A Silence In The Chaos

By AnastasiaCaly

2.5K 225 81

Ysabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She... More

Author's Note
Simula
Silence 1: Parcel
Silence 2: Apartment Owner
Silence 3: Cat
Silence 4: His Services
Silence 5: Thank You
Silence 6: Nothing More
Silence 7: We're Not Friends
Silence 8: Reflect
Silence 9: Binibini
Silence 10: Mayor
Silence 11: Alleged
Silence 12: Nowhere
Silence 13: Label
Silence 14: Beautiful On You
Silence 16: Goodbye Forever
Silence 17: Get over
Silence 18: Aasa
Silence 19: Run To Him
Silence 20: Peace
Silence 21: Patawad
Silence 22: Justice
Silence 23:Your Partner
Wakas

Silence 15: Victim

95 8 1
By AnastasiaCaly

Silence Fifteen

"Ang daya niyo, kasama niyo pala si maam kahapon!" salubong sa akin ng umaga habang pumapasok ako sa silid aralan.

Nang makita ko sila Lauren ay awtomatiko silang napangiti at kumaway sa akin na para bang malalapit kaming magkakaibigan.

"Good morning ma'am!" dinig kong bati nila nang ipatong ko ang aking bag sa teacher's table.

Ngumiti ako pabalik at bumati. Inilabas ko sa supot na bitbit ko ang kape na binili ko sa seven eleven. Hindi na ako nakapag almusal dahil wala akong gana kanina kaya magkakape na lang muna ako at mamayang break time na lang babawi ng kain.

"Ma'am diba wala na yung last two subs dahil maghahalf day kami? Paano po sa presentation namin sa English?"

Binalikan ko sa aking memorya kung pang ilang subject ngayong araw ang English. Panlima itong subject kaya hindi na aabot sa schedule nila.

"Sa Monday na lang natin ituloy. Basta naman ay alam niyo na ang gagawin, kaya niyo nang magperform ng diretso sa Monday," kumunot ang aking noo dahil sa higpit ng takip ng bote ng kopiko.

I grunted as I kept forcing it to open but it just won't. Baka masyado lang akong lambutin kaya hindi ko mabuksan.

"Ako na ma'am," alok ni Vincent.

At dahil kanina pa akong kapeng kape ay walang hiya ko nang ipinaubaya kay Vincent ang pagbubukas ng bote.

Medyo nahirapan din siyang pihitin ito sa una ngunit kalaunan ay nawala na ang tensyon sa kanyang ekspresyon, hudyat na nabuksan na ito. Ibinalik niya ito sa akin.

"Thank you!" I beamed and happily drank my coffee to atleast fill my stomach.

Nahagip ng aking ilong ang isang pamilyar na amoy.

Dumaan si Ralph sa harap ng aking table na may dala dalang supot ng mainit na pandesal. Tumigil siya sa paglalakad at kumuha ng isang pandesal at inabot sa akin.

"Masarap yan sa kape ma'am," nanatiling nakaextend ang kamay niya dahil hindi ko pa kinukuha sa kanya ang pandesal.

"Diyan na tayo kumain!" anunsyo ni Lauren.

Tumayo rin sila Gascon, April at Sarah. Nakarinig pa ako ng tunog ng kutsara sa tasa. May bitbit pa na termos at apat na twin pack ng kape si Gascon. Ibinaba ko sa sahig ang aking bag upang may mapagpatungan sila ng bitbit.

"Hilahin niyo yang arm chair," turo ko sa isang bakanteng upuan dahil hindi pa naman kami kompleto rito sa room.

Bitbit nila ang upuan at ipinaikot sa aking teacher's table.

"Ibabalik niyo ng ayos yan ha, kalilinis lang namin kahapon," paalala ni Lauren habang inaayos ang likod ng kanyang palda upang hindi malukot sa kanyang pag upo.

"Termos nga pre paabot!" magkabilang dulo si Vincent at Gascon kaya hindi kaagad maaabot ni Vincent ang termos.

