My Husband is Gay

By Jejelobsss

98.3K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 5

2K 101 10
By Jejelobsss

Chapter 5: Husband and Wife

“Ang ganda ganda ng baby ko.” naiiyak na sabi ni mama habang nakatingin sa’kin na inaayusan ng dalawang bakla.

Napangiti naman ako at napatingin sa salamin. Hindi ko makilala ang mukha ko dahil talaga namang napakaganda ko sa ayos na ito. Ngayon na ang kasal ko at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pero sabi ni mama ay normal lang naman daw iyun.

“Hindi na baby ang anak natin.” nakangiting sabi ni papa pero malungkot ang mga mata.

“Masayang masaya kayo na ibalita sa’kin noon na ikakasal na ako tapos ngayon na nandito na malulungkot kayo.” napanguso ako, “Sign na ba ito na ititigil na niyo ang kasal?” napangiti ako.

Natawa naman sila, “No, sweetie.”

Bumagsak naman ang balikat ko. Akala ko pa naman dahil nalulungkot sila na ikakasal na ang baby nila ay ihihinto na ang kasal, yun pala hindi.

Napahawak ako sa dibdib ko habang nasa sasakyan kami. Nasa tapat na kami ngayon ng simbahan, kinakabahan ako. Lumabas na sila mama sa kotse at lumabas na din ako. May mga lumapit sa’min at inayos pa ang gown ko. Naglakad ako papalapit sa nakasarang pintuan at huminto.

Ito na talaga! Ikakasal na ako sa baklang iyun! Lumapit sa’kin sila mama at ngitian ako. Ngumiti naman ako at napabuntung hininga. Maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan kasabay ng pagtugtog ng kanta. Ang bongga! Ang ganda ng loob! Talagang pinaganda nila mama ‘a? Para namang magpapakasal kami dahil mahal namin ang isa’t isa ‘e arranged marriage lang naman ito kaya dapat hindi na nila binonggahan.

Nagsimula na kaming maglakad sa gitna. Napatingin ako kay Ay-Ay na naghihintay sa unahan. Muntik ng malaglag ang panga ko ng makita ko kung ano ang itsura niya! Ang gwapo niya grabi, bagay na bagay sa’kanya ang suot! Ang linis niyang tingnan.

Nang makarating kami sa harapan niya ay ibinigay ni papa ang kamay ko sa palad ni Ay-Ay.

May sinabi pa siya papa pero hind ko na narinig dahil natulala yata ako kay Ay-Ay. Bumalik naman ang diwa ko ng hilahin niya ako ng kunti.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Bakit ang bilis ng tibok? Naku naman, baka atakihin pa ako dito ng wala sa oras.

“I Pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”

Nagpalakpakan ang mga nandito sa simbahan at humihiyaw. Sa wakas tapos na! Humarap naman ako kay Ay-Ay at inalis niya ang nakaharang sa mukha ko. Inilapit niya ang mukha niya sa’kin at napalunok ako.

Bigla ay parang aatakihin ako sa puso.

“Sana ako na lang ay may suot na gown.” tapos mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

Napasimangot naman ako. Kailangan pa talagang sabihin iyun? Ipasuot ko kaya talaga itong wedding gown sa’kanya tingnan lang natin kung babagay sa’kanya.

Pagtapos ng pag picture ng lahat sa simbahan ay dumiretso kami sa reception. Grabi ang dami pa lang umattend sa kasal namin at mukhang mayayaman silang lahat. Nakita ko din si Danreb pero tanging pag kaway at pagngiti lang ang nagawa ko dahil hindi ako makalapit sa’kanya. Kakamustahin ko na lang siya sa school pag bumalik na ako.

Halos ilang oras din ang itinagal namin dun at ang bigat na din ang wedding gown ko dahil sa mga pera na isinabit sa gown ko ng sumayaw kaming dalawa ni Ay-Ay. Ayaw ko sana kaso mapilit si mama ‘e.

Pagtapos kung hubarin ang gown na suot ko na wala ng pera ay nagbihis ako ng pantulog at inihiga ang pagod kung katawan sa kama. Nasa mansion na kami ngayon. Si Ay-Ay nasa katapat kung kwarto, kahit sinasabi ni mama na magtabi kami ay umayaw kaming dalawa. Ayoko nga na makatabi yun!

