You are My Sunshine (Last, Vo...

By air-styper

1K 192 10

TAGALOG VERSION Ang mga genre ng nobelang ito ay Romantasy, Teenfiction, at Drama. Ito ay haka-haka lamang. T... More

MENSAHE NG AWTOR
SEASON 5
KABANATA 49: "UUWI NA AKO PERO ANG PAG-IBIG KO AY MAIIWAN SA IYO"
KABANATA 50: "TAGLAGAS NGAYON KAYA NAFALL AKO SA IYO"
KABANATA 51: "PAANO KUNG NAINLOVE NA TALAGA AKO SA IYO? ANG HIRAP MAGMOVE-ON"
KABANATA 52: "BAGONG TRABAHO, BAGONG KAIBIGAN NA MAPAGKAKATIWALAAN"
KABANATA 53: WAIT MO LANG, GAYA SA LOVE HINIHINTAY"
KABANATA 55: "ANG PAG-IBIG AY WALANG PINIPILING ARAW"
KABANATA 56: "ANG PAGLALAYAG SA MGA DALAWANG ISLA NG PAG-IBIG"
KABANATA 57: "ANG RESULTA NG PAGSASANAY AT PAGKATAPOS AY PANDEMYA"
KABANATA 58: "ANG HULING LABAN"
KABANATA 59: "ANG BAHAGHARI AT ANG PAGWAWAKAS NG KASAMAAN"
KABANATA 60: "YOU ARE MY SUNSHINE"
EPILOGO
MGA IMPORMASYON NG NOBELA
LAST SPECIAL CHAPTER
HULING MENSAHE NG AWTOR

KABANATA 54: "MAHALIN ANG ATING INANG KALIKASAN KAGAYA SA TAONG MINAMAHAL NATIN"

10 0 0
By air-styper

KABANATA 54: "MAHALIN ANG ATING INANG KALIKASAN KAGAYA SA TAONG MINAMAHAL NATIN"

Part 1:

Pagdating ng May 11, 2020.

9:00 A.M. sa Aveunare, sa loob ng bahay nila Don Ian.

Dito ay ginising ng kanyang nanay na guro ang kanyang anak na si Don Ian dahil magaalas-nuwebe na ng umaga at unang beses niya palang napansin na gumising ng late ang kanyang anak.

"Anak! Gumising ka na!"

"Inay, mamaya pa po. Hindi pa nakarecover ang katawan ko."

"Bakit? Dati anak, ang aga-aga mong gumising. Ngayon, bakit? Mayroon bang nangyari sa inyo ng iyong mga kaibigan?"

"Wala inay. Masakit lang talaga ang katawan ko."

"Alam mo anak, kapag nalalate kang gumising, alam kong malungkot ka."

"Maniwala po kayo inay, masakit lang talaga ang katawan ko."

"Sige, kapag okey ka na, nandoon lang iyong pagkain sa table. Nakatakip lang doon."

"Opo inay."

Makalipas ang 30 minuto ay inayos na ni Don Ian ang kanyang kwarto. Inayos niya ang kanyang sarili at bumaba ito sa kanyang kwarto papunta sa mesa para kumain.

Dito ay kumain na si Don Ian ng kanyang pang-umagahan. Habang kumakain si Don Ian ay biglang lumapit ang kanyang nanay at may sinabi.

"Anak, alam mo, kung malungkot ka, nalulungkot rin ako. Ayaw ko kasing nakikitang malungkot. Teka, nasaan na iyong kwintas mo? Hindi ko alam kung bakit hindi na itim ang kwintas mo pero nasaan na?"

"Alam niyo po inay kung bakit ako malungkot?"

"Bakit?"

"Huwag ko nalang pong sabihin, baka hindi kayo maniwala nay."

"Ano? Sabihin mo lang ang anak, makikinig ako at maniniwala."

Nang sinabi ni Don Ian na may kapangyarihan ang kwintas sa kanyang nanay ay nagulat ito at patuloy na nakaking

"Alam mo inay, may kapangyarihan ang kwintas na gamit ko."

"Ano?!"

"Opo, maniwala po kayo. Kaya nagbago ang aking kwintas dahil ang ibinigay sa akin noon na kwintas ni tatay ay pagmamay-ari ni Pandemo!"

"What?!"

