ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

Galing kay iirxsh

120K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... Higit pa

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 16

1.4K 22 0
Galing kay iirxsh

Kabanata 16

KASALUKUYANG nakaupo si Kelly sa kanyang kama habang siya ay nag-aayos nang dadalhin niyang gamit para bukas. Nang sabihin kasi ni Adam na mag-ayos siya ng gamit, ay balak pala siya nitong dalhin sa Manila.

*Flashback*

"Saan?" Naguguluhan pa rin si Kelly.

"Manila." Simpleng sagot ni Adam. Habang nakayakap pa rin siya kay Kelly. "You're coming with me to Manila."

"Hindi ako papayagan..." Nakakunot noo na tugon ni Kelly. Ang maisip pa lang niya ang ideyang iyon, ay imposible na. Iyon pa kayang talagang sabihin niya sa kanyang magulang. "Tsaka may trabaho ako."

Humiwalay mula sa pagkakayakap si Adam at nginitian nito si Kelly nang magkaharap sila dahilan para magtama ang kanilang mata. "It's settled. Your parents agree... and in your job." Tumigil ito sandali. "I already talked to your boss."

*End of Flashback*

Kaya naman binilisan ni Kelly na mag-ayos ng gamit na dadalhin niya para bukas. Upang maaga siyang makapagpahinga dahil panigurado na maaga silang aalis bukas. Silang dalawa ni Adam.

Hindi man lang nakasagot si Kelly nang sabihin iyon ni Adam sa kanya. Parang ang dali naman kasi para kay Adam na maayos ang ganoong bagay. Hindi maiwasang maisip ni Kelly. Kung sa parte ni Mr. Tolentino, nakakagulat talaga. Ang bilis nitong nakuha ang loob ng kanyang ama. Parang kailan lang kasi, halos hindi sila mapagtabi. Pero kung mag-usap ngayon, parang isang tropa. Sa parte naman ng boss ni Kelly, hindi na siya magugulat kung kilala nito si Adam, kaya siguro naging madali sa kanya na napapayag ang boss ni Kelly.

Hindi man iyon nabanggit sa kanya ni Adam. Alam niyang siya ay kilalang tao at may mataas na posisyon sa larangan ng negosyo.

MAAGANG nagising si Kelly. Naunahan pa niya ang kanyang alarm clock. Nakakagulat iyon dahil kung noon halos isumpa niya ang tunog ng alarm clock dulot na rin ng kakulangan niya sa tulog. Pero ngayon... hindi naman ito excited 'no? O maayos lang talaga ang kanyang naging tulog? Kaya naman maganda ang kanyang gising.

Mabilis na nag-ayos ng sarili si Kelly sa kadahilanan na ayaw niyang paghintayin si Adam. Tinignan niyang muli ang mga gamit niya baka sakali kasi na may nakalimutan pa siya. Ilang araw lang naman sila doon tulad nang sabi ni Adam sa kanya. Iyon nga lang hindi niya alam ang dahilan, basta na lang siyang sasama. Sumang-ayon naman ang mga magulang niya, kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa. Kung tutuusin naman kasi ay minsan lang iyon mangyari sa kanyang buhay.

Nang palabas na si Kelly nadatnan niyang nag-uusap si Adam at ang kanyang ama. Hindi na iyon bago sa kanya dahil simula nang magkaayos ang dalawa, palagi na silang nag-uusap. Para ngang bumaliktad, dahil noon ang ina niya ang malapit kay Adam pero ngayon ang kanyang ama na. Minsan nga napapaisip si Kelly kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Parang lagi kasi siyang nahuhuli sa balita, wala siyang kaalam-alam sa lahat ng nangyayari. Nakikita na lang niya ang sarili na sumusunod sa agos, dahil una pa lang naman iyon na ang kanyang kagustuhan.

Napatingin si Mr. Tolentino at Adam sa kanyang gawi. Mabilis siyang nilapitan ni Adam upang tulungang buhatin ang kanyang gamit.

"Let me."