Para akong lalagnatin ‘e, kanina pa itong pakiramdam na ito nung katabi ko si Ay-Ay. Hindi ko alam kung bakit.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko sa pagod. Bukas na bukas din ay pupuntahan na naming dalawa ni Ay-Ay ang magiging bahay namin. Nandito lang daw iyun sa village sabi nila mama at halos lahat daw ay ayos na sa bahay na iyun kaso nga lang ay hindi sila nag hire ng katulong para daw makapag solo kami.

Duh, makapag solo ‘e dalawa nga kaming dalawa. Nasaan ang solo dun, tsk.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kahit narinig ko ang pag ring ng ring ng phone ko.

“Hmm...” ungot ko ng biglang naramdaman kung nasilaw ako sa liwanag.

Kanina madilim naman tapos ngayon ay naramdaman kung lumiwanag kahit nakapikit pa ako.

“Hoy, bangon ka na dyan!” narinig kung may sumigaw at may humila sa kamay ko kaya napaupo ako kahit nakapikit pa rin.

“Ano ba! Inaantok pa ako!” inis na sabi ko at nahiga ulit.

Niyakap ko ang malambot kung unan.

“Ayaw mo talagang magising?!” rinig ko na namang sigaw ng kung sino man ang nandito sa kwarto ko, “Ah, ayaw mo talaga ha.”

Nagulat nalang ako ng may kumiliti sa paa ko dahilan para mapamulat ako.

“Ah!” sigaw ko ng tumatawa dahil sa kiliti ng paa ko at bigla akong gumulong sa higaan.

Hindi ko namalayang nasobrahan ako sa paggulong kaya naman ay nahulog ako sa kama.

“A-Aray!” mangiyak ngiyak kung daing.

Napatingin ako kay Ay-Ay na tumatawa sa’kin. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumayo naman ako habang nakahawak sa likod ko. Kinuha ko ang unan ko at ibinato ko sa’kanya dahilan para matigilan siya.

“Imbis na tulungan mo ako ay tumawa ka pa talaga!” sigaw ko sa’kanya.

“Masisisi mo ba ako? E nakakatawa kaya ikaw.” natatawang sabi niya.

Umirap naman ako, “Lumabas ka na.”

“Ok. Magmadali ka, pupunta na tayo sa bahay natin.” napangiwi pa siya sa huling sinabi niya at maarte akong tinalikuran, para pa siyang nag flip hair kahit wala naman siyang buhok na katulad namin sa mga babae, panglalake kaya buhok niya.

Ki aga aga, ang bakla na.

Umiling iling naman ako at pumasok na lang sa banyo. Naglinis ako ng katawan at nag toothbrush. Pagkatapos kung mag bihis ay bumaba na ako. Naka long sleeves lang ako at pants habang suot ko ang puting sapatos ko na nike. Naka tuck-in pa ang sleeves ko sa pants.

Pagkarating ko sa sala ay walang tao kaya dumiretso na lang ako sa dining area. Nakita ko si Ay-Ay na kumakain kasama sila mama.

“Good morning, sweetie.” bati ni mama at hinalikan ang pisngi ko.

Lumapit naman ako kay papa at hinalikan ang pisngi.

“Good morning din, ma, pa.” naupo ako sa tabi ni Ay-Ay at kumuha ng kakainin ko.

“So, ngayon na kayo pupunta sa bahay niyong dalawa. Isang buwan kayong walang maid para naman matuto kayo tungkol sa pag-aasawa at makapag solo.” nakangiting sabi ni mama.

Napanguso na lang ako at kumain na lang. Nagkwentuhan lang silang tatlo sa mga business o kung ano pa man. Pagkatapos naming makakain ay nagpaalam na kami kila mama. Alam naman daw ni Ay-Ay kung nasaan ang  magiging bahay namin kaya hindi na sasama sila mama.

Sumakay ako sa kotse ni Ay-Ay at pinaandar na niya ang kotse. Tahimik lang kaming dalawa, nakatingin lang din ako sa labas habang siya ay nagdadrive. Ilang menuto din ang lumipas ng makarating kami sa isang malaking mansion din! Hindi ito ganun kalayo sa bahay namin.