"Opo, inay. Pero kinuha niya at iyon ang ginamit niya para labanan si Bisaster. Pero natalo si Bisaster kaya, ibinigay niya ang kanyang limang kwintas kay Don Paulo na aking kaibigan. Dahil nga kaibigan ako ni Don Paulo at mabuti akong kaibigan, pinagpili niya kami kasama ang iba pa naming kaibigan. Kaya pinili ko ang kakulay at kahugis ng dati kong kwintas."

"Oh, kaya pala. Kaya pala pagkatapos ng labanan nilang dalawa ay napansin kong nag-iba na rin ang kwintas mo. Totoo nga ang alamat anak. Ngayon, naniniwala na ako."

"Oo nga inay. Ako rin. Hindi rin ako naniwala sa una pero totoo pala."

Dito ay lumuha nalang si Don Ian.

"Anak, bakit ka lumuluha?"

"Malungkot ako ngayon dahil hindi gumana ang kwintas sa akin. Samantalang ang aking mga kaibigan ay gumagana."

"Anak, huwag ka ng malungkot please. Bakit kasi ayaw gumana sa iyo ang kwintas?"

"Hindi ko rin alam pero ginamit nila ang kanilang kabutihan sa kanilang puso para mapagana ang kanilang mga kwintas. Inay, sa tingin mo ba, hindi ako mabuting tao?"

"Don Ian, anak. Mabuti kang tao. Hindi siguro ang kabutihan ng kanilang puso ang kanilang ginamit anak. Malay mo, hindi ang tungkol sa kabutihan lang ng puso, kundi may iba pang paraan para gumana sa iyo ang kwintas gamit ang iyong puso?"

"Inay, parang ang hirap naman po."

"Basta anak, para sa akin, mabuti kang tao. Huwag mong kakalimutan iyan anak."

Dito ay natapos ng kumain ni Don Ian. Dahil sa narinig niyang iyon ay yinakap niya ang kanyang ina at nagpasalamat. Dito ay naging masaya ulit si Don Ian.

Part 2:

Sa kabilang banda ay nakapunta na sina Don Andrew, Donya Cassiopeia at Donya Serina sa bahay nila Don Paulo.

9:45 A.M.

"Don Paulo, nandito na kami!" sigaw ni Don Andrew.

Agad na binuksan ni Don Paulo ang pinto ng kanilang bahay at saka ito ay lumabas.

"Guys, hindi sa loob ng aming bahay tayo magsasanay. Tayo na sa beach!"

Dito ay mabilis na tumakbo si Don Paulo papunta sa tabing-dagat!

"Yohooh!"

"Love, hintayin mo kami!"

"Oo nga. Teka lang! Wait for me guys!"

Dito ay narinig nalang bigla ni Don Paulo ang sigaw ng kanyang bunsong kapatid.

"KUYAAAAA!!!"

Dito ay napalingon nalang silang apat at napatigil sila sa pagtakbo.

Agad na lumapit sa kanila si Donya Shina.
"Mga ate at kuya. Sasama ako sa kanya. Huwag niyo akong iwan," tantrum na sabi nito.

"Wow, Donya Shina!" sigaw nito dahil naatract ito sa kanyang kakyutan kasama si Donya Serina.

"Bunso! Kumusta ka na, namiss kita agad! Wala pa rin nagbago sa iyo, kyut ka pa din."

"Ganon din po sa iyo Donya Serina."

"Ako rin no! Ang kyutkyut mo!"

"Ikaw din po Donya Cassiopeia."

Ngumiti sa kanila si Don Paulo.

"Uy, Don Paulo. Ang swerte mo dahil may kyut kang kapatid. Mayroon ka pang makakalaro at makakausap."

"Oo nga Don Andrew. Simula noong nalaman kong siya ay tunay kung kapatid, hindi ko expect. Simula na noon ay araw-araw na akong kinukulit ng aking kapatid at iyon ang nagpapasaya sa akin. Kinukulit ko naman siya para bumawi at doon naman siya naiinis sa akin. Kahit na ganon ay mahal na mahal ko ang aking bunsong kapatid at alam kong mahal na mahal rin niya ako.

Matapos ang sinabing iyon ni Don Paulo ay may biglaang sinabi si Donya Shina sa kanyang kuya.

"Kuya! Pakasalan mo na silang dalawa para legal ko na silang mga ate! Mahal ma mahal ko silang dalawa kuya."

"Ano?! Parang naulit nanaman to," gulat na sabi ni Don Paulo

"Hoy! Hindi pwede!" sigaw ni Don Andrew.