Ipinwesto ni Gascon ang termos sa gitna ng mesa upang madaling makagamit ang lahat ng mainit na tubig.

"Ang sarap talaga ng pandesal sa bakery niyo, Ralph! Kahit araw arawin ko 'to eh!" ani April.

Kinagatan ko rin ang pandesal at masarap nga. May tamang tamis ito at malambot. Siksik sa tinapay at hindi hangin lang.

"Araw araw ba kayong ganyan?" natatawa kong tanong dahil hindi ako makapaniwala na nagdadala sila mismo ng mga tasa, kape at termos sa loob ng classroom.

Hinati ni Sarah ang tinapay at sinawsaw ito sa kape at tumango habang kinakagatan ang kalahating nakasahod sa mug.

"Opo ma'am. Oh diba pati kayo di kami napansin," halakhak ni Vincent. "Gawain na namin 'to nung grade eight pa lang ma'am."

"Saan kayo nakatira, Ralph?" tanong ko.

Ngumisi si Ralph. "Nasarapan kayo ma'am noh?"

"Dagdag customer na rin diba?" sagot ko.

Hinipan niya ang kape bago sumimsim dito. Nang malunok ay nagsalitang muli.

"Eh saan ba kayo ma'am?" balik niya ng tanong. "Para sasabihin ko na lang sa inyo kung saan kayo dadaan."

"Doon sa may mga apartment malapit doon sa subdivision," kumuha ako ng alcohol sa bag upang malinisan ang aking kamay.

"Ah! Edi malapit lang kayo sa amin ma'am. Don kayo sa apartment nila sir Noah?"

Nagpalitan ng mapangasar na tingin ang lima dahil sa narinig kay Ralph. Napasapo ako sa aking noo dahil sa posibleng nasa isipan nila.

"Diba po mula don sa apartment dire diretso tapos may kantong parang slope na paakyat yung kalsada. Pagdating niyo roon sa kanto, kakaliwa po kayo tapos mga ilang hakbang po may makikita kayong green na bakery. Yun na po yung amin. Makikita niyo po agad kase matingkad na green naman yon."

Tumango ako at sinubukang sauluhin ang kanyang mga direksyon. Siguro nama'y kilalang bakery yon kung ganito kasarap ang tinapay nila. Pwede naman akong magtanong kung malimutan ko.

"Grabe ma'am, ka-close na namin kayo. Akala namin katulad nanaman nung mga nakaraang taon eh. Teacher lang namin, hindi naman namin makausap pag labas ng klase."

"Lagi kong sinasabihang sipsip yung mga kumakausap sa teacher, pero masaya din naman pala sa feeling na nakakusap yung teacher," dugtong ni Gascon.

"Hmm binobola niyo lang ako eh," I awkwardly laughed. Hindi naman ako masayang kasama, siguro'y naaawa sila sa akin dahil palagi akong mag isa. Pero hindi naman nila kailangang mag alala dahil sanay na ako sa ganito. Ngunit masaya rin naman ako na sinasamahan nila kahit na medyo hirap akong makisabay sa daldal nila.

Dala dala ko ang mga pinagkainan pati ang mga balat ng kape dahil lalabas din naman ako kaya nagpresenta nang magtapon sa basura.

Sa dulo ng corridor ay saktong sasalubong sa akin si Thelma.

"Oh, nakakain ka na pala?" aniya. "Binilihan pa kita nitong sisig with rice sa seven eleven kase hindi ka nag almusal."

Tumango ako.

"Nagdala ng pandesal si Ralph, nag almusal kami nung mga bata," nakangiti kong kwento habang tinatapon ang supot.

"Aba! Napapalapit na ang loob," kantyaw ni Thelma. "Yan talaga yung fun part ng teaching."

Tumango ako at sumang ayon.

