Dear Diary 2

Por NylerMimzy13

253 1 0

Lance Nathan's Diary Más

Prologue
ENTRY 1
ENTRY 2
ENTRY 3
ENTRY 4
ENTRY 5
ENTRY 6
ENTRY 7
ENTRY 8
ENTRY 8.1
ENTRY 8.2
ENTRY 10
ENTRY 11
ENTRY 12
ENTRY 13
ENTRY 13.1
ENTRY 13.2
ENTRY 13.3
ENTRY 14
ENTRY 15
ENTRY 16
ENTRY 16.1
ENTRY 16.2
ENTRY 17
ENTRY 18
ENTRY 19
ENTRY 20: LAST ENTRY
Bonus Trivias
Special Chapter

ENTRY 9

9 0 0
Por NylerMimzy13


3rd Person's POV




Flashback





Naglalaro ang isang batang babae sa harap ng fountain habang ang Mama nya ay may kausap.





Inaabot ng  bata ang tubig habang humahagikhik at aliw na aliw.





"Dona anak, tama na yan magpapacheck up pa tayo ng mata mo." Sabi ng ginang kaya napapout ang bata at tumalon mula sa kinauupuan nya.





Agad nyang inabot ang kamay ng mama nya. Ngumiti sya ng pilit nang tignan sya ng Mama nya.





"Ma, "  hinawakan nya ang laylayan ng damit ng ginang kaya napatigil sya.





"Bakit anak? Masama ba ang pakiramdam mo?" May pag-alala sa boses nito. Hinawakan nya ang noo nito pero normal naman ang body tempreture ng anak nya.





"Eh Ma. .nawewewe ako ang sakit na. .asan na ba ang cr Ma?" Namimilipit na pala ito sa sakit.





Wala pang isang minuto narating na nila ang cr ng  Tan's World.





May batang lalaki nakakunot ang noo na nakatingin sa batang babae pero kahit ganun ang pinakita ng batang lalaki ngumiti lang ito nang lumagpas sya papunta sa girl's cr.





Nagmamadali syang pumasok sa cr at nagpakawala ng sama ng loob este ang tawag ng kalikasan nya.






Paglabas nya may mga babaeng nagreretouch kaya nawili sya kakatingin. Parang gusto nyang gumamit ng mga pangkolorete sa mukha pero sabi ng Mama nya di pa daw pwede yun pag malaki na sya dun palang sya papayagan.





"Hi little girl ," Masayang bati ng babae. "  ang cute naman ng ribbon mo." Dagdag nya at kinurot ang pisngi ng bata.





Namangha ang batang babae sa ganda ng babae. Natulala lang sya.





"Mom! Faster I want to see tita Caroline. See's waiting na already. We're so late." Pag aalburuto ng bata na nakita nya sa labas.





"Okay baby. Why so highblood?  Let me finish this first okay." Tumingin ulit ang magandang babae sa salamin at pinantay ang blush on nya.





"Hi!" Masiglang bati  ng batang babae. Pero kumunot lang ang kilay ng batang lalaki.





Nilagpasan nya ito at hinala palabas ang Mommy nya. Walang magawa ang ginang kung hindi magpadala sa anak nito.






Nakaalis na ang mag-ina at naiwan ang bata na tumitingin sa salamin at inayos ang headband nya.  For a 6 year old, she is small pero nadala naman sa cuteness. Inayos nya rin ang eyeglasses nya na nakatabingi.




"Pretty ko talaga." Sabi  nya at ngumiti na nakapeace sign. Kakapose nya may napansin syang  pulang book.





"Dona, bilis na late na tayo." Nagmamadali ang bata para lumabas habang dala ang libro.





——





Nakaupo na ang bata para icheck ang mata nya.





"Hi kulit, nagkita na naman tayo. Naku nahawa na ako sa anak ko." Sabi ni Doc Tan. Matagal na siladng  suki ng Doktora. Minsan pa nga may binibigay sya sa batang babae na chuckie dahil favorite nya iyon at may stock na rin sya nito dahil nagustuhan na rin ng mga anak nya.





"Naku yong sungit na talaga yun ang daldal." Napapout ito at napaayos ng upo. After ng check up lumabas na si Dona at  nakita nya si Ezekiel, sungit. . . pero medyo na lang kasi pinapansin na sya nito.