Dito ay mas nagulat sila sa reaksiyon ni Don Andrew. Pero agad na umagaw ng atensyon si Donya Shina.

"Ano ba kayo, biro lang iyon no. Pero kuya Don Andrew ka diba? Hmm, bakit against ka sa akin?" Ngiting sabi ni Donya Shina na nagdududa.

"Naku wala iyon!"

"Pst, bunso. Gusto mo pa bang sumama sa amin?" creepy na sinabi ni Don Paulo sa kanyang kapatid.

Dito ay natakot sa kanya si Donya Shina at humingi agad siya ng paumanhin sa kanyang kuya.

"Pst, Donya Serina, ganyan pala ka-creepy si Don Paulo kapag mainis."

"Oo nga, hindi ko alam na may ganon siya. Dapat kilalanin ko pa siya ng mabuti."

Matapos iyon ay sinundan nga nila si Don Paulo hanggang sa makapunta sila sa likod ng mga maraming mga puno ng niyog.

Dahil sa mga puno ng niyo ay walang sinumang makakakita sa kanila sa kanilang pagsasanay.

"Bunso, manood ka lang. Huwag kang makulit. Tsaka, mag-iingat ka sa mga bunga ng niyog. Baka matamaan."

"Opo naman kuya. Napakaover-protective mo naman."

"Ginagawa ko ito dahil mahal kita kapatid."

Dito ay nagblush si Donya Shina sa kanya at naramdaman niyang mahal niya talaga ito bilang kapatid sa pamamagitan ng pag-aalala.

"Kuya, mahal din kita bilang kapatid ko," ngiting sabi nito.

Dito ay ginamit nila ang kanilang sariling mga kwintas at pinagana ang mga kapangyarihan nito.

Pagkatapos nito ay nagbago nanaman ang kanilang mga kasuotan at napasigaw nanaman si Donya Shina ng "Wow!"

Tinigna-tignan niya ang kanilang mga damit ay dito ay napakislap ang kanyang mga mata dahil sa kanilang mga kasuotan.

"Wow! Ang gaganda ng mga kasuotan ninyo! Sana may kwintas din ako! Oh! Ang talaga!"

"Psst, bunso, diba huwag maingay?"

"Ay sorry kuya."

"Hm, dahil maingay ka bunso, tatakpan ko ng tubig ang iyong bibig."

Dito ay sinubukang kontrolin ni Don Paulo ang tubig para takpan ang bibig ni Donya Shina.

Dito ay hindi nakapagsalita si Donya Shina dahil dito.

Dahil sa nakakaawang reaksyon ni Donya Shina ay agad nitong tinanggal ang tubig na nakatakip sa kanyang bibig.

"Ah! Kuya! Ba't mo naman ginawa iyon! Nagsorry naman ako."

"Pasensiya na kapatid. Sinubukan ko lang kontrolin ang tubig. Dahil ito ang nakikita kong kapangyarihan ng kwintas na ito."

"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo sa akin kuya pero ang astig non dahil nakontrol mo ang tubig!"

"Oo nga, bunso. Guys, subukan niyo ngang kontrolin ang elementong eligible sa inyong kwintas? Gaya sa ginawa ko kanina, kumilos ako at ginamit ko ang motion ng aking kamay."

Dito ay kinontrol ni Don Andrew ang lupa dahil ito lang alam niyang gumana noong una niyang napalabas ang kapangyarihan ng kanyang kwintas.

Dahan-dahan niyang pinalutang ang isang block ng lupa at inilagay sa ibang lugar.

Medyo kinabahan si Don Andrew dahil dito ngunit siya nag-ingat para walang masaktan.

Si Donya Serina naman ay gumawa ng maliit na ipo-ipo sa buhanginan.

"Ate! Ang galing naman niyan! Nakakagawa kayo ng ipo-ipo gamit ang iyong kamay!"

"Hindi rin ako makapaniwala bunso dahil dito."

"Guys, ngayon ay alam na natin kung ano ang gamit ng ating mga kwintas."

Pero biglang nang-agaw ng atensyon si Donya Cassiopeia dahil sinabi nito sa kanilang wala namang nangyayaring pagiging cool sa kanya kagaya nila.

Part 3:

Sa oras ng 11:00 ng umaga sa Restaurant. Sa Aveurare.