Nagpasalamat lang si Kelly kay Adam. Pagkalapit naman niya kay Mr. Tolentino, bumati siya at hinagkan niya rin ang ama sa pisngi. Nakangiti naman na tinugunan iyon ni Mr. Tolentino.

"Mag-ingat ka roon, anak." Paalala ni Mr. Tolentino kay Kelly. Ito kasi ang unang beses na lalabas siya ng Pangasinan na hindi kasama ang kanyang magulang.

Tumango naman si Kelly. "Opo, papa." Yumakap pa siya, na malugod naman iyon na ginantihan ni Mr. Tolentino.

Bago pa humiwalay si Kelly sa pagkakayakap nito kay Mr. Tolentino. Naramdaman na lang niya na may yumakap pa mula sa kanyang likod. Nang malingunan niya iyon, ang kanyang ina pala. Hindi kasi niya iyon nakita sa loob nang bumaba siya galing ng kanyang kwarto. Bumati at hinalikan din niya si Mrs. Tolentino na tulad nang ginawa niya sa kanyang ama.

Bumaling si Mr. Tolentino kay Adam. "Ingatan mo anak ko... kawawa ka sa akin kapag may nangyari riyan." Natawa na lang si Adam sa pagbabanta ni Mr. Tolentino.

Nakangiti naman na tinanguan ni Adam si Mr. Tolentino. "I'll take care of her, tito."

"We'll go ahead, tita." Paalam naman ni Adam kay Mrs. Tolentino. Nakangiti lang na tumango ang mag-asawa sa kanila.

NAGISING na lang si Kelly nang nakaramdam siya ng mahinang pagtapik sa kanyang pisngi. Unti-unti nitong minulat ang kanyang mata at mukha ni Adam ang bumungad sa kanya.

Halos hindi tuloy ito makahinga dahil sa lapit ng mukha ni Adam.

Pinilit kasi siya ni Adam na matulog kanina. Ayaw man niya dahil wala itong makakausap, pero talagang mapilit si Adam. Kaya naman pinili na lang niyang matulog kaysa ang makipagtalo kay Adam. Matagal pa naman daw kasi ang byahe.

"N-Nandito na ba tayo?"

Napangiwi na lang si Kelly. Sa isip-isip kasi niya, bakit siya nagtanong? Hindi man lang nito na-check kung maayos ba ang amoy ng kanyang hininga. Paano na lang kung hindi? Nakakahiya naman iyon kay Adam.

Nangunot ang noo ni Adam dahil sa nakitang reaksyon ni Kelly na hindi naman na nito inusisa pa kung ano iyon. "We're near," Tugon ni Adam. "What do you want to eat?" Pagtuloy ni Adam.

Nilibot ni Kelly ang kanyang paningin at doon lang niya napansin na nakahinto pala sila sa isang fast food chain. Naghihintay na sumunod sa pila.

"Ikaw ba?"

"I'll just have coffee." Mabilis na tugon ni Adam. Doon lamang nakahinga ng maluwag si Kelly dahil umayos na nang pagkakaupo si Adam.

"I'll have the same..." Saglit pa itong huminto. "Mayroon bang pancakes?"

Napangiti na lang si Adam at tumango-tango kay Kelly. "Yeah... what else?"

Umiling naman na si Kelly bilang tugon kay Adam.

NAGING mabilis ang pagpapatakbo ni Adam nang lumiwanag na ang daan. Hindi man lang namalayan ni Kelly na nasa tapat na sila ng mansyon nila Adam.

Bumaba si Adam para pagbuksan si Kelly ng pinto. "Let's go! Mom and dad are waiting."

"What?! Nandiyan sa loob ang parents mo?" Hindi maitatago sa mukha ni Kelly ang kaba, ilang beses pa itong napalunok.

Kumunot naman ang noo ni Adam, nagtataka sa naging reaksyon ni Kelly. "Yeah, we live here."

"Hindi mo naman sinabi... uwi na ako!" Tarantang sabi ni Kelly.

Mabilis naman na nahawakan siya ni Adam nang akmang babalik sa loob ng sasakyan. "I'll introduce you to them."