"Ito oh," inabot nya ang chuckie na nasa kaliwa nyang kamay habang ang isa iniinom nya." Kulit sama ka sa amin bukas manonood kami ng sea lion." May pag aasam sa mukha ng batang si Ezekiel.





Tumingin si Dona sa Mama nya para humingi ng permiso. Walang nagawa si Dona dahil hindi ito payag hanggang makauwi wala silang kibuan ng Mama nya.





——





Bahay





"Anak kumain na tayo." Aya ng Mama nya. Pero ayaw nya at nagkulong sa kwarto.





"Tsk kainis talaga si Mama sayang naman yong sea lion. Hay." Nakahilata na sya sa kama ng may naramdaman syang may bumubukol.






"Uy yong book. Teka siguro pagmamay-ari ito ng magandang babae." Dahil sa curious sya kung ano ang laman noon binuksan nya ito at binasa.





May 1, 20**

Naiwan kami ni Lance sa bahay. Palagi na lang wala ang asawa ko.




May 2, 20**

Nalimutan ko na naman anniversary pala namin. Hay Lance sorry iyakin si Mommy.




May 3, 20**

Bakit marami ang bisita ngayon? May okasyon ata pero wala akong maalala kong ano hay. Salamat na lang may mga anak at asawa akong mapagmahal. Sorry din Sep wala akong magawa si Mommy nang kunin ka sa amin ng lolo at lola mo.




Marami pang entry sa libro ng magandang babae. Napag alaman nyang may short term amnesia ito kaya siguro nakalimutan nyang may pupuntahan sila ng anak nya.





"Lance  kaya ang name ng bata?" Parang pumula kasi ang mukha nya. Minsan lang syang magpacute pero tila walang interes naman sa kanya.





"Bad Lance!  Di tayo bati." Sabi nya pero ngumiti.





Nakatulog na lang sya habang yakap ang libro. Gusto nya sa susunod na magkita sila ni Lance magandahan sya dito.




——




After 3 years 





Nagdaan na naman ang araw at kung bakit ang haba ng pila sa enrollment. Bagot na bagot na si Dona kakatayo. Di na  mapinta  ang mukha nya at napapaypay na lang ng clearance nya. Nalate kasi sya ng gising kakaisip kay Lance.




"Psst! Galaw na beh maagawan ka na mamaya nyan eh." Sabi ni Marie, kaibigan nya.





"Marie I'm in crush!" Napatakip ng tenga sina Pinky at Marie.





"Weh? Kawawa naman sya. Teka sino ba yan? Ka section natin? "  sabi ni Pinky.





"Hindi ,sayang nga eh." 






"The who ba yan baka kilala ko."  Pakindat kindat pa si Marie kaya siniko sya ni Pinky.





"Hi."  Sabi ng lumagpas na lalaki. Sya si Kristian Pyro, the hearthrob na crush ni Pinky pero dahil mahiyain ito sakto lang syang magtago sa likod ng dalawang kaibigan.





Nakaalis na ito at lumabas si Pinky na tinatago ang kilig.





"Naku Pinky araw mo ata ngayon. Nice one pero ang torpe mo!"  Sabi ni Marie at napa tsk.





Bumalik na sila sa paglilinya. Kulitan lang sila minsan kaya napapagsasabihan sila.





"Uy alis muna ako reserve nyo ang pwesto ko. . .  bibili lang ako ng tubig."  Tumakbo na ito agad at di na nilingon ang mga kaibigan.





Diridiritso lang sya sa pagtakbo nang bumangga sya sa isang likod.





"Sor—"  Napatigil sya ng salita ng mabasa ang pangalan nito sa clearance. LANCE DYLAN.





"Sorry po." Nakayuko ito at iniabot ang papel.





"Tsk. Di kasi tumitingin sa daan."





Sasagot pa sana ito na sya nga ay nakatalikod pero di nya na lang  ginawa.





Umalis ito agad ng walang pasabi.






"Waaahh!! Lance teka. .teka kyaah!!! " Nagpipigil syang tumili ng malakas. Nakatatak pa rin kasi sa utak nya ang pangalan ng batang lalaki.






Binilisan nya bumili sa canteen. Pagdating nya sa linya binigay na nila ang report card nila at clearance.







"Hoy beh nasaniban ka na naman ba? Nakakain ka ng almusal?"  Tanong ni Marie.





