My Mystery Girl

By loveSHM

271K 4.7K 457

An optimistic guy meets a pessimistic girl. She's the quiet type while he's the outgoing one. He holds no s... More

My Mystery Girl
Who's That Girl
Getting to Know
Getting to Know Pt.2
Our Connection
Smile
That One Night
One Big Revelation
Save Me
Chapter 10 - Her Views
Not Just An Ordinary Day
Getting Closer
She's Not Perfect
Zac's Advice
His Story
DEAL!
Will You Be My Everything? - Eid
Obvious
Charm Appeal
Chapter 20 - Game of Love
DESTINY?!
Thank You Day
New Girl?
New Girl (2)
New Girl (3) Plus Hanging Out with S-A-D
Ulzzsshhhang issshhh DRUNK ^^
Am I Falling For Him?
Dongsaeng's View
A Day with the Jung's (1)
Chapter 30 - A Day with the Jung's (2)
Chapter 31
Heart to Heart Talk
CARA? HANA?
Mistaken Identity
He's Here
Granny
Looking for Adventure?
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
The Truth
Chapter 43
I Would
Chapter 45
My Angel
BFF to BF
Go Get Him
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Yesterday, right now, from now on, Forever
Chapter 53
Endearment Fuss
Christmas and New Year with HIM
New Year with HIM pt.2
Come Back Home?
The Search
The One Who Got Away
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
#MedyoWeird
Dati
Day before Prom
A Day Before Prom Pt.2
The Prom
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80 - Finale (Part 1)
MYSTERY SOLVED! (Finale Part 2)

Chapter 76

1.4K 30 2
By loveSHM

ZACHARY’S POV

“Are you ready?”             I asked Tanya (Anja) who’s sitting right next to me on the passenger seat. All the way from the province hindi sya nagsasalita at nababakas pa din sa mukha nya ang pagaalala.

“I don’t know.”                 sagot nya habang nakatulala pa din sa daan.

“Don’t worry, they’ll understand. She will. Everything will be fine.”

“You think so?”

“Yeah, of course.”           I tried assuring her. Although sa totoo lang, kinakabahan din ako sa pwedeng mangyari ngayong bumalik na kami. Umaasa na lamang ako na may magandang maidudulot ang pagalis ko kasama si Tanya.

“We’re here.”                   sabi ko at inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Lumabas kaagad ako at ipinagbukas sya ng pintuan. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya, nangingiinig ang kamay nya nang tanggapin ito.

Yumakap sya sa akin nang tuluyan na syang makatayo mula sa kinauupuan nya.

“Thank you.”      bulong nya.

I gave her a light pat on her back.

“Let’s go. They’re waiting for us.”

Naglakad na kami papunta sa bahay nila na halos katapat lamang ng bahay namin. Para namang naramdaman ni Tita Annie ang pagdating namin, lumabas sya kaagad kasama si Tito Marcus. Patakbong lumapit sa kanila si Tanya at yumakap nang mahigpit.

“I’m sorry Mom... I’m so sorry.. Dad, please forgive me...”           Iyak sya nang iyak habang paulit ulit humihingi ng tawad sa mga magulang nya.

“We understand. We are truly sorry too.”                            Isang mahigpit na yakap din ang isinukli sa kanya ng mga ito.

I somehow felt fulfilled habang pinapanuod sila. Ito na ang simula ng pagsasaayos ng mga kaguluhan sa pamilya nila.

“Tin!”                    Napalingon kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Kayzer.

Yam was standing few meters away from us. Nagpapabalik balik ang mga tingin nya sa amin nina Tito Marcus, Tita Annie, at Tanya. Halo halong emosyon ang nababasa ko sa mga mata nya. Naroroon ang gulat, sakit at pagkalito. Tinangka ko syang lapitan ngunit bawat paghakbang ko papalapit sa kanya, umaatras sya papalayo hanggang sa mawalan sya ng balanse at mapaupo na sa kalsada. Kaagad syang nilapitan ni Kayzer para itayo ngunit pinalis nya lamang ang mga kamay nito.

