mga mata nito at napabuka ng kunti ang labi.

"Ang yabang mo." singhal nito.

Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Mayabang daw ako?

"Bakit mo naman nasabing mayabang ako ha?" naiinis na sambit ko sa'kanya.

Hindi naman siya sumagot. Tumingin lang siya sa driver niya at sinabing baba daw siya kaya huminto kami. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hilahin sa labas. Magpupumiglas sana ako pero hindi ko nagawa dahil nakita ko ang mga pagkain na nilapitan namin ni Ay-Ay.

"Pabili nga po." sabi niya sa tindera.

"Ilan iho?" nakangiting sabi nito sa'min.

"Apat na isaw po."

Napatingin naman ako sa'kanya at sa itinitinda ng tindera. Mukha naman siyang masarap kaso nga lang ay naalala ko ang sabi ni mama na hindi daw ako pwedeng kumain ng mga street foods gaya nito.

"Oh." inabot niya sa'kin ang isa, tiningnan ko lang iyun.

"Ano titingnan mo lang ba iyan? Nangangalay na ako dito."

Tiningnan ko siya. Sobra talagang mainipin ito 'e.

"Sabi ni mama hindi daw ako pwedeng kumain niyan, madumi daw." napanguso naman ako habang tinitingnan ang isaw.

"Tsk, kainin mo na lang." inilapit niya sa mukha ko ang isaw kaya nalanghap ko ang amoy niyun.

Kinuha ko naman at tinikman. Napakagat ako ng labi at sumubo ulit. Hindi man lang sinabi ni Ay-Ay na ang sarap pala talaga nito. Naubos ko ang dalawang binigay sa'kin ni Ay-Ay. Nakangiti naman akong napatingin sa'kanya, hindi niya pa din nauubos ang dalawa niyang isaw.

Paano ba naman kasi 'e napakaliit ng kagat niya sa kinakain niya, ang arte talaga nito.

"Akin na nga 'to." sabay hablot ko sa isang isaw niya at kinain.

"Bakit mo kinuha?!" sinigawan na niya ako.

"Nagugutom ako 'e." sabi ko habang kinakain pa rin ang isaw na kinuha ko sa'kanya.

Napatingin ako sa tindera na nakangiti sa'min.

"Pwede pa po bang bumili?" nakangiting tanong ko.

Naubos na kasi yung kinakain ko 'e hindi pa naman ako busog at sobrang sarap pa naman nito.

"Oh-" hindi na natuloy ng tindera ang sasabihin ng biglang magsalita si Ay-Ay.

"Hindi na po siya bibili." nakangiting sabi nito.

"Anong hindi? E gusto-"

"Aalis na po kami." at bigla niya akong kinaladkad.

"Ano ba?! Bitawan mo ako, bibili pa ako!" nagpupumiglas ako sa'kanya.

Huminto naman siya sa paglalakad at nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong buhatin na parang sako ng bigas. Pinagtitinginan na kami ng tao! At lahat sila ay tawa ng tawa.

"Ibaba mo ako!" pinagsusuntok ko ang likod niya.

"Dapat pala hindi na kita pinakain nun." aniya.

Ipinasok niya ako sa backseat at naupo naman siya sa tabi ko. Hindi na ako makalabas dahil hindi ko mabuksan ang pinto.

"Nakakainis ka! Nagugutom ako tapos bigla mo na lang akong bubuhatin na parang sako ng bigas!" sigaw ko sa'kanya.

Inirapan lang niya ako at hindi na nagsalita. Nagpapandyak naman ako sa inis at tumingin na lang sa labas. Pagkahinto ng kotse sa harap ng pintuan ng bahay namin ay bumaba na ako at pinagbuksan naman ako ng dalawang bodyguards ng pinto. Bodyguards lang ang binigay sa'min nila mama, walang maid.

Pagkapasok ko ay tumahol si baby Ay-y at tumakbo papalapit sa'akin. Napangiti naman ako at lumuhod sa harap niya. Pinanggigilan ko ang mabalbon niyang balahibo.