Lumingon ako sa kanan at kaliwa nang maalala ang kahapon pang bumabagabag sa akin. Hindi kami nag abot kagabi ni Thelma dahil ginabi na yata siya ng uwi.

"Parang may sumusunod sa akin," mababa kong sambit.

"Ha?" lito ang ekspresyon niya na parang unang beses niya pa lang ito napapakinggan.

"Anong ha? Di mo ba nareceive yung text ko kahapon?"

Umiling siya.

"Wala ka namang sinend sa akin eh," depensa niya.

"Meron!" protesta ko. Hinugot ko ang cellphone ko sa aking bulsa upang mapatunayan sa kanya na nagtext ako kahapon.

Pagkapunta ko sa messages ay noong isang araw pa ang huling text namin ni Thelma.

"Oh! Wala naman eh. Baka hindi mo naisend," ani Thelma.

Umiling ako. Sigurado akong naisend ko sa kanya yon dahil kaloload ko lang naman kahapon kaya imposibleng hindi maisend.

Unless...

Namilog ang mata ko at agad na hinanap ang pangalan ni Noah sa inbox. Dahil wala naman akong ibang naitext kahapon kundi siya at si Thelma.

I sent it to Noah! Hindi kay Thelma.

I bit my lip and looked up at Thelma who is now arching a brow at me.

"Sa akin mo sinend?" panunuya niya.

Pumikit ako nang mariin dahil sa kahihiyan.

"Pero ano nga ba? Ikwento mo na lang sa akin," kaswal niyang sambit kahit na nasa gitna kami ng school corridor at may cctv na nakatapat sa amin.

At ako naman na hindi makapagtiis ay nagsimula nang magkwento.

"S-simula nung... nakauwi kami galing sa Batangas. Ramdam ko nang may nakabantay sa akin," dahan dahan kong pagsasalaysay.

"Baka naman si sir Noah yon? Lagi ka rin namang binabantayan ni sir," komento niya.

I shook my head. "Iba ito, Thelma. Basta nararamdaman ko," hindi ko maikwento ng maayos.

Bago ko pa masundan ang aking sinasabi ay tumunog na ang school bell bilang signal na first subject na at dapat nang magsibalikan ang mga studyante sa classroom.

Kahit sa break at lunch time ay sinabayan ako nila Lauren kaya masaya rin ang mga oras na 'yon. Funny how I expected to find friendship in my colleagues, but instead found one from those who are younger than me.

"Uy! Sumisipsip kay ma'am," pang aasar ni sir Allen sa mga studyante ko nang makalapit sa amin sa cafeteria.

"Uy si sir walang friends," ganti ng mga studyante ko sabay hagalpak.

Bumusangot si sir Allen. "Ang tatapang niyo talaga pag ako ang aawayin eh. Una kaya akong naging friend ni ma'am Ysabelle kaysa sa inyo."

"Upo ka dito sir," umusod ako upang bigyan ng space si sir Allen.

Galak na galak na pumunta si sir sa aking tabi. Bago pa siya makaupo ay may tumawag na sa kanya.

"Allen," an authoritative voice echoed around the room. Sir Noah was handsome in his slim fit white polo shirt with black collar and edges. Bagsak ang kanyang buhok dahil hindi ito naka gel. He looked like a college student rather than a teacher.

In a flash, sir Allen stood straight.

"Noah!" sir Allen replied. "Dito ka oh!"

Lumipat si sir Allen sa kabilang side ng table at nakitabi kanila Ralph at Gascon.

"Usod, sige kayo mawawalan kayo ng gwapong science teacher," babala niya sa dalawa. Sabay namang umusod si Ralph at Gascon sa kaliwa, binigyan si sir Allen ng space sa dulo sa halip na sa gitna nila. Talagang hindi sila mapaghihiwalay.

Ang seryosong mukha ni sir Noah ay sandaling naging maamo nang makalapit sa akin.

"Did you eat yet?" tanong niya at inayos ang bitbit ng mga handbook.