“Yam / Princess.”             magkasabay naming pagtawag sa kanya ni Tito Marcus.

Doon nagsimulang magunahan sa pagtulo ang mga luha nya.

“Liar.”    ang tanging salitang iniwan nya sa amin bago sumakay sa kotseng dala nya at pinasibad ito.

Isang malakas na sampal naman ang ibinigay ni Nicole kay Tanya. Ibinato pa nito sa kanya ang isang notebook.

“You witch! We accepted you in our team! And this is how you paid us?”

Hinawakan naman kaagad ni Kayzer si Nicole noong mukhang susugudin nyang muli si Tanya. Si Tanya nanatili lamang nakatungo habang patuloy din ang pagpatak ng mga luha.

“What’s the matter Nicole?”                       tanong ni Tita Annie.

“Ask your daughter or might as well, read her diary. She might lie again if you’ll just ask her.”

Dinampot ko ang diary mula sa sahig, sisimulan ko na sanang basahin ito nang magsalita si Tanya.

“Tin didn’t do it, she’s not liable for the poisoning incident last summer. “

“If it’s not her, sino?”                     tanong ni Tito Marcus.

“Anak, don’t tell me...... ikaw?”                 nanghihinang kasunod na tanong ni Tita Annie.

“NO!”                    sagot nya.           “Heaven knows I can’t do that.”

“Kung ganun, sino?”

“An ex trainee of WAVE. Nalaglag sya sa final line up ng AMETHYST. She heard na kapag may nagback out na member, maaaring sya ang maging kapalit. Nakita ko noong inihahalo nya sa water container ang glue. Nalaglag nya yung glue bottle sa locker room. Gusto ko sanang magsumbong pero natakot ako na baka ako ang mapagbintangan kaya basta basta ko na lamang nilagay sa training bag na nakita ko yung bottle. I swear to God, I didn’t know it was Tin’s until madiscover ng management. I don’t want to be dragged into the situation at manganib ang position as AMETHYST member kaya nanahimik ako.”

“Ang sabihin mo, selfish ka! You hated Tin so much that when you already found a way to get rid of her, you grabbed it. You ruined her para makuha mo ang gusto mo. You ended up as AMETHYST leader right.”                     sumbat sa kanya ni Kayzer.

“I won’t insult everyone by defending myself, coz i really messed up. I’m sorry. I’m truly sorry.”                                lumuhod sya sa harap naming lahat habang patuloy pa ding umiiyak.

Nilapitan ni Tita Annie ang anak nya at itinayo. Inakay nya ito palapit kay Nicole.

“Nicole, please forgive my daughter. Alang alang na lang sa pinagsamahan nyo iha.”

Umiwas si Nicole sa kanila.           “It will take time, I’m sorry. I just can’t right now.”

Sumakay na si Nicole sa kotse ni Kayzer na nakaparada sa di kalayuan.

I thought today will be the start ng pagkakaayos nina Tin at Tanya, nilang magkapatid. Pero tila lumabo na naman, nadagdagan na naman ang mga kasalanan nya kay Tin.

Gusto ko din sanang magalit kay Tanya, pero wala nang magandang maidudulot pa yun ngayon. Nangyari na eh. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Ang pwedeng na lang gawin ngayon ay subukan naming itama ang kasalukuyan.

Kinuha ko ang celfone ko mula sa bulsa ko at sinubukang tawagan si Yam ngunit hindi nya sinasagot.

“She’s with Stan I guess. Sabi ni Nicole, hinarang daw ni Stan yung kotse ni Tin kanina at sumakay din doon.”                       sabi ni Kayzer.                            “She needs you right now. Ikaw dapat ang kasama nya.”

