KAGAGOALS

Von Zalesxs

1.3K 108 93

A set of friends that always have a positive thoughts Mehr

Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
Epilogue
Author's Note

28

8 1 0
Von Zalesxs

Andra's POV

Nagising ako sa malakas na katok na nagmumula sa labas. Tangina ang aga-aga pa tas may mambubulabog?!

Bumangon na ako at nagkusot-kusot muna ng mga mata.

"Saglit lang!" Sigaw ko dahil hindi ito tumitigil.

Nagmadali na ako sa paglapit sa pinto bago pa ito masira at pagbukas ko dito ay bumungad agad sakin ang mga kaibigan ko kasama ang mga lalaki.

"Good morning!!" Sabay sabay nilang sigaw.

Napatingin naman ako sa wall clock dito sa kwarto ko at 9 am palang.

Napalingon ulit ako sakanila nang may pagtataka.

"Bakit?" Tanong ko.

"Duh? Anong bakit? Aalis tayo kaya maligo kana!" Sigaw ni Jessabelle sabay tulak sakin patungong banyo ko.

Hindi na ako nakapagsalita dahil agad niyang sinara ang pinto matapos niya akong itulak sa loob.

Gago amputa.

*
*
*
*
*
*

*
*
*

"San ba Tayo pupunta?" Tanong ko paglabas namin ng bahay.

"Bonding?" Sagot ni Raven.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Hatdog! Wag ka ng magtanong! Alam mo naman minsan na biglaan ang gala natin!" Sigaw sakin ni Joy.

Tumango naman ang iba bilang pagsang-ayon.

"Mag commute nalang tayo guys!" Suhestiyon ni Krizia.

"Sige!" Sabay sabay nilang sabi tsaka kami sabay sabay ding naglakad.

Nagpapahuli ako dahil ang iingay at ang gugulo nila habang naglalakad.

Magkatabi si Jessabelle at Raven.

Pati narin si Ayesah at Mike.

Tapos si Joy din katabi niya maglakad si Lanz.

Kanya-kanya sila kaya naguguluhan ako.

Si Krizia naman ay nasa pinaka una at sumisigaw sigaw ng...

"Dalian niyo naman mga anak puro kayo landi!"

Tumawa yung magkakasintahan sa sinabi niya at inasar siya.

"Pag inggit! Pikit!" Asar sakanya nito.

Sumimangot naman siya tsaka pumunta dito sa likod at tinabihan ako.

"Anong inggit inggit?! Tangina niyo may Andra ako!" Sigaw niya kaya nagtawanan nanaman kami.

"Ehem."

Napatingin kami kay Renz nang bigla siyang tumikhim.

Nagtawanan sila lalo tsaka nagsalita.

"Ikaw Krizia ah! Alam mo namang kay Renz yang si Andra eh! Lumayo ka nga!" Sigaw ni Raven sabay hatak kay Krizia palayo sakin at tinulak ako patabi kay Renz.

Mga hayop.

"Hmp! Edi wag! Pake ko! Di naman ako mamamatay kung wala akong lovelife!" Sigaw niya tsaka nanguna ulit sa paglalakad patungong sakayan.

Tumawa naman nang malakas si Raven at tumingin Kay Ken.

"Nagtatampo bebe mo." Sabi niya pero iniangat lang ni Ken ang gitnang daliri bilang sagot.

Nang makarating na kami sa sakayan ay andoon si Krizia na nakasimangot habang hinihintay kami.

"Mga pre baka akala niyo nasa luneta kayo ang babagal niyo magsilakad." Saad niya.

Napatingin naman kami sa katabi niyang sasakyan.

"Jeep?" Sabay-sabay na tanong ng mga lalaki.

"Ay hindi, Mercedes Benz." Sarkastikong Sabi ni Krizia sabay irap.

Halos sabay sabay pa silang napabuntong hininga.

"Ang aarte niyo naman sige maglakad nalang kayo!" Saad ni Krizia tsaka nauna nang sumakay sa jeep.

Wala namang nagawa ang mga lalaki kundi sumunod at sumakay din na agad kong sinundan.