Lumabas ako at tiningala ang mansion na may malaking gate.

“Nung nakaraan pa lang yan natapos.” biglang sabi ni Ay-Ay.

“Tinatanong?” tumingin ako sa’kanya

Inirapan naman niya ako at naunang pumasok sa gate na binuksan ng guard. Sumunod naman ako sa’kanya. Ang laki naman nito at ang ganda. May mga bulaklak pang nakatanim sa gilid ng nilalakaran namin at may fountain sa gitna. Binuksan naman ni Ay-Ay ang malaking pinto at bumungad sa’min ang magandang stairs at ang sala.

Sunod naming pinuntahan ang kitchen at ang dining area.

“Marunong kang magluto?” tanong sa’kin ni Ay-Ay.

Sumimangot ako at umiling.

“Hindi ako–” naputol ang sasabihin ko ng mag salita siya.

“Stop! Mamaya ikaw magluluto, walang pero pero!” masungit niyang sabi.

Bumagsak naman ang balikat ko. Hindi ako marunong! Nakakainis talaga ‘to!

Pagkatapos naming libutin ang buong mansion na ito ay s’ya namang pagdating ng mga bodyguards namin na may dalang mga kagamitan. Kahit naman kasi ayos na ang ito ay may mga kulang pa din. Tulad picture, mga vase at kung ano ano pa. Nasa kwarto na din ang mga gamit ko pati na rin kay Ay-Ay, nasa iisa lang kaming kwarto. Naka lock kasi ang ibang kwarto dito na hindi ko alam kung bakit.

“Ipagluto mo na ako.” utos ni Ay-Ay habang nanonood siya dito sa sala.

“Nakikita mo naman dibang nanonood ako?” inis kung sabi sa’kanya.

“Hindi. Magluto ka na dun, tanghali na! Nagugutom na ako.”

“Hind ba pwedeng ikaw na lang?”

“Kakalinis ko lang ng mga kuko ko, ayaw kung pumangit ulit ito. Kaya magluto ka na dun!”

Nakasimangot naman akong tumayo at binato ko sa’kanya ang unan na yakap yakap ko kanina.

“Kainis ka talagang bakla ka!” sigaw ko sa’kanya at naglakad papunta sa kusina.

“Sarapan mo ‘a!” rinig ko pang sigaw niya.

Napairap naman ako. Paano ko sasarapan, ‘e hindi nga ako marunong mag luto!

Magpriprito na lang ako ng bacon at ng hotdog. Hinintay ko na lang ang niluluto ko at pagkatapos ay inilagay ko na ito sa plato. Nilinis ko yung pagkakainan namin kahit malinis naman.

Nakita ko siyang pumasok at naupo. Matalim ko siyang tiningnan at inilapag ko ang niluto ko sa’kanya.

“Oh ayan! Diba sabi mo magluto ako ng masarap, yan na! Masarap yan, ikamatay mo man!” madiin kung sabi habang nilalapag ang plato na may niluto ko.

Tiningnan ko ang mukha niya na laglag ang panga at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa mga niluto ko.

“A-Ano to?” turo niya sa bacon na niluto ko.

Bacon na lang hindi pa niya alam, “Malamang bacon!”

“What?! E bakit itim ito at durog na durog?!” gulat niyang sigaw.

Napangiwi naman ako.

“Tapos ito hotdog?!” hindi makapaniwalang sigaw niya sa’kin.

Tumango naman ako at napapikit na lang sa pag sigaw niya.

“Hotdog?! Hotdog?!” kailangan pa talagang ulitin?, “E parang itim na maliit na sanga na ito!”

Napanguso nalang ako, “Sabi ko sa’yo hindi ako marunong magluto ‘e.”

“At bakit parang ako pa may kasalanan?!” namumula na siya.

“Oo, ikaw naman talaga ang may kasalanan. Pinilit pilit mo kasi akong magluto! Sabi ng hindi ako marunong magluto!” sumigaw na din ako.

Napahilot siya ng sentido, “Myghad, nakaka stress ka. Sira ang beauty ko sa’yong gaga ka.” tapos bigla siyang umalis.

Tiningnan ko ang niluto ko. Itim na itim ‘e. Wala talaga akong pag-asa na matuto sa pagluluto ‘a.