"Hi, baby Ay-y." nakangiting sabi ko.

"What?!" umalingawngaw ang sigaw ni Ay-Ay sa buong bahay.

Napatingin naman ako sa'kanya na nasa hagdan na pala.

"Bakit na naman?" tumayo ako at nameywang.

"What did you call to your pet?!" namumulang sigaw niya sa'kin.

"Baby Ay-Ay. At anong problema mo sa baby ko?"

Tiningnan niya ako ng matalim na tingin. Sa sobrang talim ay kulang na lang ay malagutan ako ng hininga 'e.

"Talagang ang tawag mo pa sa'akin ang tawag mo sa hayop mo. At may baby pa, really?" sarkastikong sabi nito at tinalikuran na ako.

Sa inis ko ay inalis ko ang sapatos ko at ibinato ko sa'kanya. Sa lakas ng pagbato ko ay tumama ito sa ulo niya kaya napahinto siya. Napalunok ako ng tumingin siya sa'kin na nanlilisik ang mga mata.

Magiging dinosaur na ba siya?

"H-Hindi siya hayop, baby ko siya!" nautal pa akong sumigaw.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayang tumama ang sapatos ko sa mukha ko, napaupo pa ako. Binato niya ako ng sapatos ko!

"Argh! Kainis ka talagang bakla ka!" malakas kong sigaw sa'kanya na naglalakad na papunta sa taas.

Pinahiran ko ng uniform ko ang mukha ko. Muntik na akong umiyak dahil sa ginawa niya pero pinigilan ko na lang. Binuhat ko na lang si babay Ay-Ay at pumasok kami sa library.

Ayokong makita ang bakla na yun, nakakainis siya.

"Sarap ibalibag ng daddy mo." sabi ko kay baby Ay-Ay.

Para kasi kaming pamilya kaya palagi kong sinasabi kay baby Ay-Ay na ako ang mommy niya at si Ay-Ay naman ang daddy. Napapangiti na lang ako kapag na-iimagine ko yun.

Naghanap mo na ako ng educational book dito sa library. Napatingin naman ako ng biglang pumasok ang isang bodyguard na may dalang pagkain.

"Pinapabigay po ni Señorita Aywayne. Magmeryenda po muna daw kayo" sabi niya at inilapag ang dala niya sa harap ko sabay labas.

Napangiwi naman ako. Ang lahat ng bodyguards nila ay Señorita ang tawag kay Ay-Ay dahil yun ang gusto niya. Kapag hindi naman siya tinatawag ng ganun ay nagagalit siya.

Napanguso naman ako habang tinitingnan ang pagkain. Mabuti't naisip niyang ipaghanda ako ng pagkain. Napatingin ako kay baby Ay-Ay ng bigla siyang tumahol.

"Pinaghanda tayo ng meryenda ng daddy mo." napabungisngis ako.

Nagsimula na kaming kumain, nagsasalo kami ni baby Ay-Ay. Pagkatapos naming kumain ay nagbasa na muna ako habang si baby Ay-Ay ay natutulog sa lap ko.

Maya maya pa ay hindi ko namalayang nakatulogan ko na pala ang pagbabasa ko.

Naramdaman ko ang malambot sa likod ko at ibinaon ko ang mukha ko sa malambot na bagay na hawak ko pero bigla akong napamulat at napabangon.

Teka, nasa kwarto na ako?

Sa pagkakaalala ko ay nakatulog ako sa library. Napakamot ako ng ulo.

Siguro naglalakad akong tulog at pumunta dito sa kwarto ng tulog. Imposible naman na may nagdala sa'kon dito noe, hindi yun gagawin ni Ay-Ay. Pumunta na lang ako sa walk-in closet ko at nagbihis na. Naka uniform pa kasi ako 'e.

Bumaba ako pagkatapos kung magbihis. Walang tao sa sala lalo na din sa kusina. Napatingin ako sa labas, gabi na pala.