Dahil maraming bumibili ngayon sa restaurant ni Uncle Bob ay may naisip si Uncle Bob ng magandang paraan para mapadami pa ang kanyang mga customers.

"Anak! May sasabihin ako sa iyo. Diba, maraming bumibili ng milk tea?"

"Opo itay! Sobrang dami nila. Siguro, mainit sa labas. Dahil sa init, pati dahon ng mga puno ay patuloy na nalalagas. Pati buhok niyo po itay, nalalagas na."

"Anak! Sige, tama na iyan. Hays. May ipag-uutos ako sa iyo?"

"Ano po iyon itay?"

"May naisip akong istratehiya. Alam mo iyong 'Buy 2 Get 1'?"

"Ibig sabihin, kong bumili ako ng milk tea, may isa pa akong makukuha. Pero itay, malulugi tayo niyan?"

"Anak, huwag kang mag-alala. Business is business. Ako na ang magsasabi sa iyo ng price. Maglagay ka ng karatula sa labas ng Restaurant ng tungkol sa Buy 2 Get 1 Milktea at iyong sasabihin kong price. Dito ay kunwaring magcocompute iyong utak nila at maisip nilang mas mura ito kaysa sa isa lang na bibilhin nila, bibili nalang sila ng dalawa tapos may free pa. Isa pa, mura naman iyong powder at iba pang expense. Pangako anak, hindi tayo malulugi at magkakaroon tayo ng maraming customer."

"Tama ka itay! Think Positive nga. Isa pa itay mas maraming bibili dahil ang akalain nila ay mas affordable ito kaysa sa bumili lang ng isa."

"Tsaka anak, kahit makakasave sila anak ng pera sa pagbili nito imbes sa isa lang, hindi nila alam na marami pala tayong ma-iincome. Tsaka, diba, marami nang bumibili ng milktea sa atin, I predict na mas dadami pa dahil sa aking magandang strategy."

"Tama ka itay!"

Dito ay sinunod ni Donya Segovia ang utos ng kanyang tatay.

Matapos na mailagay ni Donya Segovia ay naging atesnyon ito ng mga tao.

Isinigaw nila ng "Yes" dahil may ganitong nang mabibili sa kanilang restaurant, lalo na't halos lahat sila ay paborito ang milk na kanilang itinitinda.

Agad na dumagungdong ang lahat ng tao para pumasok sa Restaurant. Ang ilan ay isinigaw ang "Isa na itong Oportunidad!" ang iba naman ay "Wow!" at ang mga loyal customer na aalis na sana ay "Alright!."

Dito sumigaw si Don Bob na pumila sila kung gusto nilang bumili.

Mabilis na pumasok si Donya Segovia sa loob ng Restaurant.

"Anak! Tulungan mo muna ako dito!"

"Sige itay."

Pumunta agad doon si Donya Segovia at tinulungan ang kanyang ama para maglako.

Pero dahil sa dami ng tao na bibili ay hindi nila ito nakayanan hanggang sa rumesbak na rin si Donya Jenniter.

Dito ay nagulat si Don Lance na marunong pala siya ng ganong gaawin.

Pupunta sana si Don Lance kaso, hindi niya alam ang kanilang ginagawa lalo na sa pagexchange ng pera.

Pero nakikita naman niyang kaya na nila ito.

Habang naglalako si Donya Jenniter ay tinitignan niya ito at nakikita niyang masipag siyang naglinis ng sahig.

Dahil sa dami ng customer na bumili ay naubos lahat ng stock na itininda nila sa restautant.

Kaya noong naubos na ay napagpasyahan nang isara ang restaurant dahil naubos na lahat ng kanilang paninda.

"Tignan mo anak, ubos agad. Hindi ko expect ito. Dahil, ang expect ko lang ay ang milk tea natin ang mauubos. Lahat pala ng paninda natin ay naubos."

"Oo nga eh. Salamat pala sa pagtulong kanina Donya Jenniter."

"Walang anuman."

"Dahil sa pawis mo, nakikita ko na iyan oh."

Dito ay nahiya bigla si Donya Jenniter at agad na nagpalit ng damit sa c.r.

"Anak? Nasaan na pala si Don Lance.. Woo-www! Ang kinang at ang linis pa rin ng sahig kahit maraming taong pumasok kanina."

"Tama ka itay. Hindi rin nagpahuli si pinsan!"

"Good Job, Don Lance. You have a great work!"

"Salamat po pero, napagod ako."

