Everything Has Changed

By _DOKyungSooBias

255K 12.3K 3.7K

Bangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince" More

Everything Has Changed
First Changed
Second Changed
Third Changed
Fourth Changed
Fifth Changed
Sixth Changed
Seventh Changed
Eight Changed
Ninth Changed
~RANT~
Eleventh Changed
Twelfth Changed
Thirteenth Changed
Fourteenth Changed
Fifthteenth Changed
Sixteenth Changed
Seventeenth Changed
Eighteenth Changed
Nineteenth Changed
Twentieth Changed
Twenty-first Changed
Twenty-Second Changed
Twenty-Third Changed
Twenty-Fourth Changed
Twenty-Fifth Changed
Twenty- Sixth Changed
Twenty-Seventh Changed
Twenty-Eight Changed
Twenty-Ninth Changed
Thirtieth Changed
Thirty-First Changed
Thirty-Second Changed
Thirty-Third Changed
Thirty-Fourth Changed
Thirty-Fifth Changed
Thirty-Sixth Changed
Thirty-Seventh Changed
Thirty-Eight Changed
Thirty-Ninth Changed
Forthieth Changed
Forty-First Changed
Forty-First Changed
Forty-Second Changed
Forty-Third Changed
Forty-Fourth Changed
Forty-Fifth Changed
Last Changed
Epilouge
Note ♥♥♥
At Min's Residence
T^T
Daphne Samantha Min
Deniel Stephan Min
Tae Joon Min

Tenth Changed

5.3K 255 74
By _DOKyungSooBias

Tenth Changed

Isang buwan na rin ang lumipas simula noong mangyari yung bagay na yun. Nagulat ako sa mga nangyari. Halata naman na may pagkabasag-ulo ang barkada nila Jungkook pero hindi ko inaaasahan na masasaksihan ko pa talaga. Isa ko pang ikinagulat ay yung pagsasalita ni Stephen noon, akala ko yun na ang simula ng pagsasalita nya ng madalas pero hindi pa rin pala. Bumalik sya sa dati matapos yon, hindi kami sumunod kila Raven noon. Inuwi nya ako at bonggang sermon ang inabot naming dalawa kay Nanay. Kesyo ganto, kesyo ganyan. Si Mam Saira nga hindi nagalit eh pero yung Nanay ko naactivate na naman yung armalite.

"Hi Dana!" bati sa akin ni Jimin pagkapasok nya. Nginitian ko naman sya at ginulo pa nya yung buhok ko. Simula din ng mangyari yung bugbugan portion na yon ay naging malapit kami nila Jimin. Palagi nila akong binabati at nginingitian. Sabi ko noon ayokong papasukin sila sa mundo ko dahil alam kong guguluhin lang nila ito pero wala, nakapasok pa rin sila.

"Morning" bati ko rin. Inilapag nya yung bag nya sa may upuan nya tapos bumalik sa tabi ko.

"Di ka pa pupunta dun?" tanong nya. Ako na lang kasi yung nandito sa loob ng room namin. Inatasan kasi yung section namin na ayusin yung auditorium para sa isang event na magaganap. Nauna na yung mga kaklase ko. May hindi kasi ako nagawa kahapon kaya ipinagpatuloy ko ngayon, si Cherry nga kanina kinukulit ako na pumunta na pero nagpa-iwan pa rin ako.

"Susunod na ako, tatapusin ko lang to" sagot ko sa kanya sabay pakita nung notebook ko. Tumango naman sya at nagpaalam na kaya tinuloy ko naman yung pagsusulat.

Malapit na akong matapos ng marinig kong kalabog kaaunod nun ang isang mura kaya napalingon ako sa may pinto ng room. May nakita akong kamay na nakahawak doon. Kumunot ang noo ko, mula sa kinauupuan ko ay sinilip ko kung sino yun kasi alangan namang multo, Hello ang aga pa kaya?? Nung hindi ko makita kung sino tumayo ako at lumapit sa may pinto.

Nakita ko si Jimuel na sapo-sapo yung noo nya at nakahawak dun sa may pintuan para hindi sya tuluyang matumba.

"Anongg ginagawa mo dyan?" napabitaw sya sa pagkakahawak sa pinto dahil sa sinabi ko. Plakda tuloy sya una baba este una mukha.

"Aissh Dana you scared me!" sigaw nya sa akin. Inilahad ko yung kamay ko sa harapan nya para tulungan syang tumayo. Nitong mga nakaraang araw napapadalas ang pagpansin sa akin ni Jimuel na dati hindi naman nya ginagawa. Matapos yung eksenang yun para palagi syang nakasunod sa akin. Ewan ko kung totoo o baka feeling ko lang, sino ba naman ako para bantayan nya?

Hinawakan nya yung kamay ko at hinatak ko sya pero nadulas yung isang kamay nya na nakasuporta  kaya ako yung nahatak nya.

Pag-angat ko ng tingin ay sobrang lapit ng mukha namin sa isa't- isa to the point na naaamoy ko yung hininga nya. Napatitig ako sa mga mata nya, para wala na yung lungkot na nakita ko noon.

"Satisfied?" natauhan ako nung magsalita sya. Matagal na pala akong nakatitig sa kanya. Narealize ko rin yung position namin kaya dali-dali akong tumayo.

"Sorry" sabi ko tapos tumungo. Nakakahiya! Shemms >_

Nakita kong tumayo din sya at pinagpagan yung pantalon nya.

"It's okay as long as you don't get hurt" sabi nya pero hindi ko narinig yung huli kasi humina. Ang narinig ko lang eh It's Okay. Tumango ako.

