Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 16

30.2K 781 79
By PrinsesaFever

Tapos nang magperform ang huling section. Umakyat na ako kila Max para tignan ang susunod na gagawin.

"Ipapastart ko na lahat ng games. Papuntahin niyo na lahat ng mga players sa mga sinalihan nila. Then, itext niyo ako kapag okay na. Game?" Tanong niya samin.

"Game." Sagot naming lahat.

"Okay, punta na sa mga assigned places."

Pumunta ako sa barkada na kasama sila Ate ngayon.

"Pupunta na ko sa Field. Doon ako naka-assign e. Teka, diba boys kasali kayo sa Amazing Race?" Tanong ko sakanila.

Tumango naman lahat ng lalake except kay Kuya dahil bukas pa ang game nila.

"Oh, sumabay na kayo sakin. Dun ako naka-assign e."

"Sasabay kami. Susuportahan namin sila e," Sabi nila Ericka.

Tumango ako at bumaling kila Kuya. "Kayo? Sama din kayo?"

Umiling si Ate.

"We will. Pero susunod na lang kami. Inutusan kasi kami ni Dad na obserbahan daw muna bawat lugar na pag-gaganapan ng games. And picturan, alam mo naman sila Dad."

Tumawa ako sa sinabi ni Ate, "Okay. Tara na." Yaya ko sakanila.

Pumunta na kami sa field. Tinignan ko ang listahan ng mga players. Halos lahat nandoon na, sila Ian na lang ang wala at 'yung isa na Sophomore.

"Ready na kayo?" Tanong ko sakanila.

Nakita ko namang nagpoker face si Blake.

"Hindi naman ako sasali dito kung hindi mo lang ako pinilit," Aniya.

"Eh ba't ka pa sumali kung ayaw mo naman pala?"

"Pinipilit mo ko. Alam kong pag hindi ako sumali magagalit ka. That's why I still join. Dahil ayokong magalit ka sakin."

"Awww." Asar samin ng barkada.

Namula naman ako at umiling na lang.

"Tss. Sige na, pumwesto na kayo." Utos ko.

"Teka naman! Pwedeng magbihis muna kami?" John.

"Edi magbihis kayo. Go, 5 minutes pa bago magstart."

Bago sila umalis ay hinalikan muna nila ang mga girlfriend nila. Napa irap naman ako. Masyadong cheesy.

*Tsup*

Napatingin ako kay Blake na nakangisi sa gilid ko.

"Goodluck kiss. Saw you rolling your eyes on them," Aniya at humalakhak bago tumakbo.

*Bzzt* *Bzzt*

Napatingin ako sa phone ko at nakita kong may tumatawag. Si Max.

[Ano na?] Bungad niya.

Nakarinig ako ng iba't ibang ingay. Tinignan ko nng phone ko at nakita kong naka-confe pala ito.

[We're okay na. Kayo diyan?] Andy.

[Okay na din kami. Nakakangalay tumayo dito promise!] Reklamo ni Paulo.

['Wag kang magreklamo diyan! Natutuwa ka din naman if I know.] Annie.

[Hoy hindi 'no. Sayo lang ako.] Sabi ni Paulo at tumawa.

[Buset! Dito pa naglandian sa telepono! Mamaya na kayo maglambingan. Aljohn, Gerald, Kylie. Ano? Ayos naba sainyo?] Andy.

[Soon to be completed. Nagbibihis lang 'yung dalawang player.] Gerald.

[Kulang pa ko ng isa. Pero shit, swerte ko dahil dito ako na-assign. Ang dami kong legs na nakikita!] Aljohn.

[Oy Al! Alam mo na ah? Sali mo na ko kapag may nakuha ka.] Sabi ni Gerald at tumawa.

[Ano ba! Mamaya niyo na isipin 'yang pagiging playboy niyo. Babatukan ko kayong dalawa mamaya makikita niyo.] inis na sabi ni Max.

[Edi sorry..] Sabay na sabi ni Gerald at Aljohn.

[Kylie, ikaw? Ano balita sayo?] Tanong ni Annie.

"Nagbibihis na sila Ian. Kasali silang lahat. Kulang pa ko ng is--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may kumalabit sakin. Napatingin naman ako.