"N-Nahihiya ako." Parang bata namang sabi ni Kelly. Hindi naman kasi sinabi sa kanya ni Adam na ito pala ang pupuntahan nila sa Manila. Anong malay niya, 'di ba? Hindi naman na kasi siya nagtanong, at ang malala kasi hindi man lang sinabi ng magulang nito sa kanya.

Hindi tuloy mapigilan ni Adam ang sarili at natawa na lang. Ito ang unang beses nitong makita na ganoon si Kelly. "Don't worry..." Pagpapagaan pa ni Adam sa loob ni Kelly. "You're with me."

Nang makapasok silang dalawa sa loob. Hindi maiwasan ni Kelly ang mamangha sa nakita. Nakakapasok naman siya sa malalaking bahay, tulad na lang sa boss nito. Pero iba ang bahay nila Adam... isang mansyon.

Tulad kung paano nito unang nakita si Adam, ganoon din ang level noon.

Mas nadagdagan tuloy ang hiya ni Kelly. Kung hindi lang kasi siya hawak nang mahigpit ni Adam, kanina pa siya umalis. Kahit pa hindi nito alam ang daan pabalik ng Pangasinan.

"Son!"

Sabay silang dalawa na napatingin sa isang tao na nagsalita mula sa ikalawang palapag ng mansyon. Hindi pa man gaanong malapit iyon sa kanila pero nakasisiguro si Kelly na iyon ang ina ni Adam. Unti-unting namumuo ang pawis ni Kelly, habang papalapit sa kanila si Mrs. Dela Fuente. Kahit malayo pa iyon sa kanila, kita pa rin ni Kelly kung gaano ka-seryoso ang mukha nito. Hindi mo makikita ang bakas na pwede mong mabiro man lang.

Pilit pa rin na tinatanggal ni Kelly ang kamay na hawak ni Adam, kulang na lang ay marahas niyang tanggalin iyon. Pero kinuha lang iyon na pagkakataon ni Adam para mas higpitan ang kanyang pagkakahawak.

Nakawala lang iyon mula sa pagkakahawak ni Adam, nang sinalubong ni Mrs. Dela Fuente ng yakap at halik ang anak. "Finally!" Masayang sambit ni Mrs. Dela Fuente, halatang-halata iyon sa kanyang mukha.

Nakita pa ni Kelly kung paano magtawag ng katulong si Mrs. Dela Fuente."Call your sir and inform him that Adam has arrived."

"Masusunod po, madam." Magalang na yumuko ang katulong bago iyon tumalikod.

"Mom..." Pag-agaw ni Adam ng atensyon ni Mrs. Dela Fuente. Muling nabaling naman ang tingin nito sa anak. "I'm with someone."

Nilapitan muli ni Adam si Kelly at pinagsakop pa nito ang kamay nilang dalawa. Naramdaman ni Adam na kinakabahan si Kelly, kaya naman maharan nitong hinaplos iyon. Napatingin si Kelly dahil sa ginawang iyon ni Adam, ngumiti lang si Adam na parang pinaparating kay Kelly na 'it's okay'. Ginantihan lamang iyon ng tipid na ngiti ni Kelly bago muling binaling ang tingin kay Mrs. Dela Fuente.

"G-Good morning, ma'am." Nakangiting bati ni Kelly pero nauwi lang sa ngiwi. Hindi maiwasan ni Kelly na mapalunok nang makita kung paano siya taasan ng kilay ni Mrs. Dela Fuente, at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Who is she?"

"Mom... she's the one I'm telling you." Parang pinapaalala iyon ni Adam kay Mrs. Dela Fuente.

"Son! I thought you didn't have plans on coming home." Rinig ni Kelly na sabi ng isang lalaki mula sa kanyang likod, na sigurado naman siyang iyon ang ama ni Adam. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi nagawang sagutin ni Mrs. Dela Fuente ang anak sa sinabi nito.

"Dad." Bati lang ni Adam. Tinapik lang naman ni Mr. Dela Fuente ang balikat ni Adam, at lumapit na sa tabi ng kanyang asawa.