Sinilip ko si Ay-Ay na nasa sala, nanonood habang may kinakain na chitchirya.

“Bumili ka ng pagkain mo, hindi na ako kakain.” masungit na sabi niya.

Nakita niya pala akong nakasilip sa’kanya. Lumapit ako sa’kanya.

“Saan ako bibili?”

Tiningnan niya ako ng tamad na tingin at bigla siyang tumayo. May kinuha siya sa bulsa niya na phone pala at pumindot pindot dun.

“Mamaya, ikaw na magluto ‘a?” nakangiting sabi ko.

Tiningnan niya ako ng nakataas ang kilay, “At dapat ikaw ay matuto ka din magluto, parati pa naman akong wala.”

“Bakit saan ka naman pumupunta?” takang tanong ko.

“Wala ka na dun.” at naupo siya ulit sa sofa.

“May ganun bang lugar? Wala ka na dun?” bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung may problema ba ang tenga ko o ano pero narinig ko siyang tumawa. Dalawang beses na siyang tumatawa ngayon ‘a.

Maya-maya pa ay may nag doorbell kaya naman ay napatayo ako at lumabas. Binuksan ko ang gate at may nakangiting lalake ang bumungad sa’kin.

“Pizza delivery po.” nakangiting sabi nito at inilahad sa’kin ang hawak niyang box.

Napangiti naman ako at ibinigay ko sa’kanya ang pera na nasa bulsa ko.

“Thank you po.” ngumiti lang sa’kin ang lalake at sumakay na sa motor niya.

Isinara ko naman ang gate at pumasok na sa bahay. Inilapag ko ang dalawang box ng pizza sa salaming table dito sa sala.

“Ikaw nag order nito?” tanong ko kay Ay-Ay.

“Hindi ba obvious?” sabi nito na nakatingin sa tv.

Napangiwi na lang ako at nilantakan na ang isang box ng pizza. Gutom na gutom na ako. Tama na itong pizza na pang tanghalian. Kinain din ni Ay-Ay ang isang box ng pizza.

Pagkatapos kung kumain ay nanood na lang ako kasama siya. Wala naman akong gagawin kaya manonood na lang muna ako.

“Huwag mong ilipat!” sigaw ko sa’kanya ng tangkain niyang pindutin ang remote.

“Hindi na tayo bata para manood ng Dora!” sigaw niya sa’kin.

“Pero yun ang gusto ko! Dora walk!” nakasimangot kung sabi.

“Dora the Explorer not Dora walk.”

“Parehas lang naman yun noe! Naglalakad si Dora kapag nag eexplore.”

Umikot ang mga mata at bigla niyang inilipat ang channel.

“Sabi nang–” napatigil ako ng makita ko kung anong channel ang nilipat niya.

May mga lalakeng naglalakad ng naka boxer! Halos hubo't hubad na ‘e. Bigla kung tinakpan ang mata ko. My eyes!

“Ano ba yang nilipat mo?!” inis kung sigaw ng nakapikit.

“This is my favorite.”

Minulat ko ang mata ko pero hindi ako tumingin sa tv. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Ilipat mo yan!” sigaw ko sa’kanya.

“Ayoko. Wala ka ng magagawa kasi nasa akin ang remote.” ngumisi siya.

Kainis talaga! Unang araw pa lang namin ngayon bilang mag asawa pero ganito na kami! Nakakainis na talagang bakla na ito ‘a. Paano ba kami magkakasundo sa mga bagay na ganito? Parati na lang ba kaming magbabardagulan?

Tiningnan ko siya ng matalim.

Ano kaya kung baguhin ko ang bakla na ito? Gawin ko kayang lalake? Mahirap siguro yun pero i-try ko nga kaya?

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 293K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
290K 5.2K 31
At 8, I almost killed someone... is it because it's in my blood? Ellie is the daughter of the two most powerful elemental wielders in the world, the...
94.8K 3.1K 56
"I want to see you happy being my friend but how? When the time I saw you happy to the another man make me man too!" -Eric...
The Archer By Aidee

Mystery / Thriller

403 59 58
A young woman who is expert in defending herself to all of those her enemy. Instead of escaping from those bad guy that want to abduct her, she'd rat...