"Yes?" Tanong ko sakaniya.

"A-ahh, a-ako po 'yung i-isa sa player d-dito. S-san po ba pwedeng m-mag bihis?"

[Sabihin mo sa hardware pwede!] Gerald at humalakhak.

[Tama bro! Hahaha!] Sang ayon ng mga lalaki.

"Ah. Doon, deretso ka lang diyan tas kanan. Paki bilisan na lang ha?"

Tumango naman siya at tumakbo. Naaawa ako sakaniya.

"Max, hindi mo naman sinabi na isa sa player dito sa Amazing Race e malnourish."

Tumawa naman silang lahat.

[Ay grabe! Ang hard mo, sis, ha! Hahaha!] Andy.

"Totoo naman. Naaawa ako sakaniya."

[Nandito na 'yung dalawa. Magsyota pala 'to,] Sabi ni Gerald.

[Inggit ka naman!] Max.

[Hindi no!] Gerald.

[Eto na din 'yung isa. Ow, hi miss.] Aljohn.

"Hoy! Mamaya kana dumiskarte!" Kontra ko.

[Hello. I'm one of the player dito sa volleyball am I too late?... Hindi pa naman, ang tangkad mo naman miss... Yeah, hahaha. Got my Father's height.... Pero kahit gano kapa katangkad, magkakasya kapa din dito sa puso ko.] Aljohn.

[Ay hayup! Dumiskarte agad!] Paulo at tumawa.

[Hoy! Responsibilidad muna!] Annie.

[Ay hahaha you're so funny pero I'm taken na e. Sige, I'll go ahead na. Bye!... B-bye.] Aljohn.

[Sayang diskarte! Hahaha!] Asar sakaniya ni Gerald.

[Fuck you.] Sabi sakaniya ni Aljohn.

Tumawa naman kami. Sumenyas ako kila Ate na pupunta na ko sa starting line tumango naman sila.

"Oh away 'yan oh."

[Hindi no. Mahal na mahal ko 'yang pare ko kaya hindi kami magaaway niyan! Diba pare? Mwa mwa.] Sabi ni Gerald at halatang hinalik halikan pa ang phone niya.

"Yuck!" Sabi namin.

[Tangna, dre, mandiri ka nga!] Inis na sabi ni Aljohn.

Nakita ko namang palapit na sila Ian. Shet, mga abs. Bakat na bakat!

[Kylie, ano na sayo? 'Yung iyo na lang ang hinihintay.]

"Hey, baby, sino 'yang kausap mo?" Tanong sakin ni Blake pagkalapit niya.

[Ohh, nandiyan ang boyfriend. Manahimik tayo.] Annie.

[Oo nga. Ang perfect couple. Ehem.] Paulo.

"Co-officers, by."

"Okay, hi guys." Bati pa niya kaya inilapit ko ang phone ko sa tenga niya.

[......]

"Hahaha! Yeah. Oops, baka magaway kayo! Don't worry, Pau, loyal ako kay Kylie."

Inagawa ko naman na sakanya ang phone ko.

"Pumwesto kana dun. Dami mong dada e." Asar ko sakaniya at tumawa.

Bumusangot naman siya.

"I will. One last kiss, please."

[Omg!] Sabi ni Annie at halatang kinikilig.

[WALANG FOREVER!] Sabay na sigaw ni Gerald at Aljohn.

Kiniss ko naman siya sa pisngi.

[Narinig namin 'yun! Hahaha!] Andy.

"Dun kana. Ayan na," Sabi ko at tumawa.

Naglakad na siya sa tabi ni Ian at nakipag high-five. Pumwesto na din 'yung malnourish sa pwesto niya. Lumapit ako sakanila at binigay ang mga envelope kung saan nandun nakalagay ang first task nila.

"We're ready guys." Sabi ko pagkatapos kong ibigay sa mga players ang envelope.

[Okay, in 5...] Bilang ni Max kaya nanahimik bigla ang lahat. Nakaspeaker kasi si Max.

[4...] Annie at Paulo.

[3...] Andy.

[2...] Gerald at Aljohn.

"1..."