Sumakay kaagad ako sa kotse ko at pinasibad ito. Sinusubukan ko ding tawagan si Stan pero katulad ni Yam hindi din nya sinasagot. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho nagbabakasakaling makikita ko sya along the way. Dumaan din ako sa bahay ni Reesh pero hindi din daw nagpunta doon si Yam. Pati sina bugoy sinabihan ko na tawagan kaagad ako sakaling kontakin sila nito. Lumipas ang maghapon na hindi ko sya nahahanap. Ipinasya kong magpunta na lamang sa bahay nila, marahil ay umuwi na yun. At hindi naman ako nagkamali, pagkapasok ng kotse ko sa gate ng bahay, pababa naman sya sa kotse nyang minamaneho ni Stan. Napatingin sa direksyon ko si bugoy kaya napalingon din si Yam. Kaagad syang pumasok sa bahay nang tangkain kong lapitan sya. Hinabol ko sya pero pinigilan ako ni bugoy.

“Bitawan mo ako.”          utos ko kay Stan.

“Wag ngayon bugoy, sobrang sakit pa para sa kanya.”                     sagot nya.

“Ang sabi ko, bitawan mo.”         inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko at nagpatuloy nang pumasok sa bahay nila.

Sinalubong si Yam ni Tita Kathy.                                 “Baby..”

Humalik lamang sya sa pisngi nito at walang imik na tinungo ang hagdanan.

“Zac, what’s the matter? Nagaway ba kayo?”

“Tita, excuse lang po.”

Kaagad na akong sumunod kay Tin na nasa kalagitnaan na ng hagdanan.

“Yam, I can explain.”

Hindi nya ako pinakinggan at nagpatuloy lamang sa paghakbang.

“Yam, please...”                                pagsusumamo ko.           “Let me explain.”

This time napansin ko na parang mas bumigat ang bawat hakbang nya.

“TIN!”                   hindi sinasadyang napataas ang tono ko nang banggitin ko ang pangalan nya.

Huminto sya ilang hakbang mula sa tuktok ng hagdanan.

“So, Tin na lang ngayon?”             She softly asked, soft enough for me to hear. Nakatalikod sya sa akin pero base sa galaw ng mga braso nya, pinupunasan nya ang mga luha nya.                        “Okay....”

“Explain.”            dagdag pa nya.

Tila naputulan ako ng dila nang humarap sya akin. She have tear traces all over her cheeks, namumugto ang mga mata at maging ang paghinga nya ay mabigat na din dahil sa sobrang pagiyak. Tiningnan nya ako sa mga mata, wala akong nagawa kung hindi umiwas ng tingin. Hindi matatawarang sakit ang nakita ko sa mga mata nya. Naroroon ang pinaghalong lungkot at galit, hinanakit at maging pagkabigo. Nanghina ako, lahat ng gusto kong sabihin at ipaliwanag nawala sa isipan ko. Naging blangko ang pagiisip ko. Napabalik lang ako sa realidad nang sumigaw sya.

“EXPLAIN!”

KRISTEN’S POV

What would you do if you saw your boyfriend and his ex girlfriend engaged in a romantic situation like hugging on the side street after getting off a car?

Yung boyfriend mo na bigla na lamang na nawala sa tabi mo, hindi mo alam kung nasaan sya, kung anong ginagawa nya at kung naiisip ka pa ba nya dahil sa loob ng ilang araw na pagkawala nya, ni isang tawag o text wala kang natanggap mula sa kanya.

Yung ex girlfriend ng boyfriend mo na itinuring mo din noon na kaibigan, pinahalagahan mo, at tinulungan mong matanggap ng mga tao na nakapaligid sa inyo, pero sumira sa mga pangarap mo.

Anong gagawin mo kapag nakita mo ang sarili mong ama sa bahay ng dati nyang kasintahan at tinawag na daddy ng anak nito? At ang anak na yun ay ang ex girlfriend din ng boyfriend mo.

Ako, hindi ko alam. Naramdaman ko na lamang ang panlalamig ng buong katawan ko. Naestatwa na lamang ako sa kinatatayuan ko. Tanging boses na lamang ni Kayzer ang tila gumising sa akin, hanggang sa mabuwal na lamang ako. Hinang hina ako pero pinilit magpakatatag, ginamit ko ang natitira kong lakas para makaalis sa lugar na yun. Pinaharurot ko ang sasakyan ngunit hindi pa man ako nakakalayo, hinarang ang sasakyan ko ni Stan.

