THE TEN MILLION BID (Volume 0...

By IAMROMME

29.8K 1.5K 197

Shun never dared to dream of having a family of his own, but that dream became a reality. Despite not sharing... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
AUTHOR'S NOTE
SPECIAL CHAPTER: DEMONYO
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 01
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 02
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 03
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 04
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 05
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 06
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 07
SPECIAL CHAPTER: IMPYERNO 08
SPECIAL CHAPTER: COFFEE DATE
SPECIAL CHAPTER: AWAKE
SPECIAL CHAPTER: JEALOUS MAN
SPECIAL CHAPTER: VISIT
SPECIAL CHAPTER: THE MISSION
SPECIAL CHAPTER: HELLISH MEMORIES
SPECIAL CHAPTER: ASULA
SPECIAL CHAPTER: THE FAKE DEATH OF ARMANDO
SPECIAL CHAPTER: THAT WEIRD GIRL
SPECIAL CHAPTER: JOWA.
SPECIAL CHAPTER: CRISPIN'S POV
SPECIAL CHAPTER: THAT TWO GUYS.

EPILOGUE

636 29 4
By IAMROMME

Nang makabalik kami sa Pilinas ay agad naman kaming dumeritso muna sa mansion ng mga Falcon. Kahapon pa kami nandito dahil ngayon ay birthday ni Dad. Lahat ng mga kaibigan at malalapit sa amin ay inimbitahan din para dumalo.

"Gwapo mo diyan sa suit na suot mo." Lumingon naman ako at nakita si Hero na nakasuot ng pulang dress at nakaayos ang buhok. Maganda-maganda ito dahil sa suot.

She's really amazing. Kaya niyang magmukhang lalaki at kaya niya ring maging magandang babae.

"Ikaw din. Ang ganda mo diyan sa dress na suot mo." Nakangiting sabi ko naman at inalalayan siya. "Nasaan si Thorr?" Tanong ko nang hindi makita ang asawa niya.

"Andoon sa mga kaibigan." Turo sa tumpok ng mga lalaki kung nasaan din si Phoenix. Mga kaibigan ko at kaibigan nila Hero ang nandodoon at iyong iba pang mga lalaking imbitado.

"Nawili ata sa pakikipag-
kwentuhan. Hayaan na lang muna natin. Minsan lang naman kung magkita ang mga 'yan eh." Tumango naman ito saka ngumiwi ng makitang inirapan ng isa sa mga anak niya si Crispin na parang wala lang namang pakialam.

Dahil magkakilala si Dad at yung mga magulang ng mga kaibigan ko at kaibigan nila Heroine ay nagkakilala naman kaming lahat at nagkasundo naman.

"Doon na lang tayo sa mga kaibigan ko. Kilala mo na naman sila at magkasundo naman kayo ng mga iyon." Suhestiyon niya kaya tumango lang naman ako at pumunta na sa table nila.

"Hi Shun! Hi Hero!" Bati ng mga ito at agad na kumaway sa amin. Tinulungan ko naman si Hero na maupo saka humigit ng upuan at naupo.

"Hi. Ang tagal na rin simula ng huli nating pagkikita. I'm glad you came." Saad ko naman.

"Oo nga. Mabuti nga at inimbitahan kami ni Tito Phindrex dito. Nagkita-kita ulit tayo." Saad ni Hannah.

"Chill time na ngayon. Walang trabaho. Walang stress. Enjoy with friends lang." Saad naman ni Whealyn kaya napatango-tango naman kami saka natawa.

Nakita ko naman si Nikki kaya agad ko naman itong tinawag dahilan para mapalapit naman ito.

"Kaibigan mo?" Tanong ni  Lereex.

"Yeah. He's Nikki." Pagpapakilala ko sa kaibigan ko na nakalapit na.

"Good evening. Nice to meet you." Bati naman ni Nikki at naupo sa isang upuan sa tabi ko na bakante.