Bumati rin si Kelly tulad nang ginawa nito kay Mrs. Dela Fuente. Hindi naman siya pinalaking bastos. Kahit na hindi siya gusto ng tao, dapat magbigay pa rin siya ng respeto.

"Morning." Tipid na tugon ni Mr. Dela Fuente.

Nalipat naman ang tingin ni Mr. Dela Fuente kay Adam, at litaw ang pagtatanong sa kanyang itsura. "Who is she?"

"Dad... the one I have been telling you about the last time I went home." Hindi naman na nagdalawang-isip pa na paliwanag ni Adam. Nakita ni Kelly kung paano parang inaalala ni Mr. Dela Fuente kung kailan iyon sinabi ni Adam. Muli sanang magsasalita si Mr. Dela Fuente kaso nauhanan ito ng kanyang asawa.

"Is she the woman behind the reason why you cried?" Pagsusungit ni Mrs. Dela Fuente. "Then why is she with you?"

Hindi na nagulat si Adam kung nakarating man ang nangyari sa kanila ni Kelly. Malamang kasi ay galing iyon sa pinsan nitong si Jaylyn.

Hindi tuloy maiwasan ni Kelly na tanungin ang sarili kung iyon bang nangyari sa kanila ni Adam ang posibleng dahilan kung bakit ganoon ang inaakto ni Mrs. Dela Fuente sa kanya?

Hinapit naman ni Adam si Kelly nang nararamdaman nito na humihigpit ang hawak ni Kelly sa kanya.

"Rosa!" Saway naman ni Mr. Dela Fuente sa asawa.

Napairap na lang si Mrs. Dela Fuente. "What?!" Pagtataray pa nito sa asawa, tila wala sa vocabulary nito ang pagpipigil. "I'm telling the truth!"

"Don't give me a reason to regret bringing her here." Matigas na sambit ni Adam.

Napalunok na lang si Kelly nang nararamdaman niyang may nabubuong tensyon sa pagitan ni Adam at ni Mrs. Dela Fuente. Kung alam lang sana niyang ganito ang mangyayari, hindi na lang siya sumama pa.

Pagak na tumawa si Mrs. Dela Fuente. Dahilan para mas sumama pa ang mukha ni Adam. Hindi kasi ganito ang iniisip nito na kalalabasan. Akala kasi nito matutuwa ang magulang niya, kasi iyon ang nakita niyang reaksyon nila nang banggitin lamang nito si Kelly noon sa kanila. Bago pa muling makapagsalita si Mrs. Dela Fuente, naglakas loob na si Kelly.

"I'm sorry to interrupt, ma'am." Magalang na panimula ni Kelly. "To answer your question, yes. I am the one who made him cry. But I have my personal reasons. I know if you were in my position, you wouldn't hesitate to do the same." Taas noo pa ring nakatingin si Kelly kay Mrs. Dela Fuente. "It's between your son, and my father. I love my father so much that I can't betray him. When Adam came into the equation, my father never liked that idea." Binalingan ni Kelly si Adam. Kita nito ang pagkamangha sa mukha ni Adam. "Adam will always have a special place here." Turo ni Kelly sa parte kung nasaan ang kanyang puso. "But... also, I can't lose my father that time. So, I had to choose... I set aside my happiness and chose my father. "

"Mom, dad..." Singit naman ni Adam. "Tito Ken and I were good. We already talked about it."

"I'm sorry, ma'am, sir..." Muling hingi ng tawad ni Kelly, halata sa mukha nito ang pagiging guilty. "I can leave. I know you don't like my presence here." Matapang pa nitong tuloy.

Napa-angat ang tingin ni Kelly kay Mr. Dela Fuente at Mrs. Dela Fuente nang bigla na lang silang tumawa at pumalakpak. Nakakunot noo naman si Adam na tinignan ang kanyang magulang, naguguluhan sa nangyayari.

"Mom, dad, what's happening?"

"You passed." Sagot ni Mrs. Dela Fuente, habang tumatawa pa rin.

"What do you mean?" Puno pa ring kuryosidad na sambit ni Adam.