I nodded and pointed at my half finished plate.

"Kumakain na ako," usal ko sa maliit na boses.

Tumango lamang siya at tumalikod na para pumunta sa kung saan man dapat siya pupunta ngunit hindi pa nakakalayo'y huminto at bumalik sa aking tabi.

"Sabay tayong umuwi mamaya," pahabol niya.

"Distribution of grades ngayon, hindi ko alam kung anong oras matatapos," I said.

Pinaglaruan ko ang aking kutsara at tinidor habang hinihintay siyang sumagot.

He licked his lips. "Then I'll wait until you're finished."

There were collective reactions from the people around us. Lalo na sila sir Allen.

"All they do is highlight how alone I am," sir Allen almost cringed from his seat. He covered his face with his hand but left a gap between his fingers in order to still see us.

Napailing na lamang si sir sa kaibigan. He turned to leave but looked back but this time ay kay sir Allen na siya nakatingin.

"Hindi ka pa tatayo riyan?" nagtaas ng kilay si sir Noah.

"Huh? Hindi na nga ako nakatabi kay ma'am Ysabelle eh," reklamo ni sir Allen.

"Why did you think I called you?"supladong tanong ni sir Noah.

Sir Allen's brow creased.

"Kase pinaaalis mo ako sa tabi ni ma'am Ysabelle?" dahan dahan niyang sagot.

Sir Noah snorted in amusement. He slowly turned to face us fully.

"I called you because there's something we need to attend to. I don't get jealous, Allen," sumenyas siya kay sir Allen na sundan siya. Sumulyap siyang muli sa akin. "Later."

And I think I stopped breathing. Because when he left, I sighed heavily as if I've been containing it in years.

I stared at his back profile as he walked away. Posturang postura ang paraan ng paglakad niya. He really has a way of making every floor he walks on look like a runway.

Nag init ang aking pisngi nang balikan ang kanyang sinabi.

I don't get jealous, Allen.

Hindi ko alam kung ano ang iniimply niya rito. Ang ibig ba niyang sabihin ay wala siyang dapat pagselosan dahil wala namang kami? O sinasabi niya lang na hindi naman siya seloso?

And why am I thinking about this like a lovesick teenager? Hindi na ako bata! For goodness sake, I'm an adult with responsibilities! And I have a job to do. Which speaking of is in ten minutes.

Kumapit ako sa mesa upang ilayo ang upuan para magkaroon ng espasyo sa madaling pagtayo. Dismissal na ng mga studyante dahil magsisimula na ang distribution of grades.

"Aakyat na ako sa taas," paalam ko sa kanila. "Baka magsidatingan na rin ang mga parents niyo. Ingat kayo pauwi."

"Bye po ma'am!" tugon nila sabay kaway habang naglalakad ako papunta sa hagdan.

Nang makarating ako ng second floor ay saktong palabas mula sa isa sa mga silid ng second floor si ma'am Sydney. Pareho pa kaming bumagal ang lakad nang makita ang isa't isa. Pareho kami ng direksyon na tinutungo, ang hagdan papuntang third floor.

Sinadya kong mas mauna siya nang kaunti kaysa sa akin dahil ang makasabay siya ay mas lalo lamang makakakapagpabaga ng tensyon sa pagitan namin.

Her hair swayed simultaneously with the alternating steps she made on the stairs. When she halted, I did so as well.

Nakatiyad ang aking paa nang matigilan dahil hindi ko inaasahan ang paghinto niya.

"Hindi naman ako nangangain, ma'am Ysabelle,"I heard the small laugh in between her words. "Well, I won't if you stop trying anything with Noah."

"I-I don't know what you're talking about. Walang kung ano sa amin..."

She chuckled in disbelief.

"But you're acting like it" umikot siya upang harapin ako. She looked down at me. "Umaasta ka pang mahiyain, pero walang hiya ka namang lumandi kay Noah."