"Hmm, oo nga pinsan. Ano kaya kung magpalit ka na rin?"

"Ay oo nga."

Dito ay nagpalit rin si Don Lance.

Matapos silang magpalit ay lumabas sila sa C.R. at sila at bigla silang nagkasalubong.

"Oh, Donya Jenniter, hindi ko akalain na alam mo pala gawin kanina iyon?"

"Ay, iyong kanina sa paglalako? Oo, marami na akong experience. Pero, tinulungan ko sila dahil nakita kong nahihirapan sila kanina eh."

"Oo nga. Kung alam ko sanang gawin iyon, tutulungan ko sana kayo."

Ngumiti si Donya Jenniter.

"Okey lang iyon at saka nakita kita kanina na kahit maraming pumasok na tao kanina ay nalinis mo agad ang sahig. Believe ako sa iyo Don Lance."

"Ako din, Donya Jenniter. Believe din ako sa iyo," ngiting sabi ni Don Lance.

Dito ay patuloy silang nagtinginan na dalawa habang nagbablush.

Mayroon sanang sasabihin si Don Lance kaso napatingin nalang silang dalawa ng may sinabi sa kanila si Donya Segovia.

"Uy, ang sweet niyo naman! Halina kayo, uwi na tayo para mananghalian. Libre kayo ni tatay."

"Uy, pinsan. Nag-uusap lang kami ni Jenniter."

"Tama siya, nag-uusap lang kami ni Don Lance."

"Oytss, sige. Halina kayo. Ang seryoso niyo naman. Biro lang iyon."

Dito ay lumabas sila at sila ay pumunta sa sikat na restaurant sa Aveunare.

Dito ay mainit ang mga mata nila sa kanila dahil competitor sila ni Don Bob ngunit hindi iyon ang iniisip niya sa kanila dahil mahal na mahal niya ang restaurant na ito dahil nandito lahat ng paborito niyang mga ulam.

Ibang-ibang ang kanilang itinitinda nila ditong makakain pero palagi silang naapektuhan dahil kinukuha ni Don Bob ang mga customer dito kapag pumatok ang kanilang itinitinda.

Nagkukunwari nga silang masaya sa pagbebenta nito sa kanila. Pero, wala ito kapag kinain na niya ang masarap din nilang ibinebentang pagkain kasama silang tatlo.

Part 4:

1:00 P.M.

Sa oras na ito ay natapos ng nananghalian si Don Paulo kasama ang kanyang mga kaibigan.

Yinaya niya ang kanyang mga kaibigan doon sa kanilang karinderya ng libre.

Si Donya Shina naman ay naisip na makipaglaro muna kay Don Sebastian.

Matapos nilang kumain ay pumunta ulit sila sa dating lugar na kanilang pinagsasanayan.

Pero, si Donya Cassiopeia ay hindi pa rin alam kung paano niya gamitin ang kapangyarihan nito.

"Donya Cassiopeia, huwag kang mag-alala, malalaman mo rin kung ano ring pang-opensa ang kapangyarihan ng iyong kwintas."

"Sana nga, Don Andrew. Ginawa ko naman ang inyong mga kilos pero wala namang nangyayari."

Dito ay nag-iisip si Don Paulo ng paraan para malaman kung ano ba ang nagagawa ng kapangyarihan ng kwintas ni Donya Cassiopeia.

Hanggang sa nakita niya ang kanyang bakal na knuckle sa kanyang kamay.

Dito ay naisip niyang siguro ito ang gagamitin para magpakita ng himala.

"Donya Cassiopeia, ano kaya kung suntukin mo ang malaking batong iyan o sedimentary rock na iyan?"

"Ano? Hindi ko alam sumuntok Don Paulo, ang alam ko ay manapak."

"Naisip ko kasing ang knuckle na iyan sa kamay mo ay para para sumuntok."

"Sige, wala naman mawawala kung sussubukan ko."

Sinuntok nga ng kaunti ni Donya Cassiopeia ang bato at agad itong yumanig at nagkaroon ng bitak!

"Wow! Ang lakas mo Donya Cassiopeia!" sorpresang sinabi ni Don Andrew.

"Pero, mahina lang iyong suntok ko pero ang lakas na ng impact."

"Oo nga Donya Cassiopeia. Pero mukhang nakakatakot sana kapag ipwinersa mo!"