"Oh hija kumpleto na ba kayo? Deretso naba sa MOA 'to?" Tanong ng tsuper kay Krizia.

Ngumiti naman si Krizia tsaka tumango. Kinausap na pala niya ang tsuper na ideretso kami sa MOA. Ayaw siguro nito ng ilang sakayan para lang makarating roon. Well, ayaw ko rin naman.

At dahil medyo malayo ang MOA sa lugar namin.

Nag-soundtrip kaming magkakaibigan at napuno ng ingay ang jeep hanggang sa makarating kami sa destinasyon.

At ngayon nga ay nandito na kami sa seaside ng moa.

"Don tayo sa ferris wheel!" Masayang sigaw ni Joy.

"Ay bet" sang-ayon ni Ayesah.

"Oh tara na" Saad ni Jessabelle na nanguna.

Nagtakbuhan na sila habang ako ay hinihintay si Krizia na nagbabayad sa tsuper.

Nang matapos na siya ay agad siyang lumapit sakin.

"Nasan na sila?" Nagtataka niyang tanong.

"Doon." sagot ko at itinuro ang ferris wheel.

Tumingin naman siya sa likuran ko.

"Oh bat andiyan kayong dalawa? Hinihintay niyo kami?" Tanong niya.

Napaharap naman ako dito at nakita si Ken at Renz.

Sabay pa silang dalawa na tumango at ngumiti.

"Tara na." Saad ni Renz at nanguna ng maglakad.

Sumunod naman din kami agad.

Magkatabi kami ni Krizia at nasa harap namin si Renz.

Samantalang si Ken ay nasa likod namin.

Nang makarating kami sa ferris wheel ay nakasakay na ang mga kaibigan namin.

Pero sila Jessabelle ay nasa baba pa.

"Antatagal niyo! Muntik na tuloy magpasakay ng iba si kuya!" Bungad niya samin kaya nag-peace sign nalang ako.

"Tse!" Sigaw niya at agad na sumakay sa inuukupa nila ni Raven. Siya lang talaga yung kilala kong nagmamabuting loob pero galit.

Sumunod naman kami ni Krizia, una akong sumakay dito sa pinareserba nila Jess at hinihintay nalang na makasakay si Krizia. Papasakay na sana siya pero hinatak siya bigla ni Ken at itinulak ni Ken si Renz dito sa loob na ikinagulat ko.

Siraulo.

Muntik pa akong matawa dahil muntikan nang madulas at mapasubsob si Renz rito dahil sa ginawang pagtulak sakanya ng kaibigan. Binalingan niya pa ang kaibigan at binigyan ng matalim na tingin pero nginisian lang siya nito at nag-thumbs up.

Wala na akong nagawa dahil sinara na agad nila ang inuukupa namin at unti-unting umangat.

At dahil ninenerbiyos ako, umupo ako agad.

May fear of heights ako kaya hindi ako titingin sa baba mamaya. Baka maiyak lang ako rito. Dapat cool lang tayo.

Tahimik lang kaming dalawa ni Renz habang unti-unting umaangat ang ferris wheel.

Nagpapakiramdaman.

"Andra." Pagtawag sakin ni Renz sa ilang minutong katahimikan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Naalala mo pa yung sinabi ko noon?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Alin?" Takhang tanong ko.

Bumuntong hininga naman muna siya.

"Yung sinabi kong hayaan mong kilalalin kita at matutunang mahalin." Malalim ang pagkakatitig niyang saad. Hinihintay kung ano man ang isasagot ko.

Napaisip naman ako. At unti-unting nanlalaki ang mata na tinignan siya dahil parang alam ko na kung ano ipinapahiwatig niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang salubungin ko ang tingin niya.

"I love you."

Napatitig ako sakaniya at alam kong halata talaga ang bakas ng pagkagulat sa mukha ko.

L-Love?! Mahal niya ako?

"Andra, can you be my girlfriend?"

Halos mapanganga ako dahil sa tanong niya. Ni hindi manlang siya nagdalawang isip.

"G-Girlfriend agad? Wala bang ligaw ligaw?" Tanong ko. At tinakpan ang mukha dahil ramdam ko na ang pag-iinit nito.