Nagsalubong ang aking kilay at napalunok. Mukha bang nilalandi ko si Noah? Kung nakikita lang nila ang interaksyon namin ay hindi ko alam kung matatawag pa rin nilang ganoon. We barely touch at all. We only talk! Anong problema roon? Kailangan kong makipag usap sa kanya dahil katrabaho ko siya at isa pa'y landlord.

"And I bet you're using your depression as an excuse to talk to him. Dahil alam mong maaawa siya sa'yo," ma'am Sydney crossed her arms.

I clenched my fists. Ang tawagin akong malandi ay matitiis ko pa, ngunit ang banggitin ang pinagdadaanan ko na parang napakababaw lang nito ay nakagagalit.

"Wag na wag mong isali ang bagay na iyan sa usapan, ma'am Sydney," giit ko. "Baka hindi mo alam na isa pala sa mga studyante mo ang nakararanas niyan. Nakakahiya sa kanila kung maririnig ka nila ngayong walang bigat na binabanggit ang mga ito."

Ngumisi siya.

"Your parents wouldn't be so happy when they find out," she said in a threatening tone. "You should know where your loyalties lie, Ysabelle."

What does she know? Magkaibigan ang pamilya niya at ang pamilya ni Noah. May alam kaya si Sydney sa away ng pamilya namin?

"What do you-"

"I suggest we go back to our respective classrooms," itinaas niya ang wrist watch upang makita ang oras. "Baka mauna pa sa atin ang parents ng mga bata."

Gusto ko pa sana siyang paulanan ng tanong, kaya lang ay tama siya. Pilit ko munang inalis sa isipan ko ang nag uumapaw na tanong dahil may mas mahalagang dapat pagtuunan sa ngayon.

"Ysabelle yung basura ilabas mo, nasa banyo ako! Andiyan na ang mga basurero!" pang ilang ulit na ni Thelma kahit na bitbit ko na ang plastic. Hindi ako makasagot sa kanya dahil kagigising ko pa lamang at masyadong pagod para magsalita.

Papikit pikit pa ako habang papalabas ng pinto lalo na nang matapatan ng sinag ng araw. Pakiramdam ko ay baliktad ang tsinelas ko dahil hindi ako gaanong komportable sa paglalakad.

While I walked on the corridor, I felt the plastic bag from my left hand being tugged. I opened my eyes and found Noah. At tila nagising ang aking diwa sa kanyang presensya.

"Ako na ang magbababa. You can't be doing these with your eyes closed," turo niya sa antok na antok ko pang mga mata.

Umiling ako at hinigpitan ang hawak sa plastic bag.

"Titingin naman ako," I persuaded.

His strength equaled my resistance. Mas higit pa nga yata ang kanyang lakas dahil nagawa niyang kuhanin mula sa akin ang basura.

Napabuntong hininga ako at nagkibit balikat nang makababa na siya sa first floor para ibabot ang aming mga basura. Sa halip na bumalik sa loob ng apartment ay sumandal ako sa pader at nagpadulas pababa dahil sa kagustuhan pang matulog.

Pagkamulat ko maya maya'y hindi ko na ramdam ang lamig ng sahig na aking inupuan.

Humikab ako at nag inat sa kama bago bumangon. Ang pinakagusto kong oras sa araw araw ay ang ilang segundo matapos kong magising. Dahil iyon ang mga pagkakataon na blangko pa ang aking isip. Matapos ang isang minuto ay bumabalik na muli ang lahat ng bumubulong sa akin sa araw araw. Kaya kahit ilang segundo lamang ng kapayapaan ang aking paggising ay nilalasap ko iyon.

Umalis si Thelma dahil magkikita sila ni Bryce. Ginagawa lang yatang tulugan ni Thelma ang apartment ko at aalis din naman sa umaga.

Kasabay ng pagtitimpla ko ng kape ay nagbukas ako ng delata para maipakain sa mga pusa sa baba.