"Tama ka love. Kaya, sa tingin ko, mag-iingat ka sa paggamit ng kapangyarihan niyan Donya Cassiopeia at pati rin tayo. Dahil pwedeng makadisgrasya tayo kapag nagkamali tayo."

"Tama ka Don Paulo! Kaya dapat seryosohin natin ang pagsasanay at hindi isang laro lang!"

"Tama ka Don Andrew." Seryosong sabi ni Donya Cassiopeia.

"Pero, marami pa tayong oras kaya ngayong alam na natin gamitin ang ating mga kapangyarihan, dapat natin itong kontrolin."

"Tama ka love. Pero may tanong lang ako, pwede kaya nating gamitin ang kapangyarihan ng kwintas ng hindi lumalabas ang ating mahiwagang kasuotang ito? Halos nakikita kasi ang dibdib ko eh?"

Biglang nalang nagblush si Don Paulo ng narinig nila ito sa kanya.

"Ah love. Siguro..."

"Ako din oh, nakikita."

"Donya Cassiopeia, mayroon siguro," blush na sabi ni Don Andrew.

Lumipas ang mga maraming oras hanggang sa matuklasan nila kung paano nila mapapawala ang mahiwaga nilang mga damit.

"Guys! Ganito pala! Gaya sa pagbaba ni Donya Serina gamit ang isip, isipin niyo rin na gusto niyong maglaho ang inyong mga suot!"

Inisip nilang gusto nilang maglaho ito hanggang ito ay naglaho.

Dito ay totoo ngang naglaho ang kanilang mga suot.

"Ang galing mo talaga Don Andrew!" masayang sabi sa kanya ni Donya Cassiopeia.

"Salamat."

"Uy, love. Ano naman ginagawa mo?"

Inisip ulit ni Don Paulo na pagkatapos niyang inisip na maglaho ito ay inisip ulit niya na lumitaw ito at lumitaw nga. Tapos pinalaho niya ulit gamit ang kanyang isip.

"Guys! Gamit ang inyong isip ay mapapalitaw niyo ulit ang inyong mahiwagang mga suot. Pero, hindi natin ito matutuklasan kung hindi dahil kay Don Andrew. Nice bro."

"Salamat Don Paulo."

Dito ay kahit na wala ang kanilang mahiwagang kasuotan ay nagagamit pa rin nila ang kanilang mga kapangyarihan.

Dahil, mawawalan lang ng kapangyarihan ang kwintas kung ito ay kanilang hahawakan.

Part 5:

Matapos ang kanilang pagsasanay ay nagpahinga muna sila saglit at sila ay humiga sa buhangin para magpahangin sa tabi ng dagat.

3:00 P.M.

"Guys, nakakarelax dito diba?"

"Oo nga Don Paulo, sana nakatira kami dito para lagi kaming nagrerelax ng ganito," sabi ni Donya Serina.

"ATE! MANGYAYARI NA IYON SA IYO SOON!" nanggulat na sabi Donya Shina.

"Bunso!" sigaw ni Don Paulo.

"Ginulat mo naman kami Donya Shina, tsaka ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Donya Serina.

"Ay... Wala po ate. Pasensiya na po. Sorry. Pumunta ako rito dahil pagod na si Don Sebastian sa tagu-taguan namin kaya gusto ko ring magpahangin dito kasama niyo."

"Pero bunso, huwag ka namang manggugulat."

"Sorry po kuya. Hays, alam mo namang energetic ako palagi."

"Okey lang bunso, basta huwag mo na uulitin. Maliwanag?

"Sige po kuya."

Habang nagrerelax sila ay iba naman ang sitwasyon ni Don John Michael.

"Bwisit talaga ang hirap-hirap pero nahalata ko sa aking sarili na dahil sa aking pagsasanay ay lumakas ako at bumilis!"

Dito ay napansin ni Don Procorpio ang kanyang improvements.

"Wow! Haha! Gumaganda na yata ang mga kilos mo. Nagagaya mo na ang mga iyong pinapanood! Hmm! Halinga kayo Don Voggart at Don Miguel!"

Dito ay sinunod nila ang kanilang boss.

"Bakit po boss? May ipag-uutos po ba kayo?"

"Sana meron Don Voggart para may silbi tayo kay boss."

"Oo meron mga bro's! Labanan niyo siya kahit gumamit pa kayo ng iyong armas!"

Dito ay tinawanan lang nila si Don John Michael kaya nainis siya at pinunit ang kanyang damit.