"We're just pranking you." Si Mr. Dela Fuente naman ang sumagot.

Masamang tingin naman ang pinukol ni Adam sa magulang niya. "You have no talent at joking!" Reklamo nito.

Mabilis na nabaling naman ang tingin ni Adam kay Kelly nang nakarinig ito nang mahinang hikbi, at doon nito malinaw na nakita si Kelly na dahan-dahan na nagpupunas ng kanyang luha.

"Hey..." Marahan na sabi ni Adam. Maingat nitong inangat ang baba ni Kelly at siya na ang nagpunas ng luha nito.

"Look at what you did, mom!" Hindi maiwasang mapasigaw ni Adam. Masama pa rin ang kanyang timpla.

Lumapit naman si Mrs. Dela Fuente at ikinulong sa bisig nito si Kelly. "Hush! I'm sorry... we just did it because we wanted to know how much you love my son."

Tumango lang si Kelly, habang kulong pa rin ni Mrs. Dela Fuente sa bisig nito. "I-I understand, ma'am." Humihikbi pa rin nitong tugon.

"Tita," Pagtatama ni Mrs. Dela Fuente. "Call me Tita Rosalie."

"Call me, Tito Antonio." Dagdag naman ni Mr. Dela Fuente, na nanatili lamang sa likod ng kanyang asawa.

Hindi na nakasagot pa si Kelly dahil sumingit na muli si Adam. "Mom, that's enough!"

Hindi maitatago ang inis sa boses nito. Kaya natatawa namang humiwalay si Mrs. Dela Fuente kay Kelly.

Niyakap muli ni Adam si Kelly, at maingat na sinu-suklay nito ang buhok ni Kelly gamit ang kanyang kamay. "I'm sorry..."

"Ayos lang," Mahinang sambit ni Kelly, pero sapat na iyon para marinig ni Adam.

"Isn't it rude, Adam, that you haven't introduced her to us?" Napahiwalay naman si Kelly mula sa pagka-kayakap ni Adam, tila nakalimutan niyang hindi lang pala silang dalawa ang magkasama.

"How can I do it, mom?" Taas kilay ni Adam sa ina. "If you put your prank first!"

"We just tried it. It wasn't our idea." Depensa naman ni Mrs. Dela Fuente.

"I can't believe you've done this!" Iritado ang mukha ni Adam, hindi pa rin matanggap na ginawa iyon ng kanyang mga magulang. May ideya na siya kung sino ang pinagmulan ng prank. Wala naman ng iba, nag-iisa lang ang kanyang pinsan!

"It's fun..." Natatawa na singit ni Mr. Dela Fuente.

"It wasn't, dad!" Sigaw ni Adam. Mahina naman itong tinapik ni Kelly, dahilan kung bakit biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. "Sorry..." Hingi agad ni Adam ng tawad.

"I'm loving what I see. I've been waiting for this!" Tuwang-tuwa na wika ni Mr. Dela Fuente, hindi maitago ang ngiti sa kanyang labi.

"What's your name, hija?" Tanong ni Mr. Dela Fuente, habang ngiting-ngiti pa rin na nakatingin sa kanilang dalawa ni Adam.

"I am Kirsten Kelly, sir."

"Tito, hija."

Tumango naman si Kelly, nakuha agad nito ang gustong iparating ni Mr. Dela Fuente. "T-Tito."

Ang kaninang paninikip ng dibdib ni Kelly, dahil sa maling pag-aakala ay napalitan ng saya ang puso nito nang marinig nito na halos sabay sinabi ng mag-asawang Dela Fuente ang isang kataga na kahit sino ay panigurado na masisiyahan.

"Welcome to our family, Kelly."

Itutuloy...

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

46.3K 695 42
COMPLETED Sa unang beses na maka-encounter ni Amara ang isang lalaki, tila iba na ang naging epekto nito sa kaniya. Simula nang araw na iyon, naging...
3.2K 201 33
I once had a happy family As time goes by my father pressure me My mother died I made a mistake My boyfriend left me I let someone i knew entered my...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...