Ni hindi ko naitindihan ang sinabi nya, namalayan ko na lamang na nakaupo na ako sa passenger seat at sya na ang may hawak ng steering wheel.

Without a word, nagdrive lang sya. HInahayaan nya siguro akong magisip at naghihintay lamang sya na sabihin ko kung saan ko gustong magpunta. Pero saan nga ba ako pupunta? Binuksan ko ang compartment sa harap ng kinauupuan ko, nakita kong muli ang envelope na naglalaman ng mga photos nina daddy at Annie. That’s when I realized I needed answers.

“Stan, can you take to me Rainforest International, sa office ni Daddy?”

Kaagad kaming nakarating sa building. Umakyat kaagad ako sa excecutive floor at pumasok sa office ni Daddy. Hinanap ko ang kahon na iniwan ni Annie sa at tiningnan ang mga iba pang laman nito.

Isang baby book ang nakaagaw ng pansin ko, it says ‘Thalia Anjalene Yang’ on the cover. It was filled with baby photos alright but the last photo caught my attention. It was my dad carrying the baby habang si Annie ay nakayakap sa waist ni Daddy. and it has the caption ‘Daddy Marcus, Mommy Annie and Baby Thalia; Our 1st Family Portrait.’

I scanned through the other albums na lalo lamang nagpatindi sa sakit na nararamdaman ko. Ang saya nila, sobra. Birthdays, Christmas, summer, graduation, parang walang importanteng araw na namiss si daddy, lagi silang magkakasama. Nagbalik sa alaala ko ang ilang birthdays ko na kami lang ni mommy ang nagcecelebrate, ang mga noche buenang kami lamang magkasalo, ang mga family days at school events na si mommy lamang ang dumadalo. Kaya pala.

“Princess.”          syang pagpasok ni daddy sa opisina. Dumako ang paningin nya sa mga albums na nakakalat sa office table nya.

“How could you do this to us? How dare you cheat on mom?”

“Princess, mali ang iniisip mo. Hindi ko niloko ang mommy mo.”

“You’re right dad, hindi mo niloko si mom, dahil hanggang ngayon niloloko mo pa din sya. You’re still having an affair with Annie, your ex girlfriend turned mistress at nagbunga pa ang panloloko nyo, si Anja.”

“You’re getting all these wrong Kristen. Listen to me princess, please.”

“Tama na po daddy, sapat na po ang nakita ko kanina at mga bagay na ‘to. Malinaw na po sa akin kung sino sina Annie at Anja sa buhay nyo. Kaya pala po kahit ilang beses akong sinaktan ni Anja, hindi nyo ako naiipagtanggol kasi sya ang itinuturing nyong anak. Sana po sinabi nyo kaagad sa amin ni Mommy para nailugar namin ang mga sarili namin. Mahal po kasi namin kayo eh, lalo na ni Mommy.”

Lumabas na ako ng opisina at nagmamadaling sumakay sa elevator. Dumiretso kaagad ako sa kotse. Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin ni Stan.

“Kapag ba itinanong ko sa’yo kung ano ang nangyari, mas masasaktan ka?”          saglit syang sumulyap sa akin.

Isang marahang tango ang isinagot ko sa kanya.

“Alright. I won’t ask anymore.”                  binigyan nya ako ng isang ngiti.

Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa steering wheel.                  “Thank you.”

Nagpahatid na ako sa kanya sa bahay. Inihinto nya ang sasakyan sa harap ng gate pagkatapos ay humarap sa akin. Bigla nya akong niyakap.

“Heto ang balikat ko, umiyak ka hanggang gusto mo. Hindi mo kailangan magkwento, hindi din ako magtatanong. Basta umiyak ka lang. Iiyak mo lang lahat yan.”

Nagunahan nang tumulo ang mga luha ko. Lahat ng pinigilan ko kanina, bumuhos na ngayon.

“Ang sakit Stan, ang sakit sakit.”                                paulit ulit kong daing sa kanya. Parang mapupunit ko na nga ang suot nyang damit sa higpit ng hawak ko.

“Sige lang, ilabas mo lang. Nandito lang ako.”