Isinarado ko lang ang pinto at hindi na nilock dahil sandali lang naman akong bababa at sa malapit lang ako pupunta. Ang matapang na amoy ng pintura ay nagkalat dito sa labas. Nang sundan ko ay nagmula ito sa loob ng bahay ni Noah. Bukas ang kanyang mga bintana at pinto.

He was shirtless while he painted. Magulo ang kanyang bahay dahil inalis niya ang mga nakalagay sa salas.

I allowed myself to gape at his body. My eyes marveled at the breadth of his shoulders. His muscles tensed and relaxed as he carried around things.

Hindi ko napansin na napatikhim na ako ng malakas. Huli na ang lahat para makatakas dahil agad akong nahanap ni Noah. Nanlaki ang aking mata at tuminginng diretso sa corridor upang mailigtas manlang ang sarili kahit kauti.

I walked straight without looking back.The hand which held the plate of food for the cat started shaking a bit.

And I should seriously stop talking with and thinking about him at all. I have to control what I feel.

Ngayong hindi ako abala sa school ay uuwi ako sa amin. Maybe I just need to be away from Noah so I'd snap out of it. Baka nararamdaman ko lang ang lahat ng ito dahil siya ang nariyan.

But how can I forget about him when he keeps on texting me?

Noah:

Are you mad at me?

Noah:

Have I done something you didn't like?

Noah:

Ysabelle, please talk to me.

Ibinaba ko ang aking cellphone at pinilit ang sariling huwag tumingin sa kanyang mga mensahe. Isa pang basa ko nito ay alam kong titiklop nanaman ako.

Tumunog muli ang cellphone ko.

Noah:

Let's talk when you get back.

"Ysabelle, dalahin mo nga muna itong pinindot sa iyong mga kakang Ramil," may dala dalang tupperware si mama pagkapasok niya sa kwarto.

Tumayo ako agad at kinuha ito sa kanya.

"Wag mo nang hintayin ang lalagyan at sa kanila rin naman yan," dugtong ni mama bago ako makalabas ng bahay.

Pagkalabas ko ay natanaw ko si papa sa bandang silangan ng compound na nakikipag inuman. Bumili ng wine na carlo rossi ang mga tiyo kaya nakakainom si papa.

"Saan ka papunta anak?" tanong ni papa nang mapansin ako.

"Sa mga kakang Ramil ho!" maikling sagot ko bago nagpatuloy sa gawing hilaga ng compound dahil naroon pa sila sa may malapit sa labasan.

Maraming nakatambay sa harapng tindahan ng mga kaka. May mga namumukhaan pa ako sa kanila. Ang iba ay dating mga schoolmate.

Bumuntong hininga ako dahil sila ang mga taong nagsalita ng masama tungkol sa akin.

Tapos na iyon, Ysabelle. Nagtuturo ka na ngayon kaya wala na silang masasabi.

Kung hindi lamang utos ni mama ito ay hindi na ako tutuloy sa kanila para lang maiwasang magtagpong muli ang mga landas.

"Ysabelle! Umuwi ka pala," bati sa akin ni kaka.

Tumango ako at ipinatong sa may harap ng tindahan ang pinindot.

"Bigay ho ni mama."

"Teka..." I heard recognition in someone's voice. And that's how I knew that they still remember. "Ysabelle?"

I only gave them a side glance and a small smile that is barely considered one.

"Aba! Nagtatrabaho ka na raw sabi ni mang Ramil," turo ni Daryl sa kakang Ramil. "Buti kaya mo? Diba lagi kang inaatake noon?"

"Sabi sa'yo pare eh, umaacting lang yan. Pero ayos na rin, nawawalan ng klase," nagtaas baba ng kilay sa akin ang kasama niyang si Kevin.

Hinawakan niya ang aking braso. "Gumanda ka lalo ngayon, Ysabelle."

Inilayo ko ang sarili sa kanya at agad nang nagpaalam kay kaka.

"Uuwi na ho ako. M-may gagawin pa po kami ni mama..."