"Whoah! You two really hits different. Why is it you two are really good looking, huh?" Tanong ni Hannah habang humahangang nakatingin kay Nikki na halatang nahihiya.

"May gwapo din kasing nag-aalaga." Nanunuksong saad ni Kim kaya natawa naman ulit ako lalo na nung makitang namula bigla si Nikki.

"W-Walang gano'n." Tanggi pa nito kaya mas lalo lang siyang tinukso ng mga kasama namin.

Maya-maya ay natahimik naman na kami dahil nagsimula na ang party. Lumabas si Dad na suot-suot ang kaniyang blue na suit. Nagpasalamat pa ito sa mga bisita na dumalo bago naupo sa may upuan na naka-reserved para sa kanilang dalawa ni Mom. Nagsimula namang magbigay ng mga speech ang mga bisita. Nauna naman si ang Pharex na pulos kalokohan ni Dad ang mga binubuko kaya natawa na lang kami. Sunod naman si Pheona na nagdrama pa muna sandali bago sumeryuso ang speech. Sunod ay si Phoenix na siyang maayos-ayos lang na nagbigay ng speech sa kanilang magkakapatid. Tumayo naman ako at pumunta sa stage nang ako na nag magbibigay ng speech.

"Happy birthday, Dad." Bati ko rito kaya kumaway naman ito sa akin. "Unang-una sa lahat ay nagpapasalamat ako dahil tinanggap niyo ako sa pamilya niyo despite sa sitwasyon namin ni Phoenix. Sobrang swerte dahil may Dad ako na kagaya niyo. Kahit hindi ko man tunay na kadugo ay tinuring naman akong hindi iba sa pamilya. Hindi ko naranasan na mahalin ng tunay kung Tatay pero naramdam ko naman ang pagmamahal na iyon sa inyo. Palagi kayong nandiyan para sa akin. Teka lang, bawal pala madrama ngayon." Natatawang saad ko at ipinahid ang butil ng luha na kumawala sa mga mata ko. Natatawang nagpunas naman ng mga luha ang  ibang mga nakikinig pati na si Mom at Dad. "Pero tandaan niyo po na itinuturing ko na po talaga kayo bilang isang tunay na Tatay ko. Ang wish ko para sa iyo, Dad, ay walang katapusang good health at marami pang birthday na ece-celebrate. Tatapusin ko na dito ang speech ko, Dad. Alam mo naman na ang iba na bilin ko eh. May mga susunod pa kasi sa akin na marami ding gustong sabihin sa iyo. Thank you." Tuluyan na akong bumaba sa stage at dumeritso sa kaniya para yumakap bago bumalik sa upuan ko kanina at nakinig naman sa iba na may speech din para kay Dad.

Halos tumagal pa iyon ng ilang oras bago tuluyang natapos. Napagdesiyonan naman ng mga kasama ko sa upuan na kumuha na ng pagkain dahil nagugutom na sila. Sumama naman ako dahil nagugutom na rin naman ako.

Nagpatuloy lang ang party nang masaya. Nagkwento si Dad nang mga nangyari sa buhay niya. Kung paano umasinso. Kung paano nagkapamilya. Naaaliw naman ako sa pakikinig sa mga kwento nito.

Matapos nun ay nagsimula naman itong magbukas ng mga regalo na ibinigay kanina ng mga bisita pagpasok pa lang. Nagpapasalamat sa bawat taong nagbigay at kahit sa iba na dumalo lang. Hindi naman raw kasi regalo ang nagpapasaya sa kaniya kundi iyong presensiya ng mga taong malalapit sa kaniya.

Nagulat naman kami sa isang ingay. Biglang may pumasok na pulang motor at dumaan sa red carpet na nasa gitna at tyempong tumigil sa harapan ng stage. Isang babae ang bumaba sa isang astig at mamahaling motor. Hinubad nito ang helmet at nilagay sa motor. "Nahuli ata ako." Narinig ko pang sabi nito. Natahimik ang buong lugar sa biglang pagdating nito. Para kasing iyong astig na scene sa palabas yung nangyari.