"Uy namumula ka rin. Natatae ka siguro no? Takte Marie dalhin na natin yan sa cr baka magkalat yan dito." Natatarantang sabi ni Pinky.






"Ang OA nyo! OMG Marie, Pinky icongratulate nyo ako kyahh!!!" Nagkatinginan lang ang dalawa kay Dona.





"Nakita ko na sya!!! Nakita ko na sya!!!"  Paulit ulit pa ni Dona.





"Sino ba yang lechugas na yan at ang OA mo kakatili."  Kumuha ng chichirya si Marie sa bag nya. Umupo sila  sa may bakanteng upuan at nagshare si Dona sa nangyari kanina.






"Marie naalala mo ba yung sinabi kong bata na nakita ko malapit sa cr? Yung sabi ko na masungit pero gwapo? Tapos may magandang Mommy?" Nagd-daydream na sabi ni Dona.






"Uy englisero na sobrang sungit na pinagalitan ang Mudra nya . Yun ba beh?" Tanong ni Marie si Pinky naman kuha lang ng kuha sa Nutri Star at pasulyap- sulyap sa upuan ni Kristian.





"Tumpak Marie nadali mo rin! Nakita ko na si Lance! Bakit di ko kasi kinilala ang lahat ng estudyante sa atin." Nagmamaktol ito ngayon. Tila nalugi ang mukha nya.





"Huwaat!!  Congrats beh! Destiny yan."  Nakipagshakehands pa ito dito at hinala nya rin ang kamay ni Pinky na kukuha sana ng pagkain.

Ngumiti na lang si Pinky at tinignan ng masama pagkatapos kay Marie.





"Uy totoo ba yan? Baka kapangalan nya lang beh baka false alarm." Sabi ni Pinky at pinunasan ang bibig ng panyo.





"Oo nga beh teka may palatandaan ka ba na sya yun? "  dagdag na tanong ni Marie.





Natahimik sya at  kumunot ang noo tsaka napakamot.





"Ay beh shunga shunga lang? "  napasampal sya sa noo.






"Limot ko na eh hehe pangalan na lang pero may baby pic sya dun kaso . .hay waah!!!"  Napasubsob ito sa mesa at nawalan ng enerhiya.





"Okay lang yan beh. Baka sya yan naku wag mo na kami problemahin push lang."  Pagsusuport pa ni Pinky at pinat ang balikat nito.






"Pero kasi sinungitan nya ako kanina. Sign na iyon!"  Tumayo na sya at hinila ang mga kaibigan at sinumulan nila ang paghahunt sa crush ni Dona na si Lance.




End of Flashback




———





Denise POV





"Tsk kung sino pa ang may pakialam yun pa ang may kasalanan tsk." Nakailang higop na ako ng kape ko. Palagi ako sa Tinay's Best, isang restaurant na nagtitinda ng coffee at cakes. 





Pinaglalaruan ko na ang kinain kong cake nawalan kasi ako ng gana. Napansin ko na parang may nakatingin sa akin kaya nagpalinga linga ako. Naramdaman ko talaga eh kaso di ko makita kong sino. Kanina nakatanggap ako ng text mula kay Lance with N na break na ata sila ng kambal ko kaya pala parang pumutok na bulkan sya kung kausapin ako at ang cold treatment nya sa akin ang mas malala sa lahat. Wala kaming kibuan sa bahay. Tinatanong ako ni Mamita kung may problema kami ang palagi ko na lang sagot " LQ siguro Mamita" . Parang kumbinsido naman sya pero siguro nakahalata na sya. 






"Hmm Miss can I share with you?" Napatingin ako sa nagsalita. Parang napipi ako sa gwapo nyang mukha. Naramdaman ko na lang na biglang tumambol ang  dibdib ko. Namumula na rin ata ang pisngi ko. waaaah Kim Bum ikaw ba to? Ang ganda ng mata nyang singkit.





"By the way, nice watch." Napatingin ako sa yellow swatch ko at agad kong tinago. Tila nagtaka sya sa inasta ko shem turn off na ata ako sa chinito na to? Yay..





"I think I found milady." Ngumiti ito ng ubod ng matamis at mas dumadagundong ang tibok ng puso ko sa ganda ng boses nya. Mas maraming Dugdug akong naririrnig sa puso ko. Parang tumigil din ang paligid ng nagtama ang aming paningin.

Seguir leyendo

También te gustarán

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
150K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...