"Where's Ay-Ay?" tanong ko sa isang bodyguard.

"Umalis po siya, Señorita. Pero wag po kayong mag-alala dahil may inihanda na siyang pagkain sa'inyo at huwag na daw po niyo siyang hintayin." nakayukong sabi niya.

Kumunot ang noo ko, "Bakit hindi ko pwedeng intayin ang asawa ko sa pag-uwi?"

Parang feel na feel ko ang pagtawag ko ng 'asawa ko' 'a.

"Mag-uumaga na po kasi siya umuuwi."

Napabusangot na lang ako. Bumalik ulit ako sa kusina at kinain ang inihanda daw ni Ay-Ay para sa'kin. Umakyat na din ako pagkatapos at binuksan ang tv dito sa kwarto namin. Tumabi naman ako kay baby Ay-Ay na nakadapa at nakatingin din sa tabi. Dumapa din ako at nanood.

Anong oras na pero hindi pa rin ako inaantok kasi kakagising ko lang diba kanina. Napatingin ako sa oras.

3 am na ng madaling araw pero wala pa rin siya. Nakaramdam na din ako ng antok kaya nakatulog na ako ng hindi pinapatay ang tv.

"Tss, pasaway talaga." rinig kung sambit ng hindi ko kilala kung sino.

Namalayan ko na lang na binuhat na ako nito at kinumutan pero hindi ko nagawang magmulat ng mata dahil antok na antok na ako.

••

"May chismis ako, baks." umupo sa tabi ko si Danreb.

Nasa bench kami ngayon dito sa may field. Vacant namin ngayon ng dalawang oras kaya nasa labas kami. Napatingin ako sa'kanya.

"Ano?" tanong ko.

Inakbayan niya ako at lumapit sa may tenga ko.

"Nakita ko lang naman ang asawa mo sa bar kagabi. Kasayaw niya yung mga lalake."

Natigil naman ako at hindi makapag salita. Kaya ba umaga na siya nakauwi dahil yun ang pinuntahan niya? Kanina din ay hindi ko siya naabutan sa bahay, sabi ng bodyguard ay nauna na daw dito. Gusto kong magtampo sa'kanya pero hindi pa ako nasanay. E kahit isang buwan pa lang kaming magkakilala ay alam ko na ang ugali niya.

"Bahala siya sa buhay niya." sabi ko na lang at tumingin sa malawak na field.

"Yun lang? Yun lang ang sasabihin mo? Hindi ka ba magseselos?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Bakit ako magseselos?" takang tanong ko sa'kanya.

Inis niyang hinalamos ang palad niya sa mukha niya.

"Huwag mo sabihing wala kang nararamdaman sa'kanya?"

Nag-isip naman ako, "Meron."

"Oh 'e di-" natigil siya sa pag sasalita ng magsalita ako.

"Inis yung nararamdaman ko sa'kanya at nagtatampo din ako sa'kanya." nakasimangot na sabi ko.

"Saan bang planeta ka galing?!" nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw at tinalikuran na ako.

Nakanganga naman akong nakatingin kay Danreb na naglalakad na papalayo sa'kin. Problema nun?

"Sa earth ako galing!" sigaw ko sa'kanya pero hindi man lang ako liningon.

Bakit lahat ng tao ay ganun ang palaging tanong sa'kin? Si Ay-Ay at ngayon si Danreb naman. E alam naman nila na sa earth ako galing tapos tanong pa sila ng tanong. Nakakainis na ang tanong na yun 'a.

Continue Reading

You'll Also Like

700 80 17
She's Aera sweet and humble. Inadopt siya mula sa ampunan nang mayamang mag-asawa. They have son, Christ, 5 year older than Aera. Ayaw niya ng kapati...
1.4M 33.5K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
23.8K 800 17
Michaeng feat. 2yeon, Dahmo, Satzu & Jihyoxreader ---------------------------------------------------- The story takes place on a grand party, where...