"I want you to be mine already." Saad niya at lumipat ng upuan sa tabi ko.

"I don't want to court you, that's just a waste of time. Instead, let me be your boyfriend and i will court you everyday and everytime you want." Sambit niya. Inalis niya ang kamay ko na nakaharang sa mukha ko atsaka niya marahang pinisil ito.

Napatitig ako sa mga mata niya. His dark brown eyes that i love.

At oo, ramdam na ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang sincerity sa mga salita niya. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal na sinasambit niya sa pamamagitan ng paghaplos ng kamay niya sa kamay ko at sa pamamagitan ng mga mata niya. Parang mawawalan ako ng hininga dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Para bang sumisigaw na ito.

"Yes." Sagot ko.

*
*
*
*
*
*

*
*
*
*

"Grabe sumakay lang tayo ng ferris wheel kayo na agad?!" Sigaw ni Krizia pagkababa naming lahat sa ferris wheel.

Naglalakad na kami ngayon malapit sa seaside kaya pinagtinginan kami ng tao dahil sa sigaw niya.

"Pake mo? Inggit ka lang." Asar sakanya ni Renz.

Inirapan naman siya nito.

"Hindi ako inggit! Ang pag-ibig ay isang lason!" Sigaw niya ulit kaya mas lalo kaming pinagtinginan.

"Sorry po, di namin kilala yan." Saad ni Jessabelle kaya tinignan siya nang masama ni Krizia.

"Bitter." Mahinang sabi ni Ayesah pero dinig na dinig namin.

Tinignan din naman siya ni Krizia at magsasalita pa sana pero agad siyang inakbayan ni Ken at hinatak para Mauna na sila sa paglalakad.

"Whoo! iba ka boss Ken!" Asar ni Mike at Raven pero 'di sila pinansin nito at nagdere-deretso lang sa paglalakad na sinundan namin.

Natatawa nalang ako habang pinapanood ang likod nilang dalawa. Lason daw ang pag-ibig? Nagsalita ang nalason. Tsk. HAHAHAHA!

*
*
*
*
*

*
*

*

Andito kami sa quantum at mag-uumpisa nang kumanta.

Kakatapos lang namin maglaro ng kung ano-ano.

At ngayon naman ay pagod kami kaya kakanta nalang daw para boses nalang ang mapagod.

Si Ayesah agad ang unang kumanta. Ito talaga ang pambato namin eh.

Sunod naman ay si Krizia at Jessabelle.

Kakantahin nila ang kanta ng siakol.

Tawa kami nang tawa dahil feel na feel nila ang pagkanta. Talagang ikinukumpas pa ang mga kamay nila.

At nang nasa chorus na ay sabay sabay na kaming lahat kaya ang ingay namin.

"Di na tayo pabata, edad mo di nahahalata, sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa."

Lahat kami ay nagsitayo at umastang naggigitara at ang mga magkasintahan naman ay sumayaw.

Hinatak ako ni Renz at isinayaw na ikinatawa ko.

At ang nakita ko nalang ay si Ken at Krizia na ang kumakanta dahil kasama na ni Raven si Jessabelle.

"Pero kahit ganon, barkadang matatag hanggang sa ngayon, minsan man magkita, tiyak may kwela, Yan ang aking mga tropa."

Lahat kami ay nagtatawanan at sabay sabay lang na kumakanta. Pasigaw pa nga minsan.

Kahit na pinagtitinginan kami ay patuloy lang kami sa pagkanta at pagsigaw.

Walang pakialam sa paligid. Tanging kami lang. Samin lang ang atensyon. Sa isa't-isa lang. Nagsasaya at nagtatawanan.

Sumasayaw na parang tanga. Ine-enjoy lang ang buhay namin. Sama-sama kami.

I couldn't be prouder to have them in my life.

Tinitigan ko naman ang lalaking kasayaw ko ngayon.

It's our first dance Renz. Our first but not the last. Because as we grew older, i hope that we'll dance more often. Not giving a single damn in this world.

Just us.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
81.9K 3.2K 38
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.