[LET'S START THE GAME EASTONIANS! GO!] Sabay sabay naming sabi. Maririnig mo talaga ang boses naming lahat dahil niloud-speak ni Max at itinutok ang phone niya sa Mic na connected sa speaker.

Nagstart na ang mga games at ako naman ay pinanood ang players na tumakbo sa mga lugar kung saan unang nakalagay ang first task nila.

[Goodluck to us. Be aware okay?] Sabi saamin ni Max.

[Okay.] Sagot naming lahat at binaba ko na ang tawag.

Alam niyo ba 'tong laro na 'to? Eto 'yung sa bawat envelope nakalagay ang task nila at nakalagay din doon kung saan nila gagawin 'yun. Madadaanan nila lahat ng lugar dito sa University.

"Tara? Nood tayo sa iba. Wala na sila dito e." Yaya sakin nila Ara.

Tumango naman ako at nanood na kami sa iba't ibang games.

***

Natapos ang games ng 5pm. Nagkitakita kaming lahat sa Fountain. Kasulukuyan kong pinupunasan ng pawis ngayon si Blake. Naglaro pa kasi sila ng basketball.

"Guys, uwi na tayo." Ericka.

"Hatid na kita." John.

"Kami din." Hanggang sa nagsiuwian na ang barkada.

"Tara na?" Yaya sakin ni Blake.

"Tara." Sagot ko at humawak sa kamay niya.

Someone's Pov

Humiga na agad ako sa kama pagkauwi ko.

"I'm tired," Bulong ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang iPhone ko at tinignan ang mga tweets.

Non-sense. Hinagis ko ang phone ko sa gilid ko at pumikit ng may kumatok bigla.

"What?" Inis kong tanong ng makita ko kung sino 'yung pumasok.

"How's your sister?" Tanong niya sakin.

Umirap naman ako. "She's fine."

"A," Tawag niya sakin. He called me A.

I missed him calling me by my nickname.

"Please, understand me." Aniya at umupo sa kama ko.

Sa inis ko ay ako naman ang tumayo.

"Understand?! Understand, dad?! I've bewn understanding you for how many years! All my life wala akong ibang ginawa kundi intindihin ka! Intindihin na siya ang mas mahal mo kesa sakin!"

Nakatingin lang siya sakin. Na may awa sa mata.

"I'm tired being an option! Lagi na lang akong pangalawa! Kelan ba, dad?! Kelan ko ba mararamdaman 'yang pagmamahal mo sakin?! Kelan ko mararamdaman na ama kita?! Kelan?! I'm fucking tired dad! I'm tired from everything! Ako ang nageeffort, ako ang nagpapapansin pero ano?! Siya pa din! Lagi na lang siya. Siya lagi kinakamusta mo! What about me?! What about my feelings, dad?! Hindi mo manlang ako iniisip!"

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat kaya kumawala na ang mga luha na pilit kong pinipigilan sa pagtulo.

"A, no, you're wrong. I also love you. Its just that, your sister needs me."

Hinawi ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"Need?! Need, wow! Eh ako?! Iniisip mo ba na kailangan din kita?! Mas kailangan kita dad! Mas kailangan kita kesa sakanya! Dad, pagod na ko. Bukod sa pagod.." Pinunasan ko muna ang luha ko at tinignan siya mata sa mata. "... sawang sawa na din ako na pangalawa ako lagi. For 16 years I've been aiming for your love. Pero wala. Siya talaga." Sabi ko at tumawa ng mapait. "Sana dad, maisip mo na nandito ako. Nandito pa ko oh. May isa ka pang anak. Sana ako naman. 'Wag muna siya, kahit isang araw lang dad. Isang araw lang." Sabi ko at naglakad na palabas.

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Continue Reading

You'll Also Like

15M 495K 68
Ang Campus Nerd na pinagdidirian at nilalait ng mag estudyante sa RDA. Pero, paano nalang sa isang iglap,ang Campus Nerd na nilalait at pinagdidirian...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
44.4M 887K 63
Completed [REVISING 4/55] READ AT YOUR OWN RISK || The new transferee, Adrienne Xyra Saavedra, never wanted to have a complicated life. She just want...
8M 276K 88
Book 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Mis...