Dealing With The Billionaire

By thinkablejea

2.4K 233 27

Natasha Santiago is a lazy girl from isabela who loves to read and to dance.she will take her life in Manila... More

note
prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5.
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue: Iñigo's POV
Thank you!!

Chapter 7

73 11 1
By thinkablejea

Manila


Alas tres palang ng Umaga ngunit gising na gising na ang diwa ko. Ngayong araw ang balik namin sa Manila. Hindi rin ako nakatulog sa sinabi ni Iñigo, anong gusto niyang sabihin?? Nakakairita. Bumaba na ako para maghain ng pagkain pero si papa na pala ang nagluto.

"Good morning da, aga mo pong magising huh?" Panunukso ko, minsan kasi ay tanghali na siya nagigising

Humarap siya sa akin. "Maaga naman akong nagigising ikaw lang talaga yung pinaka-maaga" Tumawa siya. "Sige na tawagin mo na sila para makakain na sila." masayang saad niya.

Bumalik ako sa taas para tawagin sila ate. Mama just came home from the hospital and she'll come with us to Manila because there's no one to watch over ivan and so that we could take care of her as well. Nagalit pa nga siya kasi hindi naman daw siya baldado pero kung umasta kami ay parang ganon siya.

"Ate!! Bumaba na kayo para makapag-almusal na tayo" Saad ko nang makapunta ako sa kwarto nila.

Bumukas naman ito at nakita ko si ateng nagpupuyos pa ng mata dahil kakagising lang. Iniwan ko na siya at bumalik sa kwarto ko para gisingin si Iñigo. Sa sofa parin siya natulog kagabi, pinaglatag ko nga pero komportable naman daw siya. My eyes went to his eyes, his thick eyebrows, his sharp nose and his soft lips for a few minutes ... Hahawakan ko na sana ang labi niya pero hinila niya yung kamay ko kaya parang nakayakap ako sa kanya.

Nagpumigilas ako sa pagyapos niya. "A-Ano ba!! Bumangon ka na diyan, Kakain na!" Iritadong Saad ko. He still didn't get up so I pinched his arm.

"ARAY!! BAKIT KA NANAKIT" malakas na sigaw niya pero hindi siya galit.

I laughed "kakain na tayo kaya bumangon ka na."

Tumayo naman siya at inayos ang hinigaan. "Dapat nauna ka nang kumain doon. Susunod nalang ako." Saad niya.

"Yung rule kasi sa bahay na 'to ay sabay sabay kumain. Mapa-Almusal, Tanghalian o hapunan man yan. Kaya dapat sabay tayong kakain kaya bilisan mo.


****

Kakatapos lang namin kumain at ngayon ay nagiimpake na kami. Kagabi pa ako nakapag pack ng mga gamit, konti lang ang dinala ko kasi meron naman din ako sa apartment ni ate. Si Iñigo naman ay inaayos ang mga gamit niya.

"Maliligo muna ako pagkatapos ko ay sumunod ka." Sabi ko kay iñigo

Ambang tatayo na siya kaya napahaluhakipkip ako. "Sa'n Punta mo aber??"

"Sabay nalang tayo maligo" parang nagsipuntahan naman sa ulo ko lahat ng dugo ko.

"ANO? Baliw ka ba? Lumabas ka dito at baka masaksak kita." Pasigaw kong Saad.

"Saksakin mo nalang ako ng pagmamahal" pahabol niya bago tuluyang umalis. Tsk, siraulo talaga.

Nang makaligo na ako ay sumunod naman si Iñigo. Bumaba na ako para salubungin ang pagdating ni kuya Franz. Nakita ko ka agad siya kasama ang anak niya kaya tumakbo ako pababa.

"KUYAAA!! Ay wala kang pasalubong?" Bungad ko sa kanya. Pinitik naman niya ang ulo ko.

"Ang tanda mo na Natasha pero pasalubong parin ang hanap mo." Masungit na Saad niya. 

"Pasalubong lang napakadamot mo" Inirapan ko nalang siya at pumunta ulit sa taas. Right after I opened the door, Iñigo also came out from Cr.

"S-Sorry" I quickly closed the door and slapped my own forehead. So embarrassing. Alam mo naman kasing may tao sa loob. Hindi ka kumakatok. Akyat-baba tuloy ako.

Nang matapos siyang magbihis ay bumaba na rin siya. Natigil si Kuya Franz sa pakikipaglaro sa anak dahil nakita niya si Iñigo. Ako naman ay tumayo para ipakilala siya pero nauna na ang lalaki.

"Good morning po, Ako po si Iñigo. Boy–" I covered his mouth so he wouldn't continue what he was going to say.

"Ah...eh..Kuya si Iñigo nga po pala, Boss ko." Pagpapakilala ko. I heard him grunt because of what I said.

Tumaas naman ang kilay ni kuya. "Ba't sumama pa? Pwede namang ikaw nalang"

Tinanggal ni Iñigo ang kamay ko para makapagsalita siya. "I don't have anything to do because we're done so I just went with her." Magalang na Saad niya. Kuya Franz just shrugged.

"Naka-ayos na ba ang ate mo Marie?" Tinignan ko naman ng masama si kuya. Ayoko. Ng. Tinatawag. Na. Marie. "Nagtatanong ako Marie" pang-aasar pa niya.

"Opo, kanina pa. Inaayos nalang yung gamit ni ivan." Saad ko.

****

Nasa sasakyan na kami ngayon at binabaybay ang daan pauwi. Sila mama at ate nasa sasakyan ni kuya Franz habang ako ay syempre na kay Iñigo.