Makalipas ang ilang minuto, noong medyo kalmado na ako, ipinasok nya na ang kotse sa loob ng gate. Bago pa man nya ako pagbuksan ng pinto ng kotse ay bumaba na ako kaagad. Gusto ko na kasing tumakbo at magkulong sa loob ng kwarto ko. Baka nandito na sa bahay si Mommy at makita ako na namumugto ang mga mata. SIguradong magtatanong sya at hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang mga nalaman ko. Hindi ko kayang saktan si Mommy, hindi ko din kayang lokohin sya.

Pumasok kaagad ako sa bahay nang makita ko ang kadarating lamang na si Zac. Para namang ayaw ko nang tumuloy nang salubungin ako ni Mommy, pero sinikap kong lakasan ang loob ko. Humalik na lamang ako sa kanyang pisngi at umakyat na sa hagdanan. Nagmamadali ako dahil ayaw ko ding abutan ako ni Zac. Manloloko sya, niloko nya ako. Pinaasa. Akala ko mahal na nya ako, hindi pala. Si Anja pa din. Bakit palagi na lang si Anja? Ano bang mali sa akin?

Ilang ulit nya akong tinawag, pero nagmatigas ako. Ayaw ko syang makita, ayaw ko syang makaharap. Ni ang boses nya ayaw kong marinig. Tinawag nya ako sa pangalan ko, nakaramdam ako ng mas matinding sakit. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko binitawan nya ang puso ko.

“So, Tin na lang ngayon?”             I said.                    “Okay..... Explain.”

At hinarap ko sya. Ngunit hindi sya nagsalita. Umiwas sya ng tingin sa akin. Isa isang nagflashback sa isipan ko lahat. Yung araw na nagkita sila ni Anja paguwi nito galing Korea, ang gabing isinayaw nya ito sa prom, ang pagpapatira nya dito sa bahay nila. Lahat ng yun hindi nya ipinaalam sa akin pero hindi ako nagtanong, pinanghawakan ko ang pagmamahal na sinabi nya. Pero itong apat na araw na nawala sya at bumalik kasama si Anja, hindi ko na kayang magbulag bulagan pa. Sobra na.

“EXPLAIN!”         I can’t help but yell at him. Hindi ko na kinayang pigilan ang sakit.

Napaupo na ako sa hagdanan. Aakyat sana sya para lapitan ako pero pinigilan ko sya.

“Dyan ka lang please.. Wag kang lalapit sakin.”                   pakiusap ko.

“Yam..”

“Zac, nasaktan ako. Nasaktan mo ako, sobra. Sana sinabi mo na lang, maiitindihan ko naman eh. Kahit masakit, susubukan kong tanggapin. Hindi yung ganito. Para mo na din akong sinaksak sa likod eh. Hiningi mo ang buong tiwala ko pero itinapon mo lang. Bakit Zac? Kulang ba? Nagkulang ba ako sa pagmamahal sa’yo? Ano bang ibinigay nya sa’yo na hindi ko kaya? Sana sinubukan mong hingin sa akin, baka nagawan ko ng paraan. Hindi yung iiwan mo lang ako at sa pagbabalik mo, ipinamukha mo na lang sa akin na hindi na ako.”

Lumabo na ang paningin ko sa kakaiyak. The next thing I knew, I was already in his arms. Mahigpit ang yakap nya sa akin while he’s planting soft kisses on my head, saying his sorrys in between those kisses.

Nagising ako in the middle of the night. I was already lying on my bed. I roamed my eyes around the room and found Zac sleeping on the couch. I should hate him, but I can’t. Nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa bugoy na ‘to. Pinigilan ko ang sarili ko na haplusin ang mukha nya. Lumabas ako ng kwarto at nagpasyang magpahangin sa lanai.

“Baby...”              nagtayuan ang mga buhok ko sa batok nang marinig ko ang boses ni Mommy.

“Mom..  I... I should get inside. Good night.”       iwas ko sa kanya.

“No baby, we should talk. I can’t let this night end without making you understand.”

“Understand what?”