Hinawakan nya yung kamay ko kaya nagulat ako. Nagsimula syang maglakad kaya napasunod ako.

"C'mon they're waiting at the auditorium"

Tahimik lang kami habang naglalakad papuntang Auditorium. Nagpapasalamat din ako dahil walang tao sa mga hallway dahil lahat sila ay may klase. Baka naranasan ko na naman yung mapanghusgang tingin nila dahil hila-hila na naman ako ni Jimuel.

Pagdating namin sa auditorium ay nagsisimula na sila. Binitawan ni Jimuel yung kamay ko kaya nagpaalam akong pupunta kila Cherry na kasalukuyang nagbibilang ng mga pintura.

"Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanila. Nagulat naman sila sa presensya ko pero agad din silang natawa. Tinuro sa akin ni Cherry yung isang malaking pinagdugtong-dugtog na cartolina na sinusuportahan ng malaking plyboard at may drawing ng kagubatan? Hindi ako sure eh. Binigyan nila ako ng ilang kulay ng pintura at lumapit ako dun. Bale eto ata yung magiging background para sa event na magaganap.

Paglapit ko ay doon ko napagtanto na kagubatan nga yung nakadrawing. Tinignan ko yung mga pinturang dala ako at yung pipinturahan ko. Nung manalayze ko na ay agad kong pinaghalo yung dalawang kulay ng pintura para makuha yung isang certain na kulay na babagay dun sa magiging background.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagpipintura dito. Medyo kalahati na rin yung natatapos namin since sinamahan ako ni Alex at Jimin na magpintura kaya napabilis. Buti na lang pala nagpalit ako ng T-shir kanina kundi katakot-takot na sermon yung makukuha ko kay nanay kung naglagyan ng pintura yung blouse ko.

Busy ako sa paghahalo ng pintura ng maramdaman ko may tumabi sa akin para pinturahan yung natitirang space na wala pang pintura. Hindi ko sya pinansin kasi baka bumalik na si Jimin o Alex, kakain daw muna sila.

Pagkaharap ko ay nagulat ako ng makita kong hindi si Jimin o Alex yung nagpipintura kundi si Stephen. Hindi sya tumingin sa akin kaya nagsimula na rin akong magpintura.

Inuna ko yung taas na parte habang nasa gitna naman sya. Isinawsaw ko yung paint brush ko tapos nagpintura ulit, hindi ko napansin na may tumulo pa lang pintura sa kamay nya.

Napahinto sya sa pagpipintura kaya napahinto din ako,dun ko nakita yung pintura sa kamay nya. Dali-dali kong ibinaba yung lagayan ng pintura na hawak ko at naghanap ng pwedeng pamunas. Nagtanong ako kung may tissue silang dala pero nasa bag daw nila. Pagtingin ko dun sa isa naming kaklase ay nakita ko yung panyo nya, napakapa naman ako sa bulsa ng palda ko at nandoon yun panyo ko.

Inilabas ko iyon at bumalik sa kanya. Kinuha ko yung kamay nyang may pintura at pinunasan iyon. Para naman akong nakuryente nung hawakan ng isang kamay nya yung kamay ko kaya na napatigil ako sa pagpunas sa kamay nya at napatingin sa kanya. Walang expression ang mukha nya pero parang may gusto syang sabihin.

"Ayiiee" napabitaw naman ako sa pagakahawak kanya ng marinig ko yung pang-asar ng mga.kaklase namin.

"Ikaw na magpunas at sorry" sabi ko tsaka kinuha yung lagayan ng pintura at nagsimulang magpintura ulit.

Nagulat ako nung lagyan nya ng ibang kulay yunh parte na pinipinturahan ko. Tumingin ako kanya at

That's what you get because you let the paint dripped on my hand.

Nakataas yung skecthpad nya at nakasulat iyan.

"Hindi ko naman sinasadya ha!" depensa ko pero binelatan nya lang ako tapos nagpintura ulit. Nainis naman ako sa ginawa nya kasi napapagod na ako tapos ginulo pa nya. Nilagyan ko ko din ng ibang kulay yung pinipinturahan nya tapos napatingin sya sa akin. Binelatan ko din sya.

"Quits" sabi ko pero nilagayan nya ng pintura yung mukha ko.

Nanlaki yung nga mata ko sa ginawa nya kaya gumanti din ako. Nilagyan ko sya sa ilong, gumanti ulit sya sa kabilang pisngi ko naman yung nilgyan nya. Syempre hindi ako nagpatalo nilagyan ko yung pisngi nya. Lalagyan nya sana ulit yung pisngi ko ng sumigaw si Minah.

"Hoy marami pa tayong pipinturahan wag nyong aksayahin yan!!" napatingin ako kaya Stephen. Ako lang ba o tumatawa sya?

-----------------------------------

Updated!!

First, I want to thank you guys cause this story already reached 1.9 K reads Yayy.. Thank You Guys!!

 

I'll try to update regularly so that I can finish this and Start with Sent From Heaven (EXO's Sehun) and Bangtan Series Second story which is Jungkook's due to someone's request~~~

 

Guess what will be Jungkook's Story title and you will be his partner XD

 

N _ _ _ A

 

Guess ~~~

It was so easy..

 

P.S: The author can't contain her Feels beacuse of EXO's Cameback especially their New MV.

#CallMeBaby

#EXODUS

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
10.9K 778 39
[ RADIO DRAMA ADAPTATION IN KUMU ] Promises are never for certain. Katulad nga ng kasabihan, don't make promises you can't keep. Because in the end...
1.7M 72.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...