"It's fine. At least naisipan mong bumisita, Sunset." Nakangiting saad ni Dad at tumayo sa kinatatayuan at lumapit at bahagya pang yumuko sa babae dahilan para mapakunot naman ang noo ko. Bakit ginawa ni Dad iyon? Para bang isang taong merong mataas na estado ang kaharap. Para bang dapat talaga itong e-respeto at yukuan.

"Ofcourse. Dad will scold me if I don't." Sagot naman ng babae.

"Nasaan pala ang Daddy mo?" Tanong naman ni Dad sa kaniya.

"Kazakhstan. He will meet Prince Zaccheus." Sagot lang ng babae. Biglang may ingay ulit kaming narinig at pumasok ang dalawa pang babae na nakasakay rin sa motor na maaangas.

"Yo, Phindrex." Bati ng isang babaeng siyang sakay ng asul na motor.

"You're still a brat, Donnix." Natatawang saad ni Dad at yumuko ulit sa babaeng iyon. Iyong isang babae naman ay nanatili lang na tahimik na niyukuan din ni Dad. "Salamat sa pagpunta, Seven."

Nabuhay naman ang interes ko dahil sa mga nangyayari.

"Here's my gift." Hagis nung Sunset ng isang velvet na box. "Sayo na ang tatlong resort ko sa Batanes."

Tatlo?!

"Here's mine. Five keys of different Ferraris." Hagis naman nung Seven.

Limang Ferrari?!

"Maghanda ka ng piloto mo, Phin. May binili na akong pribadong eroplano para sayo." Saad naman nung isa na Donnix ang pangalan.

Eroplano?!

Gaano kayaman ang mga ito para magregalo ng ganoong mga bagay?

"Palagi talagang big-time ang mga regalo niyo." Humalakhak na lang si Dad na tila ba sanay na ito.

"Nanggaling talaga sayo? Your gifts are always expensive too, Tió Grief. Oh paano, hindi na kami magtatagal pa. Alis na kami. Enjoy your birthday."

Nagulat naman ako nang biglang mapunta ang paningin sa akin ng babae na siyang unang dumating. Sandali pang nagtagal ang titigan namin bago tumaas ang labi nito at tuluyang inalis ang paningin sa akin.

Hindi ko alam pero nanindig bigla ang balahibo ko dahil sa ginawa nito.

Nakita pa namin kung paano sumakay ang tatlong babae sa kaniya-kaniya nilang mga motor at swabeng umalis matapos bumusina. Iniwan nila kaming gulat at humahanga.

"Don't mind those three, everyone. They are some high people from Spain but living here for a long time. If you're interested about them. All you've heard is not joke. They really give me expensive things." Pinakita pa ni Dad ang mga susi. "They are a princess. This things is just a dust to them." Saad pa ulit ni Dad at humalakhak.

[NOTE: Hero and her friends are in the QUEEN OF LOVE SERIES. While Sunset, Donnix and Seven are in UNTIL SUNSET. I'm just clarifying things para hindi kayo maguluhan kung sino sila.]

Nagpatuloy ang naudlot na pagbubukas ng mga regalo kanina pero nanatili pa rin akong humahanga sa mga babaeng iyon.

Pero maya-maya ay naaliw naman ulit ako kaya nawala naman sila sa isip ko at natuon ang atensiyon kay Dad at Pheona na sumasayaw na sa stage.

Nang tuluyang matapos ang celebration ay masaya ang lahat. Enjoy na enjoy sa party ang mga ito. Nagpaalam naman ang iba at kami naman ni Phoenix ay naisipan ng dalhin sa taas ang mga bata dahil inaantok na ang mga ito.

"That's was alot of fun." Sabi ko habang hinuhubad ang suot ng mga bata para palitan na ang mga ito ng pantulog.