Hindi na ako nahiyang magpakita ng kagustuhang umalis at tumakbo ng mabilis papalayo sa kanila. They make me so uncomfortable.

Pumunta ako ng aming kusina papuntang lababo upang maghugas ng kamay dahil nanggaling sa labas. May yabag sa aking likod habang ginagawa ko iyon na panigurado'y si mama kaya hindi ko na nilingon.

"Ysabelle..."

Isinarado ko ang gripo dahil sa lamig ng boses ni mama. Kahit na pangalan ko lamang ang kanyang binanggit ay naramdaman ko ang diin.

"M-ma, bakit po?" I reply guiltily kahit na hindi niya pa ako inaakusahan ng kahit ano.

Ipinakita niya sa akin ang cellphone ko na nagflash ng conversation namin ni Noah sa aking messages. My mama's hand trembled as she held the phone in front of me.

"Kayo ba ni Noah Vasquez? May namamagitan ba sa inyo?" she interrogated. There was terror and disapproval in her voice.

Napalunok ako.

"M-magkatrabaho lang po," kinagat ko ang aking labi.

"Simula ngayon ay hindi ka na makikipag ugnayan sa kanya. Umalis ka sa Southville at maghanap ng trabaho rito sa batangas," sunod sunod na utos ni mama.

Lito akong napatulala kay mama. Alam kong magkaaway ang pamilya namin, pero ano ba ang alam at parte namin ni Noah dito?

Umawang ang aking bibig.

"P-pero... ayos naman po kayo sa kanya n-nung nakaraan..."

"Sigurado akong naramdaman mo ang kawalang katotohanan ng mga iyon," walang emosyong sagot ni mama.

"Mama nandoon ang kabuhayan ko! Hindi naman pwedeng iwanan ko iyon. Walang kasiguraduhan kung makukuha ako rito," pagkontra ko.

Bukod sa nanghihinayang ako sa nasimulan na ay ayaw ko rin namang iwanan ang mga studyante ko roon. Not when I'm already comfortable. Not when I'm slowly finding people who can appreciates me.

"Bakit? Hindi mo maiwan si Noah?" tumaas ang boses ni mama.

This is the first time I'm seeing mama raise her voice at me. At hindi ko mailarawan ang galit sa boses at ekspresyon niya. I wonder what wounds were inflicted by the Vasquez family that made her this spiteful.

"Hindi yon ma! May mga studyante ako roon! Hindi ko sila matitiis-"

"At hindi ko rin matitiis na nananatili ka sa presensya ng taong dumakip at nagkait sa'yo ng ilang taon ng kabataan!"

My mind couldn't fathom what was revealed to me. Masyadong nakakabingi ang mga salitang iyon. Kahit na malakas nang idinedeklara sa akin ay parang wala akong naririnig.

Nag uunahan na ang iba't ibang emosyon. Nag aagawan para sa ikaunang pwesto ng kung ano ang dapat kong maramdaman at maging reaksyon.

"P-po?" my voice broke.

My mama's lips quivered. Hirap na hirap itong magpaliwanag. Hindi nahihirapan kundi ayaw niyang ipaliwanag.

Saksi ko ang pakikipaglaban ni mama sa kanyang sarili. Nag angat siya ng tingin sa akin.

"Isa kang biktima ng kidnapping, anak," tumulo ang luha ni mama ng may galit sa mata. 

Continue Reading

You'll Also Like

18.1K 1.2K 57
They say, "Forgiveness is the best form of love. It takes a strong person to say sorry and an even stronger person to forgive." Are you willing to f...
174K 8.4K 44
"I will heal someone I wanted to heal. So shut the fuck up and die!" A healer who don't heal everyone. A healer should be weak but why she's acting s...
638K 20.3K 76
There are four girls na mayaman, maganda, sexy, fashionista and. . . GANGSTERS They are the most powerful gangsters, they are known for their strengt...