Dito ay nagulat nalang ang dalawa.

"Kahit magkasabay pa kayo! Lalabanan ko kayo!" matapang na sinabi ni Don John Michael.

Tinawanan lang sila ng dalawang sunud-sunuran ni Don Procorpio.

Dito ay agad na inihagis ni Don Voggart ang kanyang maliit at matulis na kutsilyo na derestso sa noo niya.

Ngunit, agad nitong inipit ni Don John Michael gamit ang kanyang middle finger at hintuturo.

"What?! Paano niya namasdan ang aking atake!?"

"Ang bagal mo kasi Don Voggart! Ito ang tatapos sa kanya kung makikita niya!"

Mabilis na inihagis ni Don Miguel ang kanyang pamatay na nails attack papunta sa dibdib ni Don John Michael pero agad nitong nailagan ang mga pako sa pamamagitan ng pagbend ng kanyang katawan.

"What the...!"

"Don Miguel!! Nailagan niya ang iyong
opensa!"

"Nakakainis!"

"HAHA! Baliwala pala sa kanya ang inyong paggamit ng armas mga sunuran! Labanan niyo siya ng fair at square gamit ang physical niyong atake!"

"Sige boss," sabi ng dalawa.

Walang kahirap-hirap na inilagan ni Don John Michael ang lahat ng kanilang mga atake!

"Oh, ang dami ng nagbago sa kanya simula noong nagsanay siya ng ganyan pero..."

Matapos na mailagan ni Don John Michael ang kanilang mga atake ay umatake na agad ito.

Magkasabay nitong sinuntok ang kanilang mga tiyan kaya silang dalawa ay tumba.

Dahil dito ay hindi na nakatayo ang dalawa at nakita ni Don Procorpio ang seryosong mukha niya.

"Don Procorpio, hinahamon kita!"

Dito ay humalakhak siya ng malakas.

"Anong nakakatawa?"

"Oh sige, pagbibigyan kita pero huwag magsisi na hinamon ako."

"Opo!"

Dito ay agad na ipinakita ni Don Procorpio kung gaano siya kalakas ngayon.

Naging match sa unang laban nila ngunit hindi pa rin naging sapat ang pagsasanay ni Don John Michael.

Pinahirapan siya ng husto nito at pinasuko.

"HAHAH!"

"Suko na ako Don Procorpio!"

"Good!"

Gusto sana nitong balian pero naalala niya na siya ang para linis ng kanilang kalat.

"Sige! Sasabihin ko na sa iyo Don John Michael para makuha mo ang mga kwintas ni Pandemo! Una, talunin mo ako. Pangalawa, linisin mo ang mga limang kalat! Maliwanag?"

"Opo, pero paano na ang aking ex?"

"Syempre, kapag matapos mo na ang lahat, makukuha mo na ang ex mo. Maliwanag?!"

"Opo, Don Procorpio! Mag-eensayo pa ako para sa susunod na laban natin ay kaya na kitang talunin!"

"Okey! Haha!"

Balik tayo sa Tarras.

3:30 P.M.

"Oh! Nakakarelax talaga dito sa beach."

"Tama ka Donya Shina. Presko pa ang hangin."

"Sana guys, nandito si Don Ian para kumpleto tayo."

"Oo nga Don Andrew."

"Kuya Don Paulo? Bakit?"

"Hindi gumana sa kanya ang kwintas kaya ibinigay niya ito sa amin at hindi namin siya kasama dahil dito."

"Aww, kaya pala."

Habang tumatagal sila sa tabing ilog ay parang dumadami at dumadami ang mga plastic na papunta sa dagat.

"Guys! Napapansin niyo ba ang mga nahahanginang mga basura papunta sa dagat?" tanong ni Donya Cassiopeia.

"Oo nga no!" sabi ni Don Andrew.

Kaya naman, ginamit ni Don Paulo ang kanyang kapangyarihan at kanyang kinontrol ang agos ng dagat para maipunta ang mga basura sa tabing dagat.

"Kuya! Kaya mo na palang magamit ang iyong kapangyarihan kahit na hindi lumilitaw ang iyong magandang suot?"

"Ay, oo bunso. Wala ka kasi kaninang natuklasan namin. Isipin lang namin na hindi lilitaw ay hindi talaga ito lilitaw. Buti nalang ay natuklasan agad nito ni Don Andrew."

"Salamat."