"Yeah. Nakasama ulit natin iyong mga kaibigan natin. Nakita natin kung paanong sumaya si Daddy sa birthday niya. Maski si Mom ay sobrang saya rin." Napangiti naman ako at napatango-tango.

Nagbihis na rin kami ng pantulog na dalawa para magpahinga na rin. Late na rin kasi. Pero bigla ko namang naramdaman ang pagyakap ni Phoenix mula sa likuran at hinalikan ang batok ko. "I love you."

"Why sweet, hm?" Tanong ko sa kaniya at hinayaan lang ito sa ginagawa.

"Nothing. Mahal lang talaga kita." Sagot naman niya at kinuha ang kamay ko at iyon naman ang hinalikan.

"I love you too. Matulog na nga tayo. Puyat lang 'yan, Phoenix." Pagtukoy ko sa kasweetan nito.

Pumunta na kami sa kabilang kwarto at nahiga sa kama. Malaki na ang mga bata kaya natutulog na silang tatlo na iba ang kwarto sa amin. Nakasanayan na rin nila dahil ginagawa na nila iyon simula nung makauwi ako galing ospital. Ayaw daw nila akong maabala sa pagtulog kaya sa kabilang room na lang sila. At nagpatuloy na lang iyon.

"Why is it you're still pretty just like the first time I saw you?" Tanong nito kaya napaharap naman ako sa kaniya.

"Why you're always calling me pretty?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Even if you're a man I will still call you pretty. Hindi porket hindi ka babae ay hindi ka na pwedeng tawaging maganda. I called you pretty because you are really pretty, honey. I called you pretty because your heart is indeed pretty and kind. I will call you pretty because I want to."

"Why you're extra sweet today, hm? Mula ka pa kaninang umaga." Natatawang tanong ko ulit sa kaniya.

"Nauumay ka na ba sa akin?" Nakangusong tanong nito kaya hinalikan ko naman ang labi nito saka umiling. "Damn! Can I get a kiss one more time, honey?"

"That's why you're extra sweet today, huh? Gusto mo lang pala ng halik." Natatawang saad ko dahilan para yakapin naman ako nito.

"Hindi mo na ako hinahalikan simula pa nang nakaraan eh. Akala ko ay galit ka sa akin kaya naman I do my best today." Iyon pala ang dahilan niya...

"Porket hindi ka lang nahalikan ay naisip mo kaagad na galit na ako? Okay, I'll give you alot of kiss." Saad ko at pinupog siya ng halik. "Hoy! Ano ba?" Nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin at ihiga sa kama at kinubabawan.

"I love you." Saad nito at hinalikan ako sa noo. Napakurap-kurap naman ako at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. "I love you." Saad pa ulit nito at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Hoy, napapano ka na naman ngayon?" Natatawang tanong ko sa kaniya pero ngumiti lang naman ito.

"I really love you, honey. I really want to be with you for the rest of my life." Sabi nito at dinampian ng halik ang labi ko. Halik na galing talaga sa puso yung nararamdaman habang ginagawa niya iyon.

"I love you too." Sagot ko naman at hinalikan siya at niyakap. Naramdaman ko pa kung paano kumuwala ang isang butil ng luha sa mata ko.

I am really happy to have him in my life...

"Back then you're my baby and my ten million bid. Here we are now, you're my husband and still my ten million bid." Narinig ko pang saad nito dahilan para mas lalong umusbong ang samu't-saring emosiyon sa puso ko.

I am really happy to be his ten million bid.

"I will always be your ten million bid, my love..."

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 190 21
A short BL Story Warning: Slight mature content Status: Completed Language: Tagalog/English Words per chapter: 500+ Total words: 10,665 "The moment y...
10.7K 342 32
Klion is a mafia member in Australia, and he is half Filipino . He used to live in the Philippines, and he applied as a judo master. Earl is a judo c...
175K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...