Tahimik lang kami doon sa loob at hindi nagkikibuan. I looked at my cellphone and it was almost five o'clock in the morning. Malamig ang bawat paghampas ng hangin sa aking mukha dahil nakabukas ang bintana. Ang mga magsasaka ay nasa taniman na at nag-aayos ng palay. It's really nice here.

"Pssst. Ang tahimik mo naman" Saad ko. Hindi niya siguro narinig kaya Nagkibit-balikat lang ako.

***

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkatingin ko ay nasa bungad na kami ng Manila. Mabilis lang pala kami nakarating kaysa nung kami ni Cheryl ay halos siyam siyam na. Teka, oo nga pala hindi ko na siya nakakausap. Agad kong hinanap ang pangalan niya sa contacts at tinawagan siya. Nakatatlong ring palang ito ay sinagot na niya.

[ 'Ano ba 'yan storbo ka 'teh, anong kailangan mo?'] Bungad niya.

"Nangangamusta lang. Ayaw mo na ba 'kong kausap huh" kunwaring nagtatampo kong untag. Natawa naman siya sa kabilang linya.

[ 'Okay lang naman ako, ikaw? Si tita nga pala kamusta na? Sorry hindi ako nakasama masyadong busy dito sa school lalo na't nagco-compute na ng grades ng mga bata' ]

"Okay na si mama kasama namin siya ngayon" masayang balita ko.

Sandali siyang natahimik. [ 'Ngayon? As in isasama niyo na siya? Pano si tito?' ]

"May mga gagawin kasi sa planta. Susunod naman daw siya." Napatingin ako sa labas at malayo pa kami. "Sige na. Kita nalang tayo sa sabado. Siputin mo ako ah? Baka mag-end na yung friendship natin kung hindi ka pupunta"

[ 'Sige na bye na. Ingat kayo sa b'yahe' ] sabi niya bago pinatay ang tawag.

Kanina pa talaga ako naiinis bakit ang tahimik niya. "Psst....ano ba kanina ka pa tahimik ah? Naiinis na 'ko sayo" iritadong saad ko.

"Nag d-drive ako, gusto mo bang mabangga tayong dalawa dahil sa pag-uusap na yan?" Naiinis din niyang Saad.

"Sige para till death do us apart." Natatawang saad ko. Umiling naman siya pero nakita kong napangiti siya.

"Tsk. Silly girl" Sabi niya bago ibalik ang buong atensyon sa kalsada. Umirap naman ako.

****

Dumiretso na kami sa opisina at sila ate naman ay naiwan sa bahay. Maraming tao ang nakatingin sa amin at pinag-uusapan si Iñigo. Problema dito? Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi pinapansin ang mga tauhan niya kaya ganon din ang ginawa ko.

"Sir, you have a 5 meetings to attend today." Sabi ko habang sumusunod sa kanya.

"Meetings with? What time?" Si Iñigo.

Binuksan ko muna ang pinto para makapasok siya. "You have a meeting with Ms. Obrima at 11:00 o'clo–"

"Iñigo!!where are you from? Nung nakaraan pa ako pabalik balik dito" pinutol ng isang elegante, matangkad at nasa 50's na siguro ang tanda ang sinasabi ko.

"May ginawa lang po ako ma." Saad ni Iñigo bago bumeso sa mama niya. Ako namam ay nakatayo lang sa gilid. Nagawi naman ang paningin ng babae sa akin. Ulo hanggang paa niya akong tinignan at pekeng nginitian,

"is she your new secretary Iñigo? " nakataas ang kilay ng babae. Tumango naman si Iñigo.

Naglahad ako ng kamay "I'm Natasha Marie Santiago, nice meeting you ma'am" pormal kong Saad. Kinuha naman niya ang kamay ko.

"Me too, nice meeting you Natasha...Iñigo I'm leaving,I just came here to check if you're here and please sabihin mo sa akin kung aalis ka at saan ka mang lupalop pumunta. Marami kang ginagawa, hindi ka nandito sa posisyon na 'to para mag relax" Muli pa itong tumingin sa akin bago lumabas sa pinto.

Napahinga nalang ako ng malakas dahil akala ko magagalit siya. Grabe kinabahan ako.

"A-As I was saying sir, y-you have a m-meeting with Ms.Obrima at 11:00 o'clock." What?? am I stuttering? Well, maybe because of the heavy atmosphere that happened earlier.

Humalakipkip naman siya. "What's the problem Natasha? Are you okay?"

Tumango naman ako. " yes sir, I'm okay. Pumunta ka na po sa meeting niyo baka malate kayo."

Umalis na siya kaya umupo na ako sa upuan ko pero bigla siyang bumalik. " you're not coming?" Napatayo naman ako.

"Hindi naman po ako kailangan doon sir. At baka may mga mahahalaga pong tawag. Sige na po" tinulak ko sa palabas pero bago siya tuluyang makalabas isang halik sa pisngi ang iginawad niya sa akin. 

Nanlaki naman ang mata ko. Hahabulin ko sana siya pero hindi ko alam kung saan na siya pumunta. 

"Kayo na?" Napalingon naman ako sa gilid ko. Halos magkatabi na pala kami ni Caitlin, yung babae sa cr. 

Mabilis naman ako Umiling. "Nako, hindi ah! Napaka issue mo" 

"Bakit may pakiss aber?" Echusesarang tanong niya.

Tumawa naman ako. " 'Yun? May b-binulong lang sa akin...Bakit ka nga pala nandito? Hindi naman dito ang working place mo ah?" Masungit na Saad ko.

Napakamot-ulo nalang siya bago umalis. Bumalik ako sa opisina at hinawakan ang pisngi ko. Bakit niya ginawa yun?


Continue Reading

You'll Also Like

30.7K 629 16
"Just because the past is painful doesn't mean the future will be." - Ashimori Caspian Warning : This story consists of grammatical and typographica...
40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...