"Ang galing naman. Pero, psst. Kuya Don Andrew? May gusto ka ba kay Donya Cassiopeia? Kanina ka pa tingin ng tingin sa kanya?"

"Uy! Wala ah."

"Hay naku bunso, itigil mo na iyan."

"Sorry po kuya. Pero, psst. Kuya, ang gusto ni Donya Cassiopeia ay ice cream dahil kilala ko siya. Sana makatulong."

Dito ay dininig niya ang sinabi ni Donya Shina.

"Oops, tama na iyan. Tignan mo nalang iyong gagawin ni Donya Serina."

Matapos ngang ipunta sa tabi ng dagat ang mga basura ni Don Paulo gamit ang daluyon ay ginamit ni Donya Serina ang hangin para itangay ang lahat ng mga basura.

"Wow! Lumilipad ang mga basura!" sigaw ni Donya Shina.

Dito ay agad na gumawa ng butas si Don Andrew sa lupa malapit sa mga niyog.

Nang nakagawa na siya ng butas sa lupa ay sakto namang itinangay ni Donya Serina at ipinunta dito sa butas ang mga basura.

Agad din naman isinara ni Don Andrew ang lupa at ang panghuli ay sinuntok ni Donya Cassiopeia ang lupa para compressed ang lupa pababa.

Kaya naman, gamit ang kapangyarihan ng kanilang mga kwintas ay nakagawa sila ng mabuti para mapangalagaan ang kalikasan.

"Ang galing naman! Parang teamwork!"

"Tama ka bunso! Kaya ngayon, hindi na malalason ang mga isda at saka malinis na ang tubig at ang tabing dagat dahil sa ginawa namin."

"Oo nga kuya pero, wala akong naitulong."

"Bunso, ang mahalaga, huwag kang magtapon ng basura kung saan-saan at gawin mo ang pagtapon ng basura sa basurahan."

"Opo kuya para hindi masira ang Inang Kalikasan."

"Tama! Kaya naman, dapat 'MAHALIN ANG ATING INANG KALIKASAN KAGAYA SA TAONG MINAMAHAL NATIN,' ay nadulas, no good!"

"Hehe, kuya, sino iyong taong minamahal mo? Ehem..."

Dito ay sobrang napablush si Don Andrew sa tanong Donya Shina.

"Uhm..." Agad namang sinagot ni Donya Cassiopeia ang tanong ni Donya Shina.

"Siguro, ang ibig sabihin niya ay tayo ang kanyang minamahal."

"Tama... Tama siya," kunwaring sabi ni Don Andrew.

Matapos iyon ay naisip na iwala nito ang usapan at manlilibre siya ng ice cream.

Dito ay napangiti na lamang si Donya Shina dahil maganda ang naisip nito.

Dito ay agad silang pumunta sa mamang sorbetero.

"Hello, anong flavor ang gusto niyo, Sorbeterong Coco, Chocolate flavor nalang po kaming lahat!" ngiting sabi ni Donya Shina.

"Okey, limang choco flavore ice cream. Wait niyo lang..."

"Nice taste bunso! Paborito ko iyan!" excited na sabi ni Donya Serina dahil paborito rin niya ito.

Matapos na matapos ng mamang sorbetero na magawa ang ice cream ay kinuha agad nito ni Don Andrew at agad na ibinigay kay Donya Cassiopeia.

"Para sa iyo, Donya Cassiopeia."

"Ah... Salamat," sabi nito habang nagbablush.

"Ayiee," kilig ni Donya Shina.

"Psst, Don Andrew, nice," sabi ni Don Paulo habang nakangiti sa kanya. Pati rin si Donya Serina.

Dito ay naramdaman ni Don Andrew na nahulog na ito kay Donya Cassiopeia kaya hindi na niya iniiwasan ang kanyang nararamdamang ito sa kanya dahil nakakagaan ito ng kanyang kalooban lalo na't nainlove na siya sa kanya.

Sa hapong ito ay kumain sila ng ice cream at dito na ring tuluyang nagustuhan ni Donya Cassiopeia si Don Andrew, lalo na't ang kanyang ibinigay sa kanya ay kanyang paborito. Salamat sa tulong ni Donya Shina.

~~~~~~~~~~

May magsasabi na ba ng salitang "mahal kita" sa susunod na kabanata?

~~~~~~~~~~

Abangan ang susunod na kabanata ng "You are my Sunshine."

If you like my story don't forget to vote. Thank You.

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...