Niyaya nya akong maupo. Ilang beses syang bumuntong hininga bago muling nagsalita.

“Your dad told me... you knew about him and Annie.”

“Mom, i’m sorry. I was planning to tell you pero hindi ko alam kung papaano.”

“Hush. Listen to me. Your dad never had an affair with Annie. Kung meron mang nang-agaw, ako yun anak.”

“What do you mean?”

“I fell in love with your dad since the 1st time I laid my eyes on him. We’re on the same society group sa university which they call ‘Elites’, puro mga tagapagmana ng malalaking negosyo ang nagiging parte nito.

Naging sobrang malapit ng loob namin sa isa’t isa, we have lots in common. Pero unti unting nabawasan yun nang makilala nya si Annie who came from the middle class. She’s just some typical, simple girl. Hindi ko nga maintindihan kung bakit gustong gusto sya ng daddy mo, hindi naman din sya ganun katalino.

Kinaibigan ko sya kasi naniniwala ako noon that I should keep my enemies closer. Halos maging clone na nga nya ako noon kasi ultimong pananalita at pananamit nya inaral at ginaya ko. Nagbakasakali akong magugustuhan din ako ng daddy mo pero hindi eh, sya pa din talaga.

Nawawalan na ako ng pag-asa, until one night nalasing ang daddy mo sa isang party ng kapwa miyembro namin na Elite. Ako ang kasama nya at hindi sinasadyang may nangyari sa amin. Nagkasundo kami na ibaon na lamang sa limot ang namagitan saming dalawa. Besides, si Annie talaga ang mahal nya.

Makalipas ang ilang buwan, nalaman kong nabuntis ako ng daddy mo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, takot na takot akong malaman yun ng lolo mo, papatayin nya ako kapag nalaman nyang isang disgrasyada ang nag-iisang anak nyang babae.

Hinanap ko ang daddy mo para ipaalam ko sa kanya ang kondisyon ko, pero si Annie ang natagpuan ko. Umiiyak sa isang tagong parte ng university. Tinanong ko sya kung bakit, nabuntis daw sya ng daddy mo at hindi nya alam kung papaano nya ito sasabihin kay Marcus at sa mga magulang nya. Kinumbinsi ko syang ilihim muna nya ang kondisyon nya.

Lumapit ako sa lolo mo at sinabi kong nabuntis ako ni Marcus, at tulad ng inaasahan ko hindi pumayag ang lolo mo na hindi ako panagutan ng daddy mo. Maimpluwensya ang pamilya namin kaya mismong mga magulang ng daddy mo ang nag-ayos ng kasal namin.

Nabalitaan na lang namin na nagdrop-out sa university si Annie. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob  na sabihin sa daddy mo ang pagbubuntis ni Annie dahil natatakot akong hiwalayan nya ako. Until that day na ipinanganak kita, the same day na ipinanganak nya si Thalia on the same hospital. Galit na galit sa akin ang daddy mo when he found out and he told me that he’ll only be staying beside me because of you.

But they never had an affair after that. Hindi man ako minahal ng daddy mo like the way he loved Annie, naging matapat naman sya sa akin. Hindi nya ako kailanman niloko. Nagkaroon na ng sariling pamilya nya si Annie at tanging dahil lamang kay Thalia kaya meron pa rin silang koneksyon ng daddy mo. Mahal ng daddy mo ang pamilya natin anak, yun ang dapat na paniwalaan mo.”

Continue Reading

You'll Also Like

78.2K 3.6K 58
[Highest Rank Achieve in Tags] (No. 1 in CLANS) >>SEASON 1> I dedicate this story to the real RDRC members. Thanks for letting me use your clan name.
157K 1.3K 6
[COMPLETE] Pano kung si Miss Computer Freak ay mag-clash sila ng landas ni Mister gangster?? ano kaya ang manaig sa kanila?? Is it War? Is it Love? E...
18.1K 956 29
Amber, Zianna, Kelly and Alyanna been known as the Meanest Queen's in their former school, The Moran International High. While Drex, Nathan, Grey and...
910K 27K